A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.5K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Simula
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 15: Victim
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 1: Parcel

112 7 19
By AnastasiaCaly

Silence One

Hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho sa Southville Academy. Naghahanap lang sila ng mga guro para makapaghanda sa susunod na taon. Karamihan kase sa mga guro ay ginagawa lamang training grounds o kuhaan ng experience ang Southville hangga't hindi pa sila pasado sa let exam. Kahit na medyo mataaas naman ang sweldo rito ay gusto pa rin ng karamihan sa guro na magturo sa public.

Si sir Noah kaya ay let passer na?

Pinamulahan ako ng pisngi sa pangalan pa lamang niya.

For a man as intelligent as him, it's impossible that he's still not a passer. But why does he stay in Southville? He can be a public teacher. Pwede ring magmasters para maging instructor o lecturer sa colleges o doctorate to be a university professor. There are countless possibilities with a mind like his.

I just went to Cavite and I already have a crush! I never had a crush in my whole life. Or maybe I never let myself have one. How can I be attracted to men who did nothing but aggravate me?

This is just admiration. Because he was one of the few who made me feel accepted, heard and treated me normally.

I don't know how I got hired. Did he pity me because he caught me crying? That's not an honorable way to get in. I don't want to be labeled as the teacher who dramas her way into getting hired instead of being skillful.

But then, he's just the junior high school department head. He doesn't really have power in deciding. Maybe he was bluffing just so I'd stop weeping.

The school contacted me themselves. Sinabi nilang hired na ako. Kaya medyo kampante rin ako na nakitaan nila ako ng potensyal, for them to even change their mind.

During the summer, I looked for tutoring jobs, para roon sa mga gustong mag advance.. Para naman hindi sayang ang pagpunta ko rito sa Cavite. At magandang paghahanda ito para sa susunod na school year. Namasukan din ako sa seven eleven malapit sa school na pagtatrabahuhan ko.

Mayroon akong studyante sa Langkaan 2. Ni-recommend ako ni Thelma sa kakilala niyang galing sa simbahan na si Archie. Apparently, his nephew needs a tutor. At bilang utang na loob ay tinulungan na rin niya ako na makahanap ng apartment. Kaaalis lang daw ng rumerenta roon sa katabi niyang aprtment.

Maliit lang naman ang apartment. Pagkapasok mo sa pinto ay naroroon na ang maliit na desk. Ito ang una kong binili mula sa sinweldo ko. At nasa kaliwa na agad ng entrada ang twin XL bed. Ang ulunan nito ay nakadikit sa pader habang ang paanan naman ay nasa tabi ng pinto. Mga apat na hakbang lang mula sa kama ay ang two seater dining table. Sa tapat lang ng dining ay ang banyo. At sa dulo naman ng apartment ay ang munting lutuan at hugasan. Magkatabi ang lababo at one burner gas stove sa tiled kitchen area. Mayroong tatlong puting wall cabinets sa taas pagkatapos ay isang cabinet at tatlong drawers naman sa ilalim ng lababo. Ang lawak ng kusina ay singhaba lang ng dalawang braso ko kapag ibinuka.

At ngayo'y naninirahan ako ritong mag isa. Mas maayos naman 'yon kaysa nakikitira pa ako sa boyfriend ni Thelma. Pakiramdam ko'y nakakaistorbo ako sa gusto nilang gawin dahil naroon ako. At mas prefer ko rin naman na mag isa ako.

Naging magkaibigan kaming dalawa ni Archie. Inilibot niya ako rito sa Langkaan, so I could familiarize myself with the places. Aniya'y para hindi lang ako nakatengga rito sa apartment dahil wala naman akong alam na puntahan.

"Matagal na rin tayong nagkasama, Ysabelle," Archie held my hand. "We've bonded for two months. Gusto kong nakakasama ka. At pakiramdam ko nama'y ganoon ka rin. Why don't we take it to the next level?"

A-anong sinasabi niya?

"H-ha?" I answered dumbstruck. "Gusto agad? S-syempre ikaw lang naman ang nakakasama ko rito sa Dasma at kaibigan kita. P-parang ang bili-"

Napaatras ako nang bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Umakbay siya sa likod ng upuan. He gazed at my lips and I shivered. Because it's making me uncomfortable.

Did I falsely give him signs that I like him? I was just being friendly, of course I will talk to him and go with him to places. I didn't really make advances like hold hands or hug him, more so kiss.

"A-archie... s-stop."

I clutched my chest. There's this feeling again. I can't breathe, couldn't move. I'm gonna die. Die before I can even begin and before I could even achieve something in my life. I would never live to see tomorrow again. I wished I told my family how much I loved them and thank them for giving me education. Kahit na hindi ko na mapakikinabangan ito.

I breathed in and out.

"Don't panic," I closed my eyes as I feel my heart thump faster. It hurts that it feels like a heart attack.

"Ysabelle?" tawag sa akin ni Archie. "Anong nangyayari sa'yo?"

He sounded more irritated than concerned.

"Stop playing with me! Is this your way of rejecting me?" he tried to hold me but I flinched away.

"Ah!" I sobbed and gripped my hair tight. I held my shirt, thinking that it will somehow give me more air to breathe. Everything felt confined, as if all are closing and narrowing inside.

I ran out of breath as I started crying.

"Are you..."

He tried touching me once more. I screamed, horrified. My body shook as I shoved him away.

He looked confused and said the exact same thing as others did.

"Are you crazy?"

I shook my head. Am I going to lose a friend?

"It hurts here!" itinuro ko ang aking dibdib. "H-hospital," halos magmakaawa akong tulungan niya. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko habang patuloy pa ring tumutulo ang luha.

Humawak ako sa upuan bilang suporta. After ten minutes, it stopped. Karaniwa'y ganoon katagal pag inaatake ako. Napaupo ako sa tabi ng upuan dahil sa sobrang panghihina.

Nang mag angat ako ng tingin ay napangiwi si Archie.

"Are you fine now?" malamig niyang tanong. "Done acting? You deserve an oscar. Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo lang. Hindi yung gumagawa ka pa ng palabas na ganyan. Hindi nakakatuwa, Ysabelle. Diretsuhin mo ako at wag magpaasa."

Napaawang ang aking bibig.

"P-pero hindi ako nagkukunwari..." tumungo ako at napailing sa sarili. I guess I have to tell him.

I sighed. "M-may.... panic disorder ako..."

His brows creased. And then he cackled.

"Are you joking right now?" he laughed. "Nagpanic ka lang. Hindi sakit yan. Do you even know what panic means? Natataranta lang. "

"Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ako magsisinungaling sa mga ganitong bagay?" I argued.

He scoffed. "The only illness that you may have is insanity."

My jaw dropped. Tinatawag ba niya akong baliw?

"A-ano?"

"Baliw ka!" ulit niya. "God! I almost let myself like someone like you."

I fisted my hand.

"Baliw ka!"

"Takas mental!"

"Umaacting ka na naman."

"Ang drama mo!"

"May hangin ang utak mo!"

Halos takpan ko na ang tenga ko dahil kahit matagal nang mga panahon iyon. Bumubulong pa rin sila. Sinusundan ako kahit saan. Na minsan parang gusto ko na ring maniwala, na oo nga, baliw nga ako. At kailangan ko ng tulong.

"G-get out," nanginginig ang aking boses. Nagbara ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil sa nagbabadyang luha. "Labas!"

His brow twitched.

"Hindi na kailangan pang sabihin. Wala namang kainteres interes sa'yo. Ikaw ang nawalan sa ating dalawa, Ysabelle."

His heavy footsteps made its way out of my apartment. I lay my head on the chair. Word about this incident would surely spread by tomorrow. He's close with most tenants here. Kinakausap lang naman nila ako sa tuwing kasama ko si Archie. No one treated me like a friend here.

"Gag*ng Archie yan ah! Akala ko pa nama'y pagkakabait. Church goer pa man din," sambit ni Thelma sa cellphone kong nakaloud speaker. Itinutupi ko ang mga tubal na bed sheet para hindi magulo kapag inilagay sa basket.

"Kailan ka ba kase available?" pinulot ko ang phone ko. "Halos si Archie nga ang aking nakakakasama kaya siguro umasa yung tao."

"His assumptions are never true unless you say yes. That's on him," sagot ni Thelma. "Sinusulit lang namin ni Bryce ang bakasyon at magiging abala nanaman ako sa pasukan."

Mas marami kaseng free time ang boyfriend ni Thelma. He's a software engineer. He can just work through his laptop. Pwedeng mag work from home.

"Tama laang yang ginawa mo, Ysabelle. At nang siya eh magtanda. Hindi ka manlang tinulungan eh! Gosh! I feel bad tuloy na you had to go through an attack alone."

Ngumiti ako nang tipid. "Kahit naman sa amin eh wala namang nakakasama pag inaatake."

Humiga ako sa kamang kapapalit lang ng kobre kama. It feels like finally sitting or lying down after standing and walking for a hundred days straight.

Binuksan ko ang aking cellphone. Regalo ito sa akin nila mama nang makagraduate ako. 'Yon ang kauna unahang beses kong magkaandroid phone. Puro keypad lang ang nakaraan kong mga cellphone.

Tuwing gabi ay binubura ko ang pwedeng burahin kahit na hindi naman ako gaanong nagdadownload o kumukuha ng litrato. Kahit na malaki naman ang storage ay pakiramdam ko mapupuno ito kaagad sa isang save o install lang.

Pinindot ko ang application na shoppee. Isa itong online shopping platform. Archie introduced me to this. Mahilig kase siya sa online shopping sa halip na siya ang sumasadya sa mall. Para raw makatipid sa oras. Siya ang nagrekomenda nito sa akin.

I'm not one to talk back and defend myself verbally. But an evil plan just came inside my mind.

Tamang oras na ito para i-apply ang lahat ng itinuro niya sa akin. Hindi ko rin nagamit ang account kaya naman dapat lang na mabinyagan ko na ito ngayon. This app has served its purpose. Siya rin pala ang magtuturo sa akin kung paano ko siya gagantihan.

Pumindot ako ng iba't ibang mamahaling produkto sa shoppee at chineck out ito. Nakaaddress kay Archie nang nakacash on delivery.

I don't deserve to be called crazy. They would never understand. Because they're not in my place. They should be thankful that they're not.

"And this is what he deserves," I mumble to myself as I clicked check out. I turned off my phone and closed my eyes with a satisfied smile.

Today is the teacher's orientation for the upcoming school year. Ipinamigay na rin nila ang mga magiging studyante sa bawat sections. I'm a grade nine adviser. Habang si Thelma ay grade eight adviser.

Sa likuran nakapwesto si sir Noah, habang ako nama'y nasa gitnang row. He's wearing eye glasses today at nakaayos ng gel ang kanyang buhok. I held my breath every time I sneaked glances at him. Pakiramdam ko'y maririnig niya ang paghinga ko.

Sir Noah was focused on the orientation. I should be too. Kung tutuusin nga ay mas pamilyar siya sa mga sinasabi ng nagpepresent dahil matagal na siyang guro rito. Ngunit sa amin dalawa, siya pa ang mas nakikinig.

Just when I thought he wouldn't take his eyes off the slide, his gaze flew to mine. Halos lumundag ang puso ko at mamilog ang aking mata dahil sa pagkahuli niya sa akin.

He raised his brows at me and gestured to the front.

"Listen Ma'am Ysabelle," he mouthed, his head shook in disapproval for my lack of attention.

I shut my eyes tightly as I faced the front again. A male teacher sitting beside me made his eyes go back and forth between me and sir Noah. He grinned and held out a hand.

"Sir Allen," pakilala niya at tinanggap ko naman ang kamay niya. "Welcome to Southville, Ma'am Castillo."

"Hi!" bati ko. "Saang department ka?"

"Junior high school din. Sa grade ten ako," he casually responded. "Every year na yata akong sa grade ten nailalagay. Nakakasawang magdiscuss nang magdiscuss ng parehong topic. Pero ayos naman. Hindi kailangan ng sobrang preparation sa powerpoint."

Isinali ni Thelma ang sarili sa usapan.

"Sikat na sikat ka naman sa mga studyante. Biruin mo lahat yata gustong maging advisory niya," ani Thelma sa mababang boses.

"Biro biro rin kapag may time, Ma'am Thelms. Masyado ka kaseng seryoso. Takot na lang sa'yo ng mga studyante mo."

I don't know how I'll be in class. Sigurado akong hindi ako magiging palabiro at sigurado ring hindi ganoon kaseryoso. Maybe awkward?

"So," baling sa akin ni sir Allen. "Ito pala ang hitsura ng subject of debate sa office noong March."

"Huh?" I stared at him, puzzled as we pulled our hands away.

"Wala," he chuckled. "Makinig na lang tayo. Ramdam ko na ang talim ng tingin ni sir Noah. Hahigh bloodin nanaman yan sa atin."

The three of us nodded in unison. Sabay sabay kaming umupo ng ayos.

"And let us welcome the new members of the junior high school faculty. Ma'am Ysabelle, Ma'am Marcie, Sir Luke and Sir Tristan..."

Tuloy tuloy na ipinakilala ang mga bagong guro. Ngumiti ang bawat isa sa amin habang pinapalakpakan kami ng mga dati nang miyembro ng faculty. Nagthumbs up sa akin si Thelma habang si sir Allen naman ay kumindat.

"Uy! Nasa iyo pala si Valiente," ani Thelma na dumungaw sa aking listahan. "Matalino yan. Laging high honor or highest. Kaya lang ay sobrang tahimik. Bumabawi lang sa performance task, written at exam. Hindi gaanong nagsasalita sa recitation."

Sir Allen laughed. "Sarap mag first honor niyan. Laging may pablow out nanay niyan dito sa school."

"Hay expected ko na yan every end ng quarter. Buti na lang subject teacher uli ako ng batch nila," dugtong ni Thelma.

Tumango ako habang tinitignan ang kanyang pangalan. Hindi ako nag eexpect ng mataas mula sa studyanteng ito. It will always be up to the students, whatever goal they're going to set for themselves this year. I'll just be here to encourage them.

"Maghanda ka na sa tradition ng school para sa new teachers, Ma'am Castillo" saad ni sir Allen.

I waved my hand. "Ma'am Ysabelle na lang. Masyado namang pormal ang ma'am Castillo."

"Okay. Ma'am Ysabelle. Wow! Friends na agad tayo," he answered with enthusiasm. "Anyway balik sa topic."

"Ano nga uli yon? Tradition ng school?" kuryoso kong tanong.

Thelma nodded and spoke before sir Allen. "Sasayaw kayo sa student and parent orientation."

"Ano?!"

Tinakpan ko ang aking bibig dahil napalakas ang pagkakasabi ko. Akala ko, sa college na mararanasan ang pinakanakakahiyang bagay sa buhay ko. Dito pala sa Southville.

"Ano meron brad?" lapit sa amin ng isang lalaking teacher. I think he was introduced as sir Frank.

"Brad!" umakbay si sir Allen kay sir Frank. "Sinasabi ko lang kay ma'am Ysabelle na sasayaw sila sa student orientation."

"Glad I'm over those days," sir Frank cringed. "Kaya hindi na ako lumipat ng school eh. Baka pagsayawin nanaman ako."

I hesitated. "S-sumayaw din ba si..."

"Sir Noah?" pagtapos ni sir Frank sa tanong ko. He looked at me as if I'm ridiculous to even ask the question. "Magkakajowa muna si sir Allen bago sumayaw si Noah."

Sinapak ni sir Allen ang braso ni sir Frank. "Atleast hindi ako tumatagay ng red horse taon taon."

"Tss!" umiling si sir Frank. "Pero who knows. Baka sumasayaw din yan pag mag isa sa bahay."

My cheeks crimsoned with embarrassment at the thought.

"Aysus! Si ma'am Ysabelle kinikilig!" kantyaw ni Thelma sabay hampas sa aking braso. "Akala mo ba hindi ko nahuhuli yang pagtingin tingin mo kay sir Noah kanina?"

Sir Allen wiggled his brows. "Crush mo si sir Noah ano?"

I immediately shook my head to deny. "Hindi noh!"

He narrowed his eyes at me. "Wag ka mag alala. Hindi lang ikaw."

Mukhang hindi lang ako ang nakapansin ng kakaiba sa sinabi niya. Maging si Thelma ay napatingin kay sir Allen. Habang si sir Frank naman ay tinanggal ang pagkakaakbay kay sir Allen.

"Anong sabi mo dude? Hindi lang si ma'am Ysabelle? Kaya mo siguro kami kinaibigan ni sir Noah ano!"

"Tarantado!" sagot ni sir Allen. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Hindi lang si ma'am Ysabelle kase halos lahat yata ng babaeng teacher dito may crush kay sir Noah."

"Di ako kasali roon ah. May boyfriend ako," agap ni Thelma. "Kaya support ako sa inyo ni sir Noah," sinundot niya pa ang tagiliran ko

"Hindi ko naman sinabing lahat. Halos!" diin ni sir Allen.

Bago ko pa maitanggi ay naputol na ang pagsasalita ko.

"Support me with who?" nakapamulsa siyang lumapit sa amin.

Mas dumikit pa ako kay Thelma. Kinurot ko nang maliit ang kanyang likod upang mas makirot. Thelma hissed.

"Sir! Crush ka raw ni-"

"Pinag uusapan lang namin sir yung... sa pagsasayaw daw po sa orientation!" agap ko habang ibinababa ang kamay ni sir Allen na tuturo na sana sa akin.

Sir Noah fixed his glasses and cleared his throat.

"You can not do it if you don't want to," simple niyang sambit.

"That's killjoy, pare!" tutol ni sir Frank. "Dapat lahat dadaan diyan. Ikaw lang naman malakas dito eh. Ikaw lang hindi napilit."

Hindi siya pinakialaman ni sir Noah na diretso pa ring nakatingin sa akin.

"Do you want to?" nakakunot ang kanyang noo.

"Oo naman sir!" si Thelma ang sumagot para sa akin. "Dancer yan! Kaso ako lang audience niyan. Mahiyain kase si Ysabelle. H'wag kang mag alala."

"Baka magkawrinkles ka niyan, Noah. Kanina pang kukunot kunot yang noo mo," wika ni sir Allen. "Mawawalan ka ng mga admirers niyan."

"Better, so they'd back off. They're annoying," Noah replied.

I looked down after hearing what he said. Women who have a crush on him annoys him. I should be more careful around him, then. What did he think of me when he caught me earlier? Did he find it creepy that I was gaping at him?

Noah's eyes went to me.

"But crushing on me is fine," he slowly said, eyes glued to me. "Not everyone is... annoying."

Unconsciously, I nodded to myself.

"Oh!" turo sa akin ni sir Allen. "Noted daw sir Noah sabi ni ma'am Ysabelle."

My cheeks flushed.

I caught the twitch of sir Noah's lips.

"Stop messing around with new teachers, Allen," ani Noah. "It shoos them away. Taon taon tuloy tayong hiring."

Nang makarating ako sa aprtment ay malaki ang aking ngiti. Naririyan na raw ang parcel kanina pang umaga saktong kaaaalis ko pa lang papuntang school.

"Kuya oh, bayad po," nag abot ako ng kinse pesos sa driver ng tricycle dahil may kasabay naman ako kanina.

Nang madaanan ko ang apartment door ni Archie na katabi lamang ng akin ay dinuro ko ito.

"Para yan sa'yo. Gago ka! Baliw pala ha. Magkabaliw baliw ka diyan sa dami ng binayaran mo," anas ko sa mababa't mariin na boses.

Nakarinig ako ng yabag sa aking likuran.

"Ms Castillo."

Mabilis akong lumingon dahil pamilyar ang boses na iyon. HIndi ako maaaring magkamali.

Nagdire diretso si sir Noah papunta sa harap ng apartment room ni Archie. May kinuha siya sa kanyang bulsa. Susi.

Susi? Bakit siya may susi sa apartment ni Archie?

Pinihit niya ang door knob matapos ipasok ang susi. Habang ako naman ay natahimik lamang sa kanyang tabi.

He opened the door and looked at me.

"You want to go in?" he asked.

Umiling ako at tumuro sa katabing aprtment. "Katabi lang ako."

He nodded.

"Uh... bakit ka nga pala nasa apartment ni Archie?"

"He left," sagot niya. "Three days ago. At ako na ngayon ang tumutuloy dito."

Ibig sabihin...

"M-may natanggap ka bang... delivery k-kanina?" nanginginig ang boses ko sa kaba.

Tumango siyang muli. "Are you sure you don't want to go in?"

"Cash on delivery yon hindi ba... at may kamahal din," pag ignora ko sa kanyang tanong. "A-anong ginawa mo?"

"Binayaran ko," he said cooly.

And I almost fainted on the spot. The purchase was worth ten thousand. And he paid for it! At hindi naman para sa kanya iyon.

"M-mauuna na ko sir," agad akong tumalikod sa kanya sa kagustuhang magmadali papunta sa aking apartment upang magtago.

Bago ko pa mabuksan ang pinto sa sariling apartment ay tinawag ako ni sir Noah.

"Ms Castillo," lumabas si Noah sa kanyang pinto. He leaned on the wall and crossed his arms. "You are indebted to me."

"H-ha?" I ask dumbstruck.

He smirked. "Don't think I'll let you get away with the parcels. I expect to have my ten thousand back."

Nanliit ako sa aking pwesto. Busted!

Tumayo siya ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader. "A childish revenge by the way."

Dali dali akong pumasok sa loob ng apartment ng hindi siya sinasagot. Gusto ko na lang humiga sa kama at magtago sa ilalaim ng aking kumot! 

Continue Reading

You'll Also Like

223K 3.3K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.8K 71 38
These are the compilations of the quotes and sayings that you probably read from the stories I wrote. Echus lang daw ng author na si Alex Shungit. ...
129K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
174K 8.4K 44
"I will heal someone I wanted to heal. So shut the fuck up and die!" A healer who don't heal everyone. A healer should be weak but why she's acting s...