My Son's Billionaire Father

By redAnji

52.9K 1.7K 18

C O M P L E T E D -- Picture used for book cover is not mine. Credits to the rightfully owner. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Last Chapter

Introduction√

4.9K 98 3
By redAnji

_________________________

Kusang tumulo ang mga luha ko pababa sa aking pisnge habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Sinubukan ko pang kumurap at kusutin ang aking  mga mata, nag babakasali na namamalikmata lamang ako pero totoo talaga.

Napahigpit ang hawak ko doon at sa hindi malamang dahilan kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa aking tiyan. Dalawang linya, ibig-sabihin nag dadalang tao ako! Buntis ako! At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang naging mahina ang pagdaloy ng mga bagay sa aking sistema at hindi ko maproseso ng maayos ang nangyayare ngayon.

Kahit nanghihina sa nadiskubre ay pinilit kong ayusin ang aking sarili. Nag hilamos ako para maibsan ang pamamaga ng aking mga mata saka napatitig sa salamin. Kaya pala, kaya pala nitong mga nakaraan ay may mga bagay na nagbabago sa akin. Nag susuka tuwing umaga, nananabik sa pagkain, mabilis mag bago ng emosyon, mainitin ang ulo at higit sa lahat nagiging sensitibo ako.

Ngayon na dalawa na kami sa katawan ko, ano nang gagawin ko?Paano ko bubuhayin ang isang 'to kung sarili ko nga ay hirap din and for Christ sake, nag-aaral pa ako! Graduating to be exact! Kung kailan malapit ko na maabot ang pangarap ko ay saka ako binigyan ng ganitong suliranin.

Naputol ang aking pag-iisip dahil sa isang boses at yabag na nasa labas. Nanlamig ang kamay ko ng mapag sino ito. Dali-dali kong itinago ang pregnancy test na hawak at bahagya pang napaigtad ng kumatok siya sa pinto.

"Ivy babe? Nandiyan ka ba?"

"O-Oo. Sandali.." bumuga ako ng hininga at sinilip ang sarili sa salamin bago lumabas ng banyo. Napalunok naman ako at nag iwas ng tingin dahil sa mapanuri niyang mata.

"Ayos ka lang?"

"H-Ha? Ah, oo! Ayos lang ako."

"So bakit ka umiyak?"

" Ha? Ano ka ba, hindi ako umiyak."

"Wala ka bang ibang magandang dahilan?  Alam ko kung kailan ka umiiyak o umiyak. Mag sisinungaling ka pa ba sa akin?"  this time ay sunod-sunod ang pag lunok ko dahil sa sobrang seryoso ng mukha at boses niya.

"Ngayon sabihin mo sa akin. Anong resulta? Buntis ka diba?" 

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na punong puno ng yelo at napako sa aking kinatatayuan. Namimilog ang matang nakatingin sa kaniya at bahagyang nakaawang ang aking labi. Ngumisi siya sa naging reaksiyon ko at humakbang ng dalawang beses, ngayon ay kaunti nalang ang distansiya namin.

"You don't have to deny or answer it. I know that your are pregnant. I'm confidently sure for that. Like what I've told you, I know you. I know who you are Ivy 'cause I am your best friend." hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinawid ang pagitan namin. Sinunggaban ko siya ng yakap at nag simulang umiyak sa bisig niya. Naramdaman ko naman ang pag hagod niya sa aking likod kaya mas napaiyak ako.

"I-Im pregnant, Jiel. I'm freaking pregnant and I don't know what to do. Malaking responsibilidad ito kaya natatakot ako kung kaya ko bang kargahin."  dahil ang totoo ay kahit hindi ko siya inaasahan na dadating ay kaya ko siyang tanggapin ng buo dahil anak ko siya. Dugo at laman ko.

"You can." seryoso niyang habang  hinahaplos ang aking buhok "Alam ko na makakaya mo siyang palakihin. You will be the best mother for him."

"You think so?"

"Yes. I have faith in you and trust you. And may I remind you, nandito pa ako you are not alone to raise him, I am here. I will help you dahil pamilya tayo." 

"You really know how to make me emotional huh?"

"Psh. So what's your plan now? Mind to tell me." usal niya pagkakalas ko ng yakap. Huminga ako ng malalim saka nag lakad palapit sa kama at naupo dito. Sinundan niya naman ako at tumabi sa akin saka hinawakan ang aking mga kamay.

"Ayuko man pero titigil na muna ako sa pag-aaral."

"Ano? Baliw ka na ba?! Graduating na tayo, Ivy babe!"

"I know but I have to. Ayuko naman na mapagod ako at baka maging dahilan pa ng pagkawala ng baby ko. Lalo na't hindi pa ako nag papacheck up sa doctor."

"Leave it to me. Ako na ang bahala magpa schedule sa check up."

"Salamat."

"Pero sure ka na ba talaga na titigil ka muna?"

" I'm not sure..maybe kapag nalaman ko na ang kondisyon ng anak ko."

"Alright. Much better pero...I'm sorry to ask this but, do you know who's his father?" napayuko naman ako at napakagat ng ibabang labi. Dahan-dahan akong umiling kaya naman napasinghap siya.

"Hindi ko alam, Jiel. At pinagsisihan ko iyon. Kung sana nagawa ko man lang kumalma nang mga panahon nang magising ako ay di sana alam ko man lang kahit mukha lang ng ama ng anak ko." hindi ko nagawang tignan ang mukha ng lalaking nakasama ko ng gabing iyon dahil sa taranta ko. Nag bihis lamang ako na puno ng pagmamadali dahil tanging naisip ko lang noon ay makaalis agad at umuwi ng bahay.

"It's okay. Maybe its really meant to happen this way. So since wala dito ang daddy, si Tita ninang muna ang gagabay kay mommy! Ayos ba 'yon preggy Ivy?"napanguso naman ako sa sinabi nito at napailing nalang. Jiel really know how to cut the drama huh?

"Ewan ko sa'yo. Siya nga pala, kailan tayo pupunta ng school at para na din makapag paalam ka sa plano mong tumigil?"

"Siguro ay bukas nalang. Hinihila ako ng higaan ngayon, inaaya akong matulog."

"Alright preggy. Matulog ka muna at ipagluluto kita ng makakakain."

"Thanks Jiel. Thank you for being always there for me."

"No biggie, Ivy babe. Osya't maiwan na kita at para makapag pahinga ka ng maayos. Sa kusina lang ako ah?" tumango ako at nginitian siya. Sinuklian niya naman ito pabalik at nag martsa palabas ng kwarto.

Diyos ko. Alam ko po na nangyare ito dahil may plano kayo sa buhay ko pero sana ay gabayan niyo akong malampasan ang pagsubok na ito. Gabayan niyo po sana ako para maging mabuting ina sa magiging anak ko. Bigyan niyo po sana ako ng lakas at malawak na pag-unawa. Amen.

..

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag handa sa pag-alis namin. Uunahin namin pumunta sa school para masettle ang tungkol sa pag drop out ko saka namin isusunod ang pag punta sa doctor para naman sa check up. Malaking tulong talaga na nandito si Jiel dahil kahit papaano ay nagiging madali ang ilang bagay sa akin.

"Tara na?" tumango ako sa kaniya at sabay kaming lumabas ng condo.

Pag dating naman namin sa school ay dumiretso agad kami sa Principal's office para sa sadya namin.

"Are you really sure about this? This is a serious matter, Ms. Gabez."

"I'm sure sir. Napag-isipan ko po ito ng mabuti."

"Would you mind telling me why you suddenly decided to drop out? Sayang ang taon iha lalo na't graduating ka pa plus the fact that you are one of the running for high honor in your batch." napayuko ako sa sinabi niya. Kung nanghihinayang siya sa akin ay ano pa kaya ako? Nanlulumo din ako lalo na't running for first honor ako sa amin pero ayuko naman isaalang-alang ang sanggol na nasa sinapupunan ko.

Kaya kong pakawalan ang medalya dahil p'wede ko pa iyon pagsikapan makuha ulit pero ang buhay ng bata na dinadala ko ay isa lang. There's no other chance when I failed to treasure it.

"I'm so sorry sir but I can't tell you my reason. I hope you understand." napabuntong hininga naman siya ay tinanguan ako.

"Alright. I understand..but I hope bumalik ka agad kung okay na ang problema na kinakaharap mo ngayon. I know you are brave Ms. Gabez. I believe in you." naging emosyonal naman ako sa sinabi niya kaya napangiti ako ng malaki at tumango-tango.

"Now let's go to check the baby! Yeyyy." energetic na usal ni Jiel nang makapasok kami sa sasakyan niya. Hindi na kami nag tagal at nag paalam agad sa office ng principal dahil malapit na ang oras ng schedule ko sa check up.

Naging mabilis ang byahe namin kaya nakarating agad kami sa isang clinic kung saan pagmamay-ari ng isang doctor na kilala ni Jiel.

"Good morning doc!"

"Oh, iha. Siya na ba ang kaibigan mo?"

"Yes tita."

"Hi gorgeous preggy. I'm Doctora Mandie but you can just call me tita."

"Ivy po.." nahihiya kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay at ngumiti ng kaunti. Natawa siya ng bahagya at umayos ng tayo.

"Shall we start?" tumingin muna ako kay Jiel dahil bigla akong kinabahan na naeexcite. My best friend look at me and pinch my hands.

"She's ready, tita."

"Good..let's go."

Pinag bihis niya ako ng hospital gown saka binigyan ng isang pregnancy test..kahit sinabi ko na buntis ako at alam niya na, pinasubok niya ako ulit para mas makasiguro. Sinunod ko naman ang sinabi niya at kung sa una ay umiiyak ako ng makita ang pulang dalawang linya sa pt ngayon ay nakangiti na lamang ako.

I am carrying my child. And I can't wait to carry him/her in my arms. Kahit wala pa akong konkretong plano para sa aming dalawa, masaya ako para sa kaniya.

Ibinigay ko kay doctora ang pregnancy test kaya naman nag proceed kami sa ibang test..may mga vitamins siya na nireseta sa akin para sa amin ni baby at pinaalalahanan ng mga hindi dapat gawin o iwasan.

"Maraming salamat po tita. Mauuna na po kami. Babalik nalang po kami sa next schedule."

"Alright ladies. Ingat sa byahe."

"Opo!" nang makalabas naman kami ay nilingon ako ni Jiel at kinawit ang kamay niya sa aking braso. "Saan mo gustong pumunta o mamasyal? Gutom ka na ba? Kain tayo?" napatawa ako sa sunod-sunod niyang sabi at umiling.

"I'm fine, Jiel babe. Uwi nalang tayo." pumayag naman siya kaya pumasok na kami sa kotse at umuwi na.

Jiel is my best friend for how many years now. Kung ipagkukumpara kami ay mas maswerte siya. May pamilya pa siyang nakakasama at may sinasabi din sa kanilang buhay. Mayaman ang angkan nila pero hindi ko nakita sa ugali niya ang pagiging spoiled, mayabang at mapang husga.

She even become my friend even she know that I'm poor. Malayo kasi ang buhay na meron ako kumpara sa kaniya. Lumaki ako sa ampunan ng mamatay ang mga magulang ko. Sa ampunan ako nag dalaga at ng makaya ko nang buhayin ang sarili ay umalis ako doon at namuhay ng mag-isa.

Pinasok ko ang iba't ibang uri ng trabaho maliban nalang sa illegal para lang may pang kain ako at pang-aral. Malungkot mabuhay ng mag isa kaya nag papasalamat ako na natagpuan ko si Jiel at ngayon madadagdagan na ang pamilya ko ng isa, ang aking anak.

--

"MCERVIN!" sigaw ko sa paslit na kanina ko pa hinahabol. Napayuko ako at naitukod ang kamay sa aking mga tuhod dahil sa pagod kakahabol sa kaniya. Nasa balikat ko ang t-shirt niya na kanina ko pa dapat naisuot sa batang ito kung hindi niya lang ako tinakbuhan.

Jusme. Ang batang ito ang tigas ng ulo! Kung hindi lang cute ang isang 'to ay kanina ko pa ito pinaampon. Hindi ko alam kung kanino siya nag mana dahil hindi naman ako ganito ka pasaway nung bata pa ako. Ako pa nga ang pinaka behave na bata sa bahay ampunan noon.

He stop running when he noticed that i'm that chasing him anymore. He look at my direction and pouted when he saw my expression. Nag simula siyang mag lakad habang pinag siklop ang dalawang kamay sa harapan at nasa paanan ang kaniyang paningin habang nag lalakad papalapit sa akin.

Ganito ang hilig niya. Sa tuwing bibihisan ko siya ay kailangan ko pang habulin para maisuot ang damit sa katawan niya.

Lihim akong napangiti ng makita ang nanunubig niyang mata ng tumingala sa akin.

"Galit mommy sa akin? Di mo na ako love mama?" Bumuga ako ng hangin bago yumuko ng bahagya para mag pantay ang tingin namin. I messed his hair and pinch his nose which made him frowned. I giggled because he looked  handsome in that expression..

Habang tinitignan ko ang mukha ng anak ko, narealize ko na wala man lang siyang namana kahit isa sa akin. Kahit hindi ko kilala ang ama niya, alam ko na sa kaniya ito nag mana.

Jusme. Sana ay hindi ito mag paiyak ng babae pag laki at baka tumanda ako nga maaga.

"Mommy will never be mad at my baby. Mommy loves you, alright?" tumango siya at iniyakap ang maliit niyang braso sa leeg ko bago nag sumiksik sa akin. Napatawa ako at binuhat siya papunta sa kama at doon kami naupo. I kiss his cheeks at itinulak siya ng mahina para maihiwalay sa akin.

"Bihis muna tayo baby okay?" hindi siya nag salita pero itinaas niya ang dalawang kamay para maisuot ko sa kaniya ang t-shirt. Bumalik ulit siya sa pag kakayakap sa akin pagkatapos. Napangiti ako sa inasta niya dahil alam ko na nag lalambing ito.

Umayos naman ako ng higa sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Nasa leeg ko ang mukha niya at sinimulan ko siyang tapik tapikin ng mahina sa pwet at kinantahan para makatulog agad.

Anim na taon na din ang lumipas mag mula nang mangyare ang gabing yun. Limang taon na ngayon ang anak ko at aaminin kong hindi naging madali ang pag bubuntis ko sa kaniya. Salamat nalang talaga at nandiyan si Jiel para tulungan ako.

Naalala ko pa ang unang semester ng pag bubuntis ka kay Mcervin. Lagi akong nanghihina at nag susuka. Maselan din ang pag bubuntis ko kaya hindi ako pwedeng gumalaw ng todo. Pero nang oras na lalabas na siya ay sobrang sulit ang lahat ng hirap ko ng maisilang ko ang cute na cute na batang yakap ko ngayon. Hindi ako mahilig sa musika pero ng marinig ko ang iyak niya ng nailabas ko siya ay sobrang iba sa pakiramdam. Ito na ata ang pinaka paborito kong tunog sa mundo.

Iyon ang unang beses na sumaya ako ng sobra kaya hinding hindi ako nag sisi na nangyare ang gabing yon sa buhay ko. Kung hindi nangyare ang gabing 'yon,wala sanang Mcervin na tinatawag akong mommy ngayon although napapaisip din ako na kung hindi ako nabuntis e di sana matagal na akong nakapag tapos ng pag aaral but I can't bring back the past. Tanggap ko na gan'on ang nangyare sa buhay ko pero ayos na ako sa buhay ko ngayon.

Nakapag patuloy at nakapag tapos ako ng pag aaral ng ipanganak ko si Mcervin. Sa tuwing may klase ako ay si Jiel ang mag babantay dahil wala naman siyang masyadong ginagawa dahil paupo upo lang siya sa sarili niyang kompanya at gusto niya din na alagaan ang inaanak niya.

Siya na ngayon ang humahawak sa negosyo nila dahil tapos na siya sa pag-aaral at nasa wastong edad na at proud ako sa kaniya dahil sa narating niya.

Inihiga ko ng dahan-dahan si Mcervin sa kama saka maingat na umalis sa higaan. Nilagyan ko ng unan ang magkabilang gilid niya para hindi ito magising. Madali lang kasi siya magising kapag naramdaman niya na wala ako sa tabi niya kaya nilalagyan ko ng unan para kunwari ay katabi niya pa din ako.

Kailangan kong gawin iyon minsan tulad ngayon dahil magluluto pa ako ng kakainin namin dahil tiyak na mag hahanap ito ng pagkain mamaya pagkagising. Ayon pa eh, matakaw iyon.

_________________

A work of fiction. Names, characters, places, business,events and other things that you may encounter in this story is purely made from the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidence.

Continue Reading

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...