My Phenomenal Bodyguard

Por Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... Más

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 4

539 106 13
Por Brittledollyrose

Zaitel's POV

*Kruuuuk kruuuuuk*

Aray ko! Nagugutom na ata yong tiyan ko, panay reklamo na inaantok pa naman ako. Sumasakit din yong ulo ko.

Papikitpikit kong kinapa ang cellphone ko sa may bedside table upang tignan kung anong oras naba. Masyado na kasing napakaliwanag na sa labas.

Napabalikwas naman ako paupo nang makita kong 10:45am na. "Ayys kasalanan talaga to ng mokong nayon. Bat kasi di siya umuwi." damog kong sabi.

Bumangon ako at naligo na rin. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na akong lumabas sa kwarto gutom na kasi talaga ako.

Hawak-hawak ko ang tiyan ko nang makasalubong ko si Manang Teni sa may sala na naglilinis.

"Oh hija magandang umaga." magiliw na bati nia sa akin.

"Magandang umaga rin ho Manang." nakangiting bati ko pabalik.

"Tinanghali ka ata nang gising ngayon ah mag-aalasdose na oh." sabay tingin sa malaking wall clock dito sa may sala "oh siya kumain kana roon nang magkasabay na kayo ni Acerdel. Yong daddy mo kanina pang nakaalis. Sige na hija maglilinis pa ako maiwan na muna kita." umalis na siya nang pagkatapos sabihin ang mga yon.



Napantig naman ang aking pandinig nang marinig ko ang pangalang binanggit ni manang. Tsk lintik siya nang dahil sa kaniya tinanghali ako ng gising di ko tuloy naabotan si dad.

Pumasok na ako sa dinning area at doon ko nakita si Acerdel na tahimik na sumisimsim ng kape. Napatingin naman siya sa gawi ko ng makapasok na ako ng tuloyan.


"Good morning young lady." masigla niyang bati.

"Tsk anong maganda sa umaga, aberr." masungit kong sabi.

Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan na ngayon ng nagtatakang mukha.

"Bad mood ka ata?" Nagtatakang tanong nito at sabay sandok ng kanin.


Umupo na rin ako sa katapat ng inuupoan niya.

"Palagi naman ah. Kapag nasa paligid kita sumasama araw at yong magandang mood ko." tugon ko nang di siya tinitignan.


"Meron kaba?" biglang tanong nito na ikinalingon ko rito.

"Tsk" Yan lang nasabi ko. Pakialam niya.


"Ma'am ito na po yong gatas niyo." Sabi ng katulong at inilapag ang isang baso ng gatas sa tabi ko.


"Salamat ate" ako. Umalis din ito kaagad pagkatapos niyang tumango.

"Pffftt pfftt" tumingin naman ako kay Acerdel na ngayon ay nagpipigil ng kaniyang tawa.



Ewan ko kung bakit siya natatawa.


"Anong tinatawa-tawa mo diyan hah. Ugok tignan mo nga yang mukha mo para kang natatae." mataray kong sabi at nagsimula na ring magsandok at kumain.


"Pfft seriously gatas? Naggagatas kapa sa tanda mong yan pfft." pigil tawa niyang tanong.

Inis naman akong napatingin rito. Aba ngayon lang ba siya nakakita nang taong umiinom nang gatas. Bakit bata lang ba ang pwede sa gatas?

"Tsk anong matanda ang sinasabi mo diyan hah. At isa pa ngayon ka lang ba nakakita ng isang dyosa na umiinom ng gatas. Pangalawa nasa edad ba ang pag-iinom ng gatas. At panghuli baka ikaw yong matanda kasi sa ating dalawa ikaw yong umiinom nang kape. Diba pang matanda lang yan pinagbabawal nga yang ipainom sa mga bata. Heh gurang." mahaba kong sabi habang nakataas ang isang kilay at sinabayan pa ng irap.

Napatigil naman siya sa pag-inom nang kaniyang kape at mataman akong tinititigan. Bago yumoko at kinain na ang kaniyang natitirang pagkain.


Nagpatuloy na rin ako sa pagkain ng tahimik.

"Tsk dali naman pala nitong talunin." Sa isip ko.





...............

Nandito ako ngayon sa garden sa may likod ng bahay namin. Nakaupo sa may maliit na upoan dito sa may kubo.


Palagi akong nandito kapag nae-stress ako at sa tuwing namimiss ko rin si mommy. Sakaniya garden nato. Kaya nong mawala na siya ay ako na ang nag-alaga.

Malaki ang pagpapahalaga ko nito kita ko kasi noon kung paano to alagan ni mommy at pahalagahan. Naalala ko pa palagi niya akong dinadala rito at tinuturuan akong magtanim.





Flashback

"Mommy" tawag ko kay mommy na nagbubungkal ng lupa.

Nwebe anyos pa lang ako.

"Oh princess come closer. I'll teach you how to plant roses." Nakangiting sabi ni mommy sa akin.

Gustong-gusto ko kapag tinatawag nila akong princess. Ako raw kasi ang princess sa kaharian namin.

"Talaga mommy tuturoan mo ako." masaya kong sabi at lumapit sa kaniya. Nae-excite na ako.

"Oo naman. Ganitohin mo lang ah gamit ang shovel magbungkal ka nang lupa Ilagay mo ito sa loob ng paso. Butasan mo ng kaonti at saka mo ilalagay yong tangkay ng rosas. Yan na tapos na ka'gad." Paliwanag ni mommy sa akin.

"Wow ganon lang pala yon. Napaka dali lang naman pala mommy." masigla kong sabi.

"Wag mong kalimotan na itabi muna to." Naglakad siya at inilagay ang bagong tanim na rosas sa may gilid ng kubo. "At kung maaari wag mo munang gagalawin napaka sensitibo kasi nila kailangan mo munang paugatin. At diligan din paminsan minsan. Para masiguradong mabubuhay siya." nakangiti niya paring sabi.

End of flashback





Naramdaman ko namang may kung anong tumulo sa kamay ko. Di ko na pala namamalayang umiiyak na pala ako.


"Miss na kita mommy sobra." bulong ko sa hangin.


Nagbabasakaling marinig iyon ni mommy.

Nabalik ako sa ulirat nang may tumikhim sa may gilid ko.

Kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha kong ayaw paawat sa pagdausdos sa mukha ko. Ayaw ko pa naman na may makakita sa akin na umiiyak  at makita nila na isa akong mahina.


Pero minsan mas nalulungkot ako sa mga iniisip ko na sa pagkakataong malungkot ako, ni wala man lang ang dumadamay sa akin. Di naman pwedeng si dad dahil palagi itong busy sa trabaho.


Kailangan ko rin ng taong makakausap. Di ko pa naranasang may makausap tungkol sa mga nararamdaman ko. Kahit si Vien di ako nag open tungkol sa mga malulungkot na bagay.

I might be strong physically but not  emotionally and mentally. But I also need a shoulder to lean on.

"Remembering someone?" biglang tanong nito at naupo sa tabi ko. Si Acerdel lang pala.

"My mom." simple kong sagot sabay iwas ng tingin.

"Saan na siya ngayon?" Inosente nitong tanong. Kaya lumingon ako paharap sa kaniya.

"Wait are you crying?" Nag-aalalang tanong nito.


"Me? No Im not, of course not." tanggi ko rito. Sabay punas nong luhang lumandas sa pisngi ko. Traydor na luha. Bat di ko kasi mapigilan.

"Wag mo nang itanggi halata kana nagde deny kapa." Sabi naman nito habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko ng seryoso.


Ewan ko kung anong ginagawa niya pero naramdaman ko nalang ang bahagyang paghawak sa ulo ko. At dahan-dahan akong nilapit sa kaniyang dibdib at iniyakap ang kaniyang mga braso sa akin. Natigilan ako sa ginawa niya. Di ko alam basta  lalo akong napahagulgol. Hinihimas niya na lang yong likod ko.


"I-i miss *sob* my mom. I want to s-see *sob* h-her, hug and e-even kiss her." Umiiyak ko paring sabi. Napapansin ko ring basa na yong suot niyang manipis na t-shirt na itim.



"Just cry as much as you want. I'm sure wherever your mom is, she's happy now." Aniya.

"I-iyak mo lang yan. Parang isang taon mo nang iniipon yang luha mo." Kahit nakakaiinis yong mga sinabi niya ay di ko magawa dahil nangingibabaw yong pangungulila na nararamdaman ko.

"Minsan, kailangan talaga nating umiyak. May kahinaan ang bawat tao. Kahit ikaw pa yong taong pinakamayaman, pinaka-makapangyarihan. O kahit ikaw pa ang pinaka-masamang tao dito sa mundo pwede kang umiyak. Who cares if you cry? We cry not because we're weak but it is because we are just human. We have uncontrollable feelings. We cannot dictate our.......heart just to follow what you want." Paunang sabi nito.

"Alam mo ba na ang bawat butil ng luha natin ay hindi libre, syempre alam mo yon haha. Tears could mean different things but usually people conclude it with sadness. Thinking that if you cry your sad and the worst they'll think you are just a weak creature. May iba't ibang dahilan kung bakit tayo umiiyak. Maaring umiiyak ang isang tao dahil malungkot ito, umiiyak dahil sa sobrang galit, pwede rin sa sobrang saya. Kailangan mo munang masaktan at magkaroon ng dahilan bago maiyak at malayang tumulo ang mga masasagan nating luha. There are people likes to share their feelings, their burdens with the person they trusted the most. But, there are people who also much prefer to be alone with their saddened, remain silent while tears flowed out. Well me? I also prefer to be silent and alone." Paliwanang nito. Nanatili akong nakinig sa kaniya habang tahimik lang.

"Your sad 'cause you missed your mom, it's normal. But don't let your emotions take the chance to be happy....................Ang sungit-sungit mo pa naman di bagay sayo umiyak sa maraming tao. I mean your the daughter of Mr. Anderson who owns a lot of business. siguradong maraming tao ang naiinggit sayo at marami ding tao ang ayaw sayo dahil sa kamalditahan mong yan, di nagkakalayo na may ganong tao sayo. Panigurado yan haha. For sure when they'll see you in tears they'll take this as an advantage. There are people who loves seeing us being hurt. Well that's life. It all balance everything." Dagdag na paliwanag pa nito. May kung anong saya akong naramdaman sa puso ko hindi ko aakalain na may makabulohan na salita pala siyang tinatago akala ko puro pang-aasar lang alam niyang gawing.

Nang wala na akong maiyak ay kumalas na ako sa pagkakayap niya. Domistansiya ako rito nang kaunti.

Pinunasan ko muna yong mga natitirang luha sa pisngi ko.

"Thank you." nahihiya kong sabi habang nakatingin sa baba. Sa hinabahaba ng sinabi niya walang akong masabi, kumbaga speechless haha lol. But I'm thankful.

Buti at nariyan siya para samahan ako. Malaking bagay na rin ito sa akin. Di ko maitatanggi na gumaan yong pakiramdam ko. Napakasarap sa pakiramdam.

"It's okay young la......." Di ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"Cut that young lady off just call me Zaitel." nakangiti kong sabi. Ngumiti din naman siya.

"You can count on me Zaitel. Kung may problema at nalulungkot ka man open ako sa mga sasabihin mo willing to listen and be with you, anytime. Just call my name." Napangiti naman ako sa mga pinagsasabi niya.

Di ko pa siya gaanong kilala pero heto kami at nag uusap. Di ko rin akalain na umiyak ako sa harapan niya.

Nakakahiya.

"Salamat ulit." pasasalamat ko ulit.


"It's okay kakit pinuno mo nang luha at sipon tong damit ko." Pabiro nitong sabi sabay hawak sa may basang parte nang kaniyang damit sa may dibdib.

"Hoy anong sipon. Luha lang yan walang halong sipon yan ano." depensa ko. Luha lang naman kasi puro yon.

Grabe naman ito.

"Joke binibiro lang naman kita. Mas gumaganda ka kapag nakangiti. Kaya ngumiti ka lang." seryosong sabi nito.

Naramdaman kong biglang uminit yong pisngi ko. Madalas naman akong nakakatangap ng compliment pero, ba't parang iba yong dating nong sinabi ni Acerdel.

"You look good when your blushing." I'm sure nagkukulay kamatis na tong pisngi ko ngayon dahil sa mga compliment ni Acerdel.

"A-anong 'blushing' pinagsasabi mo diyan. D-di k-kaya noh." Tanggi ko rito habang nauutal pa sa pagsasalita.

"Ayan tinatanggi na naman ke't halatang halata naman sa pisngi mo." Tudyo niya pa.

"Tsk tayo na nga sa loob at nagugutom na ako." magmamaldita at paglilihis ko sa usapan at tumayo na.

Pumasok na kami.

Kami lang dalawa ang kumakain ng pananghalian sa hapag di pa kasi umuuwi si daddy. Ginutom ako sa pag iyak kanina kahit tanghali na rin ako kumain. Nakisabay na rin si Acerdel.

Hanggang sa hapunan namin di narin nakasabay si daddy kasi male-late raw siya ng uwi.

Hindi ko na rin siya hininntay kasi nakatulog na rin ako.

Napagod kasi ako.


Seguir leyendo

También te gustarán

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
701K 36.7K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐀𝐧𝐢𝐤𝐚 𝐑𝐚𝐢 𝐱 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ...
1.4M 34.3K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3M 87.2K 26
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...