BABY ON BOARD

By the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... More

PROLOGUE
CHAPTER I the past
Chapter II PARA KAY JANSEN
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
Chapter XII date with him
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XV NAG IBA KA NA
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVI REVELATIONS
CHAPTER XXVII NIGHTMARE
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

CHAPTER VI The Plan

21.4K 243 26
By the_innocent

KIM'S POV

'Jansen, itakas mo na ako. ayoko na dito sa kaharian."

"halika na mahal ko.."

hinawakan ni jansen ang kamay ko at sabay kaming tumakbo.

"Jansen, kailangan nating mag ingat. bago tayo makalabas ng kaharian ay may haharapin pa tayong isang dragon!"

"Akong bahala prinsesa kim"

RAAAWR!

"oh my Gosh! ayan na Jansen! ayan na si Andrew the dragon!"

"HINDI KAYO MAKAKATAKAS!"

"tumigil ka! hindi ako natatakot sayo dragon ka! ako si Jansen, ang matapang na prinsepe!"

bwaaaaaaaaaaaa!!! nag buga ng apoy si Andrew the dragon. nakaiwas si Jansen.

"Ayan lang ba kaya mo? etong sayo!" sinaksak ni jansen ng espada si andrew the dragon madaming madaming saksak kaya nachugi ang dragon

"Sa wakas malaya na tayo mahal kong jansen"

at saka kami nagyakap.

"hoy. lakas mong makamanyak ah."

bakit parang may nagsalita? parang boses ni andrew?

"sarap na sarap sa pagyakap tsk.tindi mo ate"

nakapikit pa rin ako.

"andrew the dragon?"

"gumising ka nga! anong andrew the dragon!"

niyugyog na ako. at dahan dahan akong dumilat.

O.O - ako.

panaginip lang? ibig sabihin si andrew ang niyakap ko?!!!!

napabalikwas ako ng bangon

"anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! at bakit magkatabi tayo sa higaan? manyak ka talaga!"

pinaghahampas ko sya ng unan.

"althea kim, bago ka mag bintang na manyak ako. tanungin mo muna ang sarili mo kung sino ang panay yakap ha? grabe. ngayon ko lang napagtanto na may lahi ka palang manyakis. yuck."

tsaka sya lumabas ng kwarto.

"ang kapal talaga ng mukha!!!!! grabeeee!!!" ang aga aga lakas mang asar ni andrew.

ANDREW'S POV

Hoo. buti nakalabas ako ng maayos. actually kanina pa talaga ako gising eh.tatayo na sana ako sa kama para Maghanda na sana ako ng breakfast ng biglang nagsalita si kim.

''sa wakas malaya na tayo mahal kong jansen''

tsaka nya ako biglang niyakap.

"hehe ayos to ah."

pero... si jansen ang binanggit nya. pati sa panaginip si jansen pa rin ang laman. at saan sila lumaya? sa kamay ng mga hapon?

tss. nevermind. eenjoyin ko na lang to.Ay hindi, aasarin ko na lang sya.

"hoy. lakas mong makamanyak ah." sabi ko

nakayakap pa rin sya sakin..

"sarap na sarap sa pagyakap tsk.tindi mo ate"

"andrew the dragon?"

ano? andrew the dragon? naka drugs ba to?

"gumising ka nga! anong andrew the dragon!"

niyugyog ko na. at dahan dahan syang dumilat

O.O - si kim

napabalikwas sya ng bangon

"anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! at bakit magkatabi tayo sa higaan? manyak ka talaga!" pinaghahampas ako ng unan. ayos ah! sya na ng molestiya sya pa may ganang manakit!

"althea kim, bago ka mag bintang na manyak ako. tanungin mo muna ang sarili mo kung sino ang panay yakap ha? grabe. ngayon ko lang napagtanto na may lahi ka palang manyakis. yuck."

tsaka ako lumabas ng kwarto.

"ang kapal talaga ng mukha!!!!! grabeeee!!!"

nadinig ko pa yung ngitngit ni kim. hahahah! yes! naasar ko ulit sya.

pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay dumiretso na ako sa kitchen para ipaghanda sya ng breakfast. lahat ng masustansya hinanda ko para sa kanya. nung okay na pinatawag ko sya kay manang, kaso bumaba din agad si manang at sinabing ayaw daw bumaba ni kim.

kaya eto, ako na lang magdadala ng breakfast.

"breakfast in bed!"

"ayokong kumain" tsaka sya umiwas ng tingin

"kim, kumain ka. remember? buntis ka?" ano ba naman. bakit ba ako nagkaroon ng misis na sobrang tigas ng ulo!

"puro na lang ba yung pagbubuntis ko andrew ha?! di mo na ba iniisip yung nararamdaman ko?!"

"hindi. bakit naman kita iisipin. oh, kumain ka na"

"ayoko sabi eh!" itatapon nya sana yung mga pagkain buti na lang naiwas ko.

"wala ka sa teleserye para umarte ka ng ganyan. kung gusto mong malaman kung iniisip kita... OO! iniisip din kita! handa akong ibigay lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo. kaya kumain ka na at aalis tayo"

Aalis na sana ako pero bigla syang nagsalita.

"saan tayo pupunta?"

"kay Jansen"

Tsaka ako lumabas ng kwarto.

KIM'S POV

Bakit ganun? Minsan mabait si andrew. Minsan baliw at eto ngayon.... Sweet. Bipolar ba talaga sya? Pero okay na rin yun.

Waaaaa! Ang sabi nya kay Jansen daw kami pupunta?!! Totoo kaya yun? Hihihi siguro? Kakain na nga ako!!

After an hour...

Totoo nga ang sinabi ni andrew. Nandito kami ngayon sa harap ng ospital kung saan naka confine si jansen.

"andrew, anong ginagawa natin dito? Bawal akong dumalaw kay Jansen. Galit sakin si tita Jinky."

"alam ko."

Ang tipid naman ng sagot nito. Eh alam naman pala nya eh bakit pa nya ako dinala dito? Gusto nya ba talaga akong mamatay sa bugbog?!

Tatarayan ko na sana sya ng bigla syang may inabot sakin na damit ng nurse.

"suotin mo yan. Para malaya kang makalapit kay Jansen. Wag kang mag alala di kita iiwan, magpapanggap naman ako na janitor."

"andrew"

Wala akong masabi. Sobrang saya ko lang!!!! Sa wakas magkikita na kami ni jansen! Yayakap na sana ako ng itapal nya yung kamay nya sa noo ko.

"wag mo kong yakapin, kung nagtataka ka paano ako nakakuha ng mga ganitong kaekekan. Eh, galing to sa kaibigan ko na may ari nitong ospital."

"salamat andrew"

"tara na. Wag ka ng umarte pa."

After 1 hr. na pagaayos.. Eto. Handa na kami. Nurse na nurse na ang dating ko. At etong kasama ko? Janitor.

"bagay pala sayo maging janitor no?" Imbis na sumagot ay tumingin lang sya sakin ng masama

"hehehe joke lang :)"

Sa totoo lang kinakabahan na ako. Baka kasi pumalpak tong pagpapanggap namin at makita ako ni tira jinky. Pag nangyari yun yari ako. Malamang di na ako makalabas ng buhay.

"nandito na tayo." -andrew.

Nasa tapat na kami ng kwarto ni jansen. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kasi... Alam ko na sa pag bukas ko ng pinto eh makikita ko na ang lalaking pinakamamahal ko. Ang keso!

"saglit sisilipin ko kung nandyan yung mommy ni jansen"

Binuksan ni andrew ang pinto... Sana wala, sana wala, sana wala.

"pumasok ka na at iangat mo na yang mask mo."

hinawakan ko na ang knob at.... Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Tsaka bumungad sakin si jansen na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Agad akong napaiyak dahil sa kondisyon nya. Lumapit ako at hinawakan ko ang kamay nya. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Grabe! Sobrang awang awa ako kay Jansen. Ako dapat ang sisihin kung bakit sya nagkaganyan. Habang hawak ko ang kamay nya, ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ko sya.

ANDREW'S POV

Mas pinili kong mag stay dito sa labas ng kwarto. Para makapagbantay ako ng maigi kung may paprating na mga doctor or yung mismong mommy ni jansen mahirap ng mahuli.

Narinig ko ng umiiyak si kim. At nag salita....

"Jansen, I'm very very sorry sa lahat. Alam mo naman na hindi ko to ginusto di ba? Aksidente lang ang lahat. Sobrang miss na miss na kita. Gumising ka na please? Gustong gusto kitang alagaan pero di ko magawa. Kasi galit sakin si tita Jinky. Gusto kita palaging makita pero hindi pwede. Jansen, mahal na mahal kita. Di ko kaya na mawala ka."

Mula sa siwang ng pinto ay nakita ko na hinalikan ni kim yung kamay ni Jansen. Bakit parang nasasaktan ako? Hinde, hinde ako nasasaktan wala lang to. Di ko mahal si Kim. Dahil di sya sexy. Mas maganda at sexy pa rin si barbie my loves. Yung baby lang talaga ang habol ko kay Kim. Tama yun nga.

Nakita ko na parating na yung mommy ni jansen. Buti na lang at may kinausap muna sa bago dumiretso sa room.

"kim, let's go. Nandyan na ang mommy ni jansen."

Humalik muna si kim sa noo ni jansen. Bago sya dali daling lumabas. Agad ko naman syang niyaya na lumabas na sa ospital. Tsaka sumakay sa kotse. Habang nasa byahe ay hindi nagsasalita si kim. Tahimik na tahimik lang sya. Hinyaan ko na lang. Baka wala pa sa mood eh o kaya naman hanggang ngayon eh nageemote pa rin.

KIM'S POV

Sa wakas nakarating na rin kami sa bahay. Gustong gusto ko ng magkulong sa kwarto. Di ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko ngayon eh. Masaya ako na malungkot. Masaya ako kasi nakita ko si Jansen, malungkot kasi hanggang ngayon ganun pa rin ang kondisyon nya. Bago ako pumasok sa kwarto ay kinausap ko muna si andrew.

"andrew... Thank you kasi dinala mo ako kay Jansen. Sorry kasi umabsent ka pa sa school para lang samahan ako."

"wala yun, ang mahalaga nakita mo si jansen. Naging masaya ka naman di ba?"

"oo."

Pero umiyak ako. Sorry di ko na napigilan eh.

"bakit ka umiiyak?" tanong sakin ni andrew. Tsaka nya pinunasan ang luha ko.

"ang sakit lang kasing makita na yung taong mahal ko eh nakaratay dahil sa kagagawan ko."

Totoo naman eh. It's all my fault. Kung bakit nagkaganoon si Jansen

"sssh.. Don't blame yourself. Wala kang kasalanan, walang may gusto ng mga pangyayaring to."

Pinunasan ulit ni andrew yung mga luha ko. Dumating ba sya sa buhay ko para maging tiga pahid ng luha ko? O sya ang dahilan ng bawat pagluha ko?

"stop crying. Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumangit kasi umiiyak ka eh."

"sira ka talaga,"

Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"ayan, tumawa ka rin. Kim, kung alam ko lang na iiyak ka. Di na sana kita dinala dun. Ayoko kasing nakikita na umiiyak at nasasaktan ka eh. Gusto ko palagi kang nakangiti......palagi kang masaya."

At niyakap ako ng mahigpit ni andrew. Ang sarap sa pakiramdam habang yakap nya ako. Di ko na rin napigilan ang sarili ko at niyakap ko narin sya. Ang sarap lang talaga sa feeling kasi... Alam kong lagi lang syang nasa tabi ko. Para alagaan at protektahan ako at ang magiging baby namin. Yung kaninang pag iyak ko. Ngayon? Napalitan na ng ngiti.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...