Defiant Youth Series #3: Her...

By hydiee_xx

1.4K 148 11

This story is related and pertinent for what is happening to the youth today, how they gave up and learned to... More

Defiant Youth Series
PLAY LIST
PROLOGUE
CHAPTER 1: Traitor
CHAPTER 2: Surprised
CHAPTER 3: Confession
CHAPTER 5: Kelvin
CHAPTER 6: Kwintas
CHAPTER 7: Clifford
CHAPTER 8: Manong Driver
CHAPTER 9: She's Pregnant
CHAPTER 10: Hinagpis Ng Isang Ama
CHAPTER 11: Unexpected Encounter
CHAPTER 12: Acceptance
CHAPTER 13: New Circle of Friends
CHAPTER 14: Unexpected Visitor
CHAPTER 15: His Feelings
CHAPTER 16: Gender Reveal
CHAPTER 17: Tragedy
CHAPTER 18: He's Gone
CHAPTER 19: New Environment
CHAPTER 20: The Old Her Is Back
CHAPTER 21: Her Biological Mother
CHAPTER 22: Chance
CHAPTER 23: Love Confession

CHAPTER 4: Back To Sorsogon

56 20 6
By hydiee_xx

Zaphria's POV

It's been a couple of weeks pass by magmula nong malaman ni Claire ang nangyari sa akin. Akala ko iiwasan at pandidirihan niya ako matapos niyang malaman ang nangyari sa akin pero nagkamali ako- mali ang inakala ko. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin gaya ng dati ganoon pa rin ang trato niya sa akin, I can say na I am so lucky to have her as my best friend.

By the way, naglakas loob akong magsampa ng kaso sa mga nagtraydor at gumahasa sa akin makukulong ang mga kasabwat sa panggagahasa sa akin ng walong taon samantalang ang mga taong humalay sa akin mahigit sampung taon sila ikukulong sa bilangguan. Nagmakaawa pa sa akin ang mga magulang nila lalo na ang magulang ni Nikko pero hindi ko pa rin inatras ang kaso ko sa kaniya hinding-hindi ko gagawin 'yon. Nagalit pa ang mga magulang ni Nikko pero pinairal ko ang pride ko kahit sa ganitong pamamaraan man lang matulungan ko ang sarili ko na kalimutan ang lahat ng nangyari.

Nalaman ni Papa ang tungkol sa panghahalay ng pinsan ko at nang kaibigan niya sa akin sa una hindi siya naniwala dahil baka daw ginagawa ko lang lahat nang 'to para makuha ko ang atensyon niya nagalit ako sa kaniya that time dahil kahit minsan hindi naman talaga niya ako pinakinggan. Ilang araw matapos niyang malaman ang katotohanan napagtanto niyang maling-mali ang ginawa niyang hindi paniniwala sa mga sinabi ko. Sobra ang galit na naramdaman ni Papa that time muntik na niyang mapatay si Nikko at ang lahat ng mga naging kasabwat nila sa panghahalay sa akin. That time na-realized ko na may puwang pa rin ako sa puso ni Papa he even did apologies to me not just because I'm his daughter kundi dahil sa lahat ng mga pagkukulang niya sa akin bilang ama.

Iyak ako nang iyak dahil for the first time nagkausap kami ng Papa ko nang matino yung hindi nagsisigawan, nagbabangayan o ano man na nakaraang ginagawa namin kapag nag-uusap. I think heto na talaga ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kahit na nasaktan ako. May magandang naidulot din pala ang pagkakahalay sa akin but I'm not saying na dapat magpahalay din kayo para malaman kung ano ang maidudulot nito sa buhay niyo what I meant is kung hindi nila ako ginahasa hindi ko malalaman ang tibay nang friendship namin ni Claire at higit sa lahat hindi ko mararamdaman na may pamilya pa pala ako. Sana ganito na lang lagi...sana lagi kaming masaya ng mga taong nakapaligid sa akin.

Napagdesisyunan ko na magbakasyon muna sa probinsya kung saan ako nagmula kaya naghahanda kami ngayon ng mga gamit na dadalhin para sa one or two months vacation.

"Ria! Matagal ka pa dyan? Anong oras na ano ba bilisan mo namang kumilos!" kilala niyo na siguro kung sino ang sumiyaw e ano? Well, it's Claire ang maingay na best friend ko.

"Oo na! Pababa na!" sigaw ko pabalik.

Kinuha ko na ang dalawang maletang dadalhin ko pati na rin sling bag ko kung saan ko ilalagay ang mga importanteng bagay like Cellphone, Wallet, girl things and etc. Pagkababa ko ay nadatnan ko sina papa, Claire at mang Yoli na masayang nagku-kwentuhan napatigil sila sa pag-uusap ng marinig nila ang mga yapak ko.

"What took you so long? My God sayang 'tong make up ko kung wala man lang akong mapaglalaanan nito." inis na sabi ni Claire at nag-flip hair pa.

"Ang ingay mo talagang babae ka, oh nasaan ang mga gamit mo? Don't tell me maghihiraman tayo ng gamit?" sabi ko at nag-rolled eyes.

Minsan kasi kapag may lakad kami hindi siya nagdadala ng gamit niya mabigat daw kasi kapag magdadala pa siya may motto pa nga 'yan e 'Ang magaganda hindi nagbubuhat ng mabibigat na gamit.' ito lagi ang sinasabi niya kapag may lakad kami kaya nga yung ibang mga damit ko nasa bahay na nila e.

"Ang magaganda hindi nagbubuhat ng mabibigat na gamit." sabi niya na sinabayan ko.

I told you she's always like that mabuti sana kung maganda nga talaga siya but i hate to say this she's beautiful both in and outside- maarte nga lang.

"Yung totoo where is your things?" tanong ko sa kaniya.

"Nandoon na sa sasakyan ni tito nauna pa sa'yo." sagot niya.

"Great." Sabi ko.

"So since nandito na tayong lahat paki-check na lang kung may kulang pa sa mga dadalhin ninyo o may naiwan ba kayong gamit para makaalis na tayo." sabi ni Papa.

"Wala na siguro, Papa." sabi ko.

"Ikaw Claire baka may naiwan o nakalimutan ka pang gamit?" tanong ni Papa kay Claire.

"Wala na rin po, tito!" hyper na sagot ni Claire kay Papa.

Yung totoo pinaglihi ba sa asukal to? Sobrang hyper e dinaig pa yung mga batang kumain ng asukal na di man lang nagpapaalam sa magulang.

"Okay, good. Manang Yoli ikaw na muna ang bahala sa bahay, kapag may naging problema dito tawagan mo na lang ako. Alam mo na rin kung paano ako makokontak, hindi ba?" saad ni Papa kay manang Yoli.

"Oo naman, sir. Sige na ho umalis na kayo dahil baka gabihin kayo sa daan mahirap na probinsya pa naman ang pupuntahan ninyo." sabi ni Manang Yoli.

"Manang Yoli ang aga pa po oh alas sais pa lang ng umaga." natatawang sabi ko sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka oh sya sige umayo na kayo para makapaglibot pa kayo pagdating ninyo doon." nakangiting sabi ni Manang Yoli.

Ngumiti rin ako sa kaniya at lumapit para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Oh alam kong mami-miss mo ako pati na rin ang nga luto ko."

"Opo na manang, mag-iingat ka dito manang." pagpapaalala ko sa kaniya.

"Oo, sige na baka maabutan kayo ng traffic." sabi ni Manang Yoli sa amin.

"Sige po, manang aalis na kami." pagpapaalam ni Papa kay Manang Yoli.

"Sige, mag-iingat kayo doon ha." sabi ni Manang Yoli sa amin.

Nang makapasok ako sa sasakyan nagulat ako sa dami ng mga bagahe sa loob ng sasakyan.

"Sa akin lahat 'yan!" sigaw ni Claire na ikinagulat ko at umupo na siya may tabi ng bintana.

Hindi ako nagulat dahil sa sigaw niya nagulat ako dahil sa dami ng mga gamit at bagahe na dala niya. Yung totoo isang taon ba siya mamamalagi sa probinsya? My God!

"Isang taon ka mag-s-stay sa probinsya, Claire? Ang dami ng dala mo ah?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Duh! Isang taon agad? Hindi ba pwedeng ready lang ako atsaka hello mga importanteng bagay lang ang dala ko no!" sagot niya at in-emphasized ang salitang 'LANG'

Grabe sa lagay na 'yan 'Lang' lang 'yon? Dinaig niya pa ang kulay lila na bag ni Dora The Explorer.

"Sabi ko nga importanteng bagay lang ang dala mo." sabi ko at diniinan ang bawat salita.

Hindi na siya umimik natulog siguro. Nasa front seat nga pala ako nakaupo habang si Papa naman nasa driver's seat. Inaantok na ako kaya matutulog muna ako sasabihin ko na lang kay Papa na gisingin na lang kami ni Claire kapag malapit na kami makarating.

Third Person's POV

Labing-isang oras ang itatagal ng biyahe nila Zaphria mula Manila patungong Sorsogon. Matagal-tagal na rin ang panahon na lumipas magmula noong kunin ng kaniyang ama si Zaphria sa poder ng kaniyang lola mula nang pumanaw ito.

Mahigit apat na oras nang nasa biyahe sila Zaphria kaya huminto muna sa pagmamaneho ang ama ni Zaphria sa isang gas station para magpa-gas at the same time para bumili na rin ng pagkain na kakainin nila habang nasa biyahe. Matapos magpa-gas at bumili ng pagkain dumaan muna sila sa isang restaurant para mag-agahan hindi pa kasi sila kumakain mula kaninang umaga kaya kakain muna sila ngayon.

Zaphria's POV

Nagutom kami kaya napagpasyahan namin na kumain muna sa malapit na resto dito sa lugar kung saan kami huminto. Medyo malayo-layo na rin ang binyahe namin kaya gutom na rin kami.

Pagkatapos naming kumain ay bumyahe ulit kami papuntang Sorsogon. Pagkarating namin sa mismong bulwagan ng Sorsogon ay agad na sumalubong sa akin ang malakas at preskong hangin na nagmumula sa karagatan. Kahit tirik ang araw hindi ito masakit sa mata napakagandang pagmasdan ng malawak na karagatan dahil na rin sa mga naglalakihang alon nito.

Ibang-iba talaga ang buhay probinsya dito ramdam na ramdam mo ang kapaligiran. Preskong hangin, naglalakihang mga alon, kakaunting sasakyan, at higit sa lahat dito tanggap ka nila kung ano at sino ka hindi kagaya sa City madami kang makakasalamuha na mga toxic.

"Ang ganda dito Ria." manghang sambit ni Claire habang nakatingin sa mga nadadaanan namin.

Nakatingin pa rin ako sa labas ng sasakyan at masayang pinagmamasdan ang magandang tanawin nang biglang magsalita si Papa.

"I think i know the second reason why you don't want to leave this place, anak." sabi ni Papa habang patuloy na nagmamaneho.

"Yeah." tanging salita na lumabas sa bibig ko.

4:20 PM

Hapon na nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin mabuti na lang hindi kami inabutan ng gabi sa daan. Bago kami makarating dito nakapag-check in na si Papa kaya wala na kaming problema.

Pagod kaming lahat sa biyahe kaya napagdesisyunan namin ni Claire na bukas na lang kami mamamasyal bukas ko na lang din muna dadalawin si Lola sa libingan niya miss na miss ko na siya. *sighs*

Si Papa naman ayun nasa kwarto niya may kausap about work ata akala ko nga iiwan niya na muna ang trabaho niya doon pero hanggang dito pala magta-trabaho siya tigas rin minsan ng ulo ni Papa sa kaniya talaga ako nagmana sa katigasan ng ulo.

Maliligo muna ako pagkatapos magpapahinga na rin and then dinner then after that I'm going to sleep para may energy ako bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...