Seduced By A Lesbian: Stefanie

By EmilySuperb

5.2K 65 6

❗❗❗ WARNING❗❗❗ 📍 Rated SPG 📍 Not suitable for very young ages 📍 Girl to Girl 📍 Vulgar words More

Prologue
✨ Una ✨
✨ Ikatlo ✨
✨ Ikaapat ✨
✨ Ikalima ✨

✨ Ikalawa ✨

769 9 1
By EmilySuperb




✨✨✨

"Congrats Jonas! Hindi mo naman ako inimbita sa bachelor's party mo!" Gegewang gewang na bati ni Stef sa kaniyang pinsan pagka entrada niya pa lamang ng events place. Naroon din ang iba pa niyang mga pinsan at pati ang mga kuya niya. May hawak pa itong bote ng alak at itinungga ito.





"Stef. . ." Mabilis na lumapit sa kaniya ang Kuya niyang si Nathan ngunit hinawi niya lamang ito palayo sa kaniya. Hindi ito ang target niya, kundi ang pinsan niyang si Jonas na nalalapit na ang itinakdang kasal.









"Nakakatampo naman kayo, hindi niyo ko inimbita!" Muli itong lumakad at sa maliit na stage ang direksyon nito kung nasaan ang iba pang mga bisita.







"O baka naman kasi doon ako invited sa bridal shower ng mapapangasawa mo, no?" Nakangiti ito bagkus ay may pait sa kaniyang mga salita. Itinoast niya ang kaniyang hawak na bote sa mga bote rin na hawak naman ng mga bisita ni Jonas. She is really drunk, hindi na niya alam ang ginagawa niya.








"Stef, not now!" Galit na pahayag ni Nathan. Ngayon lamang nila nakita ang kanilang kapatid na mula pa sa London. They didn't expect na darating ito sa araw mismo ng bachelor's party ng kanilang pinsan. That's why they are all shocked. Walang imik na nakatingin sa kaniya ang lahat. Animo'y siya ang groom sa bachelor's party na iyon.








"Not now, kuya? E kailan?" Peke itong tumawa habang tuluyan nang nakalapit kay Jonas. Inakbayan niya ito na ikinaiwas ng binata. Hindi naman kasi sila ganoon ka-close ni Stef para dikitan siya nito.







"Proud ako sa'yo Jonas. Sobrang proud ako sayo!" Sigaw nito na may pagpiyok pa. Pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng kaniyang luha. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil ikakasal na ang pinsan niyang Engineer.








"Hahahahaha!" At muli itong tumawa na wala man lang kahit na anong emosyon. Hinablot niya ang mikropono mula sa isang emcee. Pinukpok niya iyon gamit ang palad niya upang i-testing kung gumagana ito. Nang mapagtantong bukas ito ay inilapit niya ng kaunti sa kaniyang labi ang mikropono at saka nagsimulang magsalita.








"All of you!!!" Sigaw nito sa mikroponong hawak niya. Nag echo ito dahilan para mabingi ang lahat ng naroon. Ang iba pa nga ay tinakpan ang kani-kanilang mga tainga. Pilit niyang inaagaw ang atensyon ng mga tao.








"This guy!" Duro niya kay Jonas. "My cousin, Jonas is getting married! Woooohhh!!!" At pumalakpak siya. Pumalakpak siyang mag isa. Muli siyang nilapitan ni Nathan at sinubukang agawin ang mikropono. Ngunit inilayo iyon sa kaniya ni Stef. Ramdam na nito ang tensyon sa pagitan ng dalawang mag pinsan kaya pumagitna na siya.









"Stop kuya!" Namumula na ang mukha nito sa kalasingan. Pagdating pa lamang niya kasi sa airport ay alak agad ang hinanap niya. Wala ni isa sa pamilya niya ang sumundo sa kaniya because she wanted to surprise them.











Pero siya pala ang masosorpesa.











"Tama na 'yan Stef. Nakakahiya sa mga bisita. . " Napailing siya habang natatawa. Nagsimula ng tumulo ang luha niya na hindi niya alam kung sa anong dahilan ba siya naiiyak. She is hurting inside. Pakiramdam niya ay sinasaksak ng paulit ulit ang puso niya.












"Nakakahiya?" Tumingin siya sa paligid. Tinignan niya isa isa ang mga taong naroon kahit pa nanlalabo na ang kaniyang mga mata.











"Ahh, nakakahiya!" Tumango tango siya na para bang sumasang ayon sa sinabi ng kaniyang kuya.









"E yung ginawa sakin ng lalaking ito, hindi ba nakakahiya?" Muli siyang tumawa habang nakaduro kay Jonas. Isang pekeng tawa.










"Sagutin ninyo ako!" May pag piyok pa ang boses niya. Marahas niyang pinunasan ang kaniyang luha. Nag simula ng mag usap usap ang mga bisitang naroon, nagtatanungan kung ano nga bang meron. Kung ano na bang nagyayari.











"You are getting married Jonas. Getting married with Norien." Inihagis niya ang boteng hawak niya lang kanina. Nanlaki ang mga mata ni Jonas ngunit maswerte ang kaniyang pinsan at hindi siya natamaan nito.













"Getting married with my girlfriend!" Mabilis niya itong nilapitan at marahas na sinuntok ang pisngi ng kaniyang pinsan. Galit na galit ito kaya hindi niya ininda ang sakit na idinulot noon sa kanyang kamao. Dahil wala ng sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon.










"Stef!!!" Agad naman siyang nahawakan ng iba pa niyang mga kuya at hinila palayo mula kay Jonas. Napahawak na lamang ang pinsan nito sa kaniyang mukha, habang ang labi nito ay nagdugo na.










Wala pa rin itong imik na mas lalong ikinainis ni Stef. Gusto niyang makakuha ng sagot mula rito. Kahit hindi na kay Jonas mang galing ang sagot. Kahit ang iba niyang pinsan o ang mga kuya niya ang sumagot ay ayos lang sa kaniya. Dahil tila mababaliw siya kapag inisip pa niya kung bakit itinago sa kaniya ang bagay na ito.









Niloko siya ng pamilya niya. At ng buong angkan niya.









"Sige! Gantihan mo ako!" Paghahamon pa ni Stef na tila gusto pang umisang suntok kay Jonas.











"Bakit? Natatakot ka ba?" Nagpupumiglas pa si Stef mula sa mga hawak ng kaniyang mga kuya. "Porket ba tomboy ako ay ganito na ang gagawin niyo sa akin ha!!"











Hindi na niya napigilan pa ang mapaupo at mapahagulgol. Kanina pa niya ito pinipigilan. She really can't believe na nagawa ito sa kaniya ng mga itinuturing niyang pamilya. Ang pamilya na akala niyang susuportahan siya sa pag aaral niya sa London. Ang pamilyang akala niyang susuporta sa pagmamahalan nila ni Norien.
















Ngunit ang pamilya ito pala ang sisira at dudurog sa buong pagkatao niya.















Noon pa man ay nakakaramdam na siya ng unfair treatment mula sa mga ito. Simula noong inamin niya ang tunay niyang pagkatao. She's the only lesbian in the family na talaga namang naging dahilan upang magalit sa kaniya ang relatives niya. Para bang may nakakahawa siyang sakit kung layuan ng mga ito.















"What is happening here?" Umalingawngaw ang malaki at malakas na boses. Pamilyar ito sa kanilang lahat, ngunit hindi iyon pinansin ni Stef.  Ang taong kinamumuhian niya.










"Dad. . " Nakayukong wika ni Nathan. Nang humawi siya ay doon na tumambad sa kanila ang kaawa awang si Stef, nakaupo lang sa bandang paanan ng mga kuya niya. Tila batang humahagulgol na inagawan ng lollipop.











"Ow my gosh!!" Ang kaniyang Ina na pinagsinungalingan rin siya. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang mga mata. Even Norien is there, shocked and confused. Nais na lamang niyang lamunin ng lupa.











"S-Stef. . Is that you?" Marahas niyang nilingon kung saan nang gagaling ang nakakairitang boses na iyon.












"Stef, anak!" Mabilis niyang tinakbo ang kaniyang anak at niyakap ng mahigpit. Gusto man itong itaboy ni Stef ngunit wala siyang lakas. Lalo lamang itong napahagulgol dahil sa yakap ng kaniyang ina. Na buong buhay niyang naging kakampi sa lahat, ngunit nagkamali siya.













Her own mother betrayed her.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...