The Wicked Liar 2: The Lying...

By kathipuneraaa

2.8M 44.8K 4K

[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and... More

Prologue
Chapter 1: Not Real
Chapter 2: The One
Chapter 3: Together
Chapter 4: Without You
Chapter 5: Small World
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: Tattoo
Chapter 8: Ring
Chapter 9: Unfair
Chapter 10: Bad News
Chapter 11: Later
Chapter 12: 182 ❤
Chapter 13: Reason
Chapter 14: Compensation
Chapter 15: Sanction
Chapter 16: Almost Perfect
Chapter 17: Adjust
Chapter 18: Favor
Chapter 19: Distract
Chapter 20: No One
Chapter 21: Crazy Inlove
Chapter 22: Future
Chapter 23: Cheater
Chapter 24: Heir
Chapter 25: His Light
Chapter 26: Proud
Chapter 27: Until The End
Chapter 28: Marry Me
Chapter 29: No Buts
Chapter 31: Lied
Chapter 32: Please
Chapter 33: Cool Off
Chapter 34: Gap
Chapter 35: You Again
Chapter 36: Just Like That
Chapter 37: Awkwardness
Chapter 38: Beating Heart
Chapter 39: Shotgun Wedding
Chapter 40: Six Feet Below
Chapter 41: Be Brave
Chapter 42: Life And Lies
Chapter 43: Always
Chapter 44: The Queen
Chapter 45: Miss Education
Chapter 46: Special Girl
Chapter 47: Provoked
Chapter 48: Just Go
Chapter 49: Two Lines
Chapter 50: Wake Up
Chapter 51: Nothing Left
BOOK THREE!
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
HEARTLESS: THE WICKED LIAR TRILOGY
Pop Fiction Version
Publish Book by Pop Fiction
MIBF 2023

Chapter 30: Like You Do

48.6K 773 93
By kathipuneraaa

Last day na namin ngayon dito sa beach resort at dapat nag eenjoy kami sa labas but we ended up na nagkukulong dito sa kwarto namin dahil may surprise performance ang Big Three mamaya. Lumabas lang kami sandali kanina para kumain sa beach side at mag picture taking na hindi naman mau upload sa Facebook. Naka deactivate na kasi yung account niya. At syempre di rin naman pwede ilagay sakin kung sakali dahil may makakakita pa din.

Hindi na namin pa na pag usapan yung tungkol kay Minho pero parang may sama siya ng loob o tampo sakin dahil dun. Ayoko naman magsorry dahil baka kapag ginawa ko yun pag isipan niya din ng masama.

Nasabi ko yung tungkol doon sa mga staffs kanina na narinig kong nag uusap. Tawa siya nang tawa na nung pagbalik nga namin dito sa hotel dumaan siya doon sa reception area kung nasaan ang tatlo para makipag usap. Kahit ako natawa kasi ang pula pula ni Chinee at parang anytime mahihimatay sa kilig.

Napatingin ako sa bumukas na pinto ng CR at iluwa siya nun. Naligo kasi siya pagkabalik namin dahil pawis na pawis siya. Nilapitan niya ako and kissed the sides of my face. Napapikit na lang ako at sinamyo yung amoy niya.

Wait..

"Babe, anong shampoo ang ginamit mo?" nakakunot noo na tanong ko at sinubsob ang ilong ko sa buhok niya na basang basa para matiyak na tama nga yung kutob ko

"Shampoo? Uhm, yung nasa color green na lalagyan. Why?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat

"Babe naman! Oh my gosh hindi shampoo yun!" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis "Feminine wash ko yun!"

"What?!"

"Feminine wash! Hindi mo alam yun?!"

Nakalaglag ang panga niya na nakatulala lang sakin. "Holy mother of Zeus! Ano ba kasing ginagawa ng feminine wash mo dun at bakit wala man lang pangalan?!" hinawakan niya ang buhok niya at nandidiri na inamoy yun.

"Masyado naman kasing malaki kung dadalhin ko yung malaking bote di ba?! Tsaka ilang araw na tayo dito at di mo pa din alam na may pinrovide na shampoo ang hotel?!"

Umiling na lang siya and tsked soundly. Bumalik siya sa loob ng CR maybe para magshampoo na ng totoong shampoo. Sinundan ko siya sa loob at inabot yung bote ng shampoo sa kanya

"Eto ang shampoo in case na wala sa bundok!" tinuro ko pa sa kanya yung pangalan at nilapit ng husto sa mukha niya

Tumawa siya ng nakakaloko and removed yung towel niya na nakabalabal sa bewang niya. Automatic naman na napatingin ako doon sa bagay na nasa pagitan ng hita niya

"Ehem, like what you see?" nang aasar na sabi niya sa proud na boses at nilantad pa talaga ng husto ang katawan niya. Napalunok lang ako ng sunod sunod at pilit na inaalis ang tingin ko dun but unfortunately, parang may magnet ang mga mata ko

"Nagtataka ka ba kung paano to nagkasya sa flower mo? Well we can-"

"Pervert!" sigaw ko sa kanya at binato yung bote ng shampoo na nasalo naman niya. Inabuso ko naman yung pagkakataon na tumakbo palabas. Ang lalaking yun habang tumatagal pabastos ng pabastos!

Kampante lang akong nakaupo habang pinapanood yung dalawa na magrehearse ng mga kakantahin nila mamaya. Kahit dalawa lang sila ni Minho okay na din kaysa wala. Hindi daw makakapunta si Anden dahil may sarili siyang lakad. Katabi ko si manager Percy na patango tango lang na nanonood. Hindi ko maiwasang magka goosebumps dahil ang ganda ng blending ng boses nung dalawa. Kung makakatulog nga ako dito hindi na nakakapagtaka

"Every fight needs mending. Every start has an end. Like the sunrise and the sunset. That's just how it is.." umpisa ni Derick na pumipikit pa

"Love on borrowed time. Will never be yours nor mine. I need you like you need me. The way we ought to be.." si Minho naman. Hindi ko siya magawang tignan ng maayos dahil natatakot ako sa magiging reaksyon ni Derick kaya sinisikap ko na lang na silipin siya mula sa gilid ng mata ko.

"Oh, it's good to be true. If our hopes and dreams come true. Wish that I had more. Of this borrowed time. If only it would last a lifetime.."

Hindi naman ito yung unang pagkakataon na makita ko silang kumanta pero kapag pinapanood ko sila parang palaging first time. Lalo na si Derick. Kapag kumakanta siya parang ibang tao siya. Naiisip ko na siguro para sa kanya talaga tong ginagawa niya. I have never seen him this serious before

"Okay boys break muna" sinenyasan sila ni Percy and they stopped right away. Sabay silang naglakad papunta sa direksyon namin at uminom ng tubig na hindi malamig. Derick sipped just a little pagtapos ay binaling na sakin ang atensyon niya

"You okay?" tanong niya and lowered his face down para humalik sa pisngi ko. Instantly nakaramdam ako ng kilig at the same time hiya dahil walang pasubali niyang ginawa yun kahit na nakatingin samin si Minho at Percy

"Oo naman. Ikaw? Magpahinga ka muna" sabi ko at kinapa yung likuran niya na basa sa pawis "Tsk, magpalit ka nga may dala akong sando"

"Yes boss" he said smirking at kinuha na sakin yung sando niya. Basta na lang siyang naghubad, pinunasan yung pawis niya at isinuot yun

"Fifteen minutes break. I'll be back. Maghanda na kayo papunta doon sa bar" kuha ni Percy ng atensyon ni Derick then stormed off the room. So it leaves me, Derick and Minho alone

"Sige alis na din muna ako" paalam ni Minho and without looking at us naglakad na din palabas

Nung kaming dalawa na lang, malakas na tumawa si Derick too much to my confusion "Anong tinatawa mo dyan?" naiintrigang tanong ko

"Nakita mo kung gaano siya ka uncomfortable when you're around? Because that explains na may gusto talaga siya sayo " hindi ko alam kung naiinis ba siya o natatawa pa din but either way, hindi maganda ang tono niya at nakikita ko na hindi maganda ang patutunguhan nitong usapan. Balik na naman kami kay Minho na wala namang ginagawa sa kanya

"Not funny. Not funny at all.. Alam mo hindi ko alam kung delusional ka ba o sadyang nagpapansin ka lang sakin" inirapan ko siya at tumayo na ako para kunin yung basa niyang damit na basta niya na lang itinapon sa sahig.

Pumameywang siya na tinignan ako "I'm not delusional at mas lalong hindi papansin. I am just saying the damn truth. Nakikita mo ba kung paano ka niya tignan?"

Nakakaramdam na ako ng inis. We're really indeed back in this worthless debate na wala namang nananalo. Ayoko na sana siya patulan pero nakakainis kasi "O sige nga, pakisabi sakin kung paano niya ako tignan?" hamon ko

"Well, he looks at you the way I look at you" binigyang diin niya ang bawat salita. Napa facepalm na lang ako

"Babe alam mo, hindi ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Naiintindihan ko naman na head over heels ka sakin but it's not enough reason para akusahan mo yung tao na may gusto sakin. O sige, sabihin na natin na totoo yun, sana kanina sinabi niya na sakin di ba?"

"Baka naman humahanap lang siya ng pagkakataon" pagpipilit niya pa din na sobrang irrational

"Bahala ka na sa buhay mo, Derick. Napaka close minded mo. Nakakabwisit na" napatid na talaga ang pasensya ko. Hindi ko na kasi maintindihan eh. Bakit ba gustong gusto niyang pinag uusapan si Minho? Ugh maybe may plano kasi siya..

"Oh wait, I get it. Siguro may iba ka na noh? Kaya inaakusahan mo na may ibang lalaking nagkakagusto sakin para magkaroon ka ng dahilan na hiwalayan ako"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Now it's my turn na mainis habang siya naman ang worried na

"It's not like that. Ang sinasabi ko lang-"

"For heaven's sake pwede ba itigil na natin to? Napaka walang kwentang dahilan di ba para pag awayan natin? Because of your freaking delusions mag aaway pa tayo.." kumawala ako sa pagkakahawak niya and stay away from him. "Nasasakal mo na ko masyado, Derick. I need space" sabi ko at tuloy tuloy na lumabas

Hindi ko alam kung saan ako pupunta but certainly gusto ko muna siyang layuan dahil sa mga oras na to, pagkainis lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko pa din naman siya pero badtrip ako. Napaka galing niya kasi mang provoke eh!

Dinala ako ng mga paa ko sa area kung nasaan ang mga cottages. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Minho na naka cottage daw sila ni Cathy. Posible kaya na dito yun?

"Oh yes he's here though hindi ko pa nakikita"

"Aww ang sama mo naman, Cath. Ginagamit mo si Minho para makalapit kay Derick"

Napahinto ako nung may magbanggit ng pangalan ni Derick. Hinanap ko kung sino ang mga nag uusap at nagulat talaga ako nang makita yung dalawang babae sa harap ng isang cottage di kalayuan sakin. Hindi ko kilala yung isa pero yung isa sigurado akong si Cathy Hontiveros. Naka summer dress siya na hanggang kalahati lang ng hita ang haba.

Napakunot ang noo ko pero napairal ko pa din naman ang utak ko. Hindi ako nagpahalata na nakikinig sa usapan nila. If I remember it right, sinabi ng kausap niya na ginagamit ni Cathy si Minho para makalapit kay Derick

"Nag iisip ka ba? Syempre since magkagrupo ang dalawang yun, madalas silang magkasama. And if I keep on clinging to Minho, mapapalapit din ako kay Derick"

I balled my fist. Nate tempt na akong sugurin sila pero pinipigilan ko cause I want to hear more. I cant believe na nasasaksihan ko ngayon ang bitchiness ng isang Catherine Hontiveros na madalas bida at api ang role sa television. Ito ang hirap kapag artista yung tao eh. Since they're good in acting, ang ilan sa kanila is also two faced. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang ugali nila sa likod ng camera. Katulad na lang ng isang to..

"I still doubt it you know. May girlfriend siya di ba at kasama niya pa dito ngayon?" tanong nung isang babae sa kanya. She just laughed sarcastically. Ang kapal ng mukha ah!

"So? What Cathy wants, Cathy gets" naramdaman kong nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya. Pag uwi sa Manila susulat ako sa NE Entertainment na isuggest ang babaeng to sa mga kontrabida roles dahil sa tingin ko doon siya mas mage excel dahil ang galing niya!

"Oh Cathy.. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Okay naman si Minho ah? Why not him tutal single naman?"

"I dont like him anymore dahil malakas ang kutob ko na may nagugustuhan na siyang iba. Hindi ko alam kung sino pero sigurado akong meron. And one more thing, he's boring"

Napailing na lang ako and started walking in a casual way. Madadaanan ko sila at kailangan kong ipakita na hindi ako interesado sa existence nila though deep inside gusto kong sampalin tong Cathy na to.

But then, a realization hit me. Kay Cathy na mismo nanggaling.. Si Derick yung lalaking gusto niya. So meaning..

Ako yung babae na parang nagugustuhan na ni Minho?

Bumalik na lang ako sa kwarto namin ni Derick. Wala siya dun pagdating ko na ipinagpapasalamat ko ng husto. Kailangan kong pag isipan yung mga narinig ko kanina. Sa totoo lang, hindi naman ako nabo bother masyado sa katotohanan na may gusto yung Cathy na yun kay Derick dahil hindi naman na nakakapagtaka yun. Pero ako? Paano naman ako magugustuhan ni Minho?

Parang kani kanina lang pinagtatalunan namin to ni Derick tapos ngayon it turned out na totoo pala ang sinasabi niya. Napailing na lang ako ng husto. Mababaliw ata ako. Gusto ko ipasok sa utak ko na mali ang narinig ko but my brain is shutting down

"Babe" bumukas yung pintuan at naglakad si Derick papunta sa direksyon ko. Akala ko yayakap siya o hahalik but he stopped a meter away from me. Expressionless ko lang siyang tinignan and it didnt took me a while para tumayo at yumakap sa kanya ng mahigpit

"Babe, may problema ba?" he cajoled habang hinahagod ang likuran ko "Sorry doon sa pagtatalo natin kanina. I know it was immature of me. Please, wag mo namang isipin na may iba na ako kaya ko nasabi yun. You know I love you right? Hind ko yun magagawa sayo" hindi ako sumagot pero mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kanya

"Babe.." tawag ko sa kanya

"Hmmm?"

"Gusto kong sagutin mo ako ng maayos sa itatanong ko ha. Promise?"

"Promise"

Huminga muna ako ng malalim "Bukod sa bata ka pa lang gusto mo na ako, babe ano pa yung ibang dahilan para ako yung mahalin mo? There are other girls there na nagkakandarapa sayo. Mayayaman at higit na mas maganda sakin but why me?"

Kumawala siya sa pagkakayakap sakin at sinalubong ako ng seryosong tingin niya "You're right. Gaya nang sinabi ko kay gran nun hindi ikaw yung klase ng babae na kapag dadaan mapapalingon ang lalaki but there is something in you na sobrang minahal ko. In this life, we meet thousands of people. People that maybe magiging bahagi ng buhay mo o dadaan lang. In my case, there are many girls I've been with kagaya ni Ashley nun. Magagandang babae babe at hindi din basta basta. But none of them want me. None of them care to touch me inside like you do. Walang nag abala sa kanila na kilalanin ang totoong ako. Until you happened.. I meet you, then my life is changed forever"

He lower his face and let the tip of his nose traced the curve of my neck "And you're the best thing that ever happened to me. That sometimes I do wonder paano kung hindi ka nag enrol sa Phylisse Academy. What if our path never crossed again. I do wonder what would life have been without you. Kasal na kaya kami ni Elise ngayon or I am still that bastard bad boy na walang ginawa kung di maglaro"

"Do you want that life of yours?" tanong ko sa kanya na nakangiti

He smiled back at umiling "No. I want this one" sagot niya at hinawi yung ilang strands ng buhok ko na nasa mukha ko na pala

Hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon na makapaglambingan at anopaman dahil kailangan niya na mag ayos para sa performance nila. Bukod sa tight jeans, boots at leather jacket na nakabukas lang at nagpapakita ng katawan niya, wala na siyang ibang suot na. Nakaupo lang ako sa stool na malapit sa kanya at pinanood siya habang inaayusan ng make up artist nila. Katabi niya lang si Minho na inaayusan din pero hindi ko siya magawang tignan.

"Done" lumayo ng kaunti yung make up artist ni Derick tapos ay iniikot siya paharap sa salamin. Hindi ko maiwasan matawa dahil hindi pa din ako sanay na makita siyang mini make up an kahit na foundation, eye liner at lipstick lang naman na hindi ganun ka red ang nilalagay sa kanya

"Babe come here" tawag niya sakin. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Niyakap niya ako kaagad

"Kailangan ko ng motivation so let's stay like this for a while" natawa na lang ako pero hinayaan na lang siya

Mga ilang minuto na din kaming magkayakap hanggang sa dumating si Percy at sinabing kailangan na daw nilang pumunta sa bar. Umalis sa pagkakayakap sakin si Derick pero hawak hawak niya pa din ang kamay ko.

Naglakad na kami papunta doon kasama yung iba pang taga NE Entertainment. Nakakapagtaka lang na wala si Cathy. Inaasahan ko kasi kanina na anytime magpapakita siya since malandi naman siya.

"Babe" tawag ko kay Derick. Gusto ko sana sabihin sa kanya yung narinig ko kanina pero nagbago din agad ang isip ko. Magpe perform sila at bad timing naman kung ngayon ko sasabihin.

Napatingin siya sakin at nag aabang sa sasabihin ko

"Wala. Good luck pala" pagpapalusot ko na lang at humalik sa pisngi niya

"I dont feel any pressure at all you know. Good luck din sayo babe. Hope you can hold yourself from punching those girls na sisigaw sa sobrang kilig sakin mamaya"

"Yabang mo! Di ka naman ganun kagwapo ha!" hinampas ko pa siya sa braso

"Whe?"

"Nyenyenye. E di ikaw na!" umirap na lang ako

Natawa lang siya hanggang sa makarating na kami sa loob. Actually ang mga manonood sa kanila dito ay mga staffs lang nitong beach resort. Pa thankyou lang to ng NE Entertainment sa pag aalaga sa mga talents nila na nag stay dito.

"Babe kailangan na kita iwan. Are you comfortable with that?" nagnod lang ako "Do not talk to strangers habang wala ako ha? Loveyou" tumalikod na siya at mabilis na naglakad. Huminto sa harapan ko si Minho

"Goodluck din sayo" I tonelessly said na hindi tumitingin sa kanya dahil naalala ko na naman yung kanina

"Thank you, Erica" sagot niya at nilampasan na ako

I made myself comfortable na malayo sa karamihan. Malaki naman itong bar at hindi ganun kadami ang mga tao. Pagtingin ko sa di kalayuan na mesa sakin nakita ko si Cathy. Nagsalubong yung mga mata namin at kahit umiwas na ako nararamdaman kong nakatingin pa din siya sakin. Nagtatawanan sila nung kasama niyang babae habang may iniinom. Nakakaramdam na naman ako ng inis kaya mabilis akong umalis sa pwesto ko at tumayo malapit sa stage kung saan medyo marami na ang tao.

Sakto naman na may umakyat na sa stage at nagbigay ng intro para kay Minho at Derick. Di nagtagal lumabas na sila at nag umpisa na ang sigawan kasabay ng tugtog. May spotlight na nakatutok sa kanila kaya na highlight yung mga katawan nila. Kung hindi ako namamalikmata nakikita kong nags sparkle ang abs ni Derick. Hindi naman nakikita yung tattoo niya sa bandang collarbone though may onting sumisilip.

"Kislap ng 'yong mga mata. Ako'y iyong nadadala. Parang angel ang 'yong ganda. Di maiwasan hahanap-hanapin ka.." umpisa ni Minho na mas lalong nagpalakas sa sigawan particularly ng mga babae

"O kay tamis ng 'yong mga ngiti. Ako'y iyong naaakit. Tulad ng rosas nakakaaliw. Di mapigilan mabighani sayo.." turn naman ni Derick and this time hindi na ako magtataka kung meron na lang biglang bumulagta sa sahig sa sobrang kilig

"At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala. Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa'kin.." nakikisabay na din ang mga tao sa pagkanta nila habang nakataas pa ang mga kamay. Palakad lakad sa stage yung dalawa na talagang ang hyper. Nagsalubong yung mga mata namin ni Derick then he winked at me

"Oh my gosh kinindatan ako ni Derick!" sabi nung babae sa harapan ko

"Anong ikaw?! Sakin siya nakatingin!" kontra naman nung katabi niya

Pagtapos ng kanta nagpalakpakan lahat habang nag bow naman yung dalawa na magkahawak pa ang kamay.

"Our next song is para sa mga taong nagmamahal. Hope you like this one, kahit na alam namin na sawang sawa na kayo pakinggan.." sabi ni Minho and a familiar sound came in

"When your legs don't work like they used to before. And I can't sweep you off of your feet" akala ko kanina matindi na yung sigawan pero mas matindi ngayon. Yung mga nasa harapan ko nga nakakatakot na dahil mukha ng nae exorcist

"Will your mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheeks? And, darling, I will be loving you 'til we're 70. And, baby, my heart could still fall as hard at 23" humihinto pa yung dalawa sa pagkanta at tinututok sa crowd yung mic as encouragement na kumanta din

"And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways. Maybe just the touch of a hand. Well, me-I fall in love with you every single day. And I just wanna tell you I am"

Kahit ako nagulat nung bumaba silang dalawa ng stage. Instantly dinumog agad sila ng yakap. Gumilid ako dahil nagkakatulakan na. May mga bouncers na pumagitna kaya napilitan yung mga tao lumayo at yung dalawa na bumalik na sa stage

"So honey now. Take me into your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars. Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud. That maybe we found love right where we are.."

Pagtapos ng ilan pang kanta nag speech yung dalawa on how they are thankful na nag enjoy sila sa stay nila dito throughout the five days. Alam kong hindi yun ka plastikan lalo na kay Derick dahil nag enjoy naman siya talaga.

"Before we end, I want to call on stage, Ms. Chinee Gonazales" sabi ni Derick na ikinagulat ng iba

"Ms. Chinee Gonzales.." tawag pa ni Minho at maya maya pa umakyat na sa stage ang namumulang si Chinee na agad yumakap kay Derick at pagtapos kay Minho

"May nakapagsabi kasi sakin na crush mo daw ako. Totoo ba?" tanong ni Derick sa kanya na nakapagpasigaw sa mga audience. Hindi naman malaman ni Chinee ang gagawin. Nagtakip lang siya ng mukha pero halatang halata yung pamumula niya.

"Si Derick lang ang crush mo? Paano naman ako?" tanong ni Minho na nakapagpatawa kahit sakin

"Eh kung kantahan na lang natin si Chinee para mas lalong kiligin? What do you think Minho?" tanong ni Derick kay Minho na nakangisi

"Hmm yeah why not?"

Music played again. Naglagay pa ng upuan yung isang staff at doon pinaupo si Chinee na mangiyak ngiyak na. Si Derick at Minho na normal na tao lang para sakin halos kabaliwan naman ng iba.

"My life is brilliant. My love is pure. I saw an angel. Of that I'm sure.." Derick started at lumuhod pa sa harapan ni Chinee. Hindi pa siya nakuntento, kinuha niya pa ang isang kamay nito

"She smiled at me on the subway. She was with another man. But I won't lose no sleep on that, 'Cause I've got a plan.." si Minho naman

"You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. I saw your face in a crowded place, And I don't know what to do, 'Cause I'll never be with you.."

Pagtapos nilang kantahan si Chinee si Derick pa mismo ang nagkusa na hawakan yung phone nito para mag selfie silang tatlo. Hindi ko maiwasan mapangiti. Natutuwa lang talaga ako kay Derick dahil kahit na alam niyang may crush yun sa kanya hindi pa din siya naiilang.

Over all the night ended in a high. Pinuntahan kaagad ako ni Derick kahit na hindi pa man niya totally naisusuot ang sweat shirt niya. Nagulat yung mga nasa harapan ko at likuran pero bago pa man sila makapagreact, hinagip na ako ni Derick payakap sa kanya para medyo itago yung mukha ko.

"Babe sobrang nakakapagod!" he said pagkalabas na pagkalabas namin. "Maganda ba yung pagkakanta ko?"

"Nakapagpaalam ka na ba sa kanila na lalabas ka? Oo naman! Kinilig nga ako eh lalo na nung kay Chinee na" sabi ko

He looked at me sternly "Is that sarcastic?"

"Huh? Hindi ah! Anong akala mo sakin ganun ka close minded para magselos? Natuwa pa nga ako eh. Ugh basta maganda talaga!"

Natawa na lang kami sabay lakad na ulit palayo

"Hey, Derick!" may tumawag sa kanya kaya napalingon kami. Automatic na napataas ang kilay ko nang makita ko kung sino

"Catherine" pormal na sabi ni Derick at tumango sa kanya

"Pinapaalala ko lang yung victory party sa tuesday. Punta ka ha? You promised me you'll be there kasama tong si Minho and Anden!" malandi niyang sabi habang nakakapit kay Minho na nakatingin lang

"Ugh yeah sure.." tipid na sabi ni Derick at bumaling kay Minho "Good job satin, pre. Pahinga na tayo" nag high five pa silang dalawa

"Bye, Derick" kumaway pa si Cathy sabay malisyoso akong tinignan. Usually, I wouldn't care dahil panatag naman ako na hindi magpapaagaw si Derick but the way she stares at me with triumph in her eyes is giving me a sick feeling

***
Author's Note:
Dapat po talaga kagabi pa to kaso hindi ko magawang tapusin and other thing walang internet. Ang dami kasing masasamang nangyari sakin at wala ako sa mood magtype. I cant even smile. Kaya sana comment naman po kayo sa part na to pangpagaan lang ng loob. Sa sobrang pag iisip ko natawag ko na nga yung aso namin na "Derick" -______-

Try ko mag update bukas! Kung wala next week na! Anyway malapit naman na mag vacation so medyo mag expect ng spontaneous updates!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 49K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
7.7M 201K 39
She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mother's friend together with her two daughte...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
6.9K 84 19
Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade...