Hope Beyond Deprivation (Defi...

By InknHeart

3K 339 96

Hope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fan... More

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8)
Playlist
Chapter 1 : Comfort In The Midst Of Destitution
Chapter 2: Encounter
Chapter 3: Two Worlds Closer
Chapter 4: First And First
Chapter 5: Beautiful Mess
Chapter 6: Contrite
Chapter 7: The Confession
Chapter 7.2: The Confession
Chapter 9: Be Helped
Chapter 10: Favor
Chapter 11: He's In The Hospital
Chapter 12: Cancelled
Chapter 13: Back At One
Chapter 14: Pain?
Chapter 15: Constantly
Chapter 16: Issue
Chapter 16.2
Chapter 17: Accusations
Chapter 18: The Untold History
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Cherish
Chapter 21: Complications
Chapter 22: No Good In Goodbye
Chapter 23: Bid Your Last Goodbye
Chapter 24: Fate Vs Faith
Chapter 25: His Please
Chapter 26: On His Wedding Day
Chapter 27: After
Chapter 28: RĂ©union
Chapter 29: His Special Day
Epilogue
Probinsiyana

Chapter 8: Soothe Behind The Darkness

61 10 1
By InknHeart

Malakas ang ulan habang binabaybay ko ang daan patungong Montain University. Nakapayong lamang ako at mabuti na lamang ay ulan lang ang malakas at hindi hangin kasi paniguradong wala na akong payong ngayon at siguradong hinangin na.

Wala akong choice kundi ang pumasok dahil ang klase ko ngayong araw ay major subject. Naman oh!

Ang hirap talagang maging iskolar lang dahil kailangan mo talagang mag-aral kahit tinatamad ka. Kailangan mo talagang magsikap para hindi mawala sa'yo ang scholarship.

Sana all talaga sa mga mayayaman na binabasta-basta lang ang pag-aaral nila without knowing na ang katulad ko na mahirap ay nagsusumikap para lamang hindi matanggal ang scholarship na binigay saakin.

Basa na ang balikat ko at pati narin ang ibabang parte ng pantalon ko. Basa ang daan at madami pang dumadaang mga sasakyan kaya palagi akong nawiwisikan.

Nakahinga ako nang malalim. Pumasok na ako sa loob ng campus. Marami ring mga estudyanteng katulad ko'y may dala ring payong at sinisiguradong hindi sila mababasa ng ulan.

Dali-dali kong isinarado ang payong ko bago tuluyang umakyat patungo sa second floor ng building na siyang location ng subject ko.

Mukha na yata akong basang sisiw pero wala naman akong pakialam at hindi naman ako nag-aral para sa kanila. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na, walang maaapi kung walang magpapaapi. Laban padin sa buhay kahit mahirap.

Nagtinginan ang mga kaklase kong hindi man lang nabasa kahit konti ng ulan. Syempre may sasakyan naman sila.

Hindi ko na ininda ang tingin nila at naghanap na ng bakanteng upuan. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko pa napansin si Joy.

Lunes ngayon at sabi niya saakin noong sabado ay kahapon raw ay may birthday celebration part two raw siya dahil dumating ang Kuya niya galing Australia.

Hindi ko parin makalimutan gaano ka ganda at kabongga ang birthday celebration ni Joy.

Ang daming masasarap na pagkain. Pinadalhan pa nga ako ni Joy bago ako umuwi. Driver nalang niya ang naghatid sa'kin pauwi dahil madami pang bisita ang dumating pagkatapos nang pag-uusap namin.

Biglang may pumasok na professor na hindi naman pamilyar saakin. Itinoun ko na ang atensiyon ko sa kaniya.

Pati ito'y basa rin ng kaunti. Mas lalo kasing lumakas ang ulan.

“I am your new professor on this subject. I am Doctor Brandon Debas, nice meeting you all!”

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ng new professor namin na siyang Doctor pala.

Natapos ang klase na puro hirit lang tungkol sa buhay niya. Kakaiba rin ang pamamaraan niya sa pagtuturo dahil hinihiritan niya ng mga biro at patungkol sa buhay niya para masiguradong active ang buong klase.

“Class Dismissed!” wika ni Doc Brandon sabay tingin sa relo niya.

Natapos na lang ang two hours class namin ay wala parin si Joy. Baka pagod ito sa mga nakaraang celebration na ginawa niya.

Lumabas na ako ng classroom at inayos ang payong kong pipitsugin na konting hangin ay bibigay na. As what I have said magtagal nadin kasi ito. Kailangan ko na yata ng pamalit lalo na sa mga araw na'to at napapadalas na ang ulan.

May dalawang subject pa ako. One hour lang naman ang susunod tapos ang isa naman ay mamayang 5 to 6.

Tumungo na ako sa classroom kung saan ang next subject ko.

Natapos ang one hour na wala man lang pumapasok na professor. Ewan ko at bakit wala ito.

1 pm pa at mamaya pa ang klase ko. Malakas padin ang ulan at tinatamad akong umuwi at babalik din naman.

Pupunta na lamang ako sa canteen at doon na lamang ako maghihintay hanggang mag hapon.

Pagpasok ko ay himalang walang masyadong estudyante. Kadalasan kasi ay punuan talaga ang canteen dahil ito ang ginagawang tambayan ng mga estudyante o di kaya ginagawang Park dahil dito naman sila kadalasang magkita ng mga jowa nila. Ginawa ba namang meet up location ang canteen. Tsk!

Inilibot ko ang paningin ko at nahagilap ko naman si Lei na umiinom ng kape habang nakatunganga lamang sa bintana. Nakapwesto ito sa pinakadulong bahagi ng canteen.

Agad akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Nang malapit na ako ay agad naman niya akong napansin.

Ano kayang trip nito at napakalalim  ng iniisip.

“Hi!” bati ko sabay upo sa katapat na upuan.

Ipinatong ko sa mesa ang bag ko at sa ilalim naman ang payong kong tumutulo pa.

“Basang sisiw ka bes?” natatawang tanong niya. Basa pa kasi ang ibang parti ng buhok ko.

“Eh ikaw sad girl?” natatawang bawi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Ang ginaw kasi baliw!” tugon niya sabay higop ng kape niya. “Gusto mo?” alok niya na siyang tinugunan ko ng iling.

“Wala ka bang klase?” pag-iiba ko sa usapan. Umiling naman ito.

“Meron pero di ako pumasok!” Napakunot ang noo ko. Ano ba talaga? Meron o wala?

“Wala or meron?” tanong ko.

“Mahal ko siya!” seryosong sagot niya. Gaga talaga hindi naman 'yan ang tanong ko.

“Wala sa choices' yan!” saad ko. Natawa naman siya at humigop ulit sa kape niya. Feel na feel niya talaga ang pag-inom eh.

“Char lang eh. Hindi ako pumasok kasi tinatamad ako. Minor subject lang naman kaya no worries!”

Napatango-tango naman ako.

“Eh ikaw?” balik tanong niya.

“Mamayang 5 pa ng hapon,” tugon ko. Napatingin naman siya saakin.

“Eh? Hindi ka uuwi? May 3 hours ka pa oh!” wika niya. Umiling naman ako. Napatingin ako sa labas at mas lalo palang lumakas ang ulan. Naman oh!

“By the way kumusta na kayo ni Mr Fuevos?” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

“Ha?” tanong ko. Tumawa naman ito ng malakas kaya nagtinginan ang ibang estudyante saamin.

“Hinaan mo nga tawa mo!” pagsabi ko sa kaniya. Nag peace sign naman ito.

“Hatdog ka talaga Safira! Ship ko talaga kayo ni Fuevos!” saad niya. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya nagtinginan saamin ang ibang estudyante na sinundan ng bulungan.

“Kaya pala lagi na silang magkasama ni Apollo!”

“Kaya nga! Sila pala!”

“Eh hindi naman 'yan mayaman eh. Hindi naman' yan papatulan ni Apollo.”

“Kaya nga! Baka nag iilusyon lang ang kaibigan niya! Nangangarap sa wala haha!”

Ilan lamang 'yan sa mga narinig kong sinabi nila. Ang judgemental talaga ng mga tao eh no.

“Hays tigilan mo na nga' yan Lei!” saad ko. Tumingin ako sa labas at agad natanaw ang malakas na buhos ng ulan. “Isa pa may gusto si Joy kay Apollo!” pagpapatuloy ko.

Napasinghap naman si Lei kaya naitoun ko ang atensiyon ko sa kaniya.

“Hanggang ngayon?” gulat na tanong niya. Marahan akong tumango. Inayos ko ang buhok ko saka ibinalik ang tingin sa labas.

“Obsession na yata 'yan!” natatawang wika niya. Baliw talaga.

“Hindi naman siguro. Malay mo hindi lang talaga sila nabibigyan ng pagkakataon.” Sumandal ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng ginaw.

“Hindi sila pinagbibigyan kasi hindi naman talaga sila. Papansin' yang si Joy kaya kahit hindi pa siya binigyan ng tadhana eh kusa 'yang gagawa ng paraan mapalapit lang kay Fuevos!”

Bigla ko tuloy naalala ang gustong mangyari ni Joy. Okay lang naman saakin iyon dahil wala lang naman saakin si Apollo.

“Nagpatulong siya,” saad ko. Napatingin naman sa akin si Lei na ngayon ay tuluyan nang naubos ang kape.

“Nagpatulong saan?” tanong nito sabay sandal sa upuan.

“Kay Apollo. Nalaman kasi niyang ginagabayan slash tinuturuan ko si Apollo.”
Napairap naman si Lei si kawalan.

“Parang tanga lang. Dinamay kapa niya sa unrequited love niya! Naku, wag kang sumunod Safira!” Natawa na lamang ako at may unrequited pa itong nalalaman.

“Okay lang naman saakin Lei eh kasi kaibigan ko rin si Joy,” saad ko.

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

“Ewan ko nalang talaga. Hindi sa sinisiraan ko si Joy ha pero as your friend gusto kong mag ingat ka sa kaniya. She's more than you know Safira!” Tumayo na ito at isinabit sa balikat niya ang shoulder bag. “I will go na dear may klase na ako! Ingat.”

Tanging tango na lamang ang naging tugon ko. Humupa na pala ang ulan.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Leisel. Nagbago na kaya si Joy? I mean totoo ba ang pinapakita niya saakin?
Umiling ako dahil sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko. Joy is my friend. She is.

Buong maghapon ay nakatunganga lamang ako sa kawalan. Nakatingin lamang ako sa labas habang abala ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sapagka't hindi pa tuluyang tumila ang ulan.

May malaking orasan ang canteen kaya agad kong tinignan kung anong oras na ba.

“4:50,” bulalas ko. Uminat-inat ako bago tuluyang tumayo. Tuyo na ang payong ko kaya ipinasok ko na ito sa bag. Pati nga buhok ko ay tuyong-tuyo na.

Inilagay ko na ang bag sa likod ko at naglakad na palabas. Namanhid na yata ang pwet ko kakaupo. Ilang oras ba naman akong nakaupo at walang ginagawa hahayst.

Marami akong nakakasalubong galing sa ibang department na pauwi na. Sana all naman. Dapat kasi hindi inaallow na may pang gabing klase.

Nasa engineering department na ako at pati pala sila ay uuwi narin. Nakita ko naman ang pamilyar na lalaki, 'yong kumuha sa suman ko. Ngayon ay nakayuko na ito at hindi makatingin sa akin.

Ilang hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko na may humawak sa bag ko na agad ko namang ikinalingon.

“Bukas bag mo,” wika niya. Titignan ko sana ang bag ko nang pigilan ako ni Apollo.

“Isinarado ko na.” Agad kong binawi ang kamay ko dahil aksidenteng nakahawak siya rito.

“Ah salamat!” tugon ko. Aalis na sana ako nang hawakan niya ulit ang bag ko. Ang tangkad-tangkad niya kaya ganon na lamang niya kadaling pigilan ako. Isang pigil pa ay sisipain ko na talaga siya. Baka masira ang bag ko sa ginagawa niya.

“Ano?” iritang tanong ko. Binitawan naman niya ang bag ko nang mapansin niyang ayaw kong ginagawa niya iyon.

“My project?” Tila nahiya pa ito. Umiwas siya ng tingin at hindi makatingin saakin. Teka may project ba siya? Wala naman akong maalala ah! Besides hindi naman ako tagagawa ng project niya!

Ang trabaho ko ay e-remind lang siya anong dapat gawin niya! Napatitig ako sa kaniya at pilit inaalala kung may pinagawa ba siya saakin. So far wala naman!

Ilang segundo akong nakatitig sa maamong mukha nito. Kahit laging nakakunot ang noo niya at walang emosyon ang mata niya ay gwapo parin ito. Gwapo si Apollo kaya bagay na bagay talaga sila ni Joy. Tama! Bagay na bagay sila.

“May project ka bang pinagawa saakin?” tanong ko. Ipinasok naman niya sa bulsa niya ang dalawang kamay niya.

“I want you to help me with my projects. I said it on friday. Ulyanin!” Pinitik naman niya ang noo ko kaya napaaray ako. Teka? Friday?

Hala tama nga! Noong kasama ko si Lei! Monday raw sabi niya. Iyon ba 'yon? Pa'no' yan? May klase pa ako?

“Pwedeng bukas na?” I asked. Ngumiti ako ng pilit. Sana pumayag. “May klase pa kasi ako Apollo. Ano ba project mo? Gagawin ko nalang sa bahay mamaya?” tanong ko.

Hindi ito imimik at nakatingin lang sa ibang direksiyon. Problema nito?

“Ge,” tanging saad niya bago naglakad paalis. Napatingin ako sa relo ko at 5:05 na! Malelate na ako nito!

Napatingin ako kay Apollo na medyo malayo na. Bukas nalang 'yong project niya!
Tumakbo na ako patungo sa classroom ng susunod na klase ko.

Pagdating ko ay wala pa namang professor pero narito na ang ibang kaklase kong galing sa iba't ibang kurso.

Kinuha ko ang tubig mula sa bag ko dahil nauhaw ako kakatakbo. Isa pa baka ay antukin ako ngayon. Isa sa mga sikreto ko tuwing gabi ang klase ko ay umiinom ako ng maraming tubig para naman ay maihi ako at hindi makatulog.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang professor namin.

Nag discuss lamang ito. Sa lahat yata ng professor ay siya ang pinakaboring. Ilang sandali pa ay binigyan niya kami ng quiz. Short quiz lang naman kaya no worries.

Napatingin ako sa labas nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Jusmeyo. Baka hindi na'to kayanin ng payong ko.

Natapos ang quiz namin at naperfect ko naman. Alas sais na kaya ibig sabihin ay uwian na.

Palabas na ako ng classroom at malakas padin ang ulan. Madilim nadin ang paligid at tanging buhos lang ng ulan ang madidinig.

Kung nandito si Joy ay lagi niya akong sinasabay sa pag sakay sa  sasakyan nila. Absent nga lang ito kaya mag-isa ako.

Pababa na ako sa hagdan nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. Bigla akong kinabahan dahil napakadilim talaga. As in! Marami akong nadinig na nagsigawan na nanggagaling sa kabilang building. Hindi nga ako sumigaw na mag isa lang ako rito.

Mabuti nalang at ang iba ay may cellphone na ginawang ilaw. Paano ako nito? Jusme naman sana pala dinala ko ang lighter namin na may flashlight.

Hindi naman ako natatakot sa aswang dahil mukha naman akong aswang. Dejuk lang! Pero totoo talagang lumaki akong hindi natatakot sa aswang. Mas natatakot pa nga ako na malate kaysa multuhin.

Mag-isa lamang akong bumababa sa hagdanan dahil nauna ang mga kaklase ko kaninang lumabas. Kahit kinakabahan dahil sa sobrang dilim ay sinimulan kong humakbang pababa.

Nakahawak lamang ako sa railings dahil baka mahulog ako. Madilim pa naman.

Dalawang hakbang na lang ay mararating ko na ang ibaba. Humakbang ako nguni't laking gulat ko nang mapasobra yata ang hakbang ko dahilan para matapilok ako. Pumikit ako at hinintay ang sarili na mahulog ng tuluyan sa hagdanan.

Laking gulat ko nang may naramdaman akong humawak sa baywang ko. Kinabahan ako at baka rapist ito o sino man siya!

“Mag ingat ka kasi!” His baritone voice echoed in my mind. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. I should be panicking diba? Dapat ay sumigaw na ako! Pero bakit noong narinig ko ang boses niya ay unti-unti akong kumalma? I felt... safe?

“Let's go,” saad niyang muli habang nakahawak padin sa baywang ko at inaalalayan akong bumaba.

Nang makadating kami sa ibaba ay napatingin ako sa malakas na ulan. Bakit ba ang tagal nitong humupa!

“Pa'no yan?” tanong ko kay Apollo. Hindi ko siya maaninag dahil madilim padin ang paligid ngunit alam kong malapit lamang ito saakin dahil amoy na amoy ko ito at rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga.

“Let's wait until the rain stop.” Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi parin humuhupa ang ulan. Kanina pa kami rito at anong oras na kaya ngayon.

Habang nagtatagal ay mas lalong lumalamig ang paligid. Lumalalim na kasi ang gabi kaya malamig na talaga.

Mukhang sinipon pa nga ako. Sigurado akong dahil 'to kaninang umaga. Suminok ako at hindi nga ako nagkamali. Tuluyan na nga akong sinipon.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa hagdan at umupo roon. Hindi na ako nag-abalang pagpagan pa at hindi ko naman nakikita ang alikabok. Hindi pa ako nasanay eh kaibigan ko na yata ang dumi.

Nakayakap lamang ako sa aking tuhod. Naaaninag ko ng konti so Apollo. Nakaharap lamang ito sa kawalan habang inoobserbahan ang bawat buhos ng ulan.

Yumuko ako at pumikit. Iniisip ko kung anong ginagawa ngayon nila Mama. Kung binabaha naba sila o basa naba lahat ng gamit namin.

Pag ako talaga nagkapera ng malaki-laki, unang-una sa listahan ko ang bubong namin. Nakakabahala kasi at malalaki talaga ang tulo ng bubong namin.

Galing sa malalim na pag-iisip ay naimulat ko ang aking mata nang may maramdaman akong nakapatong sa aking balikat.

Naramdaman ko rin na tumabi saakin si Apollo. Kinapa ko ang nasa balikat ko at napagtantong jacket niya pala ito.

“Wear that at masyado nang maginaw baka lumala ang sipon mo,” wika niya. Kahit madilim ay napatingin ako sa direksiyon niya. Siya ba talaga 'yan?

“Pa'no ka?” tanong ko.

“Just wear it or do you want me to do it for you?” Dali-dali kong isinout ang jacket niya dahil hindi ko maimagine na sinusoutan ako ni Apollo ng jacket. Ang pangit lang tignan.

Wala ni isang nagsalita sa amin. Tanging malalim na buntong hininga lamang niya ang nadidinig ko at ang malakas na buhos ng ulan.

“Thanks... Apollo,” mahinang saad ko.

Hindi ko lang talaga alam kung ako lang mag-isa ngayon dito sa kadiliman but I never thought that I found soothe behind the darkness.

Biglang bumukas lahat ng ilaw kaya naaninag ko na ang paligid. Napatingin ako sa tabi ko at biglang napaiwas ng tingin dahil sobrang lapit pala namin.

We're too close not to realize.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 6.7K 29
(UNEDITED) La Muerte Series #1 Have you ever felt being left behind? Lilia Fiorenza once felt that, Seeing her closest friends Being married, formin...
372 88 33
Max David is an actor who has a busy schedule due to the loaded work he needs to do. Ave Suarez is a writer who has a pile of issue due to toxicity...
43.5K 1.1K 45
Scars of Pain Series #1 Dahlia Phaedra Addison is a working student. She is a prim and proper lady. She has a high dream and she will do everything t...
391K 15.9K 103
After being rejected by her long-time crush, Sabina was pushed to try Omegle, a website on which you can meet and chat with strangers out of boredom...