Angelzy, You're Mine Forever...

By rhaime22

17.2K 977 323

Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
Kabanata 3
KABANATA 4 - The punishment
Kabanata 5 - The Confession
Kabanata 6 - House Of Hope
Kabanata 7 - Aidem's Challenge
Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita
Kabanata 9 - Nasaktang damdamin
Kabanata 10 - Ang katungali
Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal
Kabanata 12 - Bahay ni Angel o Condo ni Aidem
Kabanata 14 - Biglang pagbabago.
Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago
Kabanata 16- Pagkainis
Kabanata 17 - The brides bouquet
Kabanata 18 - So much hurt.
Kabanata 19 - Give up
Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon
Kabanata 21- Mansion of Villacorta
Kabanata 22 - Nais ni Aidem
Kabanata 23- Puting panyo
Kabanata 24 - Angel's liberated side.
Kabanata 25 - Words, so much hurt.
Kabanata 26 - The wedding dress
Kabanata 27 - Bonding moment
Kabanata 28 - Last night to remember
Kabanata 29 - The decision and phone call.
FINAL CHAPTER - A day to remember

Kabanata 13 - Higit na sama ng loob.

340 30 2
By rhaime22

Warning: Expect wrong typo and typo grammatical error ahead. I Dedicated this chapter to my reader again Arlene De Leon, Rhenajian and Erna Hilario. Thank you guys, mwahhh.... 😘
                 **************

HALOS  hindi na namalayan ni Angel ang oras na kasama si Erickson. Sa isang restaurant sa loob ng Mall sila kumain. Nagwindow shopping hangang sa mapagpasyahan nilang Manood sila ng sine. Tatlong movie ang pinanood nila na iba-iba ang genre. Inuna nila ang comedy, isinunod ang romance movie at panghuli ang horror.

Halos hindi na nila namalayan ang oras sa loob ng mall at nakuhna nga na abutin sila ng clossing hour. Na-miss niya ang mga pagkakataon na ganito. Halos ang araw-araw niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Masiyado na nga raw siyang workaholic sabi ng kaibigan at boss na si Dylan at tama ito na bahay, trabaho at bar na lang ang alam niyang galaan .

Kaya siguro kinukumbinsi rin siya nito na mag-vaccation lieve after ng kasal nito kay Rhaime. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na darating pa ang ganitong pagkakataon na magkakasama sila ng x-boyfriend na ginagawa lang nila noong panahon na magkasintahan sila.

Sa halos buong maghapon ng oras na magkasama sila ni Erickson ay naramdaman niya na parang bumalik sila sa dati. Tila sila teenager na nilulukob ng ligaya sa panahong magkasama. Pero hindi naman ibig sabihin noon na kinalimutan na niya ang panahon sa kung paano siya iniwan nito at talikuran ang responsibilidad sa kaniya nito. Marahil ay sa tagal na rin ng panahon ang lumipas ay natutunan niya kung paano hilumin ang sugat na ginawa nito sa kaniyang puso.

"Ihahatid na kita," ani Erickson kay Angel bago nito paandarin ang sasakyan. "Baka masiyado na kitang napagod? Gabi na rin pati."

"It's okay, ayoko pa naman umuwi. Parang gusto ko mag-bar hopping pa," aniya naman kay Ericksson.

"Are you sure?"

"Yeah, kaya paandarin mo na itong sasakyan mo. Samantalahin mo na ang kasama ako Erickson dahil malay mo wala na itong susunod."

"Why? Dont tell me, babastedin mo na ba ako agad?" wika naman ni Erickson sa kaniya.

"Oo, kaya tara na."

Malungkot naman siyang tiningnan ni Erickson at halos  bumagsak ang balikat nito na ikinatawa niya.

"Tsaka ka na mag-emote riyan, basta ang mahalaga kasama mo ako at okay tayo ngayon kaya wala kang dapat ikalungkot." 

Sa isang sikat at class na bar siya dinala ni Erickson along Timog. Bago sila pumasok ay tiningnan niya muna ang pangalan ng bar. 'Siguro naman ay hindi ito kay Aidem,' aniya sa sarili. Bwiset naman kasi ang lalaki na iyon kung bakit halos ng negosyo ay puro bar. Kaya pakiramdam niya tuloy lahat na lang ng bar sa pilipinas ay ito ang nagmamay-ari.

Kahit naman matagal na silang magkakaibigan ay aminado siyang hindi niya alam ang pangalan ng mga bar na pag-aari ni Aidem, maliban na nga lang sa Heavens Gate na pinaka tambayan nilang apat kapag nagkayayaan silang mag-bar hopping magkakaibigan.

Pagkapasok nila sa loob ay sa may pinaka cuonter sila pumuwesto ni Erickson kung saan may bar tender na mismo nagse-serve ng alak.

"What do you want to drink?" tanong sa kaniya ng binata.

"Tequilla na lang."

Si rickson na ang nag-order 'nun para sa kaniya habang umorder naman ito ng brandy.

"Mahilig kang mag-bar no, pansin ko lang. The last time i saw you sa bar din," tanong nito kay Angel.

"Oo, ito ang pinaka stress reliever ko," aniya naman rito. "Alam mo ba na mas madalas sa mga bar ang tambayan ko. halos lahat na yata ng bar dito sa Metro Manila napuntahann ko na." tumatawa nitong wika. "Iba kasi yun pakiramdam ko kapag nagpapalipas ng oras sa bar tapos umiinum ng ganito. Maniniwala ka ba na nakakapag-bar ako'ng mag-isa?"

"Oo, sabi mo iyan. So, naniniwala ako."

"Gago ka rin no, pero mas gusto ko naman na iyan ang paniwalaan mo lahat ng sasabihin ko sa iyo dahil hindi ako sinungaling kaya kapag snabi ko na busted ka na, totoo iyon."

"Sa lahat ng sasabihn mo paniniwalan ko naman. Wala naman akong magagawa kung  hindi mo na ako kayang bigyan pa ng second chance Angel," seryoso naman nitong turan sa dalaga.

"Erickson, maaari naman tayong manatiling magkaibigan. Sa totoo lang pagkatapos ko maranasan ang lahat ng pait sa buhay noon lalo na ng iniwan mo ako, ayoko ng sumubok pa sa seryosong relasyon."

"Bkit naman?" Matiim na tiningnan ni Erickson ang dalaga sa mgaa mata nito para makita niya ang katotohanan sa sinasabi nito. Matiim din naman siyang tiningnan rin ni Angel.

"Dahil hindi na ako iyon dating Angel na kilala mo noon. Marami ng nagbago sa akin simula ng iniwan mo ako at natuto akong tumayo sa sarili ko'ng mga paa. At hindi mo gugustuhin ang Angel na kaharap mo ngayon Erickson."

"Huwag mong sabihin iyan. Kung paano kita minahal noon ay ganoon pa rin kita kamahal hangang ngayon Angel. At kaya na kitang ipaglaban sa mga magulang ko dahil hindi na nila ko kayang manduhan pa. Hindi na ako makakapayag."

Ang ingay na nagmumula sa malakas na tunog ng sound system ay tila biglang tumahimik dahil sa mga salitang iyon ni Erickson sa kaniya. Pinakiramdaman ang sarili, higit lalong ang pintig ng kaniyang puso. Tila panandalian huminto ang oras sa kanilang dalawa ni Erickson sa pagtitinginan nilang iyon. Kaya ng unti-unting ilapit nito ang mga labi kay Angel  ay hindi man lang ito tumutol bagkus ay ipinikit ang mga mata at mabining tinugon pa iyon.

Akala ni Aidem noong una ay namamalikmata lang siya ng makita ang pares na nakaupo sa counter di kalayuan sa puwesto niya kasama ang isang dating batchmate sa kolehiyo. Ito ang may-ari ng bar na ito at nagpaplano silang magtayo ng isa pang branch nito na kasama na siya sa mag-i-invest.

Nang mapagtanto na hindi siya nagkakamali ay agad na dumaloy ang pamilyar na kirot na hatid niyon sa kaniyang puso. Hindi niya malaman kung bakit tila hindi niya agad nagawang lapitan ang mga ito at hinayaan lamang na panoorin ang masayang pag-uusap ng dalawa.

"Are you okay, Aidem? tanong ni Yvest kasabay ng pagtingin rin nito sa direksiyon na tiningnan ng binata. "Kilala mo ba ang couple na iyon at ganiyan ka na lang makatingin sa kanila?"

"Yes, kilala ko sila." Na hindi pa rin inaaalis ang pagkakatingin sa dalawa na ngayon ay seryoso ng nag-uusap. Halos kaunti na lang ang pagitan ng mga mukha ng mga ito na malapit ng magpataas ng dugo niya anomang oras.

"Ang sweet nila. Makasintahan ba sila?" tanong pa rin ni Yvest.

"Dati." Matigas niyang turan. Halos maningkit na ang mata ni Aidem sa nakikita.

"Bakit magkasama sila? O kaya baka nagkabalikan na sila."

Sa sinabi ni Yvest ay bigla itong nilingon ni Aidem. " It will never happen, because that girl is mine, mine forever."

"But look at them, they already kissing to each other," kampante lang na wika ni Yvest.

Kaya biglang lingon naman si Aidem sa kinaroroonan ng dalawa.  Sa kaniyang nakita ay tuluyan ng nagdilim ang kaniyang paningin. Hindi niya kayang tangapin na maliban sa kaniya ay may ibang labing hahalik pa kay Angel. Kaya mabilis na pagkilos ang ginawa niya upang makalapit sa mga ito.

Agad hinawakan ni Aidem ang balikat ni Erickson para kunin ang atensiyon nito. Agad niya itong sinuntok sa panga ng lumingon sa kaniya. Sa lakas ng pagkakasuntok niya rito ay na Out of balance ito sa pagkakaupo at agad pumutok ang gilid na bahai ng labi nito. Mabilis silang nakakuha ng atensiyon.

Ang nagulat na si Angel ay agad nilapitan si Erickson para tulungan. Tsaka pa lang niya nilingon ang gumawa 'non. Tila nagulat pa siya ng makita na si Aidem iyon.

"Anong ginagawa mo rito at bakit mo siya sinuntok?" wika niya sa binata. 

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan. Ano ginagawa mo rito at bakit mo kasama ang hayop na iyan!?" wika naman ni Aidem sa kaniya.

"Bakit, kung umasta ka akala mo kung sino ka sa buhay ni Angel?" galit na turan naman ni Erickson.

"At ikaw, sino ka ba sa akala mo sa buhay ni Angel ngayon ha?! Isang x-boyfriend na nagbabalik para guluhin ang tahimik ng buhay ni Angel." galit naman niyang sigaw rito.

"Kinukuha ko lang ang dating akin," wika ni Erickson. At wala kang karapatan na pigilan ako!"

Sa narinig na sinabi ni Erickson ay muli niya itong inundayan ng suntok. Hindi naman pumayag si Erickson na hindi makaganti kaya mabilis niya rin itong binawian ng suntok na sapul din sa panga ang binata.

"Tumigil kayo ano ba! sigaw ni Angel sa nagbabanatan. Tila nakapanood ng live ang mga walanghiyang tao sa paligid na wala man lang nagtangkang umawat sa mga ito. Nagkalat na ang mga basyo ng bote ng alak na mga nasagi ng mga ito sa ginagawang pagbubunuan.  

Samantalang si Yvest na kasama at siyang may-ari ng bar na iyon ay 'nun pa lang nito sinenyasan ang mga bouncer na awatin na ang dalawa, sapagkat masiyado ng marami ang mga nasira at nagkalat ng basag na bote sa paligid.

Isa pa tila hindi na rin kasi malaman ng babaeng pinag-aawaan ng mga ito ang gagawin. Kapwa pigil na pareho ng mga bounser si Aidem at Erickson. Halos magpumiglas sa higpit ng kapit ng bouncer si Aidem para lang durugin pa ang pagmumukha ng hayop na si Erickson. Pareho silang may mga putok sa parte ng mukha.

Sa galit naman ni Angel sa ginawa ni Aidem ay si Erickson ang nilapitan nito para alalayan at tanungin kung ayos lang ito. Dahil halos hindi ito makatayo ng maayos habang sapu-sapo ang sariling sikmura.

Baliwala ang sakit ng katawan at mga sugat din na tinamo ni Aidem sanhi ng pakikipag bugbugan kay Erickson sa sakit ng kalooban na binigay nito sa kaniya higit lalong ang pagpapakita nito ng pag-aalala sa lalaking karibal niya sa puso ng dalaga.

"Bakit mo ito ginagawa Aidem, bakit!" galit na sigaw nito sa kaniya.

"Dahil asawa na kita at kasal na tayo kaya may karapatan akong bugbugin siya dahil aagawin ka niya sa akin."

"Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong ng nagulat din na si Erickson sa sinabi ni Aidem.

"Huwag kang maniwala sa kaniya," aniya naman kay Erickson.

Bumaling siya kay Aidem at galit na tumingin rito. "Are you dreaming? Peke ang kasal natin kaya hindi mo puweding sabihin na asawa mo ako."

Bakit sa tuwing sasabihin ni Angel na peke ang kasal na iyon ay natitigilan siya. Kaya naman mas lalong dobleng sakit na ng kalooban ang nadarama niya.

"Aidem! Tawag pansin ni Yvest sa kaniya at ng tuluyan itong makalapit. "Tama na. Hindi ito ang tamang lugar para sa ganiyan walang kuwentang bagay." Tsaka ito lumapit kay Angel.

Seryoso ang pagkakatingin sa kaniya ng ngayon ay babaeng kaharap na kanina lang ay nasa tabi ni Aidem. "If you dont mind ako na munang bahala sa kasama mo. Dont worry, walang mangyayaring masama sa kaniya. Mas kailangan ka ni Aidem ngayon at sa tingin ko kailangan niyo munang mag-usap ng maayos bago ko siya kunin sa iyo."

Anong ibig mong sabihin? tanong ni angel dito.

Isang nakalolokong ngiti lang ang ibinigay nito kay Angel. At ito na mismo ang nag-alalay kay Erickson naman kasama ang mga ibang bouncer.

Agad naman niyang inalalayan si Aidem sa mga braso pero tinabig nito ang kaniyang mga kamay at nagpatiuna na sa paglakad palabas ng bar. Sinundan nya pa rin ito na patungo sa nakaparada nitong sasakyan.

"Give me your key, ako na ang magmamaneho. Sa dating mo na iyan hindi mo kaya magmaneho Aidem."

"Leave me alone Angel. Kaya ko ang sarili ko so, leave me alone. Pakiusap, huwag mong ipakitang nag-aalala ka sa akin ngayon dahil hindi ko iyan nakita sa iyo kanina," mahina nitong wika sa dalaga.     

Aaminin niyang nahiya siya dahil sa sinabi ni Aidem dahil sa kabilang banda totoo naman iyon talaga. Pero hindi niya ito pinakingan bagkus ay inagaw nito ang susi sa kamay ni Aidem at si Angel na mismo ang nagbukas ng pintuan para rito.

"Alam kong galit ka sa akin ngayon dahil sa nangyari at handa naman akong tangapin iyan, pero sa ngayon kailangan ko munang magamot ang mga sugat mo kaya sumakay ka na. Please." May pagsusumamo na sa mata ng dalaga.

Kaya naman sumakay na siya ng sasakyan at hinayaan ng si Angel ang magmaneho para sa kaniya. Wala siyang ibang nararamdaman sa ngayon kung hindi ang sakit ng kaniyang puso at ang munting pagsibol ng pagkaawa na sa sarili.

Ganoon na pala talaga siya kadesperado na mahalin ni Angel kaya kailangan niyang gawin ang lahat ng mga iyon para lang mahalin siya nito. Ngayon lang niya na-realize na kulang na lang pala ay lumuhod siya rito mahalin lang siya ng dalaga.

"Sa condo ko gustong umuwi," malamig na wika ni Aidem sa dalaga na hindi man lang ito tiningnan.

"Kung iyan ang gusto mo sige roon kita ihahatid," sagot naman ni Angel sa kaniya.

Pagkadating sa condo nito ay agad umayos ng higa sa sofa at pumikit si Aidem. Halatado ang pinipigilan nitong pag-inda sa mga nararamdamaan.

Saan nakalagay ang medicine kit mo?" tanong ni Angel sa binata na hindi naman siya pinansin at tila walang narinig.

Napabuntonghininga na lang si Angel at dumiretso sa silid ng binata upang kumuha ng malinis na bimpo at tsaka pumasok sa banyo. Binuksan ang maliit na kabinet roon at nagbaka sakaling may makitang first aid kit na tamang-tama naman na mayroon.

Lumapit siya kay Aidem at inumpisahan linisin ang sugat nito na pumutok malapit sa labi ng binata. May natuyo na rin bakas ng dugo roon. Dahan-dahan lang ang pagdampi niya upang hindi ito masyadong masaktan.

Nanatili lang itong nakapikit habang  ginagamot niya ang mga sugat nito sa mukha. Ang mukha nito na may bahid na ng pasa ang kaliwang pisngi at bahagya na rin iyon namaga. Sa kabila niyon ay hindi pa rin nabawasan ang karismang taglay na kaguwapuhan nito. Alam niyang hindi ito natutulog dahil sa bawat dampi niya ng oitment para saa sugat nito ay iniiwas nito ang mukha.

"Huwag ka ngang malikot para hindi ka masaktan."

Napilitan magmulat si Aidem para salubungin ang paningin ng dalaga. "Baliwala ang lahat ng sakit na iyan sa sakit na nasaksihan ko nun makita ko kung gaano ka kasaya na kasama siya. Tagos hangang rito Angel." Sabay turo sa sariling puso. Lalo na ng makita mismo ng mga mata ko kung paano kayo maghalikan."
 
Kahit hirap pa si Aidem ay pnilit niyang hubarin ang t-shirt na suot. Maagap naman si Angel na tulungan siya pero tinabig nito ang kamay niya at dahan-dahan bumangon. "I can do it to my self. Puwedi ka ng umalis," wika ni Aidem.

"No, hindi kita iiwan sa ganiyan mong kalagayan. Dito lang ako at sasamahan kita."

"Hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko. Puntahan mo na lang iyon magaling mong x-boyfriend o baka nga boyfriend mo na ulit," mapait niyang wika sa dalaga. "Dahil nakatitiyak akong mas malala ang natamo 'non kaysa sa akin."

"Aidem, Anong pinagsasabi mo?"

"Just leave! Leave me alone, bingi ka ba!?" Sigaw na ni Aidem kay Angel.

Ngayon lang siya pinagtaasan ng boses ni Aidem at talagang ikinagulat niya iyon. Hindi dahil sa natakot siya rito kungdi dahil ngayon niya higit na na-realize ang lahat ng mga panbabaliwala niya sa nararamdaman nito sa kaniya.

Bago pa man pumatak ang luha niya at makita iyon ni Aidem  ay mabilis na niya itong tinalikuran para iwanan muna ito tulad ng nais nitong mangyari.

Pagkalabas niya ng condo nito ay patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Padausdos siyang umupo sa nakasara ng pintuan. Umiyak lang muna siya nang umiyak. Hindi naman niya planong umalis ng tuluyan sa condo nito at umuwi sa bahay niya. Magpapalipas lang muna siya ng oras at muling papasok sa loob para tingnan ang kalagayan ng binata. Kaya nanatili lang siya sa labas ng pintuan nito.

Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga rito basta ayaw niyang umuwi ng hindi sila nagiging okay ni Aidem. Bahagya siyang natigilan ng mapagtannto sa isipan kung bakit nga ba ganoon na lang din ang epekto sa kaniya ng lahat ng nangyari higit lalong ang sama ng loob na nagawa niya sa binata.

Sobrang sama na ba niyang babae para hindi pahalagahan ang tunay na nararamdaman nito sa kaniya. Paano na lang ang pagkakaibigan nila na kahit paano ay pinanghahawakan niya sa kabila ng kagustuhan ni Aidem na putulin na iyon sapagkat mahal siya nito ng higit sa kaibigan.

"Napaka salbahe mo naman kasi Angel," pagka-usap niya sa sarili. "Bakit hindi ka maging totoo sa sarili mo kasi? Dahil sa nangyari ngayon mawawalan ka na ng isang taong mahalaga talaga sa iyo."

Dahil sanhi na rin ng labis na pag-iyak at kung anu-anong isipin ay hindi na niya rin napigilan ang paggupo ng antok at tuluyan ng tinangay ng mahimbing na pagtulog ang kaniyang kamalayan at dalhin siya nito sa isang nakaraan.

"Guys meet Angelzy. Transferee siya rito sa university. Pagpapakilala ni Dylan kay Angel sa dalawa pang lalaki. This is Mond and this is Aidem. Mga barkada ko rin sila.

Inuna niyang abutin ang nakalahad na kamay ng may pangalan na Mond at tsaka sinunod ang isa pang kamay na Aidem naman ang pangalan. Sa pagdadaiti ng kanilang parehong palad ay may tila kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan na hindi naman niya naramdaman doon sa Mond.

Matagal silang nagkakatitigan at tila nag-usap ang mga mata na tanging ang mga mata lang nila ang nagkaka-intindihan. Bumilis ang pintig ng puso niya na hindi niya normal na nararamdaman sa mga lalaking nakikilala.

Ano ang mayroon ang lalaki na ito na nagpatibok ng puso niya ng ganoon na lang. Kailan nga ba niya naramdaman ang ganitong pakiramdam? Ah, noon panahon na umiikot ang buhay niya sa isang Erickson pero noon iyon at hindi na ngayon.

Dahil sa pagsagi ng pangalan na iyon sa kaniyang utak ay tila siya nahimasmasan sa pagkakatitig din ng lalaki na ito sa kaniya. Huwag kang padadala sa mga ganiyan pakiramdam.  Kaya agad na hinila na iyon at ni hindi man lang ito nginitian.

Ang mga titig at ngiti na iyon na lihim na nagpakilig sa kaniya ay tumatak na sa isip niya at napagpasiyahan na itago na lamang sa kabilang banda ng puso niya. At doon na niya na lamang inalagaan iyon.

Samantalang si Aidem ay tuluyan ng nagising at Hindi na rin niya namalayan nakatulog na siya. Nakatulog siyang masama ang loob kay Angel.

Ngayon niya naramdaman ang sakit ng katawan sanhi ng pakikipag-bugbugan sa hayop na Erickson na iyon.

Natawag ang pansin niya sa pagtunog ng kaniyang cellphone na ipinatong niya malapit lang sa sofa. Tiningnan kung sino ang tumatawag at si Yvest iyon.

"Hey, dude,"  anito sa kaniya  sa kabilang linya. "Nasa labas ng pintuan mo ang sinasabi mo'ng asawa mo kagabi. Pupuntahan sana kita kaya lang hindi na ako tumuloy nang makita ko siya kaya tumawag na lang ako. And if im not mistaken mukhang doon na siya nakatulog. Fuck! Dude, paanong naatim ng konsensiya mo na hayaan siyang matulog sa labas ng Condo mo?"

"Shit!" Hindi na niya tinapos ang usapan na iyon at basta na lamang niya pinutol ang tawag ni Yvest sa kaniya ng marinig ang sinabi nito.

          ***** Rhaime22 *****

Author' note: Thank you for reading again. Mwahhhh...

Continue Reading

You'll Also Like

600K 15.8K 29
Miguel Santillan and Cristina Salcedo story๐Ÿ–ค
572K 15.4K 32
|R-18| SPG [COMPLETED]โœ“ Billionaire Series #1 Started: February 16, 2021 End: March 13, 2021 Living her life peacefully not until the news came. Gula...
769K 8.2K 34
"We need to talk about last night. I can't just send you away and pretends like nothing happened. I take full responsibility" he said while looking d...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...