The Doctor's HeartBeat

By phanta_C

14.1K 499 40

Disclaimer ○⚠️ This story is a work of fiction. The names, characters, places and events are from the idea of... More

Prologue
Chapter 1: Manners
Chapter 2: Dinner
Chapter 3: Chandler Vs. Zayden
Chapter 4: Knife
Chapter 5: Wound
Chapter 6: Heart
Chapter 7: Ghost
Chapter 8: Laboratory
Chapter 9: Ring
Chapter 10: Hero
Chapter 11: War
Chapter 12: Break up
Chapter 13: Coffee Shop
Chapter 14: Jade
Chapter 15: Birthday
Chapter 16: Pool
Chapter 17: Injury
Chapter 18: Welcome Back Caleb
Chapter 19: Xia
Chapter 20: Date
Chapter 21: Kiss
Chapter 22: Move on
Chapter 23: Xia & Clark
Chapter 24: Papa
Chapter 25: Promise
Chapter 26: Cupcake
Chapter 27: San Andres Island 1
Chapter 28: San Andres Island 2
Chapter 29: San Andres Island 3
Chapter 30: San Andres Island 4
Chapter 31: San Andres Island 5
Chapter 32: San Andres Island 6
Chapter 33: San Andres Island 7
Chapter 34: Going Home
Chapter 35: Unexpected greetings
Chapter 36: Happy Birthday
Chapter 37: Date
Chapter 38: New year
Chapter 39: DFMH
Chapter 40: Chandler's Day
Chapter 41: Past
Chapter 42: Let go
Chapter 43: Confession
Chapter 44: Courting
Chapter 45: Choose
Chapter 46: Picnic
Chapter 47: Surgery
Chapter 48: Pictorial
Chapter 49: I. Love. You.
Chapter 50: Vacation
Chapter 52: 1st Monthsary
Chapter 53: Internship
Chapter 54: Death threat
Chapter 55: Doubt
Chapter 56: 1st Anniversary
Chapter 57: Love
Chapter 58: Cookies
Chapter 59: Doctor
Chapter 60: Zayden
Chapter 61: Chandler
Chapter 62: Kidnapped
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Epilogue
Author

Chapter 51: Wish

119 1 0
By phanta_C

Xia's POV

Nagising ako ng madaling araw dahil sa sakit ng ulo ko. Napadami ata ang inom ko. Tumayo ako at agad akong napahawak sa ulo ko dahil kumirot ito. Umupo muna ako, nang maramdamang okay na ay tsaka ako tumayo. Napansin ko pa ang lampshade na naka-sindi. Hindi ata pinatay ni kabute bago matulog.

Binuksan ko ang ilaw dahil nahihilo ako sa dim light ng lampshade. Agad akong nagtaka nang makitang wala si Shan at Jeremy sa kama nila.

Saan naman nagpunta ang dalawang 'yun?

Lumabas ako ng kwarto umaasang makikita sila pero wala sila sa hallway. Ayoko namang bumaba pa. Papasok na sana ulit ako ng makita si Jade na paakyat.

"Jade!" Napatingin siya sa akin. "Nakita mo ba si Shan at Jeremy?" Tanong ko.

"Nope." Aniya tsaka pumasok na sa kwarto niya.

Hindi ko na lang pinansin at bumalik na lang sa kwarto ko. Muli akong humiga at sinubukang matulog pero hindi ako makatulog. Siguro dahil pinapakiramdaman ko si Shan.

Ilang minuto akong naghintay pero walang bumalik. Muli akong tumayo pero hindi ko sinasadyang magising si Niana.

"Sorry."

"Bakit gising ka pa ate?" Antok na antok na tanong niya.

"Kanina pa kasi wala sina Shannayah at Jeremy." Saad ko kaya napa-upo siya.

Napatingin siya sa pwesto nina Shan. "Saan sila nagpunta?" Tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako. "Matulog ka na. Titignan ko sa baba." Saad ko na tinanguan niya naman.

Bumaba ako at hinanap sila sa sala at kusina pero walang Shan na lumabas. Hindi ko naman na sinubukan pang lumabas ng bahay dahil malalim na ang gabi. Pero saan naman kaya nagpunta ang dalawang 'yun?

Nagulat na lang ako nang biglang lumabas si Jeremy galing sa kusina.

"Sus maryusep! Patawarin niyo ho ako!" Bulalas ko. "Saan ka nagpunta?!"

"Ate Xia!" Hawak niya ang dibdib niya dahil sa gulat. "Bakit gising ka pa? Akala ko kung anong nilalang na." Aniya kaya hinampas ko siya sa balikat kaya napahawak siya dun.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan. Saan ka ba nagpunta?"

"Lumabas lang ako, sinubukan kong maghanap ng signal kaso wala. Nag text kasi si Papa kanina, ngayon ko lang nakita." Sagot niya.

"E asan naman ang ate mo?" Tanong ko.

Agad naman siyang nagtaka. "What?"

"Ang ate mo. Asan kako." Kinakabahan ng tanong ko.

"Nasa kwarto. Bago ako bumaba natutulog pa siya." Sagot niya.

"Wala siya dun."

"Wait what? Saan naman siya nagpunta?"

"Hindi ko alam kaya nga ako nagtatanong diba?!" Inis na saad ko. Agad siyang tumakbo sa taas para tignan si Shan. "Paano kung lumabas siya para hanapin ka?" Tanong ko.

"Anong oras na. Bakit pa siya lalabas?! Paano kung mapano siya?!" Kabado ng tanong niya.

"Mag hunos dili ka nga."

"Wala si ate Shan?" Tanong ni Niana na lumabas na ng kwarto.

Sinindihan niya na din ang ilaw sa hallway. "Wala."

"Sabihan ko na kaya sila Kent?" Tanong ko.

"Mas mabuti pa nga ate." Sang-ayon ni Niana.

Una akong kumatok sa kwarto nina Clark kung asan si Kent. Binuksan 'yun ni Kent na halatang na-istorbo sa pagtulog.

"What?" Inaantok na tanong niya. 

"Si Shan nawawala." Saad ko na nagpagising sa kanya.

"What? Anong nawawala?" Tsaka siya lumabas sa kwarto niya at pumunta sa kwarto namin para tignan kung totoo ang sinasabi namin.

"Hindi namin alam. Paggising ko wala na siya. Siguro hinanap niya si Jeremy kanina at ang kinababahala ko ay baka lumabas pa siya."

Lumabas na din ang iba pa naming kasama na halatang inaantok pa.

"What's happening?" Tanong ni Jade.

"Nawawala si Shan." Sagot ko.

"Ano?!" Sabay-sabay na tanong nina Ash.

"Saan natin siya hahanapin ngayon?" Tanong ni Aria.

"Tinignan niyo na ba sa buong bahay?" Tanong ni Kyle na tinanguan namin.

"Masyado ng late para lumabas." Saad naman ni Clark tsaka ako yinakap.

"Ipagpabukas na lang natin." Suhestyon ni Jade dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"What?" Unang nag react si Jeremy. "Paano kung ikaw ang nawawala? Okay lang ba na matulog kami ng mahimbing ngayong gabi at bukas ka na lang namin hanapin?"

"It's 1 o'clock in the morning! It's too dangerous if we will find he---"

"That's why we need to find her." Putol ni Kent sa sasabihin ni Jade. "It's too dangerous. If you don't want to help us, go back to your room and sleep." Tsaka siya bumaba sumunod naman dun si Zayden.

"Sasama ako sa paghahanap." Saad ko.

"Hindi na, kami na lang. Maghintay na lang kayo dito. Masyadong dilikado kung pati kayo lalabas." Suway ni Clark.

"Ano? Wala kaming gagawin habang si Shan nawawala?"

"Kami na ang maghahanap, Xia."

"Tama si Clark. Mas delikado kung pati kayo lalabas." Sang-ayon ni Andrei.

"Paano 'yan wala pa man ding signal dito." Saad ni Aria.

"Bahala na." Tsaka sila lumabas.

Shan's POV

Itinaas ko ang phone ko umaasang makakasagap ako ng signal pero bigo ako. In fairness nakakatakot dito ah. Feeling ko nga may nakasunod sa akin na kung ano tapos bigla na lang akong dadakmain at kakainin. Feeling ko din may nakatingin sa akin at binabantayan ang kilos ko.

Feeling ko ano mang oras makakatapak ako ng ahas. Yung malaking ahas tsaka ako kakainin.

"Wak! Wak! Wak! Wak!"

Napayakap ako sa sarili ko nang may lumipad na kung anong ibon. Nako baka bampira 'yun at ano mang oras ay kakagatin niya na ako tsaka kukunin ang mga lamang loob ko.

Sa totoo lang hindi ko na alam kung saan ako pumupunta. Hindi na din ako nag-abalang magsisi-sigaw dito. Imposible namang andito si Jeremy.

O diba ang bobo ko? Imposible pala eh bakit ka pumunta dito?

Syempre sabog pa ako kanina eh. Tsaka sabi ni Jade nakita niya daw banda rito si Jeremy.

Nako baka dopple ganger ni Jeremy ang nakita niya at balak akong patayin nung dopple ganger niya. Wag naman sana no.

Feeling ko may kapre dito. May usok akong nakikita eh.

"Nako po. Gabayan niyo ako. Ilayo niyo ako sa mga masasamang ispirito."  Kabadong bulong ko.

Wag naman sana akong makakita dito ng kabaong na lumulutang no? May napanood kasi ako sa tv na ganun eh. Nako saksakin niyo na lang ako kaysa makakita ako ng ganon.

Muli akong napayakap sa sarili ko ng makarinig ng owl. "Hoy wag ka namang manakot. Ito naman oh. Peace tayo." Parang tangang saad ko.

Nako kakasalita ko dito baka mamaya may sumagot na. At dahil malas ako, ang cellphone ko ay namatay. Empty bat na. Ang bait-bait talaga sa'kin ng universe! Mahal na mahal kita universe!

"Wahhh! Bumukas ka na, sige na." Naiiyak ng saad ko.

Tutal wala na akong flashlight at hindi ko na alam ang pupuntahan ko umupo na lang ako sa isang malaking puno na sa tingin ko ay bahay ng isang kapre.

Sinubukan ko pang buksan ang cellphone ko pero wala talaga. Mukhang dito ako magpapalipas ng gabi kasama ang mga multo sa paligid.

Yakap-yakap ko ang tuhod ko dahil na din sa takot at lamig. Nakarinig pa ako ng 'Tik, tik tik tik!' Huwaw universe!

Nako po hindi ako buntis!

Gusto ko na lang maiyak dahil sa takot. Baka mamaya may yayakap na sa akin mula sa likod ko. Wahhh!

Ilang minuto pa akong naka-upo dun. Kumakanta-kanta pa ako para ma-distract ko ang sarili ko pero ang malaki at malawak kong utak sinasabing kapag pinagpatuloy ko ang pag kanta ko ay may makiki-duet sa akin.

Napaka-galing talaga!

Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng yapak at habang tumatagal ay papalapit 'yun ng papalapit sa akin.

Nanginginig na ako sa takot dahil baka ayan 'yung nangangain ng tao. Yung sa palabas na wrong turn. Wag naman sana! Sige pagkinain niya ako kakainin ko din siya. Magakakainan kami. Aba hindi ako papatalo!

Pero hindi ko pa din talaga ma-iwasang matakot. Hindi nagtagal ay nawala 'yung tunog. Ito na 'yun. Yung kapag haharap ka sa likod mo e andyan na 'yung multo. Wahhh! Tatakbo na ba ako? Huminga ako ng malalim tsaka ako dahan-dahang humarap sa likod ko.

"Shan?"

Bigla akong napatayo nang makita si Zayden. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Wahh! Zayden bakit ngayon ka lang?!" Naninisi pang saad ko na parang siya ang may kasalanan.

"Bakit ka napunta dito?" Tanong niya.

"Hinahanap ko si Jeremy eh."

"E bakit dito?"

"Sa bahay ko na ipapaliwag. Tara na at baka dumating pa 'yung mga cannibal tapos kainin tayo." Saad ko tsaka ko siya  hinila. "Hindi ka ba natakot magpunta dito?" Tanong ko.

"Hindi." Saad niya.

"Edi ikaw na." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Feeling ko may engkantong nakatingin sa atin ngayon." Pananakot ko sa kanya.

"Look at your right side." Napahinto ako sa sinabi niya. Tinignan ko naman siya tsaka umiling. Muli ko siyang hinila dahil nananakot na siya. "Nakakakita ako ng multo Shan." Muli ko siyang nilingon.

"T-talaga? M-may multo ba dito?" Kabadong tanong ko.

Tumango naman siya na nagbigay kilabot sa akin. May itinuro siyang direksyon. "May white lady na nakatingin sa atin sa banda ron." Aniya kaya napatingin din ako pero wala naman.

Muli kong hinarap si Zayden. "Ahy malandeng kabute!" Nagulat na lang ako nang itapat niya sa mukha niya ang flashlight na hawak niya. Agad naman siyang natawa dahil sa naging reaksyon ko. Mabilis ko siyang sinuntok sa balikat tsaka ko siya sinamaan ng tingin. "Ikaw ang makakapatay sa akin eh! Kapag namatay ako ikaw isusunod ko!" Inis na ani ko na tinawanan niya lang.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Kinuha niya ang kamay ko kaya napalingon ako dun. "Para hindi ka na mawala." Parang nabasa niya ang tanong sa isip ko at kusa na niyang sinagot. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

"May girlfriend ka ba or nililigawan or nagugustuhan?" Curious na tanong ko.

Tinignan niya din ako tsaka tumango. "May nagugustuhan." Sagot niya.

Agad naman akong napangiti. "Sino naman 'yang swerteng babae?" Tanong ko.

Kahit madilim ay nakita ko ang pagngiti niya sa akin. "Ako ang swerte sa kanya."

"Ay ang corny." Tsaka ako bahagyang natawa. "Kung ganon nililigawan mo na?"

"Hindi." Napahinto ako sa sagot niya kaya napahinto din siya.

"Bakit hindi?!"

"Wala akong pag-asa."

"Paano mo naman nasabi? Nag confess ka na ba?" Muling tanong ko.

Umiling siya. "May nagugustuhan na siyang iba. Huli na ako." Tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Bigla ko namang naalala 'yung sinabi niya sa akin dati.

"Ayan pa rin ba 'yung babaeng kwinento mo sa akin dati?" Tanong ko na muli niyang tinanguan. "Hay! Ang torpe mo naman pala! Agawin mo na lang kaya?" Natawa ako sa sariling naisip. Napahinto ako nang mapahinto siya. Nang tignan ko ay nakatingin siya sa akin. "Bakit?" Tanong ko pero umiling lang siya tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Sa tingin mo kung nag confess ako ng maaga, magkakaroon ako ng chance?" Tanong niya.

"Ewan. Pero malay mo. Gwapo ka naman. Masipag, mabait at matalino pa. Ano pang hanap niya."

"Nakakatakot lang i-risk 'yung friendship na meron kami. Ayokong masira."

"Sabagay. Pero alam mo para mawala 'yang nararamdaman mo kailangan mong mag confess. Sa ganoong paraan gagaan ang pakiramdam mo."

"Kung ikaw ba tatanungin, kaya mo bang i-sakripisyo yung friendship na meron kayo para sa nararamdaman mo?"

Dahil sa tanong niya ay napahinto ako at napa-isip. Naalala kong nagka-crush ako dati kay Caleb pero nung nag confess ako sa kanya ay parang wala namang nagbago. Pagkatapos ko ngang mag confess at ma reject ay nawala din agad yung nararamdaman ko.

"Ano nga bang mas matimbang? Friendship or feelings?" Bahagya akong napa-isip sa sarili kong tanong. "Kung ako ang papipiliin, mas matimbang ang friendship kaya mas pipiliin kong sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko."

"Huh?" Naguguluhang tanong niya kaya bahagya akong natawa.

"Mas gugustuhin kong mag confess pero hindi ko hahayaang mawala yung friendship at pinagsamahan namin dahil lang sa feelings ko. Alam mo kasi, kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo dun pa lang sira na. Kasi bawat galaw niya binibigyan mo na ng malisya. Sa huli ikaw lang masasaktan pero hindi mo pwedeng sabihin sa kanya kasi bakit ka naman masasaktan eh 'magkaibigan' lang naman kayo. Kapag nag confess ka naman kailangan mong ihanda yung sarili mo. Pwedeng ma-reject ka at pwede ding mutual kayo ng feelings. Kung ma-reject ka man at least nasabi mo yung nararamdaman mo tsaka may dahilan ka para masaktan, pero hindi maiiwasan ang pagbabago pero mas okay na 'yun kaysa lumalim yung nararamdaman mo. Mas mahihirapan ka lang. Nasa sa inyo na 'yun kung sisirain niyo dahil lang sa nararamdaman mo. Kung mutual man kayo ng feelings edi okay." Mahabang paliwanag ko tsaka naglakad na. Ilang hakbang pa lang ay nakita ko na ang ilaw mula sa malaking bahay. Agad akong napangiti dahil sa nakita. "Zayden! Ayan na 'yung bahay!" Masayang saad ko.

"I like you." Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig. Dahan-dahan kong nilingon si Zayden kasabay nun ang malakas na hangin dahilan para ihangin ang nakabuhaghag ang mahaba kong buhok. Nakatitig siya sa akin ng seryoso. Yung tibok ng puso ko sobrang lakas. Hindi nagtagal ay natawa siya. "Kidding. Practice lang. So ganyan pala ang magiging reaksyon ng kaibigan ko kapag nag confess ako sa kanya?" Tsaka siya muling natawa.

Ako naman ay nakahinga ng maluwag.

"Puro ka kalokohan." Saad ko tsaka muling tinignan ang malaking bahay. "Ayun na 'yung bahay, Zayden! Tara na." Tsaka ko siya binalikan tsaka ko hinawakan ang kamay niya para haltakin.

Hindi pa man kami nakakalayo sa pinanggalingan ay napatigil na kami nang dumating si Chandler.

Napatingin siya sa kamay naming dalawa ni Zayden tsaka kami tinignan pareho. Napalingon ako kay Zayden nang bawiin niya ang kamay niya sa akin. "Mauuna na ako." Aniya tsaka kami nilagpasan.

"Zayden!" Muling tawag ko. Nang lingunin niya ako ay ngumiti ako tanda nang pagpapasalamat. "Thank you! Yung sinabi ko sa'yo ah! Kailangan mo ng gawin 'yun."

Napangiti naman siya tsaka tumango. "Gagawin ko 'yun." Aniya tsaka tumalikod.

Nang makalayo siya nilingon ko si Chandler na nakatingin sa pinanggalingan namin tsaka niya sunod na tinignan ang daang pinuntahan ni Zayden kaya napalingon din ako dun. May kalayuan na sa amin si Zayden. 

Pagkaharap kay Chandler ay nagulat na lang ako nang nasa harap ko na siya tsaka niya ako yinakap.

"Chandler?" Mahigpit ang yakap niya sa akin. Hindi nagtagal ay humiwalay din siya.

"Bakit ba lumabas ka pa? Paano kung may nangyaring masama sa'yo dyan?" Inis na tanong niya.

"Hinanap ko lang naman si Jere---"

"Do you really think he will go there?" Tsaka niya tinuro 'yung kakahuyan.

"Sabi ni Jade nakita niya si Jeremy na pumunta dun kaya anong gagawin ko? Tumunganga at matulog?"

Naglabas siya ng mabigat na hininga tsaka umiwas ng tingin. Napapikit pa siya halatang nagpipigil.

"Let's go back." Aniya tsaka kinuha ang kamay ko.

Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Jeremy at Xia.

"Saan ka ba nagpunta?!" Sigaw ni Xia.

"Pinag-alala mo kaming lahat!" Dugtong pa ni Jeremy.

Agad ko naman siyang kinaltukan. "Ikaw nga tong lumabas ng walang paalam! Syempre hinanap kita. Saan ka ba nagpunta?" Tanong ko.

Ngumuso naman siya. "Sa likod naghanap ako ng signal kasi nag text si Papa. Nakita pa nga ako ni Ate Jade eh." Anito.

Agad akong napatingin kay Jade. Nang magtama ang tingin namin ay umiwas siya ng tingin. "Pero sabi mo nagpunta siya sa direksyon na 'yun..."

Lahat sila napatingin kay Jade.

"Huh?" Takang tanong ni Jeremy.

"Ikaw nagsabi kay Shannayah? Eh bakit sabi mo kanina nung tinanong kita hindi mo alam kung asan siya?" Tanong ni Xia kay Jade na hindi umiimik.

"You know but you didn't bother to tell us?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zayden.

"You planned it right?" Napatingin siya kay Chandler ng magsalita siya. Tinignan naman siya ni Chandler na seryoso pero madilim ang mga mata niya.

"Kent---"

"What if something happens to her in that fucking forest? Kaya mo bang panagutan ang ginawa mo? Did you even think about your action? I didn't know that you were that immature." Tsaka siya lumabas ng bahay.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nila at halata sa mga mata nila ang disappointment dahil kay Jade.

Tinignan ako ng masama ni Jade. "You always make a trouble."

"Enough!" Sita ni Zayden.

"Ikaw ang gumawa ng gulo dito, Jade." Saad ni Xia pero hindi siya binalingan ng tingin ni Jade. Sa akin lang siya nakatingin ng masama. Tumalikod siya tsaka umakyat sa taas.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Xia na tinanguan ko naman.

"Sorry sa abala." Saad ko.

"Hindi ka naman abala sa amin, Shan. Buti na lang at naka-uwi ka ng maayos." Saad ni Ashang.

"Magsitulog na ulit tayo para makapagpahinga." Saad ni Andrei na sinang-ayunan naman namin.

Pero nagpa-iwan ako dahil pupuntahan ko sa labas si Chandler.

Nang makaakyat sila ay tsaka ako lumabas para puntahan si Chandler.

Natagpuan ko naman siya sa likod ng bahay. Naka-upo sa nag-iisang bench.

Bago lumapit sa kanya ay inilibot ko pa ang paningin sa paligid. Maganda na nga sa harap pero masasabi kong mas maganda dito sa likod. Kumpara sa harap mas maraming bulaklak dito at sigurado akong kapag umaga ay mas matatanaw namin dito ang mga bundok.

Lumapit ako sa kanya tsaka ako umupo sa bench. Malayo ang pagitan namin. Nasa dulong bahagi siya at ganon din ako.

Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin kaya tinignan ko din siya pero umiwas siya ng tingin.

"Bakit ka nandito?" Basag niya sa katahimikan.

"Pinuntahan ka?" Patanong na sagot ko.
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik habang nakatingin sa madilim na lugar. "Galit ka ba?" Tanong ko.

Sa pagkakataong 'to ay tumingin na siya sa akin. Huminga siya ng malalim tsaka sumagot. "I'm not."

"Eh bakit kanina mo pa ako sinusungitan? Nahawa ka na ba kay Jeremy?" Tanong ko.

"Do you really love me?" Biglang tanong niya. Napakurap-kurap pa ako dahil sa tanong niya. "Nevermind." Tsaka siya umiwas ng tingin.

Sa pagkakataong 'to ay ako naman ang napabuntong hininga. Tumingin na lang din ako sa madilim na lugar.

"Oo." Sagot ko. Naramdaman ko ang paglingon niya pero nanatili akong nakatingin sa malayo. "Mahal kita Chandler kaya nga kita sinagot eh." Tsaka ko siya nilingon dahilan para magtama ang tingin namin. "Hindi ko sasabihin ang salitang 'I Love you' sa taong hindi ko naman mahal. Para sa akin ang salitang 'yun ay hindi dapat sinasabi ng basta-basta. Kung sasabihin ko man 'yan kailangan totoo at walang alinlangan. At totoo 'yun Chandler. Walang alinlangan." Tsaka ako ngumiti.

Inabot niya ang kamay ko tsaka niya ako hinila palapit sa kanya para yakapin. "Don't that again."

Agad naman akong nagtaka dahil sa sinabi niya. "Ang alin?" Tanong ko.

"Don't look at Zayden like how you look at me. Don't smile at him like how you smile at me." Agad akong kumawala sa kanya para tignan siya.

"Huh? Paano ko ba siya tignan at ngitian?" Naguguluhang tanong ko.

"Just don't do it again." Tsaka siya umiwas ng tingin.

"Ang gulo mo." Bulong ko pero agad ding napangiti. "Nagseselos ka ba?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"I'm not. Ayoko lang na ngumingiti ka sa iba gaya ng pag ngiti mo sa akin." Paliwanag niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Paano ba dapat? Nagseselos ka lang eh." Pang-aasar ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"What if I am. Anong gagawin mo?"

"Sabi na eh!" Tsaka ako bahagyang natawa. "Wag kang magselos kay Zayden. Kaibigan ko lang siya." Saad ko.

"We are still not okay."

"Bakit ba?"

"You hold his hand earlier. Akala mo ba hindi ko nakita 'yun?"

"Chandler, hihilain ko kasi dapat siya." Paliwanag ko.

Sa huli ay naging okay naman kami. Napagpasyahan na rin naming pumasok.

Zayden's POV

"Jade." I called her but she ignore me. "Jade." This time she looked at me with her irritating look.

"What now?"

"Why did---"

"Why did I do that?" She cut what I about to say. "Look. I'm just annoy at her. At mas lalo akong naiinis sa kanya."

"It's dangerous, Jade!" Madiing saad ko.

"So what? As if I care." I looked at her in disbelief. "Look, Zay. You like her right?" She asked that made me stunned for a second. "I'm right. Help me. Paghiwalayin natin sila."

"Hindi mo sila mapaghihiwalay." Saad ko. "Itigil mo na 'yan at kung ano pa 'yang binabalak mo." Then I turn my back at her.

"If you don't want to help me, then don't. Wag mo lang akong pakikialaman sa gagawin ko. Sa totoo lang kung mag tagumpay man ako dito hindi lang ako ang makikinabang ikaw din---"

"Stop it, Jade." I faced her again. "Nagiging desperado ka na sa ginagawa mo."

She raise her eyebrows. "Ang galing mo naman magsalita. Parang hindi mo 'to ginawa dati ah."

"We are not in the same situation."

"Oh come on. Don't play innocent, Zay. I know everything."

"No. You don't know everything. Wag mong gagalawin si Shannayah kung hindi ako ang makakalaban mo." Tsaka ako naglakad paalis ngunit muling napahinto nang magsalita siya.

"As if I'm scared. Gagalawin ko kung sino ang gusto kong galawin mapaghiwalay lang sila. Manood ka lang. Sa gagawin ko makikinabang ka din and you will thank me." For the second time I faced her again but she's now walking away. 

I sighed remembering what Shan's said earlier.

"Hay! Ang torpe mo naman pala! Agawin mo na lang kaya?"

I mentally laugh. Kung makasarili akong tao baka noon ko pa ginawa 'yan.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising para umakyat ng bundok. Hindi pa man sumisikat ang araw ay umalis na kami sa bahay para maabutan daw namin ang sunrise.

Nasa likod nila ako kaya nakikita ko silang lahat pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit kina Shan ako nakatingin.

Magkahawak sila ng kamay ni Kent.

Funny right? It hurts me but I'm still watching them. How she laugh and smile because of Kent. How happy they are. How in love they are. I smiled bitterly.

I averted my gaze and turned my attention at the mountain.

Pag-dating sa tuktok ng bundok ay agad naming inayos ang telang pagpapatungan ng mga pagkain na dala-dala namin.

Ilang minuto lang ay unti-unti nang lumalabas ang araw.

May kanya-kanya silang mundo. Si Clark at Xia ay nag p-picture. Si Kyle at Ash ay nagkwe-kwentuhan habang nanonood. Si Andrei at Aria ay kumakain. Si Jeremy at Nini naman ay as usual nagbabangayan at nagsasamaan ng tingin. Para silang mga aso't puso. Habang si Jade ay nakatingin sa direksyon nina Shan kaya nabaling din sa kanila ang paningin ko.

Pareho lang silang tahimik. Si Shan na nakatingin ngayon sa pagsikat ng araw habang nakangiti. Halatang nagagandahan. At si Kent naman ay nakatitig kay Shan. Nang tumama ang sikat ng araw sa mata ni Shan ay napapikit siya kaya bahagya akong natawa.

Wala namang nakarinig nun. Nang muli kong tignan ang direksyon nina Shan ay nakataas na ang kamay ni Kent para sanggain ang ilaw na tumatama sa mata ni Shan.

Nagbulungan silang dalawa at hindi nagtagal ay tumawa si Shan.

Her sweet smile will always be my favorite view. But, reality slap me, that I'm not the reason why she's smiling. I'm just a viewer but never be a source.

I smiled bitterly and averted my gaze.

"Guys mag wish tayo!" Aya ni Aria kaya lahat kami napunta ang atensyon sa kanya. "May paniniwala kasi dito sa amin na pag sikat daw ng araw tapos nag wish ka matutupad 'yun. Kailangan lang nating magtapon ng barya. Dapat yung malayo para matupad." Paliwanag niya. "Ano game?"

"Game!" Sang-ayon naman nila.

Agad silang pumwesto para mag wish tsaka nila 'yun isa-isang tinapon sa abot ng makakaya nila.

Bago ako humiling ay napalingon pa ako sa direksyon ni Shannayah na kasalukuyang nakapikit para humiling. Ang nakataling mahaba niyang buhok ay hinahangin.

Pagbukas ng mata niya ay agad niya 'yung itinapon tsaka napangiti ng makitang malayo ang napuntahan nun.

Iniwas ko ang tingin ko tsaka ako humiling, tsaka ko 'yun malakas na itinapon.

I... I hope what I wished will come true.

'Sana mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya.'

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 31.6K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.1M 29.1K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
1M 96.6K 40
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
179K 4.9K 35
When nightmare is told he isn't a king, he must marry to become one. He doesn't care about who, he just wants the name. Will he find love? Welp that...