4th year college
Cyd Lardizabal @cydyeah
Andito pa lang ako sa gate kitang-kita ko na yung busangot na mukha ni gi don sa quad, ganiyan ba talaga kasungit yung mga iniwan?
comments.
Andre Feneil
Di makamove on di naman naging sila
Trevor Martin
Ay ingat kayo uso ganiyan diyan sa rios yung pasasayahin ka tapos maglalaho tignan niyo si rion
Rion Isaac
What the heck trevor pakalat-kalat ka
Travis Avan
Ay totoo kuya ry? Ghoster ka din?
Rion Isaac
Mukha bang kapani-paniwala yang kuya mo
Gian
Kuya ry galit po ako sa mga ghoster kaya ipapaalam ko na hindi kita papansinin for the next years ahead
Cyd Lardizabal
HAHAHAHAHHAA
Nandamay pa amp
---•---
Quantum Leap
3:12 PM
Dous:
Hinahanap na kayo ni manager, start na raw in 15
Gian:
Ano?
Iniwan niyo kami?
Cyd:
Sabi namin pahintay parang tanga
Dala niyo yung van?
River:
Malamang
Anong sasakyan namin papunta kung hindi
Cyd:
Kumuha lang kami ng clearance saglit
Andre:
Edi magcommute
Ang lapit lang ng building
Gian:
Yung bag ko nandiyan sa van
River:
Tapos?
Gian:
Yung wallet ko nasa bag
Wala akong kahit ano dito phone ko lang
Travis Avan:
Si cyd ba?
Cyd:
Andiyan nga rin bag ko pati wallet
Paano kami pupunta ngayon?
Dous:
Manager said they won't be accepting lates
Busy sila dahil maraming ipi-feature this month nasingit lang daw tayo
Gab:
Gawan niyo na muna ng paraan para makapunta dito
Mas mabilis siguro kung sa jeep na lang kayo
Cyd:
Ano sasabit ako sa jeep??
Gab:
Bilis hinahanap na kayo
Gian:
Cyd mangutang ka muna makapal naman mukha mo
Cyd:
Makapal mukha ko sa mga kakilala ko lang wala naman akong kakilala dito
Tanga kanina pa tayo pinagtitinginan
Andre:
Mag 123 na lang kayo
Travis Avan:
Di ka na naawa sa driver
Gab:
Guys make it fast
Hindi na kayo kayang pagtakpan ni ave sa writer na mag-iinterview
Cyd:
Sandali
Badtrip naman
Hirap na nga walang pera kasama ko pa pinaglihi sa sama ng loob
Gian:
👍