Sa Dating Tagpuan, Sinta

By asterovenia

394 42 3

"Babalikan ko lahat, sisimulan ko sa simula, tatapusin ko sa wakas, sa dating tagpuan, sinta." a story writte... More

Sa Dating Tagpuan, Sinta
Simula
01
03
04
05
06

02

30 5 0
By asterovenia

“Anong oras ka umuwi kagabi?” tanong ni mama sa akin pagsapit ng umaga habang ako ay nagsusuklay. Papasok lang ako sa paaralan. Nakakatamad pero kakayanin ko ‘to. Gusto ko kasing makapaghanap ng trabaho tsaka matulungan si mama. Para hindi na siya magtitinda sa palengke at ako na ang bahala sa lahat.

“Alas dyes po ata yun,” sabi ko. Tumango lang si mama at tinawag niya ako upang bigyan ng pera. “May pera pa naman ako dito, ma” sabi ko pero pinilit niya parin akong kunin iyon kaya wala akong nagawa at nagpasalamat sa kaniya.

Pagkalabas ko sa bahay, nakita ko agad yung kapitbahay ko at kaklase kong si Diane na naghihintay sa akin. Sabay kami papunta doon.

“Ma, aalis na kami,” sabi ko. Wala akong narinig na sagot galing kay mama pero alam ko namang narinig niya iyon.

Naglalakad lang kaming dalawa sa kalsada nang biglang may tricycle na huminto sa amin.

“Manong hindi po—”

“Ouch, Lei! Manong na ba ako?” sabi ni Tristan. Inirapan ko siya tsaka ay hinila si Diane.

“Makikisakay nalang tayo, Lei” ani Diane.

“Maglalakad nalang tayo, sayang yung pera,” sabi ko pero nagulat ako nang may biglang naghiwalay sa amin ni Diane.

“Social distancing po,” ani Tristan tsaka ay hinila niya ako papasok sa tricycle. Nilingon ko naman si Diane na ngayon ay nakangiti at napailing-iling. Sumunod narin siya sa aming dalawa ni Tristan at sumakay na rin sa tricycle.

“Napaghalataan ka na, pre” nang-aasar na sabi ni Diane kaya napangiti si Tristan at tumingin sa akin. Inirapan ko naman siya at hindi na nagsalita. Hinayaan namin siyang ihatid kami sa paaralan.

Dumadaldal si Tristan sa biyahe habang si Diane naman ay tawa na nang tawa tsaka palagi niya akong sinisiko bakit daw hindi ko sinasagot si Tristan. Wala akong pakealam sa kaniya. Nahihiya parin ako sa nangyari kahapon. Subukan niya lang ipagkalat, malilintikan siya sa akin.

Nang makarating na kami sa paaralan, tahimik akong bumaba sa tricycle at nagbayad pa ako sa kanya.

“Anong gagawin ko diyan?” tanong ni Tristan habang nakatingin sa barya na inabot ko sa kaniya.

“Libreng sakay daw yun! Ikaw naman kasi di nakikinig!” natatawang sabi ni Diane. Napataas naman ang isa kong kilay lalo na nong ngumiti ng malapad si Tristan. Kinuha ko ang kamay niya tsaka nilagay ko sa ang barya. Tumalikod na ako kahit na nagsasalita pa siya. Agad ko namang hinila si Diane.

“Ikaw ah, nagmamagandang loob yung tao tapos ginaganon mo lang” sabi niya. Hindi ko rin alam. Naiinis ako kay Tristan sa mga pagaganyan niya.

Matagal naman siyang ganyan sa akin. Ayos lang naman pero parang ewan, nasosobrahan ata? May parte sa akin na gusto kong patigilin siya sa mga ginagawa niya ngayong maaga pa.

Pumasok na kami sa room namin tsaka umupo na kami. Nasa may bintana ako nakaupo dahil gusto ko. Mahangin dito e. Nasa fourth floor pa naman kami.

“Hala, Lei? May assignment ka sa ano...” tanong ni Diane. Alam kong kokopya na naman ‘to.

“Ano?”

“Pre-calculus,”

Kinuha ko naman agad ang notebook ko tsaka ay ibinigay ko iyon sa kaniya. Nagulat pa nga ako sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko. Napangiti nalang ako dahil ganun naman talaga yun.

Nakadungaw lang ako ngayon sa bintana habamg hinihintay ang first class namin ngayon. Alas syete palang tapos yung class namin alas nueve pa. Inagahan ko lang talagang pumunta dahil alam kong kokopya ‘tong si Diane.

Nakaramdam ako ng antok at dahan-dahan ko na sanang ipikit ang mga mata ko nang may nakakuha ng atensyon ko. Tumingin lamang ako sa gawi niya. Nakaupo siya sa lilim ng puno habang nakapikit ang mga mata. Halatang natutulog lang siya doon.

Hindi ko naman masyadong makita ang mukha niya dahil malayo naman ang pwesto ko sa kaniya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan iyon. Napansin ko rin ang pag-upo niya at tsaka paglagay ng earphones niya sa tenga niya. Sumandal siya sa puno tsaka ay tinakpan ang mga mata niya gamit ng braso niya.

Nakauniform din siya kaya halatang dito rin siya nag-aaral. Hindi ko rin alam kung ano ang grade niya. Pero I guess, same lang ata kami.

“Sinong tinitigan mo?” napalingon ako kay Diane sa biglaang pagtanong niya. Umayos naman ako ng upo tsaka kinuha na yung notebook sa kaniya at sakto namang pumasok na si ma’am kaya natahimik na kaming lahat. Ngayon ko lang din napansin na marami na palang tao dito sa room.

Naging maayos naman ang mga subject classes namin. Mga minor subject ngayong umaga tapos yung majors daw sa hapon na.

“Lei, samahan mo ako sa cr.” sabi ni Diane. Hindi pa nga ako pumayag hinila na niya ako. Muntik pa nga kaming makabangga ng estudyante dahil sa kaniya.

“Hintayin mo lang ako diyan sa labas, mabilis lang ako magpopo” aniya. I hissed at umirap. Ngumiti naman siya sa akin at pumasok na sa loob. Isinandal ko lang ang ulo ko sa pader. Napakabored, hindi ko pa dala yung cellphone ko.

Naghihintay lang ako rito sa labas nang mmay bigla namang dumaan sa harapan ko. Tumingin ako sa kaniya nang mapatingin din siya sa akin pero agad naman siyang umiwas at dumiretso na sa kung saan siya pupunta.

Sigurado akong siya yung lalaki sa ilalim ng puno kanina. Yung porma niya kasi.

“Ayos na” sabi naman ni Diane na kakalabas lang. Inanyayahan na niya akong pumunta sa canteen para bumili ng lunch.

“Babalikan ko lang muna yung pitaka ko sa room” sabi ko. Tumango naman siya sa akin kaya tumakbo na akl papunta doon. Hindi naan kasi siya nagsabing didiretso na kami sa canteen.

Agad ko namang kinuha yung pitaka at tsaka ay naglalakad na pabalik sa canteen ngunit tinawag ako bigla ng isa sa mga subject teachers namin at inutusan niya akong dalhin yung notebooks namin sa faculty room, kung saan nandoon yung office ni ma’am. Katabi lang ng principal’s room.

Habang naglalakad ako patungo roon, napahinto ako nang may narinig ako ingay sa loob ng principal’s room. Para bang may nabasag na bagay. Napatitig akk sa pinto. Anong nangyari?

Bigla namang may lumabas galing doon at nagulat pa nga ako nang makita ko na naman siya. Siya yung lalaking dumaan sa harapan ko kanina. May dugo yung labi niya tsaka may maliit na sugat sa pisngi niya.

Anong nangyari?

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin tsaka ay naglakad na papaalis. Sinundan ko siya nang tingin bago ako lingunin yung principal’s office.

Nakikibit-balikat nalang ako tsaka nilagay ko na yung notebooks sa faculty room. Pagkalabas ko ay inilibot ko ang paningin ko. Didiretso na sana ako sa canteen nang sa may hardin, nakita ko siya. Nakapikit at nakasandal sa puno na sinasandalan niya kanina. Kitang-kita ko ang sugat sa pisngi niya.

May kinuha ako sa pitaka ko at napabuntonghinga. Buti nalang mayroon ako nito. Dahan-dahan akong naglakad sa direksiyon niya tsaka ay napansin niya naman iyon. Agad ko naman inabot yung band-aid.

Tinitigan niya naman iyon.

“Wala akong sugat.” sabi niya. Tinitigan ko naman siya at napailing-iling. Ako na mismo ang naglagay non sa pisngi niya at naramdaman ko naman ang pagkatigil niya.

“S-salamat...” sabi niya. Tumango ako tsaka ay tumalikod na.

Wala akong narinig salita sa kaniya kaya ay dumiretso na ako sa canteen. Nakita ko roon si Diane na nasa isang table na. May pagkain na rin don kaya sigurado akong nililibre niya ako.

“Bakit ang tagal mo?”

“Inutusan lang ni ma’am.” sabi ko tsaka ay nagsimula nang kumain.

Napatigil naman ako nang may narealize ako.

Yung boses ng lalaki...

Katulad ng boses ng lalaki na nakilala ko sa may punong mangga.

Sino siya? Bakit ngayon ko palang siya nakikita kung dito lang naman din siya nag-aaral?

“Hoy tulala ka diyan?”

“W-wala...”

Inaamin ko, may parte sa aking gusto kong malaman ang pangalan niya. Gusto ko siyang makilala at gusto ko siyang tulungan kung ano man ang problema niya.

Continue Reading

You'll Also Like

146K 7.1K 49
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
497K 9.8K 105
violet jones grew up around people that she feared. one day she got thrown a massive curve ball, her whole life blowing up just within just two days...
34.1K 684 47
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
606K 17.9K 37
[BoyxBoy] Kai Carter has been through hell and back. His parents are abusive, homophobic and don't support him financially so he has to work part ti...