Fallen Star

By Zelokitty

326 118 0

"The sky is so tragically beautiful, A graveyard of stars" - Anonymous. -Completed- More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47

Chapter 48 -Finale

4 0 0
By Zelokitty

"Of course I'll hurt you. Of course you'll hurt me. Of course we will hurt each other. But this is the very condition of existence. To become spring, means accepting the risk of winter. To become presence, means accepting the risk of absence."
― Antoine de Saint-Exupéry, 

Lara's POV

"Lara!" Nagulat ako nang biglang pumasok sa dressing room sila Elie at Chloe.

"Aigoo, Napakaganda!"

"Heh, Oo nga Lara ang ganda ganda mo" Nakaramdam ako ng hiya at humarap sa kanila.

"Tara Picture!" puro tadtad ulit kami ng pictures. Hanggang sa magsalita si Chloe.

"...Hm, Lara? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina?" Hindi ko alam pero napansin din pala ni Chloe. Umiling iling ako at ngumiti "Kinakabahan lang siguro ako"

"Nako, Kailangan mawala na yan dahil madaming manonood na fans, Ikaw naman kasi pumayag ka pa na pwede manood yung mga fans mo eh"

"Heh, May mga body guard naman at limited lang din naman sila kaya makikilala yung mga makakapasok kung kasali ba sa list o hindi"

"Sabagay... Aigoo! Bakit pati ako kinakabahan haha!"

"...El Lagi ka naman ganyan miski sa race noon ni Desmond" Nagtawanan kaming tatlo

"Oo nga no haha!" Huminga ako ng malalim at napangiti,  Bigla ko nalang silang yinakap.

"O-Oy Lara"

"..Lara"

"Thank you sa inyo, Napakasaya ko na. Dahil sa inyo sumaya na ako ng ganito."

"Aigoo, Mas lalo kang sasaya pag kasal na talaga kayo ni Desmond."sinubsob ko yung muka ko sa balikat nilang dalawa. 

"..Lara, Umiiyak ka ba?" Napangisi ako at napapunas ng luha.

"Aigoo, Umiiyak nga" Pinaharap nila ako sa kanila at sabay nilang pinunasan yung luha ko.

"Wag ka ngang ganyan, Nasisira yung make up mo" Bigla nalang akong natawa nang makita kong lumuluha na din silang dalawa.

"Oo na, Miski make up niyo nasisira na rin eh" Maya maya, Tumunog yung phone ni Elie at binasa niya yung nag message sa kanya.

"Aigoo, kailangan na daw naming bumaba" Napangiti ako " Oo sige"

"Kailangan ma aura ka mamaya ha?" Sabi ni Elie kaya natawa ako sa kanya " Paanong Aura?" Tanong ko at bigla siyang nag pose ng parang kay Cheon Song-yi sa My Love From The Star.

"..Heh, Una na talaga kami Lara." Hinila na ni Chloe si Elie palabas ng Dressing Room. Kaya napabuntong hininga ako nang mag ring din yung phone ko

"Geez." Sinagot ko na yung phone ko at parang nakikita ko si Sheryl na nakapamewang habang kausap ako "Well girl, Ugh. I hate to say this but Congrats"

"Heh, Thank you Sheryl. Pumunta ka ha?"

"Oo naman, Akala mo hindi ako pupunta? Kaya kailangan maganda yang dress mo at baka akalain nila na ako ang ikakasal kay Desmond." napangisi ako.

"Thank you Sheryl"

"God.. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ka parin naaasar sakin. Anyway, Pinaalalahanan kita na mas maganda ako sayo kaya kailangan mas maganda ka today"

"Okay noted."

"Ugh, Well see you Later!"

"See you"

Ren's POV

Dahil ngayon alam ko na kung sino ang may sala, Kailangan ko nalang ng pruweba.

Pumunta na ako sa bahay ni Sheryl.

Pagkapunta ko saktong binuksan na ni Markus yung pintuan.

"Ano? Ano nang balita?" Tanong niya.

"Sigurado ka ba na wala siya diyan?" Tanong ko " Oo, kakaalis niya lang kanina, Mukang nagmamadali nga. Tara Pasok." Dinala na ulit ako ni Markus sa may balcony niya.

"Oh ano na?" Tanong niya.

"Siya ba ang pinanghihinalaan mo?" Pinakita ko sa kanya yung litrato.

"...T-Totoo nga." Bigla siyang nanghina, Napaupo.

"Bakit... Bakit tatay pa ni Sheryl?"

"Hindi pa tayo sigurado Markus. Kailangan ko ng solid evidence para mahuli na siya." Umiling iling siya.

"...Hindi ko matanggap. Kung--Kung siya-- Kaibigan siya ng papa ko at ang mas lalong hindi ko matanggap... Si Sheryl-- Hindi ko alam kung ano mangyayari sa kanya kung yung papa niya talaga ang may sala" Huminga ako ng malalim.

"Bro.." Tumayo siya.

"Bahala na. Tara sumama ka sakin" Pagkababa namin, dumirecho kami sa Office ng Daddy ni Sheryl.

Nagulat nalang ako nang mabuksan niya yung lock ng pintuan.

"Woah" Pumasok na kami sa loob.

"Hm, Ano? Ano hahanapin natin?" Tanong niya

"Sa totoo lang... Hindi ko din ala-"

"Anong ginagawa niyo dito?" Napatingin kami sa pintuan. 

"Sheryl.."

"Anong meron? Anong nangyayari?" Tanong niya. 

"Ah.. Maiwan ko na muna kayo" Sabi ko at lumabas na muna ng Office.

Markus' POV

"Sheryl.." Lumapit sa amin si Sheryl

"Ah.. Maiwan ko na muna kayo" Napayuko ako.

"Markus, Anong nangyayari?" Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Hindi din naaksidente ang papa ko Sheryl" 

"H-Ha?" Tinignan ko lang siya ng may lungkot sa mata ko.

"At...Sorry Sheryl"

"Ha? Teka, Ano ba nangyayari sayo?"

"...Kailangan ko ng ebidensya" Dahan dahan kong nilagay yung kamay ko sa pisngi niya.

"Ayokong madamay ka. Pero-- Kailangan ko tong gawin..

..Nakita na ni Ren ang naka witness"

"Oh.. Nakita na naman pala eh. Teka Markus kinikilabutan ako sayo eh"

"...Sorry, Pero ang sabi nung nakakita, Daddy mo daw ang may kagagawan ng lahat" Bigla nalang siyang napanganga at napapatong sa lamesa ng Daddy niya

"N-No" Umiling iling siya.

"Sorry, Sorry Sheryl" Napaluha siya at napaupo sa upuan ng Daddy niya.

"M-Markus, Kung siya nga-- Ibig sabihin. Siya--Siya din yung may kagagawan sa pagkamatay ng Mo-- Oh God" Napayuko siya at umiyak.

"Shery-"

"...Wait" umalis siya sa pagkakaupo sa upuan at napakunot ako ng noo nang lumuhod siya at binuksan yung drawer ng daddy niya.

"Ugh, Locked" pilit niyang binubuksan yung drawer kaso mainis inis na siya dahil hindi niya mabuksan.

"Sheryl.."

"Help me Markus.. Natatandaan ko na may tinago siyang folder dito noon at hindi niya sakin pinak-" Medyo napapansin ko na nawawala na sa sarili si Sheryl kaya naman hinawakan ko yung magkabilaang braso niya at pinaharap sakin

"Sheryl teka, Kumalma ka muna" 

"Pero.. P-Paano?" Yinakap ko siya. 

"Kung siya man, Wala na tayong magagawa. Pero pinapangako ko sayo, Hindi kita iiwan" Naramdaman ko din yung pagyakap niya sakin. 

Nang kalmado na siya, tinawag ko na si Ren at nagpatulong sa kanya.

Kaya naman pagkabukas niya nung drawer, Nakita namin yung folder na tinutukoy ni Sheryl kanina.

"Ito ba yun?" Tanong ko

"...Oo" Kinuha na ni Ren yung Folder at tinignan niya na.

"Ano?" Tanong ko, Napatingin siya kay Sheryl.

"Confirm" Bigla nalang humagulgol si Sheryl kaya naman yinakap ko siya. Kinuha ko yung Folder at tinignan din.

Siya nga ang may sala. Nakalagay dito yung litrato ng aksidente noon, litrato nung nakawitness at yung nakabangga sa kotse ng minamaneho ng papa ko. 

Kitang kita na yung nakabangga ay yung Daddy ni Sheryl.

"..Siya ba-- Siya ba yung naka witness?" Tanong ko habang nakaturo sa picture ng witness.

"Oo siya, At siya din ang nagbigay sakin nung litrato ng Daddy ni Sheryl, Sa ngayon kailangan niya muna magtago dahil hanggang ngayon daw pinapahanap parin siya ng Daddy ni Sheryl."

"Sheryl" Sabi ko, at umalis siya sa pagkakayakap ko sabay punas niya sa mga luha niya.

"Sorry Markus.. Sorry kung nagawa to ni Daddy sa papa mo" Umiling iling ako. Pinaupo ko na muna siya nang masanggi ko yung mouse ng computer ng Daddy ni Sheryl

Nang biglang nanlaki yung mga mata namin.

"Wedding of Lara and Desmond?" Napatingin kaming dalawa ni Sheryl kay Ren

"Shit!" kumaripas na sa pagtakbo si Ren at tatakbo na rin sana si Sheryl kaso hinawakan ko siya.

"Let me go, Kailangan kong pumunta doon!" Mangiyak ngiyak na pagkakasabi ni Sheryl.

"Sasama ako, Tara" Sumakay na kami sa kotse at hindi na namin naisabay si Ren dahil ang bilis ng pagtakbo niya.

"Please, Answer your damn phone Lara!" Mangiyak ngiyak na pagkakasabi ni Sheryl habang kinokontak niya si Lara. 

Ren's POV

Ilang beses ko nang tinatawagan si Desmond pero hindi niya ako sinasagot, miski si Adrian at Elijah mga naka off yung phone nila.

"Pero pinaalalahanan kita, Hanggat hindi pa niya nakukuha yung gusto niya, Hindi siya titigil. Kaya sana makita mo siya at mahuli na"

Ano pa bang kailangan niya? 

Malayo layo ang venue kaya wala na akong nagawa at nag commute nalang dahil pagod na ako sa kakatakbo.

"Lara.. Sana okay ka lang, Sana walang mangyari sayo"

Lara's POV

Ito na..Pagkababa na pagkababa ko palang, Ang dami na agad umiiyak na mga fans kaya ngumiti ako sa kanila. 

Garden Wedding ang Theme, May mga nakasabit na Blue Butterflies sa mga Puno habang may nakapalibot na mga ilaw.

Meron ding mga nakasabit sa may taas ng Isle kaya ang ganda kapag dadaan ka na doon.

Hanggang sa makarating na ako sa may Isle, Sabay sabay silang humarap sakin. Maraming nakangiti at marami ring umiiyak na.

Nakakatuwa habang naglalakad na ako ng dahan dahan, Isa isa ko silang nakikita.

Sila Elie, Chloe

Sila Adrian, Elijah

Sila Elliot , Lia, Lorraine

Sila Hannah, Lola Felice

Sila Miss Pol, Miss K

At si Nurse Hope.

Medyo nalungkot ako nang hindi ko nakita sila Ren at Sheryl. 

Pero bigla nalang ako napangiti nang mapatingin na ako kay Desmond. Onti nalang, Maaabot niya na yung kamay ko.

"Hello, Im Lara sana mag-"

"Ikaw?!" 

"A-Ako?"

"Wag ka ding mag alala, Dahil nung unang kita ko sayo para ka ng lalaki sa paningin ko" Hindi ko talaga ineexpect na parang kailan lang sinabihan niya ako na muka akong lalaki  sa paningin niya at sa final rule namin na

"Wag kang magkakagusto sakin"

...Ngayon papakasalan niya na ako.

Hinawakan na ni Desmond yung kamay ko. 

Habang nagsasalita na yung Pari, nakatingin lang kami sa isa't isa.

"I love you" Bulong niya

"I love you too"

Sheryl's POV

"Stop the car, God No. Naandito nga siya" Lumabas na agad ako ng Kotse.

"Sheryl Teka!" Hindi ko na hinintay si Markus at tumakbo na sa may Gate kaso hindi agad ako pinapasok ng guard.

"Dammit! I have Invitation so let me in!"

"Oh Sorry Mam, Come in" Tumakbo na ako sa loob, Nilibot ko yung mata ko hanggang sa may mapansin ako sa may rooftop.

"No. No no no!" Nanginginig na yung buong katawan ko. Pero ayokong may mangyari kay Lara kaya nilakasan ko yung loob ko at umakyat na.

Hanggang sa makarating na ako at napatigil ako nang makita ko yung likod ni Ren.

"Sheryl, Diyan ka lang" Sabi ni Ren habang nakaharang yung kamay niya.

"D-Daddy"

May hawak hawak yung Daddy ko na sniper rifle. 

"Sir, Meron na kaming ebidensya, Kaya please, Ibaba niyo na yan at sumuko nalang kayo"

"Daddy please, Kahit hindi niyo na ako isali sa Agency niyo. Wag niyo lang to gawin please" Mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa sa Daddy ko.

"..Nalaman niyo na naman pala ang totoo. Sheryl Anak..

...Im Sorry" Parang sumabay sa pagputok ng Rifle ni Daddy yung puso ko.

"No!" Napaluhod ako, Para na akong mababaliw.

Bigla nalang nag sigawan yung mga tao sa baba kaya napapikit ako at hindi ko na mapigilan yung takot at ang pag iyak ko.

"N-No--No Lara, No" 

Ren's POV

Akala ko, Mapipigilan ko siya.

Pero wala akong nagawa nang pinaputok na niya. Kaya ang ginawa ko nalang binilisan ko yung sarili kong makapunta sa kanya at agad agad siyang pinosasan.

"No!" Sigaw ni Sheryl at nag sigawan na rin yung mga tao sa baba

"Lara!"

"Lara!"

Puro Lara na ang naririnig ko, Sigawan at ang mga Pag iyakan nilang lahat.

Napapikit ako habang hawak hawak ko padin yung Daddy ni Sheryl. Pagkamulat ko, mahina hinang tumayo si Sheryl at tumingin sa baba.

nakahawak lang siya sa bunganga niya.

Elie's POV

Ang akala ko, Magiging okay lang ang lahat. 

Kaya siguro kinakabahan siya.

Baka nararamdaman niya na may mangyayaring hindi maganda.

Hanggang sa biglang gumalaw si Lara at namula yung suot suot niyang white dress

"Lara!" Hindi ko matanggap. 

Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito.

Parang.

Parang ako yung binaril. Manginig nginig akong tumayo.

"Tumawag kayo ng Ambulansya Dalian niyo!" Sigaw ni Desmond.

Tatakbo na sana ako papunta kay Lara pero bigla akong hinawakan ni Adrian.

"Nako Adrian bitawan mo ako."

"El.." Pumapalag palag ako sa pagkakahawak niya sakin hanggang sa manghina na ako. Sunod sunod na sa pag agos yung luha ko.

"Oh God, Lara" Napatingin ako sa nagsalita kaya biglang nag init yung dugo ko. Tinulak ko si Adrian at dali dali akong pumunta kay Sheryl.

"Ikaw ba may kagagawan ng lahat ha?! Hanggang ngayon ba may galit ka parin kay Lara?!"

"El tama na yan" Hinawakan ako ni Adrian pero tinulak ko ulit siya

"El" Mangiyak ngiyak na pagkakasabi ni Sheryl.

Kaya pinunasan ko yung luha ko at sineryoso ko yung muka ko sa kanya

"Pag may nangyaring hindi maganda kay Lara. Sinasabi ko sayo, Isusunod kita sa mama mo"

Desmond's POV

Parang ang bilis ng pangyayari.

Bakit si Lara pa?

Bakit?

Kakasabi mo palang ng I love you too, Bigla ka nalang napalapit sakin.

Hindi ko alam.

Binaril ka na pala.

Ramdam ko yung lamig ng dugo na nasa damit mo.

"Tumawag kayo ng Ambulansya Dalian niyo!" Sigaw ko kaya Napaluhod ako at pinahiga si Lara sa dibdib ko.

Nakangiti lang siya sakin.

"Des."

"Lara.. Please kumapit ka lang. Malapit na yung Ambulansya" Gustong lumabas na ng mga luha ko kaso pinipigilan ko.

Nakangiti parin si Lara sakin.

"Lara, Kausapin mo lang ako please"

"Simula... Nung makilala ko kayo, Makilala kita-- Sumaya na yung buhay ko." Dahan dahan niyang hinawakan yung kamay ko na nakalapat sa pisngi niya.

"Mas papasayahin pa kita Lara. Kaya please kumapit ka lang."

"Parang awa mo na" Napayuko ako at dinikit ko yung noo ko sa noo niya.

"Please."

"Des Naandito na yung ambulansya" Sinubukan kong ngumiti sa kanya "Diba Lara? Naandiyan na agad, Kaya kumapit ka lang ha?" Kinarga ko na si Lara.

Bigla akong nanghina.

Hindi ito yung kargang gusto kong gawin sayo sa araw ng kasal natin

Chloe's POV

Nakakapanghina nang makita naming lahat, Sa mismong araw ng kasal ni Lara. Wala kaming ibang nagawa kundi umiyak nalang.

Yung mga fans ni Lara, Agad agad pinauwi ng mga guard para wala nang madamay pa.

Akala ko secured na ang lugar pero may mangyayari parin palang hindi maganda.

Hanggang ngayon hindi ko mapigilan yung pag iyak ko.

Maya maya nasa may Hospital na kami at hanggang ngayon wala paring tumatahan lalo na si Elie. 

"G-Guys" Napatigil si Elie at naglakad siya ng mabilis papunta kay Sheryl nang bigla siyang harangan ni Ren.

"Tumabi ka Ren, Baka ikaw tong masampal ko"

"Elie Walang kasalanan si Sheryl. Naandito siya para sabihin yung totoong nangyari" Sabi ni Ren, Napatingin ako kay Desmond pero nakatayo lang siya sa tabi ng pintuan kung saan pinasok si Lara.

Hindi siya umiiyak, Nakatulala lang siya.

Napatingin ako kay Adrian at sinenyasan ko siya na lapitan niya muna si Desmond pero umiling iling siya at sinabing hayaan na muna.

"Tama si Adrian, hayaan na muna natin siya" Napatingin ako kay Elijah at yinakap niya ako.

"Sana.. Walang mangyari kay Lara" Hindi na nagsalita si Elijah at hinigpitan nalang yung pag yakap sakin.

Maya maya pinakalma ni Adrian si Elie at pina upo.

"Elie unang una, Sorry sa mga nagawa ko noon, Pero pinapangako ko sayo, Okay na kami Lara. Pangalawa, Naandito ako para sabihin sayo" napatingin siya sa amin " Sa inyo... Na--"

Napayuko si Sheryl at hindi niya na naman napigilan yung pag iyak niya.

"..Daddy ko ang may kagagawan ng lahat" May binigay na folder si Ren kay Elie.

Lumapit kaming lahat pero si Desmond hindi parin gumagalaw.

"--Mahal ko si Daddy, Pero hindi ako makapaniwala na... Na pati mommy ko tinago niya na siya ang nakapatay"

"S-Sheryl.."

"Kaya Elie, Sorry. Handa na ako.. Handa na akong ipakulong niyo ang Daddy ko. Ayoko nang may masaktan pa siyang iba" 

"Para na rin.. Mabigyan ng Hustisya hindi lang ang Mommy ko at ang Papa ni Markus pati na rin yung Magulang ni Lara at sa ginawa sa kanya ngayon ng Daddy ko"

"Please" Sunod sunod na yung pag agos ng luha ni Sheryl kaya naman yinakap siya ni Elie.

"...Sheryl." hindi na gaanong nakapagsalita si Elie at bigla nalang napahagulgol si Sheryl. 

Pagkalipas ng ilang oras, Naandito parin kami. Tahimik na nag dadasal, Si Desmond hindi parin makausap.

Tumabi si Ren kay Desmond pero walang umimik sa kanila.

Desmond's POV

Pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko.

Hindi ako makagalaw

Hindi ako makapagsalita.

Nakatayo lang ako ng direcho habang hinihintay na lumabas na si Lara

Kasal dapat namin ngayon

Pero bakit naandito kami ngayon sa Hospital?

Lara...

Para akong nabuhayan nang tumunog na yung pintuan at bumukas na 

Pero

Pakiramdam ko sumabog na yung nasa dibdib ko.

Bakit

Bakit nakabalot na siya?

Ngayon, Ngayon na sila nagsilabasan.

Sunod sunod nang nagsilabasan yung mga luha ko.

"Lara?!"

Lahat sila napasigaw, napaiyak at humagulgol, pero hindi ko sila masyadong marinig, Ang alam ko lang nakatayo parin ako ng direcho habang papalapit sakin yung katawan ni Lara.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Yung magiging asawa ko dapat ngayon..

Wala na.

Napayuko nalang ako.

Naramdaman ko yung paghawak sakin ng kuya ko.

"Des.."

Hindi ako makapagsalita, Pero mura na nang mura tong utak ko.

Chloe's POV

Pagkabukas ng pintuan, Akala namin okay na. Pero sabay sabay kaming napatayo

Napahawak sa bunganga

Nang makita namin na may nakatakip na sa kanya na puting tela.

"Lara!" Hindi na naman namin napigilan ang sarili at lumapit na sa katawan ni Lara.

"No! Lara! Gumising ka diyan! Hoy!" Napayakap nalang ako kay Elijah nang biglang napaluhod si Elie at yinakap si Lara.

Humagugol na ng tuluyan si Elie kaya hindi na rin ako nakapag pigil at napaluha na rin ako.

"Lara! Ayoko ng ganito! Wag kang mag biro diyan! Gumising ka please" Napahawak ako sa tiyan ko.

Sorry Lara.. Hindi ko agad nasabi sayo.

Lumapit si Adrian kay Elie at sinusubukan niyang pakalmahin si Elie pero, Hindi niya mabitaw bitawan si Lara.

Nang biglang ilagay ni Desmond yung kamay niya sa ulo ni Elie.

Napatigil siya at dahan dahang tumingin kay Desmond.

Maga na rin yung mata ni Desmond pero sinubukan niyang ngumiti parin.

Kahit papaano kumalma si Elie at Napatayo.

Hinawakan ni Elie yung kamay ni Lara sa huling pagkakataon.

"Sige Des, Doon muna kami" Iniwan na muna namin si Desmond kay Lara.

Pagka upo namin, Nakatingin lang kami sa kanila.

Hinawakan ni Desmond yung kamay ni Lara at may nilabas siyang singsing at sinuot sa kanya, Pagkatapos, hinalikan niya yung noo ni Lara at may binulong.

Napakunot ako ng noo.

Pero napatingin ako kay Elie na katabi ko ngayon. Nakatulala na pero tuloy tuloy parin yung pag iyak niya.

Hanggang ngayon Hindi parin kami makapaniwala

Hindi parin kami makapaniwala na wala na si Lara...

Naandito na kami sa may simbahan, Maririnig mo yung pag iyak ng iba.

Naandito silang lahat, Pati na rin sila Hannah, Lola Felice at si Nurse Hope.

Iyak ng iyak si Lola at ganun din si Hannah.

Maya maya, May nag play ng video.

Mas lalo na naman kaming naiyak.

Yung mga picture namin na magkakasama kaming lahat. Isa-isang pinakita sa may white screen.

Pagkatapos, Isa isa na rin kaming nag bigay ng message.

Ako ang una, kaya pumunta na ako sa harapan.

"Welcome to the Seventh Realm!" 

"Ito ang Realm kung saan pwede mo ilabas lahat, yung feeling na malaya kang makakalipad, Lahat ng problema mo pwede mong ilabas dito hanggang sa ma rebirth ka."

"K-Kaso wala pa akong wing light"

"Wag ka mag alala, Kami ang dalawang star sa Realm na to. Kapag nakuha mo kami, Magkaka wing light ka at pwede ka na ulit lumipad." 

"...Lara, Huli man pero salamat sa lahat. Dahil sa inyo ni Elie kaya lumakas yung loob ko. Simula nung marinig ko kay Elie yung naging problema mo, Sinubukan ko nang palakasin tong loob ko. Kaya maraming maraming salamat. Ikaw yung taong nakilala ko na punong punong ng problema pero nagagawa mo paring ngumiti. Kaya sana masaya ka parin kung nasaan ka man ngayon at sana meron ka ng unlimited wing light ngayon." 

Napayuko ako para punasan yung luha ko at ngumiti.

"Thank you Lara"

Adrian's POV

"Kaya sana habang patuloy ka parin sa pag aarte, makita ka niya ulit hanggang sa sabihin niya sa sarili niya na mali siya. Wag natin hahayaan na may hahadlang sa pangarap natin."

"Hm, Ahem.. Sa totoo lang, Hindi parin ako makapaniwala na gagawin ko to kay Lara. Hm, Sana.. Kasama niya na yung pamilya niya ngayon lalo na't okay na ang lahat, Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya. Pero Sana, marinig niya ako ngayon. Salamat Sa lahat Lara, Hinding hindi kita makakalimutan" 

Elie's POV

"Lagi mong tatandaan. Hinding hindi ako magagalit sayo unless may ginawa ka talagang hindi maganda at kung sakaling hindi ako nailigtas ni Sheryl? Hinding hindi parin ako magagalit sayo"

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi may tiwala ako sayo. Alam ko na yung kaibigan kong si Elie, hindi niya gusto yung nangyari kahit na wala siyang nagawa. Kumbaga, alam ko na wala kang ibang choice. Kaya sana Elie wag mong dibdibin kung may mangyari man sakin. Kasi kahit kailan hindi mo yun magiging kasalanan."

"Ikaw yung taong magsasabi na okay lang lahat kahit na hindi talaga okay para sayo"

"Ikaw yung taong nagpapalakas ng loob lalo na sa mga kaibigan mo"

"..Ikaw talaga yung pinakamatapang sating lahat"

"Nalabanan mo yung kadilimang gumugulo sa isip mo noon"

"Nalabanan mo lahat ng takot at lungkot na naramdaman mo noon"

"Hindi ka nagpalamon dahil inisip mo kami"

"Inisip ko kayo. Nakayanan ko El" 

"Ha?"

"..Pinigilan ko. Hindi ako nagpadala" 

"Salamat at naandito kayo, Dahil sa inyo kaya nakayanan ko." 

Napayuko ako.

"Kahit hilingin ko na sana naandito ka parin, Magmumuka lang akong tanga."

"Once daw na nawala yung taong minamahal mo, Ibig sabihin kinuha na sila ng langit at ginawang bituin. Ginawa silang bituin para mag ningning sa kalangitan at malaman natin na masaya na sila."

"Kaya...Lara, Sana masaya ka na diyan kasama ang pamilya mo."

Desmond's POV

"Thankyou Desmond. Tama ang naging desisyon ko. Hindi ako sumuko sayo"

"Sinabihan mo ako.. Sinabihan mo akong maghanda ng speech para sa kasal natin. Mukang--Mukang irerecycle ko nalang yung ginawa ko, Heh." 

"...Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Sa totoo lang ayoko paring isipin na-- Wala ka na"

"Ang hirap tanggapin Lara, Napaka sakit."

"Pero.. Tama nga sila. Dahil sayo, tinuruan mo kami magkaroon ng lakas ng loob."

"Kaya gagawin ko ang lahat. Para mapatunayan ko sayo na malakas ang loob ko"

"...Mahal na mahal kita Lara, Ikaw yung babaeng nag pabago sakin"

"Hmm, Lara?"

"Hmm?"

"Wag mo din sana akong iiwan"

"Ikaw na din naman nagsabi na kahit saan ako mag punta, susundan mo ako diba? Kung mangyari man yun, Palagi mong tatandaan, hihintayin parin kita."

Lara, May isang salita ako.

"Mahal na mahal kita."

Ren's POV

Hindi na ako nagbigay ng mensahe para kay Lara, Baka hindi ko kayanin. 

Naandito ako ngayon sa pintuan ng simbahan. Nang may kumalabit sakin.

"O-Oh"

"Condolence" Huminga ako ng malalim at sinubukan kong ngumiti.

"Mabuti naman at nakapunta ka. Ayun siya" Sabi ko at tinuro ko na sa nakawitness na si Justine si Nurse Hope.

Hindi ko alam na sila pala.

Kaya kahit papaano may magandang nangyari din.

Ilang taon silang nagkahiwalay, Ngayon lang ulit sila nagkita.

Nang mapansin ni Nurse Hope na may tao sa likod niya.

Bigla siyang napatayo at dahan dahan siyang naglakad hanggang sa onti nalang, napatakbo na siya at agad agad niyang yinakap si Justine.

Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa.

Chloe's POV

Naandito kami sa may Seventh Realm.

Hanggang ngayon-- Sa huling pagkakataon, Magkakasama kaming nanood sa paglubog ng araw.

Magkakatabi kami sa may dock, Ako, si Elie at ang nasa gitna, ang abo ni Lara.

Hanggang ngayon, Walang tigil sa pagbuhos yung mga luha namin. Hindi parin kami makapaniwala.

Kahit subukan naming tumahan, Sobrang bigat sa dibdib.

Kaya huminga ng malalim si Elie at sinubukan niyang kumanta.

Habang sunod sunod sa pagbuhos ang mga luha namin, natapos niya paring kantahan si Lara.

At dahil sa hindi niya na nakayanan, kinuha ni Elie yung Urn ni Lara at yinakap

"Lara....." Yinakap ko din si Elie at umupo sa tabi ni Elie si Adrian.

Elie's POV

Ang sakit, ang bigat. Hindi ko matanggap na wala na yung kaibigan ko na tinuring ko nang isang kapatid.

Hindi ko inaasahang dito niya ako unang narinig na kumanta at ngayon ang huli.

"Lara..." Bumuhos na ng tuluyan yung luha ko nang yakapin ako ni Chloe at umupo sa tabi ko si Adrian.

"Mahal na mahal ka namin Lara."

2047 (Present)

Lara's POV

"Maraming salamat sa inyo"

"Oh may mga magtatanong pa ba?"

"Ako po!"

"Oh sige ikaw te"

"Fan na Fan niyo po ako since day 1! And since fan na fan niyo po ako at alam kong ito lang ang chance kong tanungin to. Bakit po tinigil niyo sa pag publish ang Fallen Star?" Ilang segundo din bago nakasagot si Mama. Kaninang nakangiti pa siya ng pagkalaki laki , ngayon ay nabawasan nang tanungin siya ng isang fan ni mama.

Pagkalipas ng isang buwan, Merong event si Mama, At ever since hindi ako pumunta sa mga ganito niya kasi siyempre, never kong binasa mga istorya ni Mama.

Pero ngayon, Ngayong natapos ko yung istorya niya tungkol sa kanilang magkakaibigan, Pumunta ako.

"Unang una , Salamat at hanggang ngayon patuloy ka parin sa pag susuporta sakin. Hmm, marami rin siguro nagtataka kung bakit ko tinigil yon. Alam naman ng lahat na... True to life story yun. Naandun lahat ng ala ala na ayokong makalimutan at ang ala ala na sana hindi nalang nangyari. Ayokong maging malungkot yung mga magiging readers ko. Kaya naisipan ko na itigil ko nalang." Napalunok ako at nagtaas ako ng kamay.

Ngayon lang napansin ni Mama na nasa book signing event niya ako.

"Oh , yes iha" mahiya hiya akong tumayo pero huminga ako ng malalim.

"Ahh eh" Nagsimulang magbulungan yung mga tao. 

"Ah hello " napaubo ako at tumingin na ulit kay mama.

"Hmm, Sa tingin ko po ipagpatuloy niyo lang yun, totoo nga pong nakakalungkot yung istorya niyo, pero nangingibabaw naman doon yung mga lessons at advice sa buhay na pwedeng makuha ng mga readers. Katulad sa tatlong magkakaibigan, may sari sarili silang problema sa buhay pero nakayanan nilang lumaban na kadalasang nangyayari sa panahon ngayon, Hindi sila nagpakain sa kadiliman, Lumaban talaga sila, Nilabanan nila dahil alam nila na maraming malulungkot kung tatapusin nila yung buhay nila dahil lang sa problemang pinag dadaanan nila--

Sa talent, matututunan din nilang sundin kung ano talaga ang gusto nilang gawin sa buhay nila na walang hahadlang sa kanila. Sa pagmamahal, pag mahal mo talaga ang isang tao, kaibigan mo man o kasintahan mo, Kung may tiwala kayo sa isa't isa ,Hinding hindi kayo masisira, at hindi lang life lessons ang naibigay niyo, naging aware din ang istorya niyo sa buhay ng mga artista, na hindi lahat ng nag aartista maganda na ang buhay, Tao parin sila, may nararamdaman, Nasasaktan din sila, Natatakot, nalulungkot. At kung natatakot parin kayo dahil ayaw niyong maging malungkot yung readers niyo? Bilang isang mambabasa at anak niyo" sabay sabay silang napatingin sakin, dahil hindi nila alam na may anak na yung iniidolo nilang Author.

" sobrang proud ako sa kwento ng buhay mo Ma. Dahil sa istorya mo  natutunan kong maging matatag, natutunan ko kung paano maging isang totoong kaibigan na gagawin lahat para sa ikabubuti niyong lahat, natutunan ko kung ano nga ba talaga ang reyalidad na buhay na Hindi lahat perpekto , hindi lahat Happy Ending, Pero palagi nating tatandaan, ika nga ng iba

"You have to do everything you can, And if you stay positive, you have a shot at a Silver lining"

Napatigil ako, napahaba pala ako. Napansin ko nalang ng may humihikbi sa tabi ko. Nabasa na rin siguro nila yung istorya ni Mama. Napatakip ako ng bibig

Nakakahiya... Nakakahiya

"Ah.. Heh. Yun lang po" napapunas ng luha si Mama.

Maya maya tapos na ang event at pinuntahan ko na siya , mahiya hiya pa akong lumapit sa kanya , kasi naman bakit ang haba ng speech ko kanina?

"Ikaw ha? Kailan mo pa binasa yon? Akala ko ba ayaw mong basahin yung mga istorya ko?" Dahan dahan akong lumapit kay mama

"Ah heh" Yinakap ako ni mama at humarap na ulit siya sakin.

"Ma? Dahil po ba sa kanya? Kaya ganito ang pangalan ko?" Napangiti si Mama at sumang ayon.

Hinawakan ni Mama yung muka ko at inayos yung buhok ko.

Parang naiiyak na naman si Mama, at dahil kakatapos ko lang ng istorya niya, naiiyak na rin ako.

"May pupuntahan tayo" umalis na kami ni Mama, Habang nasa byahe kami napatigil kami sa may isang shooting.

"Anong meron dyan ma?" 

"Oh, Hindi ko alam na dito pala yung magiging shooting nila, tara daanan muna natin sila" Bumaba na kami ni mama ng sasakyan at pumunta sa may set.

Nang biglang nanlaki yung mata ko.

Ang ganda nung Babae habang umaarte, Napaka maldita ng dating niya nang may pumasok sa isip ko.

"Teka Ma? Dont tell me?" Nakangiti lang siya habang nanonood.

"Okay Cut! Good job Sheryl!" Nagsitaasan yung buhok ko, at sa hindi ko inaasahan, Ang bait niya sa mga kasama niya, Talaga ngang nag bago na siya at mas lalong tumaas yung balahibo ko nang may nagbigay sakanyang bulaklak mula sa gwapo na lalaki"

"Oh Chloe? Oh my god! Is that you?!" tumakbo papunta kay mama si Sheryl at yinakap siya.

"Oh my gosh! I Missed you! Oh wow, Ito na ba si Little Chloe?" Napangiti ako.

"Ah eh, Hello po" Ngumiti din siya at yinakap ako.

"Gosh itong si Markus inuna niya pang ayusin yung gamit ko, Ugh anyways buti naman nakadaan kayo dito? "

"Heh, Actually hindi ko alam na dito pala kayo nag sho-shoot, Kagagaling lang kasi namin si Book signing" Kaninang nakangiti si Sheryl, Onti onti siyang sumimangot.

"Oh, Mag iingat ka palagi Chloe, Kayong lahat" Sabi niya at napatingin din siya sakin.

"Lara?" Nakita ko yung mata niya na parang naluluha, Kaya naman yinakap niya ako ng mahigpit. "Alagaan mo ng mabuti yang mama mo, Okay?" Ngumiti ako.

"Okay po" Maya maya nagpaalam na kami at umalis na. Hanggang sa may pinuntahan kaming malaking bahay.

"Aigoo! Bakit naman kasi hindi mo sinabi?!"

"Kahit kailan hindi ka talaga marunong mang surprise" nasa labas palang kami ng bahay , rinig agad namin yung lakas ng boses na nanggagaling sa loob.

Pagkapasok namin , sabay silang napatigil at tumakbo papunta kay Mama.

"Chloe!!!"

"Oy Chloe!" Bigla na namang nag sitaasan yung mga balahibo ko.

Hindi kaya?

"Heh.. hi El , Hi Adrian" napatingin ako kay Mama.

"Oh... Heh Aigoo ito na ba? Ito na ba yung gawa niyo ni Elijah?" Pang aasar nung Elie.

Sabay nag fist bump silang dalawa nung Adrian.

Napatingin nalang ulit ako kay Mama at mukang nahihiya

"A-ano ba kayo"

"T-teka ma, sila po ba y-yung magkaibigan sa istorya niyo?" Bulong ko.

"Ay grabe hindi mo kami pinakilala? Hello ako si Elie"

"Adrian"

"Pinakilala ko kayo pero sobrang bata niya pa non kaya nakalimutan niya na siguro"

"Aigoo" magpapakilala na sana ako kaso kapangalan ko si Lara.

"Ahh, hindi ko po alam kung magugustuhan niyo yung pangalan ko" kaninang mapang asar yung ngitian nung Elie, ngayon napangiti siya ng parang may lungkot sa muka niya.

"Ako na magsasabi sayo, yang pangalan mo ang pinakamagandang pangalan para sakin, kaya sana wag mong ikahiya yan." Totoo nga , sobrang mahal nila si Lara.

At dahil ayokong maging malungkot may bigla akong naalala sa istorya nila

Lumapit ulit ako kay mama at bumulong

"Hindi po ba't hanggang dulo sa istorya niyo ma, magkaibigan parin silang dalawa?"

"Pfft" sabay natawa sila Elie at Adrian. Napatingin kami ni Mama kanila Elie.

Nang hawakan ni Elie yung kamay ni Adrian at pinaharap samin.

Sabay kami ni Mama na napanganga. May kumikinang na singsing na yung daliri nila.

"Oh sabi ko sayo dapat sinabi na natin eh!"

" Ano ka ba El, Tignan mo oh nasurprise nga sila"

Kahit expected na, nagulat parin ako miski si Mama na ikakasal na silang dalawa.

Maya maya umalis na naman kami, kasama na namin sila Tita Elie at Tito Adrian. Ugh, hindi ako sanay na tinatawag ko ng tito at tita yung mga kakabasa ko palang sa istorya ni Mama.

Biglang lumamig yung hangin nang pumunta kami sa sementeryo

Bigla na namang tumindig yung balahibo ko nung makita ko yung pangalan ni Lara sa may lapida nang may pumukaw na naman sa atensyon ko.

Sa tabi ng litrato ni Lara , may nakatabing litrato din. Kaya pagkalapit ko bigla na naman tumaas yung balahibo ko lalo na't naalala ko sa istorya nila mama yung tungkol sa pamilya ni Desmond. Kaya mag sasalita palang sana ako pero lumapit na sa tabi ko si Mama at bumulong.

"Nagdadasal kami na hindi sana tama ang hinala namin."

Sa puntong yon, pakiramdam ko kasama ako sa istorya nila. Sobrang bigat ng pakiramdam ko

Kaya pagkauwi namin sa bahay pumunta ako sa kwarto nang may kumatok sa bintana ko

Napabuntong hininga ako

"Balita ko ang galing mo daw kanina sa event ng mama mo ah?" Pang aasar ni Aaron

"Pagod ako , bukas ka na manggulo " papasara na sana ako ng bintana kaso bigla niyang hinarangan at kinuha niya yung kamay ko at hinila na ako papalabas.

"Oy!"

"Shh, baka marinig ka nila tito Elijah"

"Ugh saan mo ba ako dadalhin?" Mahina kong pagkakatanong sa kanya

"Basta" maya maya pumunta kami sa may hagdan na sobrang taas.

Nang maalala ko na naman yung istorya ng mama ni tita Lara.

"Tara" hindi na ako nakapagsalita at sumunod na kay Aaron hanggang sa makarating kami sa taas.

"Woah" napatingin ako sa may horizon, akala ko sa anime lang nag sp-sparkle yung dagat , pati pala sa totoong buhay, idagdag mo pa yung ganda ng langit ang daming mga stars.

"Ganda diba?" Tinaas baba ko yung ulo ko habang nakatingin parin sa langit

"Okay na ba yung pakiramdam mo?" Napatingin ako sa kanya

"Huh?"

"Okay na ba kako yang pakiramdam mo?" Napalunok ako, kaibigan ko parin ba to?

Napabuntong hininga siya.

"Pag may bumabagabag diyan sa kalooban mo, pumunta ka lang dito" tumigil siya ng ilang saglit at tumingin sakin ng direcho

"Pero dapat kasama mo ako." Napalunok ako

"Kasi dapat ako lang ang magpapabagabag sa kalooban mo!" Parang may biglang sumabog sa dibdib ko

"Ugh, bwisit ka talaga!" Bigla nalang siyang tumakbo pababa at no choice hinabol ko na siya.

Pero hindi ko alam bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko

Lara... Kung nasaan ka man ngayon, maraming salamat, hindi lang dahil sa pangalan mo, dahil na rin nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ng mga kaibigan mo.

-E N D-

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
630K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...