Hold Me Tight

By mhiezsealrhen

1.6K 37 4

Alicia Vanessa is someone who wants to prove something, to people, to her family. She's very private. Nobody... More

DISCLAIMER:
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 2

135 2 0
By mhiezsealrhen

We are in Valentino, his restobar. Naipundar niya ito sa kalagitnaan ng kasikatan niya. It has branches all over NCR and Bicol region.

Ikatlong araw na namin dito sa probinsiya at hindi ito ang unang beses naming pagbisita dito sa loob ng tatlong araw na naming pananatili sa Hacienda. Marami na ang taong kumakain dahil siguro alas sais na rin ng gabi at oras na para maghapunan. Maya-maya pa ay tataohin pa ito dahil sa magsasayang mga tao.

Henrico is busy helping his people in the kitchen. He's so hands on, dati pa man kahit sikat siya ay naglalaan siya ng oras para sa negosyo niya. I've seen his passion and dedication and I admire him for that.

Nasa sulok ako dahil pinili kong dito pumuwesto para hindi agaw atensiyon. Nakasuot ako ng itim na sombrero na si Henrico mismo ang nagsuot sa akin. May suot din akong face mask. I know I look weird with this get up. Kilala pa rin ako ng mga tao at mabuti na ang nag-iingat.

Marami pa ring humahanga at dumadayo kay Henrico kahit matagal niya nang iniwan ang banda, kaya mahirap nang makita kaming magkasama.

Nakita ko siyang lumabas ng kusina dala ang isang tray. Iginala niya ang mga mata at agad na natagpuan ang mga mata ko. I smiled at him, kahit hindi naman kita dahil sa suot kong mask. He effortlessly carried the tray. Umuusok pa ang pagkaing dala niya. He stopped at the table for two, mukhang magkarelasiyon. I saw him talked to the couple a bit and nodded when the girl asked for a picture. Nakita ko pa kung paano mahinang hinampas ng babae ang lalaking kasama niya na para bang kilig na kilig bago tumayo para makatabi kay Henrico.

I saw women admire my man. Wala atang hindi kikiligin sa isang Henrico Valentino. His voice is to die for, his look and appeal couldn't left unseen. He's perfect in my eyes. From his man bun, thick brows, mysterious and intimidating eyes, pointed nose to his red natural lips, he looks so damn forbidden to be this gorgeous.

Pagkatapos paunlakan ay naglakad siya papalapit sa table ko. I am looking at the couple he served who are now curiously looking at us. Umiwas din ng tingin nang makitang nakatingin ako. Nagpanggap na lang akong nagbabasa ng menu para hindi na magising pa ang malilikot na isip ng mga makakakita sa amin.

"Are you okay here?" pagtatanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Marahan akong tumango. He nodded too. "I already asked the kitchen to cook for our dinner. Sa opisina ko nalang tayo kumain." alam kong ayaw niya naman talagang doon kami kumain pero dahil alam niyang ayokong makita kaming magkasama ay doon nalang kami.

Muli akong tumango.

"I'll just help the kitchen and follow you in my office after." tango lang ulit ang isinagot ko. Kita ko na naman ang pagtitimpi sa mukha niya na para bang kanina pa siya hindi natutuwa sa mga nangyayare. Tumango rin siya bago ako iniwan sa mesa.

I watched him entered the kitchen before I stand up to go to his office. Alam kong medyo matatagalan pa siya kaya pinili ko nalang na maupo sa swivel chair niya at buksan ang laptop sa mesa niya. Wala namang kaso sakanya kapag ginagamit ko ang mga gamit niya. He willingly offers them actually.

I saved the document and go to his emails. It's his business email kaya puro tungkol sa negosyo ang mga email doon.

Binuksan ko ang personal email niya at doon bumungad sa akin ang napakaraming unopened emails from different brands, ordinary people and people from show business. I was in awe because big brands are still messaging him to have collaboration with them. Hindi naman lingid sakanilang matagal nang iniwan ni Henrico ang industriya.

Mangha akong tiningnan iyon. I even saw some of the brands that I also collaborated with. Ang iba dito ay nag-o-offer din sa akin. Hindi ko binuksan dahil wala ako sa posisyong basahin ang mga 'yon. Bumaba pa ako at napakarami niya talagang natatanggap na offers. May nakita pa akong car company which is very famous for their sports car. Hindi ba dapat si Gregory ang ini-email nila dahil siya ang mahilig sa sasakyan at car racer? Well, I couldn't blame them. Iba ang hatak ni Henrico sa tao.

I remembered this commercial na kung saan nasold out ang produkto dahil si Henrico ang kinuha para i-advertise ang produkto. At kahit alam na nilang iniwan niya na ang showbiz ay nililigawan pa rin siya ng mga ito dahil kapag nagkataong tinanggap niya isa man sa mga offer ng mga ito ay talagang mayayanig muli ang buong industriya. I would be one of the happiest if he ever change his mind and comeback to his passion.

Tinapos ko na ang pagtingin sa mga nakakamanghang offer sakanya at pumunta nalang sa videos kung saan nakasave lahat ng pelikula, run way, commercial o kahit music video na naging parte ako. He made sure he has a copy of every project I worked with.

I clicked the music video where I am part of. Isa ito sa hit na kanta ng banda. Dito nagsimula 'yung mga espekulasyon na may relasiyon kami ni Henrico. The song was entitled "Alice", which is a song he wrote for me. He sung that song for our anniversary, and months after our anniversary was the time they released the song. Only his band mates and our close friends knew that the music video was actually from our anniversary celebration. It was just a random clips from our celebration na hindi ko aakalain na mabubuo ng ganun at gagawing music video.

At first, I was hesitant to release it dahil nasa gitna ako ng kasikatan at may ipinapares nga kay Henrico noon, which is Montana. Even Henrico doesn't like the idea of making it their music video but my manager already posted that I'll be in a music video of Henrico's band. Eventually, pumayag nalang din kami. At pumatok nga sa masa ang kanta pati ang music video dahil parang totoo raw ang emosyon namin doon. Totoo naman talaga dahil hindi 'yon dumaan sa ilang takes. That was us, being happy together. Mas nakatulong 'yon sa career ko pero habang tumatagal ay naging dahilan din ng pang-ba-bash sa akin.

The fans doesn't like me for Henrico. They're fighting for Montana-Henrico tandem that they started attacking me. Isa ring factor 'yon kaya mas gusto kong itago na lang muna ang relasiyon naming dalawa dahil baka tuluyan akong mawala sa showbiz kapag nagtuloy-tuloy ang pangbabash sa akin. That was my first and last MV for his band.

Bumukas ang pinto ng opisina kaya nabaling doon ang atensiyon ko. Waiter 'yon ng Restobar dala ang mga pagkain namin ni Henrico. I looked at his back to look for Henrico but he's not there.

"Mauna na raw po muna kayong kumain, Ms. Vania. Nagdagsaan kasi ang mga tao dahil dumating ang mga kabanda dati ni Boss Val at magpe-perform po." he explained. Hindi ko tinago ang pagbusangot ko. Nakita niya iyon at alam kong makakarating kay Henrico. Nagpaalam siya at tipid akong nagpasalamat. Tiningnan ko lang ang pagkain at hindi ginalaw. Umuusok pa ang mga 'yon dahil sa init. Tanging tubig lang ang kinuha ko dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Muling bumukas ang pinto but this time, it's not the waiter or staff of the Restobar, it's Henrico. Mukhang nakarating nga sakanya ang ginawa kong pagbusangot. Nanunuri agad ang mga mata niya habang naglalakad palapit sa akin. Kinuha niya sa kamay ko ang baso ng tubig na pinangalahatian ko.

"Eat, Vania." nakatayo na siya ngayon sa gilid ko. Hinawakan niya ang itaas na bahagi ng sandalan ng swivel chair at pinaharap ako sakanya. Nakayuko siya sakin habang nakatingala naman ako sakanya.

"What's with the face, hm?" masuyong tanong niya.

"Kala ko ba sabay tayong kakain?" busangot ko.

"I'll just check on you. Babalik ako sa kusina para tumulong dahil ang daming tao sa labas. Kumain kana." he urged.

"Kulang ba ang tao mo doon? For sure, they can handle it." alma ko.

"Work will be easier if I help. Mamaya kana magtampo dahil hindi kita masusuyo ngayon." mas bumusangot ako.

"Henrico!" hindi natutuwang tawag ko. He smirked and put me at place.

"Ako ang babawi sayo mamaya. The foods are your favorites. Eat, Vania." he crouched to whisper.

"Join me for dinner at least." pangungumbinsi ko pa.

"Alright. Let's eat." ngumisi ako na parang nanalo sa argumento bago tumayo. His arm immediately wrapped on my waist. Pinaupo niya ako sa mahabang sofa habang pinaghahain ng pagkain.

"Nasa labas daw sina Billy?" tanong ko habang pinaghahain na din siya.

"Yes. It's their scheduled performance tonight." tumango ako.

"Kakanta kaba ngayon?" I sounded hopeful with my question. Natigil siya sa paglagay ng ulam sa plato ko bago umiling. Ngumuso ako at hindi nalang nagsalita.

"You know my take on that." bahagya pang kumunot ang noo niya.

"What? Kakanta ka lang ulit kapag inamin ko na sa mga tao ang relasiyon nating dalawa?" hindi makapaniwalang sabi ko. He didn't react. Pinagpatuloy niya ang paglagay ng ulam sa plato ko.

"You don't have to deprive yourself of your passion just because I am not yet ready to tell them about us. Alam mong matagal pa bago mangyare 'yon." I said the last words sadly.

"Just leave showbiz and marry me. You can't hide us forever, Vanessa! Limang taon mo na 'tong tinatago, dahil kung ako lang ang masusunod, unang araw palang ay pinagsigawan ko nang tayo." he said almost frustratingly. Sana ganun lang 'yon kadali. I wish it wasn't this hard to tell them that we are in a relationship. Kung bash, kaya ko naman pero ang may maungkat tungkol sa pagkatao ko na pwedeng makaapekto rin sakanya ang hindi ko kaya. It's better be a secret than to ruin him. It would be too scandalous to be linked with me.

"Let's just eat." sabi ko. Imbes na para sakanya ang hinahain ko ay kinain ko  nalang. Hindi niya na rin ibinigay sakin ang pagkaing pinaghain niya para sana sakin. I can't swallow the foods. Sobrang tuyo ng lalamunan ko. He didn't bother touching the food he prepared for me. Nilapag niya lang sa center table at tahimik sa tabi ko habang diretso ang tingin sa kawalan.

"Sorry." mahinang sabi ko. I know that in this kind of argument, I am at fault. It's me who's not ready to tell the people about our relationship. It's me who's not willing to compromise. It's him who's willing to risk it all. All of him.

"Finish your food. I'll just go to the kitchen." mariing sabi niya at tumayo na. Para akong maiiyak habang pinagmamasdan siyang lumabas ng opisina niya. Pagkalabas niya ay nilapag ko na ang pagkain at hindi na ginalaw at tinitigan lang iyon hanggang sa pumasok ang isang waitress para magdala ng dessert. Kahit alam kong galit siya ay hindi niya pa rin ako kayang tiisin.

The waitress is holding my comfort food, ice cream, cheese flavor. Parang mas lalo kong gustong umiyak.

"Where is he?" I asked the waitress. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Nasa kitchen po." his employees know about our relationship. They are trust worthy people at panatag akong hindi makakalabas ang mga nakikita at naririnig nila sa amin.

"Sobrang busy ba sa kusina?" tanong ko pa.

"Opo, Ms. Vania. Sobrang dami po kasing orders. Madami pa pong nagsisidatingan kaya kailangang mas mabilis ang kilos." sagot niya habang nilalagay sa tray ang pinagkainan ko ng lunch, which is barely eaten.

"I can help. Susunod ako sa kusina pagkatapos ko dito." kita ko ang gulat sa mga mata niya. Umawang pa ang mga labi niya sa gulat. Hindi ko kayang hindi kainin ang ice cream kaya sinumulan ko nang kainin 'yon para makasunod agad sa kusina.

"Kaya naman na po namin." she tried to stop me pero desidido na ako. I will help. It seems like they need an extra hand for the orders.

"Tutulong pa rin ako." may pinalidad kong sabi. Hinintay ako ng waitress na matapos. While waiting, nilinis niya ang table. I readied myself before going out. Nakaface mask nalang ako at iniwan na sa loob ng opisina ni Henrico ang sombrero at bag ko. I helped the waitress carrying the foods na hindi ko naubos.

Marami ngang tao. Puno na ang first floor at may mga nakatayo na doon. Nakita ko ring inaassemble na sa stage ang mga gamit ng banda. Namataan ko rin ang mga miyembro ng banda na pinapaunlakan ang mga gustong magpapicture sakanila habang hindi pa nagsisimula sa pagtugtog.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina. Sobrang busy sa loob at halos mabunggo na ako ng isang nagmamadaling employee kung hindi lang ako nakagilid agad. Humingi ito ng tawad at hindi na napansin kung sino ako dahil sa pagmamadali. Nilagay ko ang dala sa lababo para mahugasan na. I scanned the kitchen to see where I can help. Hindi na ako napapansin ng mga kasama ko dahil masyado silang busy sa kani-kanilang ginagawa. Even the woman I am with a while ago, biglang hindi ko na makita.

"Pakihiwa nitong mga gulay." the Chef ordered. Walang lumalapit kaya ako na ang gumawa. Nanginginig pa ako sa pagmamadali dahil pakiramdam ko kailangan kong makipagsabayan sa kabusy-han ng mga tao sa kusina. I didn't bother on putting an apron. Diretso na ako sa paghuhugas ng mga gulay at paghihiwa. Maalam ako sa kusina dahil ako lang naman mag-isa ang nakatira sa Condo ko kaya ako lang ang nagluluto para sa sarili ko, lalo na noong hindi pa ako masyadong abala at tambay lang sa Condo.

After cutting the vegetables ay nakita kong mukhang kailangan pa ng Chef ng assistant sa pagluluto kaya lumapit na ako sa niluluto niya at ako na ang nagmix. He instructed me to put the veggies and it's ready to serve. Hindi ko alam kung paano ang plating kaya hinayaan ko na ang Chef doon.

Henrico's not in the kitchen. Baka nasa labas, inaasikaso ang nagdagsaang customers.

"May nakakita raw ba kay Ms. Vania?" Kahit ako ay nagulat sa pagmamadali at lakas ng boses ng isang waiter. "Wala d
raw kasi sa opisina ni Boss. Wala rin sa labas." I can sense panic on his voice.

"Kaya ba parang kanina pa hindi mapakali si Boss Val sa labas?" tanong nung isa. Tumango ang lalaki. Hinahanap niya ako? I was expecting him to be here in the kitchen.

"I'm here." sabi ko para masabihan na din si Henrico. They all looked at me. Kahit ang Chef ay nakita ko ang gulat nang marealize na ako nga ang kasama nila, na kanina pa nila ako kasama. Maybe because I am wearing a mask kaya hindi ako nakilala. "Pasabi nalang kay Henrico na nandito ako." tumango ang waiter at nagpaalam nang lumabas.

Bumalik na rin sa mga ginagawa nila ang kasama ko sa kusina. Ako biglang hindi ko alam ang gagawin dahil hindi na ako inutusan ni Chef. Nakatingin lang tuloy ako sa mga ginagawa nila.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
681K 23.9K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
4.8M 98.8K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...