Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 320 890

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||FIRST
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH
LTSC||TWENTIETH
LTSC||TWENTY-FIRST
LTSC||TWENTY-SECOND

LTSC||FOURTH

200 16 97
By childofyusaku

“Ano ba ’yon, Kassandra?”

Napalingon ako sa may salas bago sumandal sa may counter. Naka-ilang missed call na siya bago ko nasagot dahil masyadong nangungulit.

[“Ate, pwede ka bang mag transfer ng pera sa akin ngayon? Pupunta kasi akong bar ngayon with my friends.”]

Napatingin ako sa may orasan, mag-a-alas nwebe na.

[“Ate.”]

Napabuntong-hininga ako. “Kabibigay ko lang last week ng pera sa ’yo, Kass,” pigil inis na sambit ko. “Dise-otso ka pa lang nasa bar ka na naman, at anong oras na. Alam ba niyan ni Papa?”

[“Wala namang pakialam iyon sa akin,”] malakas na tinig niyang sambit. Mukhang nagdadabog, dahil dinig ang lakas ng padyak niya. [“Ano bibigyan mo ba ako? Babayaran ko rin naman sa ’yo kapag bibigyan ako ni Papa.”]

Kailan ka pa binigyan no’n?

“Wala--”

[“Napakadamot mo naman! Para pera lang!”] malakas na sigaw niya kaya natigilan ako magsalita. [“Dali na kasi! Alam ko namang marami kang ipon.”

“Hindi pinupulot ang pera, Kassandra,” mariing sambit ko at malakas na bumuga ng hangin. “Bakit hindi ka sa isang kapatid mo humingi ng pera?” Inis kong dagdag. Eh, mas may pera ’yon, mas close mo paz tsk.

[“Ewan sa ’yo! Napakadamot mo!”]

Bago pa man ako makapagsalita, namatay ang linya. Having no choice, I’ve transferred 5k under her name. Iyon na lang ang natitirang pera na pwede kong ipahiram sa kanya, iyong ipon ko na iba ayokong galawin may pinaglalaanan ako.

Ugh, magtitipid na naman ako ng ilang araw nito.

Napangiti akong mapakla after a minute that I didn’t receive any message coming from her, even thank you, kahit confirmation lang sana kung nakuha na niya kaso wala, e.

Okay na siguro ’yon that she called me. At least ’di ba, she’s still addressing me as her sister.

“Milk?”

Gulat akong napalingon sa bandang gilid nang may magsalita na familiar na boses. Mariin itong nakatingin sa akin habang nilalapag sa harap ko ang baso na may lamang gatas.

“Thanks,” sambit ko pagkatapos ko abutin ’yon. “Ayaw mo na uminom with them?”

He just shrugged. “Kapatid mo?” pagtukoy nya sa kausap ko.

Napayuko ako.

Ba’t ko ba nakalimutan na nagpaalam pala siya na pupunta siya rito sa kitchen to get some milk? Ugh.

“You don’t need to say it. But if you need help, you can come to me.”

Dahan-dahan kong itinaas ang paningin sa kanya, hindi makapaniwala. Sinsero ang hitsura nitong nakatingin sa akin, habang ang kamay ay nakapatong sa may sandalan ng upuan.

Bakit ba kapag iba nagsasabi ng katagang ’yon, pakiramdam ko niloloko lang ako, pero bakit kapag siya... Pakiramdam ko, ngayon ko lang naramdam iyong totoong assurance. It’s like he’s enchanting me to trust him.

Gosh.

Bahagya akong napatikhim dahil sa munting katahimikan na ’yon. Pahakbang na sana ako paatras para bumalik sa sala, pero mabilis siyang humakbang palapit sa akin at marahang hinablot ang palapulsuhan ko.

Malakas na kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang paningin namin.

“I’m accepting your offer.”

Parang kung may ano na bumara sa lalamunan ko, wala akong mailabas na salita. Napatikom ang bibig ko kasabay nang mauling pagkalabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko any minute babagsak na ang tuhod ko sa panghihina.

“H-ha?”

Ano ba sinasabi niya?

“That night you begged me,” direktang sambit niya habang nakikipaglaban sa kalikutan ng mga mata ko.

Realization hits me.

That offer... OMG, he remembered it?! We both drunk back then, how come?

“You’ve kissed me back then,” halos pabulong na niyang sambit. “Here,” pagturo niya sa mismong labi niya.

What the hell. Para akong mawawalan ng hininga nang mas inilapit niya ang sarili sa akin. Dmn it.

Ano bang ginagawa niya?! Bakit niya pinapaalala sa akin iyong gabing ’yon? Huhu.

Pinaglalaruan niya ba ako?

“Let’s give it a try, Kim.”

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya nang mabilisang dumampi ang kanyang labi sa akin pagkatapos niya akong hilain ng marahan. Ramdam ko ang pagbitaw niya sa palapulsuhan ko kasabay nang pagkurba ng ngiti sa kanyang labi.

“That’s how you did it. Remember that,” mapaglarong sambit niya habang marahang idinadampi ang daliri sa labi ko.

Kngna.

“I’ll go first, sunod ka na lang if you’re not comfortable.”

Muntik mahulog ang hawak kong baso pagkaalis niya sa paningin ko, buti na lang naihawak ko ang isang kamay sa may mesa, inilapag ko doon ang basong hawak ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sunod-sunod ang lakas ng kabog no’n.

May sakit na ata ako sa puso sa tuwing malapit siya. Napahawak ako sa labi ko, namamasa ’yon, parang may kung anong bagay ang kumiliti sa tyan ko dahil sa kaisipan na ’yon.

He kissed me!

Ano bang ginagawa mo sa akin, Javin!? Crush lang naman kita, ha!

Oh, God. Pakigising naman ako kung panaginip man ’to lahat!

“Pero naalala pa ba ninyo si Devin noong first mini concert? May ibinulong siya sa akin na nakakatawa!” natatawang pahayag ni Benedict pagkabalik kong salas.

Naupo lang ako sa tabi ni Laley atsaka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. “You okay?” mahina niyang tanong. I just nodded. “Javin said na may kausap ka sa phone. Kapatid mo na naman?” dagdag niyang tanong kaya tumango ulit ako.

Ramdam ko ang marahang paghaplos niya sa likod ko.

“Sino ba namang hindi maka-alala doon? It’s Devin who said it! Pfft.”

Malakas silang nagtawanan dahil sobrang fresh pa rin ng ala-ala na ’yon, nakitawa na lang ako. Wala namang nakakalimot sa nangyari noong araw na ’yon.

“Mukhang naiihi na ako sa kilig, pre, pwede ba um-exit? Iyan ang binulong niya sa akin mismo, pero nakalimutan ata niyang naka-mic siya. Pffft!”

“Pero si Javin sa araw na ’yon ay--” pambibitin ni Kairro. Lahat kami napatingin sa kanya. Iyong boys except kay Jav ay malakas na tumatawa.

“Shut up, Kairro,” matigas na sambit ni Jav kaya napatingin ako sa gawi niya. Magkasalubong ang kilay nito as usual.

“Ang epic mo kaya noon, ano nga ulit exact na sinabi---aray naman bakit nambabatok! Pfft!”

“Isa pang buka ng bibig mo, bote ng alak matitikman mo.”

“Ayaw mo bang malaman ni Kim sinabi mo? Aray ko, Jav!”

Eh? Ano meron?

Natawa kami nang dalawang beses lumanding ang chichirya sa mukha ni Kairro dahil sa brutal na pagbato ni Javin nito sa kanya. Kasunod no’n ay ang hindi namin inaasahan na paglanding ng isa pang chichirya sa mukha ni Ben. Pfft.

“Babe, oh, iyong tropa mo!” pagsumbong ni Ben kay Laley.

“Isa ka pa, Benedict,” banta ni Jav. Malakas na tumawa ang ibang boys. “Trip na naman ninyo ako!”

Ano ba meron?

“Ano ba meron?”/“Anong sinabi?”

Sabay kaming nagtinginan na girls dahil parang iisa lang nasa isip namin. Natawa naman ang boys.

“Wala!” sabay-sabay nilang sagot saka sila nagtawanan.

“Ano ba--”

“Yawa! Sino ’yong umutot! Ang baho! Walangya, siguro ikaw ’yon Benedict!” akusa ni Kairro.

Lahat kami natatawang nagtakip ng ilong dahil sobrang baho talaga. Pucha naman kung sino man ’yong umutot.

“Benedict, alam kong ikaw ’yon! Umamin ka na, ganoon lagi amoy kapag ikaw umuutot.”

Pfft.

“Ano? Umamin ka na!” pagsunod ni Kuya Steven.

“Kapag may umutot, ako kaagad?” nagpipigil tawang sambit ni Ben. “Ayoko umamin, mas lalong babaho.”

Sunod-sunod naming binatukan si Benedict na naka-peace sign na. May kasunod pa iyon na malakas na tawa na para bang batang nang-aasar. Pfft. Isip bata lang ’yan si Ben minsan, pero siya ang mood maker ng grupo.

“Bwisit naman, oh! Aray! Tama na!” malakas na sambit ni Ben habang sinasalo ang pagbatok ng iba.

Pfft. Kawawa na naman.

“Sorry na nga, e! Oo, aamin na ako, mga boset kayo. Parang hindi mga nautot ha!” Nakabusangot na sambit ni Ben, halos paiyak na ang hitsura niya, pfft.

“Napakadugyot mo, Ben,” kunwaring seryoso na sambit ni Laley, nagpipigil din ng tawa.

“Sorry, Babe. Next time sa ’yo ko na lang ipapaamoy.”

Pfft. Siraulo talaga.

“Taena naman. Nag-stay na sa ilong ko amoy ng utot mo, Ben,” hindi maipinta ang mukha ni Kuya Steven na pumulot ng throw pillow para itapon sa gawi ni Ben. Pfft.

“Enjoy the smell.”

Lahat kami ay parang may mosyon na pumulot ng bagay na itapon sa gawi ni Ben, malakas ito na tumatawa habang sinasalo ang mga bagay na ibinabato namin sa kanya.

“Ay gg ka, Kairro! Huwag naman ’yang tsinelas! Maawa ka sa kapogian ko.”

“Bakit maaawa kung wala ka no’n!”

Pfft.

“Okay tama na ’yan,” natatawang pagsaway ni Kuya Devin. “Ben, your turn.”

Muli akong sumandal sa balikat ni Laley dahil parang nahihilo na pakiramdam ko. “Okay ka lang ba?” mahina nitong tanong.

“Oks lang, ayoko magbayad ng 10k gaya ng sinabi ng jowa mong baliw.”

Natawa lang ito bago ako tuktukan sa ulo, haist.

Agad akong napaiwas ng tingin nang magawi ang tingin ni Javin sa pwesto ko, napatikhim ito.

“Next Saturday iyong practice natin for our upcoming gig next month. Ilang araw na akong kinukulit ni Miss Roseanne,” pahayag ni Kuya Devin. “Mag free kayo ng time ninyo para maabisuhan ko siya.”

“Okay, file ako ng leave kay Dad,” sambit ni Kai.

“I need to cancel one of my shoot this Saturday, matagal pa naman ang deadline no’n,” sambit ni Jav. “It’s exhausting to work every free time, pero bawal mapagod. I want a better future for my soon-to-be wife and kids.”

Napatingin ako sa gawi ni Javin dahil sa sinambit niyang ’yon. Iyong iba ay tinutukso siya.

“Swerte naman ng magiging pamilya mo,” sambit ni Kai bago tumingin sa akin, bahagya pa itong ngumiti kaya tinaasan ko siyang kilay. Muli niyang ibinaling ang paningin kay Javin.

Nilalaro ko lang ang kamay ni Laley habang nakikinig sa usapan nila, titigilan ko lang ’yon kapag turn ko na uminom. Napapansin ko naman ang munting pagbaling ng tingin ni Javin sa gawi ko, paulit-ulit lang na ganoon.

“Dmn it! Hindi ata ako m-makakapasok sa company b-bukas! Ack!”

Napamulat ako ng mata nang may marinig akong magsuka, si Isabel lang pala sa damit ni Kuya Devin. Natatawa naman si Kuya Devin na inakay si Isabel papuntang banyo, mukhang ayaw pa magpahila ni Isabel dahil tawa siya nang tawa.

Ipinikit ko muli ang mata at nakinig na lang sa ingay ng paligid. Sumasakit talaga ulo ko, parang ferris wheel na umiikot ang paningin ko, pvcha. Hindi talaga mataas alcohol tolerance ko.

“Baby, ang pogi mo t-talaga.”

“Baby, stop it! Let’s go to bathroom. Look what have you done to my shirt.”

“Kiss muna, Devin, hihi!”

Halla ka.

“Later! Just cooperate to me, baby.”

Halos lahat kami lasing na, nasa sofa lang ako nakahiga habang nakapikit ang mata. Sina Jav, Kairro at Steven lang ata ang malakas ang alcohol tolerance sa amin, sila lang natira sa harap ng mesa. Iyong iba ay nakahiga rin sa kabilang sofa, mahimbing nang natutulog, iyong iba nga nasa sahig, buti na lang may makapal na kumot na nilatag doon kanina.

“Gusto ko na rin matulog, may work pa ako bukas,” rinig kong inaantok na pahayag ni Steven. “Ikaw, Williams? May photoshoots ka pa yata bukas.”

Binuksan ko ang mata ko nang bahagya kong marinig ang munting pagtawa ni Jav. “Kaya pa. Ang hihina naman ng mga ’to uminom.”

Aba.

Natatawang tumabi si Kuya Steven kay Ate Danica na nakahiga sa kabilang sofa, mahimbing na natutulog. Pansin ko si Kai ay nasa harap pa rin ng mesa lumalaklak ng alak kasama ni Jav. Si Laley at Benedict parehas nasa gilid, nakahiga na magkayap sa isa’t-isa. Si Shin ay nasa tabi ni Laley.

Mga bagsak, pfft.

“Close na ninyo ni Kim, pre. Kayo na ba? Did she already accepted your offer?” tanong ni Kairro pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan. Natawa siyang bahagya nang wala siyang makuhang sagot kay Jav.

Ako? I-accept ang offer niya? Hindi naman siya nag offer, ha? Anong offer?? As far as I remember, kahit nakakahiya naman aminin, ako ang nag-offer. Lasing ako no’n, huwag ninyo ako I-judge!

“Hina mo naman, pre.”

“Lxl. Ikaw pa talaga nagsabi sa akin?”

Kai chuckles. “Bakit mo nga siya ulit nagustuhan, pre?”

Natigilan ako sa naging katanungan ni Kairro. Sinong nagustuhan? Ako ba?

“Shut up.”

Eh?

“Halata ka, Javin. Huwag kang duwag.”

“Why would I?”

“Hanep! So hindi ka na duwag?” malakas na pagtawa ni Kai. “Oh, i-celebrate na agad ’yan, nararamdaman kong bukas ay good bye single life ka na, pre!”

“Gagv!” pagmura ni Javin pero natawa rin.

Marahan kong ipinikit ang kaliwang mata ko nang maidako ang paningin ni Jav sa gawi ko. Geez, muntik pa mahuli na nakikitsismis ako sakanila.

“Wait.”

Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman ko na lang ang pagbuhat niya sa akin ng pa-bridal style.

“I’ll just take Kim to her room. I’ll be back after a minute,” mahinang sambit niya. Siguro ayaw niya akong magising at makita na binubuhat niya ako, ’no?

“Balik din agad ha! Babantayan ka namin, baka kung anong gawin mo, e!” si Kai, nang-aasar.

“G*go. Be back after minute nga, e.”

“Naniniguro lang.”

Tahimik siya, tanging padyak lang ng paa ang naririnig habang paakyat. Bumukas ang pinto. Dumilat ako ng konti to see kung tamang room ako pinasok, but it’s the right room!

Wait--

How did he knew that this is my room??

Pagkalapat ng likod ko sa kama, ramdam ko ang paghila niya pataas ng comforter hanggang sa may dibdib ko. Geez, konting tiis pa, Kim, magtulug-tulugan ka muna.

“Ang amo ng mukha kapag natutulog, pero kapag gising laging nagmamaldita.”

Luh. Ikaw ’yon, hindi ako uy. Pasalamat ka nagtutulug-tulugan ako, kundi batok ka sa akin.

Natawa itong bahagya. Alam niya kayang nagtutulug-tulugan ako?

Halos manigas ako nang mailapat ang labi niya sa noo ko. Jav, what are you doing? Umalis ka na baka hindi ako makapagpigil mahila kita huhu.

“I’m sorry about what I’ve said earlier,” mahinang sambit nito. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko. “I heard you crying, it’s pain me to hear it.”

Parang kung anong bomba ang sumabog sa dibdib ko dahil sa kaba, kilig, at tuwa. Hindi ko alam kung ano pwede kong maramdaman. Sinundan niya pala ako kanina!

Bakit?!

“I’ll do my best not to hurt you, but I won’t promise. I know I’m sure about you at this moment.”

I know I’m sure about you at this moment.”

Taena. Umalis ka na, please. Huhu.

“I think I like you,” mahina nitong sambit. “I like you, Jane.”

Pvcha.

He like me too? Kailan pa? Bakit? Paano?!

“Good night. Sleep tight.”

Paalis na sana siya, pero hinila ko siya sa kamay. Hindi pwedeng ganoon lang! Samahan niya ako sa kilig ko! Ipaliwanag niya sa akin!

Napamura ako dahil napalakas ata.

I’ve almost caught my breath nang makita ang hitsura ng pagbagsak niya, magkadikit ang katawan namin at ang mukha namin ay dalawang daliri na lang ang pagitan. Dinig na dinig ko ang mahihinang paghinga niya at amoy na amoy ang umaalingasaw na alak sa kanyang bunganga.

“J-jav.”

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa bigat ng kanyang katawan, direktang nakatingin ito sa mga mata ko na para bang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

Taena, bakit ko pa kasi siya hinila?

Him being breathless at this close makes me want to kiss his lips. D*mn, why I am even thinking this way? Why I am affected to his presence so much? This close?

As if there’s a cue, nakaalis ako sa sobrang lapit sa kanya. Maayos akong umupo sa tabi niya dahil sa pinapakawalan niyang mahinang hikbi. My heart softened.

“What happened?” Gusto ko sanang itanong sa kanya ’yon, pero marahang hinaplos ko na lang ang kamay ko sa basa niyang pisngi.

Dmn.

Parang bata siyang hinila ang manggas ng damit ko.

“Shhhh. I’m just here, don’t worry,” sambit ko at muling hinaplos ang kanyang pisngi. “I’m just here,” I said with assurance.

Marahang napapikit ako. It’s painful to see him in this state, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganto kahit wala naman akong ginagawa, kahit hindi ko alam kung ano bang meron. Nalulungkot ako sa thoughts na, sa tagal ng panahon ngayon ko lang siya nakita na ganto.

He’s vulnerable.

“I’m sorry, Jav,” pag-alo ko.

“No, I’m sorry, Jane,” he sobs. “I don't want to hurt you, I’m scared to all of the possibilities.”

We met gazes.

Dmn.

“Baka masaktan lang kita kapag subukan na---”

I don’t know anymore what I am doing, but all I know for now is I am giving it a try. I am giving my heart to go with the flow, to explore all the possibilities, to teach my heart to give it a try to love, and to kiss all his pain away.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong papasukin si Javin sa buhay ko for once. If this doesn’t work at the end, then at least I know I’ve tried all the possibilities. At least regrets won’t chase me after.

As my lips touched his mine, all I need right now is for him to respond, to collapse his soul at me... and he did at last.

We both catch breath after a minute. I looked at him with smile and assurance. “Let’s give it a try, Jav.”

Before he could respond to my remarks, I kiss him again, over and over, until the night over. As the night got colder, as the music started to play inside my head, in the depth of the night, we made love.

Continue Reading

You'll Also Like

334 73 14
A compilation of poems, one-shot stories, and spoken poetry written by A.
64.4K 1.8K 50
The Captivating Chaos Series #1 | Unpleasantly Captivating | COMPLETED Kyst Hames Lozano is the main vocalist and guitarist of The Captivating Chaos...
105K 7K 39
Two popular students of Stanford High School namely, Halilintar- the bad boy and the most fearsome student in school- and Solar- the smartest and wel...