Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

32.4K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 32

641 15 0
By jhelly_star

Kabanata 32

Alone

--

"Grabe, Ma'am! Napagod ako. Hindi pa pala natin kaya ang ganoon..." nahihiyang tumawa at nagkamot ng ulo ang staff kong nagkumbinsi sa akin na tanggapin ang client na 'to.

Marahan akong ngumiti sa kanya. Hindi dapat siya ma-guilty dahil kahit papaano naging maayos naman ang lahat.

"That's okay. Atleast nagawa naman natin ng maayos at nangyayari talaga ang mga ganito. Hindi sa lahat ng bagay magiging perpekto ang gawa natin. We need to keep improving. Thank you for your help..." I smiled at them before going out of the kitchen.

Lee left with his cupcakes. Hindi ko alam kung para saan ang mga 'yon pero hindi na ako naglakas loob magtanong. Kasi ano namang karapatan ko para magtanong pa? Wala na akong karapatan pa para alamin ang mga bagay na ginagawa niya ngayon.

I sighed. Pagod akong naupo sa tabi ni Issa. Wala na rito si Ate at sina Brandon at Cassandra. Magda-date yata ang dalawang 'yon. Si Lorie at Issa na lamang ang naiwan dito. Hindi ko alam kung magtatagal pa sila.

"Are you okay? You look exhausted," Issa said.

"Sino ba namang hindi magmumukhang pagod kung ganoon ang client?" natatawang sinabi ni Lorie.

Siniko siya ni Issa dahilan para matahimik siya at tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at sumubo na lamang sa cake ko. Maliit akong ngumiti habang hindi tumitingin sa kanila.

"I'm fine. May mga ganito talagang nangyayari sa shop. Kailangan naming magtrabaho ng mabuti para mas lalong lumaki ang shop."

"Pero sobra 'yong Lee na 'yon, ah! Fifteen boxes of cupcakes in just two hours? Parang sinamantala niya ang pangangailangan ng shop mo. Siguro alam no'n na hindi ka makakatanggi dahil kailangan na kailangan ng shop mo 'yon," Lorie said.

"Hindi naman siguro. Baka kailangan na kailangan niya lang talaga..." sabi ko.

"Sus! Ikaw palagi mo nalang tinitignan ang mabuting bagay."

"Lorie tumahimik ka nga. Wala kang tulong," si Issa sa kanyang kapatid.

"Why? I'm just saying..." ngumuso si Lorie at kumain nalang.

Nagbaba ako ng tingin.

"Pero ayos ka lang ba talaga? Gusto mo ipabugbog ko 'yon?" si Lorie.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Tumawa si Issa at bahagya siyang hinampas.

"Don't you know Leandros Hidalgo? He's an architect and has his own company. He's rich so are you sure you can do it?"

Natigilan ako sa narinig kay Issa. May alam siya tungkol kay Lee? Paano niya nalaman?

"Architect na siya?" halos pabulong kong tanong.

Lumingon sila sa akin. Tumango si Issa.

"The Hidalgos are close to us so I've already heard about him. I just didn't mention it to you dahil baka... ayaw mo siyang pag usapan."

"Bakit ako hindi ko siya kilala?" si Lorie.

"You don't pay attention to people like him. Ni hindi mo nga maalala ang pangalan niya kanina. Tss..."

Ngumuso si Lorie at tumingin sa akin. Hindi naman na nawala sa isipan ko ang tungkol kay Lee.

Kung ganoon naging architect nga siya. At may sarili nang kumpanya? Well... sampung taon na ang lumipas. For sure he's done a lot in those ten years. Matalino at magaling pa naman siya at kilala ang pangalan kaya hindi na nakakagulat malaman na sobrang successful niya na.

I smiled a little. I'm... proud of him.

If only I had a chance to tell him that...

Ilang araw ang lumipas. Lee never came back to my shop. I don't want to hope but... I still hope that he will come back but... he didn't come back anymore after that. Pinagalitan ko ang sarili dahil ang kapal kapal pa rin ng mukha ko hanggang ngayon. Wag ka nang umasa sa kanya, Mina. You hurt him so you doesn't deserve him anymore. Hindi na siya para sayo.

Halos matawa ako. Kahit kailan naman... hindi siya naging para sa akin.

Wearing a leather jacket with crop top t-shirt inside, black jeans and white stiletto, I entered the bar where Issa's birthday will be held. It's her birthday today.

Many people greeted me immediately after I entered. I smiled at them and greeted them softly as well. Ilang minuto tuloy akong nagtagal doon bago nakarating sa pa u-shaped na upuan ng mga pinsan ko at iba pa nilang kaibigan.

"Where's Luna? Did you invite her?" Issa asked me.

"Yeah. Pupunta daw siya."

Marami din ang bumati sa akin sa upuan. Ate Johanna, Cassandra and Brandon are already here. Wala na naman si Lorie.

"Where's Lorie?" tanong ko kay Issa kahit parang alam ko na ang sagot.

She sighed and shrugged. "Kumain lang kami sa labas kanina kasama sina Mom and Dad tapos binigyan niya ako ng regalo. Iyon lang. Hindi siya pupunta rito."

Tumango ako at hindi na tinanong kung bakit hindi siya pupunta dahil alam ko na ang sagot. Nakita ko si Luna na parating kaya agad ko siyang tinawag at kinawayan. Tumayo ako para salubungin siya.

"Hello! Oh my gosh! Happy birthday, Issa!" she said after she hugged me.

Ngumiti si Issa at nakipag beso sa kanya. Nagulat ako nang natanaw si Blade sa 'di kalayuan, kasama ang mga kaibigan niya sa isang table.

"Magkasama kayo?" I asked Luna when she finished talking to Issa, alam kong alam niya ang tinatanong ko.

Umirap siya pagkatapos sulyapan ang gawi nina Blade.

"Hindi, noh."

Bakit alam mo agad kung sino tinutukoy ko? Hindi mo pa nga nililingon ang gawi nina Blade?

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Natawa siya nang nakita ang itsura ko.

"Tumigil ka nga, Mina. Hindi ko siya kasama, okay? At hindi ko alam kung bakit nandito din siya."

"Tss. I'm not saying anything..."

Inirapan niya ako at naupo na lamang. Tumawa ako. Tumabi ako sa kanya at marami na naman ang kumausap sa akin kaya hindi ko na siya nakausap pa.

"Mich," tawag ni Cassandra sa akin at agad akong lumapit sa kanya.

She introduced me to her old friends. She said their names but I only remember Leah. Kilala ko rin kasi siya. I smiled and introduced myself to them all.

It was like a reunion. Many of our classmates and schoolmates were there. Hindi ko alam na ang dami palang ni-invite ni Ate.

"Happy birthday, Issa!" sabay sabay naming sigaw habang hawak ni Ate ang cake sa harapan niya. May candle roon na hihipan niya.

Hindi gusto ni Issa ang ganito pero dahil mapilit si Ate ay wala na siyang nagawa. Halos si Ate ang nagplano ng lahat ng ito. Kahit ang lugar kung saan gaganapin ang party ay siya ang namili, sa bar. Natawa na lamang si Issa at hinipan na ang kandila.

Pumalakpak kami at muli siyang binati. Maingay sa bar ngunit pakiramdam ko mas maingay kami. Pagkatapos ng tawanan at kaunting kwentuhan ay muli kaming naupo at kinain na ang cake. Iba't ibang alak rin ang in-order ni Ate na para bang wala siyang trabaho kinabukasan. Kaming lahat pa ang pinapa inom niya! Nananali pa!

"Let's dance!" Ate laughed looking drunk. Ilang oras na kaming nandito.

"Ate!" I called pero alam kong wala na akong magagawa sa kanya.

Tsaka malaki naman na siya. Kaya niya na ang sarili niya. May mga bodyguards naman siyang bubuhatin siya kapag nalasing.

"Banyo lang ako..." paalam ko kay Luna na nakikipag tawanan sa mga katabi niya.

Tumango siya sa akin at muling nakipag tawanan. Tumayo naman ako at humalo sa maraming tao para makadaan.

I only drank a little so I'm not that drunk yet. Besides, I don't really drink. Si Ate lang ang pumilit kaya wala na akong nagawa.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay napabaling ako sa grupo ng mga lalaki sa 'di kalayuan. Nasa isang table sila at nagtatawanan. May iilang babae pa akong nakita. Iyong iba nasa kandungan ng mga lalaki at yung iba naman ay nasa tabi lang nila.

Nagtama ang mga mata namin ni Lee. Inasahan ko nang makikita ko siya dahil mga pinsan niya ang mga lalaking 'yon! Sandali akong natigilan. His face was red, maybe because of the alcohol, maybe he drank a lot. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin, mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan!

Hula ko ay galing pa siyang trabaho. Nakasuot siya ng longsleeve polo at nakatupi hanggang kanyang siko. I saw his expensive watch on his wrist. Hawak kasi nito ang baso na may lamang alak at kitang kita ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin at kung hindi pa ako ngayon natutumba, isa na 'yong himala!

Mabilis akong nag iwas ng tingin sa sobrang kaba. I continued walking until I reached the stairs. The bathroom is upstairs so that's where I'm going. Walang kasing bilis ang pintig ng puso ko habang humahakbang. Halos hindi ko na mabati ang mga bumabati sa akin.

I didn’t expect to see him here. Ilang araw na ang nakalipas. I thought I would never see him again or that our paths would never meet again. At alam kong ganoon rin siya dahil... ayaw niya na rin naman akong makita, hindi ba? Galit na nga siya sa akin, mas lalo pa siyang nagalit noong pumalpak ang order niya sa shop ko.

Kaya siguro ngayon mas mabuting umiwas na lamang ako. Gusto ko pang humingi ng tawad sa kanya pero mukhang hindi niya na 'yon kailangan. Na-realized kong sobrang kapal na ng mukha ko kung lalapitan ko pa siya.

Napasinghap ako sa gulat nang may bigla nalang humigit sa pulsuhan ko. Napaharap ako sa kung sino man iyon at parang sasabog ang puso ko! Handa na akong sumigaw sa takot at kaba nang nakita kung sino iyon! Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang seryoso ngunit namumungay na mga mata ni Lee.

"Saan ka pupunta?" seryoso niyang tanong.

Kinabahan ako. At sa sobrang kaba bigla nalang akong nakapag salita!

"S-Sa banyo l-lang..."

"Aalis ka pagkatapos mo akong makita. Bakit?" lumapit siya sa akin.

Napa atras ako. Sa nakikita ko ngayon, lasing na siya. Namumula ang kanyang mukha at namumungay na rin ang mga mata kahit pa seryoso.

"W-What? No. Pupunta lang ako sa... banyo," kabado kong sagot.

Naramdaman ko ang railings sa likod ko dahilan para matigil na ako sa pag atras! Mabilis na nilagay ni Lee ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako at halos hindi ako makahinga! Nagkatinginan kami.

"How dare you avoid me... Hindi ba dapat ako ang umiiwas sayo?" anya.

Hindi ako nakapag salita.

Ngumisi siya ngunit hindi kita ang tuwa sa mga mata.

"Ako dapat ang umiwas pero hindi ko magawa. See? Sinundan pa kita..."

Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung bakit parang... masakit. May kumukurot sa puso ko nang paulit ulit.

"Magba-banyo? You liar..." he said.

"Lee..."

"I am Lee..." namaos ang kanyang boses.

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

"I'm not Sebastian. I am Lee, Mina..." I saw how a tear dripped from his eyes.

Umawang ang bibig ko habang tinititigan siya. Mas lalong nangilid ang luha sa aking mga mata.

"Narinig mo ba ako? Ako si Lee... Ako si Lee, Mina..." he said again, almost pleading.

Parang binuksan na gripo ang mga luha ko. Sunod sunod itong tumulo na para bang wala nang katapusan. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi.

Tinitigan niya ako. Tinitigan niya ang mga luha kong hindi matigil sa pagtulo. Nagbaba siya ng tingin at ilang sandaling nanatiling ganoon hanggang sa tinanggal niya ang mga kamay sa railings at bahagya siyang umatras. Tinanggal ko ang nanginginig kong mga kamay sa aking bibig at tinitigan siyang pinapakalma ang sarili habang nakatitig din sa akin.

"I'm sorry..." he said.

Pinunasan niya ang mga luha sa may mga mata at tumingin muli sa akin. Namumula pa rin siya, mas lalo lang siyang namula ngayong umiyak. He stared at me with weak eyes... and it's breaking my heart... so much.

"You can go now. I'm sorry..." he said again.

Hindi na ako naghintay pa, tumakbo na ako palayo roon. Habang pinupunasan ang mga luha, at habang pinipigilan ang paghikbi. Maraming bumati sa akin habang pababa ako ngunit hindi ko na sila nilingon. Mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Mabilis akong tumakbo palabas sa sobrang sakit.

Akala ko dahil sa binigay kong sakit sa kanya noon, mawawala na ang pagmamahal niya sa akin. Na magagalit nalang siya sa akin habang buhay. O kung hindi man, patatawarin ngunit hindi na mamahalin pa. Dahil binigyan ko siya ng sobra sobrang sakit, e. Sino pa bang tangang tao ang magmamahal sa isang taong walang ibang ginawa kundi saktan siya, diba?

Pero bakit... bakit...

Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan at doon umiyak nang umiyak. My car is tinted and no one can hear me from inside so I’m free to pour out everything that I'm feeling.

Alam kong na-realized ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Pwede ko nalang sabihin sa kanya na siya ang mahal ko, not Sebastian, not because he looks like Sebastian, but because he is Lee. He is Lee so I love him!

But I'm scared... naduduwag ako... It hurts so much for me to see him like that. Na hanggang ngayon nasasaktan pa rin pala siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Besides, should I still love him if I gave him too much pain? Do I still deserve him?

And his family... until now they still hate me, I know that. Ang Mommy niya... ang lahat! Kaya paano? Ako ang dahilan kung bakit nangyari 'yon kay Seb, galit sila sa akin, tapos ngayon sinaktan ko pa si Lee. Sobra sobra na ang mga nagawa ko sa mga Hidalgo. May mukha pa ba akong ihaharap sa kanila?

May mukha pa ba akong ihaharap kay Lee? Pagkatapos ng sobra sobrang sakit na ibinigay ko sa kanya? Deserve ko pa ba siya?

I don't want to see him hurt anymore. But I don't know... how to tell him how I really feel. Dahil pakiramdam ko hindi pwede... hindi itinadhana... hindi nararapat.

I sobbed inside my car, not knowing what else to think. Not knowing what else to do. Pero ang alam ko lang ay gusto kong umiyak. Umiyak hanggang sa mawala ang sakit.

So I just cried there, while alone... and hurt.

Continue Reading

You'll Also Like

9K 412 45
[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked ab...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
Loving Heart By MC

Teen Fiction

15.1K 358 63
[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero h...
1.8K 239 31
The second book of 'Don't Go'. When Lay left Venice, her heart was shattered into pieces. She keeps on questioning what made him decide to crash the...