Let The Song Cry

By childofyusaku

5.8K 291 868

0X1 SERIES 1 #MainVocalist All right reserved © Kimverleigh Jane Honor, a girl with a lot of sweetness in her... More

LET THE SONG CRY
PROLOGUE
LTSC||SECOND
LTSC||THIRD
LTSC||FOURTH
LTSC||FIFTH
LTSC||SIXTH
LTSC||SEVENTH
LTSC||EIGHTH
LTSC||NINTH
LTSC||TENTH
LTSC||ELEVENTH
LTSC||TWELFTH
LTSC||THIRTEENTH
LTSC||FOURTEENTH
LTSC||FIFTEENTH
LTSC||SIXTEENTH
LTSC||SEVENTEENTH
LTSC||EIGHTEENTH
LTSC||NINETEENTH

LTSC||FIRST

414 21 110
By childofyusaku


Kimverleigh P.O.V

Don't be afraid to be different, even the rainbow has different color, but still they are visible. You can be visible and at the same time different, and you can always shine. Mahal na Mahal Kita, Apo, lagi mong tatandaan 'yan.


That’s what my grandma’s last words to me before she died peacefully. Bata pa lang ako ay si Lola na ang nag-alaga sa akin dahil ang mga magulang ko ay may sari-sarili nang pamilya.

“Ayaw mo ba talaga bumalik sa pamilya mo, Kim?” Ito na lang lagi tinatanong sa akin after my grandma died. I’m just laughing the shit out of it every time I am hearing that question, It’s because I can’t make my family bad to others.

Natawa akong mapakla.

Tandaan mo, hindi ka mabubuhay sa mundong ’to kung hindi dahil sa akin,” matigas na sambit ni Papa habang hinigit sa akin ang perang inilahad ko, unang sahod ko sa pag part-time model. “Parehas kayo ng Ina mo, mga walang kwenta!”

I still remember those words, pa-ulit-ulit nag-re-replay sa utak ko na parang sirang plaka whenever he’s near at me.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang munting kaluskos sa likod ko. Nakahinga akong maluwag nang ma-realize na si manong na tagalinis lang pala. Hindi ko kita mukha niya, nakatalikod ito sa akin habang nagwawalis sa hindi kalayuang puntod.

Shrugged.

“I’m already graduated, La, sa susunod na pagbalik ko isa na akong teacher. Pangako ’yan.”

Umayos akong upo sa may puntod. Marahan kong hinaplos ang malamig na lapida na may nakaukit na pangalan ni Lola. Napangiti akong bahagya. At least, I still have the reason to go on in life, and that’s my grandma’s words left me.

“Miss na miss na kita, La. Sana nandito ka pa ngayon, alam kong sobrang proud ka sa akin.”

Napatingala ako sa langit, pinipigilan ang pagbuhos ng luha. I laughed lightly. Sobrang kulimlim ng langit, mukhang uulan pa yata.

“Nais pa ata ng langit damayan ako ngayon, ha,” natatawang sambit ko.  “La, miss na miss na kita, wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko sa buhay.”

Life is full of shit, yes? But who says you can't go on?~

Muli akong napatingin sa gawi ni manong tagalinis nang biglang mag play ang pamilyar na kanta. That’s the hit song of 0X1 entitled “Go On.” He literally humming the chorus part while moving his body.

Eh??

Muli kong binalingan ng tingin ang lapida ni Lola, nagpipigil ang tawa na kumawala. For sure kapag naikwento ko ’to kela Benedict, matutuwa sila. Psh.

Natatawang napailing ako.

Napatingin ako sa orasan, alas dos na rin pala ng hapon. Nagpaalam na ako sa puntod ni Lola bago umalis dahil mukhang uulan talaga ngayon. Napalingon muli ako sa manong na naglilinis, pero wala na ito sa pwesto niya. Shrugged.

[“What time ka punta doon kila Kai?”]

Napadungaw ako sa may bintana sa naging katanungan ni Shin sa may kabilang linya. Mukhang patila na rin naman ang ulan.

“Maaga pa, before 8 siguro, ikaw?” sagot ko at nagpatuloy pa rin sa pagtupi ng damit, buti na lang hindi naabutan ng ulan kanina sa may sampayan. “Makapal pa ba mukha mo humarap sa kanya?” I teased her.

She sighed. [“Nahihiya ako pumunta, bakla. Baka malasing na naman ako tapos kung ano-ano na naman masabi ko sa kanya.”]

I can hear the embarrassment on her voice kaya malakas akong natawa. May nagawa kasi siyang kalokohan noong lasing siya, pfft. “Gusto mo Empi ulit?” tudyo ko.

[“Nang-aasar ka na naman!”]

“Aasarin kita hanggang maging manipis balat ng mukha mo,” I laughed.

[“Parang hindi kaibigan kung makatawa ha!”]

“That’s what friends are for! Pfft!”

After an hour of call with Shin, naligo na ako after para hindi ako mahirapan mag-adjust ng oras to prepare mamaya, magdidilim na rin naman. Nagpalit lang ako ng damit in casual at inipit ang buhok into messy bun. Naglalagay akong lipgloss nang mag beep ang phone ko.

From: Kassandra
06:58 pm
Ate, may pera ka ba r'yan? Gusto ko sana ilibre bukas mga kaibigan ko sa mall, ayaw ako bigyan ni Papa. Dadaan ako r'yan bukas.

Napabuga akong hangin at nag transfer na sa kanya ng 4 digits na pera. I also texted her not to come here at Lola’s house dahil ayokong basta-basta may pumupunta rito, but she replied na kulang pa raw ang ibinigay ko sa kanya. Leaving no choice, I transferred another 4 digits under her name.

From: Kassandra
07:02 pm
Kuha ko na...

Inis na tinapon ang phone sa kama, natawa akong mapakla. Mukha ba akong ATM sa paningin nila?

When I arrived at Kairro’s place, they were already having fun. I just grabbed a drink and found a spot on the other side. I just wanted to distance myself for a while.

We’re on Kairo’s house rooftop, dito kasi napagkasunduan na ganapin ang graduation celebration party.  Me, Shin, Kairro, and Javin graduated, iyong ibang tropa nauna nang ilang year.

Napatingin ako sakanilang lahat, hindi ko maiwasang mapangiti.  Graduated na kaming lahat sa college, parang kailan lang we are all strangers.

“Kim, lika rito! Barbecue, oh, favorite mo!”

Tinanguan ko lang si Kai, kalaunan ay bumalik siya sa tabi ni Shin. Hindi nakaiwas sa akin ang pagtaas ng kilay ng babaita, psh.

Kairro was the richest among us. He was the drummer of their band. I envy him, I mean, he has a family to lean on, his family can provide everything what he wants, even if he doesn’t work na. Tingnan mo naman ’tong venue namin, his father requested here, gastos niya pa lahat. Kanina nga sa salas nila, winelcome niya pa kami.

Sana all na lang may ganyang ka-supportive na ama.

“Busangot ka naman d’yan agad, Kim. Ka-ga-graduate mo lang, ha,” pagpansin ni Benedict atsaka ito tumabi sa akin.

Natawa lang akong bahagya.

“Kapatid mo na naman ba? Pamilya mo?”

Consciously, I nod my head. Alam na alam na talaga nila.

“Oh, about money again?”

I smile lightly. “Hmm.”

“Kapag naubos pera mo kabibigay sakanila, pwede ka umutang sa amin. You still have us, Kim.”

I know. “Knowing you, Ben. Baka kinabukasan sisingilin mo rin ako, no, thanks.”

Bahagya siyang natawa. “Judger amp, seryoso kasi ako!”

I just shrugged. I’m just making it more lightly, I know they won’t hesitate naman to help me if ever.

I lean against the railing, watching the others have fun. After this, totoong hamon na talaga ng buhay, hindi na petiks, petiks.

“Kanina ka pa hinahanap ni Javin,” Ben said out of nowhere pagkatapos ng ilang segundo na katahimikan.

My forehead creased. Nilingon ko siya to check if ever that he was joking around again, but seryoso ang mukha nito na nakatingin sa iba na nagkakasiyahan.

Javin?

Inilibot ko ang paningin, nandoon siya sa ihawan, she’s talking to Laley. His closest, Ben’s girlfriend.

Tsk. Imposibleng hanapin ako ni Javin, ugh, he doesn’t like me even a single shit. Nasa iisang circle of friends kami pero parang hindi ako nag-e-exist sa paningin niya.

“Joker ka ba ng taon, Ben,” natatawang usal ko.

“Totoo nga, he’s looking for you. Nagulat din ako kaninang pagkarating ko ikaw unang hinanap niya sa akin,” there’s an amusement hint on his voice. “May itatanong daw siya sa ’yo. Baka feelings is mutual na, ayiee!” pang-aasar niya, munti niya pa akong sinagi sa balikat.

Tsk, parang bading naman isang ’to.

May itatanong nga ’di ba? Paano naman naging feelings is mutual?

“Nililigawan ka na?”

Psh. Kalalaking tao napakachismoso.

At bakit naman ako liligawan ng isang ’yon? Madikit nga lang ako sa kanya parang virus akong nilalayuan niya, ligawan pa kaya?!

Naalala ko noong unang umamin ako sa kanya, sobrang hiya ko talaga.

“Javin, gusto kita bilang ikaw, hindi kaibigan,” malakas na loob kong pag-amin.

Pero--, isinusuksok lang niya muli ang earphone sa tenga at para akong hangin na dinaanan niya! Napapayuko na lang akong naglakad papuntang parking lot dahil sa bulungan.

Halos nasa kanya na nga lahat, maraming nagkakandarapang mga babae para makuha atensyon niya, even in our highschool’s days. During that time when he wasn’t part of the band yet, I really liked him a lot back then, because he always stand out in academics. But one of the things I liked about him was his silence and untouchable aura.

Binalingan ko ang katabi ko na nakangiting nakatitig kay Laley, kaya pala biglang natahimik. Tsk.

“Ang ganda talaga ng girlfriend ko,” parang ulol na nakangiting sambit niya habang na kay Laley pa rin ang paningin. “I’m so lucky to have her.”

Natatawang napapailing ako. Lakas talaga ng tama ng isang ’to.

Bukod kay Shin, Benedict is one of my closest sa barkada. Mas madalas ko siyang maka-bonding, dahil na rin marami kaming pagkapareho. I know a lot of secrets about him, lalo na sa pagkagusto niya kay Laley dati, and so as him about my admiration for Javin.

“Hey, Kim, congrats.”

Naiiwas ko ang paningin kay Benedict at ngumiti kay Kuya Devin na malawak ang ngiti sa akin. He’s the bassist of their band.

“Thank you, Kuya.”

Napangiti ako nang tinapik ako parehas ni Kuya Devin at ni Benedict, dahil tinatawag na sila parehas ng kanilang mga nobya para magsayaw. Pumailanlang sa lugar ang isang pamilyar na sweet song. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila palapit sa mga girlfriend nila.

Hayy. “I wish I’ll got a boy just exactly like them.”

Ugh. So sick of you, Kim.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtabi sa akin si Javin na walang emosyon ang hitsura, as usual. He never look at me with admiration, and amusement on his eyes, I never seen it sparkled for years.

Bukod sa pagiging vocalist ng banda, sobrang layo na nang narating niya. Sobrang sikat nga niyang modelo ngayon, kumbaga, in-demand siya dahil maraming projects ang naka-line up sa kanya.

“Congrats to us,” he said in monotone at casual na pinagtabi ang baso namin. “Cheers.”

Oh.

Lord, I am hallucinating?

Nag-aalinlangan akong tumawa atsaka inagaw sa kanya ang kamay ko dahil pinagpapawisan ito sa hindi ko malaman na dahilan. “Congrats, pero walang us,” I joked, stuttering.

He frowned with that. I knew it, he’s just bored at this moment that’s why he’s here.

“Joke lang, ang panget mo bumusangot. Sabihin ko nga kay Kuya Devin na tanggalin ka na sa modeling, hindi mo bagay,” pang-aasar ko na para kaming close. Geez.

Iyong modeling company kasi nila Kuya Devin ang may hawak sa kanya. Kung hindi naman ninyo tatanungin, part time ko rin minsan ang mag model doon, hehe. Ilang beses ko rin naman na nakatrabaho si Jav.

Malakas niyang tinapik ang braso ko after bringing his masungit awra look. “Try.”

“Sa ganda kong ’to, don’t underestimate me, Mr. Williams,” I said proudly.

“Wow, too narcissist.”

Natawa akong bahagya. Tsk. At least I have some confidence to say that in front of you kahit sa loob-loob ko dinadaga na ako na ganto ka kalapit sa akin, and you even insisted to talk to me! Gosh!

“You look pale, are you okay?”

Parang naging slowmo sa akin ang pagtaas niya ng kamay para hawakan ang noo ko. Dmn. Pero bago pa man niya maidampi ang kamay sa akin, mabilis ang reflexes ko na mag move sideward. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

I cleared my throat. “O-okay lang ako.”

He just shrugged. After a minute, he sat at the floor, pinampag pa ang tabi niya. “Sit.”

Napakurap ako.

Si Javin po ba talaga itong kaharap ko, Lord? Baka naman ginogoyo mo ako ngayong gabi dahil ako lang walang pares sa amin? T_T

Dahil obedient naman akong person, ginaya ko ang pwesto niya, pero umusog ako konti para malayo sa kanya. Pakiramdam ko kasi para na akong sasabog kapag nanatiling magkalapit kami. Atsaka iyong sinabi sa akin ni Ben na hinahanap niya ako. Totoo kaya ’yon? But why?

Naibaling ko muli ang paningin sa kanya, pero mabilis din akong nag-iwas ng tingin, baka mahuli niya ako. Geez.

“What? As if I’ll bite you,” natatawa niyang sambit.

Asdfgjlhsg si Javin po ba talaga ’to, Lord? Bakit po siya tumatawa sa harap ko?

I can feel my face plastered in embarrassment. Bigla yatang uminit dito. Napahawak ako sa mukha dahil pakiramdam ko para akong lalagnatin.

“Do you like me?” he asked out of nowhere.

Nanlalaki ang mata kong ibinaling sa kanya, pero bigla ko rin naiiwas nang mapadako ang paningin sa kanyang namumulang labi. Dmn it.

“Miss, do you like me?” he snapped his hand in front of my face.

Muli akong napakurap. What the heck, ganyan ba talaga siya ka straightforward?

“I’m not sorry for being frank, but if you can’t answer me, I won’t force you,” ramdam ko ang pagbaling niyang tingin sa akin. “I just wanted to confirm it by myself.”

Napakuyom ang kamao ko, because I can feel my palm sweating. Para akong napipi at hindi makapagsalita.

Iyon ba ang dahilan kaya niya ako hinahanap kanina? To ask this question? Huhu, Lord, bakit naman ganto?

“Don’t stop liking me.”

I froze in shock with his words.

Gulat ko siyang tiningnan nang ilahad niya ang kamay sa harap ko, hindi pa nakakabawi sa huling hirit niya.

“Let’s dance.”

What the hell!! Katapusan na ba ng mundo, Lord??!

“Kimverleigh Jane, I said, let’s dance.”

Itinuro ko ang sarili sa kaba. “A-ako? Nagjojoke ka ba? Baka namamalikmata ka lang?” Alanganin pa akong tumawa.

Hindi siya tumawa, pero mabilis ang reflexes niyang hinila ako patayo.

“Tsk. Are you deaf?”

Gagv ka ba, malamang kinakabahan ako kasi ikaw nag-aya sa akin.

Marahang hinila niya ako sa tabi ni Devin at Isabel na sweet na sweet na nagsasayaw, mukhang ayaw pa nilang pakawalan ang isa’t-isa dahil kanina pa sila sumasayaw magmula umalis si Kuya Devin sa tabi ko. Dapat I-glue na nila ang isa’t-isa, e.

At ayon na nga, tinukso pa nga nila kaming dalawa na sana kami na lang daw tutal kami lang walang partner ngayon dito. Tsk!

/When you say you love me, know I love you more~ /

Inihawak ko ang kamay sa balikat niya ramdam ko ang panginginig dahil sa kaba, rinig ko ang munting halakhak niya bago ilagay ang kanyang kamay sa may bewang ko. Para akong natatae na iwan dahil sa kaisipan na na nakadantay ang kamay niya sa bewang ko.

Huhu, ganito ba talaga pakiramdam na maisayaw ka ng first crush mo?

/When you say you need me, know I need you more. Boy, I adore you~/

“Chin up, Kim. Are you trying to make me like I am dancing to a standee?”

What the hell are you talking about? Can’t you feel that I’m ashamed right now, because I can hear the loud bang on my chest, and their countless teases!

“Maganda ka, no need to be shy in front of me.”

Biglang napataas ang paningin ko sa kanya. “T-talaga?”

Napaiwas muli ako ng tingin.

Dmn, why I am stuttering so hard?

Taena, nanlalambot ang tuhod ko sa kaba, dahil pagkabalik ko nang paningin sa kanya, nakatitig na siya sa akin na para bang hinahalukay ang buong pagkatao ko. I’m lost for words when I look into his eyes.

His eyes staring at mine will be the death of me.

Oh, Lord.

Am I scared having him near me? Am I? But despite my fear, my heart says otherwise

/I’m scared, oh, so scared. But when you’re near me, uh, I feel like I’m standin’ with an army, of men armed with weapons~/

He pulled me closer, and whispered, “Hmm. You’re the prettiest at this moment, Kimverleigh.”

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
970K 30.8K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.8K 130 26
What if, nahostage ang mga idol mo ng isang malaking grupo ng mga teroristang nanggugulo ngayon sa bansa nyo? Ano ng gagawin mo? Iaasa mo na lang ba...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...