his innocence

By hehflynn

137K 5.5K 1.1K

I saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my... More

Teaser
Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter

Chapter 4

3.6K 149 18
By hehflynn

Chapter 4

Hinanap agad ng mga mata ko si Gaddiel Ivan Sandoval nang pumasok ako sa classroom. Mag-isa ako dahil magbo-boyfriend time pa ang mga kaibigan ko bago raw matapos ang break.

Can't wait to have my boyfriend too.

Agad ko ring nahanap ang hinahanap ko at mabilis ding napakunot-noo sa nadatnan. Pinalilibutan siya ng ilan naming babaeng kaklase at parang aliw na aliw ang mga ito sa hindi komportableng ekspresyon sa mukha ng kinakausap nila.

"As in since kindergarten, homeschooled ka?"

"Grabe naman 'yon!"

"Kaya pala ang putla-putla mo. Hindi ka rin ba pinapalabas sa inyo?"

I saw how he almost hid his face from them. Nakaupo siya sa upuan niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa libro niyang nakapatong sa armchair.

Bumuka ang bibig niya ngunit parang hindi alam ang sasabihin.

I gritted my teeth before I walk towards them. Tumigil ako sa likod ni Sandoval at itinukod sa sandalan ng  upuan niya ang dalawa kong palad.

Natigilan ang tatlong babaeng nakaangat na ngayon ng tingin sa akin. Parehong nakaawang ang mga bibig nila habang isa-isa ko silang tinitingnan. I smiled sarcastically at them bago ko ibinaba ang tingin sa bagong kaklaseng pinipeste nila kanina lang.

Mukhang hindi niya parin napapansin ang presensiya ko sa likuran niya at abala pa rin sa paghagilap ng pwedeng itugon sa sinasabi sa kanya ng tatlong kaklaseng kaharap.

Oh, God.

Ngumisi ako nang nagsimulang humakbang paatras ang tatlong kaklaseng babae. Kinagat ko ang ibabang labi habang pinagmamasdan silang lumayo sa amin. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase pero wala akong pakialam doon.

I sighed. Dahan-dahan kong ibinaba ang ulo sa gilid ni Gaddiel Ivan na mukhang gulong-gulo sa mga nangyayari.

"Hey..." bulong ko sa napapaos na boses.

Nagulat siya at namimilog ang mga matang bumaling sa mukha ko na nasa gilid lamang niya. Nasapo niya pa ang gilid na bahagi ng mukha niyang binulungan ko.

Agad din akong lumayo dahil sa reaksiyon niya. Saka isa pa, maraming nakatingin sa amin. Baka isipin na naman nilang binu-bully ko siya.

Umayos ako ng tayo ay bahagyang humakbang papunta sa harap niya. Nanatiling nakaangat ang tingin niya sakin at nakatalikod sa mga kaklase namin. Hindi siya gumagalaw ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang mataranta. Medyo namumula rin ang mukha niya kaya mabilis kong tiningnan ang uniform ko na inayos ko kanina bago pumasok sa classroom.

Ayokong magmukhang pathetic na kinukulit siya gaya ng tatlo naming babaeng kaklase kanina kaya nginitian ko at sinulyapan ang libro niyang kanina niya pahawak nang mahigpit.

Nakita kong classic novel iyon habang ang ibang nakalapag sa armchair niya ay mga textbooks naman namin.

Napansin ko ang bookmark niya na nakaipit na sa last page ng libro. Ibinalik ko ang mga mata sa kanya, nakangiti parin.

"Tapos mo na 'yang basahin?" tanong ko. Kumurap siya saka bumaba ang tingin sa libro niyang itinuturo ko. Namula na naman siya at hindi na ibinalik sa akin ang tingin.

Ano na naman ba?! Maayos naman na ang blouse ko ah!

"This? Y-yes," nahihiya niyang sagot.

I raised my brows. "Oh, how lucky! Naubusan ako ng stock niyan noon nang namili ako sa NBS." wika ko sa mababang boses.

Gumalaw ang kamay niyang nakahawak sa libro. I notice his pale and almost fragile arm. Kasing payat ko lang yata siya. But his fingers are really beautiful, they're long and clean.

I wonder how it felt to hold his hands.

I internally groaned. Ridiculous! Kahit daliri pinupuri ko na.

"Can I borrow yours?" diretso kong tanong. Ayokong isipin niyang wala akong pinagkaiba sa mga kaklaseng nangulit sa kanya kanina. Kahit na mukhang hindi naman ako nalalayo sa mga 'yon. Alright, inaamin ko na, medyo pathetic na ako.

Mas umilap ang mga mata niya. Inayos niya ang suot niyang eye glasses at halos hindi maiangat ang libro gamit ang isang kamay. It was even trembling a bit as he hand me the book.

"You can have it," wika niya.

Bahagya akong napanguso. Hindi ko alam kung bakit gusto kong ngumiti nang malapad. Hindi ko ini-expect na ipapahiram niya talaga. I mean, mukha siyang mabait... mukhang sobrang bait pa nga pero hindi ko inaasahan na ibibigay niya talaga sa akin ng walang pag-aalinlangan.

Ang totoo ay ilang beses ko nang nabasa ang librong iyon. It was one of my favorite in my collection actually. Bukod sa sikat ang sumulat no'n, sobrang ganda rin kasi ng contents.

"Thank you! I'll return this pagkatapos kong basahin." sambit ko pagkatapos kunin sa hawak niya ang libro.

Aalis na dapat ako dahil medyo pathetic lang naman ako kaya lang mismong sariling katawan ko ay parang ayaw siyang lubayan. His every moves are just amusing to me, his expressions and gestures... it's so fascinating to me. It makes me want to just sit silently in front of him and stare at him for the whole day.

"By the way, I'm Kyelia Hernandez." sambit ko saka inilahad sa kanya ang palad ko habang ang isang kamay naman ay hawak ang libro niya. Actually, I'm hugging his book as if it's one of my precious collection.

Nag-angat siya ng tingin sa akin sa wakas. Lihim akong nagdiwang dahil doon. Sa kabilang banda ay may parte sa akin na naguguluhan parin sa lahat. This is all new to me! Flirting na ba ang tawag dito? Mukhang hindi pa yata. Ayoko namang biglain itong kaharap ko, bukod sa baka magmukha akong stupid baka rin himatayin siya.

Ayoko no'n. Ayokong matakot siya sakin.

He fixed his glasses again. Oh, God! Pag naging boyfriend ko na siya, una kong ireregalo sa kanya ay bagong eye glasses. 'Yong ka-size niya at iyong sexy tingnan. Hindi iyong malaki at laging dumudulas pababa kahit na matangos ang ilong niya.

The only problem is... I can't imagine him being sexy. He's more on cute, adorable, and charming. And that's what I like. Totally.

"I'm--"

"Gaddiel Ivan Sandoval, yes?" putol ko.

He swallowed hard and nodded. Dahan-dahan niyang tinanggap ang nakalahad kong kamay.

And when he did, I suddenly feel as if there's some flying pests inside my stomach. I almost curled my toes in excitement and something.

Ito ba 'yong nabasa ko kagabi? The teenage hormones and how it's sensitivity works in my age? Hindi naman siguro. I just felt ticklish in my stomach, I didn't feel horny or something.

Iyon sigurong kahapon na gusto ko ring maranasang makipaghalikan, 'yon ang totoong may kinalaman sa teenage hormones pero ito... I don't think so. I'm not saying that I'm horny yesterday! I'm just freaking curious and I will do anything to fill my curiosity-- that's my most concrete character.

But shit, it's so hard to be a newbie.

"J-just Gaddiel or Ivan..." putol niyang sambit. Parang may gusto pang idugtong pero hindi ginawa. Nakatitig siya sa mukha ko.

Sumunod naman ang mga mata ko sa pagbuka ng labi niya. He's really fair that's why kitang-kita ang pulang-pula niyang labi. Oo at maputla siya ngunit hindi ang labi niya. Besides, it looks really warm like his scent. His honey scent.

Salungat nga lang ang lahat ng iyon sa palad niyang hawak ko ngayon. It's really so soft but...

Bahagya kong pinisil ang nanlalamig niyang palad bago iyon binitawan. Parang wala naman siyang dugo doon. Nakita ko pang  lihim niyang pinagkiskis ang dalawang palad niya pagkatapos. Is he cold or something?

Ngunit ang talagang ikinabigla ko ay ang pagngiti niya sakin. Iyong ngiting parang nagpipigil. Tipid pero bagay na bagay sa maamo niyang mukha.

Ako lang ang nakakita no'n at wala nang iba. Nasa sulok itong puwesto namin at nakaharap siya sakin na halos sumandal na sa pader na tabi ng bintana. Nakatalikod siya sa lahat ng kaklase.

Napalunok ako. Pakiramdam ko nagpa-palpilate ang ilalim ng mga mata ko sa pagpipigil kong mamilog ang mga mata.

Hindi ko man lang nasuklian ang maganda niyang ngiti nang taranta akong umalis sa harap niya at imbes na umupo sa upuan kong nasa likod lang niya, halos liparin ko ang pintuan ng classroom namin makalayo lang nang tuluyan.

I do not have any heart complications but I feel as if I have right now.

Gosh, nginitian lang ako, gano'n na agad. I cannot believe my self! He's so charming! He's like a soft innocent angel sent from above.

Inirapan ko pa siya noong nakaraang araw because he looked just like a normal loser nerd tapos ngayon ganito?

Damn it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
13.4K 527 44
[Evil Series #1] They were bound to marry each other when all of the sudden, she went missing on the exact date of their wedding day. They all though...
25.7K 1.5K 40
WARNING: R-18 Trishtan Turner, a volleyball varsity player who plays for his school is an absolute optimist. He's too obsessed with volleyball. He on...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...