Chapter 52: 1st Monthsary

123 4 0
                                    

Chandler's POV

Kinabukasan ay umuwi na din kami. Inihatid ko lang sina Shan at Jeremy.

Pagdating sa bahay ay si Daddy agad ang bumungad sa amin. Agad na nagpunta sa likod ko si Nini.

"How's the vacation?" He asked but I didn't respond.

Hinarap ko si Nini. "Go to your room. Magpahinga ka na." Saad ko na tinanguan niya naman.

Bago siya umakyat ay niyakap niya muna si Daddy. Nang makaakyat siya ay hinarap ko si Daddy.

"The anniversary of DFMH and DFMU is coming. Wag kang mawawala."

"Do I still need there?" I asked.

"If you're not needed there, I won't tell you. Presensya mo lang ang hinihingi ko, Kent."

Napabuntong hininga ako tsaka tumango. Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.

"What's your relationship with that... what's her name again? Doc. Sheena's daughter. Shen---Shaya---Shannayah! Right. Shannayah."

"What about her?" I asked.

"What's your relationship with her?"

"It's none of your business, dad." I answered.

"Kung ano man ang relasyon mo sa kanya, putulin mo na kung ayaw mong ako ang gumawa ng paraan para magka-sira kayo." My fist clenched. He's doing again. He's trying to use my weakness to obey him.

"I'm not your puppet anymore. Matagal na akong lumayo sa pamilyang 'to."

"Wala kang utang na loob."

"I don't owe you anything. You controlled me for eighteen years, isn't that enough for you?"

"Hanggang nandito ka sa pamama---"

"I can leave this fucking hous---"

"Then leave!" He shouted. "Wag mo lang isasama si Niana."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Kaya ko namang mabuhay ng wala sila. Hindi naman ako tumatanggap ng pera na nagmula sa kanila at may sarili akong condo. Ano mang oras pwede akong umalis pero si Nini. I can't leave her in this fucking house. Ginagamit nilang pang block mail ang kapatid ko para mapasunod ako.

"Do what you want to do, just don't touch my girl. Once you touched her, I will forget this fucking family."

"Your girl? So she's your? Girlfriend?" Bahagya siyang ngumiti. "We should meet her. How lucky girl or should I say... goodluck to her? Invite her on the anniversary. I want to know her. Ano bang nakita mo sa kanya at kung ano ba ang nakita niya sa'yo." Lumapit siya sa akin tsaka niya tinapik ang balikat ko.

I have a bad feeling about it.

Days had passed. Hindi kami madalas makapag-usap ni Shan. Hindi rin naman ako maka-alis para puntahan siya dahil andaming ginagawang paghahanda para sa gaganaping anniversary ng DFMH at DFMU. Ang huling pagkikita nga namin ay noong naka-uwi kami galing sa bakasyon, pero kahit ganoon ay nag a-update pa rin siya sa akin.

Today is sunday. April 30, the 25th anniversary of  DFMH and DFMU. Monthsary rin namin ngayon ni Shan.

Hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan. Plano kong umalis din agad sa venue kung saan gaganapin ang selebrasyon dahil so-sorpresahin ko si Shan.

Gaganapin ang selebrasyon sa isang luxury hotel na pagmamay-ari ng Freihn.

"Good evening everyone. I'm glad that you all accepted my invitation." Umpisa ni Daddy. "We are all here to celebrate the 25th anniversary of DFMH and DFMU. We will also celebrate the death anniversary of my father in-law, Fernando Solvoux the former President of Solvoux Medical Hospital and Solvoux Medical University and known now as Del Ferro Medical Hospital and Del Ferro Medical University." Pumalakpak naman ang mga tao. "Nagpapasalamat ako sa mga shareholders na tumulong sa akin upang palaguin ang negosyong itinayo ng biyanan ko. I'm also thankful to all the doctor's, nurses, professor's and other workers of DFMH and DFMU. Masaya akong maka-trabaho kayong lahat." Muling pumalakpak ang mga tao dahil sa sinabi niya.

The Doctor's HeartBeatWhere stories live. Discover now