Every Beat of Heart (Agravant...

Bởi jhelly_star

32.3K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... Xem Thêm

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 37

722 20 0
Bởi jhelly_star

Kabanata 37

Troublesome

--

Lee drove me to my shop after our lunch. We were in the parking lot and I was just getting out of the car when I saw him get off as well. Lumapit siya sa akin. Inaayos ko pa ang shoulder bag ko nang yakapin niya ako bigla. Nagulat ako sa ginawa niya.

“Your family is invited to my father’s party, right?” he asked.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi pa ako nakakabawi sa biglaan niyang pagyakap sa akin.

“Y-Yes… Why?”

“Are you coming?”

“Yes… Of course. Kaibigan ng pamilya ko ang pamilya mo kaya… pupunta kami…”

He sighed. He broke away from the hug and faced me. Tinitigan niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit siya nagtatanong nang ganito.

“I thought you weren't going because of…" he didn't continue.

Tinitigan ko siya. Napabuntong hininga ako nang nakukuha na ang sinasabi niya. Is he worried about his Mom? Siguro alam niya rin na hanggang ngayon hindi pa rin ako ganoon kagusto ng Mama niya.

Maliit akong ngumiti.

“Pupunta ako. Magagalit si Mommy sa akin kapag hindi ako sumama…” I laughed a little to light the mood.

He sighed again while staring at me.

“Don’t worry. I’ll be there,” he said.

I nodded and was slightly relieved by what he said. Inaamin ko rin kasing kabado ako sa party na iyon. Takot pa rin ako sa Mama niya lalo na dahil sobrang tagal na nung huli kaming nagkita. Kaya ngayong sinasabi ito ni Lee, napanatag ako. Atleast alam kong nandoon siya para sa akin.

“Sige na. Baka ma-late ka pa sa trabaho mo,” sabi ko.

He nodded and hugged me one last time. After that he left and I entered my shop.

Sa linggo pa ang party kaya matagal tagal pa ang panahon ko para mag ipon ng lakas ng loob. Inisip ko na agad ang magiging bati ko sa Mama niya at gusto ko pa ngang bumili ng regalo para sa Papa niya.

The next day Lee came with me to buy a gift at the mall. I told him not to come because apart from him being busy, regalo ko rin ito para sa Papa niya. Ayokong makita niya agad. Pero ayos lang naman siguro ‘yon kaya hindi na ako umangal.

“I heard there’s so many things happened in your family these past few years…” si Lee habang naglalakad kami.

We are already here at the mall and I thought of giving his Dad a hat as a gift so we are here at the hat shop. Iyon lang ang naisip kong magandang iregalo kaya ito nalang.

“Mmm, yup. Elizabeth is not my cousin…” I said and sighed. Naalala ko na naman ang nangyari mahal kong pinsan.

“How did you feel when you found out about it? Were you hurt? ” he asked slowly.

“Of course... I love Eli so much that I was hurt when I found out that she wasn't my cousin and... she was just fooling us. Ilang buwan ko ring hindi makalimutan ‘yon…” sabi ko habang naniningin ng mga hat.

Sa totoo lang hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga ginawa ni Eli. Kinilala ko na siyang pinsan ko simula pagkabata. Mahal na mahal ko siya. Pero niloko niya lang kami at mukhang hindi naman siya nagsisisi sa ginawa niya. Kaya nasasaktan ako.

Sana balang araw pagsisihan niya na ang lahat ng ‘yon. Kahit iyon nalang… para kahit papaano hindi na rin siya masaktan.

“And your real cousin?”

Ngumiti ako.

“Cassandra... She’s kind. And brave too. She really did everything just to make us believe in her. Our family didn't want to have a DNA test because they didn't want to hurt Eli. But fortunately, they eventually decided to do that to find out the truth. Hindi kasi talaga tumitigil si Cassandra. She’s very brave. She’s my idol…”

“Uh-huh…” lumapit sa akin si Lee at hinawakan ang kamay ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakitang naniningin rin siya ng mga sumbrero habang nakikinig sa akin. Pinigilan ko ang pagngiti at bumalik na lamang sa paniningin.

“Nakulong si Eli at si Tita Amelia, ang totoong Mama niya. Hindi naman dapat namin ipapakulong si Eli pero… pinagtangkaan niya ang buhay ni Cassandra. Babarilin niya dapat kaya lang… humarang si Brandon kaya siya ang nabaril…”

“Really? And… Brandon Monteza?”

“Oo. Paano mo siya nakilala?” tumingin ako sa kanya.

“He’s Cassandra’s boyfriend, right? Nakilala ko lang siya sa mga parties.”

Oh! Tumango tango ako.

“Yes, he’s Cassandra’s boyfriend. Ang galing nga, e… Tinaya niya ang buhay niya para lang hindi masaktan si Cassandra…”

“I can do that too,” he said.

Kunot noo ko siyang nilingon.

“I also can risk my life for you…” he whispered and smirked playfully. Pero alam kong seryoso siya sa sinabi niyang ‘yon.

Tinitigan ko siya. Gusto ko ang sinabi niya ngunit umiling ako.

“Wala namang magtatangka sa buhay ko kaya hindi na mangyayari ‘yan.”

He chuckled.

“Are you worried? I’m just saying that I can risk my life for you. Because I love you.”

“Tumigil ka nga.”

Humalakhak siya at hindi na nagsalita. Kinurot niya nga lang ang pisngi ko kaya hinampas ko ang kamay niya at tinitigan siya ng masama.

Nakapili ako ng hat para sa Papa niya at agad naming binili ‘yon. Ako ngayon ang nagbayad dahil para sa Papa niya ‘yon. Hindi siya ang pwedeng magbayad kaya wala siyang nagawa.

“How about you? Naging architect ka na. May sarili ka pang kumpanya. Ang layo na ng narating mo…” sabi ko habang naglalakad kami palabas ng mall.

Kakain na kami ng lunch.

“I just worked hard for it and I’m still working hard. Marami rin kasing kilyente ang gusto akong kunin kaya naging mabilis ang pag iipon ko. Nakapag patayo agad ako ng kumpanya.”

“Sampung taon na ang lumipas. Sapat na iyon para maging successful ka. I’m proud of you…” halos ibulong ko ang huli.

He turned to me. He can’t seem to believe that I just said that.

“Really?”

“Really…” I smiled.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Napatingin ako roon ng ilang sandali ngunit nag angat rin ng tingin sa kanya. He smiled at me. I smiled back.

The day of his father’s birthday came. I was very nervous while in the car. I’m wearing a blue formal dress. I found out that it was a big party and a lot of families would attend kaya ginandahan ko talaga ang damit na susuotin. Pinaghandaan ko talagang mabuti ito dahil gusto kong maging maganda ang impression nila sa akin. Hindi ko nga lang alam kung sapat ba talaga ito para hindi na sila magalit sa akin.

Tss. Syempre hindi, Mina. Hindi mapapawi ang galit ng isang tao nang dahil lang sa ganda ng suot mo.

But I just really hope everything goes well. Especially now that their son Lee is my boyfriend. I don't know yet how they will react but I really hope… everything will be fine.

“Sabihin mo, kayo na ni Lee, noh?” pang uusisa na naman ni Ate habang nasa sasakyan kami.

Nilingon ko siya at kunot noong tinitigan.

“Tss. Wag ka nang magpanggap! Nakita ko kayo sa mall noong isang araw. Magka holding hands! Oh! Itanggi mo,” banta niya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita niya kami? Aba’t talaga nga namang napaka galing nitong Ate ko! Hindi lang chismosa, stalker rin yata!

“Wag ka ngang maingay!” bawal ko sa kanya.

She smirked.

“O-Oo kami na… Pero wag mo munang sabihin sa iba! Secret na muna…” pakiusap ko sa kanya.

“I knew it! But why do you want to keep it a secret? Ano ‘yan?”

“Ayoko munang malaman ng iba!”

“Tss. Fine. Ayos na ako na sinabi mo sa akin,” she smirked again.

“Thank you…”

Ayoko pang malaman ng iba dahil natatakot akong baka malaman ng Mama ni Lee, ng pamilya niya! Baka kung ano pa ang isipin nila. Baka gaya ng iba, isipin rin nila na nagustuhan ko lang si Lee dahil kay Seb. I don’t want them to think that way. Walang katotohanan iyon!

“Good evening, ladies…” marami na naman ang bumati sa amin ni Ate Johanna pagkarating namin sa venue.

Malaki nga ang party. Inasahan ko na dahil mga Hidalgo ito. Malaki talaga sila kung magparty dahil mayaman. Malaki pa ang pamilya kaya parang natural na lamang ito sa kanila.

“Michelle, come here…” tawag sa akin ni Lolo nang natapos akong makipag usap sa isang kakilala.

I quickly went to him and he introduced me to their business partners. Kahit pa hindi ako ang magmamana ng mga kumpanya namin, he still wanted his friends to know me. I smiled because of that. He did the same to Ate Johanna. He also introduced her to his friends.

Nang pupunta na kami kay Leandro Hidalgo, sa may birthday, parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Natanaw kong nandoon rin si Criselda Hidalgo, ang Mama ni Lee at si Lee na naka suit and tie kaya mas lalo pa akong kinabahan!

Eto na… eto na!

Nagtama ang mga mata namin ni Lee. He was watching me seriously while I was already nervous. But even so, I still forced myself to smile at him. I don't want him to worry. I want him to think that everything is just fine for me.

Kaya lang nang malapit na talaga kami, hindi ko na maitago ang kaba ko. Paniguradong namumutla na ako sa sobrang kaba!

“Good evening. Happy birthday, Leandro,” my Daddy said.

“Thank you!” Leandro Hidalgo smiled at my father.

Sunod na bumati ay sina Mommy at Ate Johanna. Nang ako na, para akong aatakihin sa puso! Lalo na nang sa akin lahat ang paningin nila!

“H-Happy birthday po…” nautal pa ako! “Here’s my gift po…”

Inabot ko sa kanya ang dalang paper bag. Kinuha niya iyon at napangiti. Nasulyapan ko si Criselda Hidalgo na blangko ang titig habang pinapanood kami. Para na talaga akong nawalan ng dugo.

She’s wearing a very elegant red dress. At her age, she’s still really very pretty. I think of her too high. I respect her so much. So now that she’s staring at me, pakiramdam ko mahihimatay ako!

“Thank you, hija! It’s nice to see you again,” Lee's father smiled at me.

“I-It’s also nice to see you again po…” I smiled a little at him.

“How are you? I heard you have your own bakery shop?” nakangiti niya pa ring tanong.

“Uh, opo. Maliit palang po pero maayos naman…” nahihiya kong sinabi.

“That’s okay. Lahat tayo nagsisimula sa maliit,” he smiled and laughed.

Ngumiti rin ako.

“Good evening, Criselda,” si Mommy sa Mama ni Lee.

“Good evening po,” si Ate Johanna.

Nakita kong nag uusap na si Dad at si Leandro Hidalgo kaya bumati na rin ako kay Criselda Hidalgo.

“G-Good evening po…” sabi ko.

“Good evening. How are you?” pormal na bati niya kay Mommy.

“I’m good! You look so beautiful in your dress, Criselda! Who’s your designer?” si Mommy na nakangiti.

Bahagyang tumawa si Criselda Hidalgo at nakipag usap pa kay Mommy ngunit nakikita ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin. Ganoon pa rin siya. Mataray at nakakatakot pa rin ang itsura. Hindi ko kakayaning makipag usap sa kanya kahit pa gusto ko rin siyang makausap. Natatakot ako na baka ayaw niya naman akong kausap.

Kaya naman napunta ang mga mata ko kay Lee. He was talking to some business tycoons there but I could see him looking at me. I smiled slightly at him. I know he's been watching me for a while and I don't want him to worry and not be able to focus on the people he's talking to. Wala dapat siyang ipag alala dahil ayos lang naman ako rito.

I looked at Criselda Hidalgo again and saw that she was also looking at me. Kinabahan ako. She didn’t smile or anything at me so I didn’t know what to do. Her eyes are not very friendly to me. Para bang doon palang sa tingin niya, masasabi ko na agad na hindi niya ako gusto. Nandoon na naman ang pangmamaliit sa kanyang mga mata.

Nagbaba na lamang ako ng tingin. Ate Johanna formally said goodbye to them and pulled me away as well. Siguro napansin niya na hindi ko na kaya pang magtagal pa roon. Nagtungo kami sa mga pagkain at kumuha agad siya ng wine.

“Hay naku! Hanggang ngayon pa rin pala, ayaw pa rin sayo noong Nanay nila, noh?” anya

Ngumiti ako.

“Ayos lang ‘yon. Ganoon talaga…”

“Talagang ayos lang ‘yon. Kayo naman na ni Lee, e…” she smirked.

Alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko pero hindi ko naiwasang tignan siya ng masama. Humalakhak siya dahil doon. Umiling na lamang ako.

“Oh, siya, maiwan na muna pala kita,” si Ate Johanna maya maya.

“Huh? Saan ka pupunta? Isama mo nalang ako,” sabi ko dahil wala ako masyadong kakilala rito.

May nginuso siya sa likuran ko. Noong una kumunot pa ang noo ko ngunit kalaunan nilingon na rin kung sino ang nginunguso nguso niya roon. Nakita ko sa likuran ko ang papalapit na si Lee. Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Natigilan ako.

“Maiwan na muna kita…” narinig ko ang paglalaro sa boses ni Ate Johanna bago niya ako iwan na nga roon.

Napakurap kurap ako. Nakalapit na si Lee sa akin at agad akong nag alala na baka makita kami ng Mommy niya.

“A-Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

“Are you okay?” he asked.

“I-I'm fine. Why are you here?”

His forehead furrowed.

“I'm done socializing so I went to see you.”

“Ayos lang naman ako. Baka… makita tayo ng Mama mo…” nag aalala kong sinabi.

His forehead furrowed even more.

“So what? Are you still worried about my Mom?”

“Alam mo naman na galit pa rin siya sa akin, diba…”

He sighed.

“Kaya sige na. Wag na muna tayong mag usap dito…” pakiusap ko.

“She agreed to your Mom about me pairing with you so you don’t have to worry. She knows about us.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

“She knows about us?”

“She doesn’t know that you are my girlfriend now but she knows that I’m dating you, of course. Pumayag siya sa gusto ng Mommy mo.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang ‘yon.

“Pero hindi natin sigurado. Sa susunod mo na sabihin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa, ha?”

Kumunot ang noo niya. Alam ko agad na hindi siya sang ayon roon.

“Lee... your Mom is still mad at me. Bigyan muna natin siya ng time hanggang sa mawala na ang galit niya—”

“It’s already been ten years. And I don’t care if she doesn't like you. I want you and no one can stop me,” he said very seriously.

I sighed and stared at him. Mukhang hindi ko siya makukumbinsi dito. I just don't want his Mom to get even angrier with me. At anong wala siyang pakialam? Mama niya ‘yon kaya may karapatan din ang Mama niya na magbigay ng opinyon tungkol sa mga babaeng gusto niya!

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baywang ko. Napasinghap ako sa ginawa niya.

“Come on. What do you want to eat?” tanong niya sabay tingin sa mga pagkaing nasa gilid.

“Lee!” saway ko.

“If she doesn’t like you, I don’t care. You are what I want so they have nothing to say there. Do you understand?” seryoso niya akong binalingan.

I stared at him for a moment. I can't believe he really doesn't care if his Mom doesn't like me. Ako may pakialam ako! I have a lot of respect for his Mom and I'm even afraid I'll disappoint her again!

“Michelle…” may banta sa boses ni Lee.

Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ko sigurado kung kaya ko ba talagang baliwalain ang Mama niya pero tumango na lamang ako. Hinayaan ko siyang isipin na sang ayon ako sa kanya kahit pa ang totoo ay nag aalala pa rin ako.

Pinakawalan niya ako at kumuha kami ng pagkain. Gutom na ako. Kanina pa ako nakikipag usap sa mga kakilala simula nang dumating kami. Nangangawit na rin ang mga paa ko kaya naman hinanapan ako ni Lee ng table. Nang nakahanap siya, we went there together and sat down.

“Ikaw? Hindi ka kakain?” tanong ko kay Lee dahil hindi siya kumuha ng pagkain niya. Tanging tubig lang ang iniinom niya.

“Busog pa ako. Kumain ka na. Sasamahan kita…” he said.

I smiled at what he said and nodded. I was still worried that his Mom might see us but I just ate quietly. Mukha rin namang walang balak si Lee na iwan ako. Wala akong magagawa kahit pa makita kami ng Mama niya.

Maraming kumakausap kay Lee kahit pa nakaupo lang siya. Kinakausap niya rin naman ang mga ito ng pormal. Tumatayo pa siya minsan para makipag kamayaman. Napapangiti ako kapag nakikita siyang ganoon.

He has always been good at talking to people. I was amazed at him because of that. Para na siyang matanda kung umasta. And now that he's older, his body has grown bigger and he became more serious, this kind of work suits him even more.

“Lee…” tawag ko nang bahagyang nabawasan ang mga kausap niya.

Lumingon agad siya sa akin at nilapitan ako.

“Why?” he asked.

“Magbabanyo lang ako. Makipag usap ka pa sa kanila. Babalik rin ako agad…”

Tumango siya.

“Okay. Bumalik ka agad dito.”

I nodded and left to go to the bathroom. Hindi ko na nakita pa ang mga pinsan ko at si Ate Johanna. Iilang kakilala na lamang ang nakita ko roon. Others greeted me so I stopped walking for a while. Nagpapa alam rin naman ako agad dahil nababanyo na talaga.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang natapos na. Hindi na ako hinanap ni Mommy. Siguro nakita niyang magkasama kami ni Lee. Iyon ang gusto niya kaya siguro hindi niya na ako inabala. Napabuntong hininga ako. Sana lang talaga hindi magalit ang mga Hidalgo sa mga ginagawang ‘to ni Mommy.

Natigilan ako nang pagkalabas ko sa cubicle sa loob ng cr, ang Mama ni Lee ang nakita ko. Yes! Criselda Hidalgo is here, washing her hands quietly! Natigilan ako sa paglabas at namilog ang mga mata ngunit nakita kong nakita niya na ako sa salamin kaya wala na akong nagawa kundi maglakad nalang rin palabas.

“Uhm… Good evening po…” hindi magandang hindi ko siya batiin kaya naglakas loob na akong bumati.

Nagtaas siya ng kilay at tumingin sa akin sa salamin. I walked slowly to be able to wash my hands even though I was so nervous to go next to her. Hindi ko inaasahan na makakatagpo ko siya rito sa cr! Parang nawala lahat ng dugo sa katawan ko!

“So… Michelle Agravante…”

Kinilabutan ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Natapos na siya sa pagpupunas at hinarap ako. She crossed her arms at halos pagpawisan na ako ng malamig!

“Ang laki mo na. You changed a lot…” she said.

Ilang sandali pa bago ako nakapag salita dahil sa sobrang kaba!

“U-Uh… yeah. Kayo rin po, Ma’am…” tanging nasabi ko.

“So your Mom wants my son to be paired with you…”

Napalunok ako sa sinabi niya. I stopped washing my hands and turned off the faucet.

“I just want you to know that I just agreed with it because it’s for our business and nothing more.”

Hindi ako nakapag salita.

“At alam kong gusto rin naman ito ng anak ko kaya hindi na talaga ako tumanggi pa…”

Kinagat ko ang labi ko.

“Pero alam mo naman siguro kung ano talaga ang opinyon ko rito, diba? I just agreed to what your mother wants because my son also wants it and it's for our business. You know I don't... like you…” she said the last word as if she was very disgusted.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko nang sabihin niya ‘yon.

“I find you a very sweet girl before. But because of what happened to my son, hindi na ulit bumalik ang dating tingin ko sayo. Because of you… my son died…” her voice trembled.

Yumuko ako at tinanggap ang sinabi niya.

“I thought you’re a very sweet, kind and elegant young girl but I was wrong. You are a troublesome kind of girl!”

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

“Dinamay mo pa ang anak ko sa kapabayaan mo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nawala nang ganon ganon lang ang anak ko nang dahil lang sayo!”

“I-I’m sorry, Ma’am—”

“I don’t need your sorry. Hindi mabubuhay ng sorry mo ang anak ko!”

Mabilis na tumulo ang mga luha ko.

Tumango ako at hindi na nagsalita. Yumuko ulit ako habang pinupunasan ang mga luha.

“Sana lang, ngayon, hindi na maulit pa ang nangyari noon. Sana lang hindi magaya si Lee kay Sebastian nang dahil na naman sayo! Sana lang talaga… dahil kung hindi, I'll put you in jail and I'll make sure you don't get out! You know I can do it even if you are an Agravante…”

Tumango ako habang nanginginig ang mga kamay na pinupunasan ang mga luha. Sumisikip ang dibdib ko. Kahit anong pigil ko, patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha.

“I’m sorry, Ma’am… Hindi ko po… sinasadya ang nangyari. Kahit ako po… hiniling ko… na sana ako nalang ang nasagasaan. I’m sorry…” kahit parang nagbabara ang lalamunan, nagsalita pa rin ako para humingi ng tawad sa kanya.

“Sana nga ikaw nalang ang nasagasaan! Ikaw naman talaga dapat ang mababangga roon, hindi ba? Kaya sana ikaw nalang!” sigaw niya, nagpupuyos sa galit.

Tumango ako at nanginginig na binaba ang mga kamay. Masakit… sobrang sakit.

“Tutal gusto mo rin namang ikaw nalang. Pero wala na tayong magagawa dahil nakaraan na ‘yon. Now I just wish that nothing bad would happen to my son because of you. Dahil kapag naulit na naman ang nangyari noon, hinding hindi ko na mapapatawad ang pamilya mo,” huling mga katagang sinabi niya bago siya umalis ng cr.

Para akong nilubayan ng lakas. Napaupo ako sa sahig. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang malakas na paghikbi ngunit hindi ko yata kaya. Napahagulgol ako.

I knew this day will come. I could never escape his mother's hurtful words. And it hurts so much. Mas masakit pa sa naisip kong magiging pag uusap namin. More painful than I imagined. Yung inasahan ko na pero mas matindi pa pala ang mangyayari.

Tumayo ako at naghilamos ng mukha. My make up is gone. Kaya ko namang mag ayos ulit pero halata pa rin ang pamamaga ng mga mata ko. Pinilit ko na lamang tumigil para mawala na agad ang bakas ng pag iyak at makalabas na rito. Kapag nagtagal ako rito, baka mag alala si Lee at puntahan pa ako. Kailangan kong lumabas agad.

I calmed myself. I was like that for a few minutes until I felt a little better. I straightened my face and made sure that the swelling in my eyes wouldn't be noticeable. Sa ilang minuto kong pagtigil sa pag iyak, medyo nawala na ang pamamaga ng mga mata ko.

Huminga ako ng malalim nang natapos. Para akong nawalan ng lakas pero alam kong kailangan kong bumalik sa party. Hindi pa ako pwedeng umuwi. Baka makahalata pa si Lee. I don't want him to know what happened. His mother was also right in everything she told me. I just deserve her hurtful words.

Lumabas ako ng banyo. Nagkakatuwaan pa rin ang iilang guest roon at tahimik lamang akong naglakad pabalik sa table namin ni Lee. Kaya lang sa kalagitnaan ng paglalakad ko nakita ko siyang papunta sa gawi ko. Nang nakita niya ako ay mas lalong bumilis ang kanyang lakad.

“Where have you been?” tanong niya agad nang nakalapit sa akin.

Natitigilan pa akong makita siya.

“Uh… sa banyo lang. Napatagal dahil maraming bumati sa akin. Sorry…” palusot ko.

“I was worried. I thought you left.”

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

“Bakit naman ako aalis? Come on. Let's go back…”

“Are you okay?” tanong niya.

Natigilan ako. Napansin niya bang hindi ako okay?

Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kanya.

“Of course… Come on. I'm still hungry, I still want to eat.”

Ilang sandali niya pa akong tinitigan na para bang inaalam kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Muli akong ngumiti para hindi na siya magduda pa. Hindi niya na kailangan pang malaman na nag usap kami ng Mama niya at ang mga sinabi niya sa akin. Sa tingin ko… ayos nang ako nalang ang nakaka alam no'n.

Sa huli ay bumuntong hininga si Lee at tumango na lamang sa akin. Bumalik kami sa aming table.

I was no longer in the mood for the next few hours. Kapag nagtatama ang mga mata namin ni Criselda Hidalgo ay ang iiwas agad ako ng tingin o kali man nagbababa ng tingin. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi niya kanina. At pakiramdam ko wala na akong mukha na maihaharap sa kanya. Wala na akong karapatan para tumingin sa kanya.

“Uh, balik na ako. Tinatawag na ako ni Lolo. Mukhang uuwi na kami…” paalam ko kay Lee nang senyasan ako ni Lolo na lumapit sa kanya.

I want to get out of here too. Dahil naiisip ko… mas lalong hindi magugustuhan ni Criselda Hidalgo kung patuloy pa akong lalapit sa kanyang anak.

Lee nodded slowly as he stared at me. Hindi naman ako makatingin.

“Okay. Will you text me when you’re home?” he asked slowly.

I smiled softly and nodded.

“Okay. I will text you…” I said.

“I’ll be waiting.”

Muli akong tumango sa kanya. Hinila niya ako palapit at natigilan nang yakapin niya ako! Nasa gitna kami ng mga tao! Nakikipag usap man ang lahat sa isa’t isa, alam kong may kaunti pa rin na napatingin sa amin!

“I miss you already…” he whispered.

Hindi ko alam kung bakit parang may punyal na tumutusok sa puso ko.

“M-Magkikita pa naman tayo bukas…” sabi ko.

“I can go to your shop?”

“Oo naman…” muntik na akong matawa sa kanya.

He sighed.

“Okay. I’ll come to your shop tomorrow. Don’t forget to text me tonight.”

Tumango ako. Nagpaalam na talaga kami sa isa’t isa. Mabilis akong naglakad papunta kina Lolo nang nakawala ako sa kanya. Nasa malapit lang ang kanyang Mama kaya nagmadali na talaga ako. Para akong takot na takot. At nakababa rin ang tingin ko sa takot na magtama ang mga mata namin.

“Mmm… Leandros Hidalgo?” si Lolo sa akin.

Syempre siguradong nakita rin nila ang ginawa ni Lee na pagyakap sa akin! Ngumisi sa akin sina Ate Johanna at ganoon na rin ang mga pinsan ko.

“Uh…”

Tumawa si Lolo.

“You all are growing so fast. I'm not ready yet."

Mommy and Daddy also laughed at what Lolo said. Ganoon na rin ang mga Tito at Tita ko. Pero imbes na mahiya, I feel like I’m really not in the mood right now. Ngumiti na lamang ako habang nakitawa na rin ang mga pinsan ko at si Ate Johanna.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8K 239 31
The second book of 'Don't Go'. When Lay left Venice, her heart was shattered into pieces. She keeps on questioning what made him decide to crash the...
21.1M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.6M 90K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...