Battlecast: Underground

By definitelynotKazu

1.1K 188 46

(Published under TBC Publications) BATTLECAST #1 Change is the thing we can't get from them. We are beasts on... More

Battlecast: Underground
I | Wanted
II | Wrong
III | Scare
IV | Visit
V | Grave
VI | Jack
VII | Leon
VIII | Ripper
X | Escape
XI | President
XII | Blame
XIII | Treaty
XIV | Confront
XV | Gone
XVI | Desire
XVII | Insane
XVIII | Out
XIX | Chase
XX | Destruction

IX | Shade

43 9 1
By definitelynotKazu

"NAKAKITA ka ba ng lugar kung saan mo nakita ang caster?" tanong ni Leon sa babaeng biglang pumasok ng kuwarto. Napatayo siya kaya napatayo na rin kami. Palipat-lipat ang aking tingin kina Leon, Jack, at sa babae.

"Malabo po pero—"

"CAP!"

Nalipat naman ang aming tingin sa lalaking sumigaw sa may labas. Biglang nagpakita ang isang lalaking hingal na hingal at malawak ang mga mata. Lumapit si Leon sa kaniya at nakasunod naman sa kaniyang likod ang babae.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya sa lalaki.

"Duguan po ang isa sa mga kasamahan po natin!" garagal na balita ng lalaki saka tinuro ang labas.

"Kumuha na kayo ng panggamot," utos ni Leon saka lumabas na.

"Ano ang nangyayari—" Napahinto ako sa pagtanong nang tumabad sa akin na wala na si Jack sa tabi ko no'ng lingunin ko siya. Ako na lang pala ang natitira sa kuwarto.

Bumuntonghininga na lang ako saka nagmartsa na rin palabas. Nang makita ko na ang lobby, parang nagtitipon lang sila sa isang lugar. Nakita ko na ang isang lalaking caster na nakahiga, puno ng dugo ang damit at katawan at sinusuyo na siya ni Leon na nakahawak nang mahigpit sa kaniyang kamay habang ang isang babae ang naggagamot sa kaniya. Nakatayo na lang ako 'di kalayuan sa kanila pero nakikita ko pa rin.

"Lumaban ka, One," kumbinsi ni Leon sa lalaki.

"C-Cap, hindi. . .ko na po kaya," mahinang saad ng lalaki.

"Sino ang may gawa sa 'yo nito, One?" seryosong tanong niya.

Umubo ang lalaki at may lumabas na dugo sa kaniyang bibig na nagpalayo sa mga taong malapit sa kaniya maski ang naggagamot ngunit hindi si Leon. Mahigpit pa rin ang kaniyang kapit kay One.

"O. . .Autho. . ."

Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya ngunit natahimik na ito. Nang bitiwan ni Leon ang kamay, diretso lang itong bumagsak. Umiwas na lang ako ng tingin at yumuko. May naaalala ako sa nangyayari at ayokong maalala na ulit 'yon dahil sobrang sakit sa akin.

"Malinaw na tinutukoy niya ay ang authority, Leon," singit ni Jack na malapit lang sa kaniya.

"Buwisit!" sigaw ni Leon.

"Lagi naman sila ang may kagagawan," bulong ko habang nilalaro ang isang Swiss knife na pinalitaw ko sa aking kamay. Pinapadausdos ko ang daliri ko sa talim hanggang sa tusok nito.

"Just give me a word, Leon, and I'll be the one who will kill the president," Jack said, full of himself.

"No. We're not that sure if she was the one behind this but we are sure that the task force made this to One," Leon replied. "Turn on the lobby's radio."

I roamed my eyes around. There are speakers in every corner of the lobby. In just a moment, a static sound came out of the speakers then we heard a voice of a woman from it. I recognized it as President Halfalla.

"We are continuing to produce mechanical stuff to make your life easier, everyone. Also, our authorities are starting to upgrade the defenses, like replacing human soldiers with mechanical ones," she said, her voice is echoing around the lobby.

Everyone is quiet, listening to the president's speech. Am I the only one who's waiting for a speech to the casters?

"Food and water shortage! Ayusin niyo naman ang trabaho niyo!" narinig kong sigaw ng isang babae sa backround.

President Halfalla coughed. "Isa pa. Para sa lalaking caster na nanggugulo sa bootcamp ng task force."

Napaangat ang ulo ko at kunot-noo na tumingin sa speaker. Teka, ako 'yon. Ina-address ako ng presidente?

Tumingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Alam nila ang ginawa ko sa task force base. Matalim ang tingin sa akin ni Leon habang si Jack ay nakapikit lang at nakikinig.

"I want to meet you. No cops, nor task force. Just between the citizens and the president. Formal talk, I just want to build a connection between me and the caster. I want to know what's on his mind about this, if he wants to be a hero or a vigilante. Maybe the latter, just like what he had done to his brother." President Halfalla chuckled like there's a joke.

Like what I had done to my brother?! Authorities did it, not me! I was on my knees, begging my brother to forgive me, and then they shot him! Even the president is believing lies! I thought she's different! I thought she has the voice for casters!

I clenched my fists and stood then walked through the exit. I saw the dead guy has already covered with a blanket. I just stopped walking when Leon grabbed my arm. Hindi ko na lang siya nilingon kahit naramdaman kong nasa akin ang mga mata niya.

He released my arm. "Huwag mo sabihing papatulan mo ang sinabi ng presidente na makipag-usap."

"Ipararating ko lang sa presidente na hindi ako ang pumatay sa aking kapatid. Sila ang may gawa n'on sa kaniya," pagtatama ko sa kaniya. Nilingon ko siya at nginisihan. "Kung gusto mo sumama para magpahatid din ng mensahe, maghanda ka dahil hindi lang isa ang kalaban natin doon."

Tumuloy na ako sa pag-alis. Kabisado ko naman ang daan palabas sa tunnel na ito at nakikita ko pa ang dinadaanan ko. Sa kadahilanang baka mahuli na ako, tumakbo na ako papunta sa labasan. Inakyat ko ang ladder palabas saka tinulak ang takip ng manhole at inilabas ang sarili ko. Tumatakbo ako sa gilid ng riles ng tren. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko dahil baka maabutan ako ng tren. Umakyat ako sa mataas na platform at tumakbo palabas ng subway.

Nasa Hollerith monument ginaganap ang address kaya ilang metro lang ang layo nito mula sa subway. Hindi na ako nag-abala pang takpan ang mukha ko habang tumatakbo. Kilala naman na ako, bilang isang kriminal na hindi ko alam kung paano naging gano'n.

Natatanaw ko na ang Hollerith monument at pati rin ang mga taong nanonood sa address ng presidente. Tumingin pa ako sa paligid at may namataan akong mga naka-puwestong SWAT sa paligid. Bumuntonghininga ako nang makaramdam ako ng mabigat sa aking dibdib. Sana hindi ako pumalpak.

"Sa mga caster, alam kong mahirap ang nararanasan niyo kaya malapit niyo na maranasan ang pagbabagong hinahangad niyo," narinig kong wika ng presidente sa mikropono.

"SINUNGALING!"

"Xlynon Runebraid! Freeze!" A man in full SWAT gear aimed his gun at me.

Nakatutok na rin sa akin ang ibang mga SWAT at pati na rin ang mga tao. Nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan isa-isa ang mga taong nakatutok ang mga baril sa akin. Hindi bababa ng sampu ang SWAT na narito na nakikita ko.

"Oh! The guest for today! Xlynon Runebraid," President Halfalla said and glanced at me. Her elbow rested on the podium and her other hand placed on her waist.

"HOW DARE YOU TO LIE THAT I KILLED MY BROTHER?!" I shouted at her, staring deadly.

"Oh. Hindi ba? The authorities found you killed your brother—"

"KASINUNGALINGAN!" sigaw ko pa muli. "SILA ANG PUMATAY SA KAPATID KO! MGA HAYOP KAYO!"

"Words, Mr. Runebraid. You don't know who you're talking with," President Halfalla warned.

There are group of SWATs came and stanced, aiming their guns to me. Mas lalo silang dumami kaya itinaas ko na ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang presidente na nakangisi na sa akin.

"P'wede nating pag-usapan ito, Mr. Runebraid. Sa maayos at tahimik na pamamaraan—"

Hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin nang mabilisan kong pinalabas ang pistol sa kamay ko at inasinta siya. Natamaan ang kaniyang ulo kaya natumba ito. Alam ko nang papatukan ako ng mga SWAT kaya naglabas ako ng bulletproof riot shield sa aking kamay at hinarangan ang mga balang tinitira sa akin ng mga SWAT. Yumuko ako para hindi matamaan ang aking ulo.

Narinig kong nagsisigawan na ang mga tao sa lugar at nagkakagulo na. Patuloy lang sila sa pagbaril sa shield ko. Nagsasapawan ang ingay ng mga baril sa ingay ng mga taong nagkakagulo. Nang humina na ang pamamaril nila sa akin dahil baka nag-reload ay nagpalabas ako ng shotgun sa aking kamay at sunod-sunod na binaril ang mga SWAT na nagkakasa ng kanilang mga baril. Sa bawat kalabit ko ng gatilyo, hinihila ko ang fore-end nito para ikasa ang bagong bala.

Nagtago ako sa likuran ng isang kotse at nagpaputok na naman sila. Mga sampu lang ang napatumba ko at tila hindi sila nabawasan dahil sa dami nila. Do I have any other choice to speed up?

Nang makakuha na naman ako ng pagkakataon ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at kasabay na pinalabas ko ang bazooka. Mabilis ko lang itong tinutok sa kanila at kinalabit ang gatilyo na nagpawala sa rocket at no'ng tumama sa kanila ay naglikha ito ng malakas na pagsabog.

Pinawala ko na ang bazooka at pinalitan ng rifle. Pinatamaan ko ang mga SWAT na paparating sa akin. Sunod-sunod ko lang silang pinagbabaril hanggang sa napadaing ako dahil sa sobrang sakit. May balang tumama sa aking braso!

"P*tangina!" malutong kong mura nang sinunod naman patamaan ang aking binti. Daplis lang ang tama pero napaluhod ako nito! Galing siguro sa sniper 'yon!

I groaned so hard and tried to stand up. I shouted out loud as I endured the pain but still, I was still down on my knees! Sh*t!

Nang angatin ko ang tingin ko ay nakita kong may dumating na bagong mga SWAT at tinutukan ako. Napapikit na lang ako nang marinig ang putok ng baril ngunit nakaramdam ako ng pagyanig ng kalsada sa puwesto ko kaya nagmulat ako. Nagulantang ako nang may batong bakod ang tumayo sa aking harapan, dahilan para masangga ang mga bala nila.

Lumingon ako sa paligid para hanapin kung sinong caster ang may gawa niyon. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko si Leon na nakataas ang kaniyang kamay at nakakuyom ito. Siya ang may gawa ng batong bakod?!

"Help yourself to stand! The battle is not yet over!" he shouted.

And then, I just heard a loud, echoing laugh that I guess it's Jack's laugh from anywhere.

Continue Reading

You'll Also Like

118K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
4.2K 253 15
Short stories. Love. Sufferings. Pain. Life changing.
THE SECRETS OF DEVORA By

Mystery / Thriller

947 68 13
"The Secrets of Devora" is a gripping tale that portrays the dangerous life of a woman named Devora. On the outside, Devora appears to be a simple in...
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...