Paranormal Investigative Club...

By LadyOnTheBalcony

1K 150 77

Nagsasawa ka na ba sa Common Club like Journalism club, Theater club, Music club at iba pa. At naghahanap ng... More

Work of fiction
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
Final Chapter
Author's Note

03

49 8 6
By LadyOnTheBalcony

Himalang nagising ng maaga si Arielle ngayon, dahil mashado siyang excited sa unang nilang ensayo, "wow, himala. Ate ang aga mong nagising ngayon" pang-aasar ng kapatid niya

Kaya napangisi siya, "syempre, magiging hunter ako ngayon!" habang kunwaring bumabaril kaya napangiwi ang kapatid niya, "ayan pala ang natutunan mo sa pinapanood mo, bang-bang!" singit ng tatay niya. habang nakasandal ito sa may pinto

Kaya napanguso ito, "halika nga dito, Arielle" sabi nito. Kaya napangiti siya at agad na yumakap dito, "ang laki na talaga ng baby girl ko" sabi nito. Sabay halik pa sa noo niya

Ang papa na lang niya ang naiwan sakanila dahil namatay ang mama niya noong maliit palang sila dahil sa hindi malaman na sakit. Kaya ngayon ang papa na lang niya nagtataguyod sakanilang dalawa. "May nanliligaw na ba sayo? Anak" Tanong nito. Kaya agad siyang napakalas sa pagkakayakap, "Luh! Wala po"

Kaya natawa ito at ginulo ang buhok niya, "joke lang, nga pala, saan ang lakad mo ngayon sa pagkakaalala ko wala kayong klase tuwing friday" sabi nito. Kaya napabuntong hininga siya, "ahm, may gagawin po kaming project ngayon, promise po uuwi ako ng maaga"

"Okay, basta umuwi ka nang maaga dahil walang kasama kapatid mo ngayon at mag-oovertime ako mamaya" sabi pa nito. Kaya ngumiti siya at tumango, "sige na, lakad na"

Kaya maaga din siyang nakapunta sa meeting place nila, "neks, ang aga mo ngayon ah! Ayan ba ang epekto ng pagsalo sayo ni Krypton hmm" sabi ni Kioshi. Kaya napailing siya

"Ano ba! wag nga kayo" sabi niya pero patuloy pa rin sila Zarouhi sa pag-asar sakanya hanggang sa dumating na si Krypton, "ready na ba kayo?" sabi nito. Kaya agad silang tumango kaya napangiti ang kanilang leader, "Alright! Tara na"

Kaya pumunta sila sa isang training facility. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Arielle nang makita niya ang iba't ibang mga pasilidad katulad ng firing rage, boxing ring at iba pa

"Eto na ang start ng training natin, kailangan nyong matutunan ang hunting basics skills katulad ng tamang paghawak ng baril, spells at iba pa. Para handa tayo kapag nagkaroon tayo ng misyon"

"At kaming dalawa ni Krypton ang magtuturo sainyo, guys, kailangan nyong makinig saamin ng mabuti dahil... pagkatapos magkakaroon tayo ng games!" Sabi pa nito. Kaya napangisi si Zarouhi, "may premyo ba ang mananalo?"

"Depende kay mayor kung magbibigay siya" sagot nito. kaya napatingin sila sa leader nila, "baka namen, fafa Krypton" sabi ni kioshi

Kaya natawa ito at napailing, "fine, magbibigay ako. Kung sinong team ang pinakang maraming napanalo na laro bibigyan ko ng 2,000 okay na ba yun?" sabi nito. Kaya nag-ingay sila Kioshi

"Woho! Galit-galitan muna tayo ah"

Kaya napangiti si Kida, "alright, magsimula na tayo!" Sabi nito. Kaya pumunta sila sa kwartong puno ng mga target at mga nakadisplay na iba't ibang klaseng mga dagger

"Welcome, this is our first lesson for today. Tuturuan ko kayo ng tamang paghawak ng dagger at kung paano ito gamitin ng tama" Sabi nito at walang anu-ano hinagis niya ang hawak nitong dagger at nagulat sila ng bulls eye ito at napangisi siya, "ready na ba kayo?"

Kaya wala nang inaksayang oras si Kida at agad niyang tinuro ang mga nalalaman niya, "meron apat na fundamental na kailangan nyo malaman, Una ang cross...ayan tama ang ginagawa mo Syd" sabi nito. Napangiti ito

"Okay, pangalawa, vertical and horizontal ayan nakuha nyo! Talagang gusto nyong manalo ah" sabi pa nito. Habang pinapanood niya mga kaibigan niya nang napatingin siya kay Zarouhi na mukhang nahihirapan kaya agad niya itong nilapitan, "let me, ganito lang yan"

Habang hinahawakan niya ang kamay nito at tinuturo ang tamang paghawak, "There, nakukuha mo na" Sabi nito. Habang nakatingin ito sa kamay nila, "t-thankyou, Kida"

Kaya bumalik ito sa pagtuturo, "sana all, tinuruan" pang-aasar sakanya ni Kioshi. Kaya tinignan niya ito ng masama, "okay pangatlo..."

Tinuruan din ni Kida sila Arielle kung paano ang flow o kung paano gamitin ang dagger at kasama niya doon si Krypton, "simple lang naman ito, so don't worry" sabi nito. Sabay kindat at nagsimula na silang ipakita habang  tahimik lang na nakikinig ang apat

"Ang hot talaga ni fafa Kida, lalo na kapag seryoso!" Kinikilig na sabi ni Kioshi. Kaya napailing si Zarouhi, "sinabi mo pa... Those biceps argh! Ang hot niya talaga" sabi pa nito.

Kaya natawa silang dalawa ni Syd, "nakuha nyo ba?" Sabi ni Krypton. Kaya agad silang tumango, "okay, bibigyan namin kayo ng ilan oras para magensayo para sa susunod na games. Goodluck!" Sabi pa nito. Kaya nawala ang ngiti nila sa mukha at napalitan ng seryoso

"Para sa 2,000!" Sigaw nila. Kaya napailing yung dalawang lalaki habang pinapanood nila ito mag sparing sa mga partners nila, "sa tingin mo, tol. Sino ang mananalo sa first round?"

"Hmm, sa tingin ko sila Arielle at Sedo" maikling sabi nito. Sabay inom ng tubig, "kita mo naman sakanila kung sino talaga determinadong manalo eh" dagdag pa nito. Sabay ngisi, "time is up! Guys"

"Ang unang natin laro ay agawan base, Team A vs. Team B ang kailangan nyo lang ay depensahan ang base nyo na may flag. Ang makaagaw ng flag ng kalaban ang siyang mananalo" sabi ni Krypton. Kaya agad nagusap ang dalawang team kung ano ang dapat nilang gawin, "alright! Pwesto na kayo"

"Goodluck saatin, isda"

"Ikaw na bahala sa flag natin, ako na bahala doon sa dalawa" sabi ni Syd. Tumango agad si Arielle at hinanda ang sarili sa magiging laban nila, "magingat ka kay Zarouhi"

Agad siyang tumango at hinanda niya ang plastic na dagger, "paalala lang guys, wag nyong seryosuhin ang laro na ito. This is a friendly game, okay" paalala pa ni Kida

"Alright, in a count of 3 magsisimula na tayo. 3! go!" Sigaw nito kaya wala nang inaksayang oras ang dalawang team at agad silang sumugod, "go, bebe Zarouhi ipagtanggol mo ang base natin!"

Habang yung dalawang lalaki ay tahimik na pinapanood sila at pinag-aaralan ang mga galaw nila, "ang astig talaga ng baby ko!" Sabi ni Kida. Habang nakatingin sa babae kaya tinaasan siya ng kilay ni Krypton

"May potential si Zarouhi, Kida... Iba siya ngayon kumilos kumpara kanina" komento ni Krypton. Kaya napangiti si Kida sa sinabi nito, "syempre, ako nagturo diyan"

Kaya napailing ito, "Pero, hindi sapat para talunin si Syd" dagdag pa nito. Kaya napatingin ito kay Zarouhi na nakahiga sa sahig, "shems, stand up, baby. You can do it!" Bulong nito.

"K-Kioshi, help!"

"Wait, nandiyan na!" Sigaw nito pero hindi pa siya nakakalapit agad niyang nakita si Arielle, "at saan ka naman pupunta? Kioshi" sabi nito. Sabay ngisi. Kaya na yukom ang kamao nito

"Hindi nyo kami matatalo!" Sabi nito at siyang sinugod nito kaya hinanda niya ang dagger niya at nagsimula na silang mag-away habang yung dalawang babae ay wala pa rin tigil sa pagbubuno hanggang sa nakatayo si Zarouhi at iika-ika sa pagtakbo papunta sa base nila Arielle pero agad siya inaabutan ni Syd

"Argh! Let me go! Kioshi help"

"Arielle, kunin mo na yung flag!"

Kaya agad itong tumakbo sa flag nang hilain siya sa paa ni Kioshi, "hindi mo nakukuha ang flag namin!" Sabi pa nito pero agad siyang nakawala at sa huli nakuha din niya ang flag

"Okay, we have a winner! Good job guys! You did well" masayang sabi ni Krypton. Kaya napangiti ang dalawang babae, "don't worry, guys bawi na lang kayo sa next round! But before that kumain muna tayo. I'm sure nagutom kayo sa laro"

Mabuti na lang may malapit na kainan sakanila, "wow! Ang daming pagpipilian!" Sabi ni Kida. Kaya napailing si Krypton, "kumuha lang kayo ng gusto nyo, libre ko" sabi pa nito.

Kaya naging maingay ang buong kainan dahil sa mga sigaw nila Kida, "iba talaga kapag maraming money!" Pang-aasar pa ni Kida

"Thankyou sa libre, leader!"

"Welcome, siya pili na"

Kaya agad nilang pinili ang gusto nilang pagkain, "oh, kumain kayo ng marami diyan, dahil meron pa tayong susunod na lesson"

Gaya nga ng sinabi ni Kida kanina, meron pa nga silang huling ginawa ang matutong ng combat fighting at kagaya din kanina silang dalawa ulit ang magkakampi, "Sedo, ikaw na bahala kay Kioshi. Ako naman kay Zarouhi" Habang nag-aayos ng flag niya sa bewang, "Copy, pero sure ka bang kaya mo si Zarouhi?" Tanong nito. Kaya napangisi siya

"Don't underestimate me. Sedo"

"Fine, do whatever you want. Isda" sabi ni Syd. Habang inaayos niya ang flag na gagamitin nila mamaya. "Guys, Time is up! pwesto na kayo! This game is fun" panimula ni Kida. Kaya hindi niya din maiwasan hindi ma-excite sa gagawin nilang laro

"This game is called catch the flag, all you gonna do is mag-aagawan lang kayo ng flag na nakalagay sa mga bewang nyo. The last man standing ang siyang mananalo!"

"Good luck saatin, Isda!"

"Go!" Sigaw ni Krypton kaya hudyat na magsisimula na ang laro at kagaya nang napagusapan nila ni Syd ang naging target niya si Zarouhi na kagaya niya mukhang hindi na rin ito magpapatalo. "Arielle, sa likod mo!"

Kaya agad siyang umiwas at tumakbo ng mabilis para hindi siya maabutan ni Kioshi na mukhang siya ang target! Mukhang magiging mahirap ang larong na ito!

ANG unang nawala sa laro ay si Syd na sinundan naman ni Kioshi dahil nakuha ni Arielle ang flag nito ng hindi namamalayan kaya ibig sabihin silang dalawa ni Zarouhi ang magkalaban. "Go! Isda kaya mo iyan!" Pagcheer sakanya ni Syd

"Go! Bebe Zarouhi! Wag kang magpapatalo kay Arielle!" Sigaw ni Kioshi. Kaya napailing silang dalawa. "Okay! This is last round. Goodluck sainyong dalawa" sabi ni Kida

"Win the best girl win!" Sabi ni Zarouhi. Habang nakangisi kaya hinanda na lang niya ang sarili sa magiging laban nila, "Win the best girl win!"

Pero sa huli si Zarouhi pa rin ang nagwagi okay lang naman para sakanya ang naging reslta ng laban nila dahil alam niya binigay ni Zarouhi din ang best nito. "Nice game, Arielle" sabi nito. Kaya ngumiti na lang siya

"Nice game" sagot niya. Kaya lumapit sila Syd sakanila para batiin lalo na si Zarouhi, "I think, dito na nagtatapos ang training natin ngayon. Nice one guys! Marami pa kayong kailangan matutunan" sabi ni Krypton

Continue Reading

You'll Also Like

422K 10.7K 48
An original and empowering shapeshifter/werewolf mystery. Lily's abusive life with her childhood pack is about to change forever when she's assigned...
24.2K 607 76
Disclaimer This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book...
11.3K 235 17
The smart but lonley Keith is secretly the greatest hero of all time until a new hero arrives to challenge keith while falling in love without realiz...
34K 1.7K 24
Arandel Ariella Sobano is not ordinary girl. When she found out that she have a power her father told her the truth. Pero Hindi sinabe Ng kanyang pap...