Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

36.7K 931 47

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 34

771 21 1
By jhelly_star

Kabanata 34

Date

--

I don't think my mother will stop, that's for sure. I realized that no matter what I say, no matter what I do, no matter how hard I go through, she will never stop forcing me into the Castillos. It’s for the business and somehow, I believe she’s doing it for my future as well. She doesn't want me to struggle in the future.

Pero talaga bang babaliwalain niya ang mga nararamdaman ko para lang do'n? Bakit siya? Kahit kailan ba naranasan niya ang bagay na 'to? Ang alam ko hindi pa. Ang alam ko mahal nila ni Dad ang isa't isa at hindi kailanman pinilit ng mga magulang nila. Kaya siguro hindi niya alam ang nararamdaman ko. Hindi niya alam ang pakiramdam ng pinipilit.

I took a deep breath. Wala na siguro akong magagawa sa kanya. I'd better just let it go. Though, I will still continue to refuse this because I will never marry a man I don't love. I will definitely not allow it.

And I’m also too busy with my work. There's also a lot going on in the company right now kaya paniguradong mawawalan na siya ng oras para rito. Well... I'm just not sure about that. Maybe she can still find a way to do what she wants in my life.

Malalim ulit akong bumuntong hininga. Tumingin ako sa mga pinsang kong nasa iisang table dito sa shop ko. Nagtatawanan sila at may kung anong pinagkukwentuhan. Ako kailangan kong magtrabaho dito kaya hindi pa ako makasali sa kanila.

Naiinggit ako sa kanila dahil sila, hindi sila pinipilit ng mga parents nila sa mga lalaking hindi nila gusto. My Tito and Titas are not allowing marriage for convenience for them. Si Mommy lang talaga ang ganito. Si Mommy lang.

"Ayos ka lang, Mina? Mukhang matamlay ka ngayon, ah?" tanong ni Lorie sa akin nang nagkaroon na ako ng oras para samahan sila rito.

I immediately looked at her and shook my head. Nakita kong nakatingin na rin sa akin ang iba.

"Hindi. Uh... pagod lang ako. Ang dami kasing ginagawa rito, e..." palusot ko.

"You should rest atleast for a while. Lumalaki na ang shop mo kaya marami nang ginagawa," si Ate.

"Kaya nga dapat mas lalo pa akong kumilos. Hindi ako pwedeng magpahinga," sabi ko.

"Ikaw bahala. Basta you should still keep your health. Mahirap magkasakit."

Tumango ako.

"By the way, why did you remove your bangs, Issa? Hindi bagay sayo!" si Ate kay Issa.

"Tss. Bagay naman, ah?"

"Hindi nga, e..." ngumuwi si Ate.

"Nakita ang malaki mong noo, Ate," si Lorie.

Humalakhak si Cassandra. "Grabe naman kayo! Hindi naman ganoon kalaki ang noo ni Issa, ah? New look nga, e..."

"Bakit mo kasi tinanggal?" si Ate.

"I just want to try a new hairstyle. Naisip kong ipatanggal ang bangs ko since bata palang ako meron na ako noon. Gusto ko lang subukan yung wala naman akong bangs!"

"Pero hindi bagay!" humalakhak si Lorie. "Ang laki ng noo mo!"

"Malaki rin naman ang noo mo, Loreleil. Hindi lang halata dahil hindi ka naman kailanman nag bangs," ganti ni Issa.

Mas lalong humalakhak si Lorie. Nakitawa at nakitukso rin ako sa kanila pero talagang wala akong sa mood. Pagkatapos ng ilang minuto bumalik na rin ako sa kitchen para tumulong roon. Aabalahin ko nalang ang sarili ko dito.

Lumipat ako sa cashier nang wala na akong maitutulong sa loob, kaya na ng mga staffs ko roon. Kaya lang nang natapos ako sa isang magbabayad, pumasok si Lee sa loob ng aking shop at nagtama agad ang mga mata namin.

Natigilan agad ako. Hindi ko na naman inasahan na babalik ulit siya rito! Walang kasing bilis ang tibok ng puso ko at parang gusto ko nalang mapaupo sa panghihina. That’s how he affects me. Hindi naman ako dating ganito sa kanya ngunit ngayon masasabi kong lumala na!

"I'd like to order..." panimula niya nang nakalapit.

"Uh..." nanginig ng bahagya ang boses ko. "Y-Yes, Sir. Uhm... What do you like to order?"

I can't stop myself from stuttering!

"A slice of red velvet cake and cappuccino, please," he said coldly.

I nodded as I wrote his order. Hindi ako makatingin.

"O-Okay, Sir. Uh, is that all?"

"Yes."

I nodded again.

"Uhm, your order will be served in a minute, Sir. Uh... you can wait from... the table you want..."

Nagbayad siya. I'm still very nervous. I could feel his gaze on me but I couldn't look at him. Hindi ko kaya. Pakiramdam ko sa oras na tumingin ako sa kanya, mahihimatay ako.

"Thank you, Sir..." huli kong sinabi nang inabot sa kanya ang sukli.

I thought he's gonna leave after that but he stayed there. Wala tuloy akong nagawa at napatingin na sa kanya. Nakatitig siya sa akin, seryoso na naman ngunit nakataas ang kilay.

"So you went on a date with that boy yesterday?" he said.

Hindi ko inasahan 'yon.

"I thought you being engaged wasn't true?" he asked.

Napakurap kurap ako.

"H-Hindi nga. Yung narinig mo kahapon... mali lang ang pagkakaintindi mo roon..." I said nervously while looking at him.

Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi, tila ba naglalaro o ano.

"He asked you for a date and you agreed," he said.

"N-No. Hindi ganoon. Mali ang narinig mo..." hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.

"Ano ang tama, kung ganoon?" tanong niya.

Tinitigan ko siya. Na-realized ko na sobrang dami na nga ang nagbago sa kanya. Pati ang pagka usap niya sa akin ngayon, nagbago na. He was very gentle to me before. It's still the same today but I can really say... that something has changed. I expected it but I just couldn't accept it. Naninibago ako.

"Nevermind. Don't answer it if you don't want to," he said coldly before he turned his back on me and walked to the table he wants.

Napakurap kurap ako. Hindi na ako nakapag salita pa. Gusto ko pa sanang tanungin kung bakit siya nagtatanong ng mga ganito ngunit parang may nakabara sa lalamunan ko. Ni hindi ko siya matawag, hindi mahabol.

Binigay ko ang order ni Lee sa loob at bumalik sa counter. Tanaw ko si Lee mula sa kanyang table. Nasa tabi siya ng glass kung saan kita ang labas. Dala niya ulit ang kanyang laptop at mukhang may gagawin. Nag iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin.

I remember what happened at the bar, on Issa’s birthday. I honestly didn’t expect him to say those things to me. I don't know if it's true... but I'm hurting. He was really hurt by what I did. I treated him like a different person while he did nothing but love me.

Kaya ngayon naiisip ko nalang na dapat lang sa akin ang lahat ng pinagdadaanan ko. Dapat lang sa akin ang galit niya, ang malamig na trato niya, ang lahat. This is my karma for all the pain I gave him. And I'm willing to accept that. Kahit gaano pa katagal... o kahit habang buhay pa 'yan.

I love him and I wanted to tell him that. But I knew there was no hope. His family hates me, he hates me, my Mom doesn't want the Hidalgos to be even more angry with us... if the Hidalgos know that I also like their son Lee, they will definitely be even more angry with us.

Muling nagtama ang mga mata namin ni Lee at nag iwas agad ako ng tingin. Ayoko nang umasa na mapapatawad niya pa ako. I love him. But if he really doesn't want me anymore, and the world doesn't seem to want us to be together as well... wala na akong magagawa.

Sa mga sumunod na araw, mas lalo kong hindi inasahan ang pagpunta ni Lee sa shop ko. Almost every day, he was there and doing something on his laptop. Kung ano ano lang na pagkain ang ino-order niya habang busy sa ginagawa. Naisip kong siguro dito siya komportable kaya dito niya ginagawa ang kung ano man ang trabaho niya.

"Hoy..." lumapit si Ate Johanna sa akin habang nasa counter ako at may kung anong sinusulat habang pasulyap sulyap kay Lee na nasa madalas niyang upuan na table.

Yes, Lee is here again. He has been coming to my shop for a week now habang may ginagawa palagi sa kanyang laptop.

"Ano?" tanong ko kay Ate.

"Bakit nandito 'yon? Nagkabalikan na kayo?" I knew immediately what she meant.

Iritado ko siyang tinignan. "Alam mo, ang kulit mo, Ate. Sinabi ngang hindi naging kami noon kaya walang nagkabalikan! Tsaka... hindi ko alam kung bakit siya nandito. Why don't you ask him?"

She smirked. "Gusto mo talaga?"

Pinandilatan ko siya. "Nagbibiro lang ako. Basta wag ka na ngang makialam! Walang kami, okay?"

Mas lalo siyang ngumisi. Hindi talaga siya natitigil sa mga ganito niya! Palagi nalang nanunukso at nakikichismis! Hindi nalang pakialamanan ang sarili niyang buhay.

Muli akong sumulyap kay Lee nang umalis si Ate. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa laptop niya at may kung anong pinipindot sa keyboard. He was again wearing a longsleeve polo that was folded up to his elbow. He really looks like a businessman. I can't help but stare at his handsome but serious face.

Ganito siya palagi. Seryoso at parang hindi mo mabibiro. Para bang napaka importante talaga ng ginagawa niya sa kanyang laptop. Nakakunot pa ng bahagya ang noo at talagang matatakot kang lumapit dahil baka maistorbo mo.

Kaya hindi na talaga ako nagtataka sa tuwing may mga babaeng nagpapantasya sa kanya, sa tuwing may tumitili at sa tuwing may kinikilig dahil sa kanya. Kahit ako naman, hindi ko maiwasang titigan siya habang seryosong seryoso siya.

Boyfriend material, iyan ang mga nadidinig kong sinasabi ng mga babae dito sa shop ko kapag nakikita siya. Sa laki kasi ng katawan niya, sa kagwapuhan, sa tangkad, kitang kita pa ang ugat sa kamay hanggang braso... talagang boyfriend material nga siya!

I cleared my throat when I realized I was staring at him too much. I looked back at the paper I was reading and just focused on it.

Nakakahiya ka, Mina! Kung makatitig ka para ka namang patay na patay sa kanya!

Ngumuso ako.

The days went on. Lee always go to my shop. Ngunit minsan lang kung mag usap kami. Tungkol pa sa order niya. Kaya minsan nabibigo rin ako at kahit pa gusto ko pa siyang makausap, wala akong lakas ng loob.

"Hello?" pagod kong sagot sa tawag ni Mommy.

"You have a date for today," sinabi niya ang isang restaurant malapit lang sa shop ko.

"What?" hindi ako makapaniwala.

"Don't worry, it's not Blade. I know your bestfriend Lunara Valdez is in a relationship with him so I'll stop now. But I'm so sorry but you have to keep this going. Sundin mo ang utos ko, Michelle Morganna," she said coldly.

"But Mom--"

"No buts. Go and show up to him. He's waiting for you."

Magsasalita pa sana ako pero binabaan niya na ako ng tawag. I didn't even know who the man was waiting for me at that restaurant! What is this? A blind date?

Inis na inis ako pero wala akong magawa. I know I should follow her. Tumingin ako sa pintuan ng aking shop dahil maya maya lang ay dadating na si Lee. Palagi kasing alas onse ay nandito na siya.

At hindi ko pa yata siya makikita ngayong araw nang dahil lang dito sa set up na naman ni Mommy!

Nakakainis naman.

Nagpaalam ako sa staff ko at sinabing sila na ang bahala sa shop ko. Binilin ko rin na pagbutihin ang pagtatrabaho at agad naman silang sumunod. Umalis ako sa shop.

Malapit lang ang sinabing restaurant ni Mommy kaya agad rin akong nakarating doon. I still can’t believe it until now. Now I’m sure she really doesn’t care about how I'm feeling anymore! I want to cry but now is not the right time for that.

Nakita kong mamahaling restaurant ito. I went inside and was immediately guided by a waitress. It was as if I wanted to step back and run out of the resraurant when I saw where the waitress was taking me! Para akong aatakihin sa puso nang nakita ko si Lee!

Oo! Si Lee! Nakaupo sa pang dalawahang table at mukhang may hinihintay pa dahil wala pang pagkain sa kanyang table!

Namilog ang mga mata ko. Gusto kong umatras na ngunit hindi ko alam kung bakit tuloy tuloy ang lakad ko kahit nanginginig na ang mga tuhod!

"L-Lee..." nasabi ko sa sobrang gulat.

"Maupo ka," he said coldly.

Hindi ako makapaniwala. Talaga bang... si Lee ang nirereto sa akin ngayon ni Mommy? What the hell?!

Naalala kong sinabi ko na sa kanya na si Lee ang lalaking nagugustuhan ko! Dahil ba do'n kaya nangyayari 'to?! Kaya si Lee naman ngayon ang irereto niya sa akin?!

Hindi ko maintindihan! How did the Hidalgos agree to this? Paano sila napapayag ni Mommy? Or did they agree? Lee wouldn’t be here if they didn’t agree! Nagalit kaya sila? At higit sa lahat... bakit pumayag si Lee? O wala lang rin siyang nagawa? Napilitan lang ba siya rito?

Naupo ako sa harapan ni Lee, hindi pa rin makabawi sa mga napagtanto. Hindi pa rin ako makapaniwala! Parang gusto ko ulit sugurin si Mommy sa mansyon!

"Uhm..." nanginginig na naman ang boses ko sa sobrang kaba! "I-I'm sorry. Uh... hindi ko alam..."

Hindi nagsalita si Lee. He just stared at me.

"I-I'm sorry about my Mom. Hindi ko alam na ikaw ang..." hindi ko matuloy. "Hindi ka na sana pumunta rito. But... uh... don't worry, I'll talk to Mommy about this..." sabi ko.

"Para saan?" he asked very seriously.

Mas lalo akong kinabahan.

"P-Para tumigil siya rito. Don't worry. Uhm... I'll take care of her. I'll make sure na hindi ka na... maaabala ulit..."

His jaw clenched. Hindi na siya nagsalita.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"I'm sorry. If they forced you here, I'm sorry. Hindi kasi tumitigil dito si Mommy. She wants me to marry for business at pasensya na kung nadamay ka pa..."

"She wants you to marry for business?" seryoso niyang tanong.

"Uh... oo..."

"Is she doing this often?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Lumayo na ang usapan namin kanina.

"Uh... hindi naman. Pasensya na ulit. Sisiguraduhin ko talaga na hindi ka na maaabala ulit. Kakausapin ko si Mommy," I assured him.

Takot ako dahil baka mas lalo siyang magalit sa akin nang dahil dito. Ayokong mangyari 'yon.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya ako at dahil hindi kaya, mabilis lang rin akong nag iwas ng tingin.

"Uhm... sa ngayon... bilisan nalang natin nag pagkain. Tapos pagkatapos nito kakausapin ko na si Mommy..." sabi ko.

Baka kasi may gagawin pa siya at makaka abala na talaga kami ng tuluyan sa kanya.

"Bakit? May gagawin ka ba?" he asked.

"H-Huh?"

"May gagawin ka ba at gusto mong bilisan natin ang pagkain? Maybe you have a date with someone?" makahulugan niyang sinabi.

What?

"H-Hindi. Uh, baka kasi may gagawin ka pa at makaka abala ako. Ayokong maka abala kaya naisip kong... bilisan nalang ang pagkain..."

"Wala akong gagawin. I own my time," he said firmly.

Napakurap kurap ako. Hindi ako nakapag salita.

"So now, let's just order our food," he said.

Nakabawi ako sa pagkakatigil at unti unting tumango.

"A-All right..."

Nag order kami ng pagkain. At nang natapos muli kaming naiwang dalawa. Hindi ko alam ang pwede naming pag usapan. Natatakot din ako na baka hindi niya naman ako gustong kausap kaya tumahimik na lamang ako.

"So you're mother wants a marriage for convenience for you?" Lee said.

Napa angat ako ng tingin sa kanya. Walang emosyon ang mga mata niya kaya hindi ako sigurado kung interesado ba talaga siya roon o tinanong niya lamang iyon para may mapag usapan kami.

"H-Hindi naman. Kailangan lang sa... business..." tanging sinagot ko.

"So pumapayag ka?"

"Hindi ko lang siya kayang suwayin..."

"How about the rumors about you getting married with that Castillo? Ang Mommy mo rin ba ang may gusto no'n?"

I could not speak immediately. Hindi ko alam kung bakit siya nagtatanong ng ganito pero hindi ko alam ang isasagot ko. Whether I should tell the truth or just change the subject. I'm also not sure if he's really interested in this.

"O-Oo pero... pinatigil niya na 'yon. Mukhang titigil na siya roon..." dahil mukhang may ibang target naman siya ngayon para sa akin.

Lee stared at me for a moment, as if to see if I was really telling the truth. Tumikhim ako at napagdesisyunang ibahin nalang ang usapan.

"Pasensya ka na ulit sa ginagawang ito ni Mommy. Siguradong siya ang kumausap sa mga Hidalgo para mapilit ka rin dito. Pasensya na..."

"I said that's fine," he said.

Tumango ako at nagbaba ng tingin sa mga kamay kong nasa hita. I don't know what else to talk about.

"I'm sorry too... for what happened that night," he said after the long silence.

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ako nakapag sorry ng maayos dahil kausap mo ang boyfriend mo at lalabas pala kayo," anya.

Boyfriend?

"Hindi ko boyfriend si Blade. At yung narinig mo noon... hindi kami nagdate no'n. I just agreed to go out because he wanted me to help him talk to Luna. Nag away sila at ayaw siyang kausapin ni Luna. Ako lang ang alam niyang makakapag papunta kay Luna kaya..." paliwanag ko pa kahit hindi ako sigurado kung interesado pa ba siya roon.

Hindi agad siya nakapag salita. I forced a smile at him and looked down at my hands.

"Hindi kami magpapakasal ni Blade. Si Luna ang... gusto niya at hindi ko rin siya... gusto..." I don't know why I'm still explaining. Do I even have to say this?

Hindi pa rin nagsalita si Lee kaya nag angat na ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nakatitig siya sa akin habang umiigting ang panga. Mabilis siyang nag iwas ng tingin, hindi na talaga nagsalita. Muli akong nagbaba ng tingin at tinanggap na hindi na talaga siya interesado sa akin.

Our food arrived and we just ate quietly. Hanggang sa natapos ay hindi na kami nag usap pa. Pareho kaming may sasakyan kaya sabay na rin kaming lumabas para pumuntang parking lot nang natapos na. Hindi pa rin kami nag uusap. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang ganon katagal.

Nagulat ako nang malapit lang pala ang sasakyan namin sa isa't isa. Isang sasakyan lang ang nasa pagitan namin.

Napatingin ako kay Lee nang tumigil siya sa paglalakad at ilang sandali pang nanatiling nakatalikod bago humarap sa akin.

Parang trauma na bumalik sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Naalala kong sa parking lot kami nagtapos, sa parking lot nag usap muli at ngayon... sa parking lot na naman. Nakaka trauma. Parang gusto ko nalang pumasok agad sa sasakyan ko dahil baka umiyak na naman ako nang wala sa oras.

Nagkatinginan kami ni Lee.

"So you're not getting married with that boy?" he asked.

I stared at him for a while. Parang may punyal na tumutusok sa puso ko habang pinagmamasdan ko siya.

I miss him. So much.

Dahan dahan akong umiling, nakatitig sa kanya.

Tumango siya at ilang sandaling nag iwas ng tingin sa akin bago binalik ang mga mata.

Nagkatitigan kami. Walang nagsalita. Walang nagpaalam. Ni walang gumalaw.

Nakakalungkot isipin na hindi na kami pwede ngayon. Alam kong wala nang pag asa. Yung tipong kahit sabihin ko sa kanya ngayon na siya ang mahal ko, hindi pa rin pwede. Ganoon ang nararamdaman ko. Wala na akong makitang pag asa dahil alam ko... hinding hindi niya na ako mapapatawad.

Nag iwas ako ng tingin kay Lee dahil nanlalabo na naman ang mga mata ko. Kinurap kurap ko ang mga mata ko para kahit papaano maalis ang panunubig at nang naalis, binalik ang tingin kay Lee. Ngumiti ako.

"I'm sorry again for what my mother did. It will never happen again, I promise. Mauna na ako..."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, tumalikod na ako at pumasok sa aking sasakyan. At doon... doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan noong kumakain pa lamang kami.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 71 33
(Paradise Series#4) Be with you in your warmest place was always the safest. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 1...
Defend Her By maxene

Teen Fiction

6.9K 363 49
Celestine Astrid Laurent and Ethan Luriel Laforteza. They are the "almost perfect couple". They met each other during High School years. They have kn...
8.1K 495 45
After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an isolated Island where her dreams help her...