Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 320 890

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST
LTSC||TWENTY-SECOND

LTSC||SIXTH

156 14 74
By childofyusaku

“Dito na ako, thanks for the safe drive.”

Napanguso ako. Napatingin ako sa paligid bago sa kanya. “Jav,” mahinang pagtawag ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin, napataas pa ang kilay niya nang makita ang hitsura ko. “Why?”

Hmp. Ang sungit! Kanina pa ako hindi pinapansin magmula makaalis kami sa bahay.

“Sama ako,” sambit ko at marahang hinila ang laylayan ng kanyang damit na ikinatigil niya sa paghakbang pababa ng kotse.

He raised his left eyebrow. “Hmm?”

Hmm??

Anong hmm??

Napatikhim ’to. “Are you sure you are coming with me?”

Napatango ako na parang bata. “Wala naman akong gagawin ngayon, I’m just waiting for my application whether to be accepted or rejected, e,” sambit ko. “Atsaka Sister Anna offered me as a teacher sa may orphanage.” I leaned closer to him. Napanguso ako nang mapansin ang magkasalubong na kilay niya, ang sungit talaga! “Baka ma-miss kita masyado, e.”

Nag-iwas siyang tingin sa akin, hindi nakaiwas sa akin ang pasimpleng pagngiti niya.

Gosh, Kim, nakakahiya pinagsasabi mo!

“Hindi ako manggugulo, promise!” pagtaas ko pa ng kanang kamay na parang nanunumpa. “Alam naman ng team mo na magkasama tayo sa work, right?”

Bahagya itong tumango bago bumuga ng hangin. “You sure?” naninigurong tanong niya.

Munti akong tumango.

Malawak akong ngumiti nang pisilin niya ang pisngi ko. Pero nagulat ako nang ilapit niya ang sarili sa akin atsaka ako marahang niyakap.

“E-eh?”

“Kapag may mang-away sa ’yo kahit isa sakanila, just tell me so I can protect you,” mahinang sambit niya. I can clearly hear his heartbeat dahil sa pagsiksik ko ng aking mukha sa leeg niya. “Ang bango mo talaga, Love,” he whispered then kiss the top of my hair. “I’m sorry about my cold attitude earlier.”

“Nagseselos ka siguro sa dalawang sakristan?” I asked, giggling. Syempre pabiro lang, bakit naman siya magseselos, ’di ba?

“Hmm, they’re getting your attention.”

Hindi ko inasahan ang mabilis na pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano uunahin kong maramdaman, matakot, kabahan ba, o kiligin, e.

“Second round?”

“What the??”

Natatawang inilayo niya ang sarili sa akin. Grabe naman mood swing ng isang ’to, dinaig pa ako. He even pinched my cheeks and get a quick kiss. “Let’s go, baka mahubaran kita rito sa loob ng sasakyan mo.”

“Bwisit ka.”

“Gusto mo naman,” he teased.

Napatikom bigla ang bibig ko. Bwisit!

Pagkarating namin sa set nila, lahat ng staff binabati siya, even me dahil namumukhaan nila ako. Of course I’ve work with them these past years, medyo familiar din sila sa akin. Hindi ko naman full work ang pag-mo-model, part time ko lang dahil broke ako that time noong pumayag ako kay Kuya Devin sa alok niya. Hanggang sa nagustuhan ko kaya nagtuloy-tuloy na.

“Hi, Miss Kim!”

I just waved my hand and smile.

“Don’t worry, it’s safe here.”

I smiled at him and nod. He pulled me closer to him.

“Sira, maraming nakatingin sa atin.” mahinang sambit ko. Napaiwas akong tingin nang dumako ng tingin ang isang staff na nakangiti sa gawi namin.

Kapag ’to kumalat sa media, alam ko na kung kaninong bahay susunugin ko! Hmp! Tatandaan ko talaga mukha ng isang ’to.

“I don’t mind,” he whispered.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang kumakawalang ngiti.

“O-okay, lumayo ka konti,” mahinang sambit ko, hindi mapakali ang mga mata ko dahil andami talagang mata ang nasa gawi namin. I don’t want him to involve in any trouble because of me. I know how media works, it sucks. “Jav, kukurutin talaga kita,” mahinang pagbanta ko.

Natatawang inilayo niya ang sarili sa akin para makaupo sa folded chair na binigay ng kanyang personal assistant.

“Sit there.”

Tumango ako at umupo na sa may mono block na itinuro niya malapit sa kanya.

“You okay there?”

Sinenyasan ko lang na ayos ako. Nagsimula na rin siyang ayusan ng kanyang make-up artist. Nagkalikot lang ako sa phone ko at pasimpleng binabalingan ng tingin si Javin na inaayusan.

“Wala pa ba iyong partner ko?” dinig kong tanong ni Jav sa may phone, manager niya ata kausap niya. “Oh okay, hindi pa ako tapos... Yeah... I’ll beep you up.”

Hindi ko mapigilang mapangiti, dahil ang natural ng mukha niya. Wala man lang nagbabago sa hitsura. His face still the same, with make-up or without make-up. Pogi pa rin talaga kahit anong ayos.

“Are you okay there, Love?” mahinang pagbanggit niyang love.

I bit my lower lip, and nod my head. Bumalik na lang ako sa pag-scroll sa phone ko after a second of him not responding.

His make up artist complimenting him never ending saga, siya ay natatawa lang at sinasabi na, “Kaya nga kami bagay no’n oh,” pagturo niya sa akin. “Right, Jane?”

Napapayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Paano ba naman kasi ay sa akin lang nakadiretso ang tingin niya, kahit sinusuway na siya ng kanyang make up artist.

“Are you bored?” pagpansin niyang muli after 3 minutes.

“No.”

“Tell me if you’re bored, okay?”

“Hmm,” I just answered.

Hindi na rin naman na siya nag response, dahil for the nth time sinusuway na naman siya ng make-up artist niya. Kulang na lang ako na batuhin ng make-up kit sa inis, dahil kanina pa ako iniirapan ng assistant ng make-up artist niya.

Huhu. Nananahimik ako rito, please lang.

“OMG!! I knew it was you!”

Naibaling ko ang paningin sa dumating. A lady wearing a red dress, natigil pa ito sa may pintuan. She’s familiar, though hindi ko siya mamukhaan. Meron siyang kasamang dalawang babae na mukhang friends niya.

“I heard someone chit-chatting about you. And you’re really here! Shoots mo rin ngayon?” pagsulpot ng babae sa harap ko.

Eh?

“Great to see you here! So, you’re with Synon right now?” she asked, giggles.

I raised my eyebrow. Synon? What’s with Synon?

“Ah no, I’m just accompanying someone here,” may pag-alinlangan kong sambit. Sino ba ’to?

“Oh I thought you guys still seeing each other! Hindi ba ’yon ang first crush mo? Grabe ang hot niya ngayon!”

Natahimik ako, ibinaling ko ang paningin kay Jav na hindi maipinta ang mukha. May pagtatanong at may halong pagkairita ang hitsura niya.

Lagot. Wala akong kasalanan d’yan, ha! Besides, hindi ko naman first crush iyong sinasabi ng isang ’to. Si Javin kaya long-time crush ko, ’no!

“Hindi ba ay single ka pa rin naman, may pag-asa na ba after you dump him 2 years ago? Bagay talaga kayo!” masiglang sambit niya.

Napataas ang kaliwang kilay ko. Dump him?? Bakit ko naman i-dump si Synon?! Diyos ko. Saan ba nila kinukuha ang mga impormasyon nila?!?

“Synon Villarreal?” gulat na sabat ng nasa kanan niya. She even scanned me up and down before rolling her eyes. “C’mon the top ph model? Bruh-- ang cheap naman nang ipinapares mo sa baby boy ko.”

Napakuyom ang kamao ko. Kalma lang, Kim, hindi mo ’yan papatulan dahil hindi mo siya ka level.

May araw ka sa akin.

“Imposible namang magustuhan siya ng baby boy ko, ’no!”

So, sa tingin mo ikaw magugustuhan? (_ _”)

Napakunot ang noo ko nang maglakad palapit sa akin si Jav without taking off his glance at me. Nagawi naman ang paningin ng tatlong babae sa kanya.

“Geez! Hindi ba siya si Javin ng 0X1 na banda? Model din siya rito?! Ang gwapooooo, girl!” malakas na sambit ng babae na blonde ang buhok, iyong nagsabi na cheap daw ako, psh. Malawak ang ngiti nila na hindi mapigil ang kilig. “Pakilala mo naman ako, Belle.”

“Yes, he’s my boyfriend,” gusto ko sana sabihin ’yon, pero nangako ako kay Jav kanina na hindi ako manggugulo. Like hello, girlfriend is here. Tsk.

Gulat ako nang lumapit sa akin si Jav at hinawakan ako sa kamay atsaka ako marahang hinila sa harap ng tatlong babae. Hindi nakaiwas sa akin ang pagtaas ng mga kilay nila.

Mainggit kayo hehe.

“She’s Belle Valdez, my co-model for this day with her friends. Guys, she’s Kimverleigh Jane, she’s also a model,” seryosong pagpapakilala ni Jav.

“Hi,” I greeted at nilahad ang kamay ko. “Nice to meet you, guys.”

Halos napamura ako nang ibang kamay ang kinuha ng kaibigan nitong co-model ni Jav. “OMG! Hi! Nice to meet you! Ang gwapo mo talaga! Ikaw bias ko sainyo, e!” natutuwang sambit niya. “Ikaw, Belle, hindi mo sinabi na gwapo ang nabingwit mo na co-model ngayon. Nakaka-inggit ka, girl!”

“Pa-autograph naman kami!”

Uh.

“Swertehan lang ’yan, Janice. Right, Mr. Williams?”

Napatingin ako sa gawi ni Jav na seryosong tumango lang sa babae. Nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay.

“What’s our theme for this photoshoots, Mr. Williams?”

“Ask your Manager,” simpleng sagot ni Jav.

Napakagat labi ako para hindi makawala ang tawa na pinipigilan ko. Pfft. Naibaling ni Jav ang paningin sa akin, napansin niya sigurong nagpipigil akong tawa. Grabe naman ang effortless magpatawa ni Jav, pfft.

“Hindi ako nainform na ikaw pala ipapares sa akin. Kaya pala inabisuhan ako ni Manager na kumalma ako.”

Tumango lang muli si Jav. Pfft.

“Nakakainis! Bakit bagay kayong dalawa! Huwaahhh! kinikilig ako, nakakainis!” pagsabad ng nasa kaliwa ni Belle.

Napaismid ako.

Ilang minuto pa silang nag-uusap dahil sa kakulitan nitong Belle, andami niyang tinatanong kay Jav kahit tango at iling lang isinasagot sa kanya. Nasa gilid lang ako nakaupo dahil out of place talaga ako tuwing nagsasalita ako sa harap nila, kaya lumayo na lang ako dahil baka makasabunot ako bigla ng dry hair, psh.

Ilang minuto pa nang dumating ang manager ni Jav, kasama ang isang lalaki na hindi ko inaasahan na makita ngayon. Napalingon pa siya sa akin nang hindi makapaniwala, may pagtatanong ang tingin.

So, he’s really here. Ano naman kayang theme ng photoshoot nila ngayon at na-convince nila ang isang ’to?

Jav’s manager discussing something, but this Belle keep on talking to him. I simply rolled my eyes.

“You’ll stay here for a while,” sambit ni Jav nang makalapit siya sa akin. Lumabas na rin iyong manager niya kasama si Belle at si Synon, at ibang staff. “Do you want to wait here? Hindi ka ba mabo-boring?”

I shook my head. “It’s okay, kung ikaw lang din naman ang hihintayin ko,” I assured him.

“Ayaw mo magliwaliw sa labas?”

I shook my head.

“Okay. Just stay here, if you need anything, call my assistant, okay?”

“Yes. But before that, let me kiss you first.”

Hindi pa man siya nakakasalita nang mahila ko siya sa bewang niya at mabilis na humalik sa kanyang labi. “Good luck. See you later, huwag kang masyadong lumalapit sa babae na ’yon.”

He chuckles, pero hindi nakaiwas sa akin ang pamumula ng mukha niya. “Too territorial.”

Napangiti lang ako nang makalabas si Jav kasama ang personal assistant niya na humabol pa ng ngiti sa akin. Haist, bakit ba kasi biglang bawal na outsider sa photoshoots nila ngayon, hmp.

Nagkalikot lang akong phone niya dahil nagkusa itong iniwan sa akin para hindi raw ako ma-bored kahit may sarili naman akong phone. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang black and white niyang photoshoot as his wallpaper, seems like he’s gazing over me.

Pogi. Send ko mamaya ’yan para i-set kong wallpaper hihi.

May mga messages sa GC ng banda nila, curious na curious ako kung anong topic ng mga kumag na ’to kaya pinagdiskitahan kong basahin.

Uy hindi ito invading of privacy since he allowed me to explore his phone, kahit messages daw okay lang buksan. As a curious person with konting dignity, iyong group chat lang ng banda nila binuksan ko.

Devin the pogiest: balita ko si Javin kasama si Kim sa set nila. Ano ’yan? Haha!

Ben mas pogi: pinagyayabang ang bawal na pag-ibig HAHAHA!

Natatawa lang akong nagbasa ng iba pang mensahe, puro naman kalokohan mga chats nila, nagpakilala akong si Kim kaya mas natukso ako doon sa GC nila. After an hour, nagpaalam na rin sila dahil may mga inaasikaso pa raw sila, pumuslit lang daw sila saglit. Tsk, mga loko talaga mga ’yon. Pa-close na ako ng messenger app sana nang biglang may nag notif.

Sielly Vasquez: can you sleep at my condo later? I miss u badly, baby *crying emoji*

Halos mabitawan ko ang phone nang biglang tumunog ang pinto, pumasok ang personal assistant ni Jav na may hawak na paper bag. Nakangiti itong lumapit sa akin.

“Miss Kim, pinapamigay po ni Sir Jav. Kain na raw muna kayo,” paglahad niya sa paper bag.

I smiled. “Thank you.”

“At pinapasabi po ni Sir na masaya siyang nandito ka.”

Hindi mapigil ang pagguhit ng ngiti sa labi ko dahil sa sinambit ng assistant niya, even her ay malawak ang ngiti. Loko talaga ang isang ’yon.

“Sige na po, aalis na po ako.”

Tumango lang ako. Pagkaalis ng assistant niya, napangiti akong napatingin sa loob ng paper bag. My favorite pancit palabok with canned drink.

Nakangiting napapailing ako.

Biglang nawala ang ngiti ko nang sumagi muli sa isip ko ang chat ni Sielly, buti nag pop-up lang sa taas at hindi ko nabasa. May mga ibang message pa siya bukod do’n. Clinose ko na ang phone niya at nilapag na sa may vanity table dahil baka kung ano pa ang mabasa ko. I don’t wanna start an argument, gusto kong si Javin mismo ang magsabi sa akin n’yan.

“Very stressing. That Synon. Aisst.”

“Stress much?”

He turned his gaze at me and nodded his head. Kakarating niya lang kasi rito sa may room with his assistant. Mukhang inis talaga siya kay Synon base sa hitsura niya. Ano naman kaya ginawa ng isang ’yon para mainis ng ganto itong isang ’to?

“Next time I’ll arrange this to Devin,” pagreklamo niya.

I chuckles. “Kalma. Oh, phone mo,” paglahad ko sa kanya ng phone, kinuha rin naman niya sa akin. “May nag message ata,” sambit ko atsaka napatikhim.
 
Napalingon siya sa gawi ko bago buksan ang screen ng phone niya. He sighed and gave me a half smile. Lumapit siya sa akin at marahang hinila ako sa may bewang at pinaupo sa may hita niya. Hindi naman na ako umangal baka pati sa akin mabwisit siya. Napaigtad ako nang ilagay niya ang mukha sa may leeg ko and started kissing it.

“Sielly chatted me. It’s not that important,” mahinang sambit niya at napatigil sa paghalik sa leeg ko. “I won’t go there.”

Nakahinga akong maluwag dahil do’n, akala ko isi-sikreto pa niya sa akin.

“Hmm. I missed you.”

Munti akong napakagat sa labi. “Wow ha, halos tatlong oras lang tayong hindi nagkita, Jav,” sumbat ko.

Bahagya siyang natawa. Mas isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa bewang ko.

“Hindi lang tayo ang tao rito, Jav,” mahina kong pagsuway bago ibaling ang paningin sa assistant niya na biglang nag-iwas ng tingin.

“Tsk, stop calling me by my name. Call me love instead, please?” pag-iba niya ng topic.

“May ibang tao rito, Jav.”

“Isa.”

“Dalawa,” pang-aasar ko, sinamaan niya akong tingin.

“Jane, if you don’t call me love, I’ll rip your clothes here right now,” he said in authority. “I’m dead serious.”

“O-okay, Love. Bwisit ka talaga ang harot mo!”

“Good.” He smiles.

Taena. Ganto ba talaga siya ka clingy?

“Let’s go on a date, any place,” he said breathless. “Pero mas okay ata kapag sa kwarto mo ulit, right?” he teased.

Kinurot ko ang braso niya at kinuha ’yon na pagkakataon para kumawala sa bisig niya. Namumula ang mukha ko nakapamewang sa harap niya.

Malalakas ang hiningang pinapakawalan ko habang pinapalobo ang pisngi.

Geez, nakakahiya. Buti na lang assistant niya lang kasama namin dito.

“Stop breathing like that, Love. Tsk.” He hissed.

Tinaasan ko siyang kilay. “Ano na naman bang problema mo sa gantong paghinga ko, Jav? Issue ’yon pati sa ’yo? God.” Sinamaan ko siyang tingin.

“Because I remembered what we did last night whenever you breath like that. It’s the same,” He said and smirked. Nag-iinit ang mukha kong napaiwas ng tingin. “So stop doing that thing, I’m tempting. Baka hindi ako makapagpigil.”

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya kaya mas lumawak ang ngisi niya. I simply rolled my eyes.

“You’re clingy!”

He chuckles. “Let’s date?” pag-iba niyang topic.

I raised my left eyebrow. “Ano pa hinihintay mo? Buhatin kita r’yan?”

Malakas siyang natawa bago tumayo sa kinauupuan niya. Marami pa siyang binibilin sa assistant niya about his schedule, dinig ko nga may kinancel siyang big meeting para mamayang gabi sana.

Pagkapasok namin sa kotse ko, napatingin ako sa kanya nang nagkusa siyang ilagay ang seatbelt sa akin. Kakaibang kaba ang bumulusong sa akin habang malalim ang iginagawad niya sa akin na tingin. Malawak siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko para ipagsiklop sa kanya.

“I can’t date you in public right now, I’m sorry,” sinserong sambit niya.

Realization hits me. Oo nga pala, masyado pang mainit sa mata ng mga tao kapag nakita kaming magkasama ngayon. Buti nga walang nakasunod sa amin kanina. Iwas na iwas din ako ma invade privacy ko, baka masundan ako, iyong place na lang ni lola ang safe place ko.

Bahagya akong ngumiti. “It’s okay. I can always wait, Jav,” I assured him. “Ayos na sa akin ’to na kasama ka.”

Marahan niyang hinila ang kamay ko palapit sa kanyang mukha at hinalikan ’yon.

“I can date you in public whenever I want, but I can’t risk your safety,” marahan niyang paghaplos sa kamay ko. Ngumiti itong bahagya. “But I have plan. Let’s talk about that at my condo.”

Continue Reading

You'll Also Like

497K 11K 57
She was naive. He was a playboy. He gave her everything, and made her feel loved-only to break her in the end. We all know the stereotype sa mga lala...
3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
4.7M 298K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...