Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

36.7K 931 47

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
WAKAS

KABANATA 40

1.1K 26 0
By jhelly_star

Kabanata 40

Heart

--

Masarap sa pakiramdam, iyon lang ang masasabi ko. Halos hindi matanggal ang ngiti ko kahit noong matutulog na ako. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Tanggap na talaga ako ng Mama ni Lee at hindi na siya galit sa akin! Sobrang sarap sa pakiramdam.

Lee drove me to my condo after that. Tumawag pa siya kanina bago ako nahiga sa kama ko. Tinatanong niya kung ayos lang ba ako dahil hindi pa rin siya mapakali dahil sa pag iyak ko kanina. In-assure ko naman na siya na ayos lang talaga ako at ayos na kami ng Mama niya.

Sa mga sumunod na araw ay palagi kaming lumalabas ni Lee. Ang alam ko busy siya sa trabaho pero nagagawa niya pa rin akong bigyan ng oras. And it's making me fall for him even more. I loved him even more.

Sinama niya na rin ako sa kanyang kumpanya. Sobrang laki na ng building niya! Talagang ang layo na ng narating niya. Sobrang proud ako.

Maraming bumati sa akin na mga empleyado niya roon. Mukhang kilala na ako ng iba. Medyo nahihiya pa ako noong una pero napangiti nalang at naging masaya dahil pinapakita na ni Lee na girlfriend niya ako. Kulang nalang sabihin niya sa lahat na girlfriend niya ako. Kung makadikit kasi akala mo mawawala ako sa kanya.

I also saw Janelle Rodriguez there. I haven't thought about her these past few days because so much has happened, I don't have time to think about her anymore. Hindi niya naman ako tinarayan. She just smiled a little and greeted us formally before leaving. Naalala kong architect nga din pala siya dito.

Somehow I felt relieved because she didn't seem to be angry with me anymore. Pero siguro hindi niya pa rin ako kayang ituring na parang kaibigan niya dahil alam ko... hanggang ngayon gusto niya pa rin si Lee. Napabuntong hininga na lamang ako.

Malaki ang office ni Lee. Kitang kita ko ang naglalakihang buildings sa labas ng napaka laki niyang bintana! Namangha ako roon. Sabi niya pwede niya ring gawin sa office ko 'yon kapag meron nang second or third floor. Kapag malaking malaki na ang shop ko! So that I can also see the beautiful scenery outside while I am in my office.

"Pwede ba 'yon?" inosente kong tanong sa kanya.

"Of course," he hugged me from behind, in front of me are the huge buildings here in his office." If you just want to... "

"Of course I want to! I want this! This is so beautiful..." mangha kong sinabi.

"Then, I'll make you one," he kissed my cheek.

I'm really happy. I feel like everything is just perfect. Tanggap na ako ng Mama niya, hindi na galit ang mga Hidalgo sa amin, boyfriend ko na si Lee at pareho kaming masaya! I don't think I have anything more to ask for.

"Ayos na kayo?" I asked Luna one day she visited my shop.

Mabuti nalang bumisita siya. Gusto ko nang malaman kung anong nangyari sa kanila ni Blade.

"Yup. He said it will never happen again. Hindi niya talaga inasahan ang halik ni Gabrielle. Hindi niya daw gusto 'yon. Babawi siya sa akin..." she said and sipped on her juice.

"That's good!" napangiti ako. "So ayos ka na rin?"

"Yup! Thanks to you. Ikaw ang nagtulak sa akin na kausapin siya at... ikaw din ang palaging tumutulong sa amin."

Ngumiti ako. "Wala 'yon. Gusto kong maging masaya ka."

"Asus!" inirapan niya ako. "Corny nito! Tumigil ka nga."

Humalakhak ako at ngumuso sa kanya. "Bakit?"

"Ah, basta! Thank you. Simula ngayon mas pagkakatiwalaan ko na si Blade."

Tumango ako.

"Eh, kayo ni Lee? Ang tagal mo nang hindi nagkukwento, ah!" reklamo niya.

"Tss. Ayos lang naman kami. Uh, kami na..."

"OMG? It's obvious but I still can't believe it. Akala ko hindi na kayo magkikita pa, e!"

Ngumiti ako. Akala ko din naman...

"So kayo na? Paano? Kailan? Saan?" sunod sunod niyang tanong na natawa nalang ako sa kanya.

"Pwede bang isa isa lang?"

"Excited ako, e! Ang tagal mong hindi nagkukwento dyan!"

I laughed and just told her everything she wanted to know. Kilig na kilig naman siya at halos magambala lahat ng kumakain dahil sa mga tili niya. Pinagbawalan ko siya na wag masyadong maingay pero hindi niya talaga mapigilan ang kilig! Hindi siya makapaniwala na nahanap pa rin ako ni Lee kahit sampung taon na ang lumipas. Natawa at napailing iling nalang ako sa kanya.

Lee also formally introduced himself to my family. Hinarap niya ang mga magulang ko at syempre, tuwang tuwa si Mommy para sa aming dalawa. Daddy talked to Lee a little more before smiling and agreeing with the two of us. Si Ate Johanna, masyadong busy kaya hindi niya na na-meet pa. Siguro sa susunod nalang kapag maluwag na ang schedule ni Ate.

Nakausap niya na rin si Lolo. Hindi naman masyadong istrikto si Lolo pagdating sa mga ganito dahil malalaki na naman kami. Kaya mabilis lang rin silang nagkasundo ni Lee. Lalo na dahil magkaibigan sila ni Tito Leandro.

Syempre gustong gusto nila si Lee. Bukod sa isa siyang Hidalgo, he's also successful on his own. May sarili nang kumpanya at isa pang arkitekto. And I'm so happy... and proud of him. Dahil pumasa siya sa pamilya ko.

I smiled.

"Pakasalan mo na, huh?" bulong sa akin si Mommy nang pauwi na si Lee.

"Mom!" saway ko sa kanya.

Ngumisi siya at tumango sa akin. "Mag iingat kayo."

Napailing nalang ako.

Lee got out of the car and went to my door. He opened it for me and I immediately came out. I'm wearing a cute pink dress while he's wearing a black polo shirt. First time kong makita siyang nakasuot ng polo at gaya lang naman ng dati, gwapo pa rin siya. Lahat naman yata babagay sa kanya. Kaya nga patay na patay ang mga babae sa kanya.

Lee held out his hand to me and I immediately accepted it. I smiled. Ngumiti rin siya at naglakad na kami papunta sa puntod ni Sebastian.

Yes. Bibisitahin namin ngayon ang puntod ni Sebastian. Walang taon na hindi ako bumisita dito. Palagi kapag birthday niya, bumibisita ako sa kanya. Kahit pa sobrang daming nangyari sa pamilya namin noon, nagkakaroon pa rin ako ng oras para bisitahin siya.

Mahangin. Wala masyadong tao dahil bukod sa private, kaunti lang rin ang nagpapalibing rito. Parang bumalik sa akin ang lahat noong hinahatid namin siya rito. Naalala kong sobrang tindi ng pag iyak ko no'n.

Nang nakarating sa puntod ni Seb ay sandali akong napatitig roon. Alam kong ganoon rin si Lee. Sandali kaming natahimik.

Leandro Sebastian Hidalgo... iyon ang nakalagay sa lapida. At ang birthday niya at kung kailan siya namatay.

I remember how happy we were back then. Na para bang walang problema. Mga batang gustong gusto lang ang isa't isa at ang mga puso'y bata palang rin.

Tumingin ako kay Lee nang may naalala.

"Nung libing ni Seb..."

Tumingin sa akin si Lee.

"Bakit wala ka noong libing ni Seb? Bakit... hindi kita nakita no'n?"

Nagtataka ako. Matagal na rin itong bumabagabag sa isip ko, palagi lang nawawala sa isip ko kapag magkasama na kami noon. At ngayon ganoon pa rin, ngayon ko lang naalala. Buti naalala ko na.

Gustong gusto kong malaman kung bakit parang hindi ko siya nakita noon. Kaya rin hindi ko alam na may kakambal si Seb dahil hindi ko siya nakita kailanman. Wala siya noong libing ni Seb.

"Mmm, I was there..." Lee said.

"Huh? Saan? Bakit hindi kita nakita?" nagtataka kong tanong.

"Sa malayo. Hindi agad ako nakauwi noong nalaman ko na wala na siya dahil nasa kalagitnaan ako noon ng pag aaral. Nakauwi lang ako nang ililibing na siya."

Tumango tango ako. "Pero bakit hindi kita nakita?"

"Nasa malayo ako, nanonood sa paglibing sa kanya. I was there," tinuro niya ang puno di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Tumingin ako roon. Umawang ang bibig ko. Nandoon siya?

"Hindi ako lumapit dahil ayokong umiyak," he chuckled slightly. "Ayokong makita nila na umiiyak ako kaya nagtago ako."

"Bakit naman? Hindi mo manlang ba gustong makita si Sebastian kahit sa huling pagkakataon lang?" binalik ko ang tingin sa kanya.

"Hmm..." huminga siya ng malalim at tumingin sa malayo. "Gusto syempre. Pero masyado akong nagi-guilty noong araw na 'yon. Wala manlang ako sa tabi niya noong nandito pa siya. Hindi ko manlang siya nasamahan sa mga huling sandali niya. At... galit rin ako. Sa lahat."

I looked at him sadly. Parang medyo na-guilty rin ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti para ipakitang maayos na ang lahat ngayon at hindi ko na kailangan pang mag alala. Tumingin rin siya sa lapida ni Seb pagkatapos.

"Palagi ka niyang kinukwento sa akin noon..." sambit ni Lee.

Nakatitig pa rin siya sa lapida ni Seb. Parang may kamay na humahawak sa puso ko.

"Wala siyang tigil. Kahit pa siya lang ang nagiging masaya sa pinag uusapan namin."

Ngumuso ako. So hindi siya nagiging masaya kapag kinukwento ako ni Seb sa kanya? Imbes na isipin pa 'yon ay ngumiti na lamang ako at in-imagine ang palangiti at mapaglarong mukha ni Seb.

"Kilig na kilig. Akala mo babae..." he chuckled slightly.

Tumingin siya sa akin. Magkahawak pa rin ang mga kamay naming dalawa. Hinarap niya ako kaya hinarap ko rin siya. I stared at his brown serious eyes.

"I remember how much... he loved you. And I know you loved him too... so much," he whispered.

Tumango ako dahil totoo naman 'yon.

"Pero syempre ako na ang mahal mo ngayon, diba?"

Hinampas ko siya sa braso. He chuckled.

Hinarap ko ang puntod ni Seb. "Pagpasensyahan mo na itong kakambal mo Sebastian."

Ngumuso si Lee. Ngumiti ako.

"Napatawad na ako ng Mommy mo. Tanggap niya na ako at masayang masaya ako roon..." kwento ko.

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko at pilit na ngumiti.

"Ngayon... hindi na ako matatakot na mahalin ang kakambal mo... kahit kailan ko gusto..."

Naramdaman ko ang pagkakatigil ni Lee sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

"Sana masaya ka na rin dyan, Seb. Don't worry, ako na ang bahala sa sarili ko at pati na rin dito sa kakambal mo. I assure you I will love him and will never hurt him again..."

"I promise too... that I will never hurt her again, Seb..." Lee said.

Ngumiti ako. Humiwalay si Lee sa yakap at tinignan na rin ang puntod ni Sebastian.

"I know you are happy for us, Seb... And I want you to know that you will always stay in my heart forever..." dahan dahan kong nilagay sa kanyang puntod ang mga puting bulaklak na dala ko. Ngumiti ako nang natapos.

"And I promise I will love her forever too. I will make sure that I am the only man who will make her heart beat so fast..."

Tumingin ako kay Lee and saw him looking at me as well. He slowly took my hand.

"Ako lang..." nanlaki ang mga mata ko nang isang singsing na ang nakatutok sa ring finger ko!

Hindi ko napigilan ang pagkamangha. It's a simple silver ring that has a diamond in the middle. It's very simple yet very beautiful!

Gulat akong napatingin kay Lee. Seryoso ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Dahan dahan niyang sinuot sa akin ang singsing at halos umawang ang bibig ko sa sobrang gulat at pagkamangha.

A-Ano 'to?

"Marry me, Mina..." he whispered.

Hindi pa rin ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Lumapit siya sa akin habang hawak hawak pa rin ang kamay ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng mga mata ko.

"Marry me..." he said again.

I looked again at the ring in my hand. Sunod sunod na parang gripong tumulo ang mga luha ko! Hindi ko napigilan ang paghagulgol at mabilis na niyakap si Lee sa kanyang leeg. He chuckled and also hugged me tightly.

"Yes! Of course! I will marry you!" sabi ko umiiyak.

Lee broke away from the hug and quickly kissed me on the lips. I kissed him back, tears still dripping from my eyes. I can't believe it! He just proposed to me!

"I love you..." he whispered after the long sweet kiss.

"I love you too..." namamaos kong sagot.

Ngumiti siya at tumingin sa lapida ng kanyang kapatid. Tumingin na rin ako doon. Magkayakap pa rin kaming dalawa at umiiyak pa rin ako.

"I will marry her and take good care of her, bro. Wag kang maiinggit, ah!"

Agad kong hinampas si Lee sa kanyang dibdib dahil sa sinabi niya. "Lee!"

He chuckled. "Baka multuhin niya ako, e..."

"Ano ka ba!"

"Alright! I'm just kidding, I'm sorry..." he smiled and pressed his forehead to mine. Pumikit siya at nagseryoso. "I love you..."

Naiiyak pa rin ako at hindi makapaniwala. He just proposed to me! Pakakasalan ko na siya!

Muli niya akong hinalikan sa labi and I can't help but close my eyes and kiss him back. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng aking mga luha.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 56 38
September 7 2023 - October 1 2023 Solana Rose Almodovar, is a woman of her words. She has a strong and passionate personality that makes her independ...
1.5K 129 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...
94.3K 1.5K 48
Untold Stories of Marriage #1: Varsha Louise Vallinova-Scott Marriage is a three ring circus: an engagement ring, a wedding ring, and suffering. Gir...