Loving Him (Jungkook / BTS Fa...

By _krstnyms

69.2K 2.7K 125

Minahal ko sya mula sa malayo. Mas minahal ko sya ng maging akin sya. Ngunit.. Paano kung may hihigit pa sake... More

Loving Him (Jungkook/BTS FANFIC)
Chapter 1 ♡
Chapter 2 ♡
Chapter 3 ♡
Chapter 4 ♡
Chapter 5 ♡
Chapter 6 ♡
Chapter 7 ♡
Chapter 8 ♡
Chapter 9 ♡
Chapter 10 ♡
Chapter 11 ♡
Chapter 12 ♡
Chapter 13 ♡
Chapter 14 ♡
Chapter 15 ♡
Chapter 16 ♡
Chapter 17 ♡
Chapter 18 ♡
Chapter 19 ♡
Chapter 20 ♡
Chapter 21 ♡
Chapter 22 ♡
Chapter 23 ♡
Chapter 24 ♡
Chapter 25
Chapter 26 ♡
Chapter 28 ♡
Chapter 29 ♡
Chapter 30 ♡
Chapter 31 ♡
Chapter 32 ♡
Chapter 33 ♡
Chapter 34 ♡
Chapter 35 ♡
ANNOUNCEMENT

Chapter 27

1.2K 57 3
By _krstnyms

A/N: This chapter is dedicated to @havingsmartmouth. Thank you sa book cover.

-

So Nyeol's POV

'Sasagutin ko na ba sya?'

Ilang araw na nga ba simula ng maitanong ko yan sa sarili ko. I think 3 or 4 weeks ago. Isang buwan na rin. Sa loob ng mga araw na yun, tanging katagang yan ang naiisip ko. Sa loob din ng isang buwan, lalo ring lumalalim ang pagtingin ko kay Kookie.

Lagi ko syang kasama--- syempre maliban sa mga araw na busy sya. Lagi ko syang katext at madalas syang tumatawag. Maraming beses na rin nya akong napasaya. Sabagay, presence pa lang nya masaya na ko. He always make sure na lagi syang may baon na surprise para sa akin. Sino nga bang hindi ma-i-in love sa ganun?

Gustong gusto ko na syang sagutin. Pero laging humaharang ang takot at kaba. Takot akong masaktan. This may sounds corny but yes it's true. I'm afraid to cry. Natatakot ako na baka isang araw magsawa na sya saken at iwan na nya ako. Baka hindi ko yun kayanin. OA na kung OA pero wala e. Takot ako.

"Hey.. may problema ba?" tanong saken ni Jungkook. Kasama ko kasi sya ngayon. Niyaya ko syang magpicnic. Wala lang, trip?

"Ah.. wala." tangi kong sagot.

"Di ka ba masaya?" napalitan ng lungkot ang kaninang masaya nyang mata.

'This is what I hate... I can't resist his charms.'

"Of course not."

"Ah." sumandal sya sa puno at tumingin sa mga batang naglalaro. Silence filled us. Tila nawalan ako ng sasabihin. Ano ba to? Ilang sandali pa ay binasag ko ang katahimikan namin.

"Jungkook di ka pa napapagod?" yan ang lumabas sa bibig ko. Di ko magawang tumingin sa kanya dahil sa di ko malamang kaba.

"Ha? Hindi." sabi nya. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko dahil sa sinabi nya.

"Bakit? I mean, di ka pa ba napapagod sa kakahintay na sagutin kita. Lagi ka na lang nanjan pero di ko yun masuklian tapos---" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay naramdaman ko na lang ang biglaang pagyakap nya saken.

"Wag mong sabihin yan. Kailanman di ako mapapagod sayo. Kasi mahal kita. At kahit gaano katagal mo pa kong paghintayin, hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Ganyan kita kamahal." di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Napangiti na lamang ako at niyakap sya pabalik. Sa ngayon, kuntento na ko nakayakap sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak. Masyado akong masaya sa narinig ko.

"Sshh. Stop crying." pinunasan nya ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. "Just always remember that I'm always at your side, okay?" tumango na lamang ako at hinalikan nya ako sa noo.

'Ang swerte ko dahil minahal ako ng lalaking tulad nya.' isip isip ko.

-

"Napaka hard to get mo! Pabirhen ka pa. E gustong gusto mo naman sya." bulyaw saken ni Ji Yoon.

"E sa natatakot ako e." depensa ko sa sarili ko.

"Na ano?! Na masaktan?" natutuliling na ang tenga ko sa kakasigaw nya e. Tsk -_____________-

"Oo." mahina kong sagot.

"Pano mo malalaman kung masasaktan ka e kung hindi nga KAYO. Sige nga aber?" nakapamewang nyang saad. Nanatili na lamang akong tahimik.

"Huyy kayong dalawa ayusin nyo nyang kalat nyo." sigaw ni Shine samen. Agad naman kaming napatingin sa paligid namin. Oo nga no? Nagkalat ang mga throw pillows. Tapos nakabalagbag na ang sofa. Ganto ba kami kagulo kanina pa?

"Oo na po. / Yes Madam." sabi namin. Ngumiti lang si Shine. Inayos na nga namin ang war place--- este ang mini sala sa kwarto ni Shine.

"I have a bright idea." sigaw ko. Kapwa namang tumaas ang kilay nilang dalawa.

"Ano yun?" walang ganang tanong ni Shine habang nagbabasa.

"Sign." sabi ko.

"Sign?" tanong ni Ji Yoon.

"Oo. Hihingi ako ng mga sign tapos pagnagkatotoo yun, sya na talaga. Sasagutin ko na sya."

"Pano pag hindi nya nagawa?" oo nga naman. Napaisip ako sa sinabi ni Sinag.

"Better luck next time?"

"Kahibangan yang naiisip mo." sabat ni Ji Yoon.

"Basta. Ito lang ang paraan para manahimik ang kaluluwa ko."

"Ano yung mga signs mo?" ano nga ba?

"Una, dapat nya akong tawagan ng exactly 8 pm. Tapos, dapat ko syang makita kasama si Jin at si Jhope. At lastly, dapat makita ko syang nakatsinelas." literal na napanganga si Ji Yoon sa sinabi ko.

"Okay. Tanggap ko ng di magiging kayo." sabay tayo na at tangkang lalabas na ng kwarto.

"Hindi ah." ubod ng tamis kong sabi.

"Napaka imposible naman kasi ng mga signs mo. Nababaliw ka na talaga. Pambihira!" sabi nya.

"Basta. Yun na yun." umiling na lang sya at tuluyan ng umalis.

Sana magkatotoo. Sana. Sana.

-

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing

Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Agad naman akong napabangon at sinagot yun. Langya! Panira ng tulog. Maawa, Friday ngayon at wala kaming pasok.

(SO NYEOL MALIGO KA NA AT MAY GAGAWIN TAYO.) nailayo ko kaagad ang phone ko sa tenga ko. Grabe, durog na yung ear drums ko dahil sa lakas ng bunganga ni Ji Yoon.

"Ano naman yun? Ang aga aga naman nyan." inaantok kong sabi.

(ANONG MAAGA? MAG A-ALAS DOSE NA ABA!)

"Okay okay. Pwede pakihinaan yang bunganga mo. Malapit ng macomatose tong tenga ko e." tsaka ako tumayo at naglakad papuntang terrace.

(Basta! Bumaba ka na.) napatigil naman ako sa kakastretch ko ng kamay.

"Ano? Bumaba? Bakit, asan kayo?"

(ANDITO!) rinig kong sigaw nya. Napatingin naman ako sa kaharap naming bahay. BINGO! Andun sila ni Shi--- teka! Bat sila nandun sa terrace... ng kabilang bahay?

"Anong... ginagawa nyo jan?" nakita ko naman na napangiti si Ji Yoon.

(Come here baby and you'll know.) pang-asar na sabi nya tsaka nya pinatay ang phone.

"Sakit talaga sila sa ulo." sabi ko sa sarili ko. Pumunta agad ako sa Cr para ayusin ang sarili ko tapos dumiretso na sa kabilang bahay. Di na ko nagbreakfast baka bugbugin ako ni Ji Yoon pagnagtagal pa ko.

"Anyeong." bati nila saken. Tumambad naman saken ang napakaraming box sa sahig.

"Ma'am san po ito ilalagay?" sabi nung lalaki na mukang delivery boy. (Yun nga ba ang tawag?)

"Jan na lang Manong." turo ni Ji Yoon dun sa space malapit saken.

"Ipasok nyo na yan." sigaw nung lalaki. Ipinasok naman nila yung iba pang boxes.

"W-wait! Let me guess." sabi ko sa kanya. "Nandito kayo kasi... may tinutulungan kayong maglilipat bahay dito, right?"

"Wag ka ngang maglaro ng tanga tangahan So Nyeol. Alam mong nandito kami kasi dito na kami titir--"

"Ano?!" napatigil naman silang lahat sa kung anong ginagawa nila dahil sa sigaw ko. Napangisi naman bigla si Ji Yoon.

"Thanks sa pagwelcome samen. I appreciate it." sarcastic nyang sabi.

"Mahabaging langit. Bakit nyo po ako pinaparusahan ng ganto?" sabi ko. Tumawa lang naman sila.

Oh God! Headache everyday? Let me die.

Buong araw ay inayos namin ang gamit nila. Ang sakit sa katawan grabe. Ang dami nilang gamit. Sinabi rin nila na TALAGANG dito na sila titira. Plinano daw nila to a month ago. O di ba? Hanep! Binili nila to nung nakaraang linggo pa kaso di sila agad nakalipat kasi TRIP daw nila. Ngayon pa lang masakit na ang ulo ko.

"Hayy... tapos na." napasalampak agad ako sa sofa dahil sa pagod. Pwew! Sakit sa katawan ng furnitures nila. Ginawa pa nila akong extrang katulong.

"Dahil dyan I'll treat you." sabi ni Ji Yoon.

"Dinner?" tanong ko.

"Oo, tara na. I'm starving na e." sabay kuha nya ng bag nya.

"Kailan ka pa naging conyo?" ngumiti lamang sya saken. Sumakay na kami ng kotse and surprisingly si Shine ang magda-drive. Napapadalas ata ang pagmamaneho nya?

"New car?" tanong ko kay Shine. Hindi kasi yung sports car nyang ferrari ang sinakyan namin. Duh! As if kasya kami dun?

"Yeah." maikli nyang sagot. Oh well, sanay na ko.

Being a Yoon Shine, of course, dinala nya kami sa isang mamahalin na Restaurant. Sya na! Si Shine sya e.

"Gosh! Bubutasin mo ba ang wallet ko?" bulong ni Ji Yoon kay Shine.

"What's wrong? Papakainin mo ba ko sa isang cheap na Resto?" nag-iinarteng sabi nya. Shez! Tinotopak si Sinag.

"Yeah, fine." pagsuko ni Ji Yoon.

"Good Evening Ma'am. Any reservations?" sabi nung babae.

"Table for Shine." sabi ni Shine. Tiningnan naman nung babae sa computer nya kaso mukang wala syang nahanap.

"You don't have any reserations Ma'am. Mianhe."

"Don't you hear me? I said table for Yoon Shine." tinapik tapik ko si Ji Yoon para pakalmahin si Shine kaso di nya ko pinapansin.

"Y-Yoon Shine? I'm sorry Ma'am. This way please." dinala nya kami sa isang VIP room.

"Thank you." sabi ko dun sa babae.

"Wag mo ng uulitin yun." sabi ko kay Shine.

"Wala akong ginagawa." tsaka sya nanahimik ulit. Nakakahiya kanina! Gosh!

Maya maya pa ay nag-order na kami ng pagkain. Habang kumakain kami ay biglang nagring ang phone ko. Si Jungkook tumatawag. Agad naman akong napangiti at sinagot yun.

"Yeoboseyo?" bati ko.

(Anyeong. Anong ginagawa mo?) di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Asar.

"I'm having a dinner with my girls. Wanna join?" alok ko. Please accept it. Haha.

(Sorry but I can't. We have a meeting. Late na nga kami e.) failed. Pssh.

"Bakit ano oras ba meeting nyo?"

(8 pm.)

"Oh? Anong oras na ba?"

(8 pm.) napatigil ako sandali. Did I hear it right? 8 pm? Seriously?

(Ibaba ko na to. Bye So Nyeol. I love you.) then he hang up.

Dali dali kong kinalikot ang phone ko and gotcha. Recently call: Kookie. Time: 8 pm. OmyG! He called me exactly 8 pm. Yieeee. Destiny na talaga nagsasabi na kami talaga forever.

"Aw!" napa aray ako ng batuhin ako sa muka ng tissue ni Ji Yoon. Sapul pa.

"Your weird." saad ni Shine.

"I receive a call. From him. He called---" masaya kong sabi but Shine cut it off.

"He called you what? A weird? Psycho? Crazy?" sabi ni Shine sabay subo ng pasta nya.

"Remember the signs? MY signs?"

"Your impossible signs? Yeah, I remember that freakin' signs." sabay inom ni Ji Yoon ng juice nya.

"Tumawag si Jungkook exactly 8 pm." excited kong sabi.

"Oh, jjinja? That's good." sabi ni Ji Yoon. Really? Yan lang ang sasabihin nya.

"That's what we called 'chamba'." sabi naman ni Shine. Jeez! Bestfriends ko ba sila? Hindi man lang nila sasabihin na masaya sila for me. Uggh.

"Magagawa nya ang last two signs ko kasi meant to be kami." sabi ko na lang. Blee, ipapakita ko yun sa kanila. Hayy...

"Hindi ang signs ang way para masabi na meant to be nga kayo. Duh, So Nyeol. Wake up!" seryosong sabi ni Ji Yoon.

"Yun man ang daan o hindi basta magagawa ni Jungkook ang signs ko at magiging kami." depensa ko.

"Oh fine. That's your decision then go for it." walang ganang sabi ni Shine.

Let's see. Ipapakita ko na tama ang signs ko.

-

One week na ang nakakalipas. Seven days na akong bored. Walang gala. Gimik. Tsk, boring di ba? At one week ng walang Jeon Jungkook na nagpaparamdam. Kahit man lang sana sino sa BTS o kaya kahit manager man lang nila makita ko. Kaso wala e. Busy kasi sila e. Magkakaroon na kasi The Red Bullet Concert Trilogy 1. Yun yung nabalitaan ko kaya sya di nakakapagparandam.

Haaaaaaaayyyyyyyyyyyy....

"Muka kang nalugi." bungad saken ni Ji Yoon sa canteen. Kumuha kasi sila ng food nila e ako wala akong gana e.

"I hope na sana nalugi na lang talaga sya." dagdag ni Shine.

"Yeah, right." tumawa at nag-apiran pa sila. Ang saya nila, no? Makapag usap parang wala ako dito. Tss.

"Ha-ha. Dalawang tawa para sa inyong dalawa." full of sarcasm kong sabi nila.

"No, thanks." sabi ni Ji Yoon. Aba't-----

"Anong muka yan?" sabay turo nya sa muka ko na akala mo kriminal ako. Makapang duro naman. "Buti pa crumpled paper pwede pang ibalik sa dati kahit papaano pero yang muka mo ngayon.... malabo." hinagisan ko na lang sya ng tissue sa muka. Shoot. Sapol.

"Walakompake." I secretly rolled my eyes on her.

Nasabi ko na bang ang boring ngayon? Oh well, ANG BORING! Napaub-ob na lang ako sa mesa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Oh jesus! What did I do on my past life para maranasan ko to? Huhuhu.


Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing...


"Class dismissed." agad nagsitayuan ang mga kaklase ko pero ako ay nanatiling naka tungo.

"Wala kang balak umuwi?" tanong ni Ji Yoon.

Wala!

"Quota ka na sa drama. Una, ng dahil LANG sa kaboringan ng buhay mo ay umasta ka na akala mo daig mo ang namatayan ng kuko sa paa tapos ngayon umarte ka pa sa lahat ng subject natin na masakit ang ulo mo para makatungo ka sa buong time ng klase. Oh Jesus!" nakapamewang na sabi ni Ji Yoon.

"Oo na. Tatayo na." walang gana kong sagot. Inayos ko na ang sarili at naglakad palabas. Hinintay ko sa parking si Mr. John para sunduin ako. Sinamahan naman nila ako kasi baka daw mamamatay ako agad pag iniwan nila ako. Tch.

Ilang minuto pa ang makalipas pero wala pa sila. Nangalay na ako kaya naupo na lang ako sa hagdan. Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones at nag sound trip.

Maya maya pa ay may nakita akong paa. Inangat ko ng tingin at halos mapatayo ako sa gulat.

"Kookie!" sigaw ko.

"Hi." bati ni Jin at Jhope.

"W-what are you doing here?" gosh! Bakit ako nagstu-stutter?

"Sinusundo ka." pormal na sabi ni Jungkook. Agad naman akong napangiti at sa loob loob ko ay nagwawala kasi kinikilig ako.

"Don't worry. Magkaiba tayo ng sasakyan." singit ni Jhope.

"O-okay."

Agad naman akong inalalayan ni Jungkook tumayo at tsaka kami naglakad palapit sa sasakyan nila.

"Dito na kami." sabi ni Ji Yoon. Tumango na lang ako. Nakita ko pa hinihigit nya si Shine papasok. May sasakyan pala si Shine. Baka gustong magdrive at ayaw sumakay. Sabagay!

"Let's go?" sabi ni Jungkook pagkapasok nila ng sasakyan. I just simply smiled at him. Pinaandar naman nya agad ang kotse.

"Are you not busy?" biglang tanong ko. "I mean... di ba busy kayo sa upcoming concert nyo? Pero nandito kayo."

"Yeah. Honestly, we're busy." napalingon naman agad ako sa bintana. Nakaramdam kasi ako ng guilt. Alam ko naman pagod sya pero nandito pa rin sya. It's kinda.... I don't know.

"But... I have always a time for you." napalingon naman agad ako sa kanya. I admit. Kinikilig ako. Sinong ba namang hindi?

"T-thank you." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Ilang minuto pa ang makalipas ng makarating kami sa bahay. Bad trip! Bakit parang ang bilis ng oras?

"So... pasok na ko." sabi ko. "Thank you nga pala."

"You're always welcome." ngumiti sya saken at tsaka pumasok sa kotse. Dali dali naman akong tumakbo sa kwarto para makapagpalit. Pero napatigil ako sa pagpasok sa Cr ng may maalala ako.

"NAKITA KO SI JIN, JHOPE AT JUNGKOOK NG MAGKAKASAMA?!"

Kyahhhhhhhh. Two signs down. Last na. Emeged!

-

A / N : Sorry sorry. Masyadong busy sa school. Masyado rin nalulong sa twitter at facebook. May Trilogy 1 na kasi e. Di kasama Philippines. But don't worry Armies. Baka daw po February 2016 pumunta ang BTS dito. Mag-ipon na tayo. Hahahaha.

Leave a comment and a vote.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 271 17
AshMatt fanfic
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
21.8K 466 26
𝚂𝚑𝚘𝚛𝚝 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜/𝚜𝚎𝚖𝚒-𝚜𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 𝚘𝚏 𝚘𝚞𝚛 𝚏𝚊𝚟𝚘𝚛𝚒𝚝𝚎 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚛𝚜 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝙶𝚊𝚙 𝚃𝚑𝚎 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜. 𝙼𝚊𝚢 𝚖𝚐𝚊...
328K 7.5K 33
Bored ako