Doctor Who? [BOOK 1] COMPLETED

Galing kay EnsconceSlack

833K 20.3K 1.5K

Patience, they say... Good things come to those who wait, they say... To say that one waits a lifetime for th... Higit pa

1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34 Tissue
35
36
37
38 ILYG
39
40: Epilogue

6

23.4K 517 15
Galing kay EnsconceSlack


**Reece's POV




Naririnig ko yung phone ko na tumutunog. Kinapa ko ang higaan ko pero wala ito doon. Bumangon ako at nakita ito sa may mesa sa tabi ng kama. Nang tinignan ko ito at nakita ko kung anong oras na.






"Holy shheeeez!"





Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kirot na nararamdaman ko roon. Parang lalabas na yung utak ko. Sana hindi ganito mamayang papasok ako sa Hospital.





It didn't even register to me that I'm not in my house. Oh no, it can't be! Mabilis akong tumayo para tignan kung nasaan ba ako at ang damit ko. Nakashirt ako ng malaki, not wearing a bra at naka-pajama.





Napabalikwas naman yung taong nasa tabi ko. My mouth went wide. I slept...with...a...girl....






"Why are you so freaking loud? It's still so early." Umupo ito nagkakamot sa ulo, kita ko ung nipples niya kasi naka-sando lang siya na hapit. Iniwas ko ang tingin ko baka ano pa isipin niya.






"Sino ka!!" Naiiyak na ako. Sabay yakap sa sarili ko.






Tinignan ako nito na natatawa.







"Chill, Reece. I'm Yassy's cousin, Boni. I helped you last night when you were so wasted at nagsuka ka, then nahilo ka at yan binihisan ka. Yun lang po ang ginawa ko." Tumayo ito at lumapit sa'kin.






Nakahinga ako ng maluwag. Well, it's better to randomly wake up beside a girl than a guy right? Minus that part where my virginity is taken by the same sex.






Inabot niya yung mga gamit ko. Napatitig ako sa legs niya na parang hindi nabahiran ng sugat. "Ahem.. Dito ang tingin." Confident na turo niya sa mukha niya.






"Thanks.. Uh--Boni." Nahihiya tuloy akong tumingin sa mata niya. After kong kinuha ang mga gamit ko and mustering all the confidence left in me, mabilis na akong nagpaalam umuwi. Hindi ko na narining pa kung ano ang sinabi niya.






Nagmadali akong umalis dahil naalala ko si mama dahil panigurado ay gising na sa ganitong oras.







As what I have expected, andoon siya sa garden at nagdidilig ng mga orchids niya.






"Oh, andyan ka na pala. Nag-breakfast ka na ba?" Nakangiting bati ni Mommy. Grabe kinakabahan ako kasi akala ko magagalit pero hindi pala.






"You're not mad?" Takang tanong ko habang mabagal na papalapit sa kanya.







Malay ko ba baka mamaya maghagis pala siya ng paso sa akin.






"Pinaalam ka naman ni Yassy, she said that you'll be staying for the night. Pagod ka raw at ayaw ka niyang gisingin kaya mas mainam na doon ka na magpalipas ng gabi." Sagot nito habang nagtatanggal ng mga dried leaves sa pot ng iba pang halaman niya.






"Okay. Pasok na ako, Mommy." Dali-dali na lang akong pumasok para di niya ko maamoy.






Hayss! Save! Umakyat na ako ng kwarto at naligo. Gusto ko pang matulog kaso mamaya na ang shift ko sa hospital, baka tamarin na akong gumising.







Medyo nawala yung hangover ko dahil sa malamig na tubig na dumapo sa ulo ko. Trying to remember last night, I only had a vivid images of Boni. That's kind of her to take me in, a stranger, in her room. Thank God for that.







Bumaba na ako at nakita ko ang bunso naming si Reed na tahimik na kumakain ng almusal. He's already on his Third year in College and taking up Medical Laboratory Science. Idol ako niyan eh, gusto daw niya parang akin mas cool daw.







Ewan ko ba diyan, di ko nga na-keri mag-fecalysis tapos ang baba pa ng sweldo kaya mas mainam ipagpatuloy sa Medical School.







"Anong oras pasok mo panget?" Bati ko tsaka umupo sa tapat niya. Sumimangot naman ito.






Milk, fresh baked bread with raisins, cheesy mushroom scramble. Of course, inom muna ko ng maraming tubig. Hydrate yourself after ka nagpakababad sa alak.






Wow! Sarap. Galing talaga ni Mommy, kaya ayaw ko ding umalis dito sa bahay namin dahil masarap siya magluto. She's a chef by the way. Baka mangayayat ako pag nag-sarili ako.






Hindi naman ako katabahan, di rin ako kapayatan. Sakto lang daw ang figure ko, kumbaga physically fit.






"Kumain ka na nga, tulo na laway mo eh. Mamayang 1 pa pasok ko ate kasi cancelled wala daw prof." Sagot nito habang may laman pa ng pagkain yung bunganga. Sisitahin ko na sana siya nang magsalita si Dad.







"Don't talk when your mouth is full, Reed." Striktong sabi ni Dad. Humalik siya sa mga noo namin at tumabi para kumain. He just got home from work.







"Good morning, Dad." Kumuha na ako ng pagkain para makaiwas nanaman sa mga sasabihin niya. Di kasi siya nauubusan ng sasabihin, kumbaga iniipon niya. Titigil lang si Dad kapag si Mommy na ang nagsalita.







"Patrice, Dr. Vasquez said you were out of focus during one of your surgeries. Anak, bawal yung ganyan. Dapat full attention nasa pasyente. You need to face what's in front of you rather than things that are not." Here we go again... I still have a hangover which makes my temper a little at the wrong side.






Dad's the only one who calls me Patrice but not unless my Mom's mad at me that she calls me by my whole name.







And truth be told, I wasn't out of focus! Grabe, alam ko naman na buhay ang hinahawakan ko. At hindi yun biro. Yung assistant nurse ko kasi, biglang nahimatay. 50/50 na yung pasyente ko, di na alam nung ibang nurse kung sino ang uunahin. 5 seconds lang nawala sa paningin ko yung pasyente para i-instruct yung isang nurse na ilabas yung nurse na nahimatay.







Tapos nakita ni Dr. Vasquez yung commotion at heto nga nagsumbong na kay Dad na Chief Surgeon sa hospital.








People will be people, even the littlest -I don't even know if that's a word- thing ay papansinin then voilà, it becomes a big deal. Crab Mentality at its finest. Sadly, it's already a norm in our country.







"It wasn't like that, Dad---"







Of course, he will not take any of my excuses.







"Anak, just tell me. Can you really handle being a surgeon?" Nakatitig ito sakin. Wala talaga siyang tiwala sa'kin.







"Yes, definitely. I love my job, Dad---"







Ayan. Pinutol nanaman niya ko.







"I expect that I wouldn't hear any more complaints from the other Doctors regarding on your performance. We have an image to uphold, Anak. You know that." Huminga ako ng malalim at tumango.







Si Reed tahimik na nakatingin lang sa'min. Gusto kong sabihin sa kanya na wag na siyang mag-doctor. Ang sama lang eh noh?







Si Dad ay kilalang isang Neuro-Surgeon. Malinis kapag nagtrabaho kaya madaming bilib sa skills niya sa medicine. Miracle Doctor kumbaga. At the very young age, kinuha na siyang Chief Sa hospital. Akala nga nila gagayahin ko siya, kaso hindi. Nag-Cardiologist ako. Di naman niya ako pinigilan sa desisyon ko.







Out of 100 percent, 25 of it ay ang nagtutulak sa akin para bumili ng getaway place. Pero tama naman si Dad, may image nga naman ang Pamilya namin. Kaso lang, lagi na lang ganito. Morning ritual na ata niya na pagsabihan ako, yung tipong hindi kumpleto ang araw niya ng di ako napagsasabihian.








Hindi kagaya ni Ate, mas matanda lang siya ng isang taon sa'kin. Nasa states si ate ko ngayon, nag-pra-practice ng medicine sa Harvard. Neurosurgeon din. Kaya proud na proud si Dad sa kanya eh. He never scold her.







"Love, hindi ka pa ba magpapahinga? Ano nanaman ang sinasabi mo kay Reece?" Nakapameywang na sabi ni Mommy kay Dad.







Buti na lang ako ang love ni Mommy.







Yung mukha ni Dad kanina na parang madilim ngayon sumigla. Ganyan lagi, kada meron si Mommy ay iba na ang mood niya.







Yan ba ang epekto ng love? A stone heart will melt. Ang funny pagmasdan si Dad. He is totally whipped.







"Work stuff lang love." Sabay ngiti ng nakakaloko. Binilisan ko nang kumain at nagbihis. Maaga na lang akong pupunta ng hospital.





••••••••••••••••





Nasa Hospital na ako at nagpark sa reserved parking space ko.







"Dr. Gray, ang aga naman natin ngayon?" Sabay tingin sa relo niya. Si Dr. Erica Lopez, barkada ko simula nung MedSchool days. Halatang pagod na siya, ewan ko ba dito kung bakit gustong gusto mag 24 hours sabay camping sa office niya.







"As usual.." gets na niya kung anong ibig kong sabihin. Tumango ito at sumabay saking maglakad. "Same old, same old."






"You know what? Why don't you buy a unit diyan sa ipapatayong condominium two blocks away from the hospital. I've heard na magiging advance ang building na iyon."





Gusto kong sabihin na siya ang mas kailangang bumili pero alam ko naman ang pinagdadaanan ng kaibigan ko ngayon.






"I'll keep that in mind. Hey, kailan ka huling natulog ng 8 hours?" Nakataas kong kilay na tanong. Pano walang katapusan siya kung makahikab.







"Kagigising ko lang timang." Tamad na tanong nito.







"Grabe, maligo ka naman. Proper Hygiene naman, Doc!" Biro ko sa kanya. Tinulak niya ako at nabungo ko tuloy yung isa pang doctor.







"Sorry about that, Dr. Sy." saad ko nung nakita ko kung sino ang nabungo ko. Umiwas ng tingin tuloy si Erica, nahihiya.








Love of her life daw niya kasi si Dr. Kassmir Sy. Kaso eversince di naman niya ito pinormahan at hanggang sulyap lang siya. Kung ako man ay tagilid din, hindi ako magdadalwang isip na ligawan si Kass. Sobrang ganda kaya niya at ang dami niyang pasyente lagi. Di ko alam kung totoong aksidente or sadya na eh.






I suddenly get curious, the sudden increase of homosexuals. Ito na ba ang new trend?







"No harm done, Dr. Gray." Sabay tingin kay Erica. "Ahem. Dr. Lopez, maligo ka naman." Sabay pabirong takip ni Dr. Kass sa ilong niya.







Tumawa tuloy ako pero patago. Umalis na si Kass habang yung kaibigan ko eh sobrang talim kung makatingin. Ang sama talaga nung babaeng 'yon!







"Duty calls! Bye, Erica!" Agad na akong umalis baka ano pa gawin sa'kin ni Erica.







Lakad. Lakad. Habang tanaw ko na ang office ko. Ang dami ng nakapilang naka-appointment sa akin. 15 patients lang ang tinatanggap ko everyday kasi nagroround check pa ko.







"Good morning, Doc!" Masiglang bati ng secretary kong si Nancy.






"Good morning din" ngumiti ako at pumasok na sa loob.







Narinig ko na may kumatok sa pinto ko habang naghuhugas ng kamay.






"Come in." Doctor mode na ako.







"Doc, start na ba tayo?" Si Nancy.







"Yeah, para mas maaga tayo matapos."







And the day goes on.....








Naka-out na ako sa Biometrics nang tumunog yung phone ko.






-Lance Calling-





Inaalala ko kung sino itong Lance na ito na naka-save sa phonebook ko.




Isip isip.



Yass.Party.Hot.Guy.






Yan yung binigay ng utak ko.






'Hello?' Sagot ko.






'Hi, is this Reece?' Oh myyyyy.. Nakaka-attract naman ang boses niya. My knees wanted to melt.






'Yes, speaking.' Siyempre wag masiyadong pahalata na bumibigay.







Narinig kong huminga ito ng malalim.







'I thought you gave me a wrong number, wala kasing sumasagot kanina.' He let out a manly laugh.






'Sorry, Busy day dito sa hospital. So why did you call?'






'I was just wondering if you fancy having a dinner with me tomorrow?' Nilayo ko ang cellphone ko sa akin at tumili ng marahan.






'Wait, let me check on my schedule..' Sinilip ko yung note ko, hindi ako mag-roround check tomorrow. It will be an early day for me. He's got the right timing.







'Yeah, a dinner would be nice.'







Narinig ko siyang napasigaw ng Yes! Natawa naman ako. Di niya na natakpan yung mic niya.






'Wow, thank you.. So I'll pick you up by 6 to 7?'







'Okay..' Binigay ko na iyong address ko at in-end ang call.






Medyo may pagkakilig akong nararamdaman. I hope hindi nanaman ito false alarm feeling. I'm getting tired of dating guys whenever it doesn't work out well.





But the problem is, what should I wear?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

210K 4.7K 25
Sa love iba-iba tayo ng paniniwala, karamihan sa atin mabilis manghusga ng kapwa, Hindi natin alam minsan nakasakit na tayo ng iba Mali ba na magmaha...
392K 6K 13
[FILIPINO] HIGHEST RANKING #4 IN CHICKLIT 8-25-17 Simula pagkabata ay close na sina Ginger at Reese kahit na langit at lupa ang pagitan nila. Anak ng...
495K 23.1K 38
Sa isang lugar kung saan mayroong palasyo,may Reyna at Hari. Paano na lamang kung sa tinagal ng panahon ay wala pang nagiging tagapagmana ang Reyna...
765K 18.1K 34
PROBINSYANA (PROVEN SYA NA) Mayumi "Yumi" Tan is having a hard time accepting the Province Girl, Danica "Dani" Lopez who also joined the prestigious...