Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 311 884

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST

LTSC||THIRTEENTH

111 9 27
By childofyusaku

Ramdam ko ang halo-halong emosyon sa katawan ko pagkapasok kong bahay, pagod, galit, inis, at pagkadismaya. Isinalampak ko ang sarili sa may sofa. Napapikit ako, bumungad sa akin ang hitsura ni Sielly.

Bakit ba bigla na naman siyang sumugod dito? Wala akong alam na ginawa ko para magalit siya sa akin nang ganyan.

Umalis ka na.”

Pagkalagpas ko sa kanya, para siyang natutuliro habang dumudutdot sa phone niya. Rinig ko pa ang pagsinghot niya.

“Javin, please, answer my calls. Please.”

Hindi ko alam kung umalis na ’yon sa harap ng bahay. Shrugged. Umakyat ako sa kwarto ko para magpalit at bumaba para magtimpla ng kape. Tumigil ako sa bintana para tingnan kung umalis na ang isang ’yon, pero nasa harap pa rin siya ng gate.

Ano bang ginagawa ng isang ’to sa sarili niya? Buti sana kung hindi siya buntis, gawin niya kung ano gusto niyang gawin, kahit maglupasay pa siya r’yan, wala akong pake. Pero may dala-dala siya na Isang buhay, psh.

Napabuntong-hininga ako bago mag dial ng numero sa phone ko. Hindi naman siguro kabawasan kung tatawagan ko siya, ’no?

[“Oh, Kim, gabi na, napatawag ka?”]

Napabuntong-hininga ako. “Nasaan ka?”

Natawa naman ang nasa kabilang linya. [“Bakit pupuntahan mo ba ako, ha? Ikaw ah kakailanganin mo rin pala ako.”]

Napaungot ako. “I don’t need you, but her, she needs you!” pagdiin ko sa her para ma gets niya agad kung sino tinutukoy ko. “Punong-puno na ako sa isang ’to.”

[“Ginugulo ka na naman ba niya?”] Natahimik ako sa naging tanong niya. Obvious ba? [“At your house?”]

“Hmm,” sagot ko na lang.

[“Okay, sige, magpapaalam lang ako kay Tita Vicky, punta na ako r’yan.”]

“Be here faster.”

Hindi ko na siya pinagsalita at pinatay na ang tawag, hahaba lang usapan sa isang iyon. Pagkababa kong phone, binalingan ko muli ng tingin si Sielly, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya magmula kanina.

Ano ba trip ng isang ’to? Kung may galit siya sa mundo, huwag niya idamay iyong bata sa sinapupunan niya.

Kahit gaano kasama ang trato ng isang ’to sa akin, ayoko namang siyang pabayaan dahil buntis, ’yong pinagbubuntis niya ay magiging anak ng isa sa nasa circle of friends ko. Ayoko lang naman tumunganga, mas malaki balik niyan kapag pinabayaan ko, for sure ako sisisihin ng mga fans niya, nasa harap ng bahay ko, e. Psh.

Ilang minuto pa nang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay. Pansin ko rito na nagsusumbatan silang dalawa pagkababa ng isang bulto sa sasakyan kaya minabuti kong bumaba. Mahirap na, nakakahiya naman sa mga kapit-bahay!

Nagbabangayan nga silang dalawa pagkalabas kong gate.

“I’ve already told you not to disturb Kim! Why are you here again?” nagpipigil inis nitong sambit kay Sielly ang naabutan ko.

“Kinakampihan mo ’yan! Inaagaw niya sa akin si Javin!” sumbat naman ng isa.

Napabuga akong hangin. Ano ba laman ng kukote ng isang ’to at hindi niya maintindihan na hindi ko naman inaagaw si Javin sa kanya? Ni hindi naman kami nag-uusap ng isang ’yon, hindi rin kami nagkakasama kapag may lakad ang barkada dahil tinatanong ko kaagad kung nandoon ba siya.

“You’re insane, Sielly! Just go home with me! Nakakahiya sa ibang tao rito.”

“Palibhasa gusto mo lang iyong babae na iyon kaya pinagtatanggol mo, Kuya! Bakit hindi mo na lang agawin para hindi siya sagabal sa amin ni Javin?!”

What the?

Anong klaseng utak ’yan?

At anong gusto ako?

“Shvt up! Nababaliw ka na!”

“Kuya Synon, huwag kang martyr! Buntisin mo rin para wala nang kawala sa ’yo!”

“Sielly!”

Natigil ang pag-amba ni Synon ng sampal kay Sielly nang hawakan ko ang palapulsuhan niya. Gulat sila parehas na tumingin sa akin.

“Kim... I’m s-sorry.”

Ngumiti lang akong bahagya kay Synon bago ibaling ang tingin kay Sielly na namumula ang mata.

“Is that your way for owning someone. Magpabuntis?” diretsahang tanong ko sa kanya, pinasadahan ko pa siyang tingin. Nanlalaki naman ang mata niya na parang nainsulto sa sinambit ko. “Well, hindi na ako magtataka,” sarkastikong dagdag ko.

“Magtataka na ano?!” pabulyaw na tanong sa akin ni Sielly, halos magkanda-utal-utal ’to.

“You don’t want to hear what I’m about to say, Sielly,” I said, trying to hide my grin. “I won’t stoop on your level.”

Punong-puno na ako sa 'yo.

“Talaga! Kasi hindi mo kayang abutin kung nasaan ako!” mayabang niyang saad. “Kaya nga mas pinili ako ni Javin kaysa sa ’yo!”

Hanep, kanina nagmamakaawa lang sa akin, ngayon, pinagmamayabangan na ako. Iba rin ikot ng bituka.

“Ano? Natahimik ka?” malakas siyang  natawa na parang baliw. “Hindi mo ako kaya, Kim! Hindi mo maabot kung nasaan ako ngayon!”

“Okay lang,” malumanay kong sambit. Nginitian ko siyang may pang-aasar. “Ayoko rin naman maging kagaya mo.”

“Ano!?” pagduro niya sa akin.

“Desperada,” dahan-dahan at may diing sambit ko.

Nanlalaki ang mata niyang sinugod ako, buti na lang humarang si Synon sa harap ko.

“Sielly, you’re pregnant!” pagsaway ni Synon. “Maawa ka naman sa buhay na nasa sinapupunan mo!”

Pilit na nagpupumiglas sa kanya si Sielly, galit na galit ang hitsura nitong nakatingin sa akin na para na akong lalapain. Kulang na lang tumahol, e.

“Let me go, Kuya! Umalis ka sabi!”

“Respect yourself! Huwag mo ipahiya ang sarili mo!”

“I respect myself, many respect me! Dahil sa Kim na ’yan mawawalan ng ama ang magiging anak ko!”

Napaismid ako. Pa-ulit-ulit siya. Ano ba pinaglalaban niya?

“Mas grabe ang ginawa mo, mahiya ka!” malakas na bulyaw ni Synon na ikinatahimik ni Sielly, kusang napabitaw si Synon sa kambal niya. “Pagod na pagod na akong intindihin ’yang ganyang ugali mo, Sielly!”

“Iuwi mo na ’yang kambal tuko mo, Synon, punong-puno na ako sa kanya,” blankong sambit ko atsaka tumalikod. “Kapag inulit pa niya ang nangyari ngayon, sa kulungan na babagsak ’yan, alam mo kung ano tinutukoy ko,” madiing sambit ko bago naglakad papasok.

“Kim! Bumalik ka rito! Huwag mo agawin sa akin si Javin!” dinig kong sigaw ni Sielly.

Napapailing na lang ako. Nahihibang na talaga siya.

Pagkarating kong kwarto ko, sakto naman ang pagtunog ng papaalis na sasakyan. Malakas akong bumuga ng hangin at ginawa ang night routine ko bago humilata.

Napatingin ako sa gilid ng kwarto ko malapit sa bintana, nandoon pa rin naka-display ang painting ko na may mukha niya.

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko aalisin ’yan hangga’t hindi nawawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Nandyan pa rin talaga.

Hindi naman nawala.

Mapakla akong tumawa.

Napaayos akong higa nang magbukas ang screen ng phone ko.

Shinarra Ynez Villanueva:
Lagapak si Javin at Kuya Steven doon sa guest room, mga broken, ayon inaalagaan ni Devin, busangot si Isabel sa tabi ko bwhahaha

Munting napairap ako. Hindi naman ako nanghihingi sa kanya ng update about sakanila, lalo na about sa kanya.

Shinarra Ynez Villanueva:
Nga pala nabenta na iyong last painting mo na naka-display sa shop ko! Umaapaw na siguro pera mo sa bank acc mo, ’no? Mwa, balato!

Kimverleigh Honor:
Panlayas ko ’yan.

Nag react lang ito ng haha. Ilalapag ko na sana ulit phone ko nang muling mag vibrate ’to.

Anong oras na may energy pa rin talaga mag chat ang isang ’to. Dinaya na naman siguro mga shots niya.

Shinarra Ynez Villanueva:
Nagandahan daw iyong client, gusto niya mag request

Shinarra Ynez Villanueva:
Nakatalikod daw na babae, wavy ang buhok hanggang bewang, brown, tapos may butterfly hair clip

Typing ako nang muli na naman itong mag chat.

Shinarra Ynez Villanueva:
White dress suot daw, iyong canvass size, iyong pinakamalaki raw, willing to pay million. For payment, meet up na lang daw, bigay ko na lang bukas contact niya dahil hindi ko na na-ask

Million? Nagsasayang ba ’yon ng pera? Hindi naman ako professional na painter.

Kimverleigh Honor:
Saan mo nabingwit ’yan, pwede pa utangan yan?

Shinarra Ynez Villanuev:
Bwhahaha loyal client ko mommy niya kaya nirefer kita

Kimverleigh Honor:
Ge bukas na lang, inaantok na ako para mag absorb ng information, night

In-off ko  na ang app dahil parang luluwa utak ko sa kliyente na sinasabi ni Shin.

Nakipagtitigan lang ako sa kisame nang mapansin ko sa peripheral vision ko ang muling pag-ilaw ng phone ko.

Draxe Chaste:
Need model tomorrow, hindi raw ipapakita mukha. Tinanggal nila iyong unang model, I need you to be my subject, malaki bigayan :')

Natawa akong bahagya bago siya replyan na, “Ok.”

.
.
.

After photoshoots, Draxe and I went to one of the famous fast food, sakto lunch na rin. He’s at the counter, crowded.

After 10 minutes bumalik siya na may dalang tray. “Here’s your order, madam.” Inilapag niya ang order sa mesa atsaka isinantabi ang tray sa bakanteng mesa at naupo sa harap ko.

Napatingin ako sa tray. Naalala ko si Javin, kung siya ’yan ibabalik niya ’yan doon. Haist! Ugh. Ano ba namang iniisip mo, Kim!

“Puring-puri sa akin iyong client ko, e! Gustong-gusto ka, ang ganda mo raw mag pose sa camera!” Draxe said out of nowhere.

“Maganda, e,” puno nang kayabangan sambit ko, natatawang tumango naman siya. “Hindi naman siguro kita mukha ko sa mga pinasa mo sakanila, ha,” paniniguro ko atsaka siya dinuro ng plastic na kutsara.

Natawa naman siyang bahagya. “Don’t worry,” he reassures me.

“Si Sielly pala dapat iyong model ’no?” kuryosong tanong ko atsaka sumubo sa chicken.

Tumango ito. “You’re the perfect endorser though,” pagtaas niya ng tingin sa akin, munti itong ngumiti. “Ang harsh niya kasi sa mga demand niya kaya pinulled out siya,” pahayag nito bago magpatuloy sa pagkain.

“Hmm. Na announce yata sa official page niya at sa page ng product about sa endorsement, ano na lang sasabihin ng fans niya, ’no?”

Bahagya siyang bumuntong-hininga. “Huwag mo na lang pakinggan ang magiging backlash ng fandom niya,” malumanay niyang sambit. “Maganda ang result, kaya alam kong mas marami ang susuporta.”

After kumain naghiwalay na rin kaming landas ni Draxe dahil pinapauwi raw siya ng mommy niya. Dumaan muna akong grocery store para bumili ng mga needs ko for this week.

“Hoy, nabalitaan ninyo ba muntik mawalan ng anak iyong Sielly Vasquez?”

“Oh bakit daw?!”

“Nagwala raw sa set. Pinalitan kasi siya dahil sobrang demanding niya! Ayon nasa hospital!”

Napatingin ako sa kabilang shelve dahil rinig na rinig ko rito ang malalakas na boses nila. Tatlong babae iyon, mukhang mga college student dahil sa mga ID lace nila.

“Siya ba iyong najuntis ni Javin?!?”

“Oo, siya nga!”

“Naka-work na siya ng ate ko. Grabe raw iyan murahin ang ate ko! Kaya siya nag resign, wala yatang tumagal na ka work niyan! Tsk.”

Dumampot ako ng malalaking chichirya habang nasa kanila pa rin ang pandinig ko.

Ang bilis naman kumalat ang nangyari kanina? Paano nila nalaman iyon? Ako nga hindi ko pa sana malalaman na sumugod pala nang maaga si Sielly sa set dahil na late niyang basahin iyong notice na pinulled out siya, kung hindi lang pinag-uusapan ng ibang staff kanina pagdating ko sa set. Paano pa kung nagpang-abot kami? Mas magwawala iyon panigurado.

“Buntis na nga, hindi muna tumigil, marami naman sigurong pera si Javin para buhayin anak nila! God!”

“Sus! Nagkakalabuan yata sila ang alam ko!

Napataas ang kilay ko. Saan naman nila napulot iyang mga chismis nila?

“Pero ito ang big shot! Iyong ex ni Javin na Kim iyong pumalit sa kanya mag promote! Hay naku susuportahan ko talaga ang product para mainis lalo iyong Sielly na ’yon!”

“Haha same, girl!”

Tsk. Paano naman nila nalaman na ako na ex ni Javin ang pumalit kay Sielly?

Hindi na ako nakinig after ko kunin lahat ng need ko. After ma punch mga pinamili ko, lumabas na rin ako. Kapapasok ko pa lang nang pinamili ko sa kotse nang mapansin ko sa hindi kalayuan si Laley, nasa loob siyang coffee shop, mukhang may hinihintay. May date siguro sila ni Ben, shrugged.

Pumasok na ako sa kotse, pero bago ko pa mapaandar ang sasakyan nang mapatingin muli ako sa coffee shop, may lumapit na pamilyar na lalaki kay Laley atsaka humalik sa labi niya.

Wait?!

SA LABI NIYA?!

Pumikit-pikit ako atsaka munting kinaltukan ang ulo ko, pero hindi talaga ako namamalikmata!

Hindi si Ben ang lalaking iyon!

Break na ba sila ni Ben?

Naghintay ako ng ilang minuto para pagmasdan sila. Para talaga silang magkasintahan, nakasandal si Laley sa balikat ng lalaki habang magkahawak ang kamay nila.

Idinial ko ang numero ni Laley. Kita ko hanggang rito ang pagsagot niyang phone. Akala ko papatayin pa niya.

[“Kim? Napatawag ka?”] sagot niya sa kabilang linya. Kitang-kita ko ang pagsenyas niya sa lalaking kasama niya na manahimik.

Nalungkot ako dahil do’n. “N-nasaan ka? Busy ka ba?”

[“Yes, busy, e. May date kasi kami ni Benedict. Why?”]

Hindi ko akalain na magagawa ni Laley ’to kay Benedict. Parehas ko silang kaibigan, pero I won’t tolerate that type of behavior.

Napatikhim ako muli. “Ah sorry sa istorbo. Enjoy!”

Hindi ko na siya hinintay sumagot, tiningnan ko ang naging ekspresiyon niya, natawa lang itong ibalik ang phone sa bag.

Sunod ko sanang i-dial ang numero ni Ben, pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang magawi ko ang paningin sa harap ng kotse ko. Nandoon si Ben, nakatayo habang nakatingin sa gawi nila Laley, bagsak ang balikat niya.

Oh My.

Napapalingon ako sa paligid, hindi ko mahagilap ang sasakyan niya, nag taxi siguro. Lumabas ako ng kotse ko para puntahan si Ben dahil palabas na rin sila Laley. Hinila ko si Ben papasok sa loob ng sasakyan, parang wala lang sa kanya iyon dahil nakatingin siya sa kawalan nang makalabas sila Laley sa coffee shop. Holding hands pa silang lumabas, nahiwalay lang iyon nang makalapit sila sa nakaparadang gray na kotse.

“Sundan natin?” nag-iingat kong tanong.

Hindi siya sumagot, nakatulala ito sa kawalan.

“Uy, Ben?” pagpansin ko sa kanya dahil umandar na ang sasakyan na sinakyan nila Laley.

Umiling-iling siya. “Masakit na, Kim, that’s enough already,” garalgal na sambit niya. Doon na sunod-sunod na tumulo ang luha niya. “Mahal na mahal ko siya, sobra, alam mo ’yon,” nakatingin sa kawalan niyang sambit.

I know. I know how much you love her, Ben. Kitang-kita naman namin kung paano mo siya minahal ng sobra higit pa sa pagmamahal mo sa sarili mo, haist.

Napasandal siya sa upuan at napatakip ang mukha. “Alam niyang hindi ko kakayanin na mawala siya. Alam niyang tatanggapin ko pa rin siya kahit ilang beses niya akong tarantaduhin. Kngna naman!”

Minsan, nakakaubos din talaga kapag mas marami kang binibigay kesa nakukuha sa isang relasyon. Haist.

“Makikinig ako. Tara sa bahay, inom?” pag-aya ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Hindi ko rin alam sasabihin ko kaya inaya ko na lang siya para naman mabawasan kahit papaano iyong bigat na nararamdaman niya.

Munting tumango siya. Nag send ako ng chat kay Shin para samahan ako na damayan si Ben. Pinasadahan ko muli siyang tingin bago paandarin ang sasakyan. 15 minutes bago makarating kami sa bahay, nauna siyang bumaba, tahimik ko namang kinuha ang pinamili ko sa likod ng sasakyan.

“Nagugutom ka ba?” tanong ko nang matapos ko ayusin ang pinamili ko. Mag-alas tres na rin ng hapon. Tahimik lang siyang nakaupo sa may sofa, habang hawak ang shot glass, mukhang malalim ang iniisip niya. “Gusto mo ipagluto ka namin ni Shin?”

Hindi siya sumagot. Imbes na magsalita siya, muli na naman itong nagsalin ng alak sa shot glass, tatlong beses na magkasunod na puno ang shot glass.

Marahan niyang inilapag ang shot glass pagkatapos ng ilang minuto. Sumandal siya sa may sofa atsaka tumingin sa may kisame. Natawa siyang mapakla.

Nagkatinginan kami ni Shin na may halong pag-aalala.

“More than five years, kngna!” his voice cracked. “Five fvcking years! Kngna naman! Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako kayang piliin?” Napatakip siya sa mukha at nagsimulang humikbi.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kayang piliin?” parang kutsilyo na tumatak sa akin iyon.

Napaayos siyang upo, tumingin siya sa akin, sunod-sunod ang patak ng luha niya, ni hindi man lang niya magawang punasan ang mga ’yon. Ang sakit niyang panoorin, ang bigat sa pakiramdam pakinggan ang paghikbi niya.

Ang hirap maipit sa away ng dalawang kaibigan mo, pero I know this time, mas may karapatan si Ben na damayan namin. I saw everything, geez.

“Ibinigay ko sa kanya lahat. Kahit mga gusto kong gawin tinatanggihan ko kasi ayaw niya,” natawa siyang mapakla atsaka muling tumungga.

“That’s toxic, that’s not healthy, Ben,” sabad ni Shin, pero blankong siyang tiningnan ni Ben.

“These past weeks nilayuan ko kayo dahil pinagseselosan ka niya,” pagbaling niyang tingin sa akin. Halos matigilan ako dahil do’n. “Tapos siya pala itong may ginagawa na ikakaselos ko, pambihira!”

Ako? Pinagseselosan ni Laley? Sa paanong paraan?

“Ha? May katok ba sa ulo niya at pinagseselosan niya si Kim, si Kim na kaibigan mo, na kaibigan din niya??” si Shin.

“Kung ganoon may katok din sa ulo si Javin noon?” pagtawa ni Ben. Binalingan niya muli akong tingin bago lumaklak ng alak. “P-pinagseselosan niya rin *huk* ako sa ’yo no’n.”

Ha?

Napalingon ako kay Shin, kunot ang noo niyang nakatingin kay Ben. Nagtagpo ang paningin namin nang ibaling niya ang paningin sa akin nang may pag-aalala.

“Ha! Cheers na lang!” natatawang sambit ni Ben atsaka itinaas ang hawak niyang bote ng beer.

Continue Reading

You'll Also Like

334 73 14
A compilation of poems, one-shot stories, and spoken poetry written by A.
249 85 21
In the bustling city, 19-year-old Isabella Victoria Villahermosa, determined to support her struggling family and excel in her studies, takes up a jo...
105K 7K 39
Two popular students of Stanford High School namely, Halilintar- the bad boy and the most fearsome student in school- and Solar- the smartest and wel...
497K 11K 57
She was naive. He was a playboy. He gave her everything, and made her feel loved-only to break her in the end. We all know the stereotype sa mga lala...