HOT AND COLD

By chinrijin09

167K 2.6K 344

WARNING : SPG/R-18/MATURE CONTENT Playgirls Series 3 -Denise Ancheta Isiah Williams & Denise Ancheta More

INTRO
PART 1
PART 2
PART 3
PART 4
PART 5
PART 6
PART 7
PART 8
PART 9
PART 10
PART 11
PART 12
PART 13
PART 14
PART 16
PART 17
PART 18
PART 19
PART 20
PART 21
PART 22
PART 23
PART 24
PART 25
PART 26
PART 27
PART 28
PART 29

PART 15

4K 75 11
By chinrijin09

Hilong hilo na si Isiah sa dami ng nainom niya pero wala siyang pakialam. Gusto niyang magpakalunod sa alak para pansamantalang makalimutan ang huling pag uusap nila ni Denise pero kahit gaano na karami ang ininom niya ay ni katiting na sinabi ng dalaga sa kanya ay hindi iyon mawaglit waglit sa isip niya. Namamanhid na ang katawan niya, pero mas namamanhid naman ang puso niya. Tatlong araw na kasi simula ng makapag usap sila ni Denise ay hindi na niya tinigilan ang pag inom. Gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman niya pero pucha! Ni hindi man lang nabawasan ang sakit!

At simula ng magkita sila nitong muli ay parang mas tumindi ang pagkamiss niya rito. Lalo na noong natikman niya muli ang labi nito tatlong araw na ang nakararaan. Kung pwede lang ibalik ang nangyari noong nalasing ito, sana binuntis nalang niya ang dalaga para wala na itong kawala sa kanya, lalo pa't hindi niya inaasahan ang resulta ng paliwanag niya sa dalaga.

Iniisip palang niya kung sino ang nobyo nito ay gusto na niya itong patayin sa isip. Hindi pwedeng may nagmamay ari na kay Denise, dahil walang nagmamay-ari rito kundi siya lang!

Aminado naman siyang kasalanan niya ang nangyari sa kanila ni Denise, pero binalikan naman niya ito ah?

Hindi siya nagsabi rito dahil ayaw niyang isama pa ito sa gulo na pinasok niya. Natatakot rin siyang galawin ng pamilya Fowler ang kompanyang pinapatakbo ng dalaga. Di baleng siya nalang ang magdusa, huwag lang ang dalaga. Pero dahil sa desisyon niya, parang mas lumayo pa sa kanya ang Mahal niya.

Sinamaan niya ng tingin ang bestfriend niyang si Lucas na nakamasid sa kanya. Dumalaw ito sa penthouse niya at naabutan siya nitong umiinom. "I told you to look for her. Pero bakit may boyfriend siya?!" Galit na sigaw niya sa matalik na kaibigan. Inis na sinabunutan niya ang sarili. No fucking way! Sa kanya lang si Denise!

Tumungga muna ng alak si Lucas bago ito nagsalita. "Tell that to my spy. Ikaw naman ang nagbabayad dun diba? Sinasabi ko lang sayo ang nirereport niya."

"Sh*t! She said she's in love with her boyfriend! Nakakapucha! Ang sakit! Anong gagawin ko dude?" Desperadong aniya. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot na tuluyan ng mawala sa kanya si Denise.

"It's your fault."

"Am I your bestfriend?!"

"You should have been honest with her in the first place, told her everything before leaving the country, but you didn't. She's your girlfriend dude, she has the right to know what's happening in your life. Hindi siya manghuhula para malaman kung bakit mo siya iniwan. You should've atleast give her assurance that you'll come back, nang sa ganun, alam mong may babalikan ka pa. Stupid."

Para siyang sinampal ng ilang beses sa sinabi nito. Masyado ba talaga siyang nagpadalos dalos ng desisyon? Na dapat ba sinabi nalang niya kay Denise ang lahat? Pero natatakot siyang madamay ito sa gulo ng buhay niya.

"You know what? You're lucky." Lucas added. Kitang kita niya sa mata nito ang kalungkutan. "Malapit lang sayo si Denise. Napakadali lang na lapitan siya. You can do whatever you want to do. You have the chance to win her back." He smiled bitterly. "While me? I don't know where to find Sophia. I've searched everywhere. Every fucking country but still no sign of her."

"Hindi mo talaga mahahanap ang taong pinagtataguan ka." Umiling iling pa siya. "It's hard to find someone, but it's even harder to find someone who doesn't want to see your face." He shooked his head. "Love sucks eh?" He added.

Hindi na umimik pa si Lucas kaya muli niyang tinignan ito. Bigla ay nakaramdam na naman siya Ng pagkainis. "Magaling ba talaga yang spy mo ha? Five years ko siyang binabayaran, at sa limang taon na iyon lagi mong sinasabi na walang boyfriend si Denise! Dude! Hindi naman pangit ang Mahal ko para walang umaligid sa kanya na lalaki. Tignan mo, tignan mo, may boyfriend na pala pero hindi ko alam!"

Tinaasan siya ng kilay ni Lucas. "May sinabi ba akong walang umaaligid sa kanya? And besides, Dalawa lang naman bilin mo diba? Ang bantayan siya kung may manliligaw siya, at kung may magtangkang manligaw, pigilan."

"Kaya nga! Pero paano siya nagkaboyfriend kung binabantayan siya ng spy mo!"

"Pero wala kang ibinilin na pigilan siya sa pakikipagflirt sa ibang lalaki. Manliligaw lang naman ang sinabi mong pigilan ng spy ko diba? Ginawa naman niya. Lahat ng nagtangkang manligaw kay Denise napigilan ng spy ko." Bigla itong ngumisi. "Magkaiba ang gustong manligaw, sa gustong makipagflirt lang. Malay natin, yung isang nakaflirt niya, boyfriend na pala ni-

"W-wait.... W-what ...what do you mean by that? Nakikipagflirt ang Mahal ko?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Biglang nanlamig ang buong katawan niya sa kaalamang iyon. Bakit hindi niya iyon alam?!! "Bakit hindi mo sinabi sakin yan?!" He angrily shouted at him. Si Denise? Nakikipagflirt na?! No fucking way!

"Yes. She has a lot of pictures, dancing and flirting. Meron pa nga, kissing. Denise changed a lot dude. She dated a lots of men. At saka sinunod ko lang ang bilin mo, alamin kung may manliligaw at pigilan. Kailangan ba pati pakikipagflirt niya pigilan ng spy ko? Wala ka namang sinabi."

"Fuck! Dahil wala yan sa isip ko na gagawin niya yan! Dapat sinabi mo parin yun sakin! Lucas naman!"

Nanginig ang buong katawan niya sa matinding galit na nararamdaman dahil sa nalaman. Nandidilim ang paningin niya, at gusto niyang manapak dahil sa sinabi nito. Imagining Denise kissing someone else makes his blood boil. He can't help but to feel mad and furious and he wanted to punch every men she kissed! Sa sobrang galit na nararamdaman ay malakas na itinapon niya sa pader ang bote ng alak na hawak niya. "Damn it! Fuck!" He frustratedly shout.

Lucas sneered like crazy. "You want to see those pictures?"

He glared at him. "F*ck you!" Galit na sigaw niya rito. Alam niya sa sariling kapag nakita niya iyon ay baka may demonyong humulagpos sa pagkatao niya. "Find them." May diing sabi niya rito.

"What are you up to?"

He devilishly smirked at him. "How about you? What are you going to do if you saw Sophia, kissing someone else?"

Agad namang nagdilim ang paningin ni Lucas dahil sa sinabi niya. Agad nitong kinuha ang cellphone nito at may tinawagan.

Habang nakikipag usap ito ay inabala nalang ulit niya ang sariling uminom. Para siyang sinasakal dahil sa nalaman. Isa pang pinoproblema niya ay ang pagkakaroon ng nobyo ni Denise. He tightly clenched his fist.

You're mine Denise... Asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya? You were mine first, kaya babawiin lang kita. You're still my girlfriend, whether you like it or not.





Anim na araw na ang nakalipas simula ng huling pag uusap nila ni Isiah ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya.

It's a good thing right? Magiging matiwasay na siya dahil wala ng nangungulit sa kanya.

Iniluklok nalang ni Denise ang sarili sa trabaho kahit na medyo masakit ang ulo niya dahil sa kakulangan sa tulog. Ilang araw narin kasi siyang hirap matulog at hindi niya alam kung bakit, samantalang hindi naman siya ganito noon. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng pagkatok. Agad naman niyang pinindot ang intercom. "Come in."

Pagpasok ng sekretarya niyang si Alfred ay agad na ngumiti ito sa kanya. "Good morning mam. I just want to inform you that mang felipe has a replacement for the position he left."

"That's good. Kailan mag uumpisa ang kapalitan niya?"

"Bukas po ma'am. Kakapasa niya lang ng requirements kanina at nakapagpirma narin po siya ng kontrata."

"Pagdating niya bukas, sabihin mong dumiretso siya rito sa opisina ko. I'll just give him a short talk and also to welcome him."

"Noted ma'am."

Tumango naman siya. "Sige, you can go back to work." Nang akmang tatalikod na ito ng pigilan niya ang binata. "Oo nga pala, maaga akong uuwi ngayon okay? Ikaw na muna ang bahala. I need to rest, medyo masakit ang ulo ko. Cancel my appointment to Mr Arciaga. Reschedule it tomorrow."

"Okay po. Pero Gusto niyo po bang kuhaan ko kayo ng gamot sa clinic mam?"

Umiling siya. "No need. Pahinga lang to. But thank you." Tipid na nginitian niya ito. "Sige na, pwede ka ng umalis."

"Sige po mam."

Malakas na napabuntong hininga siya ng makalabas si Alfred. Pinilit niyang tapusin ang nakatambak na mga papeles pero bawat minutong dumadaan ay pasakit ng pasakit naman ang ulo niya kaya naman naisipan niyang umuwi nalang.

Habang naglalakad siya sa hallway ay hindi nakatakas sa pandinig niya ang bulong bulungan ng mga babaeng empleyado.

"Ang gwapo ng kapalitan ni Mang Felipe no? Parang hindi niya bagay ang pinasok niyang trabaho." Girl 1

"Kaya nga. Para siyang modelo no? Mas gwapo pa siya sa mga nakikita kong artista sa t.v. at ang ngiti bhe, with matching dimple, nakakatuliro!" May patili pang wika ng isa.

Hindi na niya napakinggan ang mga iba pang pinag-uusapan ng mga ito dahil papalayo na siya sa mga iyon. Minamasahe niya ang kanyang sintido habang naglalakad papuntang elevator. Sobrang sakit talaga ng ulo niya.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay may naunang lalaki na pumasok agad sa loob. Nakajacket ito, nakabonnet, nakaface mask at nakashades pa.

Kung titignan ito ay para itong may pinagtataguan dahil yukong yuko pa ito.

Hindi nalang niya ito pinansin at pinindot nalang ang LG button saka mabagal na naglakad papunta sa sulok ng elevator saka mariing pumikit. Pumipintig talaga ang ulo siya sa sobrang sakit dahil narin kawalan ng maayos na tulog.

Pero habang nakapikit siya ay may naamoy siyang pabango na pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang laging pabango ni Isiah. Pasimple pa siyang suminghot singhot para amoyin ng husto ang pabangong iyon. Ibinuka niya ang mata at nilingon ang lalaki na biglang tumalikod sa kanya. Nakaharap ito sa gilid ng elevator, sa halip na sa palabas. Nawerduhan tuloy siya rito dahil para itong natakot Ng lingunin niya Ito.

Weird....

Pinakatitigan niya ang lalaking kasabay, kasing tangkad rin ito ni Isiah, at kasing katawan. Pero imposibleng ito ang dating nobyo niya. Ano naman ang gagawin nito sa kompanya niya? At kung si Isiah nga ito, dapat kinausap na siya, pero mukhang mahiyain ang lalaking kasama niya.

At isa pa, hindi lang naman si Isiah ang gumagamit ng ganoong pabango diba?

Hindi nalang niya pinansin ang katabi at tahimik na hinintay na makababa. Maya't Maya niya minamasahe ang kanyang sintido para gumaan ang pakiramdam niya.

Dahan dahan siyang naglakad ng bumukas ang elevator. Hindi niya tinungo ang parking, sa halip ay mabagal na tinungo niya ang main exit ng building at doon siya lumabas dahil balak niyang mag taxi nalang. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay hindi niya kayang magmaneho dahil baka ikaaksidente niya iyon.

Napansin niyang nagmamadaling naglakad ang weirdong lalaki pero hindi nalang niya ito pinansin.

Pakiramdam niya ay ilang minuto bago siya nakalabas ng building sa sobrang bagal ng paglalakad niya. Nasiyahan pa siya dahil paglabas niya ng building ay may taxi agad na nakaabang. Agad siyang sumakay at sinabi sa driver kung anong address siya ibababa. Nakapikit na siya ng makarinig siya ng pagbukas sara ng pintuan kaya naman agad siyang nagmulat ng mata. Mula sa rearview mirror ay nakita niyang sumakay rin ang lalaking nakasabay niya sa elevator kanina. Sa passenger seat ito umupo.

Napansin niyang nag angat ng mukha ang lalaki pero hindi niya alam kung nakatingin ito sa kanya sa rearview mirror dahil nakashades ito. Tinitigan niya itong mabuti pero napansin niyang umiwas ito ng tingin.

Kung sa ibang tao siguro nangyayari ang nangyayari sa kanya, baka makaramdam ang taong iyon ng takot at kaba dahil napakaweird ng kasama niya at para siyang sinusundan. Nakasabay niya sa elevator pati narin sa loob ng taxi, isama pang balot na balot ito ng kasuotan at halos hindi makita ang mukha kaya mapapaisip ka talaga.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil wala man lang siyang maramdamang kaba na kasabay niya ulit ito.

"Is he following me?" Tanong ng bahagi isip niya.

Napataas ang kilay niya ng abutan ng lalaking weird si kuyang taxi driver ng limang libo. Ni hindi man lang ito nagsalita ng iabot nito ang pera. Pero ang katanungan sa isip niya ay agad na nasagot dahil ilang saglit lang ay yumuko ang weird na lalaki saka nito ipinakita ang cellphone sa driver. Para itong may pinapabasa sa cellphone.

Nakaramdam siya ng awa ng mahinuhang pipi ang lalaking weird. Siguro ipinabasa nito sa driver kung saan ito bababa.

Pero bakit limang libo ang binigay nito? Ang laki naman..

Ayaw sana niyang makialam pero naawa siya sa lalaking kasabay niya.

"Kuya." Kinalabit niya ang driver. Agad naman siyang nilingon nito, sakto kasing traffic pa. Napansin niyang napapitlag ang lalaking kasabay niya pero hindi niya nalang iyon pinansin. "Mukhang sobra po ata binigay niya." Turo niya lalaking kasama niya na ngayon ay nakatingin na sa labas ng bintana.

"A-ah ehhh.. " hindi malaman ng driver ang sasabihin at kumamot pa ito sa ulo.

Nagulat pa siya ng paulit ulit na nag okay sign ang lalaking kasabay niya habang nakatingin ito sa bintana, ni hindi siya magawang lingunin.

"Okay?" Nawewerduhang sabi nalang niya. Mukhang mabait ang nakasabay niya. Siguro tip nito iyon sa driver.

Pero sobrang laki naman...

Hinayaan nalang niya ito at umiwas nalang siya ng tingin sa rearview mirror at nakapikit na sumandal. Nakapikit na napapangiwi siya dahil pumipintig na naman ang ulo niya sa sakit. Gusto niyang imulat ang kanyang mga mata dahil ramdam niyang hindi mapakali ang nasa harapan niyang lalaki.

Naramdaman niyang umandar na ang sinasakyan nila pero ilang sandali lang ay huminto na naman kaya hindi niya naiwasang imulat ang mata, sakto namang nagtama ang mata nila ng driver. "Pasensya na mam, okay lang po ba na bibilhin ko lang yung unan na yun?" Turo nito sa matandang nagtitinda ng unan sa gilid ng kalsada. "N-nagpapabili po kasi yung anak ko ng unan na kagaya niyan."

Pilit na nginitian naman niya ito. "Sige po kuya. Okay lang. "

"S-salamat po." Dali dali naman itong lumabas at naiwan silang dalawa ng weird na lalaki. Ipinikit nalang niya ang kanyang mata at hindi na umimik pa. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang pumasok na si kuyang driver. Sa tabi niya ipinasok ang dalawang unan na may balot pa ng plastic.

May pagtatakang pinanuod niya ang driver dahil tinatanggal nito ang plastic ng unan at ng matanggal nito iyon ay nakangiting binalingan siya. "Gamitin niyo muna mam para komportable kayo."

Nakangiting umiling siya. "Hindi na kuya. Salamat. Dapat anak niyo unang gumamit niyan." Napakabait naman ng driver na to. Sa isip isip niya.

"Naku okay lang po mam. Para sa inyo- " napatigil ito sa pagsasalita at napakamot ng ulo. "Para sa anak ko po pero okay lang naman po iyon sa anak ko. Sige na mam, gamitin niyo muna kasi sobrang traffic ngayon, para makapagpahinga po kayo ng maayos."

"Sige na nga po. Ang bait niyo naman kuya. Ang swerte naman ng anak niyo, lalong lalo na siguro ng asawa niyo."

Narinig niyang tumikhim ang lalaking weird at ng tignan niya ito ay dali dali itong umiwas ng tingin.

"S-salamat po. Pero mam, okay lang po ba na dumaan ako sa botika? MASAKIT DAW PO KASI ANG ULO NG ANAK KO, kailangan niya pong uminom ng gamot para mawala yung SAKIT."

Dahil sa sinabi nito ay naisip niya rin ang kalagayan niya. "Okay lang po kuya. Pero pwede din po ba ako magpasuyo? Pabili din po sana ako ng paracetamol saka tubig narin. "

Sunod sunod namang tumango ang driver kaya naman nagbigay siya ng pambili rito. Nag umpisa na itong magmaneho at ng makakita ng botika sa gilid ng daan ay agad nitong hininto ang sasakyan. Pero bago pa makababa ang driver ay kinalabit ito ng lalaking kasama niya saka may ipinabasa ito sa cellphone.

"Ah. Baka may ipapabili din."

Sunod sunod namang tumango ang driver pagkabasa sa cellphone ng lalaki saka nagmamadaling lumabas. Mukhang gustong gusto na nitong umuwi para alagaan ang anak nito.

Wala sa sariling napangiti siya. Napakaswerte naman ng asawa ni kuya driver, mukhang mapagmahal sa pamilya.

Hindi pa nagtatagal ay pumasok na muli ang driver bitbit ang isang paper bag. "Heto na ho mam."

Nagtatakang tinignan niya ang driver. "Nasaan na yung gamot ng anak niyo kuya?" Pansin niya kasing wala na itong ibang hawak pa maliban sa binigay nito sa kanya.

"A-ah eh.. kwan kasi... Ano po, ahmmm, kakatawag lang ng asawa ko kanina nung nasa botika na ako, m-magaling na daw po yung anak ko. Naglalaro na. Hindi na kailangan ng gamot."

"Ah ganun po ba. Mabuti naman po kung ganun." Napansin niyang wala itong ibinigay sa kasama niyang pasahero, siguro may ibinilin lang ito kanina.

Narinig niyang tumikhim ang driver kaya naman binalingan niya itong muli. "May binili po pala akong tinapay mam. Kainin niyo po muna bago inumin yung gamot na pinabili niyo. Mas safe parin po kasi na may laman ang tiyan niyo kahit na paracetamol lang yan. At saka ito po pala yung sukli niyo mam-"

"Sige na kuya, sayo na yan." Maluwag na nginitian niya ito. "Salamat po pala sa concern niyo. Sana marami pang driver na kagaya niyo." Papuri niya rito.

Parang alanganing nginitian siya nito pero hindi nalang niya iyon pinansin. Pagkabukas niya ng paper bag ay naglaway pa siya ng makitang tatlong ensaymada ang binili nitong tinapay. Isa iyon sa paborito niya.

Hindi parin umaandar ang taxi dahil sa sobrang traffic. Kinuha niya ang isang ensaymada at inalok ang driver pero umiling lang ito. Nilingon naman niya ang kasabay niyang lalaki pero sumenyas lang ito na ayaw nito kaya naman siya nalang ang kumain. Pagkaubos niya ng isang tinapay ay agad niyang ininom ang paracetamol.

Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at ginamit ang unan para pansamantalang matulog muna.

Hindi niya alam kung bakit napasarap ang tulog niya dahil namalayan nalang niyang ginigising na siya ng driver. Agad naman siyang nagmulat at nakita niyang nasa tapat na sila ng building kung saan ang condo unit niya.

Pagkabigay niya ng bayad sa driver ay agad siyang lumabas, hindi na niya hinintay pang ibigay nito ang sukli dahil deserve naman nito iyon. Saktong lumabas rin ang kasama niya at sinabayan siya sa paglalakad. Nilingon niya ito pero mabilis itong naglakad.

Mukhang pareho pa sila ng building kung saan siya nakatira. Hindi nalang niya ito pinansin pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Naunang pumasok ang weirdong lalaki sa elevator, at sa gulat niya ay kung saang floor ang unit niya ay iyon din ang pinindot nito.

Tinignan niya ang binata pero dumiretso lang ito sa sulok. Sa tagal na niya sa condo niya ay halos kilala na niya ang mga kasama niya sa floor na iyon, at hindi niya maalala na nakita na niya ito. "Baka naman bago lang." Sabi ng isang bahagi ng isip niya. Dahil Doon ay hindi na niya inabala pa ang sarili na isipin ito.

Pagkabukas ng elevator ay agad siyang lumabas. Naramdaman niya ring sumunod ang lalaki sa kanya, pero ng huminto siya sa kanyang pintuan ay nagdire diretso parin itong naglakad kaya naman hinayaan na niya ito at pumasok nalang siya sa loob ng kanyang condo.

Dumiretso siya agad sa banyo para maghalf bath para narin makapagpahinga siya ng maayos. Medyo umepekto narin ang gamot na ininom niya dahil hindi na gaanong masakit ang ulo niya.

Nasa bente minutos lang siguro ay tinapos na niya ang pagbababad at nagbihis na. Akmang hihiga na siya ng makarinig siya ng pagdoorbell kaya nagtatakang tinungo niya ang pintuan at tinignan ang peephole.

"Hindi naman ako nagpadeliver ah." Pagkausap niya sa sarili saka binuksan na ang pintuan. Bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng pagkain na bitbibitbit ng delivery rider.

"Good afternoon mam. Delivery po for miss Denise Ancheta."

Nagtatakang tinignan niya ang rider. "Pero hindi naman po ako nag order."
Baka naman may gumamit Ng pangalan at address niya tapos gumawa ng fake booking? Mga Tao nga naman.

"Galing po ito sa nagngangalang S-samantha P-perez."

Agad na nakahinga siya ng maluwag ng sabihin nito ang pangalan ng kaibigan niya. "Bayad na ba yan kuya?"

"Opo mam. Sige po."

Nang makaalis na ang rider ay agad siyang pumasok sa loob. Nakakapagtaka dahil ito ang kauna unahang inorderan siya ng pagkain ni Sam. Samantalang isa ito sa kaibigan niyang kuripot pagdating sa pera.

Anong meron? Nauntog ba ang kaibigan niya at naisipan nitong manlibre ngayon? Nasaktuhan pang hindi pa siya nanananghalian.

Hinayaan niya muna ang katanungang tumatakbo sa isip niya dahil biglang kumulo ang tiyan niya dahil sa amoy Ng pagkain. At mas lalo siyang nagutom dahil pagbukas niya ay mas lalong nanuot sa ilong niya ang buttered peeled shrimp at fish fillet. Meron ring mash potato at rice. Napapikit siya ng matikman fish fillet. Napakasarap at napakalambot. Hindi niya namalayan na naparami na pala siya ng kain kaya naman napasandal siya sa upuan dahil sa kabusugan.

Nangingiting tinawagan niya si Sam para pasalamatan ito.

"Sexy and beautiful Sam, speaking...."

"Babe." aniya.

"Oh napatawag ka?"

Agad na nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Diba dapat nag eexpect na ito ng tawag niya dahil binilhan siya ng pagkain?

"Hello? Babe? Nandiyan ka pa?" Untag ni Sam sa kabilang linya ng hindi siya nagsalita.

"Sammy, s-salamat pala sa inorder mong pagkain ko. Ang sasarap. Lalo na yung fish fillet."

"Ha? Anong inorder? Babe wala akong inorder na pagkain mo. Hoy! Huwag mo akong bibiruin ah? Baka mamaya may lason yan! Hindi ako nag order ng pagkain mo!" Halata sa boses ni Sam ang pagkataranta.

"Pero buong pangalan mo ang sinabi ng delivery rider. Kaya nga kinain ko kasi nakapangalan sayo."

"Ano ba yan Denise! Kailan pa kita pinadeliveran ng pagkain ha? Sana tinawagan mo muna ako bago mo kinain yan! Madami ka bang kinain? Diretso ka na sa hospital, mamaya may lason yan!" Inilayo niya sa tenga ang cellphone dahil sumisigaw na ang kaibigan niya. "Mahal! Baby! Yohann! - boses naman ni Yohann ang narinig niya pagkatapos. "Shit baby! Anong nangyari?! May masakit ba sayo? Tell me!"

Naiiling nalang siya habang pinapakinggan ang dalawa. "Sammy, ibaba ko na to." Pero mukhang hindi siya narinig ni Sam, sa halip.....

"Puntahan natin si Denise! Dalhin natin siya sa hospital!"

"Sammy-

Agad na naputol ang sinasabi niya ng mamatay ang tawag. Sinubukan niyang tawagan ulit ito pero hindi na ito makontak pa.

Tinignan nalang niya ang pagkain na halos wala ng natira. Pinakiramdaman niya ang kanyang katawan pero wala naman siyang maramdaman na kakaiba.

Naglalaro sa isip niya kung sino ang nagpadala ng pagkain at ginamit pa talaga ang pangalan ng kaibigan niya. Pumasok sa isip niya si Isiah pero agad ring iwinaksi niya iyon sa isipan. Nakapag usap na sila at nagkalinawan na, kaya wala ng rason para gawin nito iyon. At saka bakit pa nito gagamitin ang pangalan ni Sam?

Mga trenta minutos na siguro niyang pinapakiramdaman ang tiyan niya ng makarinig siya ng sunod sunod na pagdoorbell. Halatang madaling madali kung sino man iyon at may ideya na siya kung sino.

Pagkabukas niya ng pintuan ay nag aalalang hinawakan siya ni Sam. "Let's go!" Pilit na hinihila siya nito palabas pero pinigilan niya ang kaibigan.

"I'm okay, okay?"

"Paano kung mafood poison ka?!"

Nagkibit balikat Siya. "Well, more than thirty minutes na akong tapos kumain, wala naman akong nararamdaman na kahit ano sa katawan ko." Napatingin siya kay Yohann na abala sa pagtipa sa cellphone nito. "Upo muna kayo." Baling niya ulit sa kaibigan pero hindi ito nagpatinag at nakacrossed arm pa itong tinaasan siya ng kilay.

"May gana ka pa talagang paupuin kami? Paano kung pakalat palang yung lason sa katawan mo ha?! Dapat diretso na tayo sa hospital ng maagapan kung ano man ang meron sa kinain mo! Ikaw naman kasi! Hindi mo man lang ako tinawagan bago mo kainin yang pagkain na diniliver sayo! Paano kung mayroong taong galit sayo at gusto kang lasunin?!" Sunod sunod na litanya nito.

"Wala naman akong kaaway."

"Hindi mo yan masabi!" Hinila na naman siya nito palabas pero si yohann na mismo ang pumigil kay Sam.

"Baby, stop it. Okay lang ang kaibigan mo. Just sit and relax okay?" Pagpapakalma nito sa nobya.

"Paano mo nasabi? Ha?"

"I just know." Yohann cleared his throat before turning his gaze on her. "Wala ka namang nararamdaman diba?"

Tumango siya. Si Yohann naman ay nilingon muli si Sam. "See? Mukhang okay naman si Denise. At saka malay mo, concern citizen lang yung nagpadala ng pagkain kay Denise."

Sinamaan ni Sam ng tingin si Yohann kaya naman napatikom ang bibig ng huli. "Concern citizen?ako nga hindi ko pa naranasan yung ganyan!" Lalo naman nitong sinamaan Ng tingin si Yohann. "Siguraduhin mo lang ha? Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, lagot ka sakin. Hindi kita kakausapin!"

"Yes baby. Don't worry, Denise will be fine. I promise." Parang siguradong sigurado pang wika naman ni Yohann.

Tinaasan ni Sam ng kilay ang nobyo nito. " Bat siguradong sigurado ka ha?"

Nagkibit balikat lang si Yohann, Hindi na muling nagsalita pa at iginaya na nito si Sam para maupo. Habang ang kaibigan naman niya ay hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Kahit konting sakit, kung ano man yan, sabihin mo agad okay?para madala ka agad sa hospital."

Nangingiting Umiling iling nalang siya. Gusto na niyang matulog pero dahil nandito pa ang dalawa ay ipinagpaliban muna niya.

Pero isang oras na ang nakalipas ay wala parin siyang nararamdaman na kahit na ano kaya kinalabit na niya ang kaibigan na kasalukuyang abala na sa panunuod ng scary movie 1.

"Ano? May masakit ba sayo?" Alalang tanong agad nito.

Umiling naman agad siya. "Wala. Pero gusto ko ng matulog. Iwan ko nalang kayo rito ah? Just feel at home. " Antok na antok na wika niya.

"Sigurado ka walang masakit sayo?" Paninigurado pa nito.

"Oo nga. Bahala na kayo diyan."

Tumango naman si Sam at akmang tatalikuran na niya ito ng tawagin siyang muli. Nagtaka pa siya dahil nakangisi na ito. "Babe, okay lang ba binyagan namin to ng Mahal kong si yohann?" Pilyang sabi nito sabay palo sa sofa na kinauupuan nito.

"Sammy!"

"Baby!"

Sabay pang sigaw nilang dalawa ni Yohann at parehas ring namumula ang mukha dahil sa kalokohan ng kaibigan.

Nag peace sign pa ang loka loka niyang kaibigan. "Joke lang babe." Anito saka naman nito binalingan si Yohann. "Joke lang naman baby." Bumulong pa si Sam pero narinig naman niya. "Pero kung gusto mo, secret lang natin."

"Samantha!"

Iiling iling na iniwan nalang niya ang dalawa at dumiretso na sa kanyang silid. Pagkalapat palang ng katawan niya sa kama ay unti unti na siyang nilipad sa kamalayan.


DEDICATED to

kimmchinn
Imee40
LoidaPadayogdog

And

baby-kenken-ko

😘😍

Lovelots..

Thank you again for the votes and also to my followers and readers🥰🥰😘

Sorry for the typo's and errors 😅

❤️
❤️
❤️
Chinri

Continue Reading

You'll Also Like

838K 8.3K 68
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
535K 33.9K 69
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...
5.5M 228K 68
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
736K 105K 39
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...