Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 320 890

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST
LTSC||TWENTY-SECOND

LTSC||TENTH

140 12 13
By childofyusaku

“Come here, let’s take a picture.”

Kahit marami na kaming kuha sa cam ko, tumango ako sa kanya. Ngumiti lang ako sa camera the entire time. Minsan aakbay ako, siya naman minsan hahalik sa pisngi ko at saka yayakap. Napapangiti lang ako habang nakatanaw sa kanya na masayang nagpipindot sa camera niya.

”This! Ang cute natin dito, you’re very pretty here!” He can’t help but giggle while showing me our pictures.

I can’t help but to smile while observing those cute reactions on his face. Alas-singko nang hapon kami natapos maglibot. Hawak ko lang ang bewang niya habang pababa, ganoon din siya sa akin.

”I need to go to the bathroom, maliligo lang ako,” paalam ko pagkarating naming room namin.

Napangiti naman siyang binitawan ang pagkahawak sa bewang ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya. He hugged me tightly. “After you take a bath, you should take a rest. Ako na bahala sa dinner natin, we’re going somewhere later.”

I giggles. “Okay.”

Nang makaalis siya sa paningin ko, dumiretso na ako sa may kwarto para kumuha ng damit. Kinuha ko ang phone ko sa may bulsa ko, kanina pa kasi nag-vi-vibrate. It’s all came from Benedict. 5 missed calls and 2 new messages.

from: Ben
did you seen the news this early morning?? Andaming naghahanap sa ’yo dahil kay Jav. We’re worried. Please reply if you see this.

from: Ben
huwag ka munang magbubukas ng kahit anong social media. Go home.

Malakas na kumalabog ang dibdib ko dahil sa mga nabasa kong text. Hindi alintana ang nanginginig kong kamay, pinindot ko ang Facebook icon. Bakit ganto na lang ako kabahan ngayon?

YT TV (✓)
How real that the vocalist of the band 0X1 impregnated Miss Sielly Vasquez. But rumor says, he has another girlfriend!

There’s too many harsh comments towards me, someone addressed my name. Paano nila nalaman na ako?

Nanginginig man ang kamay ko, matatas ang loob kong idinial ang numero ni Ben. Nakatatlong ring bago niya sagutin. Nanatili lang kaming tahimik ng ilang segundo, ang buntong-hininga niya lang ang naririnig sa kabilang linya.

“Totoo ba?” garalgal kong tanong. Umaasa ako, umaasa akong sabihin niyang prina-prank lang ako ng balitang ’yon.

Kasi ang sakit. Sobrang sakit.

[“Kim.”]

“So totoo nga?”

[“Are you with Javin right now?”]

Napangiti akong mapakla.

Marahan kong ipinikit ang mata at malakas na bumuntong-hininga.

[“Just cry, Kim.”]

“Ang s-sakit, Ben,” hindi ko mapigilang sambitin habang pinipigilan ang hikbing kumakawala, pero taksil ang mga ito. “Hindi ko alam na ganto pala kasakit.”

[“Pupuntahan kita ngayon d’yan o uuwi ka!?”] dinig kong tanong ng pamilyar na boses, si Shin. Halatang galit ang boses niya. [“Go home, Kim! Please, maawa ka sa sarili mo!”]

Natawa akong bahagya at pinatay ang tawag. Itinapon ko ang phone sa kama at nagmukmok sa gilid. Ilang beses iyon nag ring, pero hindi ko iyon sinagot.

Napahawak ako sa may bandang dibdib dahil sa kirot.

“Jane?”

Itinaas ko ang paningin nang bumukas ang pinto. Pasimple kong pinunasan ang mukha ko at bahagyang ngumiti.

Hanggang kailan ko ba isusuksok sa kukote ko na hindi naman talaga kami pwede?

“What happened?” aligagang tanong niya at lumapit sa akin.

Sunod-sunod akong umiling. “W-wala. Nakakaiyak kasi pag-open up ni Shin sa akin,” I lied. “Maliligo sana ako, kaso napatawag si Shin dahil niloloko raw siya ni Kairro,” nag-aalinlangan ngunit natatawang sambit ko.

What a liar, Kim.

Nagsalubong naman ang kilay niya. “Huh?” nagtatakhang tanong niya.

Napangiti akong mapakla. I want to cherish this day with him, just this day. After this day, no more give it a try.

“Is there a problem?”

Umiling muli ako at tumayo na. Ako na mismo humila sa kanya palabas ng kwarto. Nanood lang kami ng isang movie entitled Midnight Sun habang hinihintay ang oras ng dinner.

After the dinner, hindi kami nagkikibuan ni Jav. Nakaupo lang kami parehas sa may sofa, nakatutok siya sa phone niya ngayon, mamaya kukunot tapos magtitipa.

He sighed bago niya balingan ng tingin. “Jane,” pagtawag niya sa pangalan ko.

“Yes?”

“Do we have a pr---.”

“Tara sa may bar establishment?” masiglang pagyaya ko. Napainat akong kamay atsaka tumayo. “Balita ko dinadayo raw iyon, e!” sambit ko bago nag-iwas ng tingin.

“Jane.”

Bahagya akong bumuga ng hangin at nakangiting binalingan siyang tingin. “Tayo ka na, balita ko may mini stage doon. Kantahan mo ako!! Please?” pinilit pinapasigla ang boses ko at marahan siyang hinila patayo.

Dvmb, Kim, you’re torturing yourself.

Wala naman siyang ginawa kundi magpatianod sa paghila ko. Pagkarating namin sa harap ng establishment, ako na ang nagkusang bitawan si Javin. Binalingan ko siyang tingin at sinenyasan na maunang pumasok.

Bahagya siyang bumuga ng hangin bago naglakad papasok. Napangiti akong bahagya habang sinusundan siya.

“Ang sarap mo sanang ibawal, kaso hindi na talaga pwede,” mahinang tinig kong sambit. Pasimple kong pinunasan ang luhang kumakawala sa pisngi ko at nagmamadali siyang sinundan.

May isang guy na kumakanta sa mini stage at may kasama itong naggi-gitara pagkapasok namin ng establishment.

Hindi ko maiwasang ma-amaze dahil sa pinakalikod ay maraming libro na naka-display, sa may gitna ay may mini stage at maraming instrument. Sa gilid ng mini stage, may counter kung saan pwede mag-order.

Naupo ako sa harap ni Javin, malapit lang naman ito sa may counter at mini stage ang napili niyang pwesto.

“I’ll buy us a coffee, what do you want?” pagbaling niyang tingin sa akin.

“Black coffee.”

Tumango lang ito bago nagtungo sa may counter. Nakasunod ang paningin ko sa kanya, nakatalikod siya sa akin habang naglalakad palayo, that scene pains me. After this, masasanay rin ako pagmasdan siya ulit sa malayuan kagaya ng dati. Hanggang doon na lang.

Napangiti akong bahagya.

“Magandang gabi sainyong lahat, open po ang ating mini stage para sa mga gustong kumanta,” biglang pagsalita ng lalaki sa stage. “Magtungo lang po tayo rito sa harap.”

Awtomatikong napangiti ako dahil doon. Wala na akong pinalampas na oras kaya nagtungo na ako sa harap, nginitian naman kaagad ako ng lalaking may hawak ng gitara.

“Yes, Miss? Do you need anything?”

“Gusto ko sanang i-request kumanta iyong boyfriend ko. Isa siyang vocalist sa banda nila,” sambit ko. Tumango naman ’to at tinanong kung anong name. “His name is Javin Williams.”

Pagkasabi ko no’n, nanlalaki ang mata niyang tiningnan ako, tumingin pa sa gawi ng lalaking may hawak ng mic. Natawa akong bahagya.

“Teka lang, ha, ako na magtatawag sa kanya.”

Malawak ang ngiti kong naglakad paalis sa harap at nagtungo pabalik sa pwesto namin ni Jav. Hindi ko naman inaasahan na madatnan si Jav na nakakunot ang noo at masama ang tingin sa akin. May dalawang cup of coffee na rin sa may mini table. Nakabalik na pala siya.

“Where did you go?” His left eyebrows raised. Sungit na naman. Haist, Kim, last na pagsusungit niyan sa ’yo. “What’s with that look?”

Napaiwas akong tingin. “Kantahan mo ako. Dali!”

Bago pa man siya magsalita, marahan ko siyang hinila papuntang harap.

“What the?”

Pagkarating namin sa harap, gulat ang mukha ng dalawang lalaki na pinasadahan ng tingin si Javin. Akala siguro ng dalawang ’to nagbibiro lang ako kanina, pfft.

“Kakantahan daw tayo ni Mr. Jav!” natutuwang sambit ko. “Ako na mag gitara!” magiliw kong pagpresenta. “Okay lang po ba?”

Napatango naman ito. Marahan kong inabot ang gitara na inabot sa akin. Nagpasalamat naman ako. Aabutin ko na sana ang mikropono nang mabilis na inabot ni Javin iyon at marahan akong hinila paakyat ng mini stage. Hmp! Mas excited pa sa akin!

Napangiti ako nang hindi binitawan ni Jav ang kamay ko. Humarap ito sa lahat at bahagyang tumikhim.

“Evening,” pagbati niya kaya bahagya akong natawa. “I don’t know what I am doing here,” malakas na pagtikhim niya kaya muli akong napahagikhik pati na rin ang manonood. “I’m going to sing a song about what I am feeling right now.”

Ako na ang nagkusang bumitaw sa kamay ni Jav nang ibaling niya ang paningin sa akin. Napakuyom ang kamao ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ano bang ginagawa mo sa akin, Jav? This isn’t included on the plan, please stop, baka ibawal lang kita.

“Please play Tongue Tied by Faber Drive,” mahinang sambit nito bago muling ibaling ang paningin sa harap.

Bahagya akong bumuga ng hangin at naupo sa may beat box. Ngumiti ako at ibinaling ang paningin sa audience. Nagsimula akong mag strum ng gitara, napapikit ako.

Javin: [“Bright cold silver moon tonight alone in my room. You were here just yesterday~”]

Napangiti akong mapakla.

“Slight turn of the head, eyes down when you said~”

Tanging tila kalabog na lang ng dibdib ko, at ang ritmo na nagmumula sa gitara ang naririnig ko. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa pinapakawalang liriko ni Javin. Nabibingi ang tenga ko sa liriko ng kanta.

Andami kong gustong itanong sa kanya. Ang daming salita ang gusto kong ilabas.

Bakit ganto na lang kasakit tumatatatak ang mga binibitawan mong salita sa liriko ng kanta, Jav? Bakit hindi magtugma sa sitwasyon natin kung ito nga ang nagpapahayag ng nararamdaman mo?

Para sa nararamdaman mo ba sa sitwasyon natin ngayon ’yan, Jav?

Oh baka naman...

I stare up at the stars, I wonder just where you are. You feel a million miles away~”

Iyang binibitawan mong salita, Jav. Siya pa rin ba ang nasa isip mo?

Kahit sa maikling panahon ba... Naging ako ba?

“Hindi sapat lang na mahal mo siya para siya'y manatili. Tama ba?”

Sumimsim ako sa kape habang nakatingin sa mini stage. Ilang minuto na nakakalipas pagkatapos kumanta ni Jav, ibang performer naman ang nandoon ngayon. Dahil nga ilang minuto kaming nasa mini stage kanina, hindi na mainit iyong kape, nawalan na rin akong gana namnamin. Papalitan sana ni Jav, but I insisted na pwede pa namang inumin.

“Nasubukan na ba ninyong mag stay sa isang relasyon na hindi naman dapat?” tanong ng guy na nasa mini stage, nagkaroon naman ng komosyon at munting hiyawan. “Sumubok lang naman kayong tumaya, pero narealize ninyo parehas na hindi talaga pinipilit ang pagmamahal.”

Inilapag ko ang cup ng coffee at marahang binalingan ng tingin si Jav. Napakuyom ang kamao ko nang mapansin ang pagbagsak ng balikat niya.

“Hindi pinipilit ang pagmamahal. Hindi ganoon ’yon.”

Sa totoo lang!

Napangiti akong mapakla.

Bakit parang alam ng mundo kung anong pinagdadaanan ko ngayon?

“Oras na siguro para palayain ninyo ang isa’t-isa.”

Parang kung may anong kirot sa dibdib ko.  Nag-iwas akong tingin at tumayo.

“Labas lang akong saglit,” nagmamadali kong sambit, naabutan ko pa sa loob ng establishment ang pag strum ng gitara sa pamilyar na ritmo ng musika.

Hindi ko na hinintay na magsalita si Javin, nagmadali akong lumabas ng establishment. Paunti-unting lumalabo ang paningin ko habang tumatakbo paalis sa lugar na 'yon. Takbo’t singhot ang nangyari hanggang sa makarating ako sa may mini gazebo, nakasindi ang nakapalibot ilaw sa daanan nito.

The view is mesmerizing, but I can’t feel it. Not now. Parang ang lanta ng paligid ko.

Napatingin ako sa kawalan at pasimpleng pinunasan ang basang likido sa pisngi ko. Buti na lang walang iba na gumagala ngayon sa parteng ’to, I can freely cry, I can freely express my pain.

Those night, those days, does he value it? Totoo ba lahat ng 'yon? How about those kisses and hugs?

Kngna. Halos ibigay ko lahat sa kanya, e.

“Jane,” pagsulpot ni Javin sa paningin ko. Mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa akin.

Kngna. Gusto ko na namang umiyak, narinig ko pa lang boses niya, pero pinigilan ko, ayokong matalo ng kahinaan ngayon.

“Jane,” muling pagtawag niya sa pangalan ko.

Dati natutuwa ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan, bakit biglang ang bigat na lang sa pakiramdam marinig ang pangalan ko galing sa kanya?

“What, Jav?” I asked coldly.

Malakas itong bumuntong-hininga at umupo sa tabi ko. He hold my hand and gently pressed it. “Trust me this one. Just trust me,” he said, almost begging.

Natawa akong mapakla at inagaw ang kamay sa kanya. I distant myself to him. Hindi nakaiwas sa akin ang pagbagsak ng balikat niya.

“Totoo ba, Javin?” I asked him bravely.

Instead of responding, lumayo siyang kaunti sa akin. Natawa akong mapakla. Wow.

“How can I trust you? Paano kita pagkakatiwalaan?” may galit na tonong sambit ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang hikbing kumakawala. “Para mo namang sinabi na ginagamit mo lang ako para makalimutan mo siya.”

He shook his head. “N-no. It’s not like that.”

“Gusto ko nang umuwi, Jav,” malamig na tonong sambit ko bago hawiin muli ang kamay niya.

Dumaan ang sakit sa mga mata niya. “J-jane.”

“I want to go home, Jav. Kapag gantong nakikita kita, gusto ko na lang mamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.”

Sunod-sunod itong umiling. Akmang hahawakan niya ang kamay ko, mabilis kong inilayo muli iyon sa kanya.

“I’m not using you.”

Natawa akong bahagya. “Kung hindi mo ako ginagamit, e, ano? Gusto mo ba talaga itong sa atin? Gusto mo ba ako?” diretsahang tanong ko.

Hindi nakaiwas sa akin ang Pag-iwas  niyang tingin. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa dibdib ko.

“See? Dapat hindi mo na lang ipinilit, kasi sobrang umasa ako,” garalgal at namamaos kong sambit.

Marahan itong bumuntong-hininga. Nag sunod-sunod ang pagtulo ang luha sa pisngi ko, but I don’t dare to wipe it.

“Hear me out. P-please.”

As much as I want to wipe his tears, I can’t, pinipigilan ko baka bumigay na naman ako sa kanya. I hoped, that this relationship would work, because I knew Javin wouldn’t intentionally hurt others. I trusted him, and I was almost ready to spend the rest of my life with him.

But for now, I’ll choose myself.

“I wanna go home, Jav. Please,” I pleaded as my voice cracked. “I can’t handle being with you for a few more days, for few more hours,” I added, sounding hurt.

“Uuwi tayo. Uuwi tayo bukas, but one last favor,” he said. “It’s selfish to ask. Can we just enjoy the night without thinking something? Please, just us for now, tomorrow you’re free.”

Hindi ako kumibo dahil nahihirapan ako. Nahihirapan akong nandito siya sa tabi ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam na nakikita siya, na naririnig ang boses niya.

Pero gusto ko, gustong-gusto ko iyong ideya niya.

“I’m so sorry, Kim. I’m so sorry for hurting you, for making you cry.”

Marahang hinila niya ako palapit sa kanya. Pinunasan pa nito ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. After that, he gently hold my cheeks and smiled at me genuinely. “Please know that I never regretted what happened between us.”

Ngumiti ulit ito bago hagkan ang labi ko. I didn’t respond. Kasi ayoko, ayokong umasa, ayoko na.

Siya na ang nagkusang humiwalay sa halik. Hinarap niya ako sa kanya. Mas inilapit niya ang sarili sa akin atsaka ako mahigpit na niyakap.

Gusto ko, gustong-gusto ko rin siyang yakapin pabalik, gusto ko muli siyang mahagkan, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Pero hindi na pahinga ang pakiramdam, puro paghapdi na na malapit siya sa akin.

Gustong-gusto ko siyang ibawal ngayon at sabihin sa kanya na ako ang piliin niya, huwag na si Sielly. Pero sino ba ako para sa kanya? I will never be her. I will never make him love me like he loves her.

It’s not a silly little moment. It’s not a storm before the calm~” He started to sang a song. He gently pressed my hand and pulled me closer. “This is the depth and dying breath of, this love that we've been working on~”

Itinaas ko ang mukha para pigilan ang mga luha na nagbabadya. Pucha, ayokong mawala si Javin sa akin, pero pakiramdam ko, ito dapat ang nangyari noong una pa lang. Na sana hindi na lang pinilit, na sana hindi ko na lang sinubukan.

Can’t seem to hold you like I want to. So I can feel you in my arms. Nobody’s gonna come and save you. We pulled too many false alarms~”

Bakit ngayon pa? Ngayon pa na mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya? Napakadaya naman ng tadhana, ang ikli ng panahon para sa aming dalawa.

One thing I’m sure after this night. I am sure I’ll gonna miss him, so bad.

“Maybe one day, when we both fully healed. We see each other running back with open arms,” he said softly gazing my eyes. “Hihintayin ko ang araw na ’yon, kahit anong mangyari, babalik ako, babalik ako sa atin. So please wait for me, Love.”

We both sang the song in the depths of the night kissing all the pain away. Laughing all the days we both hurt to the love we gave. Remembering the day we both enjoyed the night, the day we both shared the one music in a same roof. Pagkatapos ng gabing ’to, no more us. No more Javin.

Kngnang sakit ’to, advance birthday gift ko sa akin para bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 120K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2M 112K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...