Listens to Memories | Voicele...

By ferocearcadia

6K 117 3

STRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrat... More

Listens to Memories
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Wakas
Epilogo
VOICELESS DUOLOGY BOOK

Kabanata 5

124 3 0
By ferocearcadia

Status

"Are you free tomorrow or do you still need to go to work on Sundays?" Calix asked me while we were having breakfast one morning.

Bumaling ako ng tingin sa kanya matapos kong painumin si Zick na abala na ngayon sa panonood.

"Why? Do you have something in mind? I'm off tomorrow," I told him.

Nakita ko ang saglit na pag ngiti niya. "Lex is inviting us on his engagement party," tipid niyang sagot sa 'kin habang umiiling.

Napamulagat ako dahil sa sinabi niya. "What? Akala ko ay bago pa lang sila ni Anastacia?" Gulat kong tanong sa kanya.

Dinig ko ang paghalakhak niya kaya nangunot ang noo ko.

"He's a private person. They've been together for a long time, anim na taon na, kaya ngayon ay nagmamadali na ang dalawang 'yon," paliwanag niya at tinapos ang pag kain.

I shook my head in disbelief. Buong akala ko ay wala talaga siyang nobya noon dahil wala naman siyang nabanggit at wala rin naman akong nakikitang kasama niya noon. Ganoon na ba talaga siya ka-pribadong tao?

"Usually, privates are not easy to destroy," I heard Calix said at makahulugang tumingin sa 'kin.

He stood up at iginiya si Zick patungo sa sala, naglalaro na ito ngayon sa tablet niya. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mahagip ko ng tingin ang coat na iyon na nakapatong sa couch sa tabi ng pintuan ng kwarto. I bit my lower lip when I saw Calix looked at the coat and then looked at me.

Naglakad siya patungo sa 'kin at tumabi.

"Kanino ba 'yon? Kay Caleb?" Marahan niyang tanong sa 'kin.

Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Umiwas ako ng tingin sa kanya at hinanap ang tamang kasagutan sa tanong niya. I don't wanna lie to him, but . . . what should I say? Na sa lalaking 'yon ito at hinayaan kong iuwi ito? Ang alam lang naman nito ay nagkita kami at saglit na nagbatuhan ng matatalim na salita.

Bakit kasi nawala sa isip kong isauli sa kanya 'yon nang gabing 'yon?

"I'll return it later." Iwas na sagot ko sa kanya at tinapos na ang pag kain ko.

Bullshit. Kanino isasauli? Kay Caleb? E, hindi naman sa kanya 'yon.

Mariin akong pumikit nang maramdaman kong ginagap niya ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. Para akong sinasaksak ng konsensya ko dahil hindi ako nagsabi ng totoo sa kanya.

"Are you sure you're okay? I can file my off today instead of tomorrow if you want." Pang-aalo niya sa 'kin na ang tinutukoy pa rin ay 'yong nangyari the other night.

I looked at him then smiled at him. "Bukas na lang para sabay tayong pupunta sa party. Sa bahay lang naman kami ngayon. Don't worry about me," I told him.

I'm working in our house today instead sa office dahil gusto kong makasama naman nang matagal si Zick. Bukod sa tinatamad talaga akong magtrabaho sa office ay iyon naman talaga ang rason ko. Hindi naman ako kailangan doon ngayon dahil natapos ko na lahat ng trabaho ko kahapon pa lang.

Kita kong gusto pa ring ipilit ni Calix ang gusto niya kaya hinalikan ko na siya nang mabilis para matigil na siya.

After our breakfast ay tumulak na kami patungo sa bahay dahil nagmamadali na rin si Zick because he wants to see Mom. Hinatid lang kami ni Calix bago siya pumasok.

"Uuwi agad ako pag-out ko." Paalam niya sa 'kin bago kami bumaba mula sa kotse.

I just nodded at him then he kissed me on my lips. Matagal, which I love. Matapos iyon ay bumaling naman siya kay Zick na nasa likod, naglalaro pa rin ng kung ano.

"Can I get my kiss, buddy?" Calix said to my son.

Nakita ko ang mabilis na pagpatay ni Zick ng iPad niya saka tumungo kay Calix at pinaulanan niya ito ng halik sa pisngi kaya natawa ako.

"When will we play again, Tito?" Tanong nito kay Calix. Nanatili ang tingin ko sa kanilang dalawa.

I can see how much he loves my son at gano'n din ang anak ko sa kanya kaya sobrang saya ng puso ko. Hinding-hindi na ako maghahangad pa ng kahit na ano bukod dito. Bukod sa kanilang dalawa.

"What about later when I get home?" Calix asked him.

Kumalawit ang parehong kamay ni Zick sa leeg ni Calix kaya lalo akong napangiti. Calix looked at me at hinanap ang kamay ko para hawakan.

"Yes! I'll wait for you. Please, be home faster," tuwang-tuwa na sinabi nito.

Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay pumasok na kami sa loob. Nagulat pa ako nang madatnan namin sa sala ang lahat. As in lahat. Lolo Samuel with Lola Imelda. Levi and Maxim and their parents. Maging si Avery ay narito rin pati na sina Kuya at Ate Jamilah kaya nagtaka na ako.

"Lola!" Zick shouted and run toward Mom and to others.

"Finally! Akala ko ay hindi na kayo uuwi rito." I heard Mom said kaya napangiti ako.

Nakita ko ang pagtutok ng tingin ni Lolo Samuel kay Zick nang makalapit ako na para bang inieksamin niya ito nang mabuti. Anong mayroon? Hindi naman ito ang unang beses niyang nakita ang anak ko. Bakit ganito ang reaksyon niya?

"I never thought this boy would grow up to be so handsome. Maliit pa no'ng huling nakita ko 'to. Bakit bihira mong ipakita sa 'min ang anak mo, AJ?"

Laglag ang panga ko nang bumaling ako ng tingin kay Lolo Samuel dahil sa sinabi niya. Hindi ito nakatingin sa 'kin, nanatili pa rin ang titig niya kay Zick hanggang sa lumapit ito sa kanya.

"I missed you, Grandpa Sam." I heard Zick say to him.

Lolo Samuel's expression softened when he hugs my son. Napasinghap ako nang makita ko kung paano niya yakapin ang anak ko nang mahigpit habang parang sabik na sabik ito. Ngayon ko lang ito nakitang ganito kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"He misses Zick. Lagi niyang bukam-bibig," Levi said to me.

He gave me a peck of kiss on my cheek maging si Maxim. Nanatili lang ang tingin ko sa maglolo dahil sa panaka-nakang paghalakhak ni Lolo Samuel, nakikipaglaro ito sa anak ko.

"Sana all." Maxim commented kaya natawa ako.

Nahagip ng mata ko si Avery na titig na titig kay Zick kaya napatitig din ako sa kanya. Ngayon ko lang ulit siya nakita mula nang huli kaming magkita, hindi ko pa naipapanganak si Zick. She wanted to punish herself by being distant to us at ngayong narito siya ay palagay ko'y sapat na ang mahabang taon na iyon. I'm glad. Balita ko naman ay masaya na siya sa buhay niya ngayon dahil bumalik na siya kina Uncle and Auntie.

She suddenly stood up and walk towards me. Saglit akong nagulat nang ngumiti siya sa 'kin at binigyan ako ng yakap. A genuine one.

"Nice to see you again. I missed you . . . big time," she said while hugging me kaya ginantihan ko siya ng yakap din.

Nang humiwalay siya ay nakita ko ang mabilis niyang pagpalis ng mga luha sa mga mata niya kaya natawa ako.

"What is wrong with you?" I laughed at her.

Natawa rin siya at umiling. Maging si Levi at Maxim ay natawa rin dahil sa inakto niya.

"Pregnancy things, you know."

Automatic na naghugis O ang bibig ko nang sabihin niya 'yon. Napatingin ako sa dalawa ko pang pinsan at kita kong hindi na sila nagulat kaya ang hula ko ay ako na lang ang hindi nakakaalam. Lagi naman.

"Oh my god! Congratulations! I'm so happy for you, no hard feelings," I told her at muli siyang niyakap.

"Thank you, AJ. Hope you find your happiness soon and stay with him forever," I heard her say while we were hugging each other.

Napangiti lang ako roon. I'm happy. Really.

We had our lunch all together nang dumating ang mapapangasawa ni Avery. Nang matapos ay nanatili pa rin si Zick kay Lolo Samuel kahit gusto na itong kalaro ni mom. They are watching something I don't know kaya nanatili ako sa lanai to continue my presentation for next week. I'll be presenting it to the board with the Lim Incorporated and finally, I'll get to see Enrique Lim for the first time dahil hindi naman natuloy ang meeting namin no'ng nakaraang araw.

"Kahit nasa bahay ay nagtatrabaho ka. You should chill sometimes." Avery snapped from my back at naupo sa kaharap kong upuan.

Saglit na sinulyapan ko lang siya at muling bumaling sa ginagawa ko.

"I need to," I told her and continue typing something.

"They are very much alike."

I stopped typing when I heard that from her. Lumikot ang mga mata ko. Kahit magpanggap ako na wala akong alam sa sinasabi niya ay hindi siya maniniwala. Alam na alam ko ang sinasabi niya.

Tahimik akong sumandal at umiwas ng tingin sa kanya dahil panay ang paninitig niya sa 'kin.

"Alam na ba niyang nakauwi na kayo? I heard he was released two months before you arrived here. Hindi ko lang alam kung bakit," patuloy niya kaya tiningnan ko siya.

Malayong-malayo na si Avery sa dati nitong itsura. Mas gumanda siya ngayon dahil siguro ay naaalagaan na niya ang sarili niya, pero ang bibig nito ay gano'n pa rin. Sasabihin pa rin niya ang nasa isip niya at wala siyang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao.

I heaved a sigh.

"I saw him . . . we saw each other at Lex's party the other night," I told her without hesitating.

Nakita ko ang pag-aalala niya. Alam ko ang nasa isip ng lahat. They are still worried about me because of what happened years ago dahil nakita ng lahat kung paano ako naapektuhan nito. Nakita nilang lahat kung anong mga pinagdaanan ko bago ako makarating sa kung nasaan ako ngayon.

"Are you okay?" Avery asked, I laughed at her.

"I'm fine. We just saw each other, wala na iyon," agap ko kaagad sa kanya.

Nakita ko ang pag-irap niya sa kawalan and sipped on her milk.

"Alam na ba niya ang tungkol kay Zick? I mean, I told him before that you were pregnant that time but I'm not sure if he believed me," kaswal na sinabi niya sa 'kin at nilantakan naman ang mansanas na dala niya kanina.

Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. Noong buntis ako ay iyon din ang madalas kong kainin kaya napangiti ako nang maalala koi yon.

"He believed in you and came here to confirm," natatawa kong sinabi sa kanya kahit ayaw ko talagang pag-usapan iyon.

Hindi lang ako makaangal dahil ayokong isipin niya na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Mabilis ang pagbaling niya sa 'kin nang may halong gulat pa.

"What? What did you tell him?"

"Of course, I denied it. Hindi na niya kailangang malaman pa. He's not deserving to be a father," I told her coldly then looked away.

"But what if he sees Zick? Paano mo itatanggi sa kanya na hindi niya anak 'to, e nagsusumigaw ang dugo niya sa anak mo?" She insisted again kaya napairap ako.

Para siyang si Lynne.

"Walang itatanggi dahil walang ipapakita, Ave. Stop insisting things." Pilit kong itinatago ang iritasyon sa boses ko dahil sa kakulitan niya.

Hind ko na siya narinig na sumagot ulit kaya ang akala ko ay tapos na ang pag-uusap naming tungkol sa bagay na iyon. Nagliligpit na ako ng gamit nang magsalita muli siya na ikinatahimik ko na.

"You can't hide things forever, AJ, especially his own child. Tinatanong ko dahil gusto kong maging handa ka. I'm still surprised dahil nagdesisyon kang tumira na ulit dito, honestly. Bakit nga ba pumayag kang tumira ulit dito?"

Nagulat ako sa tanong niyang 'yon kaya diretso ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang eskpresyon nito na parang hinihintay talaga ang totoong sagot ko. Nagugulat ako dahil hindi kami ganito sa isa't isa. Hindi siya ganito sa 'kin. Sanay akong hindi kami nag-uusap kaya bago ang lahat sa 'kin, kaya hindi ko maintindihan kung saan siya nanggagaling ngayon.

"What are you talking about? Of course, I need to, dahil kailangan kong isalba ang kompanya ni Dad," lito kong sagot sa kanya.

"Yeah, everyone knows that, but what is your plan? Gusto kong malaman dahil gusto kong makatulong. Alam kong malaki ang atraso ko sa'yo kaya gusto ko -"

"Oh, my God, Ave. Kinalimutan ko na iyon dahil gusto ko nang kalimutan. Stop worrying about me. I don't have a plan. Hinding-hindi niya makikilala ang anak ko and that is my final decision," mariin na sinabi ko sa kanya at iniwan na siya roon.

Mabilis akong tumungo sa dati kong kwarto habang nagpupuyos ang kalooban ko. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong bumagsak sa kama dahil sa panghihina.

Walang nakakaalam na sa tuwing napag-uusapan ang lalaking iyon ay nanghihina ako dahil sa takot. Even Calix, and I don't want to tell him. Alam niyang hindi na ako apektado. Alam niyang maayos na ang pakiramdam ko. Bakit kasi kailangan nilang buksan pa ang usaping iyon gayong hindi naman dapat!

Matapos kong magpahinga saglit ay saka naman ang pagdating ni Calix na kanina pa pala nasa baba at nakikipaglaro kay Zick. Nakatulog ako nang mga oras na 'yon kaya naman hindi ko na namalayan ang oras. Ni hindi na raw niya ako ginising dahil mukhang pagod na pagod ako.



Kinabukasan ay naghanda na kami pareho para sa engagement party ni Lex at Anastacia. Nagpaiwan si Zick kahapon sa bahay dahil gusto pa itong makasama ng mga Lolo't Lola niya kaya hindi ko na tinutulan.

Nanatili ang tingin ko kay Calix na kasalukuyang nag-aayos ng necktie niya sa harapan ng salamin. Natawa ako nang mapansin kong nahihirapan siyang ayusin iyon kaya nilapitan ko na siya.

"Kaya mong gawin ang lahat maliban dito, I can't believe you," pang-aasar ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya, pinipigilan ang pag ngisi.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya habang inaayos ko ang necktie niya.

Tiningala ko siya at kita ko sa mga mata niya ang kakaibang saya habang pinagmamasdan ako. I bit my lower lip when I saw him widened his smile, as if he's adoring me so much. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin mula noon hanggang ngayon.

"Kailangan ba talagang pumunta tayo roon? I mean, we can just stay here and . . ." I stopped myself from talking nang matapos ko siyang ayusin.

Bahagya pa akong lumayo sa kanya upang tingnan ang itsura niya. Napakunot ako ng noo nang makita ko ang kabuuan niya.

"You look too formal. Parang ikaw ang mae-engaged," I told him habang pinagmamasdan pa rin siya.

Don't get me wrong. Calix is fucking handsome. Kahit saang anggulo tingnan ay napakagwapo niya. His haircut suits him well, iyon ang gustong-gusto kong gupit niya dahil iyon ang itsura niya noong una ko siyang makita. His medium length hair is killing me. His honey skin tone, arched and thick brows na bagay na bagay sa malalalim niyang mga mata. Hindi ko siya nakikitang nag wowork out pero ang bato-bato niyang dibdib ay talaga namang napakasarap ulamin. I can say whatever I want dahil boyfriend ko naman siya, and hell! Now, I am starting to fantasize him doing naughty things with me. Hindi pa namin nagagawa ang bagay na 'yon. Magaling kaya siya?

Fuck it, Acel Jean.

"Enjoying the view?" Natatawa niyang tanong sa 'kin kaya nag-iwas na ako ng tingin habang binabagabag pa rin ako ng itsura niya.

"Huwag ka na lang kaya mag coat and tie. I mean, just that buttoned-down. Lahat naman ay bagay sa'yo," I told him at iniiwas pa rin ang tingin sa kanya.

Damn this guy. Ngayon ko lang natitigan ang kabuuan niya and I'm starting to think how lucky I am to have him. He is so good to be true.

"Alright. Get dress, Love. We're going to be late," marahan niyang sabi sa 'kin at humarap nang muli sa salamin na iyon, hinuhubad ang coat and tie niya.

Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko na ang susuotin ko at nagtungo sa banyo. Kanina pa ako nakaayos ng buhok at nakapag make-up na rin.

I choose to wear white off-shoulder banquet dress. Hinayaan kong nakalugay ang kinulot kong buhok at pinarisan ko ng simpleng make-up na ako lang ang may gawa. Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako only to see Calix waiting for me beside the bed.

Sinunod niya ang sinabi kong mag buttoned-down na lang which is white. Bahagya pang sumisilip ang dibdib niya kaya napakagat ako sa labi ko. He immediately stood up when he saw me and walk towards me while smiling widely.

"You look expensive, why are you like that?"

Natawa ako nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung inaasar ba niya ako o binibigyan ng compliment. Inirapan ko lang siya at kinuha na ang pouch ko.

"Matagal mo na akong binobola, hindi ka pa ba nagsasawa?" Natatawang tanong ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

He just shrugged his shoulder at sinundan na ako palabas.

We arrived just in time at the venue. Sinalubong kaagad kami ni Lex at Anastacia while wearing their wide smile. Kitang-kita ang kakaibang saya sa pareho nilang mga mata.

"Congratulations to the both of you. Hindi ko talaga akalain na may nobya ka talaga. Akala ko ay bakla ka," pang-aasar ko kay Lex na tinawanan lang niya.

Bumaling ako ng tingin kay Anastacia. Nakakatomboy talaga ang isang 'to. Lex is so lucky!

"You're so beautiful, Ana. Sigurado ka bang gusto mong pakasalan ang lalaking 'to?" Pabiro kong bati sa kanya, pertaining to Lex.

Narinig ko ang mahinhin niyang tawa kaya lalo akong nabaliw sa sobrang ganda niya. Grabe naman ang babaeng 'to! Parang anghel.

"I don't have a choice, Acel. Kung mayroon lang ay baka hindi," she told me which made us both laugh.

"Hey, you're enjoying hurting my feelings, huh?" Lex told her kaya mas lalo kaming natawa.

Pumasok na kami sa loob. Mahigpit ang hawak sa 'kin ni Calix sa baywang ko habang binabati ang bawat kapwa-abogado nila ni Lex at ipinapakilala ako sa lahat. He's too proud to have me. I'm gonna cry!

Nang makarating kami sa table namin ay nagulat ako nang makita ko sina Lynne at Caleb, together with Miko, Justine, Asher and Alyanna. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko dahil baka narito rin siya, ngunit nawala agad iyon nang kumpirmahin sa 'kin ni Lynne na wala ang lalaking 'yon dito.

"Caleb told me that Lex didn't invite him. Don't worry," Lynne said to me kaya nakahinga ako nang maluwag.

We sat together with them. Calix didn't want to let go my waist dahil bahagya pa niyang iniurong ang upuan niya sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya dahil sa inaakto niya.

"What are you doing?" Takang tanong ko sa kanya.

Mabilis niyang itinagilid ang ulo niya para tumingin sa 'kin. Nakakunot pa ang noo.

"Ha?"

"Hindi ako mawawala, Calix. Bakit kapit na kapit ka?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa 'kin at marahan akong hinalikan sa gilid ng ulo ko.

"I just want you to feel safe. Alam ko namang hindi ka mawawala dahil hindi ko hahayaan," makahulugan niyang sinabi at kinindatan pa ako.

"So cheesy."

Narinig kong sambit ni Justine kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin talaga ako masanay sa itsura niya ngayon. Mukha siyang mahinhin.

"Kayo na ba ang susunod na mae-engage after Lex and Ana?" She asked that made me look away.

Kilala nila ang dalawa dahil pinsan pala nitong si Justine si Anastacia. Nalaman ko lang 'yon noong nasa States pa ako.

"Matagal nang kayo 'di ba?" Dagdag pa niya.

Lumikot ang mga mata ko at sinulyapan si Calix na nakangiti pa rin. Hindi na ako nakasagot nang magsalita siya.

"Yeah, but we haven't talked about that yet. Maybe, soon. When everything is ready," Calix answered.

Napatingin ako sa kanya nang mahimigan kong seryoso siya sa sinasabi niya.

Talaga namang hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay tinitiyempuhan din namin pareho dahil hindi pa stable ang lahat. His relationship with his parents, my mental health, and Zick. Marriage is not just marriage, and Calix is right about what he said. When everything is ready, then we will decide our next step. It takes one step at a time. Hindi naman kami nagmamadali.

"Bakit? Hindi pa ba kayo handa?" Lynne asked which made me look at her.

Para kaming nasa hot seat, tangina! What's with them asking about marriage suddenly? Required ba 'yon kapag uma-attend ng ganitong okasyon?

"Stop talking about us, guys. Hindi tungkol sa 'min ang gabing 'to," natatawa kong sabi sa kanila at simpleng uminom ng tubig.

I suddenly feel awkward when I saw Asher's strange look on me. Parang may gusto siyang sabihin na kung ano.

"Ang KJ naman ng dalawang 'to," Alyanna suddenly said kaya lahat kami ay napatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi niya dahil sanay kaming tahimik lang siya.

"Nakakairita na ang kadaldalan mo," I told her nang mahalata kong inaasar niya talaga ako.

Tumawa ang lahat sa sinabi ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nawala agad ang awkward feeling na iyon sa kalooban ko.

The party went smoothly. Saglit na nag speech and dalawa and their relatives, pagkatapos ay kami namang mga kaibigan nila. Nang matapos ang iyakang naganap dahil sa nalalapit nilang kasal ay nagsimula nang gumaan ang atmosphere, na kung allowed lang ay gusto kong mag-inom ng hard drinks, pero sa tingin ko ay hindi puwede.

"Can I borrow Calix for a second?" Lex approached us in the middle of our conversation about something.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan na naman kayo pupunta? The last time you took him with you, I saw him leading another woman to nowhere."

Humalakhak lang ang lintik na si Lex maging si Calix. Akala ba nila ay nakikipagbiruan ako?

"Eleanor was just too drunk that night and we just wanted to help her. She's just a friend, Love," Calix explained to me again.

Alam ko namang nagsasabi siya ng totoo dahil alam niyang ayoko talaga sa sinungaling na tao, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil sa hindi magandang engkwentro namin ng babaeng iyon una pa lang.

"Yeah, right," maikli kong sagot sa kanya.

"Don't worry, I'll just discuss something to him at ibabalik ko agad siya sa'yo. Importante lang talaga 'to, AJ," Lex said to me kaya natawa ako.

Ramdam ko ang paghagod ni Calix sa baywang ko kaya tiningnan ko siya.

"I'm just kidding. Doon lang ako sa table," I told him.

He nodded and gave me a kiss. "Huwag kang aalis doon. Babalik ako agad," seryoso niyang sabi sa 'kin na may halong pag-aalala.

Alam kong apektado pa rin siya dahil sa mga nangyari at sinabi ko no'ng gabing 'yon. I feel so sorry for him.

Tumango lang ako at agad na bumalik sa table namin nang makaalis silang dalawa. Naabutan ko sina Caleb at Asher sa table, wala 'yong apat. Nasaan sila?

"Where are they?" I asked them as I sat down.

"Restroom," maikling sagot ni Asher sa 'kin kaya binalingan ko si Caleb na seryoso rin.

"Si Lynne?"

"She went outside with her brother," he answered, pansin ko ang problemado niyang mukha.

"You guys okay?" Tanong ko pa sa kanila. "How's the band?" I added.

Matagal na akong walang balita sa kanila. Wala rin namang nababanggit sa 'kin si Lynne at hindi rin ako nanonood masyado ng balita tungkol sa kanila, but I still want to know. Naging malapit din naman ako sa kanila nang mahabang panahon after all kaya curious ako sa estado ng banda nila ngayon.

"Hindi mo pa ba alam?" Caleb asked me.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang patuloy niyang pinaglalaruan ang kutsarang iyon.

"What is it?"

"We are disbanded. Matagal na." Si Asher ang sumagot.

Bigla akong nahiya dahil sa tanong ko. Pakiramdam ko ay binigyan ko lamang sila ng hint na matagal ko na silang hindi sinusubaybayan.

"Celina decided to let us rest when he was imprisoned dahil sira na ang banda sa mata ng lahat. Three years ago when we decided to just cut off everything dahil wala na rin naman nang pag-asang mabuo pa," he continued.

Hindi ako nakapagsalita. Nakikinig lang ako sa mga sinabi nila. Trying to let my ears hear what they are saying is hard for me dahil unti-unti na namang nabubuksan ang usaping iyon tungkol sa nangyari noon. Sana pala ay hindi na ako nagtanong.

"Everything was so fucked up because of him," Caleb said.

Napatingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon. Nanatiling blangko ang mukha nito habang nakatulala.

I bit my lower lip and tried to lighten up the mood. Bakit kasi nagtanong pa ako?

"Puwede pa rin naman kayong tumugtog. You all have a beautiful voice, you know that."

"We don't want to do that anymore. May kanya-kanya na kaming buhay. Matagal na naming kinalimutan ang gagong 'yon," Caleb said to me kaya napaiwas ulit ang tingin ko sa kanya.

I know all of them. Kilala ko silang lahat at kung ano ang mga pinagdaanan ng bawat isa sa kanila, mabuo lang 'yong banda nila. They competed abroad and they won. Lagi silang top at nananalo ng awards, kaya hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nila ngayon. That they don't want to do it anymore. I just can't.

"Hindi niyo ako magiging fan kung hindi ko alam kung gaano niyo pinangarap maging successful music artists. Bakit aayaw kayo nang gano'n gano'n na lang?"

"Because we don't want to give him a chance anymore. Ayaw na namin siyang bigyan ng pag-asa at isipin na hinihintay pa rin namin siya. He is fucked up. He ruined everything at dinamay pa kami to the point that we can't accept ourselves as a band anymore. Dahil lang involve kami sa pangalan niya," Asher answered in his cold baritone voice.

Napasinghap ako dahil sa narinig ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil nakokonsensya at nahihiya ako. Hindi tungkol sa kanya, kundi tungkol sa 'kin. Kung hindi lang ako nagpumilit na lumapit sa kanila ay hindi mangyayari ang lahat ng 'to.

I suddenly feel that my heart is burning. Marahas akong bumuga ng hangin at napapikit nang mariin. I can't lose this feeling anymore. Na isa ako sa mga dahilan kung bakit nasira lahat ng mga pinangarap nila.

"And now he was released a month ago, he was trying to reconnect with us again as if nothing happened. Does he already know about your son?" Caleb asked me suddenly.

Mabilis akong umiling nang hindi siya tinitingnan.

"Please, don't tell him."

"We have no intention of telling him about that matter. Wala na kami sa posisyon para sabihin ang bagay na 'yon sa kanya," Caleb said at marahas na huminga.

Uminom siya ng wine at tumingin sa kung saan na parang may hinahanap. Prolly Lynne dahil kanina pa sila wala, maging sina Miko, Justine at Alyanna.

"But what if one day he comes to you and ask about your son? He knew nothing but we weren't sure either dahil may sinabi siya bago namin putulin ang komunikasyon sa kanya noon," Asher suddenly said to me kaya mabilis akong bumaling sa kanya.

Kinakabahan man ay tinanong ko pa rin siya kung ano 'yon.

"He knew you were just lying when he asked you before if you were pregnant," he answered me directly.


Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
9.3K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...
2M 58.4K 45
(Finished) How can an accidental pregnancy change the lives of two teenage parents, Connor and Maddison?
211K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...