Bawat Daan (Puhon Series #1)

pawsbypages által

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... Több

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Five

87 14 2
pawsbypages által

#BD5 — Breathe, Anastasia

Tumawag bigla si Audrey pagkababa pa lang namin ni Kuya sa kotse para utusan kaming bilhan siya ng bagong hoodie— tatlo lang daw kasi ang dinala niya pauwi sa Pilipinas.

Para na ata akong mababaliw, hindi ko pa rin kasi maalis sa isipan ko na tutugtog kami sa Sabado. Aminado naman akong miss ko na rin ang musika pero mas nangingibabaw pa rin sa'kin ang takot at pangamba. Sa Route 196 pa nga daw gaganapin 'yong gig sabi ni Drake kanina habang nasa sasakyan at may chillnuman pa raw.

"Let's buy muna Audrey's hoodie so we can go straight to the music store then McDo," aniya habang ginugulo ang buhok niya.

Tumango lang ako at naglakad na patungo sa clothing store. Nakasunod lang sa'kin si Drake simula pagpasok sa store na 'to, siya nga dapat ang manguna dahil kakabalik ko lang dito sa Pinas pero siya pa 'tong parang takot mawala kaya sunod ng sunod.

Kumuha na 'ko ng apat na hoodie. Simple white hoodie na may konting design sa sleeves at isang vintage black hoodie na may design sa harapan ang binili ko para kay Audrey, isang oversized black hoodie na may design sa likuran naman at white na oversized hoodie na may design na NASA ang kinuha ko para sa'kin.

"Tara na," aya ko kay Drake na kumuha rin pala ng mga bibilhin na damit at hoodie.

Inilabas ko na ang card ko habang inaayos ng staff 'yong mga pinamili namin kaso inunahan ako ni Drake at agad niyang iniabot ang card niya para bayaran lahat ng 'yon.

"Kuya ako na sa damit ko, kay Audrey na lang bayaran mo," mahinang sabi ko kay Drake habang pinipilit ang staff kunin ang card ko.

"I insist, Anastasia, ako na, mahihirapan pa sila," pag pupumilit niya habang tinuturo ang mga staff na nakatitig lang sa'min at naguguluhan sa nangyayari.

Nagkibit-balikat na lang ako bago bawiin 'yung card ko, "Okay. Sagot ko na McDo."

Siya na rin ang nag bitbit ng mga pinamili namin papuntang music store. May mga nakapaskil pa'ng wag daw pindutin o gamitin ang ibang instruments na binibenta nila kaso nang makita ng staff si Drake na naglalakad papasok, agad itong lumapit sa'min at inalok pa siyang tumugtog kahit isang kanta lang.

Sikat ba ang banda nila?

"Ah, I won't stay for too long; she's hungry," pagpapalusot niya at tinuro pa ako.

"Girlfriend mo, Drake?" Tanong ng isang babaeng staff at nanlaki pa ang mga mata niya.

"Friend po," singit ko at siniko ang nakangising kumag sa tabi ko.

Tinitigan ko ito ng masama at nag kunwaring tinitignan ko ang mga nakasabit na gitara. Nakakahiya! Porque ba kami lang dalawa ay girlfriend agad?

Ew! I call him 'Kuya' kaya, that's so weird.

Habang naguusap pa si Drake at 'yung isang lalaki doon ay napagpasiyahan kong tumugtog muna ng mahina—pero mukhang narining nila 'yon.

"Your friend knows how to play pala, Drake! Dali kahit isang kanta lang," nakangiting sabi ng lalaking staff at pilit na inaabot ang gitara kay Drake at kumuha pa ng microphone with stand.

"One song. She'll do the vocals." Pinanlisikan ko ito ng mata.

I'll do the vocals? Baliw na pala talaga 'to? Hindi naman ako handa, ni wala pa nga akong practice, e.
Parami ng parami pa ang mga taong pumapasok sa music store dahil pinagkalat ng staff na tutugtog daw si Drake sa loob, paano na 'to?

Araw-araw na lang ba 'ko malas?

"What song?" Tanong ni Kuya habang inaayos ang gitara at microphone para itapat sa'kin.

"Before it sinks in? Para madali lang," mahinang sagot ko sa tanong niya dahil nakatapat na ang microphone sa'kin.

"Uh. They asked us to play kahit one song lang daw so here you go," nakangiting sabi ni Drake sa mga taong asa loob ng music store para manood.

He started strumming the guitar. Lalo lang akong kinabahan nang mag labas ng cellphone ang mga manonood para kuhanan kami habang tumutugtog.

Breathe, Anastasia.

Relax.

Suspended in the air

I hear myself breathing

Hanging by a thread

My heart is barely beating

I closed my eyes. Musika. Iba ka pa rin talaga. 'Yung pakiramdam habang kumakanta, 'yung tagos sa puso ang bawat linya, 'yung sagad sa buto ang bawat salitang binibitawan mo, 'yung kaba at takot. Na-miss ko 'to.

I haven't fallen yet

But I feel it comin'

Tell me would it be too much to ask

If you break it to me gently

And I'm waking the next day

Without you beside me

And you hold on to the day

Tomorrow will just be a memory

That I would look back at all of this

And wonder why I stayed in here

Just to watch you disappear

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May mga umiiyak na at 'yung iba naman ay kumukuha lang ng video o litrato. Nilingon ko si Drake at nahuling nakatitig pala siya sa 'kin. Mukhang nabigla pa ito dahil iniwas niya bigla ang tingin niya at nag kunwaring abala sa pag-gitara.

So I breathe and let you go

How do I breathe and let you go?

Before it's too late

I'll take a step away

I know one word would make me go

Rushing back to you

Dinapuan ko ng tingin si Drake. Nakatitig lang ito sa kawalan at mukhang maraming iniisip. Grabe pa rin talaga ang side profile niya. Napakatangos ng ilong, napaka kapal ng kilay, mapungay ang mata niya... and his freaking jawline.

So I'll just shut my eyes

Forget that you were mine

How do you go from making one your home

And then just letting it all go

Let me take it in

Before it sinks in

Nagpasalamat na kami pareho sa staff at sa mga nanood. While he's taking pictures pa with his fans, kinuha ko na ang mga pinamili namin sa clothing store pati na rin ang guitar string na binili niya.

Dami pa lang fans nito? Uhugin lang 'to noon, e.

"Gutom na 'ko," reklamo ni Drake habang kinukuha sa kamay ko 'yong mga paper bag—his Tagalog accent still sounds so weird.

"Tara, my treat," aya ko dito at binilisan na ang paglakad papuntang McDo. "Wait, is that Travis?" tanong ko.

"Yes," aniya at lumipat sa left side ko para siya ang malapit kay Travis kung sakaling magkasalubong ang landas namin. "Stay on the other side. Mahirap na, Tita Katherine might get mad at me," dagdag nito.

Tulad ng inaasahan namin, nagkasalubong nga ang landas namin at kinamayan pa ni Travis si Drake na umigting naman bigla ang panga. Dinapuan ko lang ng tingin ang kasama niyang babae, medyo maliit kesa sa'kin, at grabe kung makapulupot ng kamay niya sa braso ni Travis. Inalis rin naman agad ni Travis ang kamay nung babae nang makita niyang tinignan ko ito.

"U-uh, Tine! Nice to see you again," bati nito sa 'kin at inilahad ang kamay niya.

Hindi ko ito tinanggap, "Same to you," matipid kong sabi at ngumiti.

Alangan namang yakapin ko pa 'to ng andito si Kuya, baka masapak pa niya ng wala sa oras si Travis, at saka, gutom na rin ako.

"We'll go ahead," Walang emosyong sabi ni Drake at hinila na ang palapulsuhan ko papaalis.

Ilang hakbang lang rin ay nakarating na kami sa McDonald's. Pinaupo ko na siya sa may couch habang nakapila ako para umorder ng pagkain namin, alam ko namang mainit na ang ulo niya, sinabayan pa ng pasensya niyang mas maikli pa sa mga sagot niya.

Baka madamay rin kasi ang walang kamalay-malay na McDonald's staff kung siya ang papapilahin ko.

"1 BFF Fries, 2 Monster Cokefloats, 2 order of Chicken with Rice both breast part, and 20 Chicken Nuggets," nakangiting sabi ko sa cashier.

Binayaran ko na ito at bumalik na sa couch dahil si Drake na lang daw kukuha ng order at baka matapon ko pa. Lakas mangasar pero pikon naman.

Naglalakad na 'ko pabalik sa couch nang mangiyak-ngiyak na 'ko sa kakatawa dahil sa itsura ni Drake habang naglalaro.

"Problema mo d'yan?" Natatawang tanong ko.

"So stupid, e. I told them that the bomb is planted in A site but sa B pa rin pumunta," galit na reklamo nito habang naglalaro pa rin ng Call of Duty Mobile.

Naging adik din kami ni Audrey sa larong 'yan, napagalitan pa nga kami ni Mommy dahil buong araw na lang daw kaming tatlo naglalaro, 'di man lang daw kami lumabas ng bahay.

"Give it to me, ako na," natatawang pag prisinta ko dito.

Marunong naman ako maglaro, e! Baka shotgun main 'to 'no?

"I'll get our food lang. Pag 'yan natalo, Celestine Anastasia," banta niya bago iabot ang phone sa'kin at tumayo para kunin na 'yong order.

4-4?! Kaya pala mainit ulo nun, e! 4-4 na 'yung score tapos dalawa na lang kaming natitira!

'Last man standing, complete the mission'

Sineryoso ko ang laro at baka ihagis pa sa'kin ni Drake 'tong phone niya kung talo.

Boom! 1v4 Clutch!

"Panalo, sabi naman sa'yo eh, ako bahala," pag mamayabang ko at ibinalik na ang phone niya.

Tahimik lang kami pareho siguro dahil na rin sa gutom. Habang hinihiwalay ko 'yung balat ng chicken, bigla niya rin nilagay 'yong kanya sa plato ko.

"Sa'yo na, I know you love balat." Inirapan niya ako.

Okay na sana, e. Ang bait at thoughtful na niya sana sa ginawa niya tapos inirapan pa 'ko? Bakit parang kasalanan ko pa? Grabe ka na talaga, Earth.

Inirapan ko rin ito, "Thank You," sambit ko.

Pagkatapos kumain dumiretso uwi na rin kami, 'di na rin kasi namin namalayan na gabi na pala at saka may party daw uli mamayang 10 pm.

Simula nang umuwi kami ni Audrey dito, ganito lagi ang ganap namin sa buhay. Party dito, party doon. Tambay dito, tambay doon. Buti nga pinapayagan pa kami ng mga magulang namin kahit halos araw-araw na ata kaming lumalabas simula nung umuwi kami. 'Yung ibang party naman kasi ay chill lang, chillnuman at tambay, kaya 'di pa naman susuko lamang-loob ko.

Papasok pa lang kami ng gate sinalubong na kami agad ng dalawang malaking kotse, isang Black Ford Raptor at Black BMW Sedan. Kakilala nga ata sila ni Drake dahil bumaba pa ito sa sasakyan niya para lapitan kesa dumiretso na sa bahay.

Ano na naman kaya ang susuotin ko mamaya? Heto na naman tayo sa problemang 'to, e!

Ilang sandali lang ay bumalik na rin siya at ipinasok na sa loob ng gate ang kotse, nakasunod rin pala 'yong dalawang itim na kotse sa likod namin.

Baka tropa niya tas dito na muna tatambay tutal 10 pm pa naman daw aalis o baka si Tito Jake at ka-trabaho niya?

"Nanay Marie! I have visitors po, paki-handa na lang po ng juice at tubig, Nay," sigaw ni Drake habang paakyat kami sa taas. "Salamat po!" Dagdag pa nito.

"Sino 'yun?" Nagtatakang tanong ko.

"Fourth, Kazuo, and Astrid," maikling sagot nito at inilapag na 'yong mga paper bags sa tapat ng kwarto ko.

'Di na ko sumagot at kinuha ko na lang ang mga pinamili namin saka pumunta sa kwarto ni Audrey para iabot ang sa kanya.

Kapal talaga ng mukha ni Drake, halos 'di na replyan buong araw si Astrid tapos siya pa ang pinutahan ngayon sa bahay? Kaloka!

"Addie? Andiyan ka ba?" tanong ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Come in!" sigaw niya.

Naabutan ko siyang naglalaro ng Call of Duty Mobile at focus na focus pa sa laro. Competitive, yarn?

Nilapitan ko ito at inilapag ang mga pinabili niyang hoodie sa paanan ng kama niya pero hindi talaga niya 'ko nilingon at tuloy lang sa pag pindot sa cellphone niya.

"Sama ako after game mo," sambit ko pagkatapos ko ibagsak ang sarili ko sa kama niya.

"Let's go na, it's done already dalian mo," aniya habang tinitignan ang mga hoodie na pinabili niya. "Who paid for this? Ikaw ba? I'll transfer nalang the payment sa bank mo," nakangiting sabi nito.

"Gaga, Kuya mo nagbayad niyan," natatawang sabi ko.

Ilang oras rin kaming naglaro ni Audrey, ni isa sa'min walang balak bumaba para kausapin mga kaibigan ni Drake. 'Di naman sa ayaw namin sakanila, sadyang gusto lang talaga namin maglaro pa at saka kami kami rin naman uli magkakasama mamaya.

"10 pm daw party sa Revel," maikling sabi ko habang naglalaro pa rin.

"With who? Si Drake ba may gusto?" Tanong niya.

"'Di ko alam, e," nagkibitbalikat ako. "Sabi niya lang kanina sa Revel daw tayo mamayang 10pm," dagdag ko.

"Is he coming with us?" Napapaos niyang tanong.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung sino ang tinutukoy niya, "Sino?"

"Nothing... Nevermind."

"Panget mo ka-bonding ha! Babanggitin mo ta's 'di mo tutuloy?"

Umiling na lang ako dahil hanggang ngayon, e, wala pa rin siyang imik. Para tuloy akong kumakausap ng multo o hangin. Matapos ang ilang minutong pagiisip, parang biglang may lumabas na 'light bulb' sa taas ng ulo ko nang mapagtanto kong si Fourthsky ang tinutukoy niya!

Siniko ko siya habang humahagikgik. "Si Fourthsky Reid Ramirez, 'no? Ikaw ha! Simp for Ramirez ka na pala, 'di ka man lang nagsasabi!"

Binatuhan niya ako ng unan bago hampas-hampasin ang braso ko. That shit hurts so bad ha! Panigurado mamumula na naman ang braso ko! Baka nga magkapasa pa 'to, e!

"May susuotin ka na?" Pilit niyang winawala ang usapan.

Oo nga pala... shit! Wala pa akong susuotin quarter to 8 pm na!

"Wala pa, dinner na muna tayo para makapaghanap na tayo after," aya ko rito at naglakad na palabas ng kwarto niya.

"Celest!" Bati ni Fourthsky.

"Hey," bati ni Kazuo at tinango ang kaniyang ulo.

"Hey, Girl!" Bati ni Astrid at nakipagbeso pa sa'kin.

"Let's eat dinner na, pababa na rin si Audrey," sambit ko at binigyan sila ng pilit na ngiti.

Lumapit na silang lahat sa dining table pwera na lang kay Fourthsky na abala sa kanyang phone. I want to ask him if she's hitting on my best friend ba for real kasi syempre kailangan ko malaman!

Parang nag karo'n ng sariling utak ang mga paa ko dahil dinala ako nito papalapit kay Fourthsky na gano'n pa rin ang kalagayan. Umubo ako ng konti para naman malaman niyang nasa tabi niya 'ko. Hindi ko man alam paano at saan sisimulan, pinilit ko pa rin ang sarili kong mag tanong.

"Fourthsky Reid Ramirez," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon ito para sulyapan ako. Nagtaas ito ng kilay, "Hmm?"

"Do you like someone right now? Perhaps hitting on someone?" Napakunot ang noo ko.

"Dude... Wait, hold up," natatawang sabi ni Fourthsky. "I didn't review for that, dude! I don't know the answer; pasensya na bobo lang."

Humagalpak kami pareho kaya naman lahat sila'y napatingin sa'min. Paano ba naman kasi? Ang ayos-ayos ng tanong ko! Tapos gano'n ang sagot niya? Kakaiba rin talaga 'tong si Fourthsky, e!

May clown friend na 'ko, for sure sasaya na buhay ko!

"Panget mo rin ka-bonding, e! Ayos-ayos ng tanong ko, tss, monggoloid!" Panunuya ko sa kanya.

"Ask me again next time. That's when I'll answer your question, Tito Boy." Marahan niyang tinapik ang balikat ko bago naglakad papalayo.

Siraulo 'to ah! Tinawag pa akong Tito Boy!

"Mukhang masaya topic niyo ah?  Share naman d'yan!" Ani Astrid na umiinom ng tubig.

'Di namin namalayan na nakababa na pala si Audrey. After blessing the food, tahimik lang ulit kaming kumain. Wala nga atang may balak sa'min magsalita. Tanging tunog ng kubyertos lang ang rinig ko.

"Kumain ka pa. Favorite mo 'yan, 'di ba?


<3

Olvasás folytatása

You'll Also Like

LOWKEY riri🌙 által

Ifjúsági irodalom

304K 14.1K 64
Lies and broken promises, temporary feelings and ruined relationships. Kelsey's view of love was long tainted after being a product of a broken famil...
111K 3.2K 55
Band, study, music, and passion; that's how Axel describes his life ever since he was young. Banda muna bago ang lahat. Music or nothing. It was fun...
29.9K 1.1K 40
A Healthcare Management student with an amazing voice, Serene Veronica Harper, decided to pursue her passion in music instead of becoming the preside...
1.8M 36.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.