Secrets of Campus Nerds

By intricateOne

1.5M 19.8K 1.2K

|COMPLETED| [1st book of Secrets] Isang Campus nerd na may tinatagong BIG secrets??? Si Mara Chara Sy, isang... More

Secrets of Campus Nerds
CH 1: 1st Day of Classes
CH 2: New friends again
CH 3: 1st secret behind
CH 4: Accident
CH 5: First day of Training
CH 6: First day of real training
CH 7: Katapusan na ba?????
CH 8: She's a nerd too
CH 9: Goodbye Party
CH 10: Music Contest
CH 11:Dance Contest
CH 12: Basketball
CH 13: Mini Battle & Gun Shooting
CH 14: Knowing them better
CH 15: They're Becoming Nice
CH 16: Blackout
CH 17: A revelation of a big secret
CH 18: A Letter Again
CH 19: Stars
CH 20: Girl's P.o.V's
CH 21: Chara's Family Revelations
E X T R A C H A P T E R: C H A R A C T E R S
CH 22: Our life is getting more complicated
CH 23: Who are you???
CH 24: WIDE AWAKE
CH 25: Naomi's Past without PGG
Cielo's reason
The New SC and SSC officers
New lovers & Enemies
Remembered
The Flaming Pain~ Intro
TFP|| The Unnamed Chairman
TFP|| Greatest Fear? or Not?
TFP|| Words of Wisdom
TFP|| Answer me Truthfully
TFP|| They had Trauma
TFP|| Meeting
TFP|| Revelation of S, A and C
TFP|| Look Alike
TFP|| Red Ruby and Blue Sapphire Princess
SPECIAL~ Their lives after
TFP|| The Flaming Pain of the Twins
TFP|| Life with Love
TFP|| The Time
TFP|| First Target
TFP|| 2nd Target
TFP|| Kidnapped
TFP|| Revelations and Goodbyes
SOCN Final: The Last Person Protecting
Epilogue

TFP|| The Female Devil

14.4K 182 15
By intricateOne

Nami's P.o.V

Sinunod namin ang text ni Unnie Chara and by 1:00 pm nandito na kami sa bakanteng lote. Nakasuot lang ako ng t-shirt at jeans tapos high cut na converse pero pinatungan ko ng coat at nagsuot ng topaz na mask

Tahmik ang lahat. Wala kaming alam kung anong nangyayari. O nga pala, hindi namin kasama si Xandra. Walang may alam kung anong nangyari dun

"Where's Xandra?" tanong ni Chara unnie

Nagshrug lang kami at sumakay na sa mga motor. Nauna na si Chara at sumunod kami.

Nakarating kami sa isang abandoned warehouse. As in yung sira-sira na at parang haunted. The thought gave me chills. Anong gagawin namin dito?

"Cryztal, anong gagawin natin dito?" -Lian

Bago makapagsalita si Chara, may narinig kaming sigaw. Ang familiar. Parang sigaw nina Hillary at Emerald. Pero imposible, nasa ospital sila.

Napacuss ng di-oras si Chara-unnie. Parang alam ko na ang nangyayari. Sabay-sabay tumunog ang mga phone namin.

Kinuha ko agad ang cellphone ko. 1 message received. Binuksan ko agad yun at bumungad sakin ang picture ng pamilya nina Hillary at nandun rin si Raine at Drei. Duguan. Nahihirapan. A devil did this.

Tinapon ko ang cellphone. Hindi ko kayang tignan silang nahihirapan. Bakit nangyari ito? Nauna nang nawala sina Briana at Zhalia, susunod na ba sila? Napahawak ako ng madiin sa baril ko

"Let's go" -sabi ni Chara. Nauna na ang dalawang leader at sumunod kami sa kanila.

Dahil sa may kalakihan ang warehouse, naghiwa-hiwalay kami. Si Cryztal, Miranda, ako, Lian, Frey, Xander, Trey and Wofer sa front door at yung natira, sa back door.

Nanguna na ako sa kanila. Gusto ko sila maligtas, bago huli na ang lahat. Ayoko mawala sina Hillary dahil hindi ko sila naligtas. Ayoko.

May biglang lumabas sa harap ko na kinagulat ako. Sinuntok siya ni Xander bago pa niya ako suntukin.

"Yunice, stay behind my back. I know that you are not on our proper mind" utos ni Chara-unnie. Sumunod nalng ako, tama siya. Wala ako sa tamang pag-iisip

Hinanap namin ang room kung saan sina Hillary. Nakakafive rooms na ang napuntahan namin, pero bawat room, walang laman.

Pumasok kami sa isang room. Naglakad kami papunta sa gitna pero pagkapunta namin doon, agad nagsarado ang pintuan. Naramdaman na namin kung ano ang mangyayari kaya rineady na namin ang weapons namin.

Sa isang iglap, napalibutan na kami ng iba't ibang uri ng gangsters. Hindi lang ordinaryong gangsters, kundi gangsters who serve in the Devil Clan, isa sa pinakamalakas na clan sa buong g-world.

Nagsimula ang laban. Kinuha ko ang dagger ko at inatake ang lalaking nasa harap ko. Dumugo ang kamay niya pero parang wala lang sa kanya. Tsk. Ano pa bang aasahan ko sa Devil Clan? 

Nagsnap ako at biglang tumumba ang lalaki. Kung sila ang pinakamalakas, kami ang pinakamagaling malinlang. Kung akala mo, isang ordinaryong dagger lang ang hawak ko, pwes, dun kayo nagkakamali. This dagger is poisonous. Kahit isang daplis lang, mapapatumba ka agad *smirk*

May naramdaman akong kamay sa likod ko. Tumalikod ako at sinampal ang lalaki. "ANG BASTOS MO!" Tumakbo si Xander papalapit sa amin at sinuntok ng malakas ang lalaki. 

Yinakap niya ako ng mahigpit. "Are you okay?" tanong niya. Hindi ako nakasagot at yinakap siya ng masmahigpit.

After ng moment na yun, pinagpatuloy namin ang pakikipaglaban pero parang walang katapusan sila. Nakakailang daplis na ako sa iba't ibang parte ng katawan ko pero nakikipaglaban pa rin ako. 

Tinamaan ko ang lalaki na nasa harap ko gamit ang aking dagger. May sumunod agad sa kanya na hindi ko inaasahan kaya nadaplisan niya ako sa mukha. Nakipaglaban ako sa lalaki na yun pero ang lakas niya, parang wala lang ang poison ng dagger ko. Nakakailang daplis na rin ako. 

Nakikipaglaban pa rin ako sa lalaki. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Tinamaan ko siya sa tagiliran niya pero wala pa rin. May kung anong matulis sa likod ko, patuloy niya ako sinaksak habang nakikipaglaban ako. Kanina ko pa trinatry na tumalikod pero bawat try ko, sinsuntok ako ng lalaki.

Hindi ko na kaya. Unti-unti akong nanghihina hanggang sa......


*blackout*

Sapphire's P.o.V

Pumasok na kami sa loob, sa pangunguna ko at ni Kian. Walang masyadong tao dito sa may likod kaya wala pa kaming linalabanan.

Pumasok kami sa isang kwarto pero walang nakabantay sa kwartong ito. Puno ito ng mga computer. At dahil sinasabi ng isip ko na kalkalin ito.....

"Lock the door" utos ko sa kanila. Lumapit ako sa computer na nasa gitna at kinalkal ito. 

Madaming folder ang bumungad sa akin. Pinangalanan nila ito sa mga names ng mga gangs all over the world kaya hindi ko ito pinakialaman pero isang pangalan ng folder ang kakaiba. Devils' Attack

Naramdaman ko na kailangan ko malaman ang nasa loob kaya clinick ko ito. Pero kung minamalas nga naman, kailangan pa ng password.

"Sapph, what's that?" -Kian

"Isang folder. Pero kakaiba eh" sagot ko naman

"Anong name ng folder Sapph?" -Patricia

"Devils' Attack" sabi ko

"Kakaiba. Anong laman?" -Micael

"Yun na nga eh, kailangan ng password. Hindi naman ako manghuhula para malaman yan" inis na sambit ko

"Password? Patry nga" sabi ni Troy.

Nagpalit kami ng pwesto. Trinatry niya ngayon ang mga posibleng password pero nakakailang minuto na rin at hindi pa rin niya nao-open ang folder.

Dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko ang mga yapak ng tao.

"Troy, bilisan mo!" sigaw ko. Lahat naman ay naalarma kaya nagbantay sila sa pintuan at si Troy naman, binilisan niya ang pagta-type

Rineady ko na ang katana ko kung sakaling makakapasok sila dito. Pinagpapawisan na kami, sa bawat yapak, lalo kaming kinakabahan

"Got it!" sabi ni Troy. Nakita ko na folders rin ang laman nito at puro gang names rin ang mga pangalan nito

Napatingin agad kami sa pintuan. Narinig namin ang pagturn ng pinto. 

"Troy, kopyahin mo lahat!" wika ni Patricia at may binato na USB kay Troy. Nasalo ni Troy ang USB at nagmamadaling kinopya ang lahat ng nasa folder

Napanganga kaming lahat dahil natumba ang pintuan. As in! 

"Should we start the Evil Game?" sabi ng babae na parang leader at ngumisi siya.

After hearing that devil's voice, natauhan agad ako. She's totally a devil. Dati pa siya nanggugulo sa amin. Simula noong lumipat kami sa Plewar University. 

"Tsk. Tsk. Ano nga naman ang binatbat ninyo sa amin? Kahit ipagsama niyo pa ang PGG at FDG" pagmamayabang niya

"E kung lumaban ka nalang imbis satsat ka ng satsat diyan sa tabi?" Inis na wika ni Shaun

"Nice idea" sabi niya

Nunang lumaban sina Shaun, Patricia at Micael. Habang kami ni Kian at Cristian, prinoprotektahan si Troy.

Sa mga kalaban naman, umunang lumuban ang mga kasama ni Devil bago siya. Hindi ko inaakalain na malalakas ang mga kasama ni Devil.

Pinabayaan ni Devil ang mga alipin niya na makipaglaban kanila Shaun at dumeretsong lakad papunta sa amin. Tinignan ko yung computer, konti nalang.

"Ano namang ginagawa niyo dito?" sabi ni Devil

"Hindi ka naman investigator para imbestigahan kami, at hindi ka rin media para interviewhin kami" dire-diretsong wika ko

"Wag mo nga akong pikonin, baka hindi ko mapigilang patayin ka" wika ni Devil

"Kasalanan ko bang pikon ka? Tandaan mo, hindi ka isang diyos para kunin ang buhay ko" tanong ko

Tapos na ang pagkopya ni Troy ng files kaya sinimulan ko na ang totoong laban. 1 on 1 kami, si Kian, Cristian at Troy naman ay nakisali sa pagpapatay ng mga alipin nitong devil na to

Tatamaan ko sana siya sa mukha niya pero gumalaw siya kaya daplis lang ang nakuha niya. Hmm... bagay naman sa kanya, lalo siyang bumagay para maging kampon ng demonyo

Kung siya ay isang demonyo, ako naman ay isang anghel. Pasalamat siya at di akong pwedeng pumatay. Kasi ayokong magkaroon ng kasalanan sa diyos.

Ilang minuto rin siyang nakipagsuntukan sa akin at ilang minuto na rin akong nakikipag-espadahan sa kanya. 

Nakakabagot siyang kalabanin. Kaya para matapos na to, may kinuha ako sa bulsa ko at tinusok sa batok niya na sanhi ng pagkatumba niya.

Kahit kailan, kahit tawagin pang isang anghel ang isang tao, lalabas at lalabas rin ang kademonyohan niya. Tss... at isang magandang ehemplo diyan ang nag-iisang....


Xunnie Glitty Bree

 

Xandra's P.o.V

Natanggap ko rin ang text message. Kung itatanong niyo naman kung bakit hindi ako sumama, wala ako sa mood. Nakakainis kasi yung Cristian na yun.

Haaay... Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nakabihis ako ng all-red na outfit at nakasakay sa black car

Ewan. Siguro hindi ko talaga kayang makita ang mga kaibigan ko na nasa panganib at ako naman ay walang magawa. Baka dahil sa nangyari dati at ayaw ko ng merong humiwalay pero huli na eh, nawala na ang dalawa kong kaibigan.

Pinaandar ko na ang car ko papunta sa warehouse. Somehow, I feel loneliness. Never in my life pa akong pumupunta sa laban ng mag-isa, dati kasi, sabay-sabay kami parating pumupunta sa laban kaya naninibago ako.

Pagkarating ko sa warehouse, nakita ko agad ang mga motor nila na nakaparada. Naririnig ko rin ang sigaw ng pamilya nina Hillary.

Pumasok na ako at hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Wala ring humarang sa akin, baka busy sa pakikipag-away.

Dumaan ako sa isang one-way na daan at sa dulo nun, nakita ko sina Hillary na nakatali pabilog gamit ang isang mahabang chain. Sampu lang ata ang nagbabantay.

Naglakad ako sa one-way na daan na yun. Bawat metro na linalakad ko, merong lumalabas na lalaki na nakablack kaya sinisipa ko ang treasure nila o tinatamaan ang tagiliran nila gamit ang espada ko.

Hanggang makarating ako sa pinakadulo. Lumapit ang sampung lalaki sa akin. I look at them at disgust. Natigilan sa pagsigaw ang pamilya nina Hillary at nakita kong pilit na pinipick-lock ni Raine ang lock ng kadena gamit ang isang hair pin.

Binaba ko ang espada ko at kinuha ang baril ko. Binaril ko sa paa ang una at pangalawang lalaki, sa braso naman ang susunod sa dalawa at binaril ko na ang mga natira sa kahit saang bahagi na ng mga katawan nila.

Puno ng dugo ang pabilog na dead-end na to. Sakto naman na pagkatapos ng laban ay natanggal na ni Raine ang lock. 

Isa-isa silang tumayo. Binuhat ko si Preach dahil halos hindi na siya nakatayo sa mga sugat na nakamit niya. Baka magkakaroon to ng trauma dahil sa pangyayaring ito. 

Sinadya kong magpahuli para mabantayan sila. Gusto ko silang protektahan. Gusto ko silang alagaan.

Pero puro 'gusto' lang iyon. Kasi the next thing I knew was...

*Bang!*

Hillary is lying on the floor. On a bed full of blood. With a disease on a heart. And all I heard was cries and shouts.

Xaraine's P.o.V

Sumakay sila sa sasakyan ni Ate Xandra habang kami naman ni Drei ay sumukhay sa motor ni Ate Cryztal. Meron naman akong susi ng motor ni ate. Bahala nalang siya sa buhay niya kung saan siya sasakay.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago kami nakarating sa ospital. Inalalayan naman agad ng mga nurse si Ate Hillary papunta sa E.R.

Masama ang kutob ko na magiging critical ang kondisyon ni Ate Hillary, katulad ng nangyari sa amin. Hindi ko alam kung kakayanin ng puso niya. Alam kong mahina na ang puso niya pero knowing Ate Hillary, hindi siya susuko ng ganun-ganun lang. She will try her best.

Umiiyak sina tita, tito, at Ate Emerald. Si Preach naman ay nakatunganga lang pero trinatry ni Ate Xandra na pagaanin ang loob niya. Natrauma ata.

Sumandal ako wall. Hindi ko alam ang gagawin. Kung tatawagin ko ba sina Ate Cryztal o hindi, hindi ko alam ang gagawin. Gulong-gulo na ang utak ko. Tama na ang nangyari ngayon, hindi ko na kaya.

Pagkatapos ng apat na oras, lumabas na ang doktor. Napatayo ang lahat at lumapit sa doktor. Kinausap muna ng doktor sina tito tungkol sa kundisyon ni Hillary bago ang nangyari. Pero ang huling salaysay ng doktor ang nagpatigil sa mundo namin

"Ms. Cruz's heart stopped beating a while ago but it was revived again after a couple of minutes. I guess she fought for you. But it doesn't mean that she is okay now. The bullet was found near the heart and because her heart is weak, her heart weakened more. I think heart transplant won't be the solution for this. It can help a bit, yes. But it can't cure her condition for now. She has only 1 week more to live. I guess we need a miracle for this kind of situation" 

 

Yun ang exact statement na sinabi ng doctor sa amin.

Hindi ako naniniwala na 1 week nalang ang oras ni Ate Hillary. Hindi diyos ang mga doktor para sabihin yan.

Pero I know, one of these days, mawawala ang sakit ni Ate Hillary at mabubuhay siya ng masaya. Sa piling ng mga kaibigan niya. Sa piling namin.

Still, I conclude that Ate Hillary is 3rd target.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kung hindi niyo maitindihan ang sinabi ng doktor,

Pwes, PAREHO TAYO!!!! XDDD

Published: 1 | 26 | 12 @ 10:42 PM

Continue Reading

You'll Also Like

235K 5.4K 95
It all started when SHE MET THE PLAYER.
84K 2.6K 41
Paaralang hindi ordinaryo. Iba't ibang ugali, hindi natin alam kung totoo ang mga nakakasama natin. Maraming mukha ang nakatago sa maskara. Paaralang...
509K 11.7K 49
She is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.
1.5M 28.7K 57
Start: May 2012 End: Oct 2013 Thank you for voting and reading my stories. Hope that you'll still support my upcoming stories :)