Living In Rain

By SweetDevilishAngel

297 7 3

Vale Of Tears Series #2 Jaszmine Aereial is the sunshine of their family. She brings joy and peace to them. T... More

Vale Of Tears Series #2
DISCLAIMER
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Last Chapter
Wakas

Chapter 6

9 0 0
By SweetDevilishAngel

I don't know how long I waited for him. He said days ago, we will talk, but it has been 4 days, but I didn't see him. And inside those days, I've already decided to break up with him for good and for real. No turning back.

Malalim akong humugot ng hininga at tinignan ang sarili sa malaking salamin sa women's comfort room. "No turning back, Jaszmine," pagkausap ko sa sarili ko.

Ilang segundo pa ako nanatili roon bago tuluyang lumabas. I grimaced and shivered when the cold breeze hugged my body. December na nga, maulan pa. Super lamig!

Nanginginig sa lamig na inayos ko ang makapal kong itim na jacket. I fix its hood before opening my umbrella and walked down the wet school grounds. Wala nang pasok. Kaka-suspend lang, at ala-una na ng hapon. Well, this is how tough college is. Though, I am in masters right now.

Habang naglalakad sa ilalim ng ulan, panay ang pagtingin ko sa paligid. May mga kasabayan akong college at sa paglabas ko ng school, sumalubong sa aking ang mga senior at junior high school students, ang iba ay halos maligo na sa ulan, at ang iba ay todo yakap sa kanilang bag na nasa harapan nila.

Habang nakatanaw sa kanila, hindi ko mapigilan mapangisi. Naalala ko no'ng mga panahon na nasa ganiyan na edad rin ako, masaya kapag umuulan lalo na kung kasama ang barkada, masaya rin naman kung mag-isa lang at nakahilata sa kama, pero iba ang saya kapag andiyaan ang tropa.

Napakurap-kurap ako nang humarang sa paningin ko ang jeep. Humakbang ako pa-atras at hinayaan na mauna ang ibang tao ke'sa sa akin. Ayaw kong nakikipagsiksikan kapag ganitong maulan, nahihirapan akong kumilos.

Nang mapuno ang naunang jeep na huminto sa tapat ko at ng ibang tao na naghihintay, may sumunod kaagad na jeep at hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Umupo ako sa unahan ng pinaka-loob ng jeep— doon sa malapit sa pintuan —para kapag baba ako, less hassle, at hindi ako magiging konduktor ng jeep.

Hate na hate ko na nagpasa ng bayad ng pasahero tapos sunod-sunod pa sila magpapa-abot ng bayad, nakakalito kaya minsan. Stress ka na nga sa trabaho o sa school, mai-stress ka pa sa mga bayad na ipinasuyo sa 'yong i-abot sa driver. I mentally rolled my eyes.

At dahil may kalakasan ang ulan, tumagal ng halos dalawang oras ang biyahe ko pauwi sa bahay kaya nang bumaba ako ng jeep, dumiretso ako sa may grocery store para bumili ng pagkain dahil panay na rin ang pagkulo ng tiyan ko.

I bought a cup noodles and bunch of chocolates and while walking down the streets, I was munching a chocolate to relief my hunger. Tumila na rin ang ulan kaya nakakakain ako nang maayos. Habang papalapit sa bahay namin, palakas din nang palakas ang tibok ng puso ko. I stopped meters away from our house and blinked. He's here.

Napalunok ako at napatingin sa bahay namin. Sana wala siya sa loob. I glanced at his car parked near our house, then I sighed. This may hurt me, pero walang-wala ito sa sakit na mararanasan ko kapag pinagpatuloy ko pa 'yung katangahan ko.

Right. It's better to get hurt earlier than to feel lost later.

With that in my mind, I entered our house and stilled when I saw him sitting at the single couch near my brother who was sitting at the loung couch while glaring at Ferron for unknown reason.

"Kuya," I uttered, to announce my arrival.

Napatingin silang dalawa sa akin at nang magsalubong ang mata namin ni Ferron, nanlaki ang mata nito at marahas na napatayo. "Babe..." he breathed.

Pilit akong ngumiti. "Hi."

Napalingon si Ferron kay Kuya Jeron nang marahas din itong tumayo saka umakyat sa itaas. Sinundan ko ito ng tingin at nang mawala siya sa paningin ko, binalingan ko si Ferron. "Magpapalit lang ako," ani ko at akmang aalis na sa harap niya nang hulihin niya ang kamay ko.

Nahigit ko ang hininga ko at walang emosyon siya nilingon. "H-h'wag na. Maganda ka pa rin naman," ngiti niya.

Ilang segundo ko siya pinakatitigan bago inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka siya nginitian nang tipid. "Sige. Ilalagay ko lang ito sa kuwarto," ani ko at bahagyang inangat ang bag na suot-suot ko.

Alanganin itong ngumiti at tumango. He cleared his throat while I turned my back at him and went to my room. Pagpasok ko sa kuwarto ko, mabilis na gumuhit ang luha sa gilid nang mata ko. Marahas akong bumuga ng hangin saka ibinaba ang bag ko sa kama at nagtungo ng banyo para maghilamos.

After drying my face with a clean towel, I get my phone, my wallet and my umbrella. I am planning for dramatic break-up, sakto at maulan ang panahon, mararamdaman ko talaga ang kalungkutan ng ulan.

Pagkatapos kong makuha ang kakailanganin ko, lumabas ako ng kuwarto at natigilan nang bumungad si Kuya sa labas. "Kuya," mahinang sambit ko.

Pinaningkitan ako ni Kuya ng mata. "Aalis ka?" He asked, and I nodded, confused.

Pinakatitigan ako ni Kuya bago ito tumango at naglakad papasok sa kuwarto niya na katapat ng kuwarto ni Mama. I frowned and went downstairs, confused with his sudden action, but when I met Ferron's eyes, pain replaced my confussion.

"Tara?" aya ko at kaagad naman itong tumango.

He offered his hand, but I didn't accept it. Instead, lumabas ako ng bahay at naglakad papalapit sa sasakyan niya habang tinetext si Mama na kasama ko si Ferron at may pupuntahan lang kami saglit.

"Babe." I heard him called me, but I didn't look.

Mahina itong bumuntong-hininga at mabilisan ko lang siya sinulyapan, palihim pa. He opened his car, and I instantly hoped in next to him. I put my seatbelt on and faced the front.

"A-ahm... flowers?"

Napatingin ako kay Ferron at bumaba ang tingin ko sa pumpon ng iba't ibang klase ng bulaklak. Matunog akong napalunok saka sinalubong ang mata niya at marahan na inabot ang pumpon ng bulaklak. "Thank you," mahina at tipid na ngiting usal ko.

Inilagay ko sa kandungan ko ang may kalakihang pumpon ng bulaklak saka tumingin sa labas ng bintana. I heard him sighed before driving the car away. Ni-hindi ko man lang alam kung saan kami pupunta at bakit kailangan pa namin mag-usap sa malayo kung puwedeng sa labas na lang naman ng bahay, 'yan tuloy, may remembrance pa akong bulaklak.

I laughed at myself mentally. Sa t'wing kinakabahan talaga ako, kung ano-ano ang nasasabi ko sa isipan ko. I am getting weirder and weirder sa t'wing may hiwalayan na nangyayari. I wouldn't be shock kung ma-a-admit ako sa isang mental institute— h'wag naman sana. Parang hindi ka-aya-aya na sa ganda at talino ko na ito, ang cause ng kabaliwan ko ay dahil sa hiniwalayan at iniwan ako. It's weird and unfair. Kasi bakit ako nabaliw, pero siya hindi?

Oh, well, that's life— weird.

Halos tumagal ng isang oras ang biyahe papunta sa park na ilang minuto lang ang layo sa village namin, pero dahil traffic at rush hour, it became one hour drive from our village. At sa loob ng halos isang oras na biyahe, wala ni-isa sa amin ang umimik, dinig ko rin mula sa loob ang unti-unting pagbagsakan ng ulan, mabuti na lang at handa ako kung sakaling magwa-walk-out ako dahil sa sakit, sana lang ay may humintong jeep, tricycle o taxi man lang para sa akin para mas maka-emote, mas ramdam ang sakit.

"I should have brought you in other place. Not here," pambabasag niya sa katahimikan. "Plano ko pa namang kumain tayo roon katulad ng dati," turo niya sa mga hilera ng gazebo kung saan puwedeng kumain.

"Are you hungry? It's past 7 PM. Dapat pala dumaan tayo sa Jolllibee or sa McDo bago pumunta rito," he monologue, "gusto mo ba uwi na tayo? Sa bahay ninyo na lang tayo kain?"

Hindi ako nagsalita at nanatili lang ang paningin ko sa labas ng bintana. Paano nga bang tapusin ang bagay na gusto mo pang kapitan?

"Jaszmine." He called me and slowly, I looked at him. "Ayos ka lang ba?" he asked, worried, though his forehead is creasing.

Maliit akong ngumiti saka umiling. "Vexe saw you," mahinang usal ko. "With Zab," I sighed.

Bumakas ang pagkagulat nito sa mata na ikinangilid ng mga luha ko. "Jaszmine..." marahan nitong inabot ang kamay ko. "It's not like what you think," he tried to explain, but my ears are closed, and the pain almost dominate my body.

"We're just frien—"

"Let's break up," I said. "Be with her, then make her your girl." I removed my seatbelt and opened the door at my side to leave, but he held my hand tighter. Napangiwi ako.

"Ferron, let go."

Marahas itong umiling, bakas ang pagka-inis. "No. We will talk."

Pasinghal akong tumawa. "Talk?" I looked at him, disbelief. "Ferron, hindi na madadaan sa usapan 'yung panloloko mo—"

"I am not cheating!"

"Yes, you do!" I screamed back, nagtaas-baba ang dibdib ko, basa na rin ng mga luha ang pisngi ko at patuloy sa pag-agos ang luha ko. Bahagya ring nanginig ang baba ko sa sobrang emosyon. "You are cheating with my bestfriend!"

Ferron looked at me, stunned. "Jaszmine, kaibigan ko 'yung tao—"

"Putangina mo!" Marahas kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "K-kaibigan, pero pinatos mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" he frowned. "Nagseselos ka lang."

I shook my head. "Sana nga selos lang, Ferron, eh..." I sobbed and clutched my chest, "pero ang sakit-sakit dito, eh. H-hindi ako na-iinggit, Ferron... nasasaktan ako. N-nasasaktan."

"Babe..." He tried reaching my arm, but I dodge it.

"I am tired," I said, drying my tears. "Let's end this for good. I am breaking up with you, and not going to be soft to you—"

"—Jaszmine—"

"You said you wouldn't cheat," I murmured. "But you just did." I gulped. "I trusted you, but I trusted a wrong person."

Inalis ko ang tingin sa kaniya at dali-daling bumaba ng sasakyan. I opened my automatic umbrella, then closed the door at the passenger seat before walking away from there.

Habang naglalakad ako papalayo sa sasakyan niya, panay ang pag-iyak ko at dahil halos wala ng tao, malaya akong nakakahikbi. Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa may sakayan, but to my dissapointment, walang nakaparadang jeep o tricycle roon, imbis na maglakad pa para maghanap ng masasakyan, umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at ibinaba ko ang payong sa may binti ko. I lowered my head and bawled as I clutch the piece of cloth that covering my chest.

Ayaw ko sanang iwanan, gusto ko pa sana magpakatanga, pero hindi ko na kakayanin 'yung sakit. Ayaw ko na. Pagod na ako. I tried to be better person, pero lagi akong palyado. Lagi akong nasasaktan, naiiwan, naloloko, at ang masakit, napapaglaruan. Gusto ko lang maging masaya, pero bakit ang hirap-hirap? Bakit sa t'wing susubukan kong maging masaya, lagi akong sawi at talo? Dekada na ang nakalipas, pero ito ako, nakakulong pa rin sa sakit ng nakaraan, sa problemang hindi ko na alam kung paano pa reresolbahan.

I am so done with my life. I tried several ways to end my life, but I will always wake up with a bright sun at the sky. I want to stop everything; my life, the pain ... everything. Gusto ko na lang mawala kasi baka kapag nawala ako, baka mahanap ko 'yung peace of mind ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak, basta namalayan ko na lang na tumila ang ulan, humupa na rin ang sakit na nararamdaman ko, pero may kirot pa rin.

Malalim akong humugot ng hininga at marahas itong pinakawalan. I opened my phone and saw Mama's ten missed calls, ang iba pa ay galing kina Snow. They are probably worried and looking for me now, alas-diyes na rin kasi ng gabi. I wouldn't be shock kung malaman kong na-report na ako as warning person. I harshly blew a loud breath at mabagal akong tumayo.

Maglalakad na sana ako para maghanap ng masasakyan dahil wala pa ring dumadating na mga jeep o tricycle roon nang may humintong kulay asul na kotse sa tapat ko. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba at handa na sana akong tumakbo nang bumaba ang bintana sa may driver seat at kaagad kong nakita ang Kuya ko.

"Sakay," aniya at walang imik naman akong umikot at sumakay sa shotgun seat.

Hinintay ni Kuya na makapag-suot ako ng seatbelt bago niya pinaandar ang sasakyan pauwi. Tahimik lang kaming dalawa, ramdam ko rin ang pananakit ng mata ko maging ng ulo ko dahil sa walang tigil na kaiiyak. Ilang saglit pa ay huminto ang kotse sa tapat ng bahay. Inalis ko ang seatbelt ko at marahan na bumaba ng sasakyan. Pagkasara ko ng pintuan, kaagad ako pumasok sa bahay at kaagad kong napansin ang katahimikan nito. Papanhik na sana ako sa kuwarto ko nang marinig ko ang pagpasok ni Kuya. Nilingon ko siya at kaagad ding nag-iwas ng tingin.

"Good night," paos na usal ko.

Aakyat na sana ako nang tawagin ako ni Kuya. I turned around and met his gaze.

"Break na kayo?" He asked, hesitant at first.

Tipid akong ngumiti saka tumango. "Good night," ulit ko at hahakbang na sana nang tawagin niya ulit ako. Nawala ang ngiti ko at nagsimula na ring uminit ang ulo ko.

"Kuya—"

"He doesn't deserve you." Natigilan ako sa sinabi nito. "At kung ano man ang iniisip mo, lagi mong tandaan na andito kami para sa 'yo at mahal na mahal ka namin at sapat ka na para sa amin."

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
913K 82.5K 38
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
375 14 2
A tragedy that she did not expect to happen. When she watched how everything became a mess, she didn't expect to suffer this much. She, on the other...