Married to a Neurologist (Med...

By KayeEinstein

187K 6.1K 1.2K

Rebelde at walang patutunguhan, yun ang tingin ng lahat sakin. Reckless at black sheep, as what my mom will o... More

Panimula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3

15.4K 713 178
By KayeEinstein

Georgina's POV.

"Congratulations! You're 4 weeks pregnant"

Congrats ang sinabi nya pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang pagiging masaya.

I will be a total disgrace to my mom.
Hindi pa ako nakakapagtrabaho pero nabuntis na agad ako.
At higit sa lahat, nabuntis pa ako ng lalaking nakatakdang ikasal or baka nga kasal na ngayon sa iba.

I stood up right away.
No, this can't be!

"Miss?"

"Aalis na ako" deklara ko sa doctor na nasa harapan ko.

"How about your result?"

"Throw it away, burn it, wala akong pakielam, I need to get out of here" nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Are you okay?-

Hindi ko na sya pinatapos at nagmamadali na akong lumabas ng opisina nya.

May dinadala akong bata sa sinapupunan ko.

Just thinking about it, freaks me out!

Hindi ito totoo.
Hindi ako makapaniwala.

Napaupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting area.

I am glad I didn't wear heels today dahil malamang kanina pa ako gumulong pababa.

Hinang hina ako and nagsimula na akong humikbi ng mahina.

I can't carry this.
Iresponsable pa nga ako sa buhay ko, tapos mabubuntis ako?!

Ang tanga-tanga ko kasi.
Nakinig sana ako kay mommy.

"Georgina, what happened, are you okay?"

Mabilis kong pinigil ang pag-iyak ko at pinunasan ang luha ko.

"Happy" I tried to sound happy ng banggitin ko ang pangalan ng kuya ng bestfriend ko.

"Kuya, I need to go na, nakita ko na yung car ni Georgina sa labas-

Nahinto ang bestfriend kong si Winnie ng makitang kausap ko ang kapatid nya.

"Anong ginawa mo kuya?! Bakit mo pinaiyak si Georgina?!"

"Hey little woman! Hindi ko sya pinaiyak, I was asking her what happened kasi nakita ko ngang umiiyak sya" depensa naman ni Happy.

Mabilis na lumapit sakin si Winnie at dinaluhan ako, mabilis nitong hinawakan ang kamay ko.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" Winnie asked.

I bit my lip. Si Winnie ang kakampi ko sa madaming bagay, I would hate to lie to her pero nasa harapan kami ng Kuya nya na kaibigan ng nakabuntis sakin.

Mamaya magkita sila at makwento nya pa.

"Ah wala, pinagalitan lang ako ni mom, masyado ko lang dinamdam" pagsisinungaling ko.

Mabilis naman akong niyakap ni Winnie.

"Kilala mo naman si tita, ganoon lang yun kasi mahal ka nya, ganyan din si mommy samin, wag ka ng malungkot, okay? Mag aayos nga tayo diba, para maganda tayo mamaya sa birthday ni Kuya"

I just nodded and smiled.

Lumapit si Happy at ginulo ang buhok ko.

"Feel better little sister, I'm expecting you'll be the prettiest tonight" sabi nito sakin.

"Hindi ba laging ako ang pinakamaganda?" biro ko as I fake a laugh.

Umakto itong nag isip at tumawa.

"Aalis na ako, ikaw na bahala Winnie dito kay Georgina, magra rounds pa ako sa mga pasyente ko"

"Okay kuya"

Iniwan na kami ni Happy, he is a pediatrician here.

"Okay ka na ba?" Winnie asked.

"Oo, may dadaanan lang ako" sabi ko dahil kailangan kong bumaba sa billing para bayaran ang bill ko.

For sure magtatanong si Winnie pero sasabihin ko na lang sa kanya mamaya.

Sinamahan nya ako sa billing at kahit alam kong gusto ng magtanong sakin ni Winnie ay tahimik nya lang akong pinanood.

"You can charge my card" sabi ko na lang doon sa nag a assist sakin.

"Okay ma'am, for a while lang po, ito po pala yung results nyo"

Halos panlamigan ako habang nakatingin doon. Hindi agad ako nakakilos kaya si Winnie ang kumuha noon.

She read it at nagpapalit-palit ang tingin nito sakin at sa papel.

Napahawak pa sya sa bibig nya ng malaman nya kung para saan ang test.

"No, paano? OMG"

"It is okay, tsaka na lang natin pag usapan, may naisip na akong solusyon"

"At ano yun? Pero who the hell is the father?!"

"Winnie!" mabilis na nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses na iyon.

"Kuya Wax!" mabilis na ngumiti ang kaibigan ko sa tao sa likod ko.

Ayoko man, hindi ko man gusto, kusa akong hinila paharap ng bestfriend ko.

Mabilis na nagtama ang paningin namin nung lalaki.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko- praying na hindi nya ko mamumukhaan.

He's here.
Wearing a white doctor's coat that says

Dr. Wayne Xavier Soriano
Neurologist

This handsome man.
This neurologist.
This is the same man I slept with.
The father of my baby.

Nagulat ako ng sanggiin ako ni Winnie kaya naputol ang pagtingin ko sa kanya.

"Huy, okay ka lang ba?"

"Ha?"

"Pasensya ka na Kuya, hindi pa nag aalmusal itong kaibigan ko" tumawa si Winnie at natawa din ito.

Pinilit kong ngumiti dahil mukhang hindi nya naman ako naaalala.

"Hi, I'm Dr. Wayne Xavier Soriano, you can call me Wax or Kuya Wax" pagpapakilala nito then he offered his hand.

My heart is pounding na parang sa shakehands palang ay makikilala nya na ako.

"I-I'm Ilora Georgina Cruz" I prayed na hindi sana ako mag stutter dahil sobrang obvious ko na.

"What name do you prefer to be called?" he asked pero tila hindi yun pumasok sa isip ko dahil nag iiwas ako ng tingin sa kanya.

"Whatever you like" pagtatapos ko ng usapan.

"Anong what-" na cut si Winnie

"Okay then, I'll call you Ilora"

"Huh?"

"Georgina, ano ka ba naman? hayaan mo na kuya, marami lang kasing bumabagabag sa utak nitong friend ko, may pagkasabaw"

He chuckled.

"Pinuntahan mo ba ang kuya mo?" he asked Winnie.

"Yeah, may kinuha lang ako Kuya Wax pero paalis na din kami, I'll see you later sa party"

"Yes, sure!"

"Will you bring Ate Isabel?"

"No, kinailangan nyang mag visit ng site"

Oh, so her girlfriend is either an architect or engineer. Good for him!

"Let's go na, baka nasa bahay nyo na yung mag aayos satin" mahina kong bulong kay Winnie pero tila narinig iyon ni Wax dahil ngumiti ito.

"You guys go ahead na" he said.

"Okay, see you later kuya!" Winnie said before we started walking.

At saktong pagdaan ko sa kanya ay nagtama ang paningin namin pero nag iwas agad ako ng tingin at hindi ko alam kung anong meron pero lumingon ako sa kanya, only to find him looking at me too.

I just looked away again tapos nagmamadali akong sumunod kay Winnie.

I was thankful that Winnie didn't bug me about my pregnancy that whole afternoon while we are preparing for the party, my mom just sent all of my things here dahil nagsabi naman na ako na dito na ako sa bahay ng mga Takano mag i stay. Nandito ang aming favorite hairstylist and make-up artist kaya hindi na rin siguro ako kinulit ni Winnie.

I just wore a silver glittery gown na mataas ang slit at may pagka revealing ang cleavage. Nagpa light make up lang din ako at ipinatali ko na lang into a messy bun ang buhok ko.

Winnie wore a pink satin gown that really fits her well. She looks like a 20s princess with her beach curls.

Marami ng tao ng makababa kami ni Winnie, I immediately saw my mom kaya naman lumapit ako para bumati.

"Oh, here's my unica hija" my mom was smiling brightly at me as she stretch her hand to welcome me. "This is Georgina, amigas"

"Wow, what a charming young lady"
"I must say, she took after you, mas maganda nga lang dahil nakuha nya ang mata ng daddy nya"

"Are you dating anyone, right now, hija?"

"Oh, this one! Masyadong pihikan, hindi pa nga nagpapakilala ng kahit sino sa akin" my mom answered.

Pihikan? I felt bad dahil alam ko ang kasalanang nagawa and how I will disappoint my mom again.

"Oh, that's good! Maybe we can match her with my son" one of her friends added.

"That's a great idea amiga! It is time for my daughter to date someone!" my mom said before she slightly pinch me.

I just smiled at them.

If only you know that I am carrying a child, you will definitely not want to match anyone with me.

"Sayang, if only my son is still available, I will definitely have him pursue your daughter" one of her friends added.

"Oh yeah! Your son is getting married na nga pala ano! Congratulations!"

"Thank you, amiga"

"Mom, I'll just meet with some of my friends" bulong ko dito, she just nodded kaya I immediately left her dahil nababagot na din ako kakarinig ng amiga.

I was about to look for Winnie pero napadaan ako buffet area at bigla akong nakaramdam ng gutom ng makita ko yung chocolate fountain, but they have two and mas kumalam ang sikmura ko sa white chocolate. I grabbed a plate and I picked a lot of fruits and sweets para ipares dito.

I am trying to find a seat ng di sinasadyang mapadaan ako sa isang table.

"Georgina" I heard Happy called me kaya kahit naiilang ay lumakad ako pabalik sa table.

"Hello, happy birthday" I greeted him. I tried to smile widely pero I felt awkward dahil I can see Wax na kasama nito sa table.

"Everyone, this is Georgina, we call her George sometimes, best friend ni Winnie, she is like a little sister to me" Happy introduced me to everyone in the table. "This is Audi, this is AJ,this is Wax, and Percy, he just came back from US" 

One thing to describe this group?

PERFECTION.

Imagine a group na galing sa mayayamang pamilya ng bansa, gwapo, matalino, neat tingnan at higit sa lahat mga doktor.

I just waved my hand to each and everyone of them.

I feel very uneasy dahil seryoso lang na nakatingin sa akin si Wax or baka imahinasyon ko lamang.

"Uhm, I'll just find Winnie, happy birthday ulit" I told Harper.

They just nodded at nakahinga lang ako ng maluwag ng makalagpas na ako sa table nila.

Hindi ko alam kung paano akong naka iwas sa pag shot ng alak, siguro dahil na rin sa tulong ni Winnie na madalas ay sumasalo ng dapat ay shot ko, kaya kahit kakasimula pa lang ng inuman ay lasing na ang kaibigan ko.

Umuwi na ang mom ko at ang ibang matatanda sa party, dahil after-party na ito at dito na talaga malakas ang music at halos magsilangoy na kami sa alak.

Naging tahimik lang ako nung nagsama na ang grupo namin nila Winnie at ang grupo nila Happy, meaning nasa iisang VIP section lang kami ni Wax.

"Bawal uminom tong si George, kaya lahat ng alak, sakin nyo ibigay" Winnie announced.

"Weh? Totoo ba? Georgina? Ikaw? Tatanggi sa alak?"

"Si George nagpapatumba ng alak pero sya hindi tutumba!"

"Grounded ka pa din ba?"

"Georgina, inom na bilis!"

Patuloy akong niyayaya ng mga kaibigan namin but I just smiled and shook my head.

"George, isa lang parang di ka naman tropa" one of our guy friends stood up and walk towards me to give me a shot glass.

I bit my lip dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kayang tanggihan ang pag aalok nila ng alak.

"I'll take this shot for her"

Kusa anong napalunok ng marinig ko ang boses nya at kung paano nya iniharang ang sarili nya sa papalapit naming kaibigan.

"Dr. Wayne- sure!"

Mabilis na ininom ni Wax ang alak na inaalok sa akin kanina, saglit na tumahimik ang lahat dahil sa ginawa nya.

Bakit kasi nakikielam pa sya?!

"By the way may naga ask kasi sakin, ano daw ang gamit mong perfume George?" Harper asked

Nag angat ako ng tingin sa kanila.

"Ah, yun ba? This is a customized perfume, made exactly for me lang"

"Wow, ganoon talaga pag mayayaman ano? May signature perfume na para sa inyo lang" one friend commented.

"You can say that, but si mom kasi she taught me na dapat may signature smell ka para pag naamoy nila, alam agad nila na ikaw yun" I added.

"At dahil dyan, shot ka muna George!" another friend of mine, raised a shot glass towards me.

Ano ba mga tao? Kung kailan hindi ako makainom tsaka nyo ako pinaghahamon!

"Sssh! Stop offering George a drink, hindi nga kasi sya pwedeng uminom" Winnie said that at halos hindi nya na mabuo ang words nya sa sobrang kalasingan.

"Magda drive pa kasi ako pauwi, actually pinapauwi na ako ni mom, so I'm going na, bawi na lang ako next time guys" I told them.

I immediately stood up and gave Winnie a kissed in the cheek before I walked away from that area.

Hindi naman talaga ako magda drive dahil wala akong dalang kotse but this is the only way to escape.

Dumaan muna ako ng restroom dahil naiihi na naman ako, pansin ko, napakamahiin ko lately.

Nakalabas na ako ng bar at kasalukuyan akong nasa phone ko, trying to book myself a car ng.

"Ilora"

Mabilis akong pinanlamigan ng marinig ko ang pagtawag nya sakin.

I bit my lip and tried to fake a smile nung humarap ako sa kanya.

"Dr. Wax, k-kamusta?"

Instead of answering he went closer to me at napigil ko ang paghinga ko ng lumapit ito at mabilis akong hinawakan sa braso for me to standstill.

He went closer to the side of my face, and I swear, isang maling lingon ko lang ay magtatama ang labi naming dalawa.

"It's you"

"Huh?"

"The one I slept with. You are that woman, Ilora"

-----
To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...