Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Three

125 16 5
By pawsbypages

#BD3 — That's enough, Woman

"Hindi ako multo," sabi nito at ngumisi.

"Nye-nye," pangaasar ko dito at umupo na sa dining table dahil sabay-sabay na raw kami nila Tito kumain.

Bakit ba kumakalabog nanaman ang puso ko?

May sakit ba 'ko o ano?

'Di pa naman ako nagkakape, ah?

Speaking of coffee, I'll make one muna habang may kausap pa naman si Tito.

Patayo na sana ako nang biglang mag lapag si Audrey ng coffee sa lamesa, tatlong coffee ito at hindi rin naman siya nag kakape kaya feeling ko ginawa niya 'yun para samin nila Tito at Kuya.

"Wow, bait mo today, sis," sabi ko habang humihigop ng mainit-init na kape.

Tahimik lang rin akong kumain habang nag-uusap silang mag-ama tungkol sa university na papasukan namin.

Ayaw kasi nito ni Audrey na kasama ang kapatid niya sa isang University. Buong buhay daw niya ay kasama na niya ito, para naman daw maiba.

Ayun nga lang... ayaw pumayag ng Kuya niya dahil over protective ito at gusto niya laging malapit sa kanya ang kapatid niya, sana lahat.

"Ikaw ba, Celest? Saan mo balak mag-enroll?" Maikling tanong ni Tito Jake.

"Uh, hindi 'ko parin po kasi sure, Tito. UST or UP po asa choices ko ngayon," seryosong sabi ko.

"Mag La Salle na lang kasi tayong tatlo!" Pagpupumilit ni Kuya.

La Salle? Ang mahal-mahal ng tuition doon 'no! Hindi naman ako para doon, 'di porket galing ako sa America, e, mayaman na 'ko.

Ayaw ko rin bigyan si Mommy ng dagdag gastusin, masyado na rin siyang maraming problema sa trabaho niya.

"I want nga kasi mag Ateneo," pagrereklamo ni Audrey sa Kuya niya habang hinihiwa ang tocino sa kanyang plato. "Besides, Kuya, duh? You have so many friends naman na here eh, right? Mas nauna ka umuwi here for sure naka-party ka na... You have new friends na, so ba't kailangan sama-sama pa tayo," dagdag ni Audrey.

May point naman kasi talaga si Audrey. Kahit gustong-gusto ko ng sariling kapatid, kung halos buong buhay ko, e, kami na lang ang mag kasama, mas gugustuhin ko rin humiwalay muna.

Wala talagang laban si Kuya kay Audrey kaya nanahimik na lang ito at kasalukuyang nakabusangot ang mukha niya at 'yon ang dahilan kung bakit ako tumatawa ngayon ng malakas.

"I-I'm s-sorry po. E-excuse m-me, please" nauutal kong sabi dahil sa kakatawa.

Tumayo narin ako para 'di ako maka-istorbo tutal tapos na rin naman ako kumain. Ang hirap lang talaga magpigil ng tawa kasi para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa!

Dumiretso muna ako sa living room para tumambay, maya-maya nalang siguro ako mag-aayos ng mga gamit ko tutal 'di parin naman tapos mag-usap sila Audrey at si Tito Jake.

I hope she's okay... I hope my Addie's okay. Kahit alam kong umiiyak na naman siya gabi-gabi. Ayaw ko naman siya pangunahan at intrigahin sa kung ano ang nararamdaman niya. Sa ngayon, pananatili na lang muna sa tabi niya ang kaya kong gawin.

Hindi naman kasi lahat ng tao na problemado ay kailangan ng advice sa buhay. 'Yung iba kailangan lang ng taong handang makinig sa kanila o handang damayan sila kahit wala silang sinasabi tungkol sa totoo nilang nararamdaman.

I know Audrey, she won't keep things from me. Alam kong hinihintay lang nito ang tamang oras para mag open up sa'kin tungkol sa totoo niyang nararamdaman, and that is something na I learned from being her best friend for 19 years.

Habang iniintay sila, saktong nasa mood pa ako mang-trip. Pinicturan ko 'yung childhood picture ni Audrey at ng Kuya niya, bungi pa sila dito pareho! Balak ko sana ipost sa IG story ko kaso baka gantihan naman nila ako, kawawa ako pag ganon.

Ophyra Reyes
Active now

Ophyra Reyes
Tine!

Bitch reply asap

TINE WOW HA NAG PINAS KA LANG YOU DON'T KNOW NA HOW TO REPLY?

It's currently 7:18 am jan wag mo 'ko niloloko celestine lim

Habang kinakalikot ko ang phone ko, napailing na lang ako nang ma-receive ko na lahat ang message ni Yra. Ngayon ko lang din kasi binuksan 'yung WiFi ng phone ko. Bumagsak ako kagabi, e.

She's one of my friends sa America, her familiy migrated na there and Aundrey and I met her nung 9th grade kami. She's staying there na for good, ayun ang alam ko.

Ophyra Reyes
Active now

Ophyra Reyes
Tine!

Bitch reply asap

TINE WOW HA NAG PINAS KA LANG YOU DON'T KNOW NA HOW TO REPLY?

It's currently 7:18 am jan wag mo 'ko niloloko celestine lim

Celestine Lim
Yra relax hindi ba pwedeng kumain lang kaya late reply?

Daig mo pa jowa eh

Ay wala ka pala nun HAAHASGHA

Seen

Nainis na ata?

Totoo naman, e, wala naman talaga siyang jowa! Kahit naman ako, at wala pa akong balak. Study first! Mag d-doctor pa 'ko 'no! Kaya hindi ka muna mag b-boyfriend, self.

No commitments, sa studies ka lang mag commit.

"Quinn! Anastasia!" Sigaw ni Kuya.

Ang hilig talaga nito mangasar, second name basis pala dito 'di na naman ako informed? Ano ba problema no'n? Ang aga-aga parang nakakawala sa zoo.

"Ano na naman ba 'yun," I complained habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya.

"Oh?" Matipid at seryosong tanong ni Audrey.

"My friend will throw a welcome home party mamayang gabi. All drinks are on them. Venue, food, all good na. You wanna come?" Tanong niya habang nagpapatuyo ng buhok dahil bagong ligo pa 'to.

Maganda pala ang katawan nito? Parang dati lang puro pa 'to taba, e.

"I'll sama, wala rin naman ako gagawin dito sa bahay," nakangiting sabi ni Audrey at tumalikod na para umalis kaso mukhang may nakalimutan pa ito sabihin dahil bigla siyang napahinto, "Kuya! Make reto her na sa friends mo para naman mag ka-lovelife!" Natatawa niyang sabi sabay takbo palayo.

"The fuck!" I exclaimed.

"You? You'll come ba? Mababait naman friends ko and may mga babae rin naman but it's still up to you, Anastasia," sambit niya habang nag aayos ng buhok.

"Yeah, sure, saan ba?" I asked.

"I'll pick you up para 'di na kayo maligaw ni Quinn," nakangising sabi niya at halatang natatawa dahil baka maligaw kami kung kami lang ang pupunta doon magisa.

Pag-balik ko sa kwarto ay agad ko rin naman inayos ang mga gamit at damit ko. Akala ko matatagalan ako ng sobra pero hindi naman pala dahil konti lang rin naman ang dinala ko, dito nalang siguro ako bibili kung may kulang man.

'Hoemie is calling...'

[Hey! Tara shopping? Para may masuot tayo later!]

"Pass, Addie. Manonood nalang muna ako," malamig kong sabi dito.

[KJ mo naman, sis! Tara na Kuya will hatid us daw]

"Pass talaga. Kayo nalang muna," maikli kong sabi at binaba na ang phone.

Gusto ko naman talaga sumama, mahilig din naman ako mag shopping kaso mas gugustuhin ko nalang muna mapirmi sa bahay at manood.

What the fuck?!

"Ending na yan?! 'Di na ba uso happy ending sa panahon ngayon?" Pagrereklamo ko.

Paano ba naman kasi? Antagal niyang hinintay 'yung babae tapos 'di naman pala sila ang endgame? Konti nalang talaga 'di na ko maniniwala sa love na yan, e.

After ng movie, nakaramdam na 'ko ng antok kaso... sino ba 'yung kumatok kagabi?

Bakit hindi ko maalala?

Gano'n na ba ako ka-pagod kagabi?

It's just Audrey for sure, baka nahirapan uli siya matulog. Bahala na. Inaantok na 'ko at feeling ko naman deserve ko na mag bawi ng tulog dahil 'di ko talaga mabuo ang 8 hours of sleep a day.

'Kuya <3 is calling...'

Nagising ako bigla nang 'di na tumigil sa pag ring ang phone ko. Nakatulog na pala ako kakaisip kung sino ba 'yung kumatok kagabi. Sasagutin ko na sana ang tawag niya nang biglang pumasok si Audrey sa kwarto ko.

"Celestine Anastasia! Look at the time! Fix yourself na!" Inis na sabi nito at abot kabilang barangay pa ang boses niya sa sobrang lakas.

"Oo na, sige na, lumabas ka na," kalmado kong sabi dito.

Binilisan ko na ang pag ligo dahil may kasama akong dragon na mas malala pa magalit kung ikukumpara mo sa babae.

Ano nga ba ang susuotin ko?

Isa talaga 'to sa mga problema ko tuwing aalis, hirap na hirap nanaman ako maghanap ng susuotin, "Ito nalang kaya? Bahala na."

Nagsuot nalang ako ng black satin dress and I paired it na lang with the only black heels na dala ko dahil iniwan ko na sa America ang iba.

I love this dress so much, it fits my body well kahit feeling ko tumaba ako. I applied makeup and perfume, medyo nagmamadali na 'ko kasi asa baba na daw si Kuya and ready na rin daw si Audrey.

"Bahala na, maganda naman tayo, okay na yan," sabi ko sa harap ng salamin at bumaba na para salubungin ang sermon ni Kuya.

"Grabe, Anastasia, ang tagal mo magayos ha?" walang emosyong sabi ni Kuya pero alam ko naman na naiinis na ito dahil ayaw niyang pinaghihintay siya.

Dalawa na kami ni Audrey ang umupo sa likod para mag picture. For sure hindi na dry ang Instagram 'ko nito dahil magaganda ang kuha ni Audrey sa'kin ngayon.

Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa bahay ng kaibigan ni kuya, sinundo pa nga kami ng kaibigan niya sa parking, e.

"Bro!" Bati niya kay Kuya at nakipagkamayan pa.

"Dude! Si Celestine, friend ko," nakangiting sabi ni Kuya sa kaibigan niya habang tinituro ako.

"Hey! Fourth," pagpapakilala nito sa'kin at inilahad ang kamay. Agad ko rin naman sinalo ang kamay nito at nginitian.

"You can call me, Celest," nakangiting sabi ko dito at binitawan na ang kamay niya.

"Sister ko, si Audrey," pagpapakilala naman ni Kuya kay Audrey. "Off limits, bro," nakangising dagdag nito na naging rason bakit kumunot ang noo ni Audrey.

"Audrey," nawala bigla ang kunot ng noo niya at nginitian pa si Fourth.

Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Fourth at walang katapusang pagpapakila ang nangyari, hindi ko na nga maalala pangalan nung iba, e.

"Quinn! Anastasia!" Excited na tawag samin ni Kuya, "Uh, Si Astrid," sambit niya.

"Hi! I'm Astrid," nakangiting sabi ni Astrid habang nakikipagbeso pa sa'min ni Audrey.

Nginitian lang namin siya ng tipid at nagpaalam na para kumuha ng drinks. Legal age na rin naman kami ni Audrey kaya pwede na uminom.

Sa totoo lang, gusto lang namin pareho kumawala sa tingin ni Kuya. Buti nga at nandoon si Astrid para libangin siya.

"Girl, I'll ikot lang, ha? Have fun," pagpapaalam nito at kinindatan pa 'ko.

Inikot-ikot ko ang bote ng Smirnoff sa kamay ko habang pinapanood si Audrey lapitan ni Fourth. Pansin ko rin na kanina pa tinitigan ni Fourth si Audrey, he likes her, sure ako 'dun.

Bagay sila, when kaya?

Akala ko ba party pinuntahan ko?

Bakit wala akong type sa mga tao dito?

Pinagmamasdan ko lang ang mga taong sumasayaw sa loob nang biglang may naglakad papalapit sa'kin kaya nilipat ko agad ang tingin ko galing sa mga nagsasayaw, papunta sa lalaking moreno na matangkad na ngayon ay papalapit na nang papalapit sa'kin.

"Travis," pagpapakilala nito sa sarili niya habang tinititigan ako sa mata, "What's your name? Saw you with Fourth kanina, single?" dagdag nito.

May itsura naman siya, matangkad, moreno, naka-white shirt ito, light-washed jeans at Air Force 1. Mukhang mas matanda 'to sa'kin ng isa o dalawang taon, nevermind, age is just a number.

Uso ba ang gold chains sa Pilipinas ngayon?

Bakit pati siya meron?

Matchy ba sila ni Kuya?

Napangisi ako bigla dahil sa kabaliwang naisip 'ko kaya kumunot ang noo ni Travis, "Tine. Call me, Tine," nakangising sabi ko rito at uminom uli sa bote ng Smirnoff.

"Why don't you dance with them inside?" Nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa mga taong sumasayaw sa loob.

"I'm not that drunk pa para sumayaw, walang thrill," seryosong sabi ko dito.

"Come with me, ako bahala," sabi nito habang hawak-hawak ang palapulsuhan ko.

Dinala niya 'ko kung saan nagiinuman sila Kuya, Astrid, at iba pa nilang tropa. Puro bote ng Cuervo, Jager, Jack Daniel's at Black Label ang nasa lamesa nila, mukhang naglalaro ang mga ito dahil ang lalakas pa ng mga tawanan.

"Dude, si Tine," pagpapakilala ni Travis sa'kin sa mga kaibigan niya.

Nang magtama ang tingin namin ni Kuya bahagyang nanlaki ang mga mata nito, nagulat ata na may kasama ako.

Umupo na rin kami ni Travis, nasa harapan namin sila Astrid na naghaharutan, when kaya?

Pinaikot na nila ang walang laman na bote, truth or consequence, akala ko makakaligtas na 'ko dahil kanina pa 'ko 'di minamalas pero nung si Astrid na ang mag ikot, sa'kin ito tumigil.

"Truth or Consequence?" Nakangiting sabi nito habang tumatawa-tawa dahil sa kalasingan.

"Truth," nakangising sagot ko dito.

"Ever had a one-night stand with a friend?" tanong niya habang hinihimas ang hita ni Kuya.

Such a flirt.

Sinadya kong 'di sagutin ang tanong na 'yon para mag mukhang guilty ako kahit hindi naman talaga para lang inisin si Kuya.

"Shot," sambit ko habang nakatingin kay Travis, agad naman niyang nilagyan ng Jack Daniel's ang tatlong shot glass at sunod-sunod ko 'yong ininom.

Ilang rounds din ang lumipas at ramdam ko na ang tama ng mga alak sa aking sistema.

Nahihilo na 'ko, pucha. Asan ba kasi sila Audrey?

"That's enough, Woman. Let's go home."


<3

Continue Reading

You'll Also Like

134K 3.8K 58
After Euphoria Series #1: Goodbye Lullaby If we're gonna list down all the things that Dionne Villegas hates, broken promises would be on top of the...
10K 400 48
Art Series #1: Pleasuring Stain Zonnique knows how to value smallest thing in life, even the ones that people considered as useless things. Broken v...
26K 557 39
QUERENCIA SERIES #1 Aerielle Quinn Cervantes is a lovely woman whose heart is already set on her dreams of becoming a successful Architect. She wishe...