*Chapter 6: this is not true :"(*
Jhaime's POV
after 3 days
on the way ako papunta sa dating restaurant kung saan ako nagtatrabaho
wala lang
gusto ko lang bisitahin si Manager
tagal na din mula nung huli kaming nagkita eh
balita ko nga may anak at asawa na sya
haha!
nung nakarating na ako
"Good Morning Ma'am." bati ng isang waiter na babae nginitian ko lang sya
tapos umupo na ako sa pandalawahang upuan sa tabi ng glass wall
"What is your order ma'am?" tanong nung babae
"Ah nothing. I just want to talk to your manager." nakangiti kong sabi
ramdam ko na parang natensyon yung babae
"Po? Ah, ma'am may problema po ba?" kinakabahan nyang sabi
natawa naman ako sa reaksyon nya
"Don't worry, it is not about you. Sige na, tawagin mo na sya."
nagaalangan pero ginawa na din nya
after ilang minutes
"Hi Good Morning Ma'am, gusto nyo daw po akong makausap? May problema po ba?" narinig ko na sabi ni Manager
nilingon ko sya
"Hi Manager! ^__^" bati ko
O_O< sya
"Jhaime?!"
"Opo! ^_^"
"Naku!! Kamusta ka na!?" hinawakan nya yung dalawa kong kamay
"Haha! Ok lang po, upo ka muna, Manager." sabi ko
umupo naman sya sa tapat ko
"Kayo po Manager? Kamusta na po? Balita ko may anak at asawa na kayo ah." sabi ko
"Haha! Oo eh, last year lang kami kinasal tsaka nanganak."
"Wow! Naks naman! Congrats Manager!"
"Salamat. Oh bakit ka nga pala nandito? Tsaka ang tagal mong nawala. San ka ba napunta?"
"Ah, sa states po ako pumunta, nandito lang po ako sa Pinas for some important things."
"Talaga? Buti naman at bumalik ka na."
"Bakit po?"
"Kasi nung nakaraang mga taon, 4 years ago ata? Laging pumupunta dito yung boyfriend mo. Sino ba yun? Ano bang pangalan nun. Teka.. hmm, Flame? Ah oo tama, Flame yung pangalan, lagi kang hinahanap, tinatanong kung nadaan ka ba o tumawag ka daw ba dito."
nagulat naman ako sa sinabi ni Manager
natahimik tuloy ako
"Nagkita na ba kayong dalawa?"
"Ah. O-opo."
"Mabuti naman. Kawawa naman kasi yung batang iyon. Yung itsura noon parang hindi kumakain at natutulog. Ang laki ng eyebags at ang payat. Awang awa ako sa kanya, minsan nga sabi ko na kumain sya dito at hindi ko sya sisingilin kaso tumanggi sya."
nakayuko lang ako
hindi nagsasalita
"Jhaime? Ok ka lang ba?" tanong nya
tumingin ako sa kanya at ngumiti pero peke lang yun
"Ah, opo, ok lang po ako. Kamusta po kayo ng baby nyo?"
at ayun nga
iniba ko ang usapan namin
siguro inabot kami ng 1 oras sa chikahan
"Ay Jhaime, pasensya ka na, kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Next time na lang tayo ulit magchikahan ha?"
"Ah, o sige po Manager. Salamat po sa time." tumayo na kaming dalawa tapos niyakap ko sya
"Namiss po kita." sabi ko tinap nya lang yung likod ko tapos bumitaw na ako
"Sige na. Baka may pupuntahan ka pa."
"Sige po. Alis na ako. Salamat po sa time Manager."
"Ok, ingat ka." ngumiti ako at lumabas na
naglakad lakad na lang ako
hanggang sa nakarating ako sa dating apartment kung saan ako natuloy
tinignan ko yung building
wala pa ring pinagbago
tsaka ko na bibisitahin yung dati kong kwarto dyan
naglakad ulit ako
napunta ako sa maliit na playground malapit sa restaurant
umupo ako sa may swing doon
at pinanood yung mga bata na naglalaro
ang saya nilang tignan
parang walang problema
sana
sana ganyan ulit ako
bata, walang iniintindi kundi laro, pagkain, tulog
sana bata na lang ulit ako
I miss my childhood days
kung dati gustong gusto kong maging matanda
ngayon naman
gustong gusto kong maging bata ulit
hay!
:(
bigla akong may naalala
dito sa place na ito
kung saan kami nag-usap ni Flame
naalala nyo ba yun?
yung nahulog yung phone ko dito at nalaman nya yung nararamdaman ko para sa kanya
napatingin ako sa lugar kung saan kami nakatayo at naguusap
napangiti ako
"Panyo?" nagulat ako nung biglang may sumulpot na panyo sa mukha ko
hindi ko namalayan na
may luhang tumulo mula sa mga mata ko
kinuha ko naman yun
"Sala-- First?!" nagulat ako na si First pala ang nagbigay ng panyo sakin
ngumiti sya sakin
"Musta?"
**
Jhaime's Apartment
yeah
andito kami sa apartment ko
buti na lang at buhay pa ito at inaalagaan nila
binigay sa akin nung caretaker yung susi ko dito
at ayun
nagpabili ako ng softdrink at makakain sa caretaker kanina
kaya eto ma kinakain kami habang naguusap
"Paano mo ako nakita?" tanong ko
nakaupo kami dito sa sala
"Nakita lang kita kanina, naglalakad-lakad kasi ako."
"Ahh."
natahimik kami saglit
"Kamusta?"
"Ayos naman."
"Nasabi nga pala sa akin ni Fifth na, ikakasal ka na daw." ngumiti ako ng mapait
"Yeah, unfortunately."
"Hindi mo na ba sya mahal? I mean, hindi na ba talaga maibabalik ang dati?"
ayan nanaman tayo sa tanong na yan eh
hay!
"I-- i don't know."
"Jhaime, sabihin mo nga sa akin. Umalis ka ng dahil sa nangyari between you and Third at sa mga magulang namin, tama ba ako?" hindi ako sumagot
hindi siya umimik
tinignan ko sya
parang may malalim syang iniisip
nagtaka ako
"First? Bakit ka natahimik? May problema ba?"
hindi sya sumagot
parang hindi sya mapakali
"First, may gusto ka bang sabihin sakin?"
tinignan nya ako
seryosong seryoso
*sigh*
"I have something to tell you. At alam ko na ito na ang tamang panahon para malaman mo ang totoo."
totoo?
"Anong totoo? Ano bang sinasabi mo?"
nagsisimula na akong kabahan
hinawakan nya yung dalawa kong kamay
mahigpit na hawak
lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko."
"Jhaime, alam ko na after kong sabihin ito, magagalit ka sakin pati kay Second."
"Ha?! Bakit nadamay si Second dito? Teka nga First, diretsuhin mo na nga ako. Ano ba yung totoo na dapat kong malaman?"
huminga ulit sya ng malalim
"Jhaime,
hindi ka nagalaw ni Third. There's nothing happened between you and Third."
O_________________________O
*speechless*
"That night, alam namin ni Second na may gagawing hindi maganda si Third sayo kaya sinundan namin sya."
*Flashback*
"Second, halika samahan mo ko."
"Ha? Saan?"
"Hindi ako mapakali eh. Puntahan natin si Jhaime sa apartment nya." hinila ko si Second
"Teka nga! Ano bang problema?"
"Feeling ko kasi may hindi magandang ginagawa si Third ngayon."
"Ha? Basta! Tsaka ko na sasabihin! Halika na!"
at pumunta nga kami sa apartment ni Jhaime
narinig ko kasi na may pinaplano si Third kay Jhaime
sa likod ng bahay
papunta ako ng pool para magswimming sana
nung narinig ko yun
pagkarating namin sa building nila Jhaime
pumasok agad kami at sumakay ng elevator
14th floor
tumakbo kami papunta sa room ni Jhaime
pinihit ko yung doorknob
hindi yun nakalock
pumasok agad kami
at laking gulat namin
O_O
sh*t!
"THIRD!" sigaw ko
muntik na!
muntik na nyang magalaw si Jhaime
almost there!
hinila ko sya palayo kay Jhaime
"First!? Anong ginagawa nyo di--"
*Paak*
sinapak ko sya
"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA!??" galit kong sabi
si Second pinipigilan ako
"Pwede ba! Wag mo akong pakialaman!"
"G*G*!! Magbihis ka! Dalian mo!" utos ko
"Fvck!"
nagbihis naman sya
tapos kinaladkad ko sya palabas
"I'm sorry Jhaime." nasabi ko na lang tapos lumabas na kami
nilock ko yung pinto
bumaba kami hanggang parking lot ng building
*Paak*
"First! Tama na yan!" pigil ni Second
"Bitawan mo ko!" nagpumiglas ako sa kanya
napahiga naman si Third dahil sa suntok ko
dinaganan ko sya at pinagsusuntok
kinwelyuhan ko sya
"ANO BANG PUMASOK DYAN SA KOKOTE MO AT GAGAHASAIN MO SI JHAIME?!!?!? NAISIP MO BA KUNG ANO ANG MANGYAYARI SA GINAWA MO?!!?!?"
"PWEDE BA FIRST! PABAYAAN NYO NGA AKO!"
*PAAK*
sinuntok ko ulit
"G*G* KA PALA EH! HAYOP KA! KUNG HINDI KAMI DUMATING, EDI NAGALAW MO NA NG TULUYAN SI JHAIME!!! HINDI MO NA SYA NIRESPETO!! GIRLFRIEND SYA NG KAPATID NATIN!! NG KAPATID MO!!"
"WALA AKONG PAKIALAM!! GUSTO KO SYANG MAKUHA YUN LANG ANG GUSTO KO!!"
*PAAAK*
puro dugo na ung mukha nya
"Kuya First tama na yan!"
"ALAM MO KUNG HINDI LANG KITA KAPATID, PINATAY NA KITA NGAYON!!" sigaw ko tapos binitawan sya at tumayo
nakahiga lang sya doon
nakasmirk pa sya sa amin
"Alam ko naman na gusto mo din sya, First diba? Bakit hindi mo na lang ako samahan doon sa taas?"
"G*G*!" susugurin ko sana ulit sya kaso pinigilan na ako ni Second
"Tama na yan Kuya! Halika na! Umuwi na tayo!" hinila na nya ako paalis
sinamaan ko ng tingin si Third
at umalis na kami
*end of Flashback*
"Yun ang nangyari. Jhaime, I'm so sorry. Sorry kung hindi ko agad sinabi. Kapatid ko pa rin naman kasi si Third at ayokong makulong sya. Sorry sorry sorry."
tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko
hindi ko alam kung ano ang irereact ko
hindi ako nagalaw ni Third?
ibig sabihin
wala talagang nangyaring RAPE?
pero paanong nangyaring ang sakit ng katawan ko kinabukasan
biglang may nagflashback sa akin
oo nga pala
makailang beses akong natumba at sinuntok ako ni Third kaya sumakit ang katawan ko
pero bakit hindi ko man lang naramdaman kung may pagbabago sa akin noon?
siguro dahil nastock sa isip ko na
narape ako
humagulgol na ako
napaatras ako sa mga sinabi nya sakin
"No! No! It can't be! No! Tell me this is not real! Please First!"
"I'm sorry Jhaime."
umiyak lang ako
hindi ako makapaniwala
wala pala talagang nangyari tapos
"Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin ha First?! Alam nyo ba kung gaano kahirap sa akin na tanggapin ang isang bagay na akala ko nawala na sa akin ha?! ALAM NYO BA KUNG GAANO KAHIRAP SA AKIN NA MAHUSGAHAN NG MGA TAO LALO NA NG MGA MAGULANG NYO?!"
"Jhaime, pinrotektahan ko lang ang kapatid ko--"
"PINROTEKTAHAN?! KAHIT MALI ANG GINAWA NYA, PINROTEKTAHAN NYO PA DIN?!?! ANG SELFISH NYO!! *sob*"
"Jhaime.."
"First, hindi nyo alam kung gaano kasakit sa akin na ipagtabuyan ng mga taong minahal ako noon! Hindi nyo alam kung gaano kasakit sa akin na umalis at iwan ang taong mahal ko dahil sa patutol ng mga magulang nyo sa akin sa pagaakalang hindi na ako malinis!! AT HINDI NYO ALAM KUNG GAANO KASAKIT SA AKIN NA NGAYON HINDI KO NA SYA ULIT MAKUKUHA!!!!"
sigaw ko sa kanya
hindi sya sumagot
tinulak ko sya sa dibdib nya
"Ang sama sama nyo!! Ang sama sama nyo!!!!!" humagulgol ako sa kanya at pinagsusuntok sya sa dibdib
pinigilan nya yung kamay ko tapos niyakap ako
"Shh. I'm sorry Jhaime, naiintindihan ko kung galit ka sa akin dahil karapatan mo yun. Hindi ko agad sinabi sa inyo na wala talagang nangyari. I'm sorry."
umiyak lang ako ng umiyak
hindi ako makapaniwala
sa buong pagaakala ko na
nakuha na ni Third ang pinakaingat ingatan ko
nawala ang taong pinakamamahal ko
ang sakit
ang sakit sakit malaman na
all this time
nalinlang nila ako
KAMI!
:"(
===========================================================
UPDATED! WOOO! Mukhang magulo ata ah? Magulo ba? HAHAHA! Ito ang PINAKA MALAKI kong pasabog sa istoryang ito. Gulat ba kayo? Hindi? Edi hindi na nga XD
Ano sa tingin nyo? ;))