Bawat Daan (Puhon Series #1)

By pawsbypages

4.1K 500 52

PUHON SERIES #1. Celestine Lim never wanted to be in a long-term relationship during her college years, not u... More

Bawat Daan
Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Epilogue
Love, Bri
Special Chapter

Chapter Two

153 16 1
By pawsbypages

#BD2 — Who are you?

Ang kalmado ng lahat, ang lamig ng hangin, at ang liwanag ng buwan. Habang naglalakad na kaming tatlo papalapit sa kotse ni Kuya dahil medyo may ka-layuan rin ito... hindi ko maiwasang 'di sila tignan—nakakainggit.

Only child ako at silang dalawa lang talaga ang nakasama ko buong pagkabata. Nakakainggit kasi halatang mahal na mahal nila ang isa't isa—'yong kaya nilang gawin ang kahit na ano para sa isa't isa...

Pero kahit hindi man nila ako tunay na kapatid, e, ramdam ko naman na importante pa rin ako sa kanila.

"W-who are you?" nagtatakang tanong ko habang pasakay na sa kotse. Nginitian lang ako nito at 'di man lang pinansin ang tanong 'ko. Halatang problemado kaya agad rin nagsalita si Kuya na kakasakay lang sa shotgun seat.

"Uy, bro, did you see her na? I know that look in your face, bro," pangangasar ni Kuya sa kaibigan niya. "Sister ko pala, si Audrey and friend namin si Celestine." Pagpapakilala nito sa'min sa kaibigan niya.

"Tara drive thru na? McDo ba?" Dire-diretsong tanong ng kaibigan ni Kuya habang iniiwas ang tingin sa'ming tatlo.

Kahit anong iwas gawin mo, basang-basa ko ang mukha mo... problemado 'to.

"Good evening po, Ma'am. Can I get your order, please?" Bati ng crew.

"3 BFF fries po, 4 monster coke float, and uhm, 4 McCrispy chicken sandwich po," seryosong sabi ni Audrey.

Halatang may iniisip ito dahil hindi man lang na-excite na mag dri-drive thru kami sa mcdo?

McDo kaya 'to, dapat excited siya!

Ang tagal. Hindi na talaga nakakatuwa 'yung gutom na nararamdaman ko ngayon. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat, e, 'yung nagugutom ako. Maikli na nga ang pasensya ko, mas iikli pa ito pag gutom ako.

Tulad na lamang ngayon, umiikot na ang sikmura ko. Hindi naman kasi talaga nakakabusog ang pagkain sa eroplano 'no! Besides, unang McDo ko 'to sa Pilipinas, 'di naman siguro masama ma-excite?

"Gutom na 'ko ba't ba antagal? Madaling araw naman, e," pagrereklamo ko.

Humalukipkip na 'ko dahil hanggang ngayon, e, wala pa rin talaga ang order namin kahit halos 30 minutes na kami dito. Nakakailang singhal na rin ako sa sa kawalan pero wala pa rin talaga tapos sumabay pa 'tong magaling naming Kuya. Rinig ko pa rin ang tawa niya kahit anong klaseng pagpipigil ang gawin niya.

Tumataas lang altapresyon ko rito!

"Nothing changed, Anastasia. You're still impatient," nakangising sabi ni Kuya, at sumunod bigla ang pag tawa niya na kinainis ko naman. "Oh, joke lang eh. Nakabusangot na naman mukha mo," natatawang sabi niya.

"Kapal! You're still impatient," pang-gagaya ko sa sinabi niya. "Sus! Mas maikli pa kamo ang pasensya mo kaysa sa pasensya ko, e!" Umirap na naman ako sa kawalan.

Kapal naman nito?

Sa pag kakaalam ko, e, mas maikli pa pasensya niya sa'ming lahat dito. 'Di ko nga alam kung may nadagdag ba sa kanya kahit konti man lang. Ang lakas pa talaga ng loob sabihan akong nothing changed, tss.

"Kita mo! Maikli na nga pasensya, nag tataray pa!" He chuckled.

Kung sakalin ko ba 'to, matatahimik na buhay ko?

"Uy, tahimik mo ah," pabirong tanong ko kay Audrey.

Nilingon niya 'ko gamit ang malalim niyang mga mata. Ilang segundo rin tumagal ang titigan namin. Parang dinurog bigla ang puso ko nang makita ko ang nangingilid na luha niya.

She tried to smile, "Pagod lang sa byahe."

Alam kong may mali, Audrey.

Hindi mo kailangan mag sinungaling sa'kin dahil basang-basa ko na 'yung mga mata mong 'yan. Nasasaktan ka at alam ko 'yun. Kaya kahit gaano pa kalalim ang mga mata mo, alam kong hindi ako malulunod jan, hindi mo ako mauuto kasi ako lang ang may kayang umintindi sa'yo.

Sinandal ko ang ulo niya sa'king balikat, "Pahinga ka muna," malambing na sabi ko.

"Here's your order, Ma'am! Drive safely po, Sir!" nakangiting sabi ng crew habang inaabot kay Audrey ang order namin.

Sa wakas, makakakain na rin ako at pwede nang matahimik ang tiyan ko.

At dahil inaabot na ng crew ang inorder namin sa bintana ni Audrey, umayos siya bigla ng upo para kunin ito.

Halos isang oras rin ang biyahe namin galing airport papunta sa bahay nila Tito Jake. Dito raw muna kasi ako tutuloy since next year pa makakauwi ang Mommy ko.

Anlaki ng bahay nila, nakakapanibago. Isang malaking itim na gate ang sumalubong sa'min. Grabe nga naman ang yaman ng mga Medina and their garden looks so nice, alagang-alaga.

Manghang-mangha ako dahil hindi naman ganito kalaki ang bahay namin sa America. Dalawa lang din naman kami ni Mommy ang nakatira doon, at ang bahay naman namin noon dito sa Pilipinas ay hindi ko na masyadong maalala dahil 5 years old pa lang ako, nag-migrate na kami ng family ko.

"Nako! Inabot na kayo ng madaling araw. Hindi parin nga umuuwi ang Daddy niyo, nasa operating room pa raw ito," nakangiti niya kaming sinalubong. "Ang tagal nating hindi nag kita, nako! Na-miss ko kayo!" Dagdag niya.

Niyakap namin ni Audrey si Nanay Marie saglit at pag tapos ay dumiretso na kami sa sala dahil binababa pa nila Kuya 'yong mga maleta namin ni Audrey.

Minimalist ang design ng bahay nila at pustahan tayo si Audrey ang pumili nito dahil puro kulay white, black, at konting maple color wood ang motif nila.

Paano nakayanan ni Tito tumira rito ng mag-isa at puro kasambahay lang ang kasama? Masyado itong malaki kung mag-isa ka lang naman. Pumasok na rin si Kuya at ang kaibigan niya sa bahay, dumiretso sila sa may kusina para uminom ng tubig, mukhang seryoso rin kasi ang pinaguusapan nila.

"Naabutan mo ba?" Tanong ni Kuya.

"Hindi, e, bigla na lang nawala."

"Iniiwasan ka nun, tol. Sa tangkad mong 'yan? It's impossible na 'di ka niya nakitang nag-hihintay doon." Umiling si Kuya.

He chuckled, "Binagsak pa 'ko ni Sir no'n dahil umalis ako sa kalagitnaan ng exam niya... mauuwi lang rin pala ang lahat sa ganito."

"Do better this time." Tinapik ni Kuya ang balikat noong kaibigan niya. "Umuwi siya, Kazuo. Siguro hindi na para sa'yo pero wala namang masama kung susubukan mo uli, e."

Hindi ko naman ginustong sumagap ng chika galing sa pinaguusapan nila. Malakas lang talaga ang boses nila at sila lang rin ang nag sasalita sa loob ng malaking bahay nila kaya rinig na rinig.

Kaya pala problemado si Kazuo kanina at parang may hinahanap...

Sayang.

Type ko na sana, e.

May iba atang gusto 'to, ayoko naman maging rebound. 'Di porque ayaw ko sa commitment, hahayaan ko nalang ang sarili ko mahulog sa taong may ibang gusto.

Mysterious.

Hmm, thrill.

"Celestine! Audrey! Halina't ihahatid ko kayo sa kwarto niyo. Alam ko namang pagod na kayo, nako," bungad ni Nanay Marie.

"Sige po, Nanay Marie. Salamat po," matipid kong sabi habang sinusundan siya paakyat.

Pagod na 'ko, gusto ko na matulog at mag pahinga.

Bukas ko nalang siguro aayusin ang mga gamit ko. Oo, tama, bukas nalang tutal may two weeks pa naman bago mag pasukan, ni hindi pa nga kami sure kung saan kami mag eenroll nito ni Audrey.

Sa sobrang dami niyang choices, nahihirapan siya ngayon kung saan pipili. Halos lahat ata ng university dito sa Manila ay kinuhaan namin ng exam. 'Di rin naman namin inakala na makakapasa kami sa halos lahat dun.

"Dito ang sa'yo, Audrey. Sa gitnang kwarto naman ay sa Kuya niyo, at yung sa kanan naman ang iyo Celestine," nakangiting sabi ni Nanay Marie habang tinuturo ang mga pinto ng kwarto namin.

"Nanay Marie, salamat po uli! Mag papahinga po muna ako," paalam ko kay Nanay Marie habang itinutulak na ang mga maleta ko papasok sa kwarto.

"Salamat po, Nanay, papahinga rin po muna ako," walang emosyon na sabi ni Audrey kay Nanay Marie.

Binuksan ko ang ilaw at nag masid-masid nalang muna. Pati pala ang kwartong 'to ay sobrang minimalist ng design, may puting mini refrigerator sa sulok, gray couch sa paanan ng kama kong puting puti ang bed sheet, flat screen television sa harap ng couch, at maple colored study table sa tapat ng bintana.

Mukhang pinaghandaan ni Tito Jake ang pag uwi namin ni Audrey o baka si Nanay Marie ang nag handa nito? Kasama na talaga namin noon pa lang si Nanay Marie, siya ang kasama namin noon ni Audrey sa park tuwing Sabado at Linggo.

Kasama siya nila Tito Jake noon sa America kaso nang umuwi ang amo niya, mas pinili na lang rin niya umuwi dito tutal ay kasama naman nila Audrey and Kuya ang Mommy nila at isa pang kasambahay.

Napagpasiyahan kong bukas na lang ayusin ang mga dinala kong gamit dito dahil pagod na rin ang katawan ko sa sobrang haba ng biyahe kanina. Quick bath nga lang ang plano ko kaso pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko dahil sa polusyon dito sa Pilipinas.

Pati nga ang buhok ko nag-amoy usok!

After taking a bath, panjama at spaghetti strap top nalang ang sinuot ko. Nagpatuyo na rin muna ako ng buhok bago tuluyang ibagsak ang sarili ko sa kama.

Hindi naman siguro one hour tinagal ko sa banyo 'no?

Hindi pa 'ko nakakatulog at napapapikit pa lang nang biglang may kumatok sa pintuan ko, "Hello? Gising ka pa ba?" Tanong nito habang dahan-dahan binubuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Nagtataka akong tumingin kung sino itong nagbukas ng pinto kaso masyado ng madilim at 'di ko na aninag kung sino iyon. Nang makapasok na ito ay bigla na lang kumalabog ang dibdib ko.

Hindi ko pa rin naman maaninag ang mukha niya pero ramdam ko na ang presensya niyang napaka lapit sa'kin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi naman siguro 'to multo o ano diba?

Kung sino man 'to, bakit ka andito... ng 2:45 ng madaling araw?

"Hmm?" Tipid kong sagot.

"W-wala, bukas nalang pala. Sige, pahinga ka na," sabi nito. Mag lalakad na sana siya palabas ng kwarto nang bigla siyang tumigil. "G-goodnight," mahinang bulong nito na tama lang para marinig ko bago nito tuluyang isara ang pintuan.

Bakit kasi hindi pa niya tinuloy kung ano man 'yun? Hindi nanaman ako makakatulog ng maayos nito kakaisip! Bahala na, bukas ko nalang proproblemahin 'yun, kailangan ko na matulog at ramdam ko na ang pag-bigat ng mga mata ko.

"Celestine Anastasia!" Rinig na rinig ko hanggang dito ang sigaw ni Audrey.

Nagtalukbong ako agad ng kumot dahil alam ko naman na pupuntahan niya ako rito hanggat 'di pa 'ko kumikilos.

"HOY LIM! ABA? ANONG ORAS NA!" Sigaw nito habang papasok sa kwarto ko.

Diba? Tama ako, hindi talaga titigil 'to hanggat 'di ako tumatayo.

Hindi ko pa rin ito kinibo kaya naman nagsisigaw pa siya lalo. Madami raw kaming gagawin ngayong linggo tulad ng pamimili ng kung ano-ano, hangout with Kuya's friends, at mamasyal.

"I'll sunod na, stop shouting," inis kong sabi at ibinaba na ang kumot na nakataklob sa'kin. "Bumaba ka na, Addie," malamig kong sabi dito.

Dahil bagong gising ako, wala ako sa mood makipagusap sa mga tao. I'm sure she knows that.

Sinunod naman ni Audrey ang sabi ko, alam naman niya na ayaw na ayaw kong kumausap ng tao sa umaga. Naligo muna ako at nag ayos bago bumaba para kumain.

Nagsuot lang ako ng oversized shirt at dolphin shorts. Nasa bahay lang rin naman, 'di na kailangan mag long gown. Pababa pa lang ako ng hagdan pero rinig na rinig ko na ang boses ni Tito Jake na may kausap sa phone niya.

"Yes, after lunch pa 'ko papasok. Nandito na, kaninang madaling araw sila dumating."

Himala at makakasabay siya sa'min para mag tanghalian, balita ko kasi busy talaga siya lalo na nung nalaman ni Tito na balak mag resign ng current 'Chief of Surgeon' sa hospital na pinagtratrabahuhan niya.

"Good morning po, Tito," walang emosyon kong bati kay Tito na may kasamang ngiti na pilit. Nginitian lang niya ako, hindi rin naman niya ako mababati pabalik, busy pa kasi ito sa kausap niya.

Hmm.

Bacon, sunny side up egg, fried rice... and tuyo!

Nasa Pilipinas na nga talaga ako!

"Good morning, Anastasia," biglang may nagsalita sa likod ko na malalim at malamig ang boses kaya ako napalingon. "Hindi ako multo," dagdag nito at ngumisi.

Ha? Ano raw?

'Di raw siya multo?

Wala naman akong sinabi, ah?


<3

Continue Reading

You'll Also Like

134K 3.8K 58
After Euphoria Series #1: Goodbye Lullaby If we're gonna list down all the things that Dionne Villegas hates, broken promises would be on top of the...
7.2K 330 33
JIRAANAN SERIES #2 In this Wealthy Family, Jacques is the first grandchild and carried most of the family and social pressure. His life changed when...