Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 320 890

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST
LTSC||TWENTY-SECOND

LTSC||NINTH

143 14 36
By childofyusaku

“Tita, this is Kimverleigh Jane Honor, my girlfriend. Kim, she’s my Tita, and the girl beside her is my cousin, Kierra,” Javin introduced. “And this little boy is Kennedy.” Marahan niyang ginulo ang buhok ng bata.

Lumapit ako sa Tita niya atsaka nagmano. “Hello, po,” nakangiting pagbati ko, ngumiti naman siya. “Ang ganda ninyo po.”

Natawa naman siya. “Nasa lahi ’yan, hija,” sambit niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Totoo talaga, walang halong eme, ang ganda ng lahi nila. Parang batang-bata pa ang edad ng Tita ni Javin dahil ang bata niya tingnan, ang kinis pa ng balat niya.

“Girlfriend ka pala ni Javin, nice to meet you again.”

Hindi nakaiwas sa akin ang pagtaas ng kilay ni Jav sa naging pahayag ng kanyang Tita, pfft. “Again?”

“Siya iyong kinukulit ng pinsan mo kanina na bagay raw kayo. Nauna nang ipinakilala sa amin,” natatawang pagkwento ng Tita niya.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa nangyari kanina.

“Good taste, Kennedy,” pagbaling ni  Jav sa bata. Kumindat ito sa akin nang ibaling niya ang paningin sa akin. Pfft. “By the way, she’s a part-time model under the company I’m working for,” proud na sambit ni Javin.

Nagkatinginan ang Tita niya at si Kierra, na para bang sinasabi sa isa’t-isa na, “I told you.”

“That’s our guess earlier,” sambit ng Tita niya.

“Kaya pala she’s pretty, Kuya! Para siyang barbie,” tuwang-tuwa na sambit ni Kierra habang pinapasadahan akong tingin. “Sayang hindi pinapakita ng buo iyong mukha mo, huhu, buti na lang na send sa amin ni Kuya noong nag ask ako sa kanya.”

Oh. Ano naman kayang mukha ko sinend niya?

“Bakit nga ba hindi ipinapakita iyong mukha mo, hija, sobrang ganda mo, oh,” pagbaling sa akin ng Tita niya.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. “Thank you po, iyon po kasi ang rules kapag si Javin ang kasama sa photoshoots. Si Sielly lang po ata pwede kasi screen partner sila.”

Napatango naman ’to. “Oh, okay.”

“Yes po.”

“Ang ganda mo na, ang galang mo pa na bata.”

“Turo po sa akin ni Lola,” sambit ko atsaka malawak na ngumiti.

“I like her already for you, Kuya!” Kierra giggles.

“Of course. Pogi at mabait ako kaya dapat may binabagayan, right, Love?” natatawang pagbaling muli ni Javin sa akin. “At sa kanya ako nababagay.”

“Whatever, Javvy,” nag-iinit ang pisngi na sambit ko.

“Ang sweet ninyo! Sana ganyan din kami ni Daniel, kaso ayaw niya sa clingy person,” nakabusangot na sambit ni Kierra, maybe she’s pertaining to a guy na kasama nila kanina sa may garden. “Sana all na lang.”

I chuckles. Cute.

“Naku, Kierra, bata ka pa,” sita ni Tita, bumusangot naman si Kierra. “Batang ’to.”

Natawa na lang kami.

Marahan akong hinila ni Javin paupo sa may sofa. Dinaldal naman agad ako ng Tita niya at si Kierra, nagpakandong naman  si Kennedy kay Jav habang naglalaro ito sa iPad. Pasimpleng nakikinig lang si Jav sa amin habang pinaglalaruan ang kamay ko.

“Wow, you’re a degree holder tapos part-time model ka pa,” manghang sambit ni Tita. “May balak ka magturo?”

Napangiti ako atsaka tumango. “Yes po. Baka next week po magsisimula na ako.”

“Oh wow! Nice!” ibinaling niya pa ang tingin kay Jav. “Nice taste, Javin.”

Parehas kaming natawa ni Jav.

“May balak ka bang mag take ng LPT?”

Munting tumango ako. “Yes po, this September po.”

Napangiti naman ito. “For sure makakapasa ka, hija.”

“Totoo, ate! Ang talino mo tingnan!” nakangiting sabad ni Kierra.

“Sana nga.”

“Oo ’yan, I’ll give you my books later, ipadala ko rito para may mapagreviewhan ka.”

“Talaga po?”

“She’s a LPT top passer, Kim,” sabad ni Javin, pagtukoy niya sa tita niya. “She’s an English Major back then.”

Oh wow. Isang karangalan na maging LPT passer, pero iyong top passer, wow. Sobrang talino siguro ng lahi nila, ’no? Sa kanya siguro namana ni Javin ang katalinuhan niya.

“Daming nahuhumaling na fans ni Jav sa kanya, minsan siya dahilan kung bakit dinadayo ’tong resort,” natatawang pagkwento ni Tita pagkatapos ilapag ng isang staff ang meryenda na inorder ni Javin. “Minsan may nagpunta rito na nakahawak ng standee niya, e! Gosh, kaloka!”

Natawa ako sa naging kwento ni Tita. “Normal lang sa mga kabataan ’yan, tita.”

“Oo nga naman, mom!” natatawang pag-agree ni Kierra.

“Not jealous at all, Love?” pagsingit ni Javin.

Tinaasan ko siyang kilay at marahang kinurot siya sa tagiliran. He chuckles.

“Halla si Kuya, sa ganda ni Ate Kim bakit naman niya pagseselosan iyang mga fans mo?” nangwingwistyung sambit ni Kierra, bumelat pa ito. Natawa kami. “Dapat ikaw nagseselos sa mga lalaking umaaligid kay Ate Kim, look at her, napakaganda niya.”

“Agree,” busangot na sambit ni Javin. Napalingon ako sa gawi niya, sakto naman ang pagbaling niyang tingin sa akin. Napangiti ito. “Sa ganda ni Kim, I wouldn’t do nonsense thing for her to doubt herself.”

Malakas naman kaming tinukso nila Tita. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa sinambit ni Javin.

“Ilang taon ka po nagsimula mag model, Ate?” pag-iiba ng topic ni Kierra after ng ilang minuto kaming tinutukso.

“First Year College ako nagsimula sa modeling, kinailangan ko rin kasi para mapag-aral ang mga kapatid ko,” sagot ko. “Broken family, e.”

Naibaling ko ang paningin kay Jav na marahang hinahaplos ang kamay ko, he smiled at me. “I’m so proud of you,” he mouthed.

I smiled automatically and gently pressed his hand. Somehow, it made my heart soften. Iyon lang naman ang gusto kong marinig sa ngayon, iyong may proud sa akin.

Manghang tumango si Tita. “That’s nice. Ang ganda mo tapos madiskarte ka pa sa buhay, ang swerte naman pala ng pamangkin ko sa ’yo.”

“Swerte rin po ako sa kanya, Tita,” agad na sambit ko.

“That’s nice to hear, hija,” natutuwang sambit ni Tita. “Sana kapag bumalik ulit kayo rito ay engaged na kayo. Mukha kasing inlove na inlove kayo sa isa’t-isa.”

Napayuko ako bigla, naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Jav. He gently pressed my hand. “I’ll promise, Tita. Pagbalik ko, si Kim pa rin ang kasama ko.”

But his words, kumalma ang ingay at kaba sa dibdib ko. Sana. Sana nga, Javin.

“Mabuti kung ganoon, hihintayin ko ang araw na ’yon.”

Napangiti akong bahagya. “M-matagal pa po ’yon, Tita. Bago pa lang naman po kami ni Javin. Right?” pagbaling kong tingin kay Jav. Bahagya itong ngumiti then nod his head.

“Bago lang kayo? Wow!”

Natawa kami parehas sa naging reaksiyon ni Kierra.

“Parang ang tagal na ninyo, e! Anong nagustuhan mo po kay Kuya?” excited na tanong ni Kierra.

I caught off guard with that question. Napatikhim ako nang mapansin nakatingin silang tatlo sa akin, mukhang naghihintay ng sagot ko.

Munting napatikhim ako. “Ang nagustuhan ko sa kanya ay pagiging suplado niya,” nag-aalinlangan kong sambit. Kasi iyon naman talaga, lagi niya akong sinusupladuhan noong high school kami. Walang palya.

Parehas na natawa si Tita at Kierra. Si Javin naman ay bumusangot.

“Is that so?” nagpipigil tawang tanong ni Tita habang pinapasadahan kaming tingin ni Jav.

Nahihiya man ay tumango ako.

“Love,” mahinang sambit ni Jav. Dinig ko ang banta sa boses niya kaya napaayos akong upo.

“Sobrang totoo po ni Javin, sa aming magbabarkada, he’s always there kahit katahimikan lang lagi ang ambag niya.”

Napatingala ako nang may padyak akong marinig. Hindi ko man lang napansin na may umakyat din pala rito sa rooftop. Am I just spacing out too much?

Walang emosyong mukha ni Javin ang bumungad sa akin. Tumabi ito sa akin at siya na nagkusang isalpak ang isang pares ng earphone sa kanang tenga ko.

[Every rose needs the rain sometimes
But know that you can dry your eyes this~]

“Pumunta ka ba rito para damayan akong umiyak?” *sob* “Aray! Bakit mo naman ako tinapunan ng panyo?”

He rolled his eyes bago pa niya ipikit ang mata at sinenyasan ako na huwag akong maingay. Tsk.

“Jav--.”

Isenenyas niya ang kamay na manahimik lang ako bago ito isinandal ang ulo sa balikat ko. “Just cry, stop talking.”

“Grabe talaga hanggang sa manila ba naman dinala mo ang pagkamasungit mo, Kuya?!” natatawang sambit ni Kierra.

“Tsk. Out of all things, iyon pa talaga nagustuhan mo?” munting pag-angal ni Javin.

I automatically smile.

“Despite our differences, you always got the reason to burn bridges between our gap, Javin,” I said genuinely meeting his gaze.

Dmn, I really like Jav, words can’t even describe.

Matapos magpaalam nila Tita, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-uusap kanina. Si Jav na dapat ang sasagot, pero biglang may emergency na dumating kaya umalis sila Tita. Si Kierra ay may i-meet daw, at si Kennedy naman ay sumunod sa Mommy niya.

I badly want to hear Jav’s answer. Haist. Ano kaya nagustuhan niya sa akin? Gusto niya rin ba ako? Kung oo, bakit?

Malakas na napabuntong-hininga na lang ako.

“Hey, busangot ka r’yan?” pagtabi sa akin ni Jav.

Umiling lang ako. “Nagugutom lang ako.” Napanguso ako nang munting tumunog ang tyan ko.

Natawa namang bahagya si Javin. “Let’s have lunch, let’s go to resto.”

“May binili ako kanina na pagkain,” sambit ko nang naalala akong may binili pala ako kanina sa may resto.

Pero natawa ito. “Kinain kanina ni Kennedy,” pagkamot niya sa ulo.

Parehas kaming natawa nang magkatinginan kami.

After magpalit ni Javin, magkahawak ang kamay namin lumabas papuntang resto. Agad naman siyang inasikaso ng mga staff, mabuti na lang at kakaunti ang tao sa gantong oras dito, sana wala rito iyong babaeng in-approach ako kanina. Mahirap na baka makuhanan pa kaming litrato, mag hawak pa naman siyang camera.

Pumunta siya sa may counter para magtingin ng pagkain, naiwan naman ako sa table namin.

“Hi, Miss, are you alone?” paglapit sa akin ng isang lalaki after ng ilang minuto, mukha siyang may lahi dahil blonde ang buhok niya at ang puti nito. Nakangitimg inilahad niya sa akin ang kamay niya. “I’m Harvey Stain, you are?”

“My girlfriend.”

Si Javin!

Ang bilis namang bumalik nito? Naka-order na ba siya?

Nakakunot ang mukha niyang pinasadahan ng tingin iyong guy. “Excuse me,” sambit nito, halatang iritado ang boses niya. “That’s my seat. You’re blocking my way.”

“I’m sorry!” nauutal na sambit ng lalaki bago umalis sa pwesto namin.

Pagkaupo ni Jav, bumusangot ito kaagad sa akin. “Please, stop being pretty.”

Eh?

Ngumiti akong malawak sa kanya atsaka pinisil ang pisngi niya nang ma-realize ko ibig niyang sabihin. “Don’t worry, hindi naman nila ako makukuha sa pagtingin-tingin nila sa akin,” I assured him.

“Talaga?”

Tumango ako. “Of course.” Laging nasa sa ’yo ang paningin ko, Javin, kung alam mo lang. Kahit tumingin lang sa ibang lalaki kinatamaran ko na.

“Here’s your food, Ma’am, Sir, enjoy!”

Nang matapos kami maglunch, bumalik kami sa room namin dahil mainit pa sa labas, mamayang gabi na lang daw kami gumala. Bawal kasi sa kanya magpa-tanned dahil need niya i-maintain ang light skin niya dahil sa ibang endorsement niya.

“Let’s just play question and answer, for us to know each other more!” I suggested.

Natawa naman siyang bahagya bago tumango. Nasa living area kami ngayon, nakaupo sa sofa, magkaharap . Nakasandal ang isang kamay niya sa sandalan ng sofa, nakadantay doon ang ulo niya habang nakatingin sa akin.

“You ask first,” sambit niya.

“What’s your favorite color? Ay huwag mo na pala sagutin, alam ko na  color blue at black, e!”

Natawa naman siya. “Hmm, you’re right, ask another. Anything you want to know, I’ll answer it honestly.”

“Really?”

He genuinely smile and nod.

“I’m just curious, what’s your type?” I asked.

“The one in front of me,” mabilis niyang sagot.

Eh?

“My turn, what is the thing you like the most about in this world?” seryosong tanong niya.

Teka naman hindi pa ako nakakabawi sa sagot niya, huhu.

“Jane,” he snapped his hand in front of me.

“Ah, eh, ano ba iyong tanong mo?”

Natawa naman siya. “What is the thing you like the most about in this world?”

“Anything I have right now,” sagot ko.

Pansin ko na natigilan siya,  nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

“How about you, Javin? What’s the thing you like the most in this world?” tanong ko habang direktang nakatingin sa kumikislap niyang mga mata.

Bago pa man siya magsalita nang tumunog ang phone niya. Napatingin pa siya sa akin bago muling tingnan ang phone niya.

“Sagutin mo na, I can wait.”

Ngumiti naman siya sa akin bago kunin ang phone at nagtungo sa kitchen. Hindi na ako nakapagtanong kung sino ’yon dahil mukhang emergency.

Napalingon ako sa kitchen when I heard Javin’s humming a familiar song. Gusto niya raw magluto for our breakfast kaya hinayaan ko na lang. Pagkagising ko, wala siya sa tabi ko, turned out he’s busy making our breakfast.

Nakaidlip ako kahapon hanggang sa nakatulog na ako, nagising na lang ako ng alas dyes ng gabi dahil na rin siguro sa pagod maglibot. Hindi ko na nahintay ang sagot ni Javin sa tanong ko. Ano kaya sagot niya do’n? At sino kaya kausap niya kahapon?

Inabala ko na lang ang sarili na manood ng T.V, wala namang magandang panood kaya pinatay ko na lang din. Naka-charge ang phone ko para mamaya, because we planned na libutin ang resort mamaya, kaya wala akong mapagkaabalahan ngayon.

Tumayo ako at nagdesisyon na magtungo sa may mini kitchen. Nakatalikod si Jav sa pwesto ko habang naghahalo ng niluluto niya, sumandal lang ako sa may pader at pinagmasdan siya. He’s still humming a song while gently swaying his body.

I smiled. This feeling seems surreal, never sumagi sa isip ko na magkakaroon kami ng interaction ni Javin like this. Nasanay ako na hindi kami masyadong nagpapansinan kahit nasa iisang circle kami.

For now, I don’t want to end this feeling.

He’s busy cutting vegetables kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Marahan kong ipinalibot ang kamay sa kanya. Natawa akong bahagya nang mapaigtad siya. Pumaharap siya sa akin na masungit ang tingin.

“What? Need anything?” pagtaas niyang kilay.

Natawa akong bahagya habang inilalagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, cornering him. Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya para mas mapagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha at kanyang reaksyon. Hindi nakaiwas sa akin ang munting paglunok niya.

Nawala ang ngisi sa labi ko nang malawak siyang ngumiti, mabilis niyang binaliktad ang pwesto namin kaya mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

“You also want ‘that’ idea? I’m just giving you the favor now.” He teased. Mas inilapit niya ang mukha sa tenga ko. “You want quickie?” he whispered.

Nanlalaki ang mata kong marahan siyang itinulak. “Ano? Dito sa kusina? Nahihibang ka na ba, Javin?” Nangangatal kong sambit.

He can’t help himself but to hold his laugh. Natatawang niyakap niya ako at isinubsob ang mukha sa leeg ko. “Stop being funny, love. Please. God, you’re too innocent.”

Marahan ko siyang itinulak ulit kaso mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. He planted a small kisses to my neck. Halos manghina ang tuhod ko dahil sa kiliting nararamdaman ko.

“Ang bango mo ano? Iuwi na kaya kita sa condo ko, hmm?”

“J-jav. Nasa kitchen tayo,” suway ko, pero malakas itong natawa. Tinaasan ko siyang kilay. “Ano bang nakakatawa?”

“Sorry, I just can’t help myself to laugh to your innocence. What are you thinking? Gonna fvck you here at the kitchen?” nagpipigil na tawang tanong niya. Napabusangot ako. “You’re giving me an idea, Kim. Pfft.”

Marahan ko siyang kinurot sa tagiliran, pero mas natawa lang siya.

“Iyang bunganga mo! Napakabastos talaga kahit kailan!” I said out of frustration.

“Sa ’yo lang naman,” mapaglarong sambit niya. He planted small kisses to my neck again bago kumawala sa yakap. “Sa ’yo lang naman ako nagkakaganto, Kim. Kaya matuwa ka.”

Mas natawa siya nang makitang napabusangot ako. He pinched my cheeks and kissed my lips.

“Ang cute mo, kaya sa ’yo ako, e.”

Namumula ang mukha kong iniwas ang tingin sa kanya.

“Alis ka na muna rito sa kitchen para makapagconcentrate ako sa pagluluto,” masungit na sambit niya at humarap sa niluluto niya.

My eyebrows raised. Wow, parang kanina lang hinaharot pa ako, ngayon pinapaalis na ako. Nice, Javin, nice.

Ibinaling niya ang paningin sa akin, atsaka ako tinaasan ng kilay. Hindi ako umalis, nanatili lang ako sa may pwesto ko atsaka siya ginawaran ng tingin, pataas, pababa.

“I’ll text you when the food is ready.”

Umiling ako na ikinakunot ng noo niya.

“Why?”

“Naka-charge phone ko, e. Siguro mga kalahating oras na lang babalik ako. Enjoy cooking!”

Hindi pa man siya nagsasalita, natatawang tumakbo ako palabas. Nang makalabas ako, dumiretso ako sa may front desk para magtanong kung saan may magandang scenery. May bago raw na establishment dito na palaging dinadayo. Entertainment building, bar type na merong coffee and books sa loob niya raw. I need to go there with Jav, siguro mamayang gabi ayain ko siya.

I’m excited, gusto ko siyang kantahan mamaya as my surprise. Magandang ideya naman siguro ’yon, ’no?

Magugustuhan kaya niya?

Continue Reading

You'll Also Like

1K 744 26
People find themselves finding the yellow, blinding rays of sunlight whenever there's a storm. Storm means trouble. How can one smile with the coldne...
2.8M 162K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.3M 70K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
18.7K 1.3K 47
❝𝑨 𝒔𝒐𝒖𝒍𝒎𝒂𝒕𝒆 𝒊𝒔 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒃𝒐𝒖𝒏𝒅 𝒕𝒐. 𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔. 𝑰𝒏 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒍𝒊𝒇𝒆𝒕𝒊𝒎𝒆, 𝒊𝒏 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒖𝒏𝒊𝒗...