Let The Song Cry

Von childofyusaku

5.8K 320 890

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... Mehr

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST
LTSC||TWENTY-SECOND

LTSC||TWELFTH

128 11 26
Von childofyusaku


“Ang daya nitong si Kim!”

“Bakit na naman?” takhang tanong ko atsaka siya tinaasan ng kilay.

“Hindi mo man lang ako na-inform na nakita mo fave Korean Band ko, awit talaga!”

“Loko, nag take ako ng LET kahapon, paano ko naman makikita iyang paborito mong banda na sinasabi mo?” pambasag ko sa kanya bago sumimsim sa juice na nasa harap ko. “Nag post lang ako sa nakita kong picture sa google, masyado ka namang uto-uto.”

Natawa naman si Isabel habang sinusubuan ng chichirya si Devin na busy na nakaharap sa phone niya. Pasimple akong umirap.

“Ewan sa ’yo. Magkaibigan talaga tayo, parehas uto-uto.” Natawa itong bahagya sa sinambit niya.

Napaismid ako. Nandamay pa nga.

“Teh, sa ating lahat ikaw lang hindi umiinom ng alak, i-shot mo!” pag-alok pa ni Shin sa isang baso ng alak.

Tinanggihan ko siya, napabusangot naman siya agad. Alam niya namang bawal, iniiwasan ko.

“Ayaw mo talaga?”

Tinanguan ko siya. Pinanlakihan ko pa siyang mata nang ilahad niya ulit sa harap ko ang baso para ma gets niya. Nag peace sign naman siya pagkatapos ng ilang segundo bago niya ma-gets ang pahiwatig ko.

“Puro pagtuturo na inaatupag mo, Kim. Kailan ka magpapakilala ng boyfriend mo sa amin?”

Pasimpleng umirap ako sa sinambit ni Laley. “Kapag nagbati na kayo ni Ben,” supalpal ko. Hindi naman nakaiwas sa akin ang pagbusangot niya, ayan manahimik ka lang d’yan. “Huwag nga nating pag-usapan iyang mga boyfriend na mga ’yan, sakit lang sa ulo ’yan.”

“Sus, grabeng pait pumapalibot sa awra mo!” tudyo ni Shin. Tinapunan ko siyang chichirya, sinamaan niya agad akong tingin. “Tse, bitter sa life!”

“Ikaw nga hindi na crush back, e!” balik ko sa kanya kaya natawa ang iba, parang maiiyak naman si Shin na inambahan akong suntok, pfft.

“Kapag ako umiyak! Wala kang discount sa shop ko kapag ikakasal ka!”

Binelatan ko lang siya.

“Kumusta kaya iyong iba ’no?” malungkot na tinig ni Laley. Napalingon kami sa kanya. “Sobrang busy na sa career iyong iba, last na kumpleto tayo, three months ago pa.”

Kulang nga ang barkada ngayon dahil busy raw iyong iba, wala si Ben, Danica, Kairro, at siya.

“Si Kairro out of town, last week pa, kasama iyong Namey, psh!” bitter na sambit ni Shin kaya natawa akong bahagya. Masama pa rin talaga loob niya kay Kairro. “Sige itawa mo pa, parehas lang tayo na hindi masaya ang heart ngayon,” pagbaling niyang tingin sa akin.

Grabe, personalan, ha.

“Oh ano, natahimik ka, ano?!” natatawang sambit niya, munting dinuro pa ako. “Itong dalawa lang na ’to ang matibay ang sikmura, e! Nakabalik lang ’to last year ni Isabel kala mo nakapad-lock sa isa’t-isa!” pagturo niya kila Isabel.

Natawa naman sina Devin at Isabel sa kanya. “It’s not a problem kung mas mahal ka talaga ng lalaki,” pagyayabang ni Isabel. “Right, baby?” pagbaling niya kay Kuya Devin na tumango agad.

“Grabe harap-harapang bastusan?” angil ni Shin kaya natawa kaming lahat.

“Si Javin ay busy ata sa pag-aalaga kay Sielly,” sambit ni Kuya Steven out of nowhere.

Natigilan ako dahil doon. Nag-iwas siyang tingin nang magsalubong ang paningin namin.

Javin... Mahigit tatlong buwan na rin pala ang nakalilipas.

“Nakita ko lang sa myday niya,” he shrugged atsaka itinaas ang phone niya.

Kahit social media wala akong balita sa kanya. I already changed my facebook account atsaka hindi ko na rin siya in-add. Naka uninstall na rin ibang socmed apps ko. Para saan pa para ikonekta ko ang sarili sa kanya?

I’m trying to get him out of my life. I’m still trying...

“Akalain mo nga naman, kaya pala ang hard-working niya these past days,” munting pagtawa ni Kuya Steven.

“Ikaw ba naman naging tatay bigla,” inosenteng sambit ni Isabel. “Ay halla sorry, Kim. My bad.”

Lahat kami natahimik. Pansin ko ang paggawi ng paningin nila sa akin, kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Shin. Hindi ko sila pinansin at muling sumimsim sa juice.

“Huwag nga nating pag-usapan ang kaluluwang hindi matigil,” asar na sambit ni Shin, muli pa niya akong binalingan ng tingin.

“Okay lang, matagal naman na ’yon,” sambit ko. And I knew that I’m just lying. Kasi malaki pa rin ang epekto sa akin ng pangalan niya.

Napaiwas lang silang tingin sa akin nang tumunog ang phone ko. Draxe’s calling.

“Draxe? Anong oras na. Napatawag ka?”

Tumayo ako at in-excuse ang sarili. Dumiretso ako sa may veranda ng room ni Shin. Nandito kami ngayon sakanila nakatambay, lakas mag-aya ng inuman, e, kanina lang daw kasi niya nalaman na magkasama si Kairro at Namey sa ibang town, pffft.

[“Sister Anna called me, nawawala raw si Kianna.”]

Bahagya akong bumuntong-hininga. “Nasa orphan ka? Wait me there.”

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Pagkabalik ko sa room ni Shin, napatikhim ako.

“May problema ba?” tanong ni Shin, tumango ako. Nag-aalala naman siyang nilapitan ako. “Are you going to the hospital?” mahinang tanong niya.

Umiling ako. “I’ll have to go, may emergency kasi sa orphanage,” nagmamadaling sambit ko at kinuha na ang bag ko sa may vanity table. “Kaya ko na,” sambit ko nang akmang susunod siya sa akin. Ngumiti akong bahagya. “I’ll be safe. Text na lang kita later.”

Wala na siyang nagawa kundi maupo ulit, nagpaalam na rin ako sa iba. Pagkababa ko sa salas nang tumunog ulit ang phone ko, hindi ako magkaundagagang sinagot ’yon dahil tumatawag na naman si Draxe.

“Jav.” Hindi ko maiwasang sambitin nang makita si Javin na naglalakad papasok ng bahay. He looked okay, better than before.

[“Ha? Si Draxe ’to. Wuy, Kim andyan ka pa ba?”]

Napatikhim ako at iniwas ang paningin kay Javin. “Sorry. Anong problema, Draxe?”

Ramdam ko ang pagtigil ni Jav.

[“Nahanap na si Kianna. Pupunta ka pa rin ba rito?”]

“Oo. Hintayin mo ako r’yan, paalis na rin ako.”

Pagka-off ko ng call. Pahakbang na sana ako nang pigilan ako ni Javin.

“Jane.”

Nagsalubong ang paningin namin. Napayukom ang kamao ko.

“Kumusta ka na?” malumanay nitong tanong.

Parang may kung anong kirot sa dibdib ko sa naging tanong niya. Kumusta nga ba ako?

“O-okay lang,” pag-iwas ko ng tingin. Munti akong napatikhim. “Sige. Mauna na ako, hinihintay ako ni D-Draxe.”

Napakagat ako sa labi dahil sa nagbabadyang pagbagsak ng luha sa pisngi ko. Nagmadali akong maglakad na hindi siya muling binalingan ng tingin. Pero pagkalagpas ko pa lang sa kanya nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

Natigil ako sa paglalakad. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ako lang ba? Or his hand is cold?

“M-may sasabihin ka ba?” nagpipigil hikbi kong sambit. “Kung wala, pakibitawan ako. May naghihintay sa akin,” pilit pinapatatag ang boses ko.

Ilang segundo pa nang bitawan niya ang palapulsuhan ko. Hindi na ako lumingon sa gawi niya, nagdiretso na akong lumabas ng bahay. Pagkapasok kong sasakyan, napasandal ako sa upuan. Pasimple kong pinunasan ang namamasang pisngi ko at nilisan na ang lugar.

Akala ko ba hindi ka na affected, Kim?

Kngna naman. Bakit nagpakita ka pa kung kailan handa na akong kalimutan ka nang tuluyan?

Inayos ko ang sarili at umalis na. Pagkarating kong orphanage, sinalubong ako ni Draxe at iginaya ako sa room kung nasaan si Kianna.

“Hinahanap ka raw niya kanina kaya nawala siya. Buti na lang at nahuli siya ng guard,” pahayag ni Draxe, mukhang nag-aalala pa rin ’to.

Binalingan kong tingin si Kianna. Nakaupo ito at nakatulala sa kawalan, nasa gilid naman ng higaan si Sister Anna na nakatayo. Nang umupo ako sa higaan niya, mabilis siyang lumapit sa akin at marahan akong niyakap.

“Mama Kim!!”

Napangiti ako at marahang hinaplos ang buhok niya. Itong batang ’to nakasanayan na niyang tawagin akong mama simula iwanan siya rito ng tita niya last month, ako kasi unang nakausap niya no’n. Kaya tuwing may pasok ako rito sa orphanage, iyong niluto kong baon ang pinapakain ko sa kanya, nasanay na rin naman akong hatiran ako ni Draxe ng lunch since malapit lang ang mga raket niya rito.

“Kumain ka na ba, Kia?”

Umiling ito. “Ayoko po ulam! Gusto ko po luto ninyo.”

“Pero hindi maganda sa bata ang nagpapalipas ng gutom,” malambing kong sambit sa kanya. Nginitian ko siyang bahagya nang titigan niya ako na parang nagtataka sa sinabi ko. “Gusto mo ba magkasakit? Hindi maganda ’yon.”

“Pero po ayoko po ulam, gusto ko po ulam bigay mo po.”

“Ayaw mo talaga kumain?”

Sunod-sunod itong umiling.

“Gusto mo sa?” mahinahong bulong ko sa kilalang fast food, ibinulong ko dahil nandito si Sister Anna. Malilintikan pa ako kay Father Jose, e, hehe.

Bigla namang sumigla ang hitsura niya, sunod-sunod itong tumango.

Binalingan ko ng tingin si Draxe, agad naman niyang na gets. Nagpaalam muna siya kay Sister Anna at sinenyasan niya ako. Pagkaalis ni Draxe, sumunod namang nagpaalam si Sister Anna dahil pinapatawag siya ni Father Jose.

Marahan kong itinaas ang paningin ni Kianna. Nginitian ko siya bago pinunasan ang basang pisngi niya.

“Namimiss mo na naman ba ang mama mo?” malumanay kong tanong. Actually kaya siya ito ipinunta rito dahil namatay mama niya, iyong papa niya nasa kulungan, hindi rin naman daw siya maasikaso ng tita niya kasi may sarili itong pamilya.

Bahagya itong umiling. “Hindi po. Hanap po ikaw kita kanina,” inosenteng sambit niya. Napangiti ako. “Gusto ko po ikaw maging mama po.”

Natigilan ako dahil doon. God. “Bakit ako?” nangangatal kong tanong. Inilapit ko ang mukha sa kanya at inayos ang kanyang buhok. “Hindi rin ako papayagan nila Sister Anna at Father Jose. Wala akong asawa, Kianna,” sinserong sambit ko.

Napabusangot ito at nagsimula nang humikbi. Marahan ko siyang hinila sa bisig ko at marahang hinaplos ang likod para patahanin.

“Pero gusto ko ikaw mama ko.”

“Bawal kasi ’yon, Kianna.”

“Ih gusto po kita mama! Huhu!”

“Shhhh, subukan kong kausapin si Sister Anna muna, ha?” Napatahan naman siya sa sinambit ko.

Kumalas siya sa yakap at kinuha ang manika na nasa mini table at naglaro na parang wala lang. Diyos ko, aatakehin ata ako sa puso sa batang ’to.

“Nana! May mama na ako!” pagkausap niya sa manika.

Bahagya akong bumuga ng hangin. Paano ko naman kaya lulusutan ’tong napasok ko?

Napaayos akong upo nang tumunog ang phone ko. May message si Shin.

Shinarra Ynez Villanueva:
Gusto mo makarinig ng news, bud?!

Napataas ang kilay ko. Wala pang isang segundo nang may message na namang dumating galing sa kanya.

Shinarra Ynez Villanueva:
Balik ka rito mamaya, o kita tayo bukas :D

Tsk. Tsk. Pabitin din ang isang ’to.

“Tito Draxe! Yay!”

Napalingon ako sa pintuan, natigil ako sa pagtipa. Nakabalik na pala si Draxe, may hawak itong paper bag na may nakamarkang logo ng kilalang fast food. Nakangiti itong inilahad sa harap ni Kianna ang food.

“Yehey! Foods! Foods!!”

“Shh, huwag kang maingay, marinig tayo ni Sister Anna.”

Tumango naman ito, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha niya. Itinago ko na muna ang phone ko sa bag. Mamaya ko na lang kausapin si Shin.

Marahan tumawa si Draxe nang sunggaban ni Kianna ang dala niyang pagkain. Inilahad naman sa akin ni Draxe ang isang paper bag, tinaasan ko siyang kilay.

“Baka nagugutom ka rin,” sambit niya at bahagya pa itong natawa.

Natawa akong inabot ’yon. “Thanks, Draxe.”

“My pleasure, Ma’am Honor.”

Natawa lang kami parehas.

“Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik,” pagpansin ni Draxe.

Nandito kami ngayon sa may field, nakaupo sa upuan na bato habang pinagmamasdan ang kalangitan. Katutulog lang kasi ni Kianna, past 10 na rin at curfew nang pwedeng dumalaw rito sa orphanage.

“Mas kailangan mo ng support ngayon after what happened to you. You can lean on me, tell me what’s bothering you.”

Bahagya akong bumuga ng hangin. “I saw him earlier bago magtungo rito,” mahinang sambit ko.

“Javin?”

Munting tumango ako.

“Then?”

Muli akong bumuga ng hangin. “Kinumusta niya ako.”

“Anong pakiramdam mo noong nakita mo siya?”

Ano nga bang pakiramdam? Ang alam ko lang bumalik sa akin lahat iyong mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Galit na ako sa kanya, bigla na lang ayoko na siyang makita after that.

“More than three months had passed already, Draxe,” mahinang sambit ko. “Kngna, tatlong buwan na nakalipas, noong huling kita ko sa kanya. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko siya lang naging maayos ang takbo ng buhay sa aming dalawa.”

Kasi ako ito, patuloy pa ring ginagamot ang sarili dahil sa iniwan niyang trauma. Hindi naman na dapat ako magalit sa kanya, pero sa tuwing naiisip ko iyong bagay na iyon, bumabalik lahat.

Ayokong magalit, ayokong sisisihin siya.

Wala akong response na narinig sa kanya. Bahagyang humampas sa balat ko ang lamig ng hangin.

“Okay na okay siya, Draxe, samantalang ako--” natigil ako sa pagsasalita, kinakapa ko kung ano bang salita ang dapat kong sabihin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilan ang namumuong hikbi sa bibig ko.

“Miss mo?” pagbasag niya.

Natahimik ako.

“Miss mo nga,” seryosong sambit niya. “Huwag mo kasing i-deny para makalimutan mo. Sa tuwing nagsisinungaling ang puso natin sa tunay nating nararamdaman, mas lumalalim ’to.”

Binalingan ko siyang tingin sa binitawan niyang salita. Umurong ang kaninang naiisip ko, pasimple kong inayos ang sarili. Napataas ang kilay ko dahil seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kalangitan, tapos bigla na lang itong ngumiti. Nang magsalubong ang paningin namin, mabilis akong umiwas.

“Gusto kita, Kim.”

Para akong natutop sa narinig ko. Marahan kong sinampal ang mukha kung hindi ba ako nananaginip lang. Hindi nga. Pvcha.

“Gustong-gusto kita, Kim.”

Hindi makapaniwalang binalingan siyang tingin, matatas ang tingin niyang sinalubong ang paningin ko. Ngumiti siyang bahagya.

“Pagod na magsinungaling iyong puso ko na hindi kita gusto. Kasi simula noong araw na masilayan ka ng mga mata ko, nagkagusto na kaagad ako sa ’yo.”

Napaiwas muli akong tingin. Alam niya namang hindi na pwede, gusto ko na lang manahimik ngayon. Alam niya kung gaanong hirap ang pinagdaanan ko nitong nakaraang linggo.

Bahagya siyang natawa pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

“Hindi mo kailangang gustuhin ako pabalik. Gusto ko lang malaman mo iyong nararamdaman ko bago ako pumuntang states next week.”

Doon, muli akong napatingin sa kanya. Malawak ang ngiti niya sa akin. States??

“Draxe.”

“It’s okay. Pero sana sa mga susunod na araw, huwag ka sana umiwas sa akin,” sinserong sambit niya, tumango kaagad ako. “Kapag hindi ka okay, kausapin mo lang ako, ha?” Tumango muli ako.

Itinaas niya ang kamay at ipinatong sa may ulo ko para guluhin ang buhok ko. Natatawang iniwas ko ang ulo ko atsaka siya inambahan ng suntok, pero natawa lang ’to.

“Sorry, Draxe, alam mo namang hindi ko kayang ibalik iyong nararamdaman mo,” malumanay at may pag-aalalang sambit ko.

Kasi kung pwede lang siya gustuhin ngayon, okay lang sa akin, pero hindi ko ipipilit ang sarili ko kung hindi naman ako okay mentally. He knew that.

Si Javin pa rin, walang nagbago.

“Okay lang, Kim. Naiintindihan ko.”

“Sorry talaga, Draxe.”

“Okay lang talaga ako, promise!” natatawang sambit niya. “Ayoko lang may pagsisihan ako,” biglang seryoso niyang sambit.

Munti akong napangiti dahil do’n.

“Mahirap na. Ayokong mabuhay sa what if na ’yan.” Tumawa muli itong bahagya. “Oh, anong tingin ’yan? Nagsisisi ka na ba na si Javin pinatulan mo, at hindi ako?” pang-aasar niya.

Natatawa akong sinagi siya sa balikat. “Ikaw ha! Matagal mo na pala akong gusto! Backstabber ka!” pang-aasar ko, pero natawa lang muli siya. “Sayang, kung umamin ka nang mas maaga, edi sana nagyayabang ako ngayon!”

“Bakit? Kapag nanligaw ba ako, mas pipiliin mo pa ako kesa kay Javin?” taas kilay niyang tanong.

Nagpipigil ang tawa kong tumango, siya naman ay biglang nagseryoso. “Pero seryoso, Kim, are you okay?”

Natigil ako sa pagtawa.

“I mean after you saw him.”

Bahagya akong bumuntong-hininga. “Sa totoo lang, hindi pa rin naman nawala iyong kirot, knowing he’s already okay.”

“You’ll gonna be okay too,” he reassures me. Marahan niya akong tinapik sa balikat ko. “I think you need to go home, anong oras na rin. Halika sundan kita sainyo.”

Parehas kaming tumayo, pagkarating ko sa kotse ko, humarap ako sa kanya. “You’re out of your way sa bahay, kaya ko na ’to.”

“But-”

“I’ll be safe, I’ll text you when I’m home.”

Napabuntong-hininga na lang ’to. “Okay, just text me pagkarating ng sasakyan mo sainyo.”

Nginitian ko siyang bahagya. “I will. Take care, Draxe.”

Bumusina ako bago umalis ng orphanage, pagkarating kong harap ng bahay. As I’ve promise, I chatted Draxe. Bumaba ako para buksan ang malaking gate when I saw a woman standing in front of it.

“Kim.”

Sielly.

“Anong ginagawa mo rito?”

Bago ko pa mahawakan ang gate nang hawakan niya ang kamay ko, nagsimula siyang humikbi. Parang batang nagmamakaawa ang hitsura nito.

“Convince Javin please, ayaw niya nang panagutan anak niya sa akin, please.”

Kinunutan ko siyang noo. Nababaliw na siya.

“Kim, maawa ka sa bata. Please convince Javin.”

Halos magpantig ang dalawang tenga ko. Maawa sa bata? Gusto niya gamitin iyong bata sa sinapupunan niya para kaawaan ko siya?

“Nababaliw ka na, tigilan mo na ako,” madiing sambit ko.

“Para sa bata, Kim,” muling pagmamakaawa nito. “Parang awa mo na! Huwag mo naman agawin ang ama ng bata sa amin!”

Sarkastikong tumawa ako. “Nababaliw ka na nga. Wala akong inaagaw sa ’yo!”

“Kim, please, parang awa mo na kahit para sa bata layuan mo si Javin.”

Sino ba kasi umaagaw kay Javin sa kanya? Hindi ko naman nilalapitan si Javin. Hindi ko na kasalanan kung iyon ang tingin niya.

Pabalang kong tinanggal ang kamay niya sa akin, sinamaan ko siyang tingin. “Anong karapatan mong magmakaawa sa akin, Sielly?” matigas kong tanong, natigilan naman siya. “Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa mo sa akin? Wala pang dalawang linggo!” pagalit kong sambit.

Naiiwas niya ang paningin.

“Wala kang karapatan, Sielly, kahit katiting wala kang karapatan magmakaawa sa harap ko,” pagduro ko sa kanya. “Umalis ka na.”

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1K 744 26
People find themselves finding the yellow, blinding rays of sunlight whenever there's a storm. Storm means trouble. How can one smile with the coldne...
1.7M 120K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...