Golden Scenery of Tomorrow (U...

By 4reuminct

73.9M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
EPILOGUE
Author's Note

49

1.1M 53.4K 159K
By 4reuminct


"Doon ka na ulit magtatrabaho?" 


Tumango ako kay Aidan habang tinutulungan niya akong mag-impake ng mga damit ko. Inasahan ko na 'to pero kumikirot pa rin ang dibdib ko tuwing naiisip na nangyayari na naman 'to. Tinutulungan niya na naman akong mag-impake dahil iiwan ko na ulit sila. 


"Anak, ang iba mo pang damit. Nilabhan ko na 'to kagabi..." Pumasok si Papa sa kwarto ko at nilapag ang mga damit ko sa kama. Napangiti ako sa kaniya nang tipid nang makita ang lungkot sa mga mata niya. 


"Pa, huwag kang mag-alala. Nariyan naman si Mira... Hindi kayo papabayaan noon," I assured him again pero mukhang hindi iyon ang problema niya. 


"Hindi naman ako nag-aalala para sa kapakanan namin, anak. Mas gusto ko lang talagang narito ka... at nababantayan ko kung kumakain ka nang maayos o kung okay lang ba ang pakiramdam mo." Nakita kong paiyak na naman siya kaya tumawa ako at tumayo para yakapin siya. Pinipigilan na niya ngayon ang iyak niya sa balikat ko. 


"Pa... Huwag kang mag-alala sa akin. Mas mag-alala ka sa sarili mo... Huwag mong kalimutan uminom ng gamot at huwag kainin 'yong mga bawal sa 'yo. Ako, malakas pa ako at kaya ko ang sarili ko!" Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. "I'll be okay..." 


"Nag-aalala si Papa dahil hindi ka naman nagsasabi kapag hindi ka okay, Ate." Napalingon ako kay Ysha na nakasandal sa may pinto at sumisilip sa amin. "Gaya noong nakaraan, wala kaming masabi dahil hindi ka nagsasalita sa nararamdaman mo..." 


"Kaya ko naman kasing harapin ang mga 'yon mag-isa," sabi ko naman.


"Hindi mo naman kailangan harapin 'yon mag-isa." Nakisali na rin si Mira na kararating lang, dala-dala ang isa pang maleta na pinakuha ko sa baba. "Napanood at naranasan namin kung paano ka nasira, gumaling, at nasira ulit... Pero masaya kami dahil mukhang hindi ka sumusuko para magpagaling muli." 


"Lakas mo, Ate," sabi naman ni Aidan.


Naluluha tuloy ako sa mga naririnig ko. Sobrang saya ko dahil ganito ang tingin nila sa akin. Hindi nila ako tinitingnan bilang mahinang tao. Kinakaya ko naman talaga lahat para sa kanila... at ngayon, para na rin sa sarili ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Hindi ko pagsisisihan lahat ng ginawa kong sakripisyo para sa kanila.


They grew up as great individuals. I can't help but be proud of them and myself. I practically raised them, along with my dad. Hindi naging madali para sa akin ang tumayong ina sa buhay nila sa murang edad. Wala namang madali sa nangyari simula noong nawala sa sarili si Mama. I just... had no choice but to grow up quicker than other kids. 


Dahil alam ko naman, simula pa lang, na babalik akong Spain, naging madali lang ang pag-iimpake ko. Hindi pa naman ako aalis ngayon pero mas mabuti nang maayos na ang mga gamit ko dahil may hinanda na namang farewell party sina Luna para sa akin. Mag-get together daw kami ulit bago ako umalis. Kasama si Arkin doon. Wala namang rason para hindi siya makasama. 


"Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan ganito suot?" Hatak-hatak ako ni Luna palabas ng bahay namin habang inaayos ko ang grey necktie ko. Nakasuot ako ng white blouse na naka-tuck in sa grey corporate skirt ko tapos black closed heels. Ganoon din ang suot niya, pati nina Yanna at Kierra dahil iyon ang dress code. 


"Basta!" sagot naman niya sa akin sabay pasok sa sasakyan. Siya ang magda-drive papunta roon sa kung saan man 'yon. 


"Hi, Via! Ready ka na sa party?" nakangising tanong ni Kierra sa akin. Sa ngiti niyang 'yon, mas lalo lang akong kinabahan. Hindi naman nila ako dadalhin sa isang lugar na may mga sumasayaw, ano? Hindi naman 'to bridal shower! Nakakakaba na dahil sa nangyari roon sa bridal shower ni Yanna! 


Nakatingin lang ako sa labas habang umaandar ang sasakyan. Unti-unti ko nang napapansing pamilyar ang dinadaanan namin. Napalingon ako kay Luna para kumpirmahin kung tama ba ang iniisip ko pero ngumiti lang siya. 


"We're here!" Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng daan, malapit sa gate ng Valeria High. Sunday ngayon kaya walang tao kung hindi ang guard. 


"Bakit..." Napatingin kaagad ako sa suot ko. Naintindihan ko na kaagad kung bakit ganito ang dress code! 


Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Just by standing in front of the gate brought back so many memories. Pagkapasok, pagkauwi, pagtambay sa fishball-an kasama sila... 


"Hoy! Nandito kami!" Napalingon kami sa may kabilang side ng daan kung nasaan sina Yanna, Sevi, at Arkin. Kumakain sila ng fishball doon. Bukas sila ngayon, ah?! Nakabukas ang blouse ni Yanna at kita ang itim na tank top sa loob. Naka-white polo at grey slacks naman si Sevi at Arkin habang punong-puno ang bibig ng pagkain. 


"Ang tagal n'yo!" reklamo pa ni Sevi. "Puti na buhok ko bago pa kayo dumating!" 


"Parang hindi naman, p're. Parang itim pa naman..." inosenteng sabi ni Arkin sabay hawak sa buhok ni Sevi para tingnan kung puti nga. Hinampas kaagad ni Sevi ang kamay niya para hindi siya hawakan.


"Tara na sa loob. Ang babagal n'yo!" sabi naman ni Kierra na nauna nang pumasok sa gate. "Hello, Kuya!" 


Hindi ko na kilala ang guard pero mukhang kilala ni Kierra dahil school naman nila 'to. Pagkapasok namin sa gate, nanibago kaagad ako dahil napakaraming nag-iba. Bagong pintura siya pero bukod doon, marami ring nadagdag katulad noong mas malaking stage sa gitna, mas maraming rooms, may balcony rin sa may second floor pero may harang iyon ng glass. Mas naging modern ang hitsura pero ang memories, naroon pa rin. 


"Gago, Sevi, doon kayo nag-kiss ni Yanna, oh!" Tinuro ni Luna 'yong room sa second floor at tumawa nang malakas. 


"Eh kung sinampal ko bibig mo?" sagot naman ni Yanna.


"Luna, hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Wala bang nagpapakilig sa 'yo? Sawi ka ba sa pag-ibig? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?" ganti rin ni Sevi. 


"Wala, bakit?" maangas na sagot ni Luna.


"Deserve." Umirap si Sevi at binatukan naman siya ni Luna. Kinailangan pa nga lang niyang abutin si Sevi dahil tumakbo ito paalis na parang bata. 


"Via, music club!" Hinawakan ni Arkin ang palapulsuhan ko at hinatak ako papunta roon sa may Music room. Nang buksan namin 'yon, namangha rin kami dahil may mga nabago na rin. Mas dumami na rin ang instruments doon. "Hala, may piano na! Naks, ang daming funds ng music club, ah!" 


Umupo siya roon sa may piano at tinugtog 'yong kinanta ko rin sa bonfire namin. "And when I hold you in my arms, I promise you..." pagkanta niya. 


Umupo ako sa gilid at kinuha iyong violin. Naalala ko tuloy kung paano niya turuan si Naya noon ng violin. Gusto ko rin matuto pero dahil takot nga ako sa musika noon, hindi ko nagawang tanungin si Arkin kung pwede niya rin akong turuan. 


"Nagselos ako kay Naya noon," sabi ko kay Arkin kaya natigilan siya sa pagtugtog ng piano. "Pero hindi ko 'yon pinansin... Hindi naman siya selos... Parang... Ayaw ko lang na mas pinipili mong makasama siya kaysa sa akin. Petty lang... Nakakatawa." 


"Via, baka nakalilimutan mong ikaw ang nagtutulak sa akin kay Naya... Hindi ko nga gusto 'yong tao." Napakamot siya sa ulo niya. "Ikaw ang gusto kong ka-partner sa prom kaso tinulak mo kaagad ako sa iba, ni hindi pa kita natatanong." 


"You have a way to hold grudges, Kino." Napailing ako sa kaniya. 


"Ako pa!" Hindi-makapaniwala siyang nagpakawala ng buntong-hininga. 


Narinig kong hinahanap kami ni Kierra kaya naman lumabas na kami sa Music room para sumunod sa kanila papunta sa may likod. Nang madaanan namin iyong likod ng building, napahinto si Yanna at tumawa nang malakas. 


"'Di ba rito 'yong sa ex mo? Ano ngang pangalan noon?" tanong ni Yanna kay Luna. 


"Huh? Anong sinasabi mo? Wala akong ex noong high school!" Todo deny naman 'tong si Luna dahil kinahihiya niya 'yong ex niya.


"Si Lance," sagot naman ni Kierra. "Muntik na mapunta sa impyerno 'yon kung tinuluyan ni Arkin noong araw na 'yon!" 


"Gagong 'yon, huwag siyang magpapakita kahit sa panaginip ko! Uupakan ko talaga 'yon!" inis na sabi ni Arkin dahil naaalala ang nangyari noon. 


"Mas mukhang muntik nang mag-trip to hell 'yong kasama niya dahil kay Yanna," pag-alala ko rin. Kinabahan talaga ako dahil kay Yanna! Akala ko lahat kami ay mapupunta sa office. Mabuti na lang at tinakbuhan na siya ng lalaki dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya. 


Nang makarating kami sa cafeteria, naisip ko kaagad na sayang lang at wala si Sam ngayon. Naaalala ko kung paano sila nag-away ni Yanna rito. Hindi ko pa sila kilala noon kaya wala akong pakialam. 


"Gagi, Yanna, ginanto mo si Sam noon, oh!" Hinatak ni Sevi ang necktie ni Arkin kaya nasakal siya at napaubo-ubo. 


"Aray ko, tangina ka!" Tinulak kaagad siya ni Arkin sabay hawak sa leeg niya. "Ikaw 'yong masarap sapakin noong high school, eh! Ugali mong hayop ka!" 


"Tapos ngayon, parang mamamatay 'yong isa kapag nahiwalay," sabi naman ni Kierra. "Hindi na sila mapaghiwalay noon, eh. Parang si Via at Arkin lang." 


"Iba naman 'yong kina Via. May sariling mundo 'yang dalawa palagi," pagtatanggol ni Yanna. "Tapos halatang-halata pang may gusto si Arkin. Deadma naman 'tong si Via kaya naaawa ako rito, eh." Tinuro niya pa si Kino. 


"Ni-reject nga siya ni Via noong high- Hmm!" Tinakpan kaagad ni Arkin ang bibig ni Sevi pero nakuha kaagad nina Luna at malakas na nagsitawanan. Sumimangot naman si Arkin at inalis ang kamay. 


"Deserve," sabi naman ni Yanna. 


"Mga ulol!" inis na sabi ni Arkin. 


Nang mainitan na kami ay pumunta kami sa library at binuksan ang aircon doon. Umupo si Yanna sa sahig at sinandal ang likod sa may bookshelf kaya umupo na rin kami roon para magpalamig. Masikip ang aisle pero pinagkasya namin ang mga sarili namin. Naalala ko tuloy kung paano rin kami umupo rito noong umiiyak si Yanna. 


Tumawag si Samantha sa amin kaya nilapag ni Kierra ang phone niya sa gilid para makita kaming lahat. Pinakita pa ni Sam through video call na nakasuot din siya ng white blouse at grey skirt. 


"I miss you, guys! I miss that place too!" sabi niya nang mapansing nasa library kami. "Where I always find my girl crying..." 


"Ang bilis ng panahon," sabi ni Yanna.


"Tanginang 'yan, parang tanders ang linyahan," kantyaw kaagad ni Sevi. 


"Ay, bakit, Sevi? Highschool ka pa rin ba?" pang-aaway ni Luna. 


"Luna, gusto mo na namang ibalik sa panahong may gusto pa ako sa 'yo. Mag-move on ka na, please..." kunwaring malungkot na sabi ni Sevi. "Naaawa na rin ako dahil mukhang wala kasing nagkakagusto sa 'yo ngayon..." 


"Sino kaya 'yong walang ni isang na-date simula break up?" ganti kaagad ni Luna. 


"It's a choice." Pinagdikit ni Sevi ang palad niya at pumikit. "I will be single forever!" 


"Pero kapag bumalik, sure," tumatawang sabi ni Arkin, nang-aasar. 


"Kapag bumalik..." Tumango si Sevi at pumikit ulit, nakadikit pa rin ang dalawang palad. "Welcome to my life!" 


Pinagtawanan kaagad namin siya dahil sa sinabi niya. Napatakip pa ako ng bibig dahil for some reason, 'yong atmosphere ng library, pakiramdam ko kailangan tahimik pa rin kahit kami lang naman ang tao rito. Nakakatawa nga dahil nagbubulungan pa kami na para bang may sasaway sa amin dito. 


"Sana all babalik, p're," pagbibiro ni Arkin. Lahat tuloy sila ay napatingin sa akin at kinantyawan ako. 


"Babalik 'yan! Kapag may kinasal na ulit sa atin dito, kailangan bumalik ka, Via!" sabi naman ni Luna. "Sino kayang next na ikakasal? Wala akong jowa so hindi ako!" 


"Oh, how I wish I could be the next..." sabi naman ni Sam at nalungkot. 


"May personal grudge ako riyan sa ex mo, Sam." Sumimangot si Arkin at pinagkrus ang braso sa dibdib. 

"Sige, ako na, guys. Pakakasalan ko ulit si Hiro." Tuwang-tuwa naman ang ngiti ni Yanna, halatang masaya siya sa buhay. 


It just hit different that she was seated on the same spot as she did in high school but she was finally smiling now. She was genuinely happy... and I couldn't help but feel proud of her for everything she went through. 


"Yanna... Masaya akong masaya ka." Nawala ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko. Natahimik din ang iba dahil biglang nag-iba ang mood ng usapan. 


"Thank you, Via," nakangiting sabi niya sa akin. 


"Ang dami na ring nagbago sa 'yo, Yanna, 'no? But all of them were for the better. I'm also so glad that you're happy and carefree now... Wala nang mabigat na pakiramdam sa dibdib. Wala nang luha, wala nang sakit," Kierra genuinely stated. "Really one of the strongest women I know. So proud of you!" 


"Kierra..." Hinawakan ni Yanna ang kamay ni Ke at marahang pinisil ito. "Huwag kang mag-alala... Isa ka rin sa pinakamalakas na kilala ko. You've been through a lot... Sobrang proud din namin sa 'yo. Lumalaban ka pa rin hanggang ngayon." 


"Oh, come on, girls! You really had to do that when I'm miles away?! I want to be there too! Now, I feel like crying!" reklamo ni Sam. Ngumuso pa siya habang namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata. "Just... always remember that you may often be misunderstood... But what matters the most is how the people you truly know view you. I'm speaking especially for Via... They don't know you at all. They don't know how strong you are. They don't know how kind and caring you are as a person... but we know. As long as there is one person who continues to believe in you, the light is not fully out yet." 


"Sam, ikaw ba, okay ka lang?" tanong ni Sevi bigla. 


Natahimik si Sam pero ngumiti rin siya kaagad. "I've never been better! I just miss you guys! I can't wait to go home!" 


May pinaplano rin kasi si Sam na magtayo ng business sa Pilipinas kaya naman alam kong babalik talaga siya rito. Bukod pa roon, pakiramdam ko, may iba pa siyang gustong balikan. Love will truly create or open roads for you to go back to each other's arms again. 


"Sana makompleto na tayo ulit," sabi ni Luna. "Makokompleto lang yata tayo kapag may kinasal na talaga ulit! Bilisan mo na, Sam!" 


"Huwag kang ganiyan, Luna... Baka mauna ka pa," sabi ko naman sa kaniya. 


"Gusto ko na ng pamangkin," sabi rin ni Kierra.


"Guys, chill lang! Wala nga akong jowa, kasal at anak pa?! Hintayin n'yo muna akong makahanap, okay?! Makararating din tayo riyan after 100 years!" pagbibiro ni Luna. 


Nagkwentuhan pa kami roon saglit bago nila naisipang sulatan ulit ang puting blouse ko, gaya noong farewell party noong highschool graduation. Ako lang ang aalis kaya ako lang ang masusulatan dito. 


Hindi ko muna binasa kung ano ang mga sinulat nila hanggang sa mahatid ako sa kanto ng bahay namin. Nagulat ako dahil bumaba rin si Arkin at sinuot ang facemask para samahan akong maglakad pauwi. Ang sabi ko kasi, mas gusto kong maglakad pauwi para naman masulit ko ang daan pauwi sa bahay namin since aalis na rin ako. 


Tahimik lang kaming naglalakad sa dilim. Ang ilaw sa poste at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa aming dalawa. Sinisipa-sipa rin niya ang maliliit na bato habang nakapamulsa, hindi nagsasalita. 


"Nagsulat ka na ba sa blouse ko?" tanong ko sa kaniya. 


"Hindi pa. Nag-iisip pa ako ng isusulat." Tinaas niya ang marker na hawak niya. 


Sabi ko na nga ba at parang may kulang. Hindi ko kasi siya nakitang nagsulat kanina. Kinakabahan nga ako dahil baka mag-drawing ng bastos si Sevi or Yanna! Sana walang nakasulat na bastos! Balak ko pa naman kuhanan ng litrato. 


"Masaya ka naman, Via, 'di ba?" seryosong tanong niya sa akin habang naglalakad pa rin kami. Nauna ako sa kaniya at huminto sa harapan niya para pisilin ang pisngi niya. 


"Oo naman." Binitawan ko rin siya at ngumiti. "Ikaw ba? Kumusta ka? May nagtanong na ba sa 'yo nito noong mga nakaraang araw o linggo?"


Pinisil niya rin ang magkabilang pisngi ko. "Oo naman. Huwag kang mag-alala sa akin. Una pa sa first si Sevi magtanong." 


"He will take care of you while I'm away." Tumango ako, panatag ang loob. "Mabuti at alam kong may isang taong hindi ka iiwan kahit anong mangyari." 


"Ikaw sana 'yon..." mahinang sabi niya bago ako bitawan. Ngumiti rin siya nang tipid sa akin ngunit umabot naman 'yon sa mga mata niya. "Pero okay lang! Kaya kitang mahalin kahit gaano ka pa kalayo!" 


"Mamahalin mo pa rin ako?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. 


"Kailan ba kita hindi minahal, Via?" 


Nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ang nararamdaman ko ng kalungkutan. Arkin... loved me the way I wanted to be loved. He was the person who introduced true love to me, a never-ending love... Something I would cherish my whole life. Even for once, he never made me feel so unloved. Lahat ng klase ng pagmamahal, pinaramdam niya na sa akin... kaya ang hirap niyang iwanan. 


Arkin's love was the greatest among all. His love was unconditional. He loved me even after I rejected him. He still loved me even when he knew I couldn't bring his love back... and loved me before I said I loved him too. 


Kahit kailan, hindi siya tumigil mahalin ako. Nalulungkot akong kailangan ko siyang iwan ulit. Alam kong masakit para sa kaniya iyon pero sinasabi niyang masaya siya para sa akin. Masaya siya kapag masaya ako. 


"May naisip na ako..." Pinatalikod niya ako sa kaniya at sinulatan ang likod ng blouse ko. Sinubukan kong pakiramdaman kung ano 'yon kaso hindi ko rin mapagtanto. 


Pagkatapos noon ay naglakad na ulit kami at hinatid niya ako sa tapat ng bahay. "I'll see you tomorrow..." sabi ko sa kaniya. 


"Yes... This time, I can finally see you off at the airport." He gave my head a pat before he walked away. 


Pagkapasok ko ng bahay ay naligo kaagad ako at nagpalit ng damit. Nilapag ko ang blouse sa may kama ko para basahin ang mga message na iniwan nila para sa akin. 


'Mahal kita, Via ko! :( - Luna ganda' 


'ingat ka doon huwag kang tanga - Y' 


'Take care of your body and mental health! - Ke' 


'yie babalik yan hehe ingat via lakas mo - pinakapogi' 


Alam ko kaagad kung kanino galing 'yon. Nang tingnan ko na ang may pinakamalaking sulat sa likod, alam kong kay Arkin na 'yon. Kilala ko rin ang sulat niya. 


'Pangako, hindi ka bibitawan.' 


Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko. They became my strength when I was weak. Itong huling linya ni Arkin ang pinakatumagos sa puso ko. It was like he was saying that I shouldn't worry because he will always hold my hand. He will always be there for me. When I fall, he will pull me back. He made me feel so safe once more. 


Okay na sana kaso nakita ko pa ang sulat niya sa baba noon. 


'- mas pogi sa pinakapogi lul mo sevi' 


Umatras ang luha ko at tinupi na lang iyong blouse. Kahit kailan talaga hindi nagpapatalo 'yong isang 'yon. Akala mo ay mga bata pa rin kung makipagkumpetensya sa isa't isa! 


Bago ako matulog, inayos ko na muli ang mga gamit ko. Chineck ko na rin ang flight details. Iyon na ang naging huling tulog ko sa kwartong 'yon. Lungkot na lungkot ako pagkagising ko kinabukasan dahil sinalubong ako ng breakfast ni Papa. 


"Kumain ka muna... Magugutom ka sa flight," sabi ni Papa sa akin. Talagang pinagluto niya ako ng napakaraming pagkain na para bang mauubos ko 'yon.


"Thank you, Papa..." Bumiyak ang boses ko sa dulo dahil naiyak ako. Iniisip ko pa lang na iiwan ko sila ulit, nasasaktan ako. Mawawalay na naman ako sa pamilya ko. 


"Anak naman! Huwag kang umiyak dahil iiyak din ako! Mamaya na 'yan kapag aalis ka na!" reklamo ni Papa sa akin. 


Para akong tangang umiiyak habang kumakain ng almusal. Nang bumaba pa ang mga kapatid ko ay mas lalo akong naiyak. Niyakap ako ni Mira habang tumatawa. Pinagtatawanan nila ako dahil sa iyak ko. 


"Ate, mas malakas pa iyak mo ngayon kaysa sa unang alis mo," sabi naman ni Aidan.


"Bwisit ka talaga, Aidan," umiiyak na sabi ko sa kaniya. "Pero... Mag-iingat kayo, ha. Alagaan n'yo si Papa tsaka ang isa't isa. Kapag may problema, tawagan n'yo lang ako... Kapag may kailangan kayo, message n'yo ako. 'Yong mga gamot at vitamins, ah... Huwag n'yong kalimutan." 


"Ayan na, nagbibilin na siya," sabi naman ni Ysha. 


Pinagtripan pa nila ako at sinubukang pasayahin bago ako umalis. Niyakap ko sila nang mahigpit nang sunduin na ako nina Luna sa tapat ng bahay. Hindi na kasi ako ihahatid ng pamilya ko sa airport dahil baka humagulgol lang ako. 


Hindi ako nagsasalita sa byahe papuntang airport. Nakaibang sasakyan din si Sevi at Arkin. Si Yanna naman ay nauna na roon dahil may trabaho. Mas mabuti raw na maaga siya. 


Tinulungan ako ni Sevi at Arkin ibaba ang mga bagahe ko pagkarating namin doon. Hanggang labas lang sila dahil wala silang boarding pass kaya roon na rin kami nagpaalam sa isa't isa. 


"Susulat ka, ha," sabi ni Sevi sa akin pagkayakap kaya hinampas ko siya sa dibdib. 


"Take care, Via! Call ka kapag nakarating ka na roon!" sabi ni Kierra sa akin. 


"Bye bye, Via ko..." Yumakap ulit si Luna sa akin nang mahigpit. Halos hindi na ako makahinga! Nabali na yata ang buto ko sa yakap na 'yon. 


"Oh, Arkin, dali na. Magpaalam ka na kay sweetheart." Tinulak ni Sevi si Arkin. "Magpaalam ka muna bago ka umiyak."


"Tanga." Sinamaan siya ng tingin ni Arkin bago humarap sa akin. 


I opened my arms so he could hug me. Lumapit naman siya at niyakap ako nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik, feeling his warmth. I could never feel this with any other man but him. Alam ko 'yon sa sarili ko. 


"Until our music fades again... Good bye, Via... I love you," bulong niya sa akin. 


"Bye, Arkin. Thank you for everything. I will always remain as your number one supporter," sabi ko rin bago siya pinakawalan. 


Hinatak ko na ang maleta ko papasok at kumaway sa kanila bago sila tuluyang mawala sa paningin ko. Pagkarating ko ng boarding area, nagulat ako at may sumundot sa baywang ko. 


"Boarding ka na?" tanong ni Yanna sa akin. Naka-uniform na siya ng airline. 


"Huwag mong sabihing kinuhanan mo na naman ako ng business class seat..." sambit ko sa kaniya. Nang makita ko ang ngisi niya, napasapo ako sa noo ko. "Yanna!" 


"Bakit ako?! Si Hiro 'yon!" pagtatanggol niya sa sarili niya. 


Akala ko roon na nagtatapos 'yon pero na-realize ko noong pumasok akong eroplano na isa siya sa flight attendants ng flight ko! Napasapo na naman ako sa noo ko. Ano ba 'tong babaeng 'to? Mabuti na lang at hindi si Hiro ang piloto. 


"Hindi ako nakapagpaalam kay Avi," sabi ko nang lumapit si Yanna sa gawi ko. 


"Tawagan mo na lang pagka-land mo," sagot niya habang inaayos ang bagahe sa compartment. 


Tulog lang ako buong byahe at gigising tuwing kakain. Parang ang bilis ng oras nang makarating na kami sa Spain. Si Yanna ang naghihintay sa pinto bago ako nakababa ng eroplano. 


"Pst." Nagulat ako nang pagkalingon ko, niyakap ako ni Yanna at tinapik ang balikat ko. "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka... o kapag hindi ka okay... o kahit okay ka. Ingat ka dito." 


"Thank you, Yanna..." Niyakap ko rin siya. 


Masaya ako at bago ako bumaba ng eroplano, I was with a friend. She never failed to make me feel that she was beside me, kahit noon pa man. 


"Señorita Diaz!" 


And I was back to work again after 2 months. Hirap na hirap na naman ako sa mga dala-dala kong plates habang naglalakad pabalik sa office. 


"Ah... Este no es un momento para llegar tarde a, Mateo..." Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto kong late na naman siyang magpapasa ng gawa niya. 


"Acepte mis disculpas, por favor, señorita!" paghingi niya ng sorry habang hawak ang gawa niya. Nagpapaliwanag pa siyang inulit niya raw dahil nasira noong naglalakad siya papuntang school. Napabuntong-hininga na lang ako at tinanggap 'yon bago ako pumasok ng office. "Gracias! Gracias!" 


Isang damakmak na ang mga plates na nasa lamesa ko. Idagdag mo pa ang mga design na kailangan ko sa projects ko rito sa Spain. Araw-araw, babad ako sa trabaho... pero mas mabuti 'yon dahil wala akong oras para isipin ang ibang bagay. Napakabilis ng panahon kapag maraming inaasikaso. 


Ganoon lang ang naging routine ko araw-araw. Tuwing lunch naman ay tumatawag ako kina Papa para kumustahin sila. 


[Okay ka naman ba diyan? Kumakain ka nang maayos?] tanong ni Mira sa akin na para bang nanay. 


"Sí... I mean, yes! Yes, Ma'am." Minsan talaga ay nakalilimutan kong mag-switch ng lengwahe sa sobrang nakasanayan kong iba ang kausap ko. "Kayo ba? Kumusta?"


Tuwing uwian naman ay kasama ko ang mga kaibigan ko. Minsan ay tatambay ako sa malapit na park, dala-dala ang gitara ko. Nakakapagpahinga ako sa ganoon. Napakaganda ng tanawin sa harapan ko, lalo na kapag palubog ang araw. 


"Ginintuang tanawin... sa ilalim ng langit..." pagkanta ko habang tumutugtog sa gitara. Ilang araw ko na yatang kinakanta 'yon. Wala akong magagawa... Ganoon kapag nami-miss ko ang mga kaibigan ko at... siya. 


Sinusubukan ko ring magsulat ulit ng kanta. Kagat-kagat ko ang takip ng ballpen habang nagsusulat sa may notebook ko. Nakatayo pa ako sa train at nakasandal ang notebook sa may metal pole sa gitna. Dala-dala ko sa likod ko ang gitara ko. 


"Bawat sigaw ng melodiya..." bulong ko habang nagsusulat. 


May appointment din ako palagi sa therapist ko rito sa Spain na ni-refer sa akin noong doktor na pinakilala ni Sam. Masaya naman ako at magaan ang pakiramdam ko roon. Everyday became a chance for me to get better. 


Pagaan nang pagaan ang pakiramdam ko. Nalalabas ko ang mga hinaing ko... ang kalungkutan ko... ang mga problema ko. I was slowly healing on the inside. 


Noong sumunod na linggo, pagkatapos ng trabaho ko sa firm, nakipagkita naman ako sa mga kaibigan ko. Nabalitaan nila ang issue sa Pinas dahil fan sila ni Arkin kaya naman na-hot seat na naman ako. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanila 'yon! 


"Hala, hindi ko talaga alam na ex mo pala 'yon! Nakakahiya at nagfa-fangirl pa ako!" sabi ni Pauline habang kumakain kami. 


"Buti nga sa 'yo, Pauline... Sabi sa 'yo, pakiramdam ko may girlfriend 'yon, eh!" Tumawa si Elena. 


"Wait... Wait... Kumusta, Via?! Nagkabalikan ba kayo?!" excited na sabi ni Isabel na fan din ni Arkin. Mabuti nga at hindi sila galit sa akin. 


"Hindi... Umuwi rin ako rito, eh." Uminom ako sa shake ko. 


"Huwag n'yo nang pag-usapan 'yan. Baka uncomfortable si Via," depensa ni Gab sa akin. 


Sabi ko naman ay okay lang kaya hindi tumigil si Pauline. Sinasabi niya sa aking fan pa rin siya ni Arkin pero kinikilig din siya sa amin. Nag-fangirl na nga talaga siya. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa maglakad ako pauwi sa apartment ko. 


"Sana talaga makita ko siya ulit nang malapitan! Ang gwapo niya kasi talaga, 'di ba, Via?!" Inalog-alog ako ni Pau. 


"Oo na..." sabi ko habang nakayuko at kinukuha ang susi ko dahil malapit na ako sa apartment. 


"Kailan kaya siya magko-concert dito ulit? Alam mo ba?! Gusto ko na siyang maki-" 


Natigilan ako sa paglalakad sa hallway dahil biglang napasigaw si Pauline. Nahulog ko tuloy ang susi sa sahig kaya pinulot ko. Pagkaayos ko ng tayo, napaawang din ang labi ko sa gulat. 


Nananaginip ba ako? 


"Arkin?" Hindi ako makapagsalita nang maayos. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko siyang naghihintay sa tapat ng apartment ko. 


"Via!" Tuwang-tuwa siyang tumakbo sa akin at niyakap ako. 


Gulong-gulo pa rin ako sa mga pangyayari dahil hindi naman kami gaanong nag-uusap simula pagkauwi ko rito sa Spain. Kung nag-uusap man kami, nagkukumustahan lang din at wala na ulit. 


"Huh? Bakit... Bakit ka may maleta?" nagtatakang tanong ko nang makita ko ang mga gamit na dala niya. 


Binitawan niya ako at ngumisi. "I'm going to live in Spain now!" 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
118M 2.7M 34
University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in F...
43M 1.5M 48
UNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from D...