LTSC||FIFTEENTH

112 9 19
                                    


[“Hello, nasaan ka? You’re not on your house. I’m worried! Magdidilin na!”]

Shin.

Malakas akong bumuntong hininga.
“At cemetery,” sagot ko.

[“Anong ginagawa mo r’yan?!?”] Pasigaw niyang tanong, halos mabingi ako.

Munti akong napairap. “Baka inilibing kita tapos umiiyak ako rito dahil wala ka na?” sarkastikong sambit ko, napasinghal naman siya sa kabilang linya. “Huhuhuhu, Shin, bakit mo ako iniwan? Masyado ka pang bata para mawala huhuhu!”

[“Loko, walang ganyanan, huy!”] malakas nitong sambit. Natawa akong bahagya. [“Pero seryoso na, sana sinama mo sana ako para dalawin nating sabay, ako ama n’yan ha.”] Pahina nang pahina ang boses niya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinambit niya. She’s right, siya ang nagsilbing sandalan ko noong nakunan ako, ni minsan hindi ko naramdam na mag-isa ako sa bahay, sa akin siya nauwi ng gabi after her work.

[“Sa susunod sabihan mo ako para may kasama ka, Kim, huwag mong solohin, okay?”]

I heave a deep sigh again. “I’m with Draxe.”

Napatingin ako sa hindi kalayuan, nandoon si Draxe, nakasandal siya sa kotse ko. Kami lang tao rito bukod kay manong sa hindi kalayuan na naglilinis ng puntod.

Saktong dumaan siya kanina nang makita niya ako sa may parking lot na namumugto ang mata, kaya kinulit niya ako, hanggang sa sabihin ko sa kanya ang nangyari, and we ended up here. He’s makulit, e.

[“Hayyyyy, siguro kung si Draxe lang minahal mo, hindi ka nagkakaganyan ngayon,”] mahinang sambit niya, mararamdam mo ang lungkot sa tinig niya.

Pero hindi naman ako naging masaya kung hindi si Javin...

Sighed.

[“Pupunta ka ba sa gig nila mamaya?”] Pag-iba niyang topic, pagkatapos kong hindi siya imikin.

“Hindi ko alam,” sagot ko na lang kahit wala akong balak pumunta. Kasi ano pa bang dahilan ko para pumunta? Oo, barkada ko sila, pero maiintindihan din naman siguro nila na masakit para sa akin na makita si Javin ngayon.

[“Okay. Subukan mo lang kung gusto mo, may dapat kang malaman.”]

Napaayos akong upo.

Anong dapat ko na malaman?

Tinatakot niya ba ako para pumunta ako? Tsk.

[“Maybe you’re thinking that I’m just threatening you. This is for your own good, Kim, baka sakaling mabawasan ang galit mo sa kanya.”]

Napakunot ang noo ko. What does she mean?

Baka sakaling mabawasan ang galit mo sa kanya.”

Nagpabalik-balik iyon sa pandinig ko hanggang makabalik ako sa harap ng kotse ko. Malakas akong bumuga ng hangin.

Anong ibig mong sabihin, Shin? Ano ba dapat kong malaman?

“Feeling better?”

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Draxe.

Let The Song CryWhere stories live. Discover now