Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 11

113 1 0
By issakalsada

Chapter 11
Thoughts

Next week pa ang pasukan at nakapag-enroll na rin ako kasama si Kevin at Sofia na parehong incoming first year college din. Ayoko sanang mag-aral pero dahil pinipilit ako ni Nanay at nina Kuya Brock at Adair, wala na akong nagawa. This is for my own good, according to them.

"Rielle, bumili ka muna ng suka at toyo diyan sa may tindahan." Utos ni Nanay saakin at inabot ang pera.

Lumabas ako at bumili sa malapit na tindahan pero wala, kaya sinubukan ko sa kabilang kanto. May nakita akong grupo ng mga lalaking nakatambay sa gilid at ang iba naman, may hinihithit na sigarilyo. Napatingin ang isa saakin at binulong sa katabi kaya lahat sila, nasa akin na ang atensyon.

Tumayo ang lalaking mukhang lider nila at sumunod naman ang iba, nasa likod nito. Tinapon niya ang sigarilyo at tinapakan iyon.

"Siya ba iyon? Patpatin naman ah? Paano niya natalo ang mga magnanakaw?" Dinig ko na sabi nito.

"Matapang 'yan boss."

Nilagpasan ko sila at tumungo na sa tindahan. Pagbalik ko, naka-tayo na ang lalaki sa gitna ng maliit na eskinitang dadaanan ko. Samantalang ang mga kasama niya ay nasa gilid, nakatingin lang. Naghihintay sa maaring mangyari.

Oh come on, boy. Not now.

"Miss! Ikaw 'yung pamangkin ni Aling Wilma di ba?" Tanong ng lider nila saakin at lumapit pa. Naghahamon.

Tumigil naman ako at mataman siyang tiningnan.

"Tumabi ka." Malamig na sambit ko dahilan ng pag-ngisi niya na para bang may nakakatawa.

"Matapang ka nga. O baka naman, nagtatapang-tapangan ka lang?" Sabi pa niya.

"Boss, hayaan na natin siya." Sabi no'ng kasama niyang lumapit pa saamin.

"Ano ka ba, Ren. Huwag kang matakot sa babaeng 'yan. Saakin ka matakot! Naiintindihan mo ba?"

"Boss, siya rin ang nakatalo kay Michael sa bilyaran." Dinig kong sabi pa nito na hindi pa umaalis sa tabi ng boss nila.

Nagbago ang reaksyon ng lalaki. Ang kaninang mayabang, ngayon ay para ng nakakita ng multo dahil putlang-putla na ang kanyang mukha.

Nilagpasan ko na sila pero hinigit nito ang siko ko. Nabitawan ko tuloy ang dala kong suka't toyo.

"Bitawan mo ako." Walang ganang sabi ko.

"Miss naman, sumama ka na lang saakin. Isang gabi lang tapos makakauwi ka na. May pera ka pa." Mayabang na sabi niya.

Luminga-linga muna ako at nang makitang wala namang ibang taong dumadaan liban saamin, matapang ko siyang hinarap.

"Ano, Miss? Magkano ka ba?"

"Damn you!" Sigaw ko at lumapat kaagad ang kanina pang nanggagalaiti kong kamao sa malapad at bitak-bitak niyang mukha.

My knuckles got hurt. Parang semento ang mukha ng bwisit na lalaking ito sa sobrang tigas!

"Walang hi—" Aambang gaganti siya pero nakailag ako at mabilis kong nahawakan ang kamay niya at pinilipit ito. Sinunod ko ang isa niya pang kamay at namilipit na siya sa sakit.

"Hoy! Ano 'yan?!"

Tumakbo sa takot ang mga kasama niya pero may mga naka-uniporme ang dumating at hinarang sila.

"Dalhin na ang mga 'yan!"

Halos lumabas na yata lahat ng mga residente para makiusyoso. Dinampot kami ng mga Kagawad at dinala sa barangay hall. Nagdadalawang isip pa sila kung hahawakan ba ako o hindi. Pero hindi na nila ako kailangang kaladkarin dahil sasama ako.

"Anong nangyari?" Tanong ng isang matangkad na lalaki. "Kayo nanaman, Fred? Pabalik-balik nalang kayo dito ah? O baka naman gusto niyong ideretso ko na kayo sa Munisipyo?" Bulyaw nito sa mga lalaki bago tumingin saakin. "At babae pa talaga ang kinalaban niyo?"

"Nahuli namin Chairman na ginigulpi nitong pamangkin ni Aling Wilma itong si Fred." Sumbong no'ng Kagawad.

Tinapunan ko siya ng malamig na tingin kaya natigil siya sa pagsasalita, napaatras at nagtago sa likod ng mga kasama niya.

"Ginulpi? Ng isang babae? Ako ba, pinaglololoko mo?" Natatawang sabi ng tinatawag nilang Chairman.

May lumapit sa kanya at may ibinulong, pagkatapos ay tumingin saakin at mayabang akong tinaasan ng kilay. Mukhang alam ko na kung bakit ganito ang reaksyon niya.

"Anong meron dito, Sandro?" May dumating ulit na isang di-katandaang lalaki at sumulyap saakin. "Oh, Miss Sereno?" Yumuko lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ako kilala.

Nag-usap sila no'ng Sandro. Ako naman, naka-de-kwatro. Nagbukas ako ng bubblegum at mariin na tiningnan ang mga lalaking hindi pa rin nagsasalita na nasa harapan ko. Ewan ko kung dahil ba sa ayaw nilang isumbong ang boss nila o dahil natatakot sila saakin.

"Senyorito!"

"Magandang hapon, Senyorito!"

Napalingon ako sa binati nila and there I saw Cross. Wearing loose maong pants na may grasa at itim na damit, he walked towards our direction. May pawis na dumadaloy sa  leeg niya at ang kanyang mga braso ay kumikintab na rin dahil sa pawis. He looked intimidating. Napatayo ng tuwid ang mga tao sa loob ng Barangay hall dahil sa pagdating niya.

Hindi ko wari kung tatayo din ba ako o hindi kaya minabuti kong manatiling nakaupo nalang.

Para siyang Hari na binigyan pa ng daan.

His eyes drifted directly to me. Galit at iritado nanaman siya. Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng nagalit siya saakin tapos hanggang ngayon, galit pa rin siya? What did I do this time?

"Senyorito!"

"Kap Elvy. Sandro." He said in a cold tone then extended his hand on the two person in front of us.

Nakita kong may isinenyas si Cross sa dalawa at tumango ang mga ito.

"Let's go." Hinigit niya ang siko ko at hinila na ako palabas. Mahigpit pero may pag-iingat ang pagkakahawak niya saakin. Dire-diretso kami sa labas nang hindi pa rin siya nagsasalita.

"Teka lang. Bitaw nga!" Sabay bawi ko ng braso ko kaya natigil siya sa paglalakad at humarap saakin. Nakita ko ang paglalim ng kanyang paghinga, namumula ang kanyang leeg at tenga, maging ang kanyang mga kilay ay magkasalubong na.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili, baka magalit pa siya ng husto saakin. Iniwan ko siya at naglakad sa kabilang direksyon.

Hinanap ko sa daan ang suka't toyong binili ko ngunit hindi ko na makita.

"Where are you going?" Galit na tanong niya at sumunod saakin.

"May bibilhin ako. Huwag ka ng sumunod." Sabi ko ng hindi siya nililingon.

"What did you do this time,Rielle?" Sabing huwag sumunod eh! Pambihirang lalaking 'to!

"Suka at toyo nga ulit." Sabi ko sa tindera. Tumingin muna siya sa likod ko. Namula pa ang kanyang pisngi at hinawi ang takas ng kanyang buhok. "Suka at toyo, Miss." Ulit ko pero mukha atang wala siyang naririnig.

Letse!

Mariin akong humarap kay Cross at nakitang nasa akin ang kanyang buong atensyon habang nakapameywang pa.

"Miss! Ano ba?!" Sumigaw na ako at saka palang siya natauhan.

"S-sorry."

Hinablot ko ang binigay niya at nagmartsa na palayo sa petseng tindahan na 'yon.

"Teka Miss! Hindi ka pa nagbabayad!" Sigaw ng tindera kaya bumalik ako.

Kaso ang problema, wala akong makapa na kahit isang sentimo sa aking bulsa. Fuck!

Nakita kong may inabot na pera si Senyorito Cross sa kanya at naghintay pa ata ng sukli kaya ang ginawa ko ay tinikuran na silang dalawa.

"Rielle. I told you to stop—"

"Hindi ko naman papatulan ang lalaking 'yon kung hindi niya ako binastos!" Putol ko sa sasabihin niya. Tama lang 'yon sa kanya. Kulang pa nga 'yon eh, kung hindi lang dumating ang mga kag—Cross! Saan siya pupunta?

Dire-diretso ang lakad niya pabalik sa Barangay Hall. Mabibigat at malalaki ang kanyang mga hakbang, mukhang galit nanaman. Ano ba talaga ang problema niya?

"Rielle! Ano nanaman ang ginawa mong bata ka?! Sinabi ko naman sayo na tumigil ka na sa pakikipag-away mo di ba? Maawa ka naman sa sarili mo. Buti nalang at nandoon si Senyorito Cross kung hindi, hay naku!" Sunod-sunod na sermon saakin ni Nanay pagkadating ko sa bahay. Nasa labas pa siya ng bakuran namin at kulang nalang paluin na niya ako ng dala niyang sandok.

Hindi ko ramdam ang unang linggo sa college. I don't know if it's because of I'm not interested to study or something I can't figure out.

Pumasok agad ako sa kwarto pagdating ko galing eskwelahan. Binuksan ko ang cellphone kong matagal ko nang hindi nagagalaw simula no'ng sinauli ni Cross. At nanlaki ang aking mga mata nang makita na tadtad na missed calls at mga text messages ang inbox ko. After one month! Ngayon lang pumasok ang mga text na ito na hula ko dapat ay noon pa. Mabilis kong binuksan ang mga iyon.

Raynes:
"Hoy bakla! Nasaan ka?!"

Raynes:
"I'm worried, babe! Where are you ba?"

Raynes:
"Babe naman! Huwag ka ng magalit, umuwi ka na please."

Tito Tristan:
"Rielle, where are you? Hinahanap ka ng Mama mo. She's worried."

Tito Tristan:
"Please don't be mad at your mom, Rielle. Come back now."

Iggy:
"I heard na naglayas ka daw?"

Iggy:
"Where are you? pumunta ako sa bahay niyo no'ng nakaraan, and your Tito Tristan told me na wala ka pa daw. Nasaan ka ba?"

Iggy:
"I'm worried, Rielle."

Hindi ko na binuksan pa ang ibang text messages dahil pare-pareho lang naman. Hinahanap nila ako. But one thing that captured my attention is that, Mom is looking for me? And she's worried?

Hindi naman ata magsisinungaling si Tito Tristan na talagang hinahanap na nga ako ni Mama. After all, I'm her daughter. Natural naman na mag-alala siya saakin. Siguro naman, napagtanto na niya na mahalaga ako sa kanya. Na mahal niya talaga ako. Na kailangan niya ako sa buhay niya.

I smiled because of that thoughts.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
50.3K 1.8K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
78.3K 55 41
R18