My Phenomenal Bodyguard

By Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... More

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 7

425 88 10
By Brittledollyrose

Zaitel's POV

"Hija kumain kana." aya sa akin ni Yaya Minda nang pagpasok ko sa dinning area.

"Nakauwi na po ba si daddy pasado alas otso na, ah."

"Tumawag siya kanina di raw siya makakauwi at mag-o-overtime raw siya sa office niya ngayon. Kaya kumain kana." sabi ni Yaya Minda.

"Sige po."

Kailangan ko na talagang bumalik sa pagtatrabaho. Kawawa naman si daddy. Bakit ba niya kasi ako binigyan ng 2 months break. Akalain mo yon 2 months? Break lang yan.

...........9:07pm........

"Manang Teni." agaw pansin ko kay Manang Teni nang makita ko siya.

"Oh bakit hija, may kailangan kaba? Gusto mo nang snacks?" tanong ni Manang.

"Hindi, wala ho. Itatanong ko lang sana kung nasaan si Acerdel kanina ko pa kasi napapansin na wala siya."

"Nagpaalam siya kanina na aalis mura raw siya."

"Na naman?" taka kong tanong.

"Oo. May iba ka pa bang kailangan hija?" tanong ni Manang Teni.

"Wala na po Manang. Maari na po kayong matulog."

"Sige hija. Matulog ka na rin." nakangiting sabi ni Manang kaya nginitian ko na lang din siya.

Reividan Suarez POV

"Ano kayang problema ngayon ni Acer?." kalabit sa akin ni Rrender.

"Ewan. Siya kaya ang tanungin mo." inis kong sabi rito.

"Parang uubosin na niya lahat ng alak ngayong gabi" napatingin naman ako kay Acer na iniisang lagok ang alak sa kaniyang baso tapos magsasalin na naman kapag naubos na ang alam. Mukhang may problema nga siguro siya ngayon.

"Pre may problema ka ba? Dahan-dahan lang sa pag-inom mamaya niyan naubos mo na lahat ng alakrito." tatawa-tawang biro ko.

"Oo nga pre." sang-ayon naman ni Rrender.

Iniangat niya ang kaniyang ulo sa amin. Saka tinignan kami ng masama. Nataranta naman kami sa paraan ng pagtitig niya.

"Sige okay lang pre kahit ubosin mo lahat ng alak. Uminom ka hanggat sa gusto mo libre na yan para sayo total bar naman 'to ni Reividan." pangisi-ngising sabi ni Rrender.

Loko talaga 'tong mokong na'to.

"Suntok gusto mo?" sabay pakita ko sakaniya ng isang kamao ko. Ngumisi na naman siya.

"Trip mo talaga kagwapohan ko no." nakangisi niya pa ring sabi.

"Bakla naman." asar ko pero mas lalo lang lumapad yong pagkakangisi niya.


"So inaamin mong mas gwapo talaga ako kesa sa inyo. Bahala nang sinabihan mo akong bakla, di naman yon totoo ang importante na tanggap mong mas gwapo ako sa inyo."nakangising sabi niya habang inilagay ang dalawang braso niya na kaniyang dibdib.

Baliw! Makainom na nga rin.

"Sana nandito rin sina Fergal at Kerr. Para narinig rin nila yong sinabi mo na tanggap mo nang gwapo talaga ako haha." hambog niyang sabi.

Tukoy niya sa dalawa naming kasamahan na sina Fergal Ferrer at Kerr Ferrer magkapatid silang dalawa. Mas matanda nga lang ng isang taon si Fergal kaysa kay Kerr.

Di namin sila kasama sa ngayon may mahalagang pinapagawa pa kasi sa kanila si Acerdel habang kami, ito chill-chill lang hehe. Syempre may task rin kami.




"Uminom lang kayo di naman bago na ako na naman ang maghahatid sa inyo pauwi." nakangusong sabi ni Rrender. Tsk bakla talaga. Na asal bata.

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-inom.

Zaitel POV

•Peep* *peep* *peep* *peep*

Rinig kong sunod-sunod na busina sa labas ng gate namin.

Sino naman kaya 'yon. Di naman siguro si daddy yon, sabi naman ni Manang nag-overtime si daddy. Baka si Acerdel? Siguro nga. Pero bakit ang dami naman atang busina 'yon.

Lumabas na ako ng bahay at may natanaw akong kotse na hindi pamilyar sa akin.


May lalaking lumabas sa kotse sa may driver seat. Mistisong lalaki. Gwapo pero mas nangingibabaw yong pagka-cute niya. Di ko siya kilala pero di naman siguro siya masamang tao. Mukhang mabait naman siya.

Pumunta ito sa may gilid ng kotse at saka binuksan ang pinto ng backseat. May inalalayan siyang tao. Sino kaya yon, bakit naman sila nagpark rito. Sa harap pa talaga ng bahay namin.

"Hey! Javier where did you bring me." sabi nong lalaking inalalayan niyang makalabas, medyo familiar ako sa boses nong nagsalita.

Hala si Acerdel yon ah. Pinuntahan ko na sila at nilapitan.

"What's going on here?" mataray kong tanong sa lalaking umaalalay kay Acerdel pagkalabas ko nang gate.

Napitlag naman yong lalaki sa pagkakasalita ko. Binalingan naman niya ako ng tingin. Nagulat pa siya ng makaharap na niya ako. Kung makatingin parang nakakita ng multo.

"Who are you and what's going on here?" muli kong tanong ng di ito sumagot sa naunang tanong ko.

"2nd Lieutenant Rrender Javier ma'am at your service." masigla at malakas nitong sabi habang naka hand salute pa ito. Grabe ang energetic naman ata nito.

"OUTCH MY BUTT." daing ni Acerdel na kasalukoyang nakasalampak ang pwet sa kalsada. Nabitawan pala siya nitong si lieutenant sino nga yon..... Rrender pala. Kaya ayon lumagapak. May pasalute-salute pa kasi hahah nakakatawa tuloy yong itsura ni Acerdel haha. Pinipigilan ko lang matawa.

"Bakit yan lasing?" tanong ko.

"Kasi po siya ng alak. Naparami yong inom." inosenteng sagot ni lieutenant Rrender with no sarcasm.

Taray ng lalaking 'to. Asal bata. Masyadong honest pero nakakainis.




Dinaluhan niya na si Acerdel at saka maingat na iniangat.

"Masyadong malihim po kasi si Acerdel lalo na kapag tungkol sa mga nararamdaman niya. Hindi rin po namin alam kung bakit siya nag lasing. O di kaya'y may problema 'to sa babae kaya siya naglasing." magalang na paliwanag niya.

Tinulongan ko na rin siya. Ako sa kaliwang braso ni Acerdel habang yong isang braso naman ni Acerdel ay nakasampay rin sa balikat ni lieutenant Rrender.

Lalakad na sana kami papasok ng gate ng may nagsalita sa loob ng kotse. Isang lalaki at mukhang lasing rin.


"Sige na ihatid mo na yan." Suhestiyon ko.

"Sigurado po ba kayo." paniniguro nito.

"Yeah!" maikli kong sagot. Tumango naman ito.

Maingat niyang tinanggal ang brasong nakasablay sa batok niya.

Hala! Bat bumingat na? Bakit pa kasi siya naglasing di naman pala kaya.

Nagpaalam na si lieutenant Rrender habang kumakaway-kaway pa yong kamay. Saka pinaharurot yong kotse niya, ata.

Dahan-dahan na akong humakbang papasok. Nakarating na kami sa gitna ng hagdan at nabibigatan na ako sa kaniya. Di naman siguro siya magagalit kung pagugulongin ko siya rito sa hagdan pabalik doon sa baba.

Nag-uumpisa na rin siyang magsalita nang kung ano-ano.

Katulad nang 'Ang ganda mo talaga', 'Akin ka lang', 'Anghel kaba?' at marami pang iba. Broken hearted ata ito. Palalampasin ko 'tong katangahan niya sa ngayon dahil lasing siya kung hindi sinuntok ko na nguso ito.

"Wag ka ngang magpabigat." reklamo ko.

Hanggang sa nakapasok na rin kami sa loob ng kwarto niya.

Akmang ihihiga ko na sana siya ng may sinabi ito.

"I like you Zaitel. I really did." halos pabulong nitong sabi.

Hala, ano daw. Tinignan ko ito sa mata niyang pupungay-pungay na dahil sa kalasingan.

"Anong sabi mo?" nagtataka kong tanong.

'Zaitel lasing 'yan wag mong patulan' pagpapakalma ko sa sarili ko. Pag ako di nakapagtimbi masusuntok ko talaga 'to.

Ihihiga ko na dapat siya nang bigla niya na lang akong kabigin palapit sa kaniya.

Hala! Y-yong labi niya nasa labi ko.

Malakas ko siyang tinulak sabay suntok sa kaliwa niyang mata na sanhi ng pagbagsak at pagkabunggo niya sa side table ng kama sa mismong ulo niya. At nagtuloy-tuloy na siya sa pagbagsak sa sahig.

"MANYAK." inis kong sigaw rito akalain mo yon hinalikan niya ako.

Ilang minuto ang lumipas ni hindi na gumagalaw si Acerdel.
Ang pinagtataka ko kung bakit wala man lang boses akong narinig mula sa kaniya. Di pa naman siguro siya patay. Nauntog lang naman siya. Nahimatay lang siguro o tulog na. Tsk bahala nga siya.

Iniwan ko na lang siya na nakahilata sa sahig. Bahala siyang manigas. Engot niya nanghahalik ba naman.



A/N: Kawawang Acerdel sa sahig tuloy natulog.


Continue Reading