A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.2K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 15: Victim
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 22: Justice
Silence 23:Your Partner
Wakas

Simula

171 9 22
By AnastasiaCaly

Simula

Piniga ko ang damit mula sa batsa. Kumuha ako ng hanger sa ibabaw ng lamesang pinagpatungan ko nito at isinampay ang damit.

"Clarence naman! Dapat ikaw na ang naglalaba ng damit mo at binata ka na," sermon ko sa kanya na nakaupo lamang sa wooden bench na naasa harap ng lamesa. Minsan kasi'y dito kami kumakaing mag anak sa labas ng bahay.

"Ate, andiyan ka naman eh! Hindi kaya ako marunong," angal niya. "Wag ka maingay 'te matatalo na 'ko sa laro."

Napailing na lamang ako sa kanya. Usong uso rito sa amin ang Mobile Legends. Halos lahat yata ng madaanan kong bata sa labas, imbes na naglalaro ng taya tayaan, tumbang preso o tagu taguan ay puro nakacellphone at nagmo-mobile legends.

"Nagpaload ka nanaman kay ate Gina ano?" suspetya ko. "Hindi mo na lang ipunin ang pera mo. Tapos kapag may kailangan ka sa school, hihingi ka nanaman kanila mama. Sasabihin mo naubusan ka, eh saan mo naman ginagasta? Sa load lang para maglaro! Buti sana kung pang research para sa school."

Tumigil ako nang sandali upang isampay ang kasunod na damit.

"Tandaan mo," yumuko ako sa may batsa at tumayo uli. "Hindi na tulad noon ang estado ng buhay natin."

At mukhang walang pakialam sa sinasabi ko si Clarence dahil siyang tuloy niya pa rin ng pagpindot sa kanyang cellphone.

"Ate," sagot niya matapos ang ilang minuto. "Hindi naman talaga dapat ako ang naglalaba eh. Trabaho niyong mga babae 'yan. "

"Uy!" agad kong pigil sa kanya. "Ang gawain sa bahay, dapat alam gawin ng lahat. Dapat talagang natututunan ng kahit sinong kasarian. Hindi niyo kami mga serbedora! Marunong dapat kayong kumilos para sa sarili."

Dumaan ang iritasyon sa kanyang ekspresyon. Pabagsak niyang pinatay ang kanyang cellphone at nag angat ng tingin sa akin.

"Alam mo ate, 'yang pagbubunganga mo sa akin. Bakit hindi mo magamit sa school? O sa ibang tao? Nahihiya na ako sa school dahil sa tuwing may lalapit sa akin, itatanong kung ate ko raw ba yung ninenerbyos lagi tuwing magsspech o report. Utal utal pa! Tapos sumasakit ang dibdib. Drama queen ka na nga ng school eh!"

I chewed the inside of my cheek. I can't comment on that.

Si Clarence ay second year college na, habang ako ay nakatapos na. Dalawang taon din kaming magkasama sa unibersidad kaya madalas siyang makatanggap ng mga ganoong tanong.

"Paano ka magtiteacher niyan? Nagtataka nga ako kung paano mo nairaos 'yang education eh," dugtong niya sabay umiling at tumayo na mula sa mahabang upuan. "Magbbootcamp lang kami roon sa may tindahan."

Bumuga ako ng hangin nang makalayo siya. Sanay na ako sa mga sinasabi niya kaya hindi na ako gaanong naiinsulto.

"Hay!" itinapon ko ang tubig na pinaglabahan at nilinis ang batsa.

"A-ang...n-ng... k-kap," putol putol na tunog mula sa aking cellphone.

"Ay!" nagmadali akong abutin ang cellphone sa lamesa. Nakalimutan kong magkatawagan nga pala kami ng best friend ko na si Thelma. "Sandali lang ah. Mahina signal ko."

Tinakbo ko ang papunta sa terrace ng bahay namin. Umakyat ako rito at itinaas ang aking cellphone para humanap ng magandang signal.

"Ano nga uli yung sinasabi mo, Thelma?" tanong ko. Yun din naman ang dahilan kung bakit siya tumawag. May sasabihin daw siya.

"Hoy babaita! Wala ka bang naaalala?" aniya.

"Huh? Anong meron? Sa June pa naman ang birthday mo ah. Eh magma-March pa lang ngayon," sagot ko.

She clicked her tongue. "Kailan mo planong mag apply?"

Napabuntong hininga ako. That promise!

"Nauna na ako ng isang taon dito sa Dasma kase ang sabi mo ay hindi ka pa handa. Hiring ang school namin ng teachers. Pwede ka magdemo rito tapos magiging part ka ng faculty sa susunod na school year."

Napakamot ako sa aking batok.

"Bakit ba naman kase diyan pa sa Cavite? Eh may mga school din naman dito sa Batangas. Pwede namang magturo sa St James o kaya St Jude," reklamo ko.

"Andito nga ang boyfriend ko, Ysabelle! Long distance din kami ano! Siya pa nga ang pumupunta diyan sa Batangas nung college tayo eh hindi ba? Nakakahiya naman kung puro siya lang ang nag eeffort."

Hindi naman ako obligado pagkadating sa relasyon nila! Pero the fact still remains na may pangako nga kami sa isa't isa.

"Saka mas malaki ang sweldo rito kaysa sa normal na bayad sa teachers. Diba kailangan din ni tito ng pang maintenance sa high blood?"

Pagtatricycle ang trabaho ni papa. Nang magkaroon ng high blood ay kinailangang tumigil. Baka pa himatayin sa daan sa sobrang init. Mabuti na lang at may babuyan kami kaya kinaya naming mamuhay.

"Oh! Eh mabuti yan! Isang taon ka na ring tunganga rito sa bahay. Magtrabaho ka na para makatulong ka na sa gastusin natin. Para saan pa at pinag aral ka namin hindi ba?" ani mama habang nagsasandok ng kanin. Inabot niya sa akin ang plato at inilagay ko naman sa lamesa.

"Ayos lang ho? Kahit sa Cavite?" ulit ko, dahil mukhang hindi narinig ni mama kung saan ko planong magtrabaho. Ang napakinggan niya lang ay ang plano kong magtrabaho.

Natigil ang usapan nang pumasok sa kusina si Clarence.

"Bulanglang nanaman ma? Wala na bang iba? Kaya ako pumapayat eh. Araw araw akong nadadiet," hinila niya ang upuan at umupo.

Mama and I looked at each other and both shook our heads.

"H'wag kang mag alala, magtatrabaho na ang ate mo. Sumipsip ka rito sa ate mo para makahingi ka ng budget. Magluto ka ng sarili mong ulam," biro ni mama.

Papa entered the dining. "Ano 'tong naririnig ko? Magguguro ka na anak?" galak niyang tanong. Niyakap ako ni papa. "May teacher na kami!"

"Anong ituturo mo ate?"

"English," sagot ko. "Ayon ang major ko eh."

"Anak," mama squeezed my hand. "Iwasan mong nerbyosin habang nagtuturo ha. Baka umiyak ka habang nagtuturo?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi.

"M-medyo kaya ko naman na po sa ilang taon ko sa education sa kolehiyo."

Mayroon akong speech anxiety. Kahit na sigurado ako sa material na ippresent ay natatakot akong magsalita sa harap ng marami. Maaari akong kumuha ng ibang kurso na hindi gaanong nagrerequire ng public speaking, ngunit pagtuturo talaga ang gusto kong gawin. Hindi na ako magpapakumbaba pa, alam ko ang kapasidad ko pagdating sa academics. Kaya gusto kong gamitin ito par matulungan ang mga studyante.

Sa buong buhay ko ay si Thelma pa lang ang natuturuan ko dahil wala naman akong ibang kaibigan. Masaya sa pakiramdam kapag nakikita mong nagkakaroon ng resulta at may natututunan ang taong tinuturuan mo. It feels good to be of service to someone who needs it.

"Oh siya, dito ka muna tumuloy sa amin ng boyfriend ko hangga't hindi ka pa nakakahanap ng apartment. Sabi ko naman sa'yo, ayos nang dito ka na. Gagastos ka pa sa renta," bit bit ni Thelma ang isa ko pang bag. Mabibigat kase ang bitbit ko.

"Hindi pa naman sigurado kung mahahire ako. Ewan ko ba kung bakit ang dami ko pang dalang gamit," Inilapag ko ang eco bag sa dining chairs nila. "Ito oh. Padala ni mama mo. Tamales."

"Ayun oh!" kumuha siya ng platito mula dish rack. Binuksan niya ang tamales at kinain. "Talagang dapat marami kang dalang gamit. Imposibleng hindi ka nila tanggapan. At kung hindi man, pasok ka sa ibang schools dito."

Inilabas ko ang aking envelope. At tinignan kung naroon na ba lahat ng kailangan ko.

"Ready ka na sa interview mo?" tanong ni Thelma. "Blown them away with your intelligence!"

"Blow," pagtatama ko. "Kase hindi pa tapos yung action."

Napairap si Thelma. "Eh syempre wala naman tayo sa school, pwede na yan!"

"You studied to apply it in real life," I debated.

"Oo na!" she smiled coyly. "Namiss kita."

"Miss you too," ngiti ko pabalik.

Matapos ang aking interview ay mayroon pang teaching demonstration. Bitbit ko sa aking bisig ang visual aids na ihinanda ko kagabi. Magdedemo ako sa junior high school department dahil doon ang inapplyan ko.

Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko. Kahit nga ang paa ko'y malamig din. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko'y sumasakit ang dibdib ko. Paulit ulit kong binabalikan ang lesson flow sa aking ulo dahil pakiramdam ko'y malilimutan ko. Paano kung makaligtaan kong banggitin ang importanteng impormasyon? Paano kung magmental block ako? Paano kung tawanan nila ako dahil ang gulo kong magturo?

I let out a shaky breath. Kaya mo ito Ysabelle!

Kumatok ang principal sa pinto ng classroom. And the door opened. In front of me is the most beautiful man I've ever met.

He's a teacher? Why the hell isn't he in Hollywood films yet?

He has a strong jaw and chiseled cheekbones. He's muscly and bulky. He looks six feet tall, with deep brown hair. The glint of his dark steely eyes and unflinching aura gives me the impression that he's intimidatingly intelligent.

I found his dark gray eyes staring back at me.

"Ms Castillo?" kuha ng principal sa aking atensyon.

I closed my eyes, breathed deeply and swallowed.

"Uhm s-sorry... medyo kinakabahan lang po kaya hindi ko po gaanong narinig," I smiled shyly.

The man in front me twisted his lips in a smirk.

"Good morning, Ms Castillo," his husky and accented voice greeted. "I'm Noah Spencer Vasquez, the junior high school department head."

I bit my lip.

"Uh... g-good morning s-sir," dahan dahan kong inabot ang aking kamay. "I-I'm Ysabelle Jane Castillo, applying as an English teacher."

I looked down on my hand and almost cursed myself. Was that introduction even necessary? He doesn't need to know what I'm applying for!

Right when I was about to put down my hand in embarrassment, his strong calloused hands caught mine. My breath almost hitched. His hand is warm and masculine.

"You're nervous. Don't be," he eyed me deeply as he said the words reassuringly.

The principal cleared her throat.

"As I've said, You're going to have your demo teaching in this particular section. Mas maganda kung ang isa rin sa pinakamagaling na teachers ang mag asses sa'yo."

My anxiety reached it's peak. I can't even utter a respons so I just nodded.

I followed Noah in front of the class while the principal made her way to the back of the class.

"Grade nine, this is ma'am Ysabelle. She'll have her teaching demonstration with you today. She might be your teacher Engish teacher for the next school year. I expect you to be in your best behavior while she teaches. Are we clear?"

The class answered "Yes sir!" in chorus.

He went at the back of the class. His eyes changed from being casual to observant.

When the whole class' eyes focused solely on me, I quivered. They're not going to laugh at you, Ysabelle. You're the teacher and you'll be respected. They're not your classmates from before.

"G-good morning, everyone! I'm ma'am Ysabelle," I managed to put a smile on my face while my insides are on hysterics. "T-today I'll be teaching you about... context clues."

After the demo teaching. The principal went out with me.

"Ms Castillo. You were very different from the interview compared to the teaching demonstration. I noticed, you're not making much eye contact with the students. To make the students feel like you're involving them and are talking to them is vital. Kung wala sa kanila ang mata mo, mawawalan sila ng gana. Plus you were stuttering a bit which makes it look like you're not sure about what you're saying. WIthout enough confidence, you will not have a hold and control of the class. The discussion and explanations are fine. I commend you for integrating interactive learning by doing that group activity, but I'm sorry, you did not fit the school's standard."

I've expected this, but actually hearing it hurt me a lot. I sighed.

"Sige po... thank you ma'am for giving me the experience," sambit ko.

When the principal and I parted ways, I went out of the school and stared into nothing.

Damn this stage fright!

I've been trying to fight my speech anxiety for years, it still gets in the way until now. Paano ako makakahanap ng trabaho?

I must've looked ridiculous and pathetic while teaching earlier. Just like what my classmates said. I can hear them laughing in my ears. I can see all the videos they took while I cried in front of class.

Sumlampak ako sa gilid ng daan.

"Saan ba ako hahanap ng trabaho nito?" I sighed in a frustrated manner. "Sayang naman yung punta ko rito sa Cavite."

Sinandalan ko ang pader at tumingala sa langit.

Hindi langit ang nakita ko kundi anghel. Gwapong anghel.

"S-sir Noah!" agad akong tumayo. Pinunasan ko ang kaunting luha sa mata. "Ano pong ginagawa niyo rito?"

He was frowning at me.

"Why are you crying?" tanong niya.

I chuckled. "Syempre, hindi ka ba naman tanggapin sa trabaho diba? Maiiyak ka talaga."

Pinagpagan ko ang aking kamay at ang likod ng pants ko. Nginitian ko nang tipid si Sir Noah.

"Mauna na po ako, sir Noah."

Ngunit bago pa ako makalagpas sa kanya ay hinigit niya ako. Napaharap ako sa kanya sa namimilog na mata.

"You're hired," he declared.

Kumunot ang noo ko.

"Ha? Ano bang sinasabi mo sir? Principal na mismo ang nagsabi na hindi ako nakapasok."

Sinubukan kong pumiglas ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. Not to the point where it hurts.

"You're. Hired," ulit niya sa mas mariin na tono.

I swallowed. Sh*t! Boses pa lang niya parang mapapasunod ka na. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...