My Possessive Boss

By MidnightTints

30.6K 956 14

[SPG] The Monfero Family are so popular because of their richness. Sauvey Monfero. Sauvey was the third child... More

MY POSSESSIVE BOSS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
FAQ's
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 33

556 27 1
By MidnightTints

Nine months later...

Claud's POV

Siyam na buwan na ang nakakalipas nang makumpirma nga namin na buntis si Aoife. Ngayong buwan ay kabuwanan niya na. Kaya naman umuuwi ako ng mas maaga o kapag may libre akong oras para bantayan si Aoife. Sina Naizin lang kasi ang nasa bahay. Pero sabi naman nung may-ari at ng mga tao d'on,  sila na daw ang magbabantay kay Aoife tuwing wala ako. Nagkaroon ako agad ng trabaho pagkarating namin dito noong nakalipas na siyam na buwan. Ang laki na ngayon ng tiyan ni Aoife. Medyo nahihirapan na siyang kumilos. Kaya naman inalalayan ko siya. Anong araw mula ngayon, pwede na siyang manganak. Kaya bantay-sarado siya sa 'min ngayon. Sina Naizin, lumipat ng eskwelahan. Ako na ang umasikaso dahil ayokong pagurin si Aoife. Mukha siyang masaya ngayon. Gusto ko talagang bugbugin yung Sauvey na 'yon. Ang lakas ng loob niyang buntis-buntisin ang kapag ko tapos may fiance na pala siya. Kapag nakita ko talaga yung lalaking 'yon, sasapakin ko siya sa mukha.

Pero tahimik at masaya na kaming namumuhay ngayon kahit kami-kami na lang. Sinabi naman na ni Aoife sa mga kaibigan niya ang nangyari. Tanggap na din nila pero galit sila sa Sauvey na 'yon. Buti na nga lang at hindi namin siya nakita sa nakalipas na siyam na buwan. Hindi kasi namin pinaalam sa iba kung saan kami lumipat. Nagtayo kami ng munting negosyo ni Aoife. Para kahit nasa bahay lang siya ngayon may magawa siya. Tinutulungan naman siya nina Yanyan. Yung mga bata, patuloy pa rin sa pagaaral. Pauwi na na ko ngayon mula sa trabaho. Kasama ko sina Allan, Raynon at Jay. Sila yung mga kaibigan ko dito sa lugar na ito. Sila din yung tumulong sa 'kin na maghanap ng trabaho. Mukha lang talaga silang loko-loko at gago pero mababait itong mga 'to. Sila din yung nagbabantay kina Aoife tuwing wala ako. Natatawa na lang ako dahil hindi pa bagay kay Aoife na maging nanay. Hay. Sana ayos lang siya ngayon. Gustong-gusto niya ngayon nv guyabano. Yung prutas. 'Yon siguro yung pinaglilihian niya ngayon.

Nakarating naman na ako dito sa bahay."Kuya!"masayang salubong sa 'kin nina Naizin.

Nakita ko namang may bitbit si Aoife na basket na puno ng mga damit. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang bitbit niya."Diba sinabi ko na sayong ako na maglalaba ng mga 'to paguwi ko."masungit na pagkakasabi ko sa kanya.

"Alam ko kasing pagod ka eh."aniya. Napatingin tuloy ako sa tiyan niyang lumulobo."Gusto mong hawakan?"tanong niya sa 'kin. Hindi agad ako nakapagsalita.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa tiyan niya. Bigla akong may naramdamang kung ano."A-ano 'yon..??!"nagulat ako.

Mukha namang natuwa si Aoife."Sumipa siya kuya! Hahahaha!"natawa siya.

Tumayo sina Dallian at natigil sa pagsusulat."Kami ate!"sabi nilang dalawa.

Kaya naman inalis ko ang kamay ko sa tiyan ni Aoife at nilagay naman nila ang sa kanila."Ate sumipa siya ulit!"masayang sambit ni Yanyan.

Nilapag ko muna sa sahig yung basket na hawak-hawak ko."Ahh.."may narinig akong dumaing. Kaya agad kong nilingon si Aoife.

Nakita kong parang may masakit sa kanya."Ate ayos ka lang po ba?"tanong ni Naizin sa kanya.

"Ahh... K-kuya ang sakit.. ang s-sakit ng tiyan ko.."daing pa ni Aoife.

Agad kong inalalayan si Aoife dahil baka ma-out of balance siya."Naizin dito lang kayo. Isusugod muna namin ang ate niya sa ospital."sabi ko sa kanila.

Nilabas ko naman na si Aoife."Oh my god manganganak na ba si Aoife?!"biglang bumungad sa 'min ang may-ari ng inuupahan namin.

"Tricycle dito dali!"si Jay.

May dumating namang tricycle kaya agad kong pinasok si Aoife sa loob ng maingat at dahan-dahan."Mag-ingat kayo pare."bilin sa 'min ni Raynon.

Tinanguan ko na lang siya."Boss sa pinakamalapit na ospital. Pakibilis."sabi ko sa driver.

Nagmaneho naman na siya."K-kuya hindi ko na kaya ahh..."daing pa ni Aoife.

"Wait lang. Okay, inhale, exhale."saad ko.

Agad naman niyang ginawa ang sinabi ko. Hinawakan ko naman siya sa kamay.  Hinigpitan niya ang hawak sa 'kin."Ahhhh!! K-kuya ayoko na..!!!"napasigaw na siya dahil sa sakit.

Hindi ko naman alam kung anong gagawin."Tangina papatayin ko talaga yung Sauvey na 'yon."sambit ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa hospital. Agad kong pinasok si Aoife sa loob."Tulong! Tulong!"sigaw ko.

May lumapit naman sa 'king nga nurse."Ano pong nangyari?"tanong sa 'kin ng babaeng nurse.

"Manganganak na siya."agad akong sumagot.

May kumuha ng wheel chair at inupo doon si Aoife. Agad ko silang sinundan nang dalhin nila ang kapatid ko. Papasok sana ako sa loob nang pigilan ako nitong isa pang babaeng nurse."Sorry po pero hindi po kayo pwede sa loob."sabi niya sa 'kin.

Pumasok na siya sa loob at sinara na ang pinto. Kaya naman wala na kong nagawa pa kundi ang manatili dito sa labas at hintayin na lang na manganak si Aoife. Sana maging maayos siya. Sana maging successful ang panganganak sa kanya. Kinakahaban ako. Sana kayanin ni Aoife. Naniniwala naman akong kaya niya. Walang bagay na hindi kaya ni Aoife. Malalagpasan niya ito. Sana malusog ang bata. Kinakabahan talaga ko ngayon. Dapat yung Sauvey na 'yon ang nandito. Pero parang mas pinili niya pa yung fiance niya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yon. Mapapatay ko talaga siya kapag nakita ko yung taong 'yon. Pero ngayon, kailangan ko munang magdasal para sa kaligtasan nina Maxine at ang anak niya na magiging parte na ng pamilya namin. Nasasabik na din sina Yanyan na makita siya. Kaya sigurado akong matutuwa sila kapag nakalabas na yung baby sa din sinapupunan ni Aoife. Kaya niya ito. Sobrang laki talaga ng tiyan niya. Pwede rin na kambal 'yon. Nasasabik na rin tuloy ako.

A moments later...

Tapos ng manganak si Aoife. Yung baby ay kasama nung iba pang baby. Hindi ko siya nakita ng malapitan. Ito nga't nandito ako ngayon at pinagmamasdan ang mga baby. Hindi ko alam kung anong pinangalan ni Aoife sa bata. Hindi ko rin alam kung lalaki o babae. Basta ang sabi ng doctor malusog daw yung bata. Hindi nahawakan ni Aoife kanina yung anak niya. Pero nakita naman niya daw 'yon bago siya mawalan ng malay. Mamaya pa daw ibibigay yung anak ni Aoife sa kanya kapag gising na siya. Tulog pa rin daw siya. Isa lang daw yung anak ni Aoife. Gusto ko siyang makita ng malapitan. Pwede na rin naman ako pumasok doon sa loob ng silid kaya pupuntahan ko siya mamaya. Masaya ako para kay Aoife. Pero nalulungkot ako sa anak niya. Dahil lalaki siya ng walang ama. Pero 'wag siyang magaalala. Nandito naman ako, handang maging tatay para sa anak ni Aoife. Hindi ko sila papabayaang dalawa.

Bigla kong nakita yung nurse na kasamang nagpaanak sa kapatid ko."Uhm miss kukunin mo na ba yung anak ni Aoife Savino?"tanong ko sa kanya.

Tinanguan naman niya ko bilang sagot."Gising na po kasi siya eh."aniya.

Pumasok na siya sa loob at kinuha na yung baby ni Aoife."Pwede bang ako na lang maghatid sa kanya sa kapatid ko?"humingi muna ko ng permiso.

"Yes sir."pagpayag niya. Kaya naman kinuha ko na yung bata sa kanya."Natalya Reiss Monfero po ang pangalan ng bata."sabi niya habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Aoife.

Yung apilido niya pamilyar. Ginamit niya pala yung apilido ni Sauvey. Hays. Nakarating na kami sa kwarto ni Aoife at nakita ko siyang gising na nga."Nandito yung baby mo."salubong ko sa kanya. Lumapit ako at binigay ko na yung baby niya. Maingat naman niyang kinuha sa 'kin ito."Kamukhang-kamukha siya."dagdag ko pa sa sinabi ko.

Nakita kong natuwa si Aoife. Pero napansin kong gusto niyang umiyak."Hi baby!"masayang tawag niya sa anak niya.

Tuluyan naman na siyang umiyak. Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinunasan ko ang luha niya."Sigurado akong masaya din siyang makita yung mama niya."sambit ko.

Pinagmasdan lang ni Aoife ang anak niyang natutulog."Sorry anak kung wala yung papa mo dito. Hindi ka naman pababayaan ni mama eh."sabi ni Aoife sa anak niya. Parang gusto ko na lang tuloy maiyak. Bigla na lang tuloy umiyak yung baby niya."Shhh 'wag na iyak okay? Tahan na."sinubukan niyang patigilin si Natalya sa pag-iyak.

"L-lalabas muna ko."paalam ko.

Kaya naman lumabas na ko ng kwarto niya. Naisipan ko na lang na lumabas ng ospital. Nagpunta ako sa madilim na sulok. Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak. Ngayon lang ako nakaramdam nito. Nasasaktan ako makitang gan'on si Aoife. Alam kong hindi madali para sa kanya 'to pero kailangan niyang magpakatatag para sa anak niya. Alam kong hanggang ngayon, mahal niya pa ring yung Sauvey na 'yon. Pero paano kung siya kinasal na at may sarili ng pamilya? Naawa talaga ako kay Aoife. Hindi niya dapat nararanasan ang ganito. Naghirap siya sa loob ng siyang na buwan. Hindi ako papayag na lapitan siya ng Sauvey na 'yon kung magkita man silang muli. Magkakapatayan muna kami bago niya malapitan ang kapatid ko. Tsaka natatakot ako na baka kunin niya yung anak nila ni Aoife kapag magkita ulit sila. Hindi. Hindi ako papayag na mangyari 'yon. Nagpakahirap ang kapatid ko tapos siya mas pinili yung fiance niya?!

Dapat nga mas pinili niya si Aoife! Tsaka panagutan niya dapat yung bata. Hindi yung nagpakasarap lang siya sa kapatid ko. Nagulat ako nang malaman na yung trabaho niya doon hindi lang basta-basta katulong. Paano niya natiis 'yon? Kasi kahit yung gan'ong bagay, hindi ko kayang gawin! At nang dahil doon, nagbunga ang ginawa nila. Humanda ka talaga sa 'kin Sauvey Monfero. Kapag nakita kita, puputulin ko talaga yung tinatago mo. Pero sana maging ayos lang si Aoife. Kaya niya 'to. Naniniwala ako sa kanya. Walang bagay na hindi siya kaya. Kung nakayanan niyang isakprisyo yung bagay na labag sa loob niya, makakayanan niya din siguro ito. Masyado pa siyang bata para maging ina. Balak pa niyang magaral ulit. Pero paano niya na magagawa 'yon ngayong may anak na siyang kailangan niyanf alagaan? Nasira talaga ng Sauvey na 'yon ang plano ng kapatid ko sa buhay. Napaka-walang hiya niya. Isusumpa ko talaga siya.


***


Aoife's POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas nang manganak ako. Two months old na din si Natalya. Napakalusog niyang bata. Pinanggigigilan nga siya dito ng mga kapit-bahay eh. Tsaka tuwang-tuwa sila kay Natalya. Tapos yung anak ko naman, hindi natatakot sa kanila. Sa katunayan nga niyan, naging kalaro niya na yung mga tao dito. Ang sabi nila, hindi ko daw kahawig si Natalya. Pero nakuha niya yung kulay ng kutis ng balat ko. Sumang-ayon naman ako kasi mas kahawig ni sir Sauvey yung anak namin. Speaking of him, wala na kong balita sa kanya ngayon. Tsaka malayo naman na kami sa isa't-isa. Halos magiisang taon na rin noong huli kaming nagkita. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Wala namang pinagbago. Nagalit lang talaga ko at hindi ko pa rin matanggap na may fiance siya. Siguro ngayon kasal na siya sa Lily na 'yon. Baka nga may anak na sila eh. Ang sakit isipin pero kailangan tanggapin. May kailangan talagang masaktan kapag nagsakripisyo.

Nandito lang ako sa bahay ngayon. Pupunta daw kasi sina Mei. Gusto na daw kasi nilang makita yung baby ko. Si kuya na ang nagsundo sa kanila kasi baka maligaw pa sila. Ito nga't buhat-buhat ko ngayon si Talya. Madalas siyang nakangiti. Ang sarap pagmasdan. Nawawala lahat ng pagod at problema ko kapag nakikita ko 'yon. Pati yung ngiti niya, kagaya ng kay sir Sauvey. Pero parehas kami ni Natalya na may nunal sa baba. Hindi pa namin siya naririnig magsalita ng kahit na ano. Kahit sinisimulan na namin siyang turuan. Sige tawa nga lang siya eh. Pero masaya siya tuwing nakikipaglaro kina Yanyan. Bakasyon na nila ngayon kaya nandito lang sila sa bahay. Pero nagbabalak yung mga kaibigan ni kuya na umalis kasama kami para naman maging masaya yung bakasyon namin. Pumayag naman kami basta sagot nila lahat. Pati nga si mommy She yung landlady namin dito, sasama eh. Kaya for sure na magiging masaya 'yon.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Natalya ang pisngi ko."Hihihihihi."yan lang ang madalas kong marinig tuwing masaya siya.

Ngitian ko naman siya."Mama."tinuruan ko siyang sabihin ang salitang 'yon. Nakita ko namang nakatitig siya sa bibig ko."Say mama."paguulit ko pa.

"Ma...m-ma.."

"Aoife!"may bigla namang tumawag sa 'kin.

Hindi ko na tuloy narinig pa ang sabi sa 'kin ni Natalya. Nakita ko naman na sina Mei, Kim at Ion."Sis!"masayang bungad nila.

Agad silang lumapit sa 'kin at niyakap ako."Ito na ba yung baby mo? Oh my god she's so cute!"parang gusto namang panggigilan ni Mei si Natalya."Pwede ko ba siyang buhatin?"tanong niya na tinanguan ko na lang bilang sagot.

Kaya naman maingat kong binigay si Natalya sa kanya."OMG Ang cute niya!"manghang sambit ni Kim at hinawak-hawakan si Natalya sa pisngi.

Nakita ko namang tuwang-tuwa silang pinaglalaruan ang anak ko."She really looks like you."saad ni Ion.

"Aoife may naghahanap sayo."bigla namang sumulpot si Jay.

Nagtaka naman ako kung sino dahil sina Mei lang ang inaasahan kong darating."Papasukin mo na lang."sabi ko.

Nagulat ako nang pumasok ang isang pamilyar na tao."Aoife..."banggit ni sir Sauvey sa pangalan ko.

"Dada.."

Lahat kami ay napalingon kay Natalya nang marinig namin siyang nagsalita."Did you hear it?! She said dada!"hindi makapaniwala si Mei habang buhat-buhat ang anak ko.

"Dada!"

Muli pang nagsalita si Natalya habang nakangiting nakatingin kay sir Sauvey. At parang gusto niyang magparga sa kanya dahil nakalahad ang mga kamay niya kay sir Sauvey."I-is she our baby..? She called me dada!"tanong niya sa 'kin.

Natutuwa ako na parang gusto kong maiyak. Lalapitan niya na sana si Natalya nang humarang ako."Wag kang lalapit sa kanya dahil hindi ako papayag mahawakan mo kahit isang hibla lang ng buhok niya."maowtoridad na sabi ko.

Lahat sila ay napalingon sa 'kin at parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko."Aoife i know she's our child! Hindi mo malilihim sa 'kin ang bagay na 'yon!"sigaw ni sir Sauvey.

Tinginan ko siya nang may nakapanlilisik na tingin."Pa'no ka naman nasisigurong anak mo siya?"tanong ko sa kanya.

Napahilamos siya ng mukha."Aoife sa 'kin ka lang nakipagtalik! Kaya sigurado akong ako yung ama ng batang 'yan! Naaalala mo yung nangyari sa rest house 'di ba? And besides, she called me dada.."aniya.

Natawa na lang ako."Ano naman? Hindi na mahalaga kung anak mo ba siya or hindi. Kaya umalis kana. Wala ka lang mapapala dito. Tsaka kinasal kana sa babaeng 'yon 'di ba?"pananaray ko.

"Umatras ako."

Nagulat kaming lahat sa sinabi niyang 'yon."Tss, kalokohan."hindi ako naniwala.

Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan."Umatras ako kasi ikaw yung mas mahal ko! And when i knew that you are pregnant, agad kitang hinanap. In almost one years Aoife, ginugol ko yung buong araw at bawat araw mahanap ka lang! It was so hard for me! Hinanap kita dahil ayoko ng mawalan pa ng mahal sa buhay. At ikaw na lang ang natitira sa 'kin Aoife.. please let's fix everything.."saad nito.

Nakuha naman ang atensyon ko nang lalaking papasok dito sa bahay. Sabay-sabay naming siyang lumingon. Nagulat kaming lahat ng sunggaban ng suntok ni kuya si sir Sauvey sa mukha."Hayop ka! May lakas ng loob ka pang magpakita pagkatapos mong buntisin ang kapatid ko!"galit na sambit ni kuya at muli niyang inambahan ng suntok si sir Sauvey.

Inawat naman siya ng mga kaibigan niya. Narinig ko namang nagsi-iyakan na sina Natalya, Naizin at Dallian."Mei, akyat niyo muna yung mga bata sa taas."sabi ko sa kanya.

Tinanguan niya na lang ako pagkatapos ay sinamahan niya na ang mga kapatid at anak ko sa taas. Muli ko silang binalingan ng tingin."L-let me explain.."nanghihinang saad ni sir Sauvey.

Nakita kong may dugo na agad sa labi niya."Explain mo mukha mo gago ka! Lumayas ka dito bago kita mapatay!"sigaw pa ni kuya habang nagpupumiglas siya.

"Sir Sauvey please, umalis kana. Wag sa araw na 'to, pakiusap lang."nagsalita naman na ko.

Tinginan niya na muna ako at si kuya."Okay. But i'll be back."sambit ni sir Sauvey pagkatapos ay lumabas na.

Aabutin pa sana siya ni kuya pero nakalabas na siya. Binitawan naman na siya nina Raynon. Napaupo na lang tuloy ako sa sofa. Lalo akong naguguluhan ngayon. Paano na? Dumating na naman siya. Sigurado akong ipipilit na naman niya ang gusto niya. Mahal ko siya eh. Pero hindi ko siya kayang patawarin. Kahit sabihin niya pang umatras siya sa kasal nila ni Lily, hindi pa rin 'yon sapat! Gusto ko sanang maging masaya ngayon dahil kasama ko na ulit yung mga kaibigan ko. Pero parang nasira lang ang araw! Masaya akong nakita siya ulit eh. Pero hindi sa ganito. Moment sana namin itong magkakaibigan. Pero sinira niya! Bakit ngayon pa kasi siya nagpakita kung kelan naging maayos na ang lahat. Oo, masakit kapag hindi ko siya kasama pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Bakit pa kasi siya nagpakita. Nasaktan pa tuloy siya ni kuya. Sigurado akong narinig kami ng mga kapit-bahay.

Pero hindi ako makapaniwala. Nagsalita si Natalya at tinawag si sir Sauvey na dada. Hindi niya pa siya nakikita. Kaya paano niya nalaman na siya yung papa niya? Naramdaman siguro agad 'yon ni Natalya. Kita ko rin sa mga mata ni sir Sauvey ang saya nang makita ang anak namin. Ramdam kong sabik na sabik na rin siyang mahawakan, mahagkan at mahalikan si Natalya, pero hindi pa ko handang makipagayos sa kanya! Kailangan muna niyang dumaan sa hirap. Dahil matinding hirap bago ko iniluwal si Natalya. At wala siya sa tabi ko nung nanganak ako sa anak namin. Kaya hindi ko siya basta-basta mapapatawad. Kung gusto niya kaming magkaayos, kailangan niya na munang dumaan sa hirap. Dahil hindi madali ang pinagdaanan ko noong wala siya. Ayokong maging mapusok ngayon. Hindi ko pwede ilabas 'yon. Kaya kong mag-tiis hanggang sa maranasan ni sir Sauvey ang sakit at hirap. Ngayon lang ako magiging malupit sa kanya kaya 'wag na siya maginarte.








>>>>>>
        Nagustuhan niyo ba ang kwentong ito guys? Gusto ko lang malaman hshs.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 130 35
Sana Po magustuhan nyo story nila Wendy at cole
998K 17.4K 74
COntain SPG Nasaktan ako dahil kinalimutan na ako ng Boyfriend kong naging isang sikat na artista. Nagpakalasing at nagpakatanga. at may nangyaring d...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.1M 23.5K 46
This story is rated SPG (Sulit Pong basahin Guys) haha joke ✌. First time kong mag sulat ng story na ganto yung theme so I don't know if its gonna to...