CHAPTER 10

826 28 0
                                    

One week later..

Aoife's POV

Isang linggo na makalipas ang nangyaring burol at libing kina nanay. At ngayon naman ay nandito pa ko sa bahay. Maaga pa pero dahil ngayong araw ako babalik kay sir Sauvey. Hindi ko siya masabihan dahil wala naman akong phone kahit yung de-pindot lang. Sina Naizin ay tulog pa. Si kuya ay kaning pa gising. Ang sabi niya, siya na daw ang bahalang magasikaso kina Dallian. Pumayag naman na din kayo dahil ayoko ng maabala si aling Bea. Inabot ng tatlong araw ang burol nina nanay. Doon sa bungad ginanap ang burol dahil hindi kaya dito sa bahay. Sobrang sikip at walang lugar para paglagyan sa kabaong nina nanay. Matapos ng tatlong araw na burol ay nilibing na siya sa malapit lang na sementeryo. Pagkauwi ko mamaya ay agad kong pasasalamatan si sir Sauvey dahil siya ang lahat ng gumastos sa pagpapalibing nina nanay. Actually, sobra-sobra pa nga 'yun. Syempre, bilang kapalit ay ginantsilyo ko siya ng panyo.

Oo, marunong akong magantsilyo. Tinuruan kasi ako ni nanay eh. Mahirap pero dahil siya ang nagturo, madali lang akong natuto. Ginawan ko siya ng panyo kasi kita kong lagi siyang pinagpapawisan. Buti nga lang at may natira pang mga gamit si nanay na pang-gatsilyo. Alam kong hindi sapat ito pero siguro ayos na rin ang bagay na ito. Siguro naman maa-appreciate niya 'di ba? May kaunti akong damit dito kaya 'yun na lang ginamit ko kasi yung iba kong damit ay naiwan ko doon sa bahay ni sir Sauvey. Ngayon ang unang araw na mamumuhay kami ng wala na sina tatay. Ang hirap at ang sakit. Pero kagaya ng Sabi ni Ion, kailangan kong magpakatatag. Tsaka magpatuloy sa pagtatrabaho para kina Naizin. Sigurado akong maayos na si tatay ngayon. Sana kung nasaan man sila ni nanay, masaya sila. Susubukan kong pigilan ang sarili ko na maiyak ulit. Pero hindi ko maipapangako na kaya ko.

Kahit saan kasi ako tumingin, sina tatay ang naaalala ko. Sina Naizin mukha namang ayos na. Pero ramdam ko na nalulungkot pa din sila kahit hindi nila sabihin. Pero sinabi ko sa kanila na 'wag sila magaalala. Iaahon ko pa din sila sa hirap kahit wala na sina nanay. Magiipon ako at sa oras na may ipon na ko, ililipat ko agad sila ng matitirahan. Yung malapit lang din sa school nina Naizin. Tsaka gusto kong magtayo ng store. Kahit yung maliit lang. Pangkabuhayan para sa oras na umalis na ko sa bahay ni sir Sauvey bilang kasambahay, may trabaho pa rin ako at may pagkukuhanan ng gastos sa araw-araw. Ang dami ko talagang gustong gawin. Pero kailangan ko munang mag-ipon at magtyaga para magawa ko ang mga gusto kong gawin. Kung tatanungin ako kung anong gusto kong gawin para sa sarili ko, sasagutin ko sila na gusto kong magpatuloy sa pagaaral. Iyon ang isang bagay na gusto kong mangyari ulit. Pero sa ngayon, sina Naizin muna ang intindihin ko.

Lumabas na ko ng kwarto para magpaalam kay kuya dahil oras na para umalis ako."Kuya, una na ko."paalam ko sa kanya habang may bitbit akong plastic bag.

Tinanguan na lang ako ni kuya habang nakahiga sa dating hinihigaan ni tatay."Ingat ka. Ako ng bahala kina Yanyan."bilin naman niya.

Tinanguan ko na lang din siya bilang pagpayag."Tutuloy na ko."habol ko pa sa kanya.

Pagkatapos n'on ay lumabas na ko ng bahay. Bigla namang may sumalubong sa 'kin nang makalabas ako ng lugar namin."Hatid na kita."prisinta ni Ion.

Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsulpot."H-ha? A-anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Tsaka may pasok ka 'di ba?"napatigil ako sa paglalakad para tanungin siya.

"You told us that you're going to leave today right?"tinanguan ko na lang siya sa sinabi niyang 'yon."So I went here to convey you there."aniya.

Natampal ko na lang ang noo ko. Wala na siguro akong magagawa dahil nandito na ang isang ito."Tara na nga. Hindi mo man lang ako sinabihan eh."sabi ko sa kanya.

My Possessive BossUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum