Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

36.7K 926 47

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 27

591 12 0
By jhelly_star

Kabanata 27

Busy

--

Am I selfish?

Am I bad?

Pakiramdam ko napaka sama kong tao. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Ginamit ko si Lee. Ginamit ko siya. Para lang mapunan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Ang sama sama ko. Sarili ko lang ang inisip ko. Ni hindi ko manlang inisip kung masasaktan ba siya. Kung malulungkot ba siya. Inisip ko lang ang sarili kong nararamdaman. I just thought of my own happiness.

Noong una palang binabalaan na ako ni Luna tungkol dito. At siguro matagal ko nang alam sa sarili ko na gusto ko nga lang makita ang mukha ni Seb kay Lee pero... hindi ko lang magawang aminin dahil takot akong magmukhang masama.

Kahit ang totoo... ako naman talaga ang masama.

Sobrang selfish ko. Sobrang sama ko! Paano ko ito nagawa?

I covered my face with both hands and sobbed. Kagabi pa ako umiiyak pero hindi ko magawang mapagod. I'm very guilty. He didn’t blame me for Seb’s death, he also didn’t want me to blame myself. He's always reminding me that it's not my fault. Ayaw niyang nasasaktan at nalulungkot ako. Pero ngayon... ito lang ang sinukli ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Sobrang sama ko.

Ate Johan hugged me and patted my back. Napunta kami sa dulo ng village kung saan may bangin. Hindi kita ang ibaba dahil maulap. Hindi na namin inalintana ang maduming sahig, umupo kami roon. Dinamayan ako ni Ate sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ko alam ang nararamdaman mo. But I want you to know that I'm just here. Always. Beside you, Mina..." she said.

I just cried on her shoulder. Kahit wala akong sinabi, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi niya rin naman pinilit pang sabihin kung ano ang problema ko. Sa ngayon gusto ko munang isipin niya na dahil ito sa pagpilit sa akin ni Mommy kay Blade.

Hanggang sa nahanap kami ng mga bodyguards at pinauwi na sa bahay. Wala na kaming nagawa ni Ate at sumama nalang sa kanila. Pagkarating sa bahay ay pinagalitan kami ni Mommy sa study room. Nakayuko lang kaming dalawa ni Ate sa harapan niya, nakikinig, habang nasa likod ang dalawang kamay.

I'm tired. Parang gusto ko nalang humiga at matulog sa kama ko. Kaya wala na akong naging reaksyon sa mga sinasabi ni Mommy. Alam ko namang kapag nagsalita rin ako, hindi siya makikinig at pagagalitan lang kami lalo. Ganon rin sa Ate Johan na para bang pagod na pagod na rin kay Mommy.

Minsan naiisip ko hindi ako naiintindihan ni Mommy. She cared for me but she doesn't understand me. Pero naniniwala pa rin ako na kahit papaano naiintindihan niya ako. Ganito lang siya dahil masyado siyang nag alala sa amin ni Ate.

Malalim akong bumuntong hininga. Wala si Daddy dahil may inasikaso sa kumpanya. Susunod dapat si Mommy pero mukhang hindi na siya matutuloy at babantayan nalang kaming dalawa ni Ate. Wala na rin naman akong balak lumabas sa kwarto ko pero si Ate, hindi ko alam kung gusto pang lumayo.

Too tired and sad, I fell asleep that day. Gabi na ako nagising. Hindi ako nakapag tanghalian dahil ang sabi ni Ate ginigising daw ako pero hindi ako bumabangon. Ayaw kong bumangon at pilit tinutulog ang lahat.

Kinausap kami ni Daddy nang natapos ang dinner. Pinagsabihan niya kami ng mahinahon ni Ate Johan dahil syempre, nakarating na sa kanya ang nangyari kanina. Sinabihan niya kami na wag nang uulitin ang paglayas na ginswa namin kanina at lalo na ang pagpunta sa bangin na iyon. Delikado daw at baka mapahamak pa kami.

Mabuti pa si Daddy... mahinahon kami palaging kinakausap. Pero si Mommy... hindi ko alam.

Monday came and I immediately decided to go to Luna's school. I didn't hesitate anymore. I want to talk to Lee. Napag isip isip ko na ito kagabi at kahit papaano gusto ko ulit humingi ng tawad. At siguro... para maayos na rin ang lahat.

Ayokong magwakas ang lahat ng pinagsamahan namin nang ganon ganon lang. Ayokong matapos kami nang may sama ng loob. Alam kong sobrang kapal na naman ng mukha ko para magpakita pa sa kanya pagkatapos ng lahat but... I want so bad to say sorry to him. Hindi kami nakapag usap ng maayos noong gabi na iyon at umaasa rin ako na... mapapatawad niya pa ako.

"L-Luna..." nakita ko si Luna sa labas ng gate.

"Oh, Mina," she smiled, she still didn't know everything that had happened.

"S-Si Lee?" just in case she saw him.

"Si Lee? Nakita ko siyang lumabas kanina kanina lang, ah? Bakit? Akala ko lalabas kayo..."

What? Kung ganon... umalis na siya?

"S-Sigurado ka ba? Umalis na siya?" tanong ko ulit.

"Oo," tumango pa si Luna. "Kanina pa kasi ako rito sa labas, nakita ko siyang lumabas rin syempre. Sumakay na siya sa sundo niya at umalis na. Hindi ko na nga nakamusta dahil mabilis ang lakad. Akala ko may usapan na naman kayong lalabas."

Napalunok ako. Wala na siya? Bakit ang bilis niya naman yata?

"Wait... may nangyari ba sainyo? Nag away ba kayo?" tanong ni Luna.

Hindi ako nakasagot. Parang may bumagsak sa puso ko dahil sa pagkabigo. Umalis na siya. Hindi na niya ako hinihintay tulad noon...

"The other day Lee asked me if you came home safely and now you're looking for him but he's already home? So wala kayong usapan na lalabas? So nag away nga kayo?" sunod sunod na tanong ni Luna.

Gusto kong maiyak. Ito ang kauna unahang pagkakataon na hindi niya ako hinintay. Bakit?

Talagang nagtatanong ka pa, Michelle?

"Huy, bakit?" hinawakan ako ni Luna sa braso nang nakita niyang paiyak na ako.

Umiling ako, hindi pa rin makasagot sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Ano ba talagang nangyari sainyo?"

I told Luna what happened. I think this is my chance to bring out everything I feel. Matagal na itong nasa loob ko kaya ngayon hindi ko na kaya. Gusto ko nang ilabas... lahat.

We went to their coffee shop and there I told Luna everything. Nalaman ko na may lakad pala sila ni Blade kaya siya naghihintay sa labas ng gate at ni-cancel niya iyon para lang sa akin. Gusto ko na naman siyang kwestyunin kung bakit nakikipag kita siya kay Blade pero wala akong panahon para roon. Umaapaw ang emosyon na nararamdaman ko.

"Sinasabi ko na nga ba, e! This is what I'm telling you!" sermon niya pa sa akin.

Nagpunas ako ng mga luha at hindi nagsalita. Yumuko lamang ako sa mga kamay kong nasa lamesa.

"Pero wala na tayong magagawa. Ngayong alam niya na ang totoong dahilan mo kung bakit gustong gusto mo sa kanya, ano nang gagawin mo? Ha?" masungit niyang tanong.

Ngumuso ako at hindi pa rin nagsalita. I don't know what to do. But for now, I just want to talk to him.

Kaya sa mga sumunod na araw, I went back to their school, hoping to see him and we could talk again. Ngunit sa halos araw araw kong pagpunta roon, araw araw rin akong nabibigo. Dahil hindi ko siya nakikita. Walang Lee ang nagpapakita sa akin. Hindi niya na talaga ako hinihintay at ang palaging sinasabi ni Luna sa akin, palaging nagmamadaling umuwi.

"I asked him yesterday when I caught up with him, he just said he was busy and then left quickly. So I didn't have a chance to speak anymore. Hindi ko na rin nasabi na gusto mo siyang makausap," ani Luna.

Nandito ulit kami sa coffee shop nila. Hindi ko na naman nakita ngayong araw si Lee.

"Pakiramdam ko umiiwas siya, Mina. Sino ba namang hindi iiwas, diba?"

Minsan talaga ayoko nang magsalita si Luna. Ngumiti siya sa akin pero nakikita ko ang concern.

"Biro lang. Pero siguro kailangan niya lang ng time. Masyado siyang nasaktan sa nangyari at sa nalaman niya kaya siguro... bigyan mo muna siya ng time. Para mag isip."

Sinunod ko ang sinabi ni Luna. I didn't go to their school in the following days. Malapit na ang bakasyon dahil magpapasko na. At hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Lee.

"Nandoon siya sa labas, magbihis ka at papapasukin ko muna," si Mommy.

Sabado ngayon at wala ako sa mood. Pagod akong bumaba sa huling hagdan habang naririnig si Mommy.

"Mom..."

"Don't make me angry again, Michelle. You're gonna date Blade today and you have no say about it. Ngayon, magbihis ka sa itaas," mariin niyang utos.

Kaya kahit sobrang nanghihina, sinunod ko na lamang ang sinabi ni Mommy. I went upstairs and got dressed.

Continue Reading

You'll Also Like

874K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
126K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
5.7K 311 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...