Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 28: Back?

65 4 0
By pink_opal_27

Rita's POV


"Hello po Lolo? Yes in 30 minutes, I'll be boarding my flight na po. See you there!"


Hayyy ang sarap sa feeling. After 2 years, finally makakauwi na rin ako ulit sa Pilipinas.


I got to meet a lot of friends dito sa 2-year course ko abroad. Buti nga pinayagan ako ni Lolo na magpunta here sa Australia to study kasi super love ko talaga ang painting, kahit nung mga bata pa kami.


Marami akong naging kaibigan nga dito sa Australia pero iba pa rin sina Joanna and Arra. Iba pa rin yung family, alam mo yun? Na hindi mo sila kayang ipagpalit kahit kanino.


Si Arra. Namimiss ko na yung dating Arra. Yung masaya lang, walang inggit, walang galit. Actually napatawad ko na rin naman siya sa nangyaring aksidente sa akin. It was just so sad on my part na mismong kapatid ko pa pala ang gagawa nun sa akin.


Nakapagsorry na sa akin si Arra kaya napatawad ko na rin siya kaya lang si Lolo pinakulong talaga siya. Like mga bata pa kami noon eh, di naman talaga siguro niya sinasadya. Siguro din kasalanan ko kaya naging ganun siya. Nung iniuwi naman siya ni Daddy noon sa bahay, mabilis ko siyang nakalaro at naging magkaibigan kami. Bakit? Kasi bali-baliktarin mo man ang equation, ako at ako lang din naman ang kapatid niya eh.



Baka nga kasalanan ko.



Nag-umpisa lang naman ang lahat nung nakilala ko si Steven. We were the best of friends. Sabi ni Arra gusto niya sanang siya lang daw ang kaibigan ni Steven pero sabi ko pwede naman kaming maging magkakaibigang tatlo eh. Isama pa namin yung pinsan kong si Joanna pero bihira lang kami magkita noon kasi malayo sila sa mansion namin nina Lolo.


Doon ko lang nalaman na mula nang dinala ni Daddy sa bahay si Arra kasama yung stepmom ko, na malalim na pala ang inggit ni Arra sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit pero lahat naman ng meron ako ay shinshare ko rin naman sa kanya so bakit? Lahat daw kasi ng bagay, ako lang palagi ang meron o nakukuha or binibigay. Si Lolo naman kasi, mas lalo ako iniispoil nung namatay si Daddy. Pero di alam ni Lolo na shinashare ko din kay Arra yung mga mamahaling gifts niya sa akin. Yun nga lang, madalas, hindi naman tinatanggap ni Arra.



Baka nga kasalanan ko.



Kasalanan ko nga yata kung bakit nabalot ng inggit si Arra. Hindi pa siguro sapat yung pagmamahal na binibigay at pinaparamdam ko sa kanya. Kaya nagawa niyang humiling sa Mommy niya na magbayad ng tao para sagasaan ako.


Pero past is past na rin naman. Di ko na rin matandaan kung ilang taon na si Arra sa kulungan. Alam ko naman na hindi siya talaga ganoong tao, na dulot lang ng inggit yung mga masama niyang nagawa sa akin.




"Calling all passengers of Philippine Airlines Flight PR 143 bound to Philippines, your boarding gate is now open. Please proceed to Gate Number 7. Thank you"


Yes finally, makakabalik na ako ng Pilipinas. Super miss ko na si Lolo. Kamusta na kaya sila? Dalawang taon na rin yung nakakalipas"


I just took a deep breath as I walk towards our boarding gate. Matapos macheck ng crew yung documents ko ay sinenyasan na niyang akong tumungo sa eroplano.


Agad kong hinanap ang aking upuan. Bingo, seat 17K.


Medyo malayo-layo ang biyahe at nagkaroon pa kami ng ilang hours for a stopover before finally arriving sa Philippines.




"Maligayang pagdating sa Manila, Philippines. Mabuhay!"


Narinig ko na ito mula sa mga speakers ng eroplano, hudyat para muling maexcite ang puso ko. I miss Philippines and all of the people here.


Mabilis akong nakalabas ng airport dahil kabisado ko na ang airport na ito. Ito lang ang tanging airport na pinupuntahan namin nina Lolo kapag may vacation trip kami sa ibang bansa. Sayang nga kasi natigil naman yung pag-aabroad namin pag bakasyon. Ang huling bakasyon namin is when I was 10 years old. Nafocus na kasi sa studies kaya ganoon, kasama na yung pangungulit ni Steven.


Hayy Steven, nasaan ka na kaya? Bakit hindi ka pa rin nagpaparamdam sa akin kahit ilang taon na yung lumipas.




Nagulat na lamang ako nang biglang may bumusina sa gilid ko. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko kung sino yung lalaking sakay ng van na yun.


Agad akong yumakap sa kanya. Namiss ko siya eh, sobra.


Paikot-ikot lang kami dito sa tapat ng airport habang nakayakap ako sa kanya. Two years din kaming hindi nagkita nito kaya malamang mamimiss ko siya. Siya lang ang buhay ko, wala nang iba.


Nangingiti naman ang driver ng van at sinenyasan kami kung pwede na daw ba kaming umalis. Hindi raw kasi pwedeng magtagal sa Bay sa airport.


Natawa kaming dalawa kay Kuya Driver. "Ano ba yan Kuya, panira ka talaga ng moment"


Pumasok kami sa van pero nanatili akong nakayakap sa kanya.


"My Tata, may dadaanan lang pala ako sa ospital ha"


"Oh sure. Mahihindian ba kita?" sagot ko sa kanya sabay baling kay kuya driver, "Narinig mo kuya ah, sa ospital daw muna tayo dadaan"


Nakasandal ako sa balikat niya habang nakatanaw sa bintana. Namiss ko ang Pilipinas, not the towering buildings kasi kahit saan namang bansa may mga nagtataasang buildings so hindi na bago yun sa akin. Ang namiss ko talaga dito ay yung mga mukha ng mga tao, at yung feeling na free ka sa pagsasalita mo kasi alam mo na lahat ng tao dito nakakaintindi sayo. Pilipino tayo eh.


Parang walang pinagbago ang Manila. Ganitong-ganito siya nung iniwan ko two years ago. But glad I'm back.


"When pala ang art exhibit mo, my Tata?"


"Ahmm hindi ko pa alam. Maybe on my birthday I guess?" panghuhula ko.


"Everything is set na pala. All you have to do is to create more paintings if kaya pa ng oras at idisplay na agad yung mga tapos nang gawin at ipolish"


"Awww thank you. The best ka talaga" sinabayan ko ng isang mahigpit na yakap sa kanya.


Maya-maya pa ay nakarating na kami sa ospital.


"Dito ka lang ha. Sandali lang ako sa loob"


"Opo" biro ko naman sa kanya na bahagya siyang nangiti.


Iniwan niya muna ako sa lobby ng ospital. Maraming doctors and nurses ang bumabati sa kanya. Grabe, sikat yata siya dito. Siyempre, lahat kilala siya eh.


Halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa couch, medyo nainip na rin ako so I decided to stand up para makapaglakad-lakad sa labas at makalanghap ng sariwang hangin. Mukhang maganda ang panahon ngayon. Mainit dahil tirik na tirik ang araw pero at the same time, malamig yung hangin.




Samantalang ninanamnam ko ang sariwang hangin dito sa labas ay bigla na lamang tumunog ang phone ko.


"Kuya?" my eyes widened nung nakita ko yung pangalan ng kumupkop sa akin sa America nang maaksidente ako. This family is the real witness ng buhay ko nung nawala ako sa totoong pagkatao at pamilya ko.


"Kuya, what's up? Kamusta ka dyan sa Canada?" pagsagot ko sa phone.


"My baby Sis. I miss you so much!"


"Me too Kuya. Kailan ba kayo uuwi dito ni Daddy ha? Namimiss na kayo ni Mommy"


"Actually, nakapagbook na ako ng tickets for us pauwi diyan sa Pilipinas. We'll see you in a week, my baby sis"


"Yehey" sobrang lumulundag ang puso ko nang marinig ko ito. Grabe ilang taon din ang hinintay ko para finally mapatawad na ako ng dad ko. Finally hindi na niya ako sinisisi sa pagkawala ni Mommy last year. Masakit pa rin nung malaman kong at this hospital namatay ang Mommy ko na siyang nag-aruga sa akin ng ilang taon.


Pero nung malaman ko na kay Lolo itong ospital na ito, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magagalit ba ako kay Lolo o sa totoong pamilya ko na namatay ang mommy ko na kumupkop sa akin?


Actually, I and my Kuya decided to find the one who's responsible for all of this pero sabi ni Lolo ay aksidente lang daw talaga ang nangyari, na hindi naman talaga sinasadya ng doktor na hindi pansinin si Mommy sa ER.


Since sinabi na rin naman ni Lolo yun, naniwala na rin ako at nagtiwala sa kung sino mang doktor na yun.


Maya-maya ay muling tumunog ang phone ko.


"Yeah I'm just here sa labas. Alright, I'm on my way back there. I love yo.."


"Hey!" nagulat naman ako sa lalaking ito. Bigla-bigla na lang humaharang sa pintuan. Napansin ko na nakawhite coat siya so doktor siya dito.


"Excuse me. I bet you are also a doctor here at this hospital?" pagbali ko sa pagtitig niya sa akin.


"Hey!" muli kong sinabi sabay pitik sa harapan ng mga mata niya. "Doctor, can you please move? You're such a nuisance here at the entrance" pagmamaldita ko. Siyempre paharang-harang siya sa daraanan ko. Bakit parang nagsmile siya sa sinabi ko? Hindi kaya siya namalditahan sa akin?


"Mia?" nakapasok na ako sa ospital muli pero napalingon ako sa kanya.


"Mia? Ako ba tinatawag mong Mia, doctor?" pagkaclarify ko sa kanya. Hindi naman ako si Mia.


Nagulat ako nang bigla siyang patakbong lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit sa akin habang umiiyak.


"Mia, Mahal. Akala ko hindi na tayo magkikita ulit. Saan ka ba nagpunta ha?"


"Ha? Doctor!" with full force ko siya nilayo sa akin, "Anong sinasabi mo? I don't even know you"

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 97 14
Discontinued. Feel free to read and come up with a creative plot twists and ending. [contains mature language]
16.6K 1.6K 18
" ඇයි අයියෙ ඔයා කොයි වෙලෙත් මාව සුදු අරලිය මලකට සමාන කරන්නෙ.." මං අයියගෙ මූන දිහා බලන් අහනකොට එයා මගෙ ඇස් දෙක දිහා බැලුවා.. මගෙ අයියගෙ මූනෙ ඇඳිලා තිබ...
6.1K 231 8
sana magustuhan po HEHE
9.8K 233 10
this story is about 2 friends (sara and pom) who go for the first time to comic con in san diego. they are from the netherlands so they have to pack...