Claiming the Beauty

By RaceDarwin

35.1M 662K 65.5K

18+ advised. More

Claiming The Beauty
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One

Chapter Thirty Two

522K 10.1K 684
By RaceDarwin


 MAINIT na naman ang ulo ni Kiefer. This time wala iyong kinalaman sa MTS Industrial. Maganda ang daloy ng mga negosasyon nitong nakaraang araw. Palapit na rin ng palapit ang launching ng Helios Manila.

Everyone is getting ready for the big event. Maraming celebrity at kilalang personalidad mula sa entertainment industry ang pupunta. Kalmado lang siya sa paparating ng event.

But someone is bothering him.

Iyon ay ang mga alaala ni Shamcey. Napupuno pa rin ng tensyon ang katawan niya kapag naalala ito. She just rejected him again. Gusto niyang makaramdam ng pagkairita. Sino ba ito sa tingin nito? Pagkatapos nito pumayag sa kung anong meron sila, bigla na lang nitong puputulin? Dahil ba akala nito patay na patay siya dito at handa siyang ibigay dito ang lahat kaya nagpapahabol ito?

"Fuck," he cursed. Pinisil niya ang maliit na bola sa kamay niya. He wanted to see her again. Pinipigil lang siya ng isipin na baka harapan siya nitong iwasan.

He felt so violated. Pagkatapos siya nito matikman, ganoon na lang ba? Iiwasan na lang? Napangisi siya nang sumiksik sa isip niya ang hubad na katawan nito sa ilalim niya, pawisin at hinihingal habang umuulos siya sa pagitan ng mga hita nito.

The image burned in his mind. Hindi niya mabilang ang beses na inalala niya 'yon. Tangina. He should stop acting like a horny teenage boy. He's already thirty! Pero pagdating sa babae, parang ngayon lang siya nakatikim.

Nababaliw na yata siya.

But he can't blame himself. Ang mga araw na kasama niya si Shamcey ang mga araw din na naging masaya ulit siya. He felt so happy and alive. Pakiwari niya ay lumulutang siya. That was the best fuck of his life and he was still craving for more.

Imposible na 'yon. Wala pa man isang buwan, tinuldukan na agad nito ang meron sila. And it was his goddamn fault. Kaya lumayo ito sa kanya. Araw-araw pa rin naman niya ito nakikita sa Helios. Pero hindi niya mahawakan.. hindi mayakap. Nagpipigil lang siya lapitin ito at marubdob na halikan.

Masisiraan na siya ng bait sa mga imaheng pumapasok sa isip niya. Ito lang ang naiisip niya lalo na sa mga sandaling iyon. Napagpasyahan niyang lumabas muna ng opisina.

Bago dumaan sa Helios, nagpark muna siya sa Helios para bumili ng coffee. Naghihintay siya sa isang mesa para sa order niya ng may mahagip na pamilyar ang mata niya.

Mahinhin na tumatawa ang babae habang kaharap ang isang lalaki na sa tantya niya ay kasing tangkad lang niya. Naningkit ang mata niya nang makita na tinampal ng dalaga ang braso ng lalaking kausap.

He gritted his teeth as he stared at Shamcey. Nakinang ang mapupungay na mata nito at tuwang-tuwa sa sinasabi ng lalaki. Gumapang ang selos sa balat niya.

Parang gusto niyang maging bayolente sa imaheng rumerehistro sa isip niya.

Kilala niya ang lalaki. He was one of the managers in Helios. Di niya alam na pinopormahan nito ang dalaga. Batid niyang marami ang may gusto sa babae. Base na rin sa naririnig niyang usapan ng ibang lalaking staff.

She's a real beauty. He couldn't blame them.

Nagpipigil lang siya na lumapit sa mga ito at suntukin ang lalaking kausap nito. Obviously, the bastard likes her. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa nobya niya.

Tiim-bagang na pinanood niya ang pag-uusap ng dalawa. Kahit dumating na ang order niya, di naputol ang tingin niya. Lalo na sa dalaga. Masaya ito habang nakikipag-usap sa lalaking iyon. Nagpaalala iyon sa kanya kung gaano rin ito kasaya noong kasama siya sa bahay niya. Ngayon iba na ang nagpapatawa dito.

Ito ba ang dahilan kaya ayaw na nito sa kanya? Nakahanap ito ng iba na mas mapapaikot nito? Nawala ba ang interes nito sa kanya dahil lang sa madali siyang magselos?

Tila asidong gumuhit ang pagseselos sa sikmura niya. Di inihihiwalay ang tingin, dinampot niya ang kape niya at marahang ininom. Mainit ang titig niya sa dalaga. Tila naramdaman nito ang nakakapasong init niyon kaya napalingon ito sa gawi niya. Nagbawi agad ito ng tingin ng una. Pero nang muling bumalik ang mata sa kanya, nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito.. Pagkatapos ay nanlaki ang mata at namutla.

Mapanganib ang ngising ibinigay niya dito.



 MALAKAS ang humor ni Romeo, ang lalaking kasama ni Shamcey at nagyaya sa kanya na mag-kape sa coffee shop na kinaroroonan nila. Ngayon lang siya pumayag sa coffee date nito. Ilang beses din niyang tinanggihan ang alok ng director manager nila hanggang sa pumayag na siya.

Maya't maya siyang napapatawa sa mga joke at pick-up lines nito. Nakakatuwa ang british accent nito. Di niya alam na ganito pala ang lalaki kapag nasa labas ng trabaho. May pagka-strict kasi ito sa loob. Pero okay naman ito sa kanya.

Aaminin niya wala talaga siyang balak na tanggapin ang invitation nito na mag-coffee sila. Una, wala siyang balak magbigay dito ng pag-asa. Napapansin naman kasi niya ang mga pasimpleng pagporma ng lalaki. Ayaw niya na umasa ito na open siya for dating. Because she's not.

Pangalawa, sumama lang siya dito para I-disctract niya ang sarili sa samu't saring isipin na may kinalaman sa "ex-boyfriend" niya. Kung pwede nga'ng sabihin na ex niya talaga 'to dahil naka-isang linggo lang naman sila.

Jusko, sila na nga ang nagpatunay ng isang linggong pag-ibig. Parang naririnig tuloy niya ang lyrics ng kantang 'yon sa boses ni KZ Tandingan.

"You should laugh more often. Mas gumaganda ka pa lalo." komento ni Romeo pagkatapos niyang tumawa sa isang joke nito.

Natampal niya ito sa braso. "Ikaw kung ano ano ang napapansin mo."

"But I'm just saying the truth," he chuckled. "Isa ka sa pinakamagandang binibini na nakita ko kapag tumatawa."

"Ang lalim ng binibini ha. Are you sure you're not from historical books?"

"You're really beautiful. Dapat lagi ka lang ganyan."

"Ay, maganda lang ba ako kapag tumatawa? Ma-offend na ba ako n'yan?"

Matamis na ngumiti ito, kumislap ang mata habang nakatitig sa kanya na hindi naman niya masyadong pinansin. "Lagi kang maganda sa paningin ko."

"Okay. Nasaan d'yan ang pick-up line mo?" panunukso niya.

"That's not even a joke so no pick up line this time. Let's say that's a flirty compliment?" Pilyong kumindat pa ang lalaki sa kanya at napahalakhak siya.

"Malandi ka rin, Sir Romeo. Sorry, di ako tinatablan ng ganyan." natatawang sabi niya.

"Romeo na lang kapag tayong dalawa lang."

"Okay. Romeo na."

"Thanks, Juliet."

Napailing siya sa pasimpleng panlalandi nito sa kanya. Pagkatapos ay hindi sinasadyang mapagawi ang tingin niya sa isang bahagi ng coffee shop. Binalik ulit niya ang tingin kay Romeo nang matigilan. Bumalik ang tingin niya sa tiningnan kanina at nawalan ng kulay ang mukha niya nang makilala ang lalaking nakaupo sa isang upuan doon.

"What's the matter?" nagtatakang tanong ni Romeo.

"W-wala." Umiling siya at bahagyang ngumiti sa lalaki. Sa gilid ng mata niya ay nakikita niyang nakatingin sa kanya si Kiefer. Alam niya ang ngising nakaukit sa labi nito. Mapanganib iyon. Bigla siyang inatake ng di maipaliwanag na kaba sa dibdib.

Humigop siya ng kape para pakalmahin ang sarili. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang baso. Napansin 'yon ni Romeo.

"Why are you shaking? Hey."

"I-I'm okay." Palihim na sumulyap siya sa kinauupuan ni Kiefer. Nandoon ito, matiim na nakatitig sa kanya at may pang-aakusa sa mga mata. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Parang gustong kumawalan nun sa dibdib niya.

Wala na naman sila, ah? Bakit kung makatingin ito parang pagma-may ari pa rin siya nito? Mapang-akusa na naman ang magagandang mata nito. Sa lahat pa naman ng pagkakataon na makikita siya nitong nasa labas, 'yong oras pa na 'yon na kasama niya si Romeo. Sigurado siya iba na agad ang laman ng isip nito.

Nanginginig na humugot siya ng hangin.

"Hey. What's wrong? May nasabi ba akong di maganda?" nag-aalala na sabi ni Romeo.

Umiling siya. "No, wala.. May naalala lang ako."

"Problema? Puwede mong i-share sa akin 'yan. Malay mo makatulong ako."

"Hindi. Okay lang ako." sabi niya para di na ito mag-alala. Mabuting tao si Romeo kaya alam niya tutulong ito agad kung meron man siyang pangangailangan.

Pero sa kaso nga niya, wala naman siyang kailangan. Iba ang nararamdaman niya kay Kiefer. Kung paano nito inilipat ang tingin sa lalaking kasama niya, may ibang kahulugan. Kung siya lang, wala siyang dapat ikapangamba.

Bakit siya matatakot? Tinupad naman niya ang deal nila. Nakuha nito ang gusto sa kanya. Isang linggo pa 'yon. Sobra sobra na nga 'yon! Lugi pa siya dahil sumama pa ang loob niya pagkatapos.

Ang naiisip lang niya paano kung si Romeo naman ang mapagtripan nito? Naaawa siya kung madamay ito. Kilala niya si Kiefer. Bago personalin nito ang lalaki at tanggalin sa trabaho. Hindi malabong mangyari 'yon.

"Okay ka na ba? Pwede na tayo bumalik kung gusto mo?"

"Sige, sige. Okay na ako. Baka hinahanap na din tayo."

Tumayo na sila ni Romeo. Muli siyang sumulyap kay Kiefer. Nandoon ang mapanganib na kislap sa mga mata nito.

Ang simpleng babala at alam niya hindi siya ang nasa alanganin kundi ang kasama niya.


---to be continued.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 464 10
We commit sins, get tempted, and do things uncontrollably. Mistakes from the past. If I were given a chance to live again, I would do everything just...
64.1M 1.2M 78
Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na yata niya. Wala naman itong kasalanan s...
118K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...